You are on page 1of 6

TAKDANG ARALIN:

1) Isulat ang mga tauhan sa Noli me Tangere.


2) Buhay ni Jose Rizal.
-Kailan at saan isinulat ang Noli me
Tangere
-Layunin ni gat Jose Rizal sa pagsulat
Sagot:

1. Isulat ang mga tauhan sa Noli me Tangere.

• Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na

makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang

kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

• Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang

kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

• Kapitan Tiyago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni

Maria Clara.

• Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang

parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

• Padre Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na

pagtatangi kay Maria Clara.

• Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San

Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay

Padre Damaso.

• Pilosopong Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng marurunong na

mamamayan ng San Diego.

• Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang

pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

• Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at

tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

• Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego


• Donya Victorina - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung

kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

• Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na

may malaswang bibig at pag-uugali.

• Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang

napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran;

napangasawa ni Donya Victorina.

• Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni

Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

• Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin

• Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng

paaralan.

• Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-

natuloy na pagpatay kay Ibarra.

• Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga

Kastila.

• Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay

Maria Clara.

• Donya Pia - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na

kaagad na siya'y maisilang.

• Iday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa

San Diego

• Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na

maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

• Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni

Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

• Don Saturnino - nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng

nuno ni Elias.

• Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.


• Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan

Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang

• Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya

sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng

kanyang ama.

• Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa

pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

• Padre Sibyla - paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga

kilos ni Ibarra.

• Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

2. Buhay ni Jose Rizal.

Si Dr. Jose Rizal ay halimbawa ng Pilipinong nagtaglay ng


pinakamataas na uri ng kabayanihan.

Si Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo,


1861. Siya’y nanggaling ng isang kilala at marangal na pamilya ng mga
mangangalakal at may-ari ng malaking sakahan.

Sa gulang ng tatlo, siya’y marunong nang bumasa, Siya’y nag-aaral


sa isang pormal na paaralan sa Ateneo de Manila, kung saan siya’y
patuloy na nagpamalas ng kakaibang talino’t galing. Dito rin siya natuto
ng wikang Kastila, lumikha ng kanyang mga tula at sarili niyang
talambuhay at dula, at natutong maglilok ng kahoy.

Dahil sa hilig niya sa Medisina, siya’y nag-aral sa Unibersidad ng


Santo Tomas. Siya’y lumahok sa iba’t ibang paligsahan at nanalo. Siya’y
nagpasiya na tapusin ang nasimulang kurso sa Espanya.

Sa Madrid, si Rizal ay nakapag-aral ng panitikan at pagiging


doctor. May ilan din siyang kursong pangwika at isang asignatura hinggil
sa kultura. Para sa kasanayan din sa Medisina, siya’y kumuha ng lisensya
sa Facultad De San Carlos De Madrid.

Nang siya’y nasa bansang Espanya, siya’y nakilahok at nakihalubilo


sa ibang mga kababatang Pilipino, tulad nina Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Juan Luna at Mariano Ponce. Sila’y
patuloy na gumagawa ng mga reporma. Hinirang na pinuno si Rizal.

Bagaman marunong si Rizal sa fencing at pamamaril, hindi siya


gumamit ng mga sandatang ito. Ginamit niyang katuwiran at kapayapaan,
ang panulat at pagbigkas. Upang matupad ang kanyang layunin,
naglakbay si Jose Rizal sa maraming bansa, nagsulat siya ng maraming
libro at humingi ng tulong sa mga kilalang siyentipinko at pilosopo sa
Europa.

Ang nagbunsod kay Dr. Jose Rizal na sumulat ng isang nobelang


naglalarawan ng mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila
ay ang pagkabasa niya ng Uncle Tom’s Cabin, na isinulat ni Harriet
Beecher Stowe, tungkol naman sa kawawang karanasan ng mga aliping
Negro sa Amerika.

