You are on page 1of 5

“Malalim ang Ugat na Kinamulatan”

ni: Gregorio G. Cruz

Buod:
Ang mag-asawang Ingkong Dakila at Impo Aria ay nakatira sa bayan ng Pulilan.
Sila ay mahilig ipagdiwang ang pasko. Bago sumapit ang pasko ay gumagawa na si
Ingkong Dakila ng mga parol. Tuwing Pasko may tatlong parol na nakasabit sa
kanilang bahay. Ito ay sumisimbolo sa kanilang tatlong anak na lalaki. Sina Raniel
Cristobal Cruz, Cenizal Cristobal Cruz at Kier Cristobal Cruz. Ang tatlong anak nila ay
nakatira sa Quezon City, Las Piñas, at sa Pasay City. May kani-kanilang pamilya na rin
sila.
Bisperas pa lamang ng pasko ay pumupunta na si Aling Tibay at ang kanyang anak
na si Danny sa bahay nina Ingkong Dakila at Impo Aria upang tanungin kung ilang
letson ang kanilang lulutuin. Kung noon isa lamang ang pinapaluto ni Ingkong Dakila
sa mag-ina, ngayon ay dalawa na dahil sa lumalaki na ang kanilang pamilya.
Disyembre 25 araw ng pasko isa isa ng dumating ang anak nina Impo Aria at Ingkong
Dakila sa kanilang bahay.
Nagkatipon-tipon ang mga magkakapamilya. Sa matandang bahay na ito’y kay
lalim ng ugat ng tradisyon ng ating angkan: pagmamahalan. Mga anak wala kayong
kapalit sa aming puso.Sana’y huwag niyong palitan ang matandang bahay na ito na
sagisag at larawan ng bawat isa sa inyo. Matandang bahay na moog ng isang dakilang
tradisyon, wika ni Ingkong Dakila. Matandang bahay na dambana ng isang kainggit-
inggit na pagmamahalan,” umiiyak na dugtong ni Impo Aria.

Reaksyon:
Ipinapakita nito na ang tunay na pagmamahalan ay nagmumula sa pamilya at
walang sinuman ang makakahigit dito. Ilang taon man ang lumipas mananatiling isang
masayang alaala ang kahapon. Naging maganda ang pagkakalahad ng may-akda kaya
naunawaan ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng may-akda.

Aral:
Saan ka man makarating, ano man ang iyong makamit, matuto ka pa ring lumingon
sa iyong pinanggalingan. Dahil kung gagawin mo ito, mararating mo ang tuktok ng
tagumpay. Sa tulong mga taong nagmamahal sa’yo ng tunay at walang pag-
aalilangan.

”May Pait ang Tinig ng Lungsod”


ni: Servillano T. Marquez Jr.

Buod:
Isang hapon na nakaupo ako sa may pampang ng Manila Bay. Napakaganda ng
paglubog ng araw.
Maya-maya pa habang ako’y papauwi na. Napansin kong napakaingay pa ng
lungsod na aking kinalakihan, lungsod kung saan ako’y nagkaisip. Maririnig ko ang
ingay ng dyip, mga namamalimos na bata, nagsisigawang tao at kung ano-ano
pa. Habang ako’y naglalakad, nadaanan ko ang tindahan ni Akong. May upuan malapit
ditto at naingganyo akong maupo muna. Maya-maya’y dumaan naman ang
napakaingay na tren, at kahit na lumagpas na ito ay parang naiwan sa akin ang ingay
na iyon.
Napagpasya kong umuwi na at maghapunan. Pagkatapos kong maghapunan,
naupo muna ako sa ikalawang baitang ng aming hagdanan. Napansin at narinig ko ulit
ang napakaingay at napakaduming pabrika na nasa harap ng aming bahay.
Minabuti kong magimpake at umalis muna sa aking kinalakihan at magibang
bayan muna. Tatakasan ko muna ang ingay na dala ng aking lungsod na kinalakihan.

Reaksyon:
Napakaganda ng kwento dahil hango ito sa tunay na buhay ng isang tao na
nakatira sa lungsod kung saan ang naturang tao ay makararanas ng napakapuot na
ingay ng lungsod na galing sa katulad niyang tao. Naghatid ito ng mensahe sa mga
mambabasa at kapupulutan ng aral na maaari nating isabuhay. Angkop ang mga antas
na ginamit kaya naintindihan ng mga mambabasa ang nais ipahiwatig nito.

Aral:
Sa halip na takasan ang problema, matuto tayong harapin ito at bigyan ng
karampatang solusyon nang sa gayon sa darating na mga henerasyon hindi nila
dadanasin pa ang mga problema ukol sa ating bansa na ating dinadanas natin sa
kasalukuyan. Humanap tayo ng solusyon at huwag na lamang itong pabayaan dahil
ang problema sa ating kapaligiran ay tayo ang may gawa at may kasalanan. Kaya tayo
rin ang humanap at magbigay ng solusyon.

