You are on page 1of 20

Tula – isang uri ng panitikan

na nagbibigay diin sa ritmo,


mga tunog, paglalarawan at
mga paraan ng pagbibigay ng
kahulugan sa mga salita.
Samantalang ang ordinaryong
pagsasalita at panulat ay
inoorganisa sa mga pangungusap
at mga talata, ang tula ay
inoorganisa sa mga yunit na
tinatawag na taludtod at saknong.
Elemento
•Sukat
•Saknong
•Tugma
•Kariktan
•talinhaga
SUKAT
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Mga uri ng sukat
1. Wawaluhin –
hal. Isda ko sa Mariveles -
Nasa loob ang kaliskis
Mga
Elemento
ng Tula
2. Lalabindalawahin –

hal. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. lalabing-animin –
hal. Sai-saring bungangkahoy, hinog na at
matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa
sa paligid
4. Lalabingwaluhin –
hal. Tumutubong mga palay,gulay at
maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang
kahoy na malabay
Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at labingwalo ay
may Cesura o hati na nangangahulugang saglit na
paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na
pantig.
Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga
panaginip
Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig,
Pg-ibig!
Noong panahon ng Hapon, may
tulang dinala rito ang mga Hapones.
Ito ang tinatawag na Haiku, na may
limang pantig lamang sa loob ng
isang saknong at Tanaga na may
pitong pantig sa loob ng isang
saknong.
Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang
tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet 6 linya - sestet
3 linya - tercet 7 linya - septet
4 linya - quatrain 8 linya - octave
5 linya – quintet
Ang couplets, tercets at quatrains ang mada-
las na ginagamit sa mga tula.
TUGMA
Isa itong katangian ng tula na hindi
angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasa
-bing may tugma ang tula kapag ang huling
pantig ng huling salita ng bawat taludtod
ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga-
ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-
bigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.
MGA URI NG TUGMA
1. Tugma sa patinig
hal. Mahirap sumaya
Ang taong may sala
hal. Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig,
dapat pare-pareho ang patinig sa loob
ng isang saknong o dalawang magkasu-
nod o salitan.
hal. a a a
a a i
a i a
a i i
2. Tugma sa katinig
a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t
hal. Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y
hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
KARIKATAN
Kailangang magtaglay ang tula ng
maririkit na salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon din mapukaw
ang damdamin at kawilihan.
TALINHAGA
Magandang basahin ang tulang di
tiyakang tumutukoy sa bagay na bina-
banggit. Ito’y isang sangkap ng tula
Na may kinalaman sa natatagong
kahulugan ng tula.
BINUO NI:

VICTORIA ROSA H. VALENTI


UNIVERSITY OF SAN JOSE- RECOLETOS
BSN-I BLOCK 4

You might also like