You are on page 1of 6

MGA URI

NG

LIHAM
Submitted by: Submitted to:
Suerte Marie B.Agustin Mrs. Cresencia Rosales
(teacher)

Liham Pangkaibigan
54 Matatag St. Purok 6,
Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo, 2008

Mahal kong Narishka,


Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkita
mula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay
para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.

Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat at

hindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.


Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na pasukan.
Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan para
sa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilang
isang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano at
nakakatulong din sa aming pamilya.

Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako pag

nakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.

Nagmamahal na kaibigan,

Airine

LIHAM NA PAUMANHIN

Enero 12, 2008


G. Lorenzo Castro
Kolehiyo Administrador
Softnet University

Dear Sir,
Maaring tanggapin ang sulat na ito tulad ng nakasulat na abiso na ako ay hindi pumasok sa
trabaho noong nakaraang Enero 9, 2008 dahil sa aking namamagang lalamunan at lagnat.

Umaasa ako para sa inyong mga uri na pagsasaalang-alang

Nang buong puso,

Engr. Donald Matic 

LIHAM NA PAGBATI

885 Coronado St.


Makati, Metro Manila
Setyembre 6, 1992

Mahal naming Ana,


Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento noong
nakaraang Linggo ng Wika.

Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman naming ikaw
ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parang
totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo'y ang
iyong mahusay na paghikayat sa mga manonood.

Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.

Ang iyong mga kamag-aral,


5-GOLD

LIHAM NA PAANYAYA
97 Tikay, Malolos
Bulacan
Mayo 17, 1992
Mahal kong Betty,
Sa darating na Sabado ay kaarawan ko. Inaanyayahan ko kayong lahat sa isang munting salu-salo sa
aming bahay-bakasyunan sa Malolos, Bulacan.

Ito ay magsisimula sa ganap na ika-2:00 ng hapon. Isama mo ang iyong mga kapatid at magulang.

Inaasahan ko kayong lahat.

Nagmamahal,
Lota

LIHAM NA PAKIKIRAMAY

130 Lealtad
Sampaloc, Manila
Mayo 5, 1992
Mahal kong Linda,
Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo. Huwag kang labis
na malungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay maging matahimik siya sa
kabilang buhay.

Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga kamag-aral.

Ang iyong kaibigan,


Amy

You might also like