tungkol sa kasal

huwag mong isusukat ang damit pangkasal, baka hindi ito matuloy

tungkol sa patay

• •

bawal maghatid sa labas ng mga dumalaw sa burol pagkatapos mong dumalaw sa isang burol, magpagpag ka muna. tumambay ka mun sa ibang lugar bago umuwi ng bahay, para hindi mo rin maiuwi ang kaluluwa ng namatay o ng iba pa

tungkol sa pag-aasawa

• •

bawal kumanta habang nagluluto. sinumang kumanta habang nagluluto ay hindi na makapag-aasawa. bawal umalis sa hapag kainan nang hindi pa tapos kumain ang lahat. kapag may umalis at hindi pa tapos kumain ang lahat, sinumang wala pang asawa ay hindi na mapag-aasawa pa kailanman.

tungkol sa bantang may masamang mangyayari o aksidenteng magaganap o kamatayan

• • • •

kapag napabahing sa hagdan bago bumaba ng bahay, huwag nang tumuloy. bawal umalis sa hapag kainan nang hindi pa tapos ang lahat. kung hindi maiiwasan, paikutin ang mga pinggan ng lahat ng hindi pa tapos kumain upang makaiwas sa aksidenteng nagbabadya. bawal maggupit ng kuko kapag gabi na. kapag napanaginipan mong binubunutan o nabubunutan ka ng ngipin, may mamamatay kang kamag-anak. kailangan mong ikagat ito (ang mga ngipin) sa anumang puno upang hindi maganap ang kamatayan at malipat dito ang banta ng kamalasan.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA I. Dahil dito. Zendel Taruc. Sa patnubay ni Gng. seguridad at swerte sa tahanan. UST Kolehiyo ng Nursing. T...A. mapa-Luzon.. 2008-2009. Shiela Marie S. marami ang nausong paraan kung paano aayusin at pagagandahin ang bahay. Ma. Layunin nito na ipakita ang pagkakaiba ng mga pamahiin ng iba’t ibang kultura. Urbano. Kevin Jan G. naisip ng mga mananaliksik na magtala ng mga kakaibang pamahiin sa bahay mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ito ay ang pinakapinagtutuunan ng pansin at isa sa mga prayoridad sa pagbuo ng isang maganak.. Cruz. mula sa klase ng 1BSN4. Vidad. LAYUNIN Sa pagdaan ng panahon. Sa paglipas ng panahon. Donna Erica Q. Ano ang pamahiin? . Leocadio. Joanne Razel T. Ang bahay ay isang mahalagang bahagi sa pagbubuklod ng isang pamilya.Bahay ni Juan dela Pamahiin Isang pananaliksik papel tungkol sa mga pamahiin sa bahay ng iba’t ibang kultura. Labatete. Nonog.. marami sa pamahiing Pilipino ay naimpluwensyahan at naiambag lamang ng ibang bansa. Karamihan sa mga Pilipino. Visayas o Mindanao man. Alyssa Marie R. Angela Marie A. ang pamahiin ang isa sa mga nakagawian nang paraan upang magdulot ng katiwasayan.

Zaide (1999). gusto ng mga Pilipino na ito ay maging komportable at mailayo mula sa malas at masasamang espiritu. II. Ang ilang halimbawa nito ay ang India. hindi ito nakayang baliin ng Kristiyanismo at hindi nagawang tanggalin ng siyensya at teknolohiya. Sa bahay nailalaan ang pinakamalaking bahagdan ng ating oras kaya’t hangga’t maari. Pamahiin sa Kulturang Pilipino Ang mga Pilipino ay likas na may malaking paniniwala sa mga pamahiin. III. pamamaraan at pagpapalagay na kadalasang may kinalaman sa kalikasan ng mga sanhi at bunga. ang pamahiin ay paniniwala. Ayon kay Dr. 1) Ilokano .Ang pamahiin ay ang walang basehang paniniwala sa isang bagay o pangyayari na makakaapekto sa isa pang pangyayari kahit wala silang relasyon sa isa’t-isa (Eliese 2008). Ito ay isang malaking bahagi na ng ating kultura at nakakaimpluwensiya sa mga pananaw at iba’t ibang pangyayari sa ating buhay. Sonia M. manunulat ng “The Philippines: A Unique Nation. Ang may pinakamalaking naging impluwensiya sa ating mga pamahiin at paniniwala ay ang mga Espanyol. at Peru. lakas ng loob o dagdag na paniniwala sa iyong sarili. kaugalian. ang pamahiin ay isang gabay o batayan. Mga Pamahiin sa Bahay mula sa Iba’t ibang Kultura Isa sa mga partikular na pinagtutuunan ng pansin ng mga Pilipino ay ang bahay. Sa sobrang lakas ng paniniwala ng mga Pilipino sa mga pamahiin. Ang bahay ay naikokonekta sa pamilya kaya’t napakahalaga nito sa mga Pilipino. na sa tamang paggamit ay maaaring magbigay ng magandang kapalaran.” naimpluwensiyahan ng iba’t ibang bansa at kultura ang ating mga pamahiin. Ayon naman kay Oblena (2008). Para kay Brunvand (1998). manunulat ng The Study of American Folklore. Tsina.

