Professional Documents
Culture Documents
Si Amado Vera Hernández (Setyembre 13, 1903—Marso 24, 1970) ay isang makata at manun
ulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sa
pagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna
at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang
kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makako
munista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tum
agal ng 13 taon bago nagwakas.
Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan
nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng
Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niy
a ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala
bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantala
ng si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para s
a pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkaka
isa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng
mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay n
apabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at
ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging ka
bahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng
mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jes
us.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka
ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at
habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa
sa mga mahahalaga niyang tula.
Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit"
, at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang
tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo di
n siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niy
ang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila is
ang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya n
i Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik. Subalit ang tunay
na dahilan ay naipakulong si Hernandez dahil sa pagiging pinuno ng Kongreso ng
mga Samahang Manggagawa (Congress of Labor Organizations), na isa sa pinakamalak
i, pinakamilitante at pinakamakabayan sa lahat ng unyon noong kapanahunan ni Her
nandez.
Noong 1973, tatlong taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si
“Ka Amado” ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal-tagal na rin mul
a nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mg
a rali sa lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita
ng tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."
Bawat taon ay ginugunita at ipinagkakaloob ang Gawad Ka Amado sa mga makata, man
unulat, mandudula, mang-aawit at mga may-akda ng mga likhang-biswal na gumagawa
ng mga sulating tumatalakay sa mga karanasan ng liping manggagawa.
Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat
sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bu
kod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at iti
nuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-a
sawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngun
it mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa ka
niyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niy
a ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo
Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataa
s na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Ba
tas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga man
unula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang ma
glingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng
Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita.
Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Sur
ian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Sant
os ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang
Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900,
at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit h
anggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pamban
sa ang Wikang Tagalog.
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod
din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.
Si Dr. Leon Ma. Guerrero ay ipinanganak noong Enero 21, 1853 sa Ermita, Maynila.
Siya ay ika-14 na anak ng isang prominente at relihiyosong mag-asawa. Sina Leon
George Guerrero at Clara Leogardo.
Siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila at nagtapos naman ng kursong parmasyutika s
a Unibersidad ng Santo Tomas noong 1876. Sa kanyang pag-aaral pawang matataaS na
marka ang nakamit ni Guerrero.
Noong taong 1883, si Guerrero ay nagtayo ng sarili niyang tindahan ng gamot sa B
inondo. Dito siya tumuklas ng iba t ibang halamang gamot na ang bisa ay maikukum
para sa kahusayan ng gamot sa ibang bansa.
Bilang isang Pilipinong may pagmamahal sa bayan, sumapi si Leon Guerrero sa Kong
reso ng Malolos at isa siya sa lumagda sa Konstitusyon ng Malolos noong ilunsad
ang Unang Republika ng Pilipinas. Sumulat rin siya ng artikulo sa "La Independen
cia", isang pahayagan noong panahon ng himagsikan. Siya rin ay naging editor nan
g "La Republika Filipina".
Bukod dito siya ay nagturo ng "Natural History" sa Liceo de Manila na kung saan
ay itinatag niya ang samahan ng mga guro sa parmasyutika (Faculty of Pharmacy).
Siya ang kauna-unahang propesor sa Pilipinas na nagturo ng "Vegetable Histology"
sa pamamaraang praktikal. Siya rin ay naging pinuno ng "Bureau of Science" na s
iyang nagdulot sa kanya ng lubos na kasiyahan at naging kuntento na sa buhay.
Ang pulitika ay naging bahagi rin ng buhay ni Guerrero. Siya ay naging kinatawan
ng ikalawang distrito ng Malolos para sa Pambansang Asembleya ng Pilipinas.
Siya ay binawian ng buhay noong Abril 13, 1935.