You are on page 1of 5

KAHULUGAN NG PANITIKAN :

• Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at


mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan,
pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba.

MGA IBA’T IBANG KATUTURAN NG PANITIKAN :

• Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.


• Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at kahulugan ng buhay at pamumuhay na
nagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng balana ang maraming palaisipan dumarating
sa buhay ng bawat nilalang.
• Ang panitikan ay talaan ng buhay.
• Bungang – isp na isinatitik.
• Ito ay yaong nagpapahayg ng kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan nng
sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga pahayag.
• Ito ay kabuuuan ng mga kaisipan, karanasan ng isang bansa, paniniwala, pamahiin at
pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at makasining
na paraan.
• Kathang pampanitikang nag-iiwan ng bisa sa isip at puso ng mambabasa

IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO :


Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao at
ito’y may dalawang kalagayan ;
1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing
pinanggalingan ng panitikan.
2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at
kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Maraming ang mga akdang pampanitikan nagdadala ng malaking impluwensiya sa


daigdig.Ang ilan sa mga ito’y ang mga sumusunod :
1. Banal na Kasulatan – nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano
2. Koran – (Arabia) Bibliya ng mga Muslim
3. Iliad at Odyssey – ni Homer – (Gresya) –siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
4. Maha-Bharatas - (Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya
5. Divina Comedia - ni Dante – (Italya) – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at
pag-uugali ng mga Italyano
6. Aklat ng mga Araw - ni Confucious – (Tsina) – naging batayan ng kalinangan at
pananampalatayang Insik
7. Aklat ng mga Patay – (Ehipto) – kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga
taga-Ehipto.
8. Counterburry Tales – ni Chaucer- (Inglatera) naglalarawan ng mga ugaling Ingles at
ng kanilang pananampalataya
9. El Cid Campeador – (Espanya) – nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-uugali at
kasaysayan
10. Uncle Tom’s Cabin – si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata
ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng
demokrasya sa daigdig

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN :


1. Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang mga
minanang yaman ng kaisipan.
2. Upang alaming tayo’y may marangal na tradisyong katulad ng ibang lahi.
3. Upang matalos ang mga kapintasang at kakulangan ng ating panitikan at mapag-
aralang ito’y matuwid.

1
4. Upang makilala ang ating mga kahusayan sa panitikan at ang mga ito’y lalong
mapapayaman.
5. Sapagkat tayo’y mga Pilipino, kailangang tayo’y magmalasakit at tumangkilik sa
sariling atin.

KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN


1. Malalaman ng mga ato ang kanilang sariling kalinangan at kasayasayan.
2. Makikita nila ang kanilang sariling kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at
pag-uugali.
3. Matutuhan nilang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at nagiging matibay at matatg
ang kanilang pagkilala sa kanilang lahi.
4. Malalaman ang kahalagahan nng sariling wika sa paglalarawan ng makabagong
karanasan, pangarap, paniniwala at gawaing pang-araw – araw

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN


1. Klima - ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, sigwa, ulan, at baha na nagbibigay ng
karanasan na humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at palagay ng mga manunulat ng akda
ay siyang nagiging paksa, buod o kintal na damdamin
2. Gawaing- pang-araw – araw o Hanapbuhay – ang gawaing- pang-araw – araw o
hanapbuhay ng tao at tungkulin ng karaniwang tao ay siyang nagpapasok ng mga salita
at kakanyahan ng pagkukuru-kuro sa wika at panitikan ng isang lahi o bansa.
3. Kapaligiran / Pook o kinatitirhan - ang lunan at kapaligiran ng isang lahi ay
nagpapasiya sa hilig at takbo ng pamumuhay ng tao. Ang bansang mapulo at madagat
tulad ng sa atin ay mayaman sa larawan diwang pinasisigla at binibigyang kulay ng mga
kabundukan, kabukiran at karagatan.
4. Lipunan at Ideolohiya / Pulitika - ang ugaling panlipunan at mga simulating
itinaguyod ng bansa ay natatadhana ng kalinangan at kabihasnang isinalalarawan ng
panitikan ng bansa.
5. Edukasyon at Relihiyon / Pananampalataya - ang tayog, lalilm at lawak ng
kaalaman ng panitikan ay ayon sa kung hanggang saan ang abot ng saklaw ng kaligtasan
ng kaluluwa at sining ng karunungan ng mga mamamayan. Ang pananampalatayang
dala ng relihiyon, kabihasnan, kalinangan gayundin ang pilosopiya ng edukasyon ay
tulung-tulong na tumitiyak sa uri ng panitikan.

