Namumutlang Kamay

-Manilac Melissa S. Rañin

Ako’y nadapa at hindi na nakabangon Isang kamay na namumutla Sa aki’y umaabot At ako’y nagising sa aking kahinaan.

Bumitaw ang kamay na yaon Hindi na nakatiis Ako’y hinampas At pinagkaitan ng pagkakataong magsalita.

Pinilit kong habulin ang namumutlang kamay Ngunit ako’y huli na. Hindi na niya napansin ang aking pagtawag Sapagkat siya’y nag-iba.

Umalis ako ng walang nagawa Inalis ang lahat ng ala-ala Nang biglang sa akin ay may humila Kamay na naman na namumutla Ang may-ari ay nawala.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful