P. 1
PAGSALIN NG MAIKLING KWENTONG CEBUANO SA FILIPINO

PAGSALIN NG MAIKLING KWENTONG CEBUANO SA FILIPINO

|Views: 8,547|Likes:

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: Criselle Marie Bacay on Mar 10, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

05/10/2013

pdf

text

original

PAGSALIN NG MAIKLING KWENTONG CEBUANO SA FILIPINO

Iniharap kay Gng. Leticia D. Espina sa departmento ng Humanidad at Agham Panlipunan

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2010-2011

Ipinasa nina: Abarabar, Rowell M. Amar, Bermont Jhon B. Andal, Joel S. Aquino, Jose Bacay, Criselle Marie A. Bunac, Kevin Troy Cabanero, Neza V. Calasicas, Renato Rodolfo R. Cardoza, Inrie John E. Cerdena, Sharmaine P. Coyco, Arianne Angelie D.

Fajardo, Mark Jayson Fiel, Arnel O. Ereje, Ervin Z. Esponilla, Jonry P. Labao, Ronald Madeja, Marlon R. Mercado, Ellen P. Miranda, Nimicky L. Navarro, Jobelle O. Mahigugmaon, Jayzell B. Salido, Louie S. Salao, Maria Ana Tantiado, Arlo Jay

PASASALAMAT

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga indibidwal na siyang tumulong at umudyok sa amin upang matapos itong pamanahong papel na ito: y Kay Gng. Leticia D. Espina, ang aming kagalang-galang na propesor sa asignaturang Filipino 2 at ang aming butihing ³pangalawang ina´ bilang tagapayo ng aming pangkat. Nagpapasalamat mo kami sa inyong walang sawang paggabay at pagbigay ng mga magagandang puna at payo na siyang nakatulong upang mabuo namin ang papel na ito. y Sa mga mag-aaral sa unang taon ng Technnological Institute of the Philippines-Manila, Kolehiyo ng Inhinyero na siyang pinagmulan ng aming datos, maraming salamat sa inyong kooperasyon. Kung hindi niyo kami pinaunlakan at tinulungan ay maaaring wala na kaming maipepresentang papel ngayon. ; y Sa aming mga magigiliw na mga kaklase, ang pangkat 1, na siyang nagbigay kulay sa isang animo¶y napakamasalimuot na taon, maraming salamat. Hinding-hindi namin makakalimutan ang lahat ng mga bagay na ating pinagsamahan bilang isang klase. y Nagpapasalamat rin kami sa aming mga magulang, mga kaibigan at mahal sa buhay sa kanilang walang sawang pag-suporta at pagintindi sa amin. y At sa Poong Maykapal na siya naming pinag-aalayan nitong aming munting proyekto, maraming salamat po sa inyong patuloy na paggabay sa amin at sa pagbabasbas ng biyaya.

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I- Ang Suliranin at Kaligiran y y y y y y Introduksyon Layunin ng Pag-aaral Kahalagahan ng Pag-aaral Paglalahad ng Suliranin Saklaw at Delimitasyon Depinisyon ng mga Terminolohiya 1 2 2 3 3 4

Kabanata II- Magkakaugnay na Literatura y y Magkakaugnay na Literatura Metodo 5 8

Kabanata III- Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik y y Pamamaraan ng Pananaliksik Theoretical Framework 9 10

Kabanata IV- Tritment ng mga Datos y y Intrepetasyon ng mga Datos Estasktikong paglalapat ng mga datos 11 12

Kabanata V- Buod, Konklusyon at Rekomendasyon y y y Buod Konklusyon Rekomendasyon 15 16 16 17

Apendiks

BIBLIOGRAPIYA

Abesamis, Norma R. et al. 2007. Pagbabasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Mutya Publishing House, Inc. 2007 Bernales, Rolando A. et al. 2007. Pagbasa at Pagsulat sa Iba¶t Ibang Disiplina. Mutya Publishing House, Inc. 2007 Espina, Leticia D. et al. 2009. Pagbabasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Mindshapers Co., Inc. 2009 http://wika.pbworks.com/w/page/8021653/Call-for-Project-Proposals http://www.bohol.ph/diksyunaryo.php http://allanortiz05.multiply.com/journal/item/19/Pagsasaling_wika_Hand_Out http://allanortiz05.multiply.com/journal/item/19/Pagsasaling_wika_Hand_Out http://plumatek.multiply.com/journal/item/44

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 163, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang ³Pagsasalin ng maikling kwento ng Cebuano sa Filipino´ ay buong puso na inihanda ng mga mananaliksik mula sa isang grupo na binubuo nina:

Abarabar, Rowell M. Amar, Bermont Jhon B. Andal, Joel S. Aquino, Jose Bacay, Criselle Marie A. Bunac, Kevin Troy Cabanero, Neza V. Calasicas, Renato RodolfoR. Cardoza, Inrie John E. Cerdena, Sharmaine P. Coyco, Arianne Angelie D. Fajardo, Mark Jayson Fiel, Arnel O. Ereje, Ervin Z. Esponilla, Jonry P. Labao, Ronald

Madeja, Marlon R. Mercado, Ellen P. Miranda, Nimicky L. Navarro, Jobelle O. Mahigugmaon, Jayzell B. Salido, Louie S. Salao, Maria Ana Tantiado, Arlo Jay

Gng. Leticia D. Espina Propesora

Petsa:

Pahina 1

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

INTRODUKSYON

Noong panahon ng mga magulang natin, ang pagbabasa ng teksto o libro ay isa sa mga libangan o pampalipas oras pero ngayon ay tila nasama na sa paglipas ng panahon at nabaon sa limot ito.karaniwan sa mga kabataan ngayon ay nahihilig sa social networking (facebook at twitter) at online and console gaming(dota at laro 8ilipi) dahil sa inpluwensya ng 8ilipi at maunlad na teknolohiya. Dahil 8ilip ay nawalan na ng interes magbasa ng makabuluhan na teksto o libro kung minsan ay hindi nila maintindihan ang mensahe o mismong wikang ginamit. Mayroon naman ang mga hindi nakapag-aral ng pormal sa paaralan ay ganito din ang nangyayari sa kanila.may isang paraan upang maiwasan ito at ang paraang ito ay pagsasalin ng wika. Ang pagsasalin ng wika ay isang paraan ng pagtangkang isalin o pakahulugan ang wikang ginamit sa teksto patungo sa sariling wika. Mayroon tayong mga pamantayan sa pagsasagawa nito upang tuluyang ito mapagaan at maunawaan ang tekstong nais basahin. Maraming kahalagahan ang maaaring makatulong sa pagsasalin kagaya sa pang-komersiyo, pagbubuklod ng mga lahi , at pagkakaroon ng kapayapaan at kalayaan sa lipunan. Ito¶y ginagamit din sa pag-aaral ng artifact ng mga archaeologist sa pagtala ng kasaysayan 8ilipino mundo upang malaman ang mensahe ng mga sinaunang tao at patunay na kung may mga nangyari sa panahong iyon. Ito rin ginagamit natin sa komunikasyon para sa araw-araw na pakikisalamuha sa mga tao. Kapag ito¶y ginawa natin ay mas maraming makababasa at tatangkilik ng teksto. Bukod 8ilip ay maaaring pang mapanatili ang kultura ng sumulat nito. Sana mabigyan natin ng halaga ang mga angkin 8ilipin ng mga manunulat dahil tayo ang tutulong sa paghahatid ng kanyang mensahe sa mga tao. Kailangan natin buhayin ang nalimutan na babasahin at teksto upang yumaman ang kultura at tradisyon. Dahil sa mga ito ay hindi tayo mamumulat sa katotohanan ng buhay at mawawala ang pundasyon 8ilipino pagiging 8ilipino. May kasabihan tayo na ³hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan´ kaya magsama-sama tayo sa kaunlaran at kalayaan ng bansa.

Pahina 2

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na: 1. Tukuyin kung ano ang kahalagahan ng mabisang pagsasalin. 2. Alamin kung ano mga dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng isang teksto. 3. Tukuyin ang iba¶t ibang pamamaraan ng pagsasalin. 4. Alamin kung ano ang epekto ng pagsasalin para sa mga mambabasa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Binibigyang diin ng research na ito ang Kahalagahan ng Paggamit ng Wikang Filipino sa Panitikan upang lubos na mapahalagahan ng mga mambabasa ang mga akdang gumagamit ng iba¶t ibang diyalekto. Yamang kalakhang bahagi ng ating bansa ay may higit na kasanayan sa wikang Filipino, sila ay mahihikayat na tangkilikin din ang akda na nakasulat sa ibang diyalekto. Sa ganitong paraan, lumalawak ang saklaw ng panitikan dito sa ating bansa. Ang pagsasalin ay nakatutulong upang makilala ng mga estudyante ang pagkakaiba ng dalawang wika, sa bokabularyo at estruktura gayon din sa kulturang nakabuhol sa bawat wika. Sa pamamagitan ng paghahambing ng dalawang wika, magkakaroon ang estudyante ng malawak na kaalaman at malalim na kamalayan sa kanyang unang wika, habang natatamo naman ang ganito ring kaalaman at kamalayan sa pangalawang wika. Nakapagpapalawak din ito ng bokabularyo. Sa pagtutumbas, kailangang piliin ang pinakaangkop na salita. Dahil dito, nagiging malikhain ang tagasalin sa pag-iisip ng pinakaangkop na salita o kombinasyon ng mga salita upang buongbuong maipahayag ang tumpak na mensahe ng akdang isinasalin. Sa bahagi naman ng may akda

Pahina 3

na sumulat ng Orihinal na akda, mas nahihikayat silang sumulat pa ng maraming akda dahil alam nilang may proseso na upang maparating sa mas maraming mambabasa ang kanilang akda.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN Sa Proseso ng Pag-aaral, ang mga suliranin napaharap ay ang mga sumusunod: 1. Ang akda ay isinulat gamit ang diyalektong Cebuano. 2. Limitado ang reperensya ng mga taga-pagsalin. 3. Limitado ang mga akda na naisulat na kapareha ng orihinal na akda.

SAKLAW AT DELIMITASYON Saklaw ng Pag-aaral na ito ang maikling kwento na isinulat sa diyalektong Cebuano, kung kaya naman para sa mga mambabasa ng pag-aaral na ito, Proseso ng pagsasalin lamang at ibang bokabularyo ng Dialektong Cebuano ang maaring maibahagi sa inyo. Nalilimitahan din ang bokabularyo ng Dialektong Cebuano ang Naibahagi yamang nakabase lamang ang pagsasalin sa orihinal na akda.

Pahina 4

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

1. Maikling kwento- ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. 2. Wikang Cebuano (Bisaya)- ay pangunahing wika ng lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa. 3. Pagsasaling wika- ay isang pagtatangkang palitan ang isang mensahe ng isang wika nang gayon ding mensahe sa ibang wika. 4. Wikang Filipino- ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas² ang Inggles ang isa pa²ayon sa Saligang Batas ng 1987. 5. Panitikanay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Pahina 5

