Professional Documents
Culture Documents
Fil 121
Panimulang Linggwistika
PANIMULA
Ang isang guro dapat ay maging tiyak, mabisa at marunong magtipid ng panahon
sa pagtuturo at kailangang maalam siya sa mga katangian o kakanyahan ng mga Pilipino
at pati na rin ang wika ng pook o ang unang wika ng mga batang kanyang tinuturuan.
Sapagkat alam naman natin na ang isang bata pag maalam sa artikulasyon ng pananalita
ng kanyang unang wika ay makakatulong ito para sa pag-uugnay na pag-aaral ng
kanyang panglawang wika.Makakatulong ng malaki sa isang guro kapag alam niya ang
unang wika ng bata at naiuugnay niya adito ang panglawang wika mg bata ay mabibigyan
niya ng diin kung alinman ang kanyang mga paksang aralin.
Ang isang guro dapat ay maalam sa wika dahil makakatulong ito sa kanyang
pagtuturo lalo pag siya ay guro sa linggwistika. At kung ang kabuuan ng wika ay hahatiin
sa tatlong antas:
1. Palatunugan o Ponolohiya
2. Palabuuan o Morpolohiya
3. Palaugnayan o Sintaksis
Ponolohiya
- ang pag-aaral o pag-uuri-uri sa iba't-ibang makahulugang tunog na ginagamit sa
pagsasalita, pagsasama ng mga tunog o ponema.
- Palatunugan
- Wikang Pilipino ay binubuo ng mga tunog
- Pag-aaral ng mga Ponema
Ponema:
A. Segmental
B. Ponemang Suprasegmental
Ponemang Suprasegmental
Morpolohiya
- isang disiplina ng linggwistika na nag-aaral ng kayarian ng mga salita.
- Palabuuan
- Pagbuo ng mga salita
- Morpema = salitang ugat at pantig
Hal. Makayoh – 2
Babae - 1
Pagbabagong Morpoponemiko
- pagbabagong nagaganap sa morpema (Salitang ugat at Pantig)
- mga nakapaligid sa ponema
Uri:
1) Asimilasyon
Hal.
Pang+palo = Pamalo
Pang+tali = Panali
a) DR
Hal.
Ma+dunong = Marunong Ma+dumi =
Marumi
Tawid+an = tawiran
Lapad+an = laparan
b) OU
Hal.
Dugo+an = duguan
Ano(x2) = Anu-ano
c) HN
Hal.
Tawa+han = tawanan
3) Metatesis – kapag ang S.U. nagsisimula sa L o’ Y at
gigitpapian ng in ang L o’ Y ng S.U. at ang in ay
magpapalit
Hal.
In+lipad = nilipad
In+yaya = niyaya
Habang binibigkas ang isang salita, ipinapayo ring obserbahan ng nagsusuri ang
bibig ng importante. Ang totoo, kung magpakalagayang-loob na ang nagsusuri at ang
importante, makabubuti paring obserbahan ng una ang loob ng bibig ng huli upang
matiyak ang punto ng artikulasyon sa pagbigkas ng mga tunog na ang bibig ay
nakabukas.
Havana [avana]
ball [bola]
rope [ba a]
kiss [beso]
wedding [boda]
burro [buro]
we give [damos]
God [dios]
to owe [dever]
where [donde]
but [pero]
dog [pero]
pipe [pipa]
heavy [ponderoso]
tobacco [tavako]
to endure [durar]
to earn [ganar]
cat [gato]
throat [gola]
to enjoy [gosar]
house [kasa]
Cuba [kuva]
lake [la o]
nothing [nada]
knot [nudo]
cigar [si aro]
I put [po go]
I have [te go]
all [todo]
grape [uva]
Ang unang hakbang ay ang pag-uuri-uri ng mga naitalang mga tunog ayon sa punto
at paraan ng artikulasyon at ang pagbibigay-haka sa mga mapag sususpetsahang pares.
Ang pinagsususpetsahang mga tunog na maaaring mga alopono lamang ng iisang ponema
ay magkasamang binilugan.
Voiced fricatives
Lateral
Nasals
Ang unang pares na susuriin natin ay ang [p] at [b]. Kapwa natatagpuan ang mga
ito sa pusisyong inisyal ng salita, kaya’t walang plagay na tumutukoy sa pusisyon ang
maaaring ibigay. Maaaring ang dahilan ay ang kasunod na mga ponema, kaya’t subukin
natin ang ganitong tabulasyon:
[p] / // / // /
[b] / // /
Unahan ng 1 s d r r p n -
[p] / / / / /
[b] / / / / / /
Lumitaw na ang [p] at [b] ay kapwa matatagpuan sa unahan ng [r], kaya’t hindi
matatanggap ang palagay. Kung sabagay, kahit wala sa corpus ang [pero] at [buro], wala
paring magiging pakinabang sa tabulasyon sa itaas sapagkat napakarami ng mga
pusisyong katatagpua ng mga sinusuring tunog, kayat di sapat ang data. Makapagbibigay
tayo ng kongklusyon na ang [p] at [b] ay wala sa distribusyong komplimentaryo.
Samakatuwid, ang [p] at [b] ay maituturing natin na magkaibang ponema.
Ang Ikalawang pares na susuriin nati ay ang [b] at [v].Madaling mapapansin sa
corpus na ang [v] ay hindi matatagpuan sa pusisyong inisyal. Samakatuwid ay maaari
tayong magbigay ng palagay na ang [b] ay matatagpuan lamang sa pusisyong inisyal,
samantalang ang [v] ay sa pusisyong midyal lamang. Subukin natin kung maaari ang
palgay na ito:
Inisyal Midyal
[ b] /////
[v] /////
Ngayon naman ay ang [d] at [d] ang ating suriin. Gumawa tayo ng palagay na ang
nagaganap sa [b] at [v] ay siya ring nagaganap sa [d] at [d]. Subukin natin:
Inisyal Midyal
[d] ///// //
[d] /////
[d] ///// //
[d] ////
Makatatayo ang ating ibinigay na palagay. Ang [d] at [d] ay mga alopono lamang sa
iisang ponema na bibigyan natin ng sagisag na /d/. Isusulat natin ngayon ang [nada] ng
[nada].
Maaaring maitanong kung bakit hindi nasumpungan ang gayong distribusyon sa /b/.
Ang dahilan ay ang kakulangan na data. Kung dumami-dami pa ang talaan ng mga salita
o corpus ay tiyak na may mapapasamang salitang tulad, halimbawa, ng [bomba] ‘pump.’
Habang sinusuri ang nalalabi pang mga pinagsususpetsahang mga pares ng tunog
upang alamin kung ang mga iyon ay nasa distribusyong komplimentaryo o mga alopono
lamang isang ponema, lagi rin namang isaaalang-alang ang mga ebidensya na
magpapatunay na ang mga sinusuring tunog ay magkaibang ponema. Ang isang
pinakamadali at pinakapayak na paraan ay maghanap ng ‘minimal pairs’ o mga pares
minimal. Gaya ng napag-aralan na natin , matitiyak natin na ang dalawang tunog ay
magkaibang ponema kapag ang mga ito ay nagkokontrast o nagsasalungatan sa
magkatulad na kaligiran. Kaya’t sa pagpili ng mga pares minimal, ay tiyakin na ang
pagkakaiba ng dalawang salita ay dahil sa pagsasalungatan o pagkokontrast ng dalawang
tunog na sinusuri at hindi dahil sa ibang bahagi ng mga salita. Kung ibig nating malaman
kung magkaibang ponema ang [b] at [v] sa Pilipino, hindi nating maaaring kuning pares
minimalang tulad ng ‘bisa’ [bi:sa?] ‘effect’ at visa [vi:sa] ‘visa’ sapagkat kung sa baybay
man ay malinaw na nagkakaiba lamang sa unang titik ang dalawang salitang ito,
mapapansing sa transkripsyong ponemiko ay hindi lamang isang ponema ang kanilang
ipinagkakaiba:
bisa /bi:sa?/
Malayang pagpapalitan o ‘free variation’ ay isa pa ring paraan ng pag-alam kung ang
dalawang tunog ay magkaibang ponema o mga alopono lamang ng iisang ponema.
Sinasabing na kapag ang dalawang tunog ay malayang nagpapalitan , ang dalawang
tunog na ito ay matatagpuan sa magkakatulad na kaligiran. Sa unang tingin,
maipagkakamaling mga pares minimal ang dalawang salitang ito . Subalit ang dalawang
salitang ito ay hindi maituturing na mga pares minimal sapagkat ang isang pares minimal
ay kailangang magkaroon ng pagkakaiba hindi lamang sa tunog kundi gayon din sa
kahulugan.
Sa Ibang Salita, Kapag May Dalawang Magkatulad na Salita Maliban sa Isang Tunog,
Dalawa ang Maaaring Palagay:
Magkaibang Ponema
Kapag ang dalawang salita ay magkaiba sa kahulugan.
Malayang Nagpapalitan ng ponema
Kapag ang dalawang salita ay iisa ang kahulugan.
Halimbawa:
e at i
1. lalake at lalaki
2. babae at babai
Karagdagang halimbawa:
d at r
1. mariin at madiin
2. marumi at madumi