“Ang Tunay na Buhay”


ni: Pedro Reyes Villanueva

Buod:
Maliit pa lang si Renato ay napansin na ng kanyang Amang si Don Manuel ang
hilig nito sa mga halaman habang ang mga kapatid nitong sina Enteng at Ninoy ay sa
pagbabasa naman ng libro dahil dito madalas nilang hamakin ang bunsong kapatid na
wala raw itong mararating. Kaya ng lumaki sila’y nagkakanya–kanya sila ng karera sa
buhay, si Enteng ay sa pagiging manananggol, si Ninoy sa panggagamot at ang
kanilang bunsong si Renato naman ay sa agrikultura naman itinuon ang pag-aaral.
Labis naman ang katuwaan ni Don Manuel sa pagtatapos ng kaniyang mga anak.
Papuri ang mga natatanggap nina Enteng at Ninoy habang panlalait naman kay
Renato sa pagiging magsasaka nito. Makalipas ang anim na taon ay nagsipatapos ang
magkakapatid at natupad ng bawat isa ang kanilang mga pangarap habang si Don
Manuel naman ay unti-unti ng nauubusan ng kayamanan dahil sa malaking gastos
nang pumasok sa kolehiyo sina Enteng at Ninoy sapagkat namuhay ang mga ito ng
maharlika sa siyudad. Samantalang napakaliit na halaga lamang ang ginugol ng Don
kay Renato dahil agad na itong nagsarili ng pamumuhay. Nagtanan sina Renato at
Liling pagkaraang hindi pumayag ang ama ni Liling na si Don Carpio kay Renato dahil
sa isa lamang itong magsasaka. Nagtrabaho si Renato sa pamahalaan ukol sa
pagtatanim at nang tumagal na ay nakapagpatayo siya ng malalawak na taniman at
pag-aalaga ng mga hayop. Ang kanyang mga kapatid ay nagpatayo ng mga
tanggapan at klinika ngunit naisanla rin dahil sa ginigipit na ang mga ito. Nagkasakit si
Don Manuel dahil sa paglubog ng kanilang pamumuhay, dinalaw sila ni Renato ng
mabalitaan ang nangyari sa kanila. Hiyang-hiya naman ang mga kapatid kay Renato.
Dinala ni Renato ang kanilang ama at mga kapatid sa kanyang lupain at labis ang
katuwaan ni Don Manuel sa narating ng kanyang bunso habang parang dinudurog ang
puso ng dalawa sa kahihiyan. Lingid sa kanilang kaalaman ay tinubos ni Renato ang
tanggapan at klinika ng kanyang mga kapatid. Nagpahanda ng isang malaking piging
si Renato sa panunumbalik ng lakas ng ama, nagsipadalo ang maraming tao at sa
tulong na rin ni Don Manuel ay napapunta nila si Don Carpio. Nawala lahat ng
hinanakit ni Don Carpio ng makita at mahagkan ang kanyang apo na si Rody.

Reaksyon:
Napakabuti ng kanyang anak na bunso at kahit siya ay nilalait ng mga taong
nasa paligid niya niya ay hindi siya nagpapa apekto sa halip hindi siya nagpadala sa
mga sinasabi ng mga ito at sinunod ang kanyang naisin sa buhay. Bunga nito, nagging
matagumpay siya ng walang katuwang sa buhay. Naging maganda ang pagkakagamit
ng antas ng pang-unawa ng may-akda kaya naintindihan ito ng mga mambabasa.

Aral:
Ang taong may mga pangarap na hindi nawawalan ng pag-asa at kahit anong
pagsubok pa man ay kayang tiis dahil gaya nga nga ng kasabihan kung gugustuhin mo
ay maraming paraan at kung ayaw mo ay maraming dahilan. Hindi hadlang ang ibang
tao kung ano ang adhikain mo sa iyong buhay. Ipinapahatid nito na sundin mo kung
anong gusto mo dahil kapag ginawa mo ito ay hindi ka magsisisi.

“Ang Kalupi”
ni: Benjamin Pascual

Buod:
Mataas na ang araw at si Aling Marta ay naghahanda na para sa pagtatapos ng
kanyang anak sa mataas na paaralan. Umalis siya upang bumili sa palengke ng mga
lulutuin ngunit habang naglalakad ito ay may nakabangga sa kanyang gusgusing bata.
Nang dumating na ito sa pamilihan ay nakapa niya sa kanyang bulsa na wala na
ang kanyang kalupi at naalala nito ang batang nakabangga sa kanya. Hinanap ni Aling
Marta ang bata at pinahuli ito, pinipilit niya na aminin ng batang si Andres na kinuha
nito ang kanyang kalupi. Sa takot ni Andres tumakas ito at sa pagtakbo niya ay di
inaasahang masagasaan siya ng isang rumaragasang sasakyan bagamat nagulat si
Aling Marta naiinis pa rin siya dahil iniisip niyang wala siyang mabibili dahil sa
pagkawala ng kanyang kalupi.
Pansamantalang nangutang si Aling Marta para makabili ng mga kakailanganin
sa pagtatapos ng anak at sa pagdating nito sa bahay ay may dala ng pinamili ngunit di
pa man nakakapasok ay nagtanong na ang asawa at anak kung saan nito nakuha ang
pinambili dahil naiwan pala nito ang kanyang kalupi. Nang siya’y papaakyat na ng
hagdan ay naalala niya ang batang payat, duguan at ang pangangatwiran nito na hindi
siya ang nagnakaw ng kalupi.