KABANATA II MAGKAKAUGNAY NA LITERATURA

Pagsasalin Sapagkat isa sa mga pangunahing Gawain ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ang pagsasalin, may kapangyarihan itong magpasya kung anong mga proyekto ang dapat isagawa sa larangang ito. Isasaalang-alang ng komite ang mga proyekto kung ang isasaling akda, aklat, teksto at iba pa ay hindi pa naisasalin at may maiaambag sa pangunahing tungkulin ng tanggapan. Saklaw ng Pagsasalin ‡ Mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ‡ Mga batas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo ‡ Mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong opisyal ‡ Mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa iba-ibang disiplina ‡ Iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin. Mga Tiyak na Kailangan Bago ang Pagsasalin 1. Panukalang Proyekto/Project Proposal batay sa format na pinagtibay ng KWF. 2. Kopya ng akda, aklat na isasalin 3. Rekomendasyon/patunay ng eksperto (hinirang/pinili ng KWF) sa larangan na wala pang salin nito 4. Bio-data ng proponent/transleytor, nagsasaad ng karanasan sa larangan ng pagsasalin nang hindi bababa sa tatlong (3) taon 5. Liham na nagpapahintulot sa KWF na ilathala ang pagsasalin. 6. Liham ng Kasunduan na kung hindi ang KWF ang maglalataha, kikilalanin pa rin ito na nagpondo sa pagsasalin sa pamamagitan ng paglalagay ng logo at pangalan nito sa isang prominenteng bahagi ng aklat o isa o dalawang pahinang laan para sa KWF. 7. Iba pang kailangan alinsunod sa mga tuntunin sa pag-aawdit at pagtutuos. Call for Project Proposal for 2008(http://wika.pbworks.com/w/page/8021653/Call-for-ProjectProposals) Mula sa Bulawan 19: Journal of Philippine Arts and Culture ANG PAGSASALIN BILANG GAMPANING PAMBANSA ni Virgilio S. Almario Isang malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Sa kaso ng Filipinas, isang pangunahing pansukat din ang pagsasalin hinggil sa nagiging antas ng pagsulong at

Pahina 6

kaganapan ng wikang pambansa. Hanggang hindi nakabubuo ng isang aklatan ng mga salin mula sa iba¶t ibang katutubong wika ng Filipinas at mula sa mga pangunahing wika ng daigdig, mga saling magtatanghal sa salimuot ng karanasan at kasaysayang pambansa at sisinop sa pinakadakilang mga tagumpay ng sangkatauhan, ay hindi pa maipagmamalaki ang lusog at tatag ng Filipino bilang wikang pambansa. Isang mahalagang bahagi ng naturang pambansang plano sa wika ang pambansang programa sa pagsasalin. Masalimuot at maraming aspekto ang pagbuo ng naturang programa. Kaya kailangang lahukan ito ng mga eksperto sa pagsasalin at ng mga institusyon at samahang nagsasagawa na ng pagsasalin. Kailangan din nitong isaisip ang pangkalahatang pangangailangan sa iba¶t ibang larang ng buhay at iba¶t ibang disiplinang akademiko upang magampanan kapuwa ang pagsasaling pampanitikan at teknikal gayundin ang mga kagyat na kahingian sa paaralan, hukuman, batasan, negosyo, at ibang sektor ng lipunang Filipino. Ang pagsasalin lamang ng mga akdang pampanitikan ay isang higanteng tungkulin kaya¶t mangangailangan kahit ang NCCA ng ibang katuwang na samahan upang matupad ito. Bukod naman sa propesyonalisasyon at pagtataas ng bayad sa tagasalin ay kailangan ang iba pang insentibo upang lumaki ang hukbo ng tagasalin at tumaas ang antas ng pagsasalin. Kailangan ang isang tanging gawad para sa katangi-tangi¶t huwarang tagasalin at isang regular na gantimpala upang itanghal ang mahuhusay na saling pampaanitikan at teknikal taon-taon.