MGA YUGTO NG PANITIKANG FILIPINO


1. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila –
Katutubong Panitikan – mula sa kamula-mulang panahon hanggang sa pananakop
na gianwa ni Legaspi noong 1565.
• Ginamit n gating mga ninuno ay ang ALIBATA
• May sarili ng panitikan an gating mga ninuno
• Sumusulat sila mula sa itaas pababa
a. Panahon ng Kuwentong – bayan – ( alamat, mito, epiko, salaysay )
b. Panahon ng karunungang – bayan – ( bugtong , salawikain, palaisipan, kasabihan,
kawikaan, bulong )
c. Panahon ng awiting – bayan -
• Soliranin (Rowing Song) – awit sa pamamangka ng mga Tagalog .

2
• Talindaw ( Boat Song) - awit ng pamamangka
• Diona ( Nuptial or Courtship Song) - awit sa panliligaw o kasal
• Oyayi (Lullaby Song) - awit ng pampatulog sa bata o panghele
• Dalit ( Hymns) – awit ng pagpaparangal sa Maykapal
• Kumintang ( War or Battle Song) - awit sa pakikidigma
• Sambotani - (Victory Song) - awit sa pagtatagumpay
• Kundiman ( Love Song) – awit ng pag-ibig
• Hilirao o Pamatbat - awit pang-inuman
• Indolanin o Kutang-kutang - awit panlasangan

2. Panahon ng Kastila – ( 1565 – 1872 )


Panitikan sa Ilalim ng Krus at Espada –
Sinunog nila ang mga ilang pantikang naabutan nila mula sa ating mga ninuno
sapagkat ang mga pari ay naniniwalang ang mga iyon ay likha ng diyablo.
• Paksa : panrelihiyon sapagkat ang layunin ng mga Kastila ay pagpapalaganap ng
kristiyanismo
• Nagsimula ang mga duplo, karagatan, komedya, pasyon, senakulo, sarsuwela,
tulang liriko, kurido at awit
• Walang orihinalidad ang mga akda halaw sa anyo at tradisyong Kastila
• Maraming akada ang nauukol sa wika ( gramatika at bokabularyo )
• Nagkaroon ng mga paaralan
• Nagbago ang mga pamumuhay ng tao at pati na rin diwa at isipan nila
• Nagkaroon na rin ng palimbagan
3. Panahon ng Propaganda at Himagsikan - ( 1872 – 1903 )
Panitikan sa pagkagising ng Damdaming Makabayan mula noong 1872 hanggang 1896
• Nagsimula ang pag-aalsa sa Cavite dahil sa pagpatay sa tatlong paring martir
( GOMBURZA )
• Nagsilabas ang mga propagandistang sina Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez
Jaena at Dr. Jose Rizal
4. Panahon ng Amerikano _ ( 1903 – 1941 )
Panitikan ng Paghihimagsik at patuloy na Pakikipaglaban
• Himagsikan laban sa Kastila
• Himagsikan laban sa Amerikano
• Ang mga tao ay nagakaroon ng kaisipang demokratiko
• Ang mga akda ay kasisinagan ng pag-ibig sa bayan at pagmimithi ng
kalayaan
• Nagkaroon ng maraming kuwento at mga dula at iba pang panitikan
Panitikan sa Ilalim ng Amerika mula 1990 hanggang 1941
• Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan
• Panahon ng Romantisismo sa Panitikan
• Panahon ng Malasariling Pamahalaan
5. Panitikan sa Ilalim ng Hapon - (1941 – 1945 )
Panahon ng Panulat sa Filipino

3
• Napinid pansamantala ang palimbagan kaya namahinga ang mga manunulat
• Ang mga paksa ng tula ay tungkol sa pag-ibig, kalikasan, buhay-lalawigan,
pananampalatay, sining at pagkamakabayan
• Nakilala ang tulang “Free Verse” o Malayang Taludturan, ang Haiku at Tanaga
• Nagkaroon ng mga dula sa teatro

6. Panahon ng Bagong Kalayaan – ( 1945 – 1972 )


Panitikan ng Mabilis na Pagbabago
Pagkatatag o Panahon ng Republika mula 1946 hanggang 1972
• Sumigla ang panitikan
• Naging paksa ay tungkol sa kalupitan ng Hapon, kabayanihan ng mga gerilya
• Nabuksa muli ang palimbagan at maraming aklat ang nailimbag
• Nagsimula ang mga patimpalak sa panitik tulad ng “ Carlos Palanca Memorial
Awards” - 1950
7. Panahon ng Bagong Lipunan – ( 1972 – 1981 )
Panahon ng Aktibismo
• Ang mga paksa ng panahong ito ay tungkol sa ikauunlad ng bayan ‘ Green
Revolution, Pagpaplano ng Pamilya, Wastong Pagkain, Drug Addiction,
Pollution, atbp.
• Nagkaroon ng taunang kapistahan ng Pelikulang Pilipino at kaya nagkaroon din
ng mga de kalidad na pelikula
• Naging maunlad din ang teatro kaya itinayo ang CCP (Cultural Center of the
Philippines )
• Naging malakas ang mga programa sa radio at telebisyon tulad ng : “ Ito ang
Palad Ko”, “ Mr. Lonely” at “Gulong Palad”, Flordeluna” at “Anna Liza”
• Nagsimula ang mga awiting Pinoy tulad ng Anak ni Freddie Aguilar, Ako’y Isang
Pinoy ni Florante, atbp.

8. Panahon ng Ikatlong Republika – ( 1981 -1986 )


• Ang mga tula ay mga papuri sa mga nanunugkulan at ukol sa kalikasan
9. Panahon ng Lakas ng Bayan – ( 1986 -
• Ang mga tula sa pnahong ito ay naglalaman ng halos walang kakimiang
pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga manunulat
• Nagkaroon pa ng maraming awiting Pilipino tulad ng awiting “Bayan Ko” ni Jose
Corazon de Jesus ay inawit ni Freddie Aguilar, sumikat pa ang maraming mang-
aawit tulad nina Basil Valdez, Francis Magalona, Apo Hiking Society, Gary
Valencaino , atbp.
• Ang mga paksa ng kuwento ay tungkol sa mga tunay na nagaganap sa lipunang
Pilipino
• Sari-saring dula ang napanonood o iyong tinatawag na “Stage Show”

Dalawang anyo ng Panitikan :

4
1. Patula ( Poetry ) – pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na
pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
2. Tuluyan ( Prose ) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap.

PANITIKAN

PANULAAN TULUYAN
Alamat
LIRIKO PASALAYSAY PANDULAAN
Oda Epiko Duplo Pabula

Elehiya Awit Karagatan Parabula

Soneto Kurido Moro-moro Maikling kuwento


Imno Balada Senakulo Nobela
Dalit Panuluyan Talambuhay

Kanta Tibag Sanaysay


Balagtasan Anekdota
Klasikal Talumpati
Salaysay

Dula

Pangulong – tudling

Inihanda ni : Gng. Jane Pañares

You might also like