Reaksyon:
Masasabi ko na mali ang ginawa ni Aling Marta sa bata sapagkat wala siyang
sapat na ebidensya na magpapatunay na ang bata ang kumuha ng kanyang kalupi.
Ang paghihinala ng walang batayan ay hindi magbubunga ng maganda. Isa pa ay
magaling ang pagkakalahad ng kwento kaya naintindihan ng mambabasa ang nais
ipahatid ng may-akda. Angkop din ang antas na ginamit ng may-akda sa kwentong ito.

Aral:
Para sa akin ang hatid na aral nito sa mambabasa ay huwag tayong
manghuhusga ng kung sinuman dahil sa kanyang panlabas na anyo lalo na kung wala
naman tayong sapat na ebidensya na mampapatunay ng ating mga ibinibintang. Sa
halip, tingnan natin ang iba’t ibang anggulo ng mga pangyayari bago tayo
mambintang. Maaaring magdulot ng hindi kaaya-ayang pangyayari ang pagbibintang
sa ibang tao.
“Salamat kay Itay”
ni CORA A. EVANGELISTA

Buod:
Si Reynante ay nasa ikalawang taon pa lamang sa inhinyera. Ngunit nalaman ng
kanyang ama na siya ay nagbubulakbol lamang. Sinabi sa kanya ng kanyang ina na
siya titigil muna sa pag-aaral dahil nga sa nalaman ng kanyang ama. Laking gulat ni
Reynante ng malaman niya ito. Ngunit naisip ni Reynante na baka ang sinasabing
pagluluko ng kanyang ama ay ang pagsama niya sa kanyang kaibigan na si Bert.
Bukod sa pagluluko ay nalaman din ng ama ni Reynante na siya ay may bagsak. Ibig
itanong ni Reynante sa kanyang ina kung paano nalaman ng kanyang tatay na may
bagsak siya dahil sa pagkakaalam nito, ang kanyang tatay ay hindi nakapag-aral.
Katunayan ay isang estibador lamang sa pier ang kanyang ama.
Isang araw nagtungo si Reynante sa kanyang ina upang hingin ang kanyang
buwanang panggastos. Ngunit hindi niya ito nakuha. Sa halip umalis ito ng padabog at
sinabing maghahanap ng trabaho.
Habang nagtatrabaho, napagtanto niya na ang magtrabaho habang nag-aaral ay
mahirap. Isang araw laking gulat niya ng pag-uwi niya sa kanyang inuupahang kwarto
ay nandoon ang kanyang ina upang kamustahin siya. Nang mga oras na iyon ay
naunawaan at nalinawan na si Reynante kung bakit ganoon ang kanyang ama.
Dumukot ang kanyang ina sa bulsa ng kanyang bestida at inilabas ang portameda.
Kinuha niya ang pera at inabot sa kanyang anak. Sinabi niya na ito ay pinabibigay ng
kanyang ama, ngunit umiling si Reynante at sinabing “Huwag na inay,” “Kumikita na
ho ako ngayon” sabihin niyo na lang sa tatay na Maraming Salamat.

Reaksyon:
Kailanman ay hindi naghangad ng masama ang mga magulang para sa kanilang
mga anak kaya naman huwag nain silang balewalain. Irespeto natin sila sa abot ng
ating makakaya dahil kung wala sila ay malamang walarin tayo sa ating kinalalagyan
ngayon. Sa pagbasa ko ng kwentong ito, naghatid ito ng inspirasyon sa mga
mambabasa at angkop din ang antas na ginamit ng may-akda. Dahil dito lalo pang
naunawaan ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng may-akda.
Aral:
Una, isipin muna nating mabuti ang mga sasabihin natin sa ibang tao nang sa
gayon ay wala tayong masaktan na damdamin. Huwag tayong magpadalus-dalos sa
pagsasalita. Ikalawa, umiwas tayo sa mga bagay o tao na maaaring sumira ng ating
kinabukasan.

Pambansang Mataas na Paaralan ng Silangan Dasmariñas


San Simon, Lungsod ng Dasmariñas
Lingguhang
Suring Basa
Ipinasa ni:
Dela Fuente, Darlene Gayle D.
IV – Gold

Ipinasa kay:
Bb. Aida V. Catibayan

Petsa ng Pagpasa:
Ika – 24 ng Enero 2011

You might also like