Author: Emilio Jacinto Petsa: ika-25 ng Disyembre, 2007

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagpagsaling-Wika (Nida at Savory) Tungkulin ng isang tagapagsaling-wika ang mailipat niya sa wikang kanyang pagsasalinan ang diwang ipinahahayag sa wikang isinasalin. At upang maging maayos ang kanyang pagsasalin, dapat din niyang unawain hindi lamang ang nakikitang nilalaman ng paksa kundi gayundin ang natatagong kahulugan nito, ang mga emosyong napapaloob sa mga salita at ang estilo na siyang nagbigay-kulay at ganda sa diwang nais ipahayag ng awtor.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin Ayon kay Nida, ang katangiang ito ang ³first and foremost requirement of any translator.´ Tungkol sa wikang isasalin, hindi raw sapat na nakukuha niya ang general drift ng

Pahina 7

kahulugan ng kanyang isinasalin o kaya¶y mahusay siyang kumonsulta sa diskyonaryo. Kailangang maunawaan din niya ang maliliit na himaymay ng kahulugan, ang bahagyang pandamdaming taglay ng mga salita, at ang ginamit na estilo na siyang bumuo ng ³flavor and feel of the message.´

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Kailangang maunawaan ng tagapagsalin, halimbawa, ang pagkakaiba sa balangkas ng Ingles at Filipino. Iba ang balangkas ng pangungusap, sistema ng paglalapi at pagbuo ng mga parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino. Ang kaalamang ito ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri o pagbatid sa tunay na diwang nais ipahatid ng awtor, gayondin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagbubuo, pagsusunud-sunod atbp.

3. Sapat na kakakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay ³capacity for literary expression.´ Magkaiba ang kakayahan sa wikang pampanitikan kaysa karaniwang kakayahan sa paggamit ng wika. Kung ang isasalin ay tula, higit n mabuting ang maging tagapagsalin nito ay isa ring makata sapagkat iba ang hagod ng makata. Iba ang kanyang paraan ng paghahanay at pagpili ng mga salita.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng gurong nagtuturo nito. Nakalalamang ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. 5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; ang wikang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At gaya ng alam natin, ang Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang lubhang malaki ang pagkakaiba sa kultura.

Pahina 8

Sa gayon, masasabi nating walang wikang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan nito.

Definisyon: Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.

Metodo

Basahin ng paulit-ulit ang akda

Iwasang isalin ang pagsasaling salita-sasalita

Basahing mabuti ang ginawang pagsasalin pati ang orihinal na akda

Huwag gawing literal ang pagsasalin

Tiyaking maayos at malinaw ang pagsasaling-wika sa sariling pamamaraan

Pahina 9

KABANATA III DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mga paraan na ginamit ng aming grupo ay binasa ang kuwentong Cebuano upang isalin sa Filipino. Inintindi naming mabuti ang bawat salitang ginamit dito sa kuwento. Binasa namin ang kwento at inisa-isa ito salita sa salita, paksa sa paksa, pangungusap sa pangungusap at mahahalagang detalye upang lalo namin malaman kung ano talaga ang nilalaman ng kwento at gustong ipa-abot ng may akda sa mambabasa. Kami rin ay naghanap sa internet ng iba¶t-ibang paraan na makakatulong upang mapadali ang pagsasalin ng kwentong Cebuano sa Filipino lenggwahe. Kami rin ay kumausap ng isang cebuana, pinabasa namin sa kanya ang kwento at dahil dito napadali ang grupo namin sa pagsasalin ng kwentong Cebuano sa Filipino. Pinabasa rin namin sa aming guro ang kwentong Cebuano sa Filipino upang maitama ang mga maling pangungusap. Ang aming lider ay nagtalaga sa bawat miyembro ng grupo ng kani-kanilang gawain upang mapadali ang aming gawain at matapos sa takdang panahon ang aming proyekto.

Pahina 10

Theoretical Framework

Ayon kay Newmark

Proseso ng Pagsasalin ng Wika

Salita-sa-Salita

Basahin at unawain nang husto ang orihinal na akda. Ihiwalay o markahan ang mga salitang mahirap isalin.

Literal Gumamit ng tatlo o higit pang uri ng sanggunian. Pangunahin sa mga sanggunian ng nagsasaling-wika ay ang diksyunaryo ng wikang isinasalin; ikalawa ay ang diksyunaryo ng wikang sinasalin; at ang ikatlo ay ang sariling bokabularyo Isulat na ng unang borador kahit na hindi pa ganap na naisasalin ang mahihirap na salita. Basahin at iwasto ang unang borador para sa paggawa ng ikalawang borador.Dito maaaring balikan ang mahihirap na salita.

Adaptasyon

Matapat

Semantiko

Komunikatibo

Malaya

Ipabasa sa iba ang ginawang pagsasalin upang makakuha ng opinion at mungkahi. Mainam sa isang editor oproofreader ang magbabasa ng ikalawang borador. Isulat ang huling borador. Isama ang mga naging mungkahi at pagwawasto ng ibang nagbasa.

Pahina 11

KABANATA IV TRITMENT NG MGA DATOS

Interpretasyon ng mga Datos

a. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 100 porsyento o bahagdan ang sumasang-ayon na nagustuhan nila ang aming pagsasalin dahil sa maganda daw ang aming pagsasalin at naiintindihan nila ang kwento ng maayos. b. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 100 porsyento ang sumasang-ayon din o nagsasabi na maayos ang pagkakagawa sa aming ginawang pagsasalin ng teksto at lahat sila ay binigyan ito ng rate na apat c. Ayon sa nakalap naming mga sarbay ang kanilang reaksyon sa kwento ay maganda at nagawa naming maisalin ng malinaw ang kwento. d. Ayon sa sarbay namin marami ang nasiyahan sa kanilang nabasa na kwento kahit na patungkol ito sa isang tao na nabaliw sa pag-ibig at naging usap-usapan siya sa lugar nila na isa daw siyang baliw. e. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 75 porsyento ang nagsasabing naiintindihan nila ang kwento dahil sa napapanahon daw ito ngayon sa ating bansa dahil sa dumarami ang dumadanas nito ngayon ang maloko sa pag-ibig ngunit iiwan din pala. At sa 25 porsyento na nagsasabi na hindi nila naiitindihan ang kwento sinasabi nila na ano daw ang konek nito sa ating nangyayari sa buhay-buhay. f. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 100 porsyento ang nagsasabi na saya ang kanilang nararamdaman pagkatapos nila mabasa ang kwento na ³Talia Migrante´, sinasabi na ito daw ay nakakatuwa at nakaka-aliw basahin. g. Sa sarbay naming ginawa 75 porsyento ang nagsasabi na wala kaming maling salita na nagamit sa pagsasalin ng kwento h. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 75 porsyento ang nagsasabi na maganda ang kwento dahil para sa kanila ang kwento ay isang kakatawanan na may halong kung ano ano pa.

Pahina 12

Estastikong paglalapat ng mga datos

Nagustuhan niyo ba ang aming ginawang pagsasalin
Matinding pangsangSumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Matinding di 0 50 100

May 100 na porsyento o bahagdan ang sumasang-ayon na nagustuhan nila ang aming pagsasalin dahil sa maganda daw ang aming pagsalin at naiintindihan ng maayos ang kwento.

Pahina 13

Naintindihan mo ba ang iyong nabasa
Matinding pangsangayon Sumasang-ayon Hindi pangsang-ayon Matinding di pangsangayon 0 20 40 60 80

May 75 porsyento ang nagsasabing naiintindihan nila ang kwento dahil sa napapanahon daw ito ngayon sa ating bansa dahil sa dumarami ang dumadanas nito ngayon ang maloko sa pag-ibig ngunit iiwan din pala at sa 25 porsyento na nagsasabi na hindi nila naiitindihan ang kwento sinasabi nila na ano daw ang konek nito sa ating nangyayari sa buhay-buhay.

May mga maling salita ba kaming nagamit
Matinding pangsang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Matinding di pangsangayon 0 20 40 60 80

May 75 porsyento ang nagsasabi na wala kaming maling salita na nagamit sa pagsasalin ng kwento

Pahina 14

Maganda ba ang kwento

Matinding pangsang-ayon

Sumasang-ayon

Hindi sumasang-ayon Matinding di pangsangayon 0 20 40 60 80 100

May 100 porsyento ang nagsasabi na saya ang kanilang nararamdaman pagkatapos nila mabasa ang kwento na ³Talia Migrante´, sinasabi na ito daw ay nakakatuwa at nakaka-aliw basahin.

Maganda ba ang kwento

Matinding pangsang-ayon

Sumasang-ayon

Hindi sumasang-ayon Matinding di pangsangayon 0 20 40 60 80

May 75 porsyento ang nagsasabi na maganda ang kwento dahil para sa kanila ang kwento ay isang kakatawanan na may halong kung ano ano pa.\

Pahina 15

KABANATA V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang aming pag-aaral ay tungkol sa pagsasaling wika ng kwentong Cebuano sa wikang Filipino. Ang isinalin naming kwento ay ³Talia Migrante´ isang kuwentong sa wikang Cebuano tungkol sa isang babaeng nangibang bansa ngunit hindi nagtagumpay. Ang pagsasalin na aming ginawa ay deskriptiv-analitikal. Ginamit din naming ang dalawang paraan ng pagsasalin, ang literal na pagsasalin at pampantikan upang lubos na

maunawaan ang kuwentong sa patunguhang wika at hindi mabago ang mga ideya ng wikang pinagmulan. Ginawa namin ang pagsasalin sa pamamagitan ng pagtanong sa mga kapwa naming magaaral na may kaalaman sa wikang Cebuano. Kumuha rin kami ng mga datos sa library at internet para sa aming ginawang pagsasalin. Sa kabuuan naging matagumpay angaming ginawang pagaaral.

Pahina 16

Konklusyon

Base sa aming ginawang pag-aaral masasabi naming na masalimuot ang pagsasalingwika. Ito ay meron mga batayan na dapat sundin halimbawa, ang hindi paglihis sa tunay na ideya ng orihinal na kuwento. Dapat rin isaalang-alang ang estilo ng awtor ng isasaling-kwento.

Masasabi naming na dumidepende sa orihinal na akda upang hindi naming mabago ang ideya o tema ng kuwento. Dito masasabi naming na ang isang tagasalin ay dapat may kaalaman sa dalawang wika gagamitin ang orihinal at patunguhan. Kailangan rin na meron kaalaman sa kultura ng dalawang lugar na kaugnay sa pagsasalin at ang sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wika ito.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ay aming rekomendasyon sa ginawang pag-aaral: 1. Magkaroon pa ng maraming pagsasalin na gagawin lalo na ang pagsasalin sa mga wikang katutubo patungo sa wikang pambansa upang marami ang makaunawa ng mga kuwentong katutubo at makilala rin ang kanilang kultura. 2. Ang aming ginawang pag-aaral ay magagamit na batayan sa anumang pag-aaral na kaugnay sa pagsasalin. 3. Bukas rin ang aming grupo sa anumang rebisyon na maaring gawin upang mas maging maganda ang ginawa naming pagsasalin at ang pag-aaral sa pangkalahatan.

Pahina 17

APENDIKS SARBEY

Pangalan:

Taon at Kurso:

LAYUNIN: Makakuha ng mga dahilan at saloobin ng mga mag-aaral sa pagbasa sa isinalin na maikling kwentong Cebuano sa wikang Filipino at epekto nito sa kanila bilang isang indibidwal.

1. Nagustuhan niyo ba ang aming ginawang pagsasalin? 1 2 3 4 2. Maayos ba ang aming pagsasalin? 1 2 3 4 3. Ano ang reaksyon mo sa isinalin namin na kwento? 4. Malinaw ba ang ginawa naming pagsalin? 1 2 3 4 5. Nasiyahan ka ba sa iyong nabasa?

6. Naintindihan mo ba ang iyong nabasa? 1 2 3 4 7. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mo mabasa ang kwento?

Pahina 18

8. May mga maling salita ba kaming nagamit?

9. Maganda ba ang kwento? 1 2 3 4 10. Ano ang iyong natutunan sa kwento?

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->