P. 1
Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

|Views: 2,519|Likes:
Published by Irish Lee Martin

More info:

Published by: Irish Lee Martin on Feb 16, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/06/2013

pdf

text

original

Plastic Bottles

1

Running head : EPEKTO NG MARAMIHANG PAGGAMIT NG PLASTIC BOTTLES

Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles Astronomia, Cammhel Cansino, Ma. Arvina S. Garces, Lovely Crecel C. Martin, Irish Lee B. Ramirez, Jayson F. Unibersidad ng San Luis Gng. Amparo Cato (Instructor Filipino II) Sa kahingian ng asignaturang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) Ika-16 ng Pebrero, 2011

at iba pa. nakagawian na ng karamihan na gamitin ito ng paulit-ulit.Plastic Bottles 2 Abstrak Sa panahong milenyo. Keywords: Polyethylene terephthalate Phthalates o Phthalate Esters . Isa sa pinakamadalas na ginagamit ay ang plastic bottle na tulad ng C2. Ang PET o Polyethylene terephthalate na isang uri ng kemikal ay kadalasang sangkap sa paggawa ng mga plastic bottles lalung-lalo na ng mga clear bottles. Sa kaalamang puwede itong i-recycle. may mga hindi mabuting epekto sa ating kalusugan ang paulit-ulit na paggamit ng mga plastic bottles dahil sa taglay nitong PET. parte na ng ating buhay ang plastik. Sting. Lingid sa kaalaman ng karamihan. Ngunit maaari nating iwasan ang mga problemang ito sa pamamagitan ng pagtingin sa impormasyon at pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa nasusulat sa ilalim ng bote.

nitrogen. and thus capable of being formed into various shapes. 1983 ). Isa sa mga polymers na ginagamit ay ang vinyl chloride na unang ginawa ni H. T. Ang salitang “plastics” ay nagmula sa salitang Griyego na “plastikos” na nangangahulugang “to form or fit for molding” ( Richardson. hindi maiiwasan na hindi tayo gumamit ng plastic. at ang ga karaniwang ginagamit. Magmula sa mga parte ng sasakyan. of heat and pressure” ( Society of the Plastic Industry ). Resins are gum-like solid or semi-solid substances used in making such products as paints. sa palengke. A polymer is a substance that has large molecules made by joining many small molecules of one or more several substances. A resin is not a plastics unless and until the resin has become a “solid in the finished state” ( Richardson. Ang plastic bottle naman na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit ay nabuo noong taong 1962 at ang material na ginamit para dito ay phenoxy. and other organic or inorganic elements which. Ang plastic na karaniwang ginagamit ay gawa sa iba’t ibang polymers at resins. varnishes. ang plastic bottle. ito ay may kakayahang mahulma sa anumang hugis o korte sa tulong ng init at presyur. at some stage in its manufacture is made liquid. hanggang sa kusina. most usually through the application either singly or together. Base sa ibinigay na kahulugan ng Society of the Plastic Industry tungkol sa plastic. while solid in the finished state. “Any one of a large and varied group of materials consisting of carbon with oxygen. hydrogen. T. and plastics.. .Plastic Bottles 3 Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng mga Plastic Bottles Sa araw-araw na gawain. 1983 ). Pinaboran lamang ang paggamit ng plastic noong 1909 nang unang ilabas ang Bakelite plastic na mula sa phenolformaldehyde at ginawa ni Leo Hendrik Baekeland kung saan ang nasabing material ay unang ginamit sa paggawa ng telephone handset. Regnault noong 1835 ngunit ang paggamit ng plastic noon ay hindi pa tanggap sa lipunan.V.

6.5 kilos ng aluminum at 27 pounds ng glass. “The strength of plastic allows less packaging to be used. at dahil dito. Patunay ito na sa paggamit natin ng plastic o ng plastic bottle ay gumagaan ang ating buhay. O Ang simbolo ng Polyethylene terephthalate Karaniwang nakikita ang simbolong ito sa ilalim ng mga clear plastic bottles na binibili tulad ng C2. P. Sa kasalukuyan. and energy costs. Kaakibat ng pag-aaral na ito ay ang tatlong mga katanungang binuo upang maging pokus ng mga mananlilksik at upang . Absolute. “Improvements in plastics themselves have resulted in soda bottles and milk jugs that use less material today than used 20 years ago” ( Anastas.5 kilos ng plastic. ang Polyethylene terephthalate ay ang uri ng polymer na kadalasang ginagamitsa paggawa ng mga plastic bottles nabibili ng isang indibidwal kahit saan. et. decreasing production. Ang pag-re-recycle ng plastic gaya ng paulit-ulit na paggamit dito bilang inumin ay pangkaraniwan nang gawain ng mga Pilipino ngunit lingid sa ating kaalaman na mayroon itong mga hindi mabuting epekto na nakakasama sa ating kalusugan. hindi maikakailang kailangan natin ang mga ito sa ating pamumuhay. Karamihan sa mga gumagamit ng mga plastic bottle ay walang sapat na kaalaman sa kung ilang beses lamang dapat gamitin ang mga ito bilang mga inuin.T. Nature’s Spring at iba pang inuming nakalagay sa clear plastic bottles.al. Ang walong galon ng juice ay maaaring ilagay sa 4. shipping. Sa tulong ng paggamit ng mga plastic bottles ng higit sa isang beses ay nababawasan ang mga basura.Plastic Bottles 4 Ikonsidera natin ang paggamit ng plastic bilang container o lagayan ng inumin. ).

wikipedia. ( http://en. “In studies of rodents exposed to certain phthalates. Ito ay upang maging gabay sa patuloy na paggamit ng nakararami ng plastic bottles bilang inumin man o iba pa. high doses have been shown to change hormone levels and cause birth defects. Para sa ikatatagumpay ng . Hindi rin nakasaad sa pag-aaral na ito ang epekto ng paggamit ng plastic bottles sa kapaligiran o saan pa man. Sa tulong nito ay mabibigyan ng sapat na kaalaman ang nakararami at ang mga makakaalam o makakabasa ng pag-aaral ukol sa mga plastic bottles na ginagamit araw-araw upang mapangalagaan na rin ang kalusugan ng katawan laban sa mga hindi mabuting epekto ng mga ito nang sa gayon ay mabago ang paraan ng pamumuhay ng isang indibidwal sa paggamit ng plastic bottles. Proposed mechanisms include leaching of phthalates as well as leaching of antimony. Ang bilang ng dami ng dapat na paggamit ng plastic bottles ay nakabase sa bilang na nasa loob ng tatsulok o recycle sign na makikita sa ilalaim ng bote o sa katawan nito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay maipararating sa nakararami ang mga tamang paggamit ng plastic bottles.org/ wiki/Environmental_Helath_Perspectives ).org/wiki/Phthalate ) Commentary published in Environmental Health Perspectives in April 2010 suggested that PET might yield endocrine disruptors under conditions of common use and recommended research on this topic.Plastic Bottles 5 maging gabay sa pag-aaral. Isa sa mga ginagamit sa paggawa ng plastic bottle ay ang phthalates.wikipedia. Maiiwasan ang mga hindi mabuting epekto ng maramihang paggamit ng plastic bottle sa pagkakaroon ng kaalaman ukol sa PETE o PET na nakalagay sa plastic bottle. Ang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay nakatuon lamang sa epekto ng maramihang paggamit ng plastic bottles sa kalusugan ng tao. indicating that it is quite unlikely that PET yields endocrine disruptors in mineral water ( http://en. Other authors (FRANZ and WELLE) published evidence based on mathematical modeling.

METODO Kasangkot sa Pag-aaral Ang mga nakibahagi sa pag-aaral ay ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng San Luis na nagmula sa kolehiyo ng School of Engineering and Architecture (SEA) at School of Nursing (SON).Plastic Bottles 6 nasabing pananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan ang mga mananaliksik na sinagutan ng limampung (50) mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng San Luis na bumibili ng mga inuming nakalagay sa plastic bottles sa kantina ng nasabing Unibersidad. pamantayan. Nangalap ng ang mga mananliksik sa mga mag-aaral . Disenyo ng Pananaliksik Sa pag-aaral na ito ay ginamit ang Desciptive Method o Palarawang Paraan ngPananaliksik sapagkat sumasaklaw ito sa kasalukuyan. Ang mga mag-aaral ay nasangkot sa pag-aaral upang sagutin ang sampung(10) mga katanungan na kailangan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. at kalagayan ng napiling paksa upang maipaalam ang layunin at kahalagahan ng isinagawang pag-aaral. Ang mga napiling mag-aaral ay mga konsyumer o mga bumibili ng inuming nasa plastic bottle sa kantina ng nasabing unibersidad. Pamamaraan ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay nakalikom ng mga datos sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire – checklist). Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang mga pangkasalukuyang ginagawa. Sa tulong ng kasagutan ng mga kasangkot ay malalaman ng mga mananaliksik ang karaniwang uri ng plastic bottle na ginagamit bilang lagayan ng inumin.

Bukod sa resulta na nakuha sa datos mula sa talatanugan (questionnaire – checklist). Ang mga ito ay siyang gagamitin ng mga mananaliksik upang makabuo ng konklusyon na basehan ng rekomendasyon. kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang mahahalagang detalye at importanteng impormasyon sa internet at ang mga librong matatagpuan sa silid – aklatan ng nabanggit na unibersidad.Plastic Bottles 7 ng Pamantasan ng San Luis na bumibili sa kantina ng mga inuming nakalagay sa plastic bottle. Bahagdan ng mga Bumibili ng Inuming Nakalagay sa Plastic Bottles 0% Oo Hindi 100% . Sa ibaba ng bawat grap ay nakalagay ang interpretasyon upang mas lalong maintindihan ang mga sinasaad nito. Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik Ang mga sumusunod na grap ay ang paglalahad ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa limampung (50) mga tagapagtugon na pawing mga mag-aaral ng Unibersidad ng San Luis.

Bahagdan ng Brand ng Inuming Binibili ng mga Tagapagtugon Cobra 1% 1% 1% 4% 9% 2% 16% 3% 1% 1% 1% 6% Sting Sa mura i Nestea Power Aid Summit Wilkins Absolute Na ture Spring Aqua Vida Ga tora de 1% Vit H2O Viva 4% 3% 2% 3% 10% 2% 3% 6% 2% 2% 4% 3% 5% 4% Coca-Cola Mounta in Dew 7 up Pepsi Refresh Hidden spring C2 Fit n' Right Sprite Roya l Twist Tropicana Minute Ma de Rea l Lea f Fig. buong porsyento (100%) ng mga tagapagtugon ay bumibili ng inuming nakalagay sa plastic bottle sa kantina ng SLU.2 Bahagdan ng Brand ng Inuming Binibili ng mga Tagapagtugon . 1 Bumibili Ka Ba ng Inuming Nakalagay sa Plastic Bottle? Ayon dito.Plastic Bottles 8 Fig.

Tropicana. MinuteMade at Real Leaf naman ang pinakamababa na may 1% lamang. Gatorade at fit and right (4%). Twist. . Nestea.Plastic Bottles 9 Ayon sa pie graph. 7up at Refresh (2%). Ang Powerade. Pepsi at Hidden Spring (3%). Sumusunod naman dito ang Absolute na may 10% at Sting na may 9%. Mountain Dew. Summit. Aquavita. Ang iba pang mg brand ng inuming binibili ng mga mag-aaral ay ang Cobra at Cocacola(6%). Vitwater. at ang Samurai. ang karaniwang brand na binibili ng mga mag-aaral ay ang C2 na may 16%. Sumunod naman dito ay tatlong beses sa isang araw o kaya nama’y minsan madalas o higit sa tatlong beses at iba pa na may 9%. 75% sa mga tagapanayam ay bumibili ng bottled waterisang beses sa isang araw. At dalawang beses naman sa isang araw ang pinakamababa na may 7%. Wilkins. Sprite. 3 Bahagdan ng Dalas ng Pagbili ng Bottled Drinks sa Isang Araw Ayon sa grap. Royal . Bahagdan ng Dalas ng Pagbili ng Bottled Drinks sa Isang Araw 9% 9% Isa= 34 Tatlo= 4 Dalawa= 3 Iba pa= 4 7% 75% Fig. Nature spring (5%).

At ang pinakamababa naman na may 4% ay gumagastos ng 30 pesos pataas. 56% sa mga tagapagtugon ay gumagastos ng 10 – 20 pesos sa pagbili ng bottled drinks sa isang araw. Ang 6% naman ay gumagastos ng 31-30 pesos. . 31% ang umuulit ng dalawang beses. Sumusunod naman dito ay 34% na gumagastos ng 21-30 pesos kada araw. 53% ang nagsabing isang beses lang nila inuulit ang paggamit ng mga plastic bottles.Plastic Bottles 10 Bahagdan ng Nagagastos sa Pagbili ng Bottled Drinks sa Isang Araw 6% 4% P10-P20 P21-P30 P31-P40 56% 34% P40 pataas Fig . 5 Bahagdan ng Bilang ng Muling Paggamit Batay sa bilog na grap. 4 Nagagastos sa Pagbili ng Bottled Drinks sa Isang Araw Ayon sa bilog na grap. 11% ang nagsabing apat pataas inuulit ang plastic bottles at 5% ang nag-uulit ng tatlong beses. Bahagdan ng Bilang ng Muling Paggamit Isa Dalawa Tatlo Iba pa 31% 53% 11% 5% Fig.

Plastic Bottles Bahagdan ng Ginagawa sa Plastic Bottle Pagkatapos Gamitin 14% 27% 24% 35% 11 Ginagamit ulit Tinatapon Iniipon para ibenta Iba pa Fig. Bahagdan ng Muling Pinaggagamitan ng Plastic Bottle 6% Muling pinag-iinuman Iba pa 94% Fig. At 6% naman ang nagsabi na sa ibang bagay ginagamit ang mga plastic bottles. At ang 14% naman ay ginagamit ang mga ito sa iba pang mga pangangailangan nila. May 245 din na nagsabing iniipon nila ang mga ito upang ibenta. 35% ng mga tagapagtugon ay tinatapon na ang ginamit na plastic bottle. 6 Bahagdan ng Ginagawa sa Plastic Bottle Pagkatapos Gamitin Ayon dito. . May 27% naman na nagsasabing ginagamit nila ulit ito. 7 Bahagdan ng Muling Pinaggagamitan ng Plastic Bottle Ang mga plastic bottles na muling ginagamit bilang pinag-iinuman ay 94%.

8 Bahagdan ng Tagal ng Paulit-ulit na Paggamit ng Plastic Bottles Nakasaad sa grap na 77% ang nagsabing tatlong buwan na nila inuulit ang paggamit ng plastic bottles. Bahagdan ng Dahilan Kung Bakit Ginagamit Ulit ang mga Plastic Bottles Para makatipid Walang tumbler na pwedeng paglagyan ng inumin Para makabawas sa mga basura 21% 43% 36% . sinundan naman nito ng anim na buwan pataas na may 15% at nahuli ang apat hanggang limang buwan na may 8%.Plastic Bottles 12 Tagal ng Paulit-ulit na Paggamit ng Plastic Bottles Isa hanggang Tatlong buwan Apat hanggang Limang buwan Anim na buwan pataas 8% 77% 15% Fig.

catsup. 97% sa kanila ang nagsabing hindi nagkaroon ng sakit. napag-alaman na karamihan sa mga ginagamit na plastic bottle ay gawa mula sa Polyethylene terephthalate na kilala rin bilang Polyester ay may daglat na PET o PETE. sumunod na dahilan ay kawalan ng tumbler na pwedeng paglagyan ng inumin na may 36% at nahuli ang rason na upang makabawas sa basura na may 21%. Diskusyon Sa pangkalahatan ng isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik. samantalang may 3% naman na nagsabing nagkaroon sila ng sakit dahil sa paulit-ulit na paggamit ng plastic bottles. ginagamit din ito sa paggawa ng bote ng mouthwash. 10 Bahagdan ng Pagkakuha ng Sakit Dahil sa Paulit-ulit na Paggamit ng Plastic Bottle Sa paulit-ulit na paggamit ng plastic bottles. salad dressing bottles. Bahagdan ng Pagkakuha ng Sakit Dahil sa Paulit-ulit na Paggamit ng Plastic Bottle 3% Oo 97% Hindi Fig. 9 Bahagdan ng Dahilan Kung Bakit Ginagamit Ulit ang mga Plastic Bottles Ang pinakaunang dahilan kung bakit ginagamit muli ang plastic bottles ay upang makatipid na may 43%. “The majority of the world's PET production is for synthetic fibers (in excess of 60%) with bottle production accounting for around 30% of global demand… Health advocates also recommend not reusing bottles made from plastic #1 . Maliban sa gamit nito sa paggawa ng plastic bottle.Plastic Bottles 13 Fig. at food and beverage containers.

marapt lamang na tignan ang ilalim ng bote kapag bumibili ng inumin. Canada. Iwasan din ang maramihang paggamit nito sa anumang paraan sapagkat ang mga ito ay nakakakuha ng mga flavors at bacteria na hindi natin natatanggal. Batay sa isang pag-aaral na inilimbag sa Journal of Pediatrics noong taong 2009. Ang mga phthalates din ay nagdudulot ng asthma. but re-use should be avoided because studies indicate they may leach DEHP—another probable human carcinogen—when they are in less-than-perfect condition” ( Wikipedia ). including most disposable water. at mga sintomas ng allergy. Dahil ang PET ay nagtataglay ng phthalates. kahirapan sa paghinga o wheezing. Upang maiwasan ang mga nasabing epekto. at European Union. ang paggamit ng ibang uri nito ay ipinagbawal na ng mga bansang tulad ng United States. soda and juice bottles. ang mga clear plastic bottles ay isang beses lamang dapat gamitin lalong lalo na bilang inuman dahil sa taglay nitong phthalates na nagdudulot ng iba’t ibang sakit kapag masyadong naexpose ang isang indibidwal dito.Plastic Bottles 14 (polyethylene terephthalate. According to The Green Guide. ang mga plastic bottle na gawa sa PET ay ligtas lamang na gamitin ng isang beses bilang inuman dahil sa maaring idulot nito kapag ginamit ng higit sa nakasaad na bilang ng paggamit. also known as PET or PETE). . ang prenatal phthalate exposure ay may kinalaman sa mababang timbang ng mga ipinapanganak na mga bata. such bottles may be safe for one-time use. Sa kabuuan. Batay sa ilang isinagawang pag-aaral.

U. Kirchhoff.. Inc. T. Canada.. P.South-Western Publishing..S.S. Powers.A. Inc. Dr.John Wiley and Sons.The Goodheart-Willcox Co.Plastic Bottles 15 Mga Sanggunian: Aklat: Anastas. Co.T. P. Internet: . Bickart.A.U.J. Baird.(1943).Designing Safer Polymers..U..Synthetic Resins and Rubbers. M.A..(1983)Industrial Plastics:Theory and Applications.(1971) Industrial Plastics.John Wiley and Sons.P. Richardson.M. Inc.H.S.L. Publication.O. R.

com/od/healthenvironment/a/plastic_bottles.1289/ehp.about.niehs.nih.action.gov/article/fetchArticle.jsessionid=E501FE8821E6C3697DE2F511 DBE02544?articleURI=info%3Adoi%2F10.i04 http://ehp03.htm http://ehp03.ehp.gov/article/info:doi/10.118-a172b http://en.nih.org/wiki/Phthalate .v118.Plastic Bottles 16 http://environment.wikipedia.12a89%2Fimage.niehs.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->