You are on page 1of 6

Pangngalan - Ang Pangngalan ay isang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa

ngalan ng tao, bagay, hayop, o lunan. Ito ay tinatawag na Noun sa wikang .

Halimbawa:

a.Gusali
b.Lalaki
c.Bundok
d.Carlo
e.Bulaklak

Pandiwa - Ang Pandiwa ay mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw.


- Nabubuo ang pandiwa sa pamamagitan ng salitang-ugat at panlapi. Ang
pinagtambal na salitang-ugat at panlapi ay tinatawag na pawatas.

Halimbawa:

1)Napulot ang kwentas ko.

2)Nahulog siya.

3)Matiyagang nagsagawa ng mga pagsubok si Elias Howe.

4)Ang maybahay ay puspusang tumulong sa asawa.

Pang-uri - Ang Pang-uri ay mga salitang naglalarawan. Inilalalarwan nito ang katangian ng
mga pangngalan at panghalip.
- Maaring gawing payak na simuno o payak na panaguri ang pang-uri.
- Maari rin itong gwing bahaging naglalarawan ng simuno o panaguri.
- May mga pang-uri ring kaugnay ng pandama. May ma bagay na nauuri natin ang
katangian sa pamamagitan ng pandama tulad ng: matalas at matulis; makinis o magaspang;
malamig o mainit; makati at mahapdi.

Halimbawa.
1)Maganda ang babaeng dumaan dito kanina.
2) Lubhang matulungin ang kanyang kaibigan.

3)Tunay na kasiya-siya angkanyang imbensyon.


Panghalip -Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno. | Panauhan |
Una | Ikalawa | Ikatlo | Unang Panauhan | .

Halimbawa.

kayo , sila ,ako ,kami ,tayo ,ito ,kanino ,siya ,ikaw

Pangngalan Pantangi-may anyong pangngalan pantangi na naglalarawan sa isang


pangngalaln.

Halimbawa:

a. Ang bus ay biyaheng Bicol.


b. Si Steven Dilla ang pangulo ang kanilang klase.

Pangngalan Pambalana -Ang Pangngalan ay isang bahagi ng pananalita


na tumutukoy sa pangngalan ng tao, bagay, ... Pambalana: Ito ay ang tawag sa
alinmang nasasaklaw na uri ...

Halimbawa:

lapis, sapatos, karinderya ,inumin, parke .

Pangatnig-ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa magkasunod na salita,


parirala, o sugnay.

Halimbawa:

Dalawang pangkat ng Pangatnig:


1. nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita, parirala, o
sugnay na kapwa makatatayong mag-isa.
 at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero, atb.
At, saka, pati – ginagamit kung nais lamang nating idagdag o isingit ang
ikalawang salita o parirala o sugnay sa nauuna.
Hal. Masustansyang pagkain ang prutas at gulay.

O, ni, at maging - tinatawag na mga pangatnig na pamukod sa dahilang


pinagbubukod nito ang mga kaisipang ating pinag-uugnay
Hal. Ni saktan ni pagalitan ay hindi ko ginawa sa’yo.

Ngunit, subalit, datapwat, bagamat, at pero – ay tinatawag na mga


pangatnig na panalungat. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang
ipinahahayag ng nauuna.
Hal. Bata pa si Red subalit siya’y responsible na.

2. nag-uugnay ng di-magkatimbang na salita, parirala, o sugnay.


 Kung, kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, at
sana
Kung, kapag, at pag – pangatnig na panubali.
Hal. Uuwi ako kapag kasama ka.
Dahil sa, sapagkat, palibhasa – nagpapakilala ng sanhi o dahilan;
Tinatawag na mga pangatnig na pananhi
Hal. Palibhasa’y matalino, hindi nag-aaral sa Ben.
Kaya, kung gayon at sana – mga pangatnig na panlinaw;
0 ginagamit upang bigyang –diin o linaw ang kaisipang hatid ng
sugnay na di-makapag-iisa.
Hal. Kung nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak

Pang-ukol- ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip,


pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon.

Halimbawa:

ALINSUNOD SA/KAY ,TUNGO SA ,UKOL SA ,AYON KAY ,LABAG SA ,TUNGKOL SA/KAY


,PARA SA/KAY,HINGGIL SA ,LABAN SA/KAY ,NANG WALANG ,NANG MAY
Pang-abay- ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa
pang-abay.

Halimbawa:
MGA URI NG PANG-ABAY

1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.
 May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Hal. 1. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
2. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
3. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.
 Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Hal. 1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng
dulang Pilipino.
2. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40
na kaarawan.
 Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Hal. 1. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan.
2. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang
kanyang kalusugan.

2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa


pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay .
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o
panghalip.
Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantanging ngalan ng tao.
Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
2. Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa
iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
Hal. 1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
2. Bakit siya umalis na umiiyak?
3. Tumawa siyang parang sira ang isip.

4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap


sa kilos ng pandiwa. Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
Hal. 1. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng
Sandiganbayan.
2. Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home
Coming kaysa nakaraang taon.
3. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo,


opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Hal. 1. Oo,asahan mo ang aking tulong.
2. Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
3. Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.


Hal. 1. Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong


na gaano o magkano.
Hal. 1. Tumaba ako nang limang libra .
2. Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.


Hal. 1. Kailan po kayo uuwi?
2. Opo, aakyat na po ako.

Salitang-ugat- Ay isang uri ng wika na tinatawag ring "payak". Isang salita na


maaaring dugtungan ng maylapi upang makabuo ng panibagong salita.

Halimbawa:

kain + um = kumain
kain + in =kainin
kain + in =kinain

inom + um = uminom
inom + in =inumin
inom + in=ininom
sabi + hin =sabihin
sabi + han =sabihan
sabi + in =sinabi
mag + sabi =magsabi
Wastong gamit ng NANG at NG :

*NANG: karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ay panimula


ng katulong na sugnay.
Halimbawa: Mag-aral ka nang mabuti ng makapasa ka sa eksam.
: nagmula sa na at inangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panaguri nito.
Halimbawa: Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
: ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit
at dalawang pandiwang inuulit.
Mga halimbawa: Suklay nang suklay
: Mag-ipon nang mag-ipon
: Nagdasal nang nagdasal
*NG: ginagamit na pananda sa tuwirang layo ng pandiwang palipat.
Halimbawa: Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
: ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Halimbawa: Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa kanyang laruan.
: ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Halimbawa: Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis.
MAYROON at MERON:

Paahirin at Pahiran:
pahirin-pag-alis o pagpawi sa isang bagay,alisin ang bagay.
hal.pahirin mo ang pawis sa kanyang likod.
pahiran-paglalagay ng kaunting bagay.
hal.pahiran mo ng baby oil ang kanyang buhok.
Putulin at Putulan:
Sagutan at Sagutin:
Mga bantas

You might also like