Nakipagpulong siya sa isang pangkat ng mga Pilipino sa bahay ni


Paterno sa Madrid at iminungkahi niya sa mga ito ang pagsulat ng nobela
tungkol sa Pilipinas. Sinang-ayunan ito ng mga naroroon, sina Pedro
Paterno, Maximo Paterno, Antonio Paterno, Graciano Lopez Jaena,
Evaristo Agguire, Eduardo de Lete, Julio Llorente, Melecio Figueroa at
Valentin Ventura.

Ang nobela sana’y nasaklaw sa lahat ng aspeto ng buhay sa


Pilipinas. Sa kasamaang palad hindi natuloy ang binabalak na nobela dahil
walang sinulat ang mga kasama niya. Ipinasiya ng bayani na mag-isa
niyang sinulat ang nobela.

Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng Noli me Tangere nang matapos


na ang taong 1884 atnaisulat niya ang kalahati nito. Itinuloy niya ang
pagsulat dito sa Paris noong 1885, sa Alemanya, nang pumunta siya doon
at natapos niya ang nobela sa Wilhelmsfeld noong Hunyo 1886.

Dahil sa kahirapan at kakulangan ng salapi, hindi niya maipalimbag


ang naisulat nang nobela. May mga sandali pa raw na naiisipan niyang
itapon ito sa apoy. Sa gitna ng krisis nito, may mayamang nag-alok na
gumugol sa pagpapalathala nito, ang kaibigan niyang si Dr. Maximo Viola.

Para makatipid sa pagpapalimbag, binawasan ni Rizal ang nobela sa


mga ilang bahagi at isang buong kabanata, “Si Elias at Salome”.
Nagsimulang ipalimbag ito noong Pebrero 1887 sa Berliner
Buchdruckrei-Action Gesselschaft, sa halagang tatlong-daang piso ang
dalawang-libong sipi ng nobela.
Nang lumabas sa palimbangan ang Noli Me Tangere noong Marso
1887, pinadalhan kaagad ni Rizal ang mga matalik niyang kaibigang sina
Ferdinand Blumentritt, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena,
Mariano Ponce at Felix Hidalgo.

Sa liham niya kay Blumentritt, sinabi niya, “Pinadalhan kita ng


isang aklat, ang aking kauna-unahang aklat bagama’t marami na akong
naisulat na nakapagtamo pa ng mga gantimpala. Ito ang unang matapang
at walang kinikilingang aklat tungkol sa buhay ng mga Pilipino. Mababasa
ng mga Pilipino ang kasaysayan nila nitong nagdaang sampung taon.

“Mapapansin mo ang pagkakaiba nito sa sinulat ng mga ibang


manunulat. Ang pamahalaan at mga prayle ay tiyak na magagalit at
tatanggihan ang mga nakasulat dito ngunit umaasa ako sa Diyos ng
katotohanan at sa mga taong nakikitang maliwanag sa mga paghihirap ng
mga Pilipino. Sana’y masagot ko ang mga maling ipararatang nila sa akin.”

Sa pagganti niya sa kabutihang loob ni Viola na tumulong nga sa


paglilimbag ng nobela, ipinagkaloob niya rito ang plumang ginamit niya sa
pagsulat nito at ang mga pruweba ng nalimbag na Noli.

Ang pamagat ng Noli me Tangere ay Latin na ang ibig sabihin ay


“Huwag Mo Akong Salingin”. Sa liham ni Rizal kay Felix Hidalgo noong
Marso 5, 1887 ay sinabi niyang mula sa Bibliya ang katagang ito. Sinabi
ni Jesus kay Maria Magdalena nang ito’y dumalaw sa libingan niya at
nakausap siya, “Huwag mo akong salingin. Hindi pa ako nakaaakyat sa
aking Ama. Puntahan mo ang aking mga kasama at sabihin mong aakyat
ako sa aking Ama, na iyong Ama, sa aking Diyos at iyong Diyos.
TAKDANG ARALIN SA
FILIPINO III

Ipinasa ni:
♥Ms. Manilac Melissa
Rañin

Ipinisa kay;
♠Mrs. Ritchie U. De los Reyes

You might also like