ANTIPOLO DISTRICT HOSPITAL

Submitted to: Mrs. Jennifer Maralit, RN Clinical Instructress Submitted by: Ma. Cristina Doctor Karen Raizel Francisco Regina Bernardo Cristopher John Ceñidoza

Jose Carlo Apagalang BSN-III-A-2a PAGBUBUNTIS Kailangan ng bawat buntis na babae ng mabuting kalusugan. Karamihan ng sanggol ay malusog sa pagsilang. PAANO MALALAMAN KUNG BUNTIS KA • Hindi dumadating ang iyong regla. . maayos na pagkain at ng pagmamahal at suporta ng pamilya at komunidad. • Nananakit at lumalaki ang iyong suso. Maraming babae ang malusog ang pagbubuntis at hindi mahirap ang panganganak. • Masama ang tiyan mo at minsan ay naduduwal ka.

Matulog at magpahinga tuwing may pagkakataon. gawin sa pinakamaagang makakaya. Magpabakuna nang di-bababa sa 2 beses bago manganak 4. Ang mahusay na nutrisyon ay nagbibigay ng lakas. nagbubuo ng malusog na sanggol.• Mas madalas kang naiihi. • Napapagod ka. Kung kailangang nakatayo ka sa iyong trabaho. Gumamit ng iodized na asin para maiwasang magkadepekto ang iyong sanggol ng kahinaan sa pag-iisip. at makita ang mga problema bago pa lumala. Maligo o maghugas nang regular at maglinis ng . at tumutulong pigilan ang sobrang pagdurugo sa panganganak. 1 Pananatiling Malusog Habang Nagbubuntis Kung maaalagaan ang sarili habang buntis. Kung wala ka pang bakuna para sa tetano. Manatiling malinis. lumalaban sa impeksyon. Pumunta sa mga prenatal check-up para matiyak na walang problema. mas malamang na maging ligtas ang pagbubuntis at panganganak mo at malusog ang sanggol. Tandaan na pinapakain mo ang sarili at ang sanggol. Sikaping kumain ng masustansyang pagkain. 3. sikaping umupo o humiga nang ilang beses sa bawat araw. 2. 1.

Sikaping mag-ehersisyo araw-araw.Umiwas sa mga kemikal na pamatay ng insekto at damo. ngipin araw-araw. o langhapin ang singaw nito. 2 9. o magtrabaho nang malapit. Masama ito sa iyo at sa nabubuong sanggol. Karaniwang mga Problema Habang Buntis Kapag buntis ka. o paghitit o pagngata ng sigarilyo at tabako.Tigilan ang mga inuming nakakalasing. pero puwedeng madama mo ito anumang oras o kung minsan ay buong araw. at iba pang matatapang o pampabrikang kemikal. Baka German measles ito. na makakasama sa nabubuong sanggol. Makakasama ito sa nabubuong sanggol. Tandaan lang na normal sa pagbubuntis ang karamihan sa mga ito. 1. Kung nakaupo ka sa trabaho. sikaping maglakad araw-araw. Pero huwag magpagod. Lumayo sa mga batang may butlig-butlig sa buong katawan. MASAMA ANG SIKMURA (NADUDUWAL) Madalas tawagin itong ‘morning sickness’. . para maging mas malakas ang puwerta mo matapos manganak 7. nagbabago ang katawan mo at puwedeng magkaroon ka ng ilan sa mga sumusunod na pangkaraniwang problema.5. 6. 8. Huwag hawakan. Nawawala ito madalas sa katapusan ng ika-3 o 4 na buwan. Huwag na huwag paglagyan ng pagkain o tubig ang mga basyong lalagyan ng kemikal. Gawin ang pampahigpit na ehersisyo. 10.

HEARTBURN O HINDI NATUNAWAN Kung may heartburn. • Iwasang humiga pagkatapos kumain. . Ano ang gagawin: • Iwasang tumayo nang matagal. Puwedeng lumaki at sumakit ito nang husto. • Damihan ang tubig at iba pang malinaw na sabaw o likido. DISCHARGE MULA SA PUWERTA Habang nagbubuntis. Pero kung makati. • Iwasan ang pagkaing maanghang o malangis. Kung kailangan mong tumayo. normal na may maputing discharge o lumalabas mula sa iyong puwerta. Baka nagsisimula kang mag-labor nang napakaaga. baka may impeksyon ka sa ari na dapat gamutin. magpatingin sa health worker. 3 3. mahapdi. • Matulog na mas mataas ang uluhan kaysa sa sikmura. Ano ang gagawin: • Sa halip na isang kainan na marami. Kung madugo ang discharge o may mucus (mala-sipon) na kahalo. 4. VARICOSE VEINS Ito’y mga kulay asul at namamagang ugat sa paa’t binti at sa paligid ng ari. Pinakamadalas ito sa huling bahagi ng pagbubuntis. gawing kaunti pero madalas. Dulot ito ng bigat ng nabubuong sanggol. pagkatapos kumain o kapag nahihiga. Kung nakaupo. pakiramdam mo ay parang nasusunog ang lalamunan at dibdib.2. itaas mo ang paa tuwing may pagkakataon. lumakadlakad o galaw-galawin ang paa’t binti. o may masamang amoy. o kung marami at mukhang tubig.

tapos ay kailangan mo nang uminom nang mas madami. o kapag nag-inat o naituro pababa ang paa. mahapdi o dumudugo. ALMORANAS Ito’y mga namamagang ugat sa palibot ng butas ng puwit. • Kung gumagamit ka ng iron. Madalas ay makati. gulay at pagkaing may fiber (hilatsa)—tulad ng kamoteng kahoy. subukang uminom ng isa lang bawat araw kasabay ng katas ng prutas o gulay. • Mag-exercise nang regular. Panandalian lang ang lunas nito. o tumigil ng ilang araw. • Kumain ng maraming prutas. 4 6. Pinapalala ito ng constipation. Kung may kapansanan ka galawin at i-exercise ang iyong mga paa. CONSTIPATION (HIRAP DUMUMI) at hindi makapaglakad. Ano ang gagawin: • Umupo sa palanggana na may bahagyang malamig na tubig para mabawasan ang sakit 7. pakiusapan ang isang kapamilya na tulungan kang galaw- Pinapabagal ng pagbubuntis ang paggana ng daanan ng dumi. kaya nagiging mas matigas ang dumi at mas mahirap ilabas. 5. Ano ang gagawin: . Posibleng dulot ito ng kakulangan ng calcium sa kinakain.• Tiyaking nakakalakad ka araw-araw. • Huwag uminom ng laxative. PULIKAT SA PAA Madalas magpulikat sa paa ang mga buntis—laluna sa gabi. Ano ang gagawin (tulong din ito para makaiwas): • Uminom ng di-bababa sa 8 basong tubig o inumin bawat araw.

Ano ang gagawin: • Itaas ang paa mo tuwing may pagkakataon. • Kung nagpapahinga. 8. • Magpatulong sa iyong pamilya sa ibang mabibigat na trabaho. 5 MGA PALATANDAAN NG PANGANIB SA PAGBUBUNTIS 1. • Palatandaan na ng panganib kung sobrang manas na ang paa mo. o manas na ito paggising pa lang sa umaga. manok. Ano ang gagawin: • Hilingin sa iba na himasin o imasahe ang iyong likod.• Kumain ng maraming pagkaing may calcium tulad ng gatas. Ano ang gagawin: • Tiyaking may pagkaing sagana sa iron—karne. Sobrang panghihina o pagod (anemia) Kung may sobrang panghihina o pagod ka. 9. mahiga sa iyong kaliwang bahagi. o kung manas na rin ang kamay at mukha mo. isda. baka anemic ka. PAMAMANAS NG MGA PAA AT BINTI Normal sa pagbubuntis ang kaunting pamamanas ng paa—laluna para sa mga babaeng kailangang nakatayo nang buong araw. PANANAKIT SA IBABANG BAHAGI NG LIKOD Ang ganitong pananakit ay mula sa bigat ng nabubuong sanggol. • Huwag kaligtaan na ituwid ang likod habang nakatayo o nakaupo. keso at mga gulay na berde at madahon. . butonggulay (beans at peas). • Matulog nang nakatagilid na may unan o nakabalunbon na tela sa pagitan ng tuhod. at mga gulay na berde’t madahon. itlog. Mas malamang duguin nang malubha pagkapanganak ang mga babaeng sobrang anemic.

Pagdurugo sa maagang bahagi ng pagbubuntis. Kung mas malakas ang pagdurugo kaysa sa normal na pagregla. Kung lumaki pa ang pagbubuntis. ay puwedeng mula sa malaria. Pagdurugo sa huling bahagi ng pagbubuntis. . 2. Napakadelikado nito. malamang nakukunan ka. mas magagamit ng katawan ang iron. puputok ang tubo at dudugo. Posibleng problema sa inunan (placenta) ang sanhi ng pagdurugo matapos ang unang 3 buwan. mangga o papaya. 2 beses at 1 mg folic acid. Napakadelikado nito. Lagnat Ang mataas na lagnat. • Huwag maglagay ng kahit ano sa puwerta. 2. Pagdurugo mula sa puwerta 1. Duduguin ka sa loob at maaaring mamatay. Ano ang gagawin: • Pumunta sa pinakamalapit na ospital. pananakit ng katawan at matinding sakit ng ulo.• Uminom ng 325 mg iron. • Habang papunta sa ospital. Delikado ka at ang iyong dinadala. Masakit dahil nababanat ang tubo. Ang paggamot ay naka-akma dapat sa lugar mo. 3. Pero kung may kasabay na pananakit. Kung isasabay sa prutas tulad ng dalandan. 1 beses bawat araw hanggang manganak. Pananakit sa puson Ang matindi at tuluy-tuloy na pananakit sa unang 3 buwan ay puwedeng mula sa pagbubuntis na lumalaki sa labas ng matris. mahiga na mas mataas ang paa. sa loob tubo (tubal pregnancy o ectopic pregnancy). baka may pagbubuntis na lumalaki sa labas ng matris (ectopic). laluna kung may kasamang panginginig. 6 4. Puwedeng normal ang mahinang pagdurugo mula sa puwerta sa unang 3 buwan.

Puwedeng magkombulsyon ka dahil sa eclampsia. Sa pagbuka ng cervix. Pamamanas ng kamay at mukha o matinding sakit ng ulo at panlalabo ng paningin (eclampsia) Normal sa buntis ang kaunting pamamanas sa paa. Pumunta sa health center o ospital kung kinakailangan. Maaaring mabasag ang panubigan bago magsimula ang pag-labor. nanlalabo ang paningin. Kapag nariyan na alinman sa 3 ito. o anumang sandali habang naglelabor. Paglabas ng malinaw na tubig mula sa puwerta. Mahiga sa iyong kaliwang bahagi. Proteksyon ito ng sanggol at matris sa impeksyon. Hindi nagsisimula ang totoong pag-labor hangga’t hindi nagiging regular ang paghilab (halos parepareho ang pagitan ng bawat isa). barado ng makapal na mucus ang bukana ng matris (cervix). 1. 2. . laluna kung kasabay na masakit ang ulo. • Magpahinga tuwing pupuwede. Simula ng paghilab (contraction). Ano ang gagawin: • Magpasukat sa presyon ng dugo. 3. panahon nang maghanda sa panganganak. Habang buntis. Pero posibleng may eclampsia ka kung manas na ang kamay at mukha. at mamatay kasama ang iyong dinadala. o nananakit ang tiyan. maaaring 10–20 minuto o higit pa ang pagitan nito. Sa umpisa. at magkaiba ang pagkakasunod. PALATANDAAN NA MALAPIT NA ANG PAG-LABOR Palatandaan ito na nagsimula o malapit nang magsimula ang labor.5. • Sikaping magdagdag ng pagkaing maraming protina araw-araw. Puwedeng hindi ito mangyari lahat. nailalabas ang bara kasama ang kaunting dugo. Paglabas ng malinaw o kulay rosas na mucus (malasipon) mula sa puwerta.

7 PAGPLAPLA NO NG PAMILYA 8 .

. pero madalas humihinto ito pagkatapos ng unang 3 buwan. CONDOM Ang condom ay isang makitid na supot na gawa sa manipis na goma. Karaniwang side effects: Puwedeng magkaroon ng kaunting pagdurugo sa unang lingo pagkaraang mag-IUD. Puwede itong gamitin nang mag-isa o kasabay ang ibang paraan ng kontrasepsyon. malakas at mas masakit na pagregla. Karaniwan ay gawa sa plastik. Huwag gamitin ang condom mula sa paketeng punit o tuyo. o plastik at tanso ang IUD. Hindi ito gagana. Puwedeng magamit ang IUD na hindi nalalaman ng lalaki (pero minsan nararamdaman ng lalaki ang tali). at madalas nakukuha sa mga health center at sa mga programa laban sa AIDS. Puwedeng manatili ang IUD sa matris nang hanggang 10 taon (depende sa klase ng IUD) bago kailangang tanggalin at palitan. Ang condom na gawa sa latex ang pinakamahusay na proteksyon laban sa mga INP at HIV/AIDS. pinipigilan ng IUD ang semilya ng lalaki na mapertilisa ang itlog ng babae. Kapag nasa loob na ng matris. Nagkakaroon din ang ilang babae ng mas mahaba. Nabibili sa maraming botika at tindahan ang condom.ANG IUD (IUCD. Suot ito ng lalaki sa kanyang ari habang nakikipagtalik. COPPER-T) Ang IUD ay isang maliit na bagay (device) na ipinapasok sa loob ng matris ng health worker o komadrona na may ispesyal na pagsasanay. o kung naninigas o malagkit na ang condom. Ingatan na hindi mapunit ang condom sa pagbukas ng pakete.

Kung mayroon kang 21-araw na pakete. Dapat uminom ka ng isang pildoras bawat araw. Madalas. Pagkaubos mo ng isang pakete. Pagkatapos. Maaring makatulong kung tatandaan mo na palagi kang magsisimula ng bagong pakete sa parehong araw ng linggo. Pero simulan mo ang bagong pakete kahit na hindi dumating ang iyong regla. Pero hindi ka mapoproteksyunan agad. PILDORAS Paano gamitin ang kumbinasyong birth control na pildoras: Nakapaloob ang pildoras sa pakete na tag-21 o 28 na tabletas. rereglahin ka sa mga araw na hindi ka umiinom ng pildoras. uminom ng pildoras bawat araw sa loob ng 21 araw. Kung mayroon kang 28-araw na pakete. maghintay ng pitong araw bago simulan ang bagong pakete. Sa 21-araw at 28-araw na pakete. Kung lampas na sa unang araw. parehong simulan ang unang pildoras sa unang araw ng iyong regla. o hindi muna makipagtalik. simulan ang pag-inom ng pildoras mula sa bagong pakete. Sa ganitong paraan. kahit hindi ka nakikipagtalik. Sikaping inumin ang pildoras sa parehong oras bawat araw. puwede kang magsimula sa alinman sa unang 7 araw ng iyong buwanang siklo. Kasama sa mga hormonal na kontraseptibo ang: 1. kaya sa unang 2 linggo na nagpipildoras.9 Hormonal na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya Ang mga paraang ito ay may lamang hormone—estrogen at progestin—na kamukha ng estrogen at progesterone na ginagawa ng katawan ng babae. may proteksyon ka agad. Karaniwang side effects ng kumbinasyong pildoras: . uminom ng isang pildoras sa bawat araw ng buwan. dapat gumamit ka ng ibang paraan ng kontrasepsyon.

Gumamit ng condom (o huwag makipagtalik) sa natitirang bahagi ng siklo. Makakapagdulot ng kaunting pagdurugo—parang napakabanayad na pagregla—ang pagkahuli o paglaktaw sa pag-inom ng pildoras. itigil ang paggamit ng pildoras at hintayin ang susunod na pagregla. 10 Nalimutang inumin ang pildoras: Kung lalaktaw ka ng pag-inom. Inumin ang susunod na pildoras sa regular na oras. Kung makalimot ka ng 1 pildoras. ituloy ang pag-inom ng 1 pildoras bawat araw hanggang maubos ang pakete. Uminom ng 2 pildoras bawat araw sa loob ng 2 araw. inumin agad ito sa sandaling maalala mo. iniiniksyunan ang babae ng hormone tuwing 1 hanggang 3 buwan. Simulan ang bagong pakete pagkatapos. KONTRASEPTIBONG INIKSYON Sa paraang ito ng kontrasepsyon. ng taong nakakaalam. Karaniwang side effects ng progestin-only na iniksyon: . madalas sa health center o family planning clinic. maaari kang mabuntis. Kung makalimot kang uminom ng 2 magkasunod na pildoras. at puwedeng gamitin na hindi nalalaman ng iba. simulang inumin agad ito. Dahil dito. Kung makalimot kang uminom ng 3 o higit pang pildoras. maaaring makainom ka ng 2 pildoras sa isang araw. Tumatagal ang proteksyon hanggang sa kailangan mo na ng bagong iniksyon. Gumamit ng condom (o huwag makipagtalik) hanggang sa makapag-pildoras sa loob ng 7 magkakasunod na araw. Pananakit ng ulo.• • • •Di-regular na pagdurugo o spotting Pagkaduwal. Pagkatapos.

puwedeng bigyan ka ng health worker ng low-dose na kumbinasyong pildoras kasabay ng implant sa loob ng ilang buwan. O puwedeng hindi ka talaga magregla. Mawawala rin ang mga ito habang nasasanay ang katawan mo na mas marami ang progestin. PAGPAPASUSO SA UNANG ANIM NA BUWAN (lactational amenorrhea method. Kung magkaproblema ka dahil sa di-regular na pagdurugo. maaaring magdulot ang implant ng di-regular na pagdurugo (sa gitna ng iyong buwanang siklo) o dagdag na araw ng pagregla. Pinipigilan nito ang pagbubuntis sa loob ng 3– 5 taon. 11 KONTRASEPTIBONG IMPLANT Ang implant ay mga maliit at malambot na tubo na nilalagay sa ilalim ng balat sa tagong bahagi ng braso ng babae. May progestin ang mga tubo at parang mini pill ang paggana. depende sa klase ng implant Karaniwang side effects ng implant: Sa unang mga buwan.• • • di-regular na pagdurugo o malakas na spotting. walang regla. Maaaring magkaroon ng panapanahong pagsakit ng ulo at parehong side effects na karaniwan sa mga progestin-only na iniksyon Natural na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya May 3 paraan para maiwasan ang pagbubuntis na hindi kailangan ng anumang gamit o kemikal (tulad ng panghadlang na kontraseptibo) o gamot (tulad ng hormonal na kontraseptibo). Hindi ibig sabihin na buntis ka o may problema. LAM) . pagdagdag ng timbang. Ito ang: 1.

Mucus Method Para magamit ang mucus method. malalaman kung kailan nagiging fertile o puwedeng mabuntis. kailangan bigyan ng matamang pansin ang mucus (pamamasa) sa loob ng puwerta. maglagay sa pagitan ng dalawang daliri. • Kung nahihirapang malaman kung kailan puwedeng mabuntis. • Huwag banlawan o hugasan ang loob ng puwerta (douche) anumang panahon. Ano’ng katangian nito? Basa ba at madulas? Tuyo ba at madikit? malinaw.Sa ilang mga kondisyon. gumamit ng condom o diaphragm na walang spermicide (ito lang ang mga paraan na hindi bumabago sa mucus). • Huwag makipagtalik habang may regla. Gumagawa ng basang mucus ang katawan sa panahon na puwedeng mabuntis para matulungan ang semilya na makapasok sa matris. May maliit na posibilidad na puwede kang mabuntis pero hindi mo kayang alamin. 2. Walang gastos ang paraang ito. . Kaya kung susuriin ang mucus araw-araw. Kung may mucus. • Huwag makipagtalik hanggang 4 na araw matapos ang huling araw ng malinaw at madulas na mucus. 2. O kung gustong makipagtalik sa mga araw na iyon. at puwedeng umiwas sa pakikipagtalik sa panahong iyon 12 Paano malaman kung puwede kang mabuntis: 1. gumamit ng ibang paraan. o kung may impeksyon sa ari. Ipahid ang daliri o piraso ng tela sa labas ng puwerta. basa at madulas na mucus = puwedeng mabuntis (fertile) maputi. pero pinakaepektibo lang sa unang 6 na buwan pagkatapos magsilang. tuyo at madikit na mucus = hindi puwedeng mabuntis Paano gamitin ang mucus method: • Huwag makipagtalik anumang araw na nakikita o nararamdaman ang pamamasa o mucus. ang pagpapasuso ay pumipigil sa obaryo na maglabas ng itlog.

Dahil permanente ang mga operasyong ito. Mabilis at ligtas ang operasyon. 13 • Piliin ang pinakamahaba at pinakamaikling siklo. ISTERILISASYON (operasyon para hindi na magkaanak)  May mga operasyon para maging halos imposible na sa lalaki o babae na magkaanak. • Bawasan ