PAG-ASA NG BAYAN

Nasa KABATAAN ba o nasa MAY GULANG ang pag-asa ng bayan? Mula sa panulat nina: ELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng NASA KABATAAN ANG PAG-ASA RAFAEL A. PULMANO — nagtanggol sa panig ng NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA GONIE T. MEJIA — namagitan bilang LAKANDIWA

LAKANDIWA (Pagbubukas) Nais po naming maghandog sa inyo ng balagtasan Ngunit nangangamba kaming baka sa inyo'y di welcome Kung maraming papalakpak ibig sabihi'y okey lang Kung sakaling wala naman kami na po ay lilisan. Sa matunog n'yong palakpak sukli namin ay salamat Ngayon kami ay handa nang sa pangako ay tumupad Nagpupugay na po kami sa inyo't bilang pambungad "Happy Independence Day" sa Pilipinas at inyong lahat. Bilang isang pagunita sa araw ng kasarinlan Ang paksa pong tutugunin sadyang dito nababagay Sabi'y nasa kabataan pag-asa ng ating bayan Ito ang pamanang wika ni Gatpuno Jose Rizal. Ngunit sa ati'y maraming angat sa gulang ang di payag Dahilan po upang kami sa balagtasan ang lumutas Kanino ba mas nahihigit ang pag-asa'y nagbubuhat Sa mga kabataan ba o sa may gulang ang idad? Lilinawin ko po muna ang antas ng mga gulang Labing-anim hanggang tatlumpu ang edad ng kabataan Limampu naman papataas tinutukoy na may gulang Diyan po ngayon natutuon ang anyos sa paglalaban. Gonie Mejia po ang lingkod n'yong lakandiwa Reperi at tagahatol ng dalawang maghihidwa Sakali sa pagtatalo kayo ay masasagasa Unaawain lang po kami pagkat hindi sinasadya. Nang lubusang mapagsino ang dalawang magbabaka Sila sa inyo'y ihaharap nang tuluyang makilala Una ko pong tatawagin ang sa balagtasan ay reyna Ang mutya ng Capitol Hills, palakpakan natin siya! NASA KABATAAN ANG PAG-ASA (Pagpupugay) Salamat ginoong lakandiwa sa labis-labis na pagpuri Elvie Espiritu, kababayan, ang sa inyo'y bumabati kabataan ang pag-asa, panig kong pinipili Handa ko itong patunayan sa makatang katunggali. LAKANDIWA Matapos magpakilala ang makatang paraluman Ang kanyang makakahamok ang bibigyan nating daan Sa San Roque po nagbuhat, dalubhasa sa hidwaan Salubong po sa kanya'y sigabong palakpakan! NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA (Pagpupugay) Rafael A. Pulmano po, malugod na nagpupugay Ang pag-asa'y sa may idad, panig ko pong ilalaban Tinatanggap ko ang hamon ng makatang paraluman Butas lamang ng ilong n'ya ang hindi ko lalatayan! LAKANDIWA Matindi ring humagupit ng salita ang hinamon Kahit di pa tumatama ay latay na ang katugon Ako po ay tatabi na kaagad nating matukoy Kung sino po sa dalawa ang tatanghalin nating kampeon. NASA KABATAAN ANG PAG-ASA

Isang henyo ang nagwika, di mapasusubalian Pag-asa ng mga bansa ay ang mga kabataan Ako lang ay nagtataka dito pala ay may hadlang Kaya ako sa pagtindig ay matatag na lalaban. Ang lakas ng isang tao'y nasa kanyang kasibulan May kulay ang isang bukas dahil ito ang puhunan Kung kupas na ang 'yong liksi, waglit na ang kasiglahan Masasabi pa bang ikaw'y pag-asa pa ng lipunan? NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Nasa 'tin daw kabataan ang pag-asa nitong lahi Hindi lamang isang henyo, bayani pa ang nagsabi Pero hindi naman haring ang sabi'y di mababali Lalo namang hindi Diyos na salita'y walang mali! Tayo nama'y moderno na, hindi taong taga-bundok Pag-asa'y di sinusukat sa dahas na parang hayop Ang lakas ng kasibulan ay madaling itataob Ng may gulang na ang dunong ay hinog na't hindi bubot! NASA KABATAAN ANG PAG-ASA

Mautak man ang opisyal kung sundalo niya'y mga gurang na Panahon ay masasayang sa tagumpay na di makuha. Wari ko ding lumalabis magparatang ang kalaban Wala nang ibinubukod, isang walang pakundangan Marapat din niyang mabatid mga mandurugas sa lipunan Namumuno ay iyong ibang nakayunipormeng angat ang gulang. NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Eh, bakit pa maglalagay ng opisyal kung mapurol? Ano ba ang kanyang tingin sa pinuno dekorasyon? Sigla nitong kabataang kung sumulong parang suhong Lalong walang mararating dahil waldas ang direks'yon! Alikabok sa mata ko'y pinupuwing gayong siya Sa sarili'y hindi pansin yaong batong nakabara Sa basket ng mga prutas, may bulok lang na nakita Pati bungang malulusog, idinamay, nilahat na! NASA KABATAAN ANG PAG-ASA

Hindi lamang nabubukod sa may gulang na ang talino Ang sinabing kabataan hutok na sa tama't wasto Di rin nating masasabing lubos na tayong moderno Ang lakas ng kabataan ay puwersang hindi magkano. Sa pagtatanggol sa bayan sa kamay ng mananakop Di ba mga kabataan ang siyang higit naglilingkod? Di paris ng may gulang na lalo't kalog na ang tuhod Makapagsilbi man ngunit sa paraang hindi lubos. NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Higit daw na nagsisilbi ang mas bata sa digmaan Kung sa dami, mas higit nga, ngunit kahit naman saan, Nagwawagi ang sundalo di sa lakas o sa bilang Kundi dahil sa utak ng mas may edad na heneral. Paano mo masasabing may pag-asa sa mas bata? Kabataan natin ngayon ay di lamang minumuta Durugista, magnanakaw, isnatser at pakawala Walang galang sa magulang, pati batas, kinukutya! NASA KABATAAN ANG PAG-ASA Kahit bobo ang heneral kabataang nagkakaisa Bayan ay mapapalaya sa pinag-isa nilang p'wersa

Sa higit ikauunawa ang malabo sa kalaban Grupong pawang maygulang sa kabataan ihihiwalay At sila'y isasagupa halimbawa sa digmaan Tiyak na ang kabataan sa laba'y makakatagal. Atin ngayon idadako sa pamilya ang pagtatalo Tiyak din sa kabataan ang pag-asa'y napipiho Lalo na kung ang magulang ang lakas ay nagretiro Aantabay ay kabataan ang anak na mahal sa iyo. NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Malinaw ang aming paksa, ang malabo'y kalaban ko Di po yata nagbabasa ng aklat at saka d'yaryo Anong silbi niyang lakas at sigla ng 'yong sundalo Isang pindot lang ng buton, sa bomba ko'y sabog kayo! Sa pamilya, pamayanan, sa ospital, eskwelahan Kanino mo iaasa ang buhay mong iisa lang? Sa tao bang may lakas nga'y kapos naman yaong alam O sa kahit may gulang na'y malawak ang kaisipan? NASA KABATAAN ANG PAG-ASA

puro dada! NASA KABATAAN ANG PAG-ASA Ang lawak ng pang-unawa'y hindi lamang sa may idad Sa kabataan nama'y bukod ang lakas na hindi hamak! NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA . at paaralan Manggagawa. NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Palagay nang panalo nga sa isports ang kabataan Ano ba ang relasyon n'yan sa pag-asa nitong bayan? Ang pag-asang minimithi ay magandang kapalaran. malawak ang pang-unawa Tinitimbang na mabuti bawat bitiw ng salita Ganyan silang may gulang nang pag-asa ng ating bansa Di tulad ng kabataang panay porma. NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Ginigiit ko raw ditong kabataa'y walang alam Sabi ko po'y kapos lamang -. masaganang kabuhayan. hinahon ay wag iwaglit. hiling ko sana ay huwag Kumawala ang hinahon sa hidwaang ginaganap.sino ngayon ang siyang hibang? Kung gusto n'ya. Makakamit lamang ito kung lider na nangunguna Ay di na kakapa-kapa pagkat landas. time out muna. Sa larangan man ng isports nagkakamit ng tagumpay Ay iyong mga maliliksing may kabataan ang gulang Panalo ba'y iaasa sa may mahinang katawan Na ang lakas ay tangay na ng panahon na nagdaan. ang pag-asa'y lalong tiyak. pagtatalong waring lalagablab Sa dalawang nagbubuno. guro karamiha'y kabataan. hinahon at katatagan Ay wala sa kabataang mapusok ang kalooban! NASA KABATAAN ANG PAG-ASA Araw at saka tanghalian ay maningning ang pagsikat Sa pagdako ng kanluran kumukupas ang liwanag Puno man na pagkatibay may panahong mawawasak Ang buhay dito sa mundo ay diyan nahahalintulad. tinutungo'y saan nga ba? Katunggali ang nagsabing may edad ay pabalik na Malinaw ang kahulugang sa mas bata ang pag-asa! NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Mahinahong nagsusuri.Ito yatang katalo ko'y ulyanin at nahihibang Pilit na iginigiit. Hindi ako namimintas pagkat ako'y tatanda rin Hangad lang ay ibahagi sa katunggali ang pasaring Nasa mga may gulang ba ang pag-asa ng lupain? O nando'n sa kabataang malinaw ang isip at paningin? NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Puno. habang gumugulang. Bawa't puting buhok niya ay hibla ng karunungang Di sa aklat buhat kundi sa akt'wal na karanasan Ang tining ng pag-iisip. tukoy na n'ya Kasabihan nga ng Intsik. kahoy nito'y tumitigas Bunga. akin muling ninanais Ang laba'y ipagpatuloy. Iwasan din ninyo kapwa ang kutsaang labis-labis Ang panig ninyo sa paksa pag-ukulang imatuwid Kung malinaw na ang lahat. ospital. agad ko pong pagbibigyan Ang teynga ay kumpunihin nang pandinig ay luminaw! LAKANDIWA Ang akin pong pagpagitna sa laba'y ipagpatawad Aapulahin ko lamang. Mapayapang pamayanan. habang tumatanda. ang ngayon lang magpupunta Ay magtanong sa naunang nanggaling at pabalik na! NASA KABATAAN ANG PAG-ASA Ang kabataan ngayo'y sa pagkagulang papunta Yaon namang may gulang na. NASA KABATAAN ANG PAG-ASA Simula ng retirement age ay sa edad na singk'wenta Kahulugan lamang nito lakas ay papakupas na Lumampas pa nang bahagya atin na ring mapupuna Tao'y nagiging ulyanin at lumalabo ang mga mata. lalo namang sumasarap Mas matagal napaimbak. mas matamis iyang alak Tao. habang nahihinog. narses. kabataa'y walang alam Sa mga pagawaan.

matunog n'yong palakpakan! TAHANAN VS. wika niyang karagdagan Anyos singkuwenta papataas. diyan na po tinatapos ang hidwaan Ako namang Lakandiwa sa eksena'y aagaw Nais ko pong ipabatid sa makatang nagtagisan Ang hatol ko'y ibabatay sa hinayag na katwiran. PAARALAN Saan higit na natututo ng disiplina ang bata: sa TAHANAN o sa PAARALAN? Mula sa panulat nina: ELVIE V. Patas man po ang dalawa sa hinayag na katuwiran Sa bawas na isang puntos. ang binata'y nalamangan Ang hatol ko ay panalo ang makatang paraluman Sa kanya ay ipabaon. Ibaling po ngayon natin. isnatser at magnanakaw Mga mapangutya sa batas. MEJIA — nagtanggol sa panig ng PAARALAN RAFAEL A. pag-asa ay kabataan! NASA MAY GULANG ANG PAG-ASA Pagtanda mo'y aamining pilipit ang 'yong kat'wiran! LAKANDIWA Kababayan.Ang pag-asa'y nakatanaw sa malayong hinaharap Ang lakas ay maaaring maglaho sa isang iglap! NASA KABATAAN ANG PAG-ASA Ngayon at sa hinaharap. siya din naman po ay tama. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng TAHANAN GONIE T. pintas niya sa kabataan Anya'y mga durugista. walang galang sa magulang Dahil walang ipinuwera. paparetiro na ang kalakasan Sa papalabong paningin. pakawala. sa puntos po siya'y minus one. PULMANO — namagitan bilang LAKANDIWA . Kaiba sa may gulang na. Wika nitong paralumang nagtanggol sa kabataan Edad labing-anim hanggang tatlumpu sa gilas ay kasibulan Sa talino't kakayahan di rin mapag-iiwanan Higit daw sila ang pag-asa sa lupaing tinubuan. papahinang kaisipan Sila pa daw ba ang pag-asa ng bansang pinaglilingkuran? Tayo ngayon ay dumako sa panig ng may gulang na Ipinagtanggol ng binata sa may edad ang pag-asa Sa karanasan daw at utak at lawak ng pang-unawa Nahihigit ang may idad.

Sa tahanan nag-uugat ang dakilang pagmamahal Disiplina'y nahihigit na dito'y natututunan Maliwanag ang panig kong sa paksa'y ipaglalaban Elvie Espiritu po sa lahat ay nagpupugay. salamat po nang marami Sa padala ninyong paksang ganito ang sinasabi: Sa tahanan o eskwela. LAKANDIWA Subukan pamu ewan ko. ang Reyna ng Balagtasan Ngayon naman ay ang Hari ang sya nating pakikinggan Di lang Hari sa pagbikas. Unang gurong kagigisnan ng anak ay ang magulang Magulang na walang sawang sa kanya ay aantabay Aantabay sa lahat ng ikabubuti sa buhay Nitong anak na nagmula sa dugo nila at laman. muli'y ating palakpakan. . probinsiyang Nueva Viscaya Lahat ng makahidwa ko. PAARALAN Kung ang laban po ay wrestling. sa rima ay puro tumba Hindi ako nagyayabang sa katuos kong makata Umatras na kung kaylangan hangga't mayrong panahon pa. Tarlac po akong hamak na lingkod nyo Nagpupugay sa balana nang taos sa aking puso Sa banta ng paraluman ako anya'y igugupo Sagot ko'y subukan pamu ban kanita din mabalu. Hari din ng kapogihan Kaya lang po. si Ralph Pulmano po ini Sa balanang nakikinig. Tsaka ngayon ay may tutol gaya nitong kahidwaan Para bagang hindi siya sa kamusmusan nagdaan Hindi ba ang disiplina sa anak ay halos alam Bago pa ito pumasok sa alin mang paaralan? LAKANDIWA Yan si Elvie Espiritu. Tubong Concepcion. malugod na bumabati Maganda po itong paksang tatadtarin ngayong gabi Sa sangkalan ng katwiran ng makatang pogi't seksi Kay Ginoong Max Santiago. Gantimpala sa matimyas na pag-ibig ay ang anak Anak na siyang tungkuling imulat sa tamang landas Landas ay ang tamang asal. Sa di pa nakababatid. Haring sunog — si Gonie po'y palakpakan! PAARALAN (Unang Tindig) Ang karunungan ay lunas sa sakit na kamangmangan Ang talino ay hagdanan sa tugatog ng tagumpay Disiplina ay sandata sa tatahakin mong buhay Paarala'y institusyon sa ganiyang kaalaman. ako'y dapat nang umatras Ngunit ito'y paligsahan ng may talino at utak Tinatanggap ko ang hamon sa panig na ilalahad Ang higit na disiplina sa paaralan nagbubuhat. atin na pong umpisahan Si Elvie ang unang tindig. saan nga ba mag-aani Ng higit na disiplina iyang batang lumalaki? Alam ko pong kayo'y merong inyo-inyong kurukuro Ngunit upang itong paksa'y lalo nating mapaghulo Salubungin na po natin ng palakpak na magulo Ang dalawang magsasabong sa gitna ng entablado! TAHANAN (Pagpapakilala) Sa bayan po ng Santa Fe. tuloy pa rin itong laban Para kayo'y di mainip. TAHANAN (Unang Tindig) Sinasabing ang tahanan ay ang pugad ng pamilya At sa pugad nagmumula ang sagradong pagsasama Pagsasamang naaangkop sa gampaning itinakda Itinakda ng Maykapal sa dalawang mag-asawa. ya'y di ko naintindihan Kahit wala si Babalu.LAKANDIWA (Pagbubukas) Unang Lunes na tipanan kami'y di man nakarating Ngayon nama'y handa kaming magbayad ng tuwa't aliw Kayo na po ang bahalang sa ami'y magpaumanhin Huli man daw at magaling ay maihahabol pa rin. Sa matuwid na salita sa tahana'y nahihigit Disiplina'y nakukuha ng anak ay nakakamit Pagkat nandiyan sa tahanan ang higit na malasakit Malasakit ng magulang sa anak ay magtutuwid. sandata sa isang bukas Bukas na tanging magulang sa anak ay hinahangad.

anong uring disiplina Ng anak ay mapupulot. Ang silid ng paaralan ay silid ng karunungan At sa compound ng eskwela.Sa tahanan ay di sapat ang dapat na matutunan Ng anak na hinuhutok sa disiplinang kailangan Lalo't magulang ng bata kapwa mayrong hanapbuhay Ang panahon ng pag-ugit sa anak ay sadyang kulang. ng anak ay nakukuha. Sabihin na nating higit ang panahon sa tahanan Na ilalagi ng anak kaysa doon sa paaralan Diyan ka magtataka at sadya pang hahangaan Ang disiplina ay higit sa eskwela nalalaman. paggalang. yaong sanggol na ewan ko Sa sarili niyang tahanan. tinuran nya'y hindi tama Pag sinabing mag-aaral. sa anak ay nawiwika Na kesyo ikaw ay ganyan. Kung ang ina nitong bata'y tsismosa at bungangera At halimbawang ang ama ay batugan at pabaya Sa tahanan bang nabanggit. anak nila ay kaisa. Unawain lang po ako. Kaibahang nahihigit na doon sa paaralan Mga guro'y walang pagod ilingkod ang kakayahan . itatangging agadagad. sa kabutiha'y baligtad. LAKANDIWA Kung baga po sa sinaing ay malapit nang kumulo Sa apoy ng pagtatalo itong paksang niluluto Ako muna ay tatabi upang ako'y di mapaso At mamaya magbabalik kapag handa nang maghango. may takot nang bumabadha Na labagin ang tuntuning umiiral sa eskwela. guro'y mahirap magkulang Pagka't iya'y katungkulan na kanilang gagampanan. Mas maluwag ang panahon ng anak ay ilalagi Sa tahanan na kapiling ang sa kanya'y nagtatangi Matuwid na bunga nito'y doon higit nangyayari Ang aktwal na halimbawa sa disiplinang nasabi. Hindi na dapat pagtakhan pagkat ito'y nagaganap Anak ay nababarkada sa kaeskwelang di tapat Hindi tapat sa dahilang sa kanya ay magsasadlak Sa ugaling di mainam. Mas maigi pa sa anak kung aktwal na makikita Yaong mga halimbawa sa magandang disiplina Sa tahanan ang magulang. hindi ako nang-aasar Iyan nama'y nagaganap sa iba pong pamamahay Di gaya sa paaralan. Banggitin din na malimit sa kapintasan ng bata Na siya'y mana sa ama. Nagtatanong lang po ako. PAARALAN (Ikatlong Tindig) Pakiusap sa kahidwang Amasona ng Viscaya Wala sanang personalan. dili kaya ay sa ina Ibig ko ditong tukuyin. TAHANAN (Ikatlong Tindig) Ang diwa ng pagtatalo wari ko ba'y nilalabo Ng kahidwang kutis-sanggol. hindi ba niya napipiho Kung anong uring paghutok sa anak ang inaako. Nalimot na din po yata ng makatang kasalungat Na sa eskwela'y may subject na good manners and right conduct Paaralan ay tahanan ang siyang nakakatulad Guro ang mga magulang. pag-aaral. magbitiw man ng kataga Bakit yaong kutis-sanggol wari ba niyang dinudusta? Ako nama'y di sinabing mistula siyang boksingera. pagpipitagan Sa magulang at kapatid at sa kapwa mo nilalang Pagkilos at pangungusap. pagpupuri sa Maykapal. Sa tahana'y mawiwikang una yaong kaalaman Pagkat dito'y ama't ina sa anak ang nangangaral Halaga ng pagtuturo ng guro sa paaralan Ay ginto rin pagkat ito ay propesyong sinumpaan. kaayusan ng katawan Kalinisan ng ugali. PAARALAN (Ikalawang Tindig) Sarili ko'y pinipilit sa dilag ay maniwala Ngunit loob ko ay tutol. sila'y mga halimbawa Doon naman sa paaralan. iyan ba ay magagawa? Katulad ng pagsisilbi. TAHANAN (Ikalawang Tindig) Tila ko ba napapansing kahidwa ko'y isang bulag Bulag pagkat nalilihis sa tunay na nagaganap Mali na isang bahagdan ng magulang ay nasulyap Siyam na pu't siyam na mabuti. estudyante'y mga anak. ito'y hindi pandudusta Kapag galit ang magulang. lipaw-lipaw Ang impluwensiya sa ibang kamag-aral ay di alam Di lahat ay nakikita ng guro ay matugaygay. ang anak ay mapanggaya Magulang kung matapobre. di nag-aral palibhasa Sa ibig ko pong tukuyin ay kayo na ang magkusa.

sa langit ay nakapila Duktor. inhinyero. Ang obligasyong mangaral sa anak di maibigay Dahil tayo'y nasa dayo. Ako. Pati pala ang matuwid ng kalaban ay ulikba Dahil kaya siya'y bagabag ng maling paniniwala Magulang ang hinahangad.Hindi paris sa tahanan. TAHANAN Di masama ang mangarap kahit walang pagkatupad. Ani Gonie. wala akong pakialam Mahalaga'y ang panig ko sa kanya'y nakakalamang. PAARALAN Ang dilag ba'y nagtataka o siya ay nagtatanong? Akin na ring lilinawin nang hindi siya nagmamaktol Mga guro ay suwelduhan sa serbisyo ang katugon Pagkat sila'y gumagaganap sa tinapos na propesyon. nagpupuno'y paaralan. ang magulang magkaminsan Nawawalan ng panahong ang anak ay paglingkuran. “Anak ko 'yon!” Ngunit isa ang lumapit at sa kanya ay nagbulong. iyan ba'y maitatatwa? Halaga ng disiplinang nababatid sa tahanan Ay hindi lamang magkano. TAHANAN Kahit isa ang dumayo sa dalawang mag-asawa Mayron pa ring magsisilbi sa tahana'y magpapala Kakayahan ng iniwang kapilas ba'y bale wala Upang anak ay hutukin sa nasabing disiplina? PAARALAN Di ko naman sinasabing sila'y walang kakayahan Tinuran ko'y halimbawa na tayo ay kakulangan May layunin kaya itong kahidwa kong paraluman Na kami ay pag-awayin ng reyna ko sa tahanan? TAHANAN Takusa man ang kalaban. na may anak na iniwan. disiplina'y bahagi ng kaalaman Na higit na nakukuha ng bata sa eskwelahan Lalo anya kapag ama't ina'y kapwa nagkukulang Guro ang syang gumaganap sa tungkulin ng magulang. di kapiling sa tahanan Sa 'ting mga pagkukulang. TAHANAN Gayon din sa balagtasan. palakpakan natin sila! Si Elvie po ang may sabing sa bahay mas nakakamit Ng bata ang disiplina. hindi kayang matawaran Pagkat dito'y obligasyon ang sabi mong katungkulan At iyan namang katungkulan laan doon sa suwelduhan. nakamtan ang gantimpala. kalaban ay mahina na PAARALAN Di na dapat pangarapin ang bagay na natitiyak. TAHANAN Bulastog na paniwala! PAARALAN Ayon lang yan sa akala! LAKANDIWA Akala ko'y biru-biro ang labanan ng dalawa Kung nahuli pala ako'y baka merong nadisgrasya Magkamayan muna kayo't ang hinaho'y ibalik na Kababayang minamahal. Bawa't isa sa kanila ay mayroong sumalubong Buong tuwang nagsasabi kay San Pedro. Laging handang umantabay at masuyong nagtutuwid. kahit sila. narses. PAARALAN Sa boksing pag nang-aasar. wala din pong pinag-iba. Ang magulang sa anak nya ay lubos ang malasakit. ang anak ay mapagpala Dugo'y higit na matimbang. pagkat dahil sa pag-ibig. ako'ng guro nila noon!” Disiplina'y sa tahanan unang dapat matutuhan Disiplina'y sa eskwela dapat bigyang-katatagan Paaralan at tahanan ay pandayan nitong asal . ikaw. Sang-ayon sa isang kwento. at iba pa Sila noong nasa lupa ay mayroong disiplina Kaya sa kabilang buhay. arkitekto. “Lahat sila nu'ng musmos pa.

parehas po na may punto Kaya naman ang hatol ko. tamaa'y wag magagalit Katuwaan man ang paksa. sumulat din ng iskrip ng LAKANDIWA GONIE T.Nagtutulong na ihanda ang bata sa wastong buhay. PULMANO — nagtanggol sa panig ng DAPAT. kaya kayo. ito'y isang paalala Upang bata ay matuto ng tunay na disiplina: Tayo mismong nangangaral ang dapat na magpakita Ng kanilang gagayahing mabubuting halimbawa. may mapupulot ring . Sa panig na pinagtanggol ng dalawang makata po Patas sila ng katwiran. Sa magulang po at guro. MEJIA — nagtanggol sa panig ng HINDI DAPAT LAKANDIWA (Pagbubukas) Pasintabi muna kami sa lahat ng nakikinig Sa katwirang maaanghang. Palakpakan sanang muli si Elvira at Gorgonio! BAKLA SA PNP DAPAT ba o HINDI DAPAT na payagan ang bakla sa PNP? Mula sa panulat nina: RAFAEL A. sila'y tabla. Masasamang impluwensya ay doon din sumusulpot. Iyang murang kaisipan ng bata ay nahuhutok Nang ayon sa nakikita't naririnig sa palibot Sa tahanan at eskwela'y may mabuting napupulot.

narses. Pero ngayo'y moderno na ang takbo ng ating buhay Haircut. kasarian Ang tao sa mula't mula ay nilikhang pantay-pantay Kapag merong napaiba. boxer. basta't bagay Sa trabaho ay ganyan din. lingkod ninyo'y machungmacho Danga't tawag ng tungkuling dapat akong makibuno Kaya kahit alanganin ang panig ay di susuko. Salubungin ng palakpak si Rafael at si Gonie! DAPAT (Unang Tindig) Isa munang paglilinaw bago magkalabuan po Sa bakla man kumakampi. Tomboy. pag naghikaw. ang babae. sa akin lang sapantaha Ang pagsuko po sa laban ay hangad nang ibandera. Paalala ko din naman. kulay. Nang panahong sinauna. patahimikin ang bayan Na tapang ang itutumbas sa kaaway ng lipunan. Ipatupad raw ang batas.walang sinisino. sa pulisya'y sadyang bagay Sa matagal nang panahon. pulis. liksi Katangiang taglay mandin ng iba sa mga syoke. Sinasabing ang bakla ay masahol pa sa babae . payapain ang lipunan Tapang anya'ng itatapat sa kaaway nitong bayan Higit pa dyan. bakla. batbat na ng ekspiryensya Sa dinako ko. pag nagkorto. bouncer. tsismis na sa buong baryo. katalo ko'y umamin na Mga bakla anya'y mga alanganin na nilikha Kundi ako namamali. Ma-lalaki. importante Ay hindi ang kasarian kundi tapang. matwid ang aking layunin. asahan mo't kagagawan Ng tao ring sa kapwa ay mapandusta't mapanlamang! HINDI DAPAT (Unang Tindig) Laba'y di pa umiigting. Paksa natin ay "DAPAT ba o DI DAPAT na isali Ang bakla sa kapulisan o sa pwersa ng PNP?" Narito na ang makatang nakahandang magpandali. ang panig ko ay pagtutol. lalaki o babae man. nang ang tao ay likhain Lalaki at babae lang. T-shirt. ang bakla. kayang gawin ng may gitnang kasarian Na bukod sa matatapang ay super pang istariray. wala yaong alanganin Karagdagang pagunita sa lahat ng mga bakling Ako'y hindi nanlalait. Tyak malaking iskandalo.matwid Kung di kaya ng sikmura. bakit bakla ipepwera? Ano man ang kanyang lahi. ay kanino ba nanggaling? Sya na rin po ang nagbuhol ng lubid na ibibigti Nang amining sa gawaing pagpupulis. karatista? Kung ang ganya'y tanggap natin. kung tawagin nga sa Ingles. kumadrona? O babaeng sikyu. Kaylan man ay di paglabag sa batas o konstitusyon Ang maghayag ng palagay at sarili nyang opinyon Magpulis man po ang bakla. at pants . importante'y kumikita nang marangal. Kung ako nga'y isinilang sa panahong sinauna Yaong dapat na marating. Sino pa ba'ng magugulat ngayon kapag nakakita Halimbawa'y ng lalaking guro. ma-babae. "Discrimination against persons on account of gender or sex!" HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) Tila baga nalimot na ni Tyu Paeng ang nagdaan Na si Eba ay babae at lalaki po si Adan Sa tanong nya kung saan daw nagmula ang kabaklaan Ang sagot ay simpleng-simple. nung si Gonie musmos pa po At marami pa sa atin ang wala sa mundong ito. Ang lalaki. kung di sa Dyos. Malinaw na di pa batid ni Rafael ang katwiran Na ang bakla'y hindi ayon sa pulisya manilbihan Palakarin yaong batas. karapatan nila iyon Danga't ito'y balagtasan. lakas. si Raffy ay patungo pa lang pala. sukat na ang katatagan Subalit kung sasabihing bakla po ang isasalang Naku. atse! Baka pati ang baril ay ipansuklay! DAPAT (Ikalawang Tindig) Ang hirap sa gumugurang na kagaya ni Gorgonying Lalaki kung pumustura pero utak-alanganin Babae at lalaki lang ang tao raw nang likhain Pwes. sa tainga ay magtakip. sa mali pong kinagisnan. anyo. walang dudang inabot na Ngayong ako'y nakauwi. Pag ang taong nag-aaplay ay qualified maging pulis At dahil lang sa sya'y bakla kung kaya mo nire-reject Labag yan sa konstitusyon.

mahilig sa dilihensya Baklang pulis. lalo't kaharap ay pogi Kung macho ang huhulihin. DAPAT Kung misyon mo'y undercover kaylangan kang magkunwari At sa buy-bust operation pag-arte ang siyang susi May lalaking pulis lamang sa tsapa at uniporme Magagaling mangurakot. sa bwitre po ay patuka Kung ang lalaki ngang pulis. do'n sa bakla'y higit mali Kahulugan sya'y balimbing. at lamang din sa pag-arte Higit makembot ang beywang. pulis-patola pong lampa Lalaganap pa ang krimen sa halip na masawata. bakla'y saan galing? Tao silang kagaya mo Ugali at katangiang kabaklaa'y ibang isyu! Nilahat na ni Gonie po . di bagay ang kaartehan Pagkat dito ay seryosong trabaho ang gagampanan. perjury ang kasalanan. ang tanong ay binabago 'Kako. Kung ang pulis ay palaban.Bakit hindi daanin sa pagsusulit? At kung sadyang di papasa. ano na ang mangyayari? Sa pagtugis sa kaaway. sa porma ay bidang-bida Subalit kung ito'y bakla. gulat yaong masasama Lalo't ito ay lalaki. sa bakla ka'y mas masahol! HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) Pag pulis na ay mag-ingat ang rapist na makakati! Kagalingan pa ng mga nagpupulis na double-switch Mahirap na ispelengin ang kanilang puso't isip Pwede silang mag-Hercules. kapag ang judge ay naasar Papatawan sya ng contempt. o mag-ala-Osang Roces Masisira ang diskarte ng kriminal kahit wais. sa kapwa nya ay galit ang mandarambong Bakla kaya ay gayon din? Ako lang po'y nagtatanong! HINDI DAPAT Sa isa bang naghahangad ng matatag na proteksyon Sa bakla ba na pulis mo iaasa yaong tugon? DAPAT Eh. DAPAT Sa likod ng kahinaan kadalasang nagkukubli Ang lakas ng isang yagit na akala'y walang silbi Baklang bongga kung magmeyk-ap. magdamit ay seksing-seksi Kung baga sa pelikula. sa bwaya pa na may pangil? Ako po ay sadyang tutol na sila ay pagpulisin! DAPAT (Ikatlong Tindig) Meron palang kaeskwela si Pangulong Clinton dito Makasagot lang ng tama.basta bakla. Hindi dahil tutol akong silang bakla ay magparak Ako na nga sa kanila'y asiwa at nababanas Ayaw ko lang mahaluan silang tunay na kagawad Ng mahina yaong loob at lalaking nakameyk-ap. awtomatik Na hindi nya papayagang magtrabaho bilang pulis Sobrang unfair . ibig yatang sabihin na Ang kawawang baklang pulis. sa panig nya'y namumuhi. ipwera man ay may matwid. kanino? Sa lalaking police-holdaper-for-ransom? . HINDI DAPAT Pwede palang mag-Hercules o mag-ala-Roces Osang Kaya bakla ay higit pang kailangan sa peryahan Sa himpilan ng pulisya. Ngunit di ko hinihiling sa amin pong Lakambini Na gawaran sya'ng parusa sa paratang na hinabi Kung hustisya ko'y baluktot. sa pogi pong kawatan ay laglag-saya! DAPAT Ang alam ko. sa serbisyo'y walang silbi! HINDI DAPAT Kung Raffy'y abogado.Mas mahina raw ang puso. pagresponde sa tungkulin Mayroon bang ibubuga silang Adan na mahinhin? Kung sa ipis sila'y takot. igigiit sa sala po ng hukuman Baka hindi niya batid. nagtatanggol sa nasakdal Pati lihis. Karapatan kahit ninong magbigay nga ng opinyon Ngunit hindi lahat tayo'y hinirang na maging hukom Kung wala pang paglilitis ay guilty na ang yong hatol Baluktot ang hustisya mo.

Dama ko kasing walang katuturan Mga paghihirap ko'y walang patutunguhan Kung ipagpapatuloy itong kahibangan. ANG BAGONG BAYANI ni Rafael A.. alin nga ba'ng mas matimbang? DAPAT ba o HINDI DAPAT ang bakla sa kapulisan? Kapag Nasabi Ko Sa Iyong Mahal Kita ni Rafael A. Pulmano aminin mo kaya na mahal mo ako? Damdaming nagu-umapaw sa pagsuyo Dugong dumadaloy sa bawat pintig nitong puso Masabi ko kaya sa iyo Gayong alam kong ako'y mabibigo? Ewan ko. di uurong! HINDI DAPAT Ngunit sila'y pusong mamon! LAKANDIWA (Pagtatapos) Kababayan. Maintindihan mo kaya ako At ang mga nadarama ko Sa tuwing nagkakasama tayo? Siguro. pasalamat muna't ating palakpakan Si Gonie at si Rafael na magiting na naglaban Kayo naman ang magsulit..HINDI DAPAT Ang bulaklak bang katuray. Ayoko nang alamin. . Pulmano Nilisan ang bansa kapalit ng dolyar Singaporeang paslit ang inalagaan Ang sariling anak. mayrong bangong isisimoy? DAPAT Kahit bakla. Gurong naghahangad ng riyal na kita Nag-domestic helper sa Saudi Arabia Four years nagtiyagang pakadalubhasa Sa ibang lahi pa nagpapaalila. Baka kasi aminin mong ako'y mahal mo rin. nalamnan ang tiyan Gutom sa kalinga ng magulang naman.

"HELLO!" Oh kay tamis ng ganyang kataga Sa isang tulad kong nasa ibang bansa Musika sa puso ang "HELLO" ng kapwa Mapa-Pilipino o mapa-banyaga. AKO AY PILIPINO ni Rafael A. nanilaw. Pulmano Trabaho'y maghapon sa init ng Saudi Kaulayaw ko ay beer sa lamig ng gabi At pag may tama na.ang Bagong Bayani. Sinta. may iba nang mahal. sa 'king karaoke Aawit ng "HELLO" ala-Lionel Richie. GARCI. Irog Sa overseas calls ko. at mapangarapin Kahit may panganib.. Gobyernong kaylangan ang foreign currency Passport. Pilipino'y iba Hanggang sa isang club minsa'y napapunta. Mahal.V. nangitim. maski ng artista Sa stage show. Karangalang ito'y handang ipaglaban. MY LOVE ni Rafael A. sa t'wi kang sasagot Tanggal ang hilo ko sa puyat at pagod. marangal. bansa'y lilisanin. o sa pelikula Pinananabikan ang hatid na saya Mula sa kapuso at sa kapamilya. Pilipino akong ang ngalan at puri Di mababayaran ng ginto't salapi Mag-abroad man ako't ang aking kalahi Pangalang malinis ay nananatili. ayaw magpapigil Legal o ilegal... HELLO ni Rafael A. "HELLO!" ng pagbati. sa T. Sawa na sa laging galunggong ang ulam Nagsikap marating ang bansa ng sakang Sariling katawan ang ikinalakal Umuwing mayaman. malamig na bangkay. POEA at etceterang fee Saludung-saludo. Pulmano ARAY KO! Kaysaklap naman ng mabigo Wasak ang damdamin.. Sila ang overseas contract workers natin Masipag. May nangagsasabing pagdating sa pera..Dating chief engineer sa sariling nasyon Sa abroad nag-apply: karpentero-mason Noo'y naka-jacket sa lamig ng aircon Sa init ng araw ay sunog na ngayon. Subalit ang "HELLO" na hindi ko gusto Ay ang "HELLO." mula kay Ate Glo At "I AM SORRY" nyang di naman totoo Sobra naman yata tayong ginagago.. Ako ay namula.. Nagtiis maglayo yaong bagong kasal Upang pag-ipunan ang kinabukasan Masakit na birong pag-uwi ng bahay Nangulilang kabyak.. Merong nagbibili ng kanyang kalul'wa Ang paniwala ko. labis ang papuri Sa OFWs . Ang "HELLO" ay lalong matamis ang tunog Kung buhat sa iyo. .ARAY! PAALAM.. sugatan ang puso Bakit sa Hongkong pa tayo nagkatagpo? Tulog kong damdamin ay iyong biniro. Pagkat nakita ko (dito pa sa Japan!) Ang kababata ko't kalaro nu'ng araw Nagsasayaw siyang hubo't hubad. Pulmano PILIPINO akong may sariling dangal Di kayang tumbasan ng lapad at dolyar At saan mang dako ng sandaigdigan.

Ang saging at papaya Ay pagkaing pampaganda.. tatlong pera Sayang puti.. Pati alaala ng suyuang bawal: Hinihintay ka na ang asawang hirang. Ang gatas at ang itlog Ay pagkaing pampalusog. ang buwan Finished contract ka na't kaylangang lumisan Ako nama'y merong natanggap na liham Kailangan ko ring umuwi ng bayan. Ang isla ng Hongkong. Bunso ko't maybahay rin ay nag-aabang. Ikaw'y uminom ng gatas At kumain ka ng itlog. Penpen de sarapen Penpen de sarapen De kutsilyo De almasen Bawbaw de kalabaw Batuten Sipit namimilipit Gintong pilak namumulaklak Sa tabi ng dagat Sayang pula. Ulan! Ulan! Ulan! Ulan! Pantay kawayan! Bagyo! Bagyo! Pantay kabayo! . Matuling lumipas ang araw. Nangungulila ka't ako'y homesick naman Walang anu-ano ay ating nagisnan Na tayong dalawa ay nagmamahalan. Espadang Bali-bali Espadang bali-bali Nahulog sa pusali Kunin mo sandali Uupahan ng kahati Hindi magtatagal At ikaw'y bibilog.Malayo sa bansang ating sinilangan. tatlong salapi Lagari Lagari! Lagari! Simbahan sa Paete ‘Pag hindi nayari Magagalit Sa batang bungi! ang pari Gatas at Itlog Alagaan mo ang manok Bibigyan ka ng itlog. atin nang iiwan.

aba Nasugatan ang bata Nasaktan ang bata Ang bata. Tapos na po. aba Ikaw ay tatanga-tanga Tatanga-tanga.Sa batang nadapa Tulang Palaka Ako'y tutula. aba. tatanga-tanga Ang mura ng ina Ang ina’y nagmumura Aba. Ang bata. lumapit Lumapit ang ina Aba. Paulina Flores-Bautista Guhit ni Joanne de Leon Kay raming butil sa malawak na dalampasigan Kay raming sigay sa malalim na karagatan Kay raming patak ng ulan mula sa dibdib ng kalangitan Kay raming dahon sa damong luntian Kay raming hamog. nagalit Nagalit sa bata Ama Ni Dr. Aba. Ako'y uupo. ang ina Ang ina’y lumapit Lumapit. aba. Aba. nadapa Nadapa. aba Ang ina. Paulina Flores-Bautista Guhit ni Joanne de Leon Aba. aba Minura ng ina Ang ina’y nagmura Minura ang bata Ang bata ay minura Aba. aba. ang bata. aba Ang inang lumapit Nagalit. Aba Ni Dr. aba. aba Ang bata. Tulang palaka. aba. ang bata Ang bata’y nadapa Aba. nadapa Nadapa ang bata Aba. dala ng hanging amihan Kay raming puno sa mayabong na kabundukan Kay raming katutubong kogon na di inaalagaan Kay raming bituin sa maliwanag na kalangitan Ngunit isang-isa lamang ang buwan sa kalawakan Tulad ng aking kaisa-isang Ama na aking hinahangaan! . aba.

Disiplina ng Lola sa Apo Ni Dr. di nakikialam sa Ina o Ama sa pagdidisiplina ng mga mahal na apo niya. . Kung baga. Nakikialam lang siya kung payo 'y hinihingi sa kanya at dapat ito'y bihira upang pagsasama'y di masira. Paulina Flores-Bautista Guhit ni Joanne de Leon Ang matatag na lola na may mga apo na kasama ay iyong nagtatakip ng mata nagpapasak ng bulak sa tainga nagsisiper ng labi niya.

.

Mga .

Tulang Pambata .

Tula .

Balagtas an .

Artango . Gulapo Ipapasa kay: Gng.Proyekto sa Filipino IV Ipinasa ni Joejie N.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful