Professional Documents
Culture Documents
Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y
lumakad na pauwi sa kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad ay
biglang napahinto si Edna.
"Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa
puno ng lansones na hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako," ani
Ednang halos matulo ang laway sa pananabik. Napakurap-kurap si Manuel.
Hindi niya malaman ang gagawin. Alam niyang ang lansones ay lason at Hindi
maaring kainin ngunit batid din naman niyang nagdadalang-tao ang asawa at
hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa pagkakatigagal ng lalaki ay
marahan siyang kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha siya ng mga
bunga ng lansones.
Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Ang
maaliwalas na langit ng kanilang pag-iibigan ay biglang sinaputan ng ulap. Ni
hindi sinulyapan ni Edna ang mga manggang manibalang na pitas ni Manuel
sa kanilang duluhan. Ang babae'y laging nagkukulong sa silid, ayaw tumikim
man lamang ng pagkain at ayaw tapunan ng tingin ang pinagtatampuhang
asawa.
Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na
nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina
ang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya
na ang gumagawa.
Isang umaga, si Pina'y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita
ang sandok. "Saan kaya naroroon ang sandok?" ang sambit nito.
"Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!" ang muling sabi ng
anak.
"Marami naman kayong sinisermon pa" ang wika ng anak sabay panaog.
Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog.
Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na
parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang
araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap
ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita.
c c
Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang
yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.
Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan
kung bakit laging nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang
nabanggit na korona ay lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa
pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap pa rin niya ang koronang lalong
nagpapayabang sa katauhan niya.
Hindi alam ng mag-asawa na habang wala sila sa tirahan may mga ada
naming nagbabantay sa kaisa-isa nilang mahal sa buahay na kahiy totoy na
totoy pa sa kamusmusan ay marunong na ring manindigan.
´Lintik na bata ka!µ nanginginig sag alit na sigaw ng Sultan.µ Ano ang
karapatan mong himingi ng anuman sa aking mesa?µ
´Aba napakaliit mong bata ka, akala mo kung sino ka. Hindi mo ba alam na
Sultan akong dapat mong igalang?µ nangangalog ang babang sigaw ng
gahaman.
Ilang taon din ang nakaraan at nagging malaking puno ang halaman.
Nagtataka ang Sultan nang mamunga ang puno sapagkat mukha itong ulo ng
tao na may korona at tuktok.
´Si Barabas yan!µsigaw ng mga tao. Nang tikman nila ang bunga ay nagulat
sila.
Ilang araw lang ng lumipas ay lumaki ang mga bunga ng berdeng prutas.
Nang kagatin ng bata ay napangiwi sila.
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut
na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong
nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang
kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at
halaman.
´Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit
at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.µ
c c
Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-
awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: ´Sino na ang
magapakain sa amin?µ tanong ng pinakamatandang anak.
´Huwag na kayong umiyak,µ sabi niya. ´Di kayo pababayaan ng inyong ina.
Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may
tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain
araw-araw.
Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka
ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.
´Mga ulo ninyo,µ ang sigaw niyang babala sa itaas. ´Ibabagsak ko ito at
buksan ninyo.µ
Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.
´Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,µ sabi nila. Tinikman nila ang laman at
ang nasabi ay: ´Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito,µ ang
wika ng ikaapat na anak.
c c
´Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!µ ang palding sigaw nito
sa tuwing makakakita ng pangit sa palasyo.
´Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at
magbalik ka na sa kwebang pinanggalingan mo!µ ang bulyaw nito. Nabigla
ang lahat sa nasal ng prinsesa.
´Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa,µ ang
agad na idinugtong nito sabay turo kay Prinsipe Algori.
Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa
ng nag-alisan ang mga nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa
harapan ang pangit na prinsipe.
´Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!µ ang muling
bulyaw ng prinsesa na tila nandidiri.
Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang ´Diyos pala ng
Kakisigan.µ Bumababa ang isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang ´Diyos
na Kakisigan,µ at tuluyan nang lumisan.
Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat,
nanghnayang nang husto si Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.
Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng
puno ng balahibo ang buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat,
lalo pa·t bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A mapela. Nabalot din ito
ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot.
Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa
kanyang panlabas na anyo, dahil ang higit na mahalaga ay ang tunay na
pagkatao at pag-uugali.
c
Humupa na ang baha at nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si
Gat Urong-Sulong; nawawala rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa
tinangay ng baha.
Nalutas ang paghahanap ng mga tao nang isang araw ay makapansin sila ng
mahiwagang hayop sa lugar na dating kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-
Sulong. Kataka-taka ang anyo ng hayop na iyon na ang talukab sa likod ay
mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya ang Pandita ng barangay.
´Ang mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating ¶Pagong· mula ngayon,
bilang pagkilala sa isang ulirang pagpapakasakit ng isang dakilang puso.µ
May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya·y mapula at kulobot.
Ang mga mata·y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May
pulopot na basahan ang kamay. Siya·y pilay kaya pahingkiud-hingkod kung
lumakad.
Isang umaga, isang batang lalaki·t isang batang babae ang lumisan ng
kanilang tahanan.Sila·y maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila·y nagging
palaboy at walang tirahan. Sila·y nagpapasasa sa hirap upang may makain.
´Oo,noong ako·y bata pa, may isang mamamg nagkuwento sa akin tttttungkol
sa lunang katulad nito. Huwag na tayong umaalis,µ Sabi ni Ligaya.
Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung
saan sila naroon.
´Bakit kayo naaangahas pumasok dito?µ ang bungad na tanong. ´Ano ang
ginagawa ninyo?µ patuloy pa.
´Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw
ng matanda.
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala
pa si Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga·y nakaupo sa
duruwangawan at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay
Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan ² kainan at sayawan.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa·y
ilagak na magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing
ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang
hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong
buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. ´Sabihin niyo
sa inyong datu,µ ang wika niya sa mga sugo,µ na ako·y hindi magnanakaw.
Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa natuklasan kong
mga kasulatan ng aking mga nuno.µ
Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at
dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat
noo·y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa
dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan
daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may
mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng
dalwang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing
daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga
dahon ng halaman. ´Sumpa kita! «Sumpa kita!µ ang winiwika raw ng tinig.
Ngunit ang mga tao, kung minsa·t sila·y nagbabantay, ay wala namang
nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako,
na sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may
kaliitan datapuwa·t maputi, maraming talulot at ang iwing bango·y pambihira.
Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo,
taun-taon.
Sa di-kawasa·y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang
matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga
salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni·t ang kanilang
pagtataka·y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno
ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang
bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa
kalansay. Ngayo·y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng
dalawang kapos-palad ² Si Delfin at si Rosita. Samantala«.
c
Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng
kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang
sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa
kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at
nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.
Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga
hanggang sa ito·y namulaklak at namunga.
Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang
mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng
bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis.
Naniwala ang mga taong ito·y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang
tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.
Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin
upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito·y si
Sangkalan. Sa huli·y siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati
ang mga Bilaan at Manobos.
Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon
ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at
isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.