. Bawal kumanta sa hapag kainan dahil ang pagkain na galing sa langit ay ninanamnam. maglagay ng mga barya sa mga mga bintana para swertehin. b) c) 4) Ilonggo a) Bawal sumipol sa gabi dahil nakakatawag-pansin ito ng mga maligno.a) Huwag magwawalis ng tingting sa gabi upang hindi magdahop sa kabuhayan. b) sa iyo Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay. huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari c) 2) Malas ang kumain sa ilalim ng hagdan Kapampangan Kapag nagluluto sa loob ng bahay. Bawal umupo sa hagdanan kapag may regla. b) 5) Batangueño Kapag may buntis sa bahay. 3) Bisaya a) Tuwing matutulog dapat kapitan ng karit ang mga pintuan at bintana at sa panahon ng mahal na araw. dapat magsaboy ng kaunting asin sa trangkahan. huwag kumanta dahil maagang mababalo. bawal umupo sa may pintuan dahil mahihirapan manganak. Kapag may bagong bahay.

“Hindi mo kasi masisisi ang mga naniniwala.” Ang ikalawang kinapanayam ng grupo ay si Ginang Escolastica Nonog.PAGLALAHAD NG SARILING PAG-AARAL METODOLOHIYA Ang pamamaraang ginamit ng grupo upang makakalap ng datos ay ang pananaliksik at panayam. Malakas ang impluwensya ng mga sabi-sabi. Lerma Serdone. Halimbawa sa bahay. Ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa tatlong respondente na nagmula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas na may kanya-kanyang opinyon ukol sa pamahiin. Para sa pananaliksik. hindi ka maniniwala kasi isa lang ang dapat mong paniwalaan. kung naniniwala ang lola mo. Nang tanungin kung siya ay naniniwala ba sa mga pamahiin. INTERPRETASYON AT PAGSUSURI NG DATOS Ang unang kinapanayam ng grupo ay isang madre ng Holy Family Dormitory na nagngangalang Sr. PRESENTASYON. apatnapu’t siyam na taong gulang.” Dagdag pa niya. ang Diyos lang. hindi na. Una sa lahat. ito ang kanyang naging tugon: “Hindi. kasi kung ikaw ay isang Kristyano at matibay ang iyong pananampalataya.” Tinanong din ng grupo kung para sa kanya ba ay masamang maniwala sa mga pamahiin. . tatlumpu’t dalawang taong gulang na mula sa Quezon Province. Ang mga nangyayaring co-incidence o pagkakataon sa mga taong katulad niyo na hindi madre o pari ay agad ikinakabit sa pamahiin.” Ikinuwento pa niya na. Noong bata pa ako. Pero sa bandang huli. ikaw na apo ay maniniwala rin kasi meron kang pruweba. kulang sila sa impormasyon. Siya’y nagmula sa Leyte at kasalukuyang naninirahan sa Cavite. naniniwala rin ako kasi iyon ang nakikita ko sa bahay namin. “Ang mga magulang ko ay naniniwala sa mga ganyang bagay. “Kung iyan ay hindi makabubuti sa iyong pamumuhay at sa pagiging tao mo. gumamit ang grupo ng mga libro at ng internet. hindi ka dapat maniwala.

” Sa kabila ng pagiging matrabaho at paminsan-minsan ay mabusisi ang pagsunod sa mga pamahiin. (3)Kailangang magdasal ng rosaryo. ito ang kanyang naging tugon. kailangang magpadugo muna ng manok o di kaya’y baboy. ngunit wala namang masama kung susundin ang mga pamahiin na iyon. bago dapat ang kama o di naman kaya ay ang mga kobre kama. “Malaki rin ang naitututlong nito. Kunyari sinasabi ko sa anak ko na bawal magputol ng kuko sa gabi. limampu’t isang taong gulang. . Diyos talaga ang nakakaalam at magsumikap ka lang.Nang tanungin ng grupo kung anu-ano ang kanyang alam na mga pamahiin. ayos lang kasi delikado naman talaga ang magputol ng kuko sa gabi. narito ang ilan sa kanyang mga nabanggit: (1)Bago magpatayo ng bahay. kapag ginawa mo ito ay may mamamatay. nakatira sa Lungsod ng Muntinlupa. Sa aming paniniwala. Nang tanungin ng grupo kung paano nakatutulong ang pagsunod sa pamahiin sa kanilang pamilya. simulan habang palipat at tapusin sa lilipatang bahay. hindi ito naging balakid sa pagsunod nila. nabanggit niya na: “Wala naman yata iyan sa pamahiin. (2)Sa paglipat. hindi nasusunod kasi matrabaho at kailangang may superbisyon ng mga matatanda kasi sila ang eksperto pagdating sa ganyang mga pamahiin. Halimbawa. Ang iba ay sinunod ko ngunit ang iba tulad ng ‘dapat nakaharap sa silangan ang bahay’ ay hindi na nasunod dahil walang mabiling lote na nakaharap sa silangan. Isa siya sa mga respondenteng naniniwala sa pamahiin. Pwede rin itong panakot sa mga bata. ‘success will follow’. kasi magaan ang pakiramdam mo na sinunod mo ang pamahiin at hindi mo sisisihin ang sarili mo kung ano man ang mangyari sa loob ng bahay. maaaring makaiwas sa malas at madagdagan pa ang swerte ng pamilya. “Yung iba. kailangang kabilugan ng buwan at hindi tuwing bagong buwan (new moon). ika nga. Nang hingin ng grupo ang kanyang tugon ukol sa pagsunod sa mga pamahiin maging sa sariling tahanan. Siya ay lumaki sa Ilocos Norte.(4)Hangga’t maaari. Eto ang kanyang naging pahayag:“Katulad na lamang kapag bagong taon. narito ang kanyang sagot: “Hindi gaano. Kung hindi naman ito totoo.” Naungkat din ng grupo kung nasusunod ba nila ang lahat ng mga ito.” Isa rin sa kinapanayam ng grupo ay si Ginang Alicia Vidad. maraming pamahiinang kailangang masunod. At kung totoo man ang mga pamahiin.” Bago magwakas ang pakikipanayam ng grupo.

May mga taong malakas ang paniniwala sa pamahiin na ginagwa talaga nila ang lahat. mahihinuha na hindi nalalayo ang mga pamahiin ng iba’t ibang lugar at kultura. natatawa na lamang ang aking mga anak tuwing pinapaalalahanan ko sila na huwag magwalis tuwing gabi kahit na sobrang kalat. ang mga pamahiin na mahihirap. Maaari ring patunayan ng susunod pang mananaliksik kung totoong nagdudulot ang pamahiin ng swerte. pagkakasiyahin pa rin para makumpleto ang mga ito.” KONKLUSYON Tunay ngang malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang pamahiin. Masyadong ispesipiko ang mga pamahiin at maraming kailangang gawin masunod lamang ito. .Batay sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik.kailangang bumili ng labintatlong prutas. para masunod ito. Mayroon din namang mga tao na sinusunod lamang ang mga pamahiin na madadali o iyong kaya nila at hindi na gaanong pinag-uukulan ng pansin. REKOMENDASYON Ang pananaliksik na ito ay maaaring ipagpatuloy sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ibang pokus tulad ng pamahiin sa iba’t ibang okasyon. kahit na maliit ang badyet. o dagdag na panahon. Kung wala. Kaya ko ibinabahagi sa kanila. kasi maaari namang may katotohanan ang mga ito. Kahit na minsa’y mahirap at minsa’y nanganailangan pa ng malaking halaga. Vidad ang mga ito. eh di parang ibinahagi ko na rin ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kultura ng mga Pilipino. pinahahalagahan pa rin ni Gng.“Siyempre! Minsan nga.” Kahit na maraming makabagong teknolohiya at halos lahat ng bagay ay may siyentipikong basehan na. at iba pang pang-araw-araw na gawain. sa abot ng kanilang makakaya. pagkain.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful