P. 1
thesis-final

thesis-final

|Views: 8,087|Likes:
Published by Bu Reyes

More info:

Published by: Bu Reyes on Feb 22, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/14/2014

pdf

text

original

³MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT ANG IKAAPAT NA LEBEL NA ESTUDYANTE AY NAKAKARANAS NG STRESS SA ASIGNATURANG PISIKA´

Isang Pananaliksik Papel ang Ipinapasa kay Gng. Anna Lisa M. Gonzales Far Eastern University- Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation Eskwelahan ng Narsing

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2009-2010

Ipinasa nina:

Alvior, Alvin C. Delos Santos, Lilette C. De Luna, Andrea Lauriz P. Diaz, Buena Fe Mariel E. Ednalino, Abigail D.L.

Joo, Kathleen A. Lozano, Michael Benjamin H. Mañgaliag, Rey Kristine C. Mercado, Monina Grace S. Tolentino, Irene Ida S.

Generoso, Jourdan Dick P. BSN I-B Marso 2010

TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT««««««««««««««««««««««««««««««« i

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito «««««««««««««««««««« Panimula ««««««««««««««««««««««««««««««... Layunin ng Pag-aaral Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Depinisyon ng Terminolohiya Theoretical Framework Hypotheses Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura«««««««««««««««.. Literaturang Dayuhan Literaturang Lokal Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Metodolohiya Disenyo ng Pananaliksik Respondente Instrumento ng Pananaliksik Tritment ng mga Datos Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos «««««««««««««« Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon««««««««««««««««. Lagom Kongklusyon

Rekomendasyon

Listahan ng Sanggunian««««««««««««««««««««««««««««

Apendiks ««««««««««««««««««««««««««««««««««. Sarbey-Kwestyoneyr ««««««««««««««««««««««««««. Pormularyo /«««««««««««««««««««««««««««««« Mga Mananaliksik: Bio-Data «««««««««««««««««««««««

- Sa mga mag-aaral ng Diliman Preparatory School at Far Eastern University-Nicanor Reyes Educational Foundation sa kanilang partisipasyon sa aming pagsasagawa ng aming sarbey sa kanilang eskwelahan lalong lalo na ang ika-apat na lebel ng mga paaralang nabanggit. Kami rin ay nagpapasalamat sa mga guro ng mga eskwelahang nabanggit dahil sa kanilang pagtulong sa ikatatagumpay ng pagsasagawa ng aming sarbey lalong lalo na kina G. Cecilia D. Emelita Bernabe at Bb. Gonzales sa kaniyang paggabay sa aming pagsusulat ng pamanahong papel na ito at sa kaniyang mga pagbabahagi ng kaniyang kaalaman at karanasan sa paggawa ng aming pag-aaral. sa buong proseso ng aming pamanahong papel. Jess. mapapinansyal man. kontribusyon at suporta sa ikatatagumpay ng aming pag-aaral. emosyonal man o moral na aspeto. - Sa aming propesor na si Gng. - Sa aming minamahal na magulang na nagsilbi bilang aming inspirasyon sa pag-aaral na ito. Gng. Hindi namin matatapos ang pagaaral na ito kung hindi dahil sa kanilang pagbabahagi ng kanilang mga sagot na lubos na nakatulong sa amin upang maisagawa ang aming konklusyon. sa Kaniyang pagbibigay talino at kakayahan na siyang aming nagamit sa pagsulat. Cruz na siyang nagbigay gabay sa amin sa paggawa ng sulat para sa aming mga napiling eskwelahan. Nagpapasalamat rin kami sa kanilang suporta. . Lubos rin kaming nagpapasalamat sa School of the Holy Spirit of Quezon City sa paglalaan ng kanilang oras sa amin lalong lalo na kay Bb. Archie ng Diliman Preparatory School at ng Far Eastern University-Nicanor Reyes Educational Foundation. tiyaga.Pasasalamat Lubos naming pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang walangsawang pagtulong. Kami rin ay nagpapasalamat sa kaniyang pasensya sa pagbibigay ng mga suhestyon at komento para sa ikabubuti ng pag-aaral na ito. - At huli. Lubos rin kaming nagpapasalamat sa pagbibigay niya sa amin ng lakas. lubos ang aming pasasalamat sa Panginoong Diyos sa Kaniyang pagbibigay biyaya.

Mabuhay ang Wikang Pilipino! -Mga Mananaliksik . pagiging mapanuri. Maraming salamat po. pagiging sistematik at tapang upang maging isang mabuting mananaliksik.pagiingat. At higit sa lahat. lubos kaming nagpapasalamat sa paggabay niya sa aming bawat hakbang aming isinasagawa sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.

KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito .

Ang mga asignaturang Agham at Matematika ang madalas na nagiging dahilan ng pagkastress ng estudyante. Una rito ay ang Thermodynamics. May mga oras na hindi masyadong naiintindihan ng mga estudyante ang mga inaaral kaya ito ay nagdudulot sa kanila ng stress. Ito ay kilala sa tawag na Laws of Inertia na binuo ni Sir Isaac Newton. Kapag nag-aaral ang isang estudyante sa isang limitadong oras. Ang pagkaranas ng stress ng isang estudyante ay isang malaking bagay na hindi dapat ipagsawalang bahala.Introduksyon Ang stress ay isa sa karamilang problemang nararanasan ng isang estudyante. May mga senyales na ipinapakita ang ating katawan na nagpapahiwatig na ang estudyante ay nakakaranas na ng stress. maari itong mai-stress dahil minamadali niya ang kaniyang sarili upang matapos kaniyang ginagawa. Ang ikatlo naman na paksa ay ang tatlong batayan sa paggalaw ng mga bagay. Malaki itong bagay sapagkat naapektuhan nito ang lahat ng kilos ng isang estudyante sa asignatura o aspetong nagpaparanas sa kaniya ng nasabing kondisyon. Karamilan sa mga estudyante ngayon kahit nasa mataas na paaralan pa lamang ay nakakaranas na ng stress dahil sa pag-aaral. Pangalawa rito ay ang Force na tumutukoy sa pisikal na impluwensiya sa paggalaw ng isang bagay. Isang aspeto na rin ang kawalan ng oras. Ang ikaapat na aralin ay ang Projectile Motion o ang paliwanag sa likod ng pagbasak ng isang bagay buhat ng grabiti kasabay ang palayong kilos nito. Ang mga sumusunod ay ang mga araling na karaniwang nagdulot ng stress sa mga estudyante. ito ay ang pag-aaral ng pagkokonbert ng enerhiya sa pagitan ng init at trabahong mekanikal. Ang stress ay isa sa mga bagay na nakakadagdag sa mga iba¶t ibang sakit sa mundo. Maraming dahilan kung bakit ang mga estudyante ay nakakaranas ng stress. Kapag tayo ay nakakaranas ng stress ito ay nagkakaroon ng epekto sa ating katawan. Maaring ito ay makaapekto sa ating pisikal. sosyolohikal o emosyonal na aspeto. Ilan sa mga ito ay ang kakulangan ng kahandaan sa leksyon o sa asignaturang Pisika. Ang Pisika ay isang komplikadong asignatura na nagtataglay ng mga komplikadong aralin. pagiging komplikado ng paksa. kawalang interes sa asignatura at pagkakaroon ng takot sa guro. Isa na rito ang asignaturang Pisika. mental. .

Higit sa lahat. Ang pagaaral na ito ay naglalayong makatulong sa mga baguhan at mga nagbabalak magturo ng Pisika sa mataas na paaralan. pagkamainitin ng ulo. kawalan ng pokus sa aralin. .Ang madalas na pagliban sa klase. Ang mga estudyante ay may iba¶t ibang paraan kung paano malalagpasan sa nararanasang kondisyon. Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng karagdagang oras na gugugulin sa nasabing asignatura. Ito ay makapagsisilbing gabay sa kanila na malaman ang mga bahagi na maaring maging mahirap at maaring madaling intindihin para sa mga estudyante. madalas makaranas ng mental block at laging kinakabahan sa oras ng asignaturang Pisika ay ilan lamang sa mga senyales na nakikita o mahihiwatigan sa mga stress na estudyante. upang mabigyang linaw ang mga tanong sa nararamdamang stress ng mga estudyante ng Pisika at kung paano nila kakailanganin pakitunguhan ang pagaaral nito. pagsagot sa mga karagdagang pagsasanay tungkol sa aralin o leksyon at pagkakaroon ng remedial class sa nasabing asignatura. Ang pag-iwas sa stress ay tumutukoy sa paggamit ng isip at gawa para pakitunguhan ang mga dahilan ng stress o mas kilala sa tawag na stressors.

Malaman ang karaniwang senyales na makikita sa mga estudyante ng stress sa Pisika. Magkakaroon sila ng kaalaman patungkol sa mga senyales at rason ng isang estudyante labis na nakakaramdam ng stress. Para sa mambabasa. ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mambabasa upang maintindihan ang mga nararanasang stress ng estudyante dahil sa asignaturang Pisika. Malaman ang karaniwang paksa ng asignaturang Pisika na nagdulot ng nararamdamang stress sa mga estudyante ng ikaapat na lebel sa sekondarya. mas maiintindihan nila ang mga rason at senyales kung bakit labis na nakakaramdam ng stress ang kanilang mga estudyante. Kahalagahan ng Pag-aaral Para sa mga estudyante. ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang mga sumusunod: 1.Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang mga karaniwang dahilan ng mga nasa ikaapat na lebel na estudyante sa sekondarya kapag nakakaranas sila ng stress sa Pisika. Sa madaling salita. Para magkaroon ng ideya ang mga estudyante sa kung papaano gumawa ng plano at teknik ng mas maaga upang maiwasang makaramdam ng stress sa Pisika. Malaman ang paraan ng mga naturang estudyante kung paano nila malalampasan ang naturang stress. . 3. 4. 2. Malaman ang pinakadahilan ng mga estudyanteng nakakaranas ng stress sa Pisika. Maaring gamitin ang pag-aaral na ito upang matulungan ang guro kung papaano mas maging epektib ang pagtuturo ng pisika sa estudyante. Makapagbibigay impormasyon din ito kung anung teknik o paraan ang gagamitin para malagpasan. ang pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong sa mga estudyante kung papaano nila haharapin ang stress sa Pisika at kung paano nila malalagpasan ito. makakatulong din ito upang mas mapadali nilang masolusyonan ang stress. Para sa guro.

makakatulong ang pag-aaral na ito sa kanila sapagkat maari na nila itong reperens.1 Madalas lumiban sa klase 3.3 Walang interes sa asignatura 2. Paglalahad ng Suliranin 1.1 Thermodynamics 1. Anu-ano ang mga kadahilanan ng mga stress na estudyante sa Physics? 2.1 Kakulangan ng kahandaan 2.4 Projectile Motion 2.3 Law of Inertia 1.2 Walang pokus sa aralin 3.2 Force 1.Para sa mga mananaliksik.4 Takot sa guro 3. Anu-ano ang karaniwang paksa ang nagparanas ng stress sa mga estudyante? 1. at magbibigay ideya at dagdag na kaalaman sa iba pang uri ng stress maaring maramdaman na may kinalaman sa pisika.4 Madalas malimutan ang mga aralin 3.2 Komplikado ang mga paksa 2.3 Mainit ang ulo o madaling mairita 3.5 Palaging kinakabahan 4. Anu-ano ang mga posibleng paraan para maiwasan ang naturang stress? . Anu-ano ang mga senyales na mahihiwatigan sa mga estudyante/ 3.

Ang pagdaragdag ng guguguling oras sa nasabing asignatura ang mabuting paraan para malampasan ang naturang stress. Karaniwang mahihiwatigan sa mga estudyante ay ang kawalan ng pokus sa aralin 4. mapababae man o mapalalaki.Dr.4. Ang thermodynamics ang pinakamahirap na aralin sa asignaturang Pisika kaya ito ang nagpaparanas ng matinding stress sa mga estudyante.2 Karagdagang pagsasanay 4. Nagbigay kami ng 120 sarbey-kwestyonyer sa Far Eastern University. Ang kaugnay na pag-aaral ay manggagaling sa internet. Ang mga respondente ay mula sa mga eskuwelahan ng Far Eastern University. Ang pagkalap ng aming paksa ay nagmula lamang sa personal na karanasan. Kaya ang gagamiting impormasyon ay magmumula o magbabase lamang sa resulta ng mga respondente at sa mga kaugnay na literatura.3 Pagkakaroon ng Remedial Class Saklaw at Limitasyon Ang pokus ng aming tisis ay Mga Kadahilanan Kung Bakit ang mga Estudyante ng Ikaapat na Taon ay Nakakaranas ng Stress sa Asignaturang Pisika.Dr. . 3. Para sa mga estudyante ng ikaapat na lebel ng sekondarya. mga artikulo ng iba¶t ibang manunulat. Nicanor Reyes Educational Foundation at Diliman Preparatory School.1 Karagdagang oras na gugulin sa nasabing asignatura 4. Nicanor Reyes Educational Foundation at 180 sarbey-kwestyoneyr sa Diliman Preparatory School. 2. at mga pampublikong pahayagan. Hypothesis 1. Ang pangunahing dahilan ng mga estudyante ay ang Pisika ay may komplikadong paksa.

KABANATA II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura .

. Ito ay paraan ng katawan upang harapin ang isang hamon at mga mahihirap na sitwasyon na may halong pokus. Ito ay dahil sa mga persepsyon ng iba¶t ibang tao dito at marahil na rin sa mga karanasang naganap sa kani-kanilang buhay na kung saan sila ay nakaranas ng stress. Ang mga pangyayaring nagdadala ng stress ay tinatawag na stressors at sinasakop nito ang iba¶t ibang pangyayari. Lahat tayo ay hindi makakaligtas dito dahil hindi ito namimili ng tao na makakaranas nito. 1985). Ito rin ay tumutukoy sa kawalan ng balanse sa pagitan ng isang pinaghihinalaang pangangailangan at ang abilidad ng indibidwal na umaksyon dito (McGrath.Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura: Literaturang Dayuhan: 1. 1970). kemikal. Ayon naman kay Lyness (2007). 1986) . ang pagkahapo ay isang pisikal. ang stress ay isang karamdaman na nalilikha kapag tayo ay kumikilos bilang tugon sa isang pangyayari. Ang stress ay anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong pakiramdam at damdamin sa isang tao. Maraming depinisyon ang stress. (Funk and Wagnalls New Encyclopedia. o emosyonal na pangyayari na nagdudulot sa pisikal o mental na karamdaman. Sa larangan ng medisina. ngunit hindi para sa iba (Whitman et al. Stress a. lakas at pagkaalisto. Ang isang sitwasyon ay maaring maging stress sa isang tao. Depinisyon Walang tao o indibidwal sa mundo ang hindi nakaranas ng stress o pagkahapo sa kaniyang buhay.

c. Kasama dito ang mga taong palaging nakakaranas ng kaguluhan at krisis na nagdudulot ng matinding pagkabalisa. ng buhay at ng pangangatawan ng isang tao. may tatlong uri ng pagkahapo: y Acute Stress Ang Acute stress ay ang pinakamadalas na uri ng stress na nagaganap. Tumataas ang antas ng CRF sa iba¶t ibang bahagi ng utak dahil sa pagkahapong nararamdaman. d.b. y Episodic Stress Ang Episodic Stress ay nangyayari sa mga taong madalas na nakakaramdam ng acute stress. Mga karaniwang dahilan ng pagkahapo y Sa pag-aaral . Uri ng Stress o Pagkahapo Ayon kay Grossman (2008). Proseso ng Stress Ang pagkahapo ay naglalabas ng hormone na tinatawag na corticotropin-releasing factor o CRF. 2007). Naglalabas din ito ng neurotransmitter na norephinephrine na kinakailangan sa memorya. Ito ay isang dahilan kung bakit mas natatandaan ng mga tao ang mga oras na palaging hapo kaysa sa mga karaniwang karanasan (Jaff-Gill et al. Ito ay mula sa mga pangaraw araw na pangyayari sa buhay ng isang tao. Ito ay nagdudulot ng pagkasira ng isip. y Chronic Stress Ang chronic stress ay nagaganap sa mga taong hindi makahanap ng paraan upang masulosyunan ang isang masamang sitwasyon.

ang isang estudyante ay umaasa na makakuha ng mataas na marka kapag alam nilang ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. Mga Marka at Report Card Mayroon nga bang estudyante ang hindi makakaranas ng pagkahapo kapag nalalapit na ang kuhanan ng report card? Ang isang report kard isang patunay ng paghihirap o pagiging tamad ng isang estudyante. Ang mga marka na lalabas sa report kard ay maaring makapagpasaya o makapagpalumbay ng isang estudyante. Bago rin ang lugar na pinag aaralan niya. ang estudyante ay nahihirapan mag-adjust dahil bago ang mga tao sa paligid niya. Sa madaling salita. Kadalasan. Transisyon Ang transisyong tinutukoy ay ang pagkabago-bago ng isang estudyante sa lugar o kinasanayan nito. Kinakailangan nito ng isang mahabang panahon. Sa sitwasyong ito. Kadalasan. Kapag ang inaasahan ay hindi nakamit. hindi mawawala sa kanilang isipan ang sitwasyong ito ay patuloy nila itong iisipin. Isang mabuting halimbawa nito ay ang paglipat sa isang ekwelahan mula sa eskwelahan na mahigit walong taon ng paaralan ng isang estudyante. . ang pagkahiyang ng isang tao sa isang bagay o kung ano pa man ay hindi basta basta napapalitan o nababago dahil doon na nasanay ang kaniyang katawan kaya nahihirapan ang kaniyang katawan na makibagay. ii.Ayon kay ________ may limang dahilan ng pagkahapo ng isang estudyante sa pag-aaral: i. nahihirapan ang isang estudyante na makibagay sa isang bagong sitwasyon.

Mayroon silang pakiramdam na ang isang pagsusulit o sanaysay ay sisira sa kanilang pagkakataon na makapasok sa isang magandang kolehiyo. taon-taon ay nagbabago ang sitwasyon ng isang estudyante. Ito ay sa kadahilanan na habang tumatanda ay mas nagiging mature ang isang tao. ³In or Out´ nga ang terminong madalas gamitin ng mga kabataan. Pagpapasaya sa Magulang Ang mga magulang mataas man o hindi ang pinag-aralan ay umaasa na magtatagumpay ang kanilang anak. Peer Pressure Sa bagong henerasyon ngayon. Mga Takdang Aralin at Proyekto Sa pag-aaral. Out naman kung napagiiwanan ka na ng panahon. Ang pagiging wala sa uso ay nagpaparanas lamang sa estudyante ng pagiging ³out of place´ kung kanilang tawagin at kinalaunan makakaranas ng pagkahapo dahil wala silang makausap o ayaw sa kaniya ng mga taong nasa paligid niya. Dito na pumapasok ang pagkaranas ng kahirapan ng estudyante sa pag-aaral at kinalaunan. Sila ay nagpapakahirap . pahirap ng pahirap ang mga asignaturang dapat pag-aralan. iv. importante ang pakikibagay sa mga taong nasa paligid. Habang tumataas ang lebel ng estudyante sa paaralan. Mas lumalawak ang kaalaman nito sa mundo at mas lumalakas ang kaniyang kakayahang mag-aral ng mga komplikadong bagay.Ayon kay Britt. v. In ka kung nakikisabay ka sa uso o takbo ng mundo. kadalasan ang mga mag-aaral ay nagbibigay ng mabigat na dalahin sa kanilang sarili dahil sa mga simpleng takda sapagkat sila¶y nagaalala sa kanilang marka. makakaranas na siya ng pagkahapo. (1992). iii. H.

ginagawa ng estudyante ang kanilang abot ng makakaya para makakuha lamang ng mataas na marka na siyang magpapasaya sa kanilang mga magulang. Kapag ang isang tao ay natambakan ng trabaho dahil sa kaniyang pagliban. Kadalasang epekto nito ay ang pagkawalang pag-asa na subukang muli dahil natatakot na silang bumagsak pa muli. iv. Nahihirapan siyang makipagusap o makiparticipate lalo na sa mga panggrupong proyekto kaya¶t napipilitan siyang gawin ito mag-isa kahit nangngailangan siya ng tulong ng iba. Ang sapat na pagpapahinga ay isa sa pangunahing pangangailangan . obesity at heart disease (Challem 2007). Stress sa Kapaligiran iii. Para masuklian ang paghihirap ng magulang. Stress mula sa Kakulangan ng Pahinga Ang cortisol at kakulangan sa pagtulog ay parehonog mas madalas na nakikita sa mga may diyabetes. Ayon kay Egan. (1992) Isa sa mga kinakatakutan nila ay ang bumagsak sa eskwelahan o makakuha ng sobrang baba na marka.magtrabaho para mapag aral ang kanilang anak sa isang magandang eskwelahan. J. y Sa buhay ng isang tao i. Pangkaloobang Stress ii. hindi niya marawi isipin kung saan siya magsisimula. Stress sa Trabaho Ito ay halos may pagkakatulad sa pagkahapo sa pag-aaral ng isang estudyante. Alam nilang ito ay makakapagpalungkot lamang sa kanilang mga magulang. Idagdag mo pa ang hindi pagkakasundo sa mga katrabaho.

Kapag ang isang tao ay hindi nakapagpahinga. . e. Ayon sa mga pag-aaral. ngunit ang epekto nito ay nakadepende kung ito ay chronic o acute. lalong lalo na ang memorya ng isang tao. Kapag mataas ang lebel ng stress hormone sa acute stress ay mas lumalaki ang pag-asa na ito ay mailagay sa magandang memory storage at nagkakaroon ang isang tao ng mas mataas na konsentrasyon sa mga mahahalagang pangyayari. maari siyang makaranas ng pagkahina ng katawan. kalunkutan. ang pagkahapo ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na karamdaman. n. ang agad-agad na epekto ng acute stress ay ang pagbaba ng kalidad ng short-term memory lalong lalo na ang verbal memory.). Ang mga taong maaring maapektuhan ay ang mga kaibigan at pamilya na kadalasang nakakasama sa nasabing indibidwal na nakakaranas ng pagkahapo (Nadig. Habang nagtatagal ito ay nagdudulot ng problemang mental katulad ng. pagkabalisa. Ito ay sa kadahilanan na may limitasyon ang ating katawan at hindi lahat ng bagay ay kayang gawin nito.ng tao. kaya naman karaniwang naapektuhan rin ang mga taong malapit sa isang indibidwal na nakakaranas ng stress.d. ito rin ay may masamang epekto sa mental na kalusugan. (2007). problema sa pagkain at pag-aabuso ng substansiya. y Problemang Mental Ayon kay Jaff-Gill et al. Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa utak. Mga epekto sa katawan kapag nakakaranas ng stress Ang stress ay nakakaapekto sa emosyon at disposisyon ng tao. Ngunit di lahat ng epekto nito ay negatibo.

likod. at ang pakiramdam na walang katahimikan o pahinga (Martiquet. mahalaga na mapanatili ang nararapat na nutrisyon sa pagkakaroon ng balanseng diyeta. leeg at iba pang panankit sa katawan. n. y Nutritional Status Upang makamit ang demands ng pagkahapo. ang mga epekto nito ay ang pagkaranas ng pagkawala ng konsentrasyon sa trabaho at bahay.Kung ang stress ay nagiging chronic.d. pagbilis ng takbo ng puso. y Pisyolohikal na aspeto Ang mga pisikal na epekto ng pagkahapo ay ang pagsakit ng ulo. Ito ay nangyayari dahil sa biglaang pagsakit ng anit. ang sikolohikal na epekto nito ay ang pagkababa ng kalidad ng pagkatuto samantalang sa matanda naman ay nakakadagdag sa pagkawala ng memorya.) Ang pananakit ng ulo ay madalas na nauugnay sa pagkahapo. Madalas ang mga kasalukuyang sakit ng isang tao ay mas lumalala kapag nakaranas ng pagkahapo. Ang mas matinding pagkahapo ay dumaragdag sa tension ng kalamnan na makikita sa pananakit ng ulo. masakit na leeg at likod. Sa kabataan. pananakit ng tiyan. at sila ay maaring mawalan ng silbi at pagiging malapitin sa disgrasya o aksidente. kahirapan sa pagtulog. ulo at kalamnan sa leeg. 2008). . Ang pagkain ng masyadong marami o kaunti at pagkain ng mga di masusustansyang pagkain ay maaring makaimpluwensya sa pagkaranas ng pagkahapo (Bairds. y Immune System Ang pagkahapo ay maaring maging pangunahing kaaway ng kalusugan dahil malaki ang epekto nito sa immune system ng isang tao.

(Atking. - - . lalong lalo na sa mga di katulad ng mananaliksik ng Pisika. Pagtuturo ng Pisika sa mga estudyante Ayon kay Edward F. isang tinedyer na Amerikano ang nagtatangkang magpakamatay bawat 78 na segundo. Redish ng University of Maryland sa kaniyang artikulong New Models of Learning and Teaching. Ayon sa Capable Kids Counseling Centers.. Ang kognitibong response ay nakadepende sa konteksto. Ang paglipat ng kaalaman ay non-trivial kahit sa mga tinatawag na sitwasyong isomorphic.y Sikolohikal na aspeto Sa sobrang tindi ng pagkahapo ng kabataan. Hindi sapat na malaman nila ang tamang sagot kundi kailangan rin nilang iwasan ang mga maling sagot. 1992) 2. kung ang mga guro ay magiging mas epektibo sa kanilang mga estudyante. Sinabi rin niya na ang kailangan ng mga estudyante ay ang tamang pagintindi sa pisikal na mundo at kapangyarihan at kakayahan sa pagsosolb ng mga komplikadong pagsasanay. minsan ito ay umaabot sa pagpapakamatay. ay kailangan nilang intindihin kung paano sila mag-isip. Asignaturang Pisika a. A. Mga simulaing natutunan sa mga estudyante: - Ang pagkatuto ay mas mailalarawan bilang isang paglaki o paglawak ng kaalaman kaysa sa paglipat ng kaalaman.

Ayon kay Selye. ulo. likod. tiyan at dibdib y Pag-atake sa puso y Sobrang pagod ang katawan . ito ay mahirap agapon at hindi nadadaan sa pag papahinga ng ilang oras. Ang pinakamakahulugang pagkakaiba sa pagitan ng sitwasyon ngayon sa mga nakaraang pagbabago ay ang tinatawag nilang growing body of knowledge tungkol sa estudyante. ang stress ay ³wear and tear of living´. McDermott ng University of Washington sa kaniyang artikulong Bridging the Gap Between Teaching and Learning: The Role of Research. Ang stress pang-mental ay mas nakakapanghina kayasa sa stress na pang pisikal. hindi lahat ng pagaaral ng Pisika ay makakatulong o makakapagbigay ng kontribusyon sa pagsulong o paglaki ng isipan ng mga estudyante. Senyales a. c. Distansya sa pagitan ng Estudyante at Guro Ayon kay Lilian C. Depinisyon a. 2. Ang stress ay bahagi ng ating buhay at kailangan nating matutunan kung paano natin ito malalampasan ng maayos. Ang stress ay bahagi ng ating buhay at kailangan nating matutunan kung paano natin ito malalagpasan. Pisikal y Pananakit ng balikat. Ang stress pang-mental naman ay nakakasira ng pokus sa mga ginagawa.b. b. Ang stress pang-pisikal ay nakakapagod at kayang mawala sa pagpapahinga sa ilang oras. Literaturang Lokal: 1. leeg. kamay.

Sosyal y Pagkakaroon ng problema sa ka-relasyon Kinakabahan Pahinain Nawawalan ng interes sa mga bagay-bagay sa paligid. Magbakasyong tuwing bakante ang iyong oras. Kailangan natin matuto na tanggapin ang realidad na ang stress ay lagi lang nasa paliid. Paraan Para Malagpasan a. Mag-pokus na lamang sa mga bagay-bagay na kaya nating baguhin at paghusayin.y Pag-taas at pag-baba ng timbang y High blood y Hirap makahinga y Panghihina y Nawawalan ng gana o interes sa kanilang ginagawa b. dahil hindi rin natin ito maiiwasan. Sosyal y y Matuto mag-pahinga o gumawa actibidad kasama ng pamilya at kaibigan. . Wag mag kulong s abahay at walang ginagwa. Mental at Emoyonal y Tanggapin ang stress bilang parte ng buhay. 3. y y Isaayos ang layon at inaasahan Lapitan ang problema ng mahinahon at maparaan at huwag gawing komplikado y Huwag mag-alala sa mga sitwasyon na hindi naman natin kayang kontrolin. y b. Mental at Emosyonal y y y c. Matutong humindi at huwag ng ng subukan pang gawin ang mga bagay na hindi mo naman kaya.

y Kausapin ang pamilya at kaibigan tungkol sa iyong mga stress upang mawala ang iyong inis at problema sa buhay. lowsalt/low cholesterol diet. Spirituwal y Wag baliwalain ang kapangyarihan ng dasal para sa iyong personal at espirituwal na kalagayan. etc.) upang maiwasan ang stress. e. y Kung ang nararanasan mung stress ay di magkatugma sa nasabing sa nasabing stratehiya magkonsulta agad sa doctor. Emosyonal y Kung ang isang indibidwal ay nakakaranas ng kalungkutan. prutas at paginom ng mga bitamina at mineral supplements. d. paglakad. gulay. pagiinom ng alcohol. Ang iba naman ay nasasangkot sa mga pasugalan. tulad ng pagslai sa sports o pagsama sa mga sosyal na aktibidad. Ito¶y nakakatulong sa ating katawan at nakakatulong sa pakikitungo sa pang araw-araw na stress gamit ang relieving pent-up energy tension. Maari niyang maramdaman na siya ay wala ng pag-asa at maramdaman niya ang kalungkutan panghabangbuhay. tai chi. y Makakatulong din ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon (high fiber. c. Pero ang mga nakakatanda ay nakakaalam na ang kalungkutan ay mawawala din sa takdang panahon. taebo. at pag-gamit ng ipinagbabawal na gamut at ito ay nag bibigay ng negatibong resulta.) at medication. y Madaming indibidwal ay may simpleng paraan para maransan ang mga sitwasyong nakakastress. Pisikal y Gumawa ng mga pisikal na aktibidad (pagtakbo. . tennis. paglanggoy. pagsayaw. mga pagkain ng isda. maari niyang isipin na siya lang ang nakakaranas ng kanyang nararamdaman sa kasalukuyan.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK .

Quezon City at Far Eastern University Nicanor Reyes Educational Foundation Sampaguita Avenue. Ang pag-aaral na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paghango sa mga primarya. ito ang nagsilbing primaryang hanguan n gaming pag-aaral.Disenyo ng Pananaliksik Ang kabanatang ito ay pinapakita ang mga halimbawa ng teknik. samantalang apatnapu¶t anim na lalaki at tatlungpu¶t walo na babae naman sa Far Eastern University Nicanor Reyes Educational Foundation. sekondarya at elektronikong hanguan. Respondente Ang napagkasunduan naming respondente ay mula sa mga estudyante ng ikaapat na taon ng Diliman Preparatory School Commonwealth Avenue. .Dr. Sila ay may edad na mula labing anim hanggang labing walong taon. Nangalap kami ng mga impormasyon. Ito ang dalawang paaralan na nagging batayan upang malaman ang mga estudyante na nakakaranas ng stress sa asignaturang Pisika. Ang mga datos na aming nakalap ay mula sa mga sarbeykwestyoneyr na sinagutan ng 251 na respondente sa dalawang eskwelahan na Diliman Preparatory School at Far Eastern Univeristy. Nicanor Reyes Educational Foundation. mga pag-aaral at mga literatura sa internet at ito ang nagsilbing hanguang elektroniko n gaming pag-aaral. instrument ng pananaliksik at ang mga statistical tritment na ginamit bilang interpretasyon sa mga nalikom na datos. Nangalap din kami ng mga impormasyon. Quezon City. Diliman.May bilang na animnapu¶t isa na lalaki at pitungpu¶t dalawa na babae sa Diliman Preparatory School. artikulo at akda na nagmula sa mga pampublikong pahayagan at ito ang nagsilbing hanguang sekondarya n gaming pag-aaral. Diliman.

Bukod pa sa layuning makakatulong ito sa aming pag-aaral. naisalansan at naayos ang gma kakaibang resulta sag a sumusunod. ang FEU-FERN at Diliman Preparatory School. Ang sarbey na ito ay isinagawa sa dalawang eskwelahan sa Quezon City. Ang paraan ng pagsasagot ay pagtsek ng apat na numero. ito rin ay naglalayon upang malaman o magkaroon sila ng ideya kung paano nila masusulusyonan ang naturang stress na nararanasan at mga maaring dahilan ng naturang stress. ang Far Eastern University ± Nicanor Reyes Educational Foundation at Diliman Preparatory School. Tritment ng Datos Kami ay namigay ng mga sarbey-kwestyoneyr sa mga sumusunod na paaralan. Ang mga sarbey na ito ay ipinasagutan sa ikaapat na lebel ng mataas na paraalan ng mga nasabing eskwelahan. nakuha. Ang halimbawa ng sarbey na aming ipinasagot ay nasa Apendiks A. Ang bilang apat ay bilang pinakamataas at ang bilang isa ay bilang pinakamababa. Unang Parte Interpretasyon 1 2 3 4 at iba pa Labis na Hindi Sumasang-ayon Hindi Sumasang-ayon Sumasang-ayon Labis na Sumasang-ayon Hindi sumagot sa partikular na tanong .Instrumento Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pagsasagawa ng isang sarbey na may apat na katananungan na may kinalaman sa mga kadahilanan ng stress na kanilang nararanasan sa Asignaturang Pisika. Bawat estudyante sa isang buong lebel ay binigyan lamang ng ilang minute para sagutan ito.

Sa parting ito. Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento            . Ikalawang Parte Interpretasyon 1 2 3 4 at iba pa Labis na Hindi Sumasang-ayon Hindi Sumasang-ayon Sumasang-ayon Labis na Sumasang-ayon Hindi sumagot sa partikular na tanong Sa parting ito ay isinaad ng ga estudyante ang mga pangunahing dahilan kung bakit nakakaramdam ng stress ang mga estudyante sa pag-aaral ng pisika. Dito isinaad kung ano ang kadalasang napapansin ng mga tao na nakakaranas ng stress. Ang tsart na ito ay nag papakita ng opinion ng mga estudyante sa kung paano malagyasan ang nararanasang stress dulot ng pisika. inuri ng estudyante ang lebel ng stress na dulot ng mga paksa sa pisika.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS .

KABANATA V: LAGOM. KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON .

4.) malaman ang senyales ng stress na mahihiwatigan sa mga estudyanteng nabanggit. Nilalayon n gaming pag-aaral na 1.Lagom Ang pag-aaral na ito ay naganap sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey sa eskuwelahan ng ³Far Eastern University-Dr Nicanor Reyes Educational Foundation´ at ³Diliman Preparatory School. ang ³Projectile Motion´ ay ang aralin labis na nagparanas ng stress sa mga nakakaraming estudyante ng ikaapat na taon.) malaman ang aralin ng Pisika na labis na nagparanas ng stress sa mga estudyante ng ikaapat na taon. na para sa mga estudyante ito ay komplikado at mahirap kaya ito ay labis na nagparanas ng stress. 3. ang ³Komplikadong paksa´ ay ang labis na sinang-ayunan ng nakakaraming estudyante at ang ³Kakulangan sa kahandaan´ ang sinang-ayunan ng nakakaraming estudyante.) malaman karaniwan nilang dahilan kapag nararanasan na nila ang naturang stress.´ na kung saan meron kaming nakuhang 251 na estudyante bilang mga respondent. Kongklusyon Ang Pisika ay isang komplikadong asignatura sapagkat nagtataglay ito ng mga mga komplikadong paksa katulad ng Projectile Motion.) paano nila ito malalagpasan. \ Base sa sarbey na aming naisagawa. ang labis na pinagsangayunan ng mga estudyante upang malagpasan ang naturang stress ay ang ³Pagdaragdag ng kasanayan sa asignaturang Pisika. Samantala. 2. Ang ³Kawalan ng pokus sa aralin´ ang labis na pinagsang-ayunan ng maraming estudyante at ang ³Madalas na paglimot sa mga aralin ang pinagsang-ayunan ng maraming estudyante. Kaya karaniwan na mahihiwatigan sa kanila .

. Rekomendasyon Kaya aming marerekomenda na magdagdag ng kasanayan ang mga estudyante sa aignaturang Pisika para malagpasan o maiwasan ang naturang stress.ang senyales ng stress sa Pisika. ang kawalan ng pokus sa aralin at ang madalas na paglimot sa aralinang karaniwang senyales ng stress sa mga estudyante.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->