You are on page 1of 39

PANAHON

NG MGA KASTILA
Hindi nagsimula ang pananakop ng mga
Kastila sa pagdaong ni Ferdinand Magellan
sa Pilipinas nong ika-16 ng Marso, 1521.
Gayunpaman, naganap ang unang misa sa
Samar tanda ng kanilang pagtatagumay na
makayaka sa ibang pulo.
Hindi sila nakamalagi sa kapuluan
sapagkat buong giting ng pinaglaban ni
Lapu-lapu ang kanilang paninindigan sa
pulo at nagapi si Magellan.
Nagsimula ang pananakop ng Kastila noong
dumating si Miguel Lopez de Legaspi at
nagtatag ng unang pamayanan sa Pilipinas noong
1565. Naganap ang sanduguan sa pagitan nina
Legaspi at Raha Sikatuna.
Maraming mga kalat-kalat na paghihimagsik
ang isinagawa ng mga katutubo laban sa Kastila
ngunit lahat ng iyo’y napagtagumpayan ng mga
Kastila hanggang sa umabot na sa kasukdulan ang
pagtitimpi ng mga mamamayan. (GOMBURZA)
Layunin ng Kastila

1. Upang palaganapin ang Katolosimo.


2. Ipagpalawak ng kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagpaparami ng mga
sakop na mga bansa.
3. Paghahanap ng mga pampalasa (spices),
yaman-likas at mga hilaw na materyales
upang tustusan ang mga
pangangailangang pang-ekspedisyon.
DAHIL SA LAYUNIN NA MAPALAGANAP
ANG KRISTIYANISMO
Sinunog nila ang mga nakasulat na
panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang
mga iyon daw ay likha ng demonyo.
Nagtatag ng paaralang magtuturo ng
wikang kastila
Hindi naganap ang plano ng mga kastila
dahil sa paglabag na ginawa ng mga prayle.
ALIBATA

ALPABETONG ROMANO
NAG-ARAL NG WIKANG KATUTUBO ANG
MGA KASTILA DAHIL:
Mas madaling matututunan ng isang
misyonaryo ang wika ng isang relihyon
kaysa ituro sa lahat.
Higit na magiging kapanipaniwala at
mabisa kung ang isang banyaga ay
nagsasalita ng katutubong wika.
DAHIL SA KAGUSTUHAN NG MGA PRAYLE NA
MATUTUNAN ANG WIKANG KATUTUBO:
1. Ang mga Gramatica
 Arte Reglas de la Lengua Tagala (Padre Blancas de
San Jose, 1960)
 Compendio del Arte dela Lengua Tagala (Tomas
Pinpin)
 Ensayo de Gramatica Hispano Tagala (Padre
Minguella)
 Lecciones de Gramatica HispanoTagalo (Padre Jose
Hevia Campomanes)
 Arte de la Lengua Iloca (Padre Francisco Lopez)
 Arte de la Lengua Pampanga (Padre Diego Bergano)
DAHIL SA KAGUSTUHAN NG MGA PRAYLE NA
MATUTUNAN ANG WIKANG KATUTUBO:
2. Ang mga Diksyunaro at mga Bokabularyo
 Arte y Diccionario de Tagala (Padre de Plasencia)

 Vocabulario Tagala (Padre Miguel Ruiz)

 Arte y Regla de la Lengua Tagala (Padre


Francisco Blancas de San Jose)
 Vocubulario de la Lengua Tagala (Padre de San
Buenaventura)
 Diccionario Tagalog-Español (Rosalia Serrano)
 Diccionario Hispano-tagalo (Pedro Serrano
Laktaw)
PAKSAIN NG PANAHON NG KASTILA

Panahong ng Panitikang
Pansimbahan

Panahon ng Awit at Korido


DOCTRINA CHRISTIANA
Ang unang aklat na nalimbag
sa Pilipinas noong 1593.
Ito’y nasa wikang Kastila at
Tagalog.
Batay sa sipi sao Vaticano,
pangalan ni P. Domingo
Nieva ang nasa takip ngunit
batay sa pananaliksik ang may
gawa ng nasabing aklat ay si
Juan de Plasencia.
Panitikang Pansimbahan
A. DALIT
Iba’t ibang santo’t santa ang pinagdadalitan.
May dalit kay Maria na naging kaugalian na sa ibang
lalawigan.
Nag-aalay ng mga bulaklak ang mga bata habang
dinadalit ang mga pagpupuri sa Mahal na Birhern.
Ang mga pagpupuring ito’y isinulat ni Padre
Mariano Servilla na taga-tundo. Humalaw siya ng mga
awit na Italyano ni Muzzarelli (Il Mese di Maggio) at
pinamagatan niyang “Flores de Mayo.”
Panitikang Pansimbahan
B. MGA NOBENA
Ang nobena ay mga katipunan ng mga panalangin
na kailangan ganapin sa loob ng 9 na araw, maaaring
sunod-sunod na araw o tuwing Martes.
Ang mga ritwal ng mga katutubo’y isa ring uri ng
pagnonobena sapagkat may mga araw rin silang
binibilang sa pagdaraos ng kanilang mga pagdiriwang na
may kaugnayan.
Pagpapasalamat sa magandang ani
Paghingi ng ulan
Pagpapaalis ng sakit na nananalana sa kanilang tribu
Paglilibong sa mga yumao
Virgen nang Capayapaan (Padre Joaquin Tuazon)
Mabuting Paglalayag (Padre Joaquin Tuazon)
Novena nang Calinis-linisang Paglilihi cay
Mariang Cabanalbanalan Ina nang Dios at
Panginoong natin Pintacasi sa simbahan nang
Cagalanggalang na Orden Tercera nang ating
Amang si S. Francisco de Asis sa Bayan ng
Sampaloc” (Francisco Borondio, Bicol)
Novena (Santo Domingo de Guzman)
Peregrina (Joaquin de Coria)
Novenang hain nang Bayan nang Biñang cay
San Isidro Labrador (Padre Modesto de Castro)
Panitikang Pansimbahan
C. MGA BUHAY-BUHAY NG MGA SANTO’T
SANTA
Sumulat ang mga Kastila ng mga nauukol sa
buhay-buhay ng mga santo’t santa para gawing
halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang diin na
sa dapat may walang hanggang pagpapakasakit sa
diyos upang huwag malubid sa impyerno ang
kanilang kaluluwa.
Pasyong Mahal
Vida de Rita (Padre Francisco Bencuchillo)

Buhay ng Santo nang Bouan ng Febrero Sta.

Margarita de Cortona (Joaquin Tuazon)


Panitikang Pansimbahan
D. AKDANG PANGMAGANDANG-ASAL
Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihyon ang
pagtuturo ng kagandanhang-asal, mabuting
pakikipamuhay sa kapwa, paggalang sa sarili, sa
magulang at sa nakatatanda, atb.
Urbana at Feliza (Padre Modesto de Castro)
Ito’y pagsusulatan ng magkapatid na Urbana
at Feliza. Nagpunta sa Maynila si Urbana at siya
ang nagpapayo sa kapatid na si Feliza at Honesto
ng mga nararapat gawain sa iba’t ibang
pagkakataon sa iba’t ibang pook.
Panahon ng Awit at Korido
Ang awit ay binubuo ng 12 pantig sa loon ng
isang taludtod, apat na taludtod sa isang taludturan.
Ang paksa’y tungkol sa bayani at mandirigma at
larawan ng buhay. Ang musika’y madalang o andate.
Ang Korido naman batay kay Del Costa ay
romansa o awit o sayaw na isinasagawa sa saliw ng
gitara katulad ng pandanggo. Ayon kay Trinidad
Pardo de Tavera nama’y ang corrido ay binabalbal
na salitang Mehikano na buhat sa pananampalataya,
alamat at kababalaghan. Ang musika nito’y mabilis
o allegro. Ang sukat sa loob ng taludtod ay walong
pantig.
Panahon ng Awit at Korido
Sa Pilipinas, ang Korido ay hinggil sa mga lamat
at di-kapani-paniwalang kasaysayan na ang buod at
paksa’y nababatay sa mga naganap sa Europa.

1.Edad Medya sa Europe


2.España at Portugal (El Cid)
3.Mga kuwentong bayan sa ibang lupain
(Cinderella, Golden Bird)
4.Kalinangang Silanganin (1001 Nights)
5.Bibliya
Panahon ng Awit at Korido
Karaniwang nagsasaling-bibig lamang ang
mga korido at hindi batid kung sino ang may
akda.

Mga Kilalang Manunulat:


1. Jose de la Cruz (Joseng Sisiw)
2. Ananias Zorilla
3. Francisco Balagtas
Panahon ng Awit at Korido
AWIT KORIDO

Florante at Laura • Kabayong Tabla


Pitong Infates de Lara • Don Juan Tiñoso
D. Alejadre at D. Luis • Ang Ibong Adarna
Doce Pares ng Pransya • Ang Dama Ines
Haring Patay • Prinsipe Florinio
• Rodrigo de Villas
Panahon ng Awit at Korido
Nilalaman ng Awit at Korido:
1. Imobokasyon
2. Paghingi ng paumanhin
3. May isang matanda na siyang sumusubok ng
katangian ng tauhan.
4. May hinahanap na panlunas
5. May kagagalaghan o mahika o milagro o engkanto
6. Di-karaniwang katangian ng pangunahing tauhan
7. May Paglalaban, pakikipagsapalaran at pagsubok
Ang Dula at Dulaan
Mga lugar na pinagdarausan ng dula:

1. Sa tahanan

2. Sa labasan

3. Sa tiyak na tanghalan
Ang Dula at Dulaan
A. ANG DUPLO
Ang duplo ay mimetikong larong
ginagawa kapag lamay o pasiyam upang
aliwin ang mga namatayan.
Ito’s isang tagisan ng talino sa
pamamagitan ng pagtula at mga kaisipang
taglay ng berso ay kadalasang buhat sa mga
awit, korido, salawikain, at kasabihan.
Ang Dula at Dulaan
B. ANG KARAGATAN
Ang karagatan ay isang mimetikong laro
ng mga Tagalog na ginaganap kapag may
lamay upang aliwin ang mga namatayan.
Ito ay bata sa alamat ng isang prinsesang sa
hangad na makaisang-dibdib ang binatang
mahirap na kanyang iniibig.
Ang Dula at Dulaan
C. ANG PANGANGALULUWA
Ang pangangaluwa ay dulang panrelihiyon sa
mga lugar ng Katagalugan na ginaganap sa mga
bahay-bahay tuwing bisperas ng Araw ng mga
Kaluluwa.
Ang mga batang babae at lalaki ay nagpupunta sa
mga bahay-bahay bilang mga kaluluwang nagbuhat
sa purgatoryo at humihingi ng indulhensya para sa
kaligtasan ng kanilang kaluluwa.
Ang Dula at Dulaan
D. ANG TIBAG
Ang tibag ay dulang pangrelihiyong itinatanghal
tuwing Mayo sa Bulacan, Bataan, Rizal, Nueva Ecija
at Bicol. Binubuo ito ng mga tulang panrelihiyon at
ng Lao.
Ang bilang nga pantig sa bawat taludtod ay hindi
pare-pareho dahil inaayon ang diyalogo sa
kailangang sabihin ng tauhan. Itinatanghal ito ng
ikatatlo ng hapon at ang mga tauhan ay sina Haring
Constatino, Santa Elena, ay mga kawal.
Ang Dula at Dulaan
E. ANG SANTAKRUSAN
Ito ay dulang panlansangan at panrelihiyong
naglalarawan ng paghahatid ng krus sa simbahan.
Ito ay isang maranyang parada ng mga sagala
(mga tauhan ng bibliya) at mga konsorteng
lumilibot sa mga kalye.
Reyna Sentinsyada
Reyna Esther
Infanta Judith
Reyna de las Flores
Reyna Elena at ang kosertong si Constantino
Ang Dula at Dulaan
F. ANG MORO-MORO O KOMEDYA
Ito ay anyo ng dulang dala ng mga Kastila sa
Pilipinas. Binubuo ito ng mga karakter na mga
Kristiyano at Muslim.
Inilalarawan ang mga Moro o muslim bilang
matatapang at magugulo samantalang ang mga
Kristiyano ay mababait at tahimik.
Kadalasan, ang banghay ay umiinog sa lalaking
Muslim na iibig at sasagutin ng babaing Kristiyano.
Ang mga magulang ng babae ay tutol dito.
Ang Dula at Dulaan
G. ANG KARILYO
Ito ay dulaang binubon ng mga papet na nilikha
buhat sa ginupit na mga kartong naglalarawang ng
iba’t ibang karakter at pinagagalaw sa pamamagitan
ng mga patpat na nakakabit sa papet at sa harap ay
may puting tabing kung saan makikita ang mga
anino ng papte bunga sa ilawan o lamparang
nagbibigay ng liwanag sa likran ng puting tabing.
Ang Dula at Dulaan
H. ANG SENAKULO
Ito ay dulang pangrelihiyon na palasak sa Luzon
at Kabisayaan tuwing Kwaresma o Mahal na Araw.
Idinaraos ito sa mga bakanteng lote at
nakahiligang aliwang ng mga Pilipino sa gabi.
Ito ay ang pagsasadula ng buhay at pagpapasakit
ni Jesus. Ang mga pangunahing tauhan ay sina
Jesucristo, Birheng Maria, San Jose at Maria
Magdalena.
Ang Dula at Dulaan
I. ANG PANANAPATAN
Ito ay isang tradisyon ng mga Katolikong Tagalog
na ginagawa tuwing Mahal na Aran sa mga pabas.
Pagkarinig sa mapanglaw na awitin mula sa loob
ng bahay o kapilya, ito ay sasagutin ng mga
gumagalang mang-aawit hanggang ang lahat ay
kasali na sa pag-awit nang sabay-sabay.
Ang Dula at Dulaan
J. ANG PANUNULUYAN
Ito ay isang dulang panrelihiyon ng mga Tagalog
na ginaganap tuwing bisperas ng Pasko.
Ipinapakita rito ang mag-asawang Birhen Maria
at San Jose na naghahanap ng kanilang
matutuluyan.
Ang Dula at Dulaan
K. ANG SALUBONG
Ito ay isang dula ng mga paroko ng Katoliko at
Aglipay.
Ito’y ang pagsasadula ng pagsasalubong ng
“nabuhay” na muling si Cristo at ng Birheng Maria
sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay at isinasagawa
sa saliw ng awtin at sayaw.
Ang Dula at Dulaan
L. ANG HUWEGO DE PRENDA
Ito’y mimetikong larong isinasagawa kapag may
pasiyam o bilasyon.
Ang mga manlalaro ay nagkakabit-kabit nang
pabilog at nasa gitna. Sinisimulan ang laro sa
pagsindi ng kandila o posporo at ipapasa ito
pakanan.
Magpapatuloy ang pasahan at ang manlalarong
aabutan ng pagpatay ng kandila o posporp ay
bibigkas ng ilang bersong nagsaad ng pangako sa
hari.
Ang Dula at Dulaan
M. ANG BULAKLAKAN
Ito ay isang mimetikong larong ginagawa kapag
pasiyam o bilasyon at palasak sa mga Katagalugan.
Ang mga lalaki ay binibigyan ng mga pangalang
prutas at ang mga kababaihan naman ay bulaklak.
Nagsisimula ito sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng hari na siya ay ay alagang
paruparong lumipad at dumapo sa isang prutas o
bulaklak.
Ang Dula at Dulaan
N. ANG SARSWELA
Ito ay isang anyong dulang musikal na unang
umunlad sa España noong ika-17 siglo.
Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinasaniban
ng mga sayaw at tugtugin at may mga paksang
mitolohikal at kabayanihan.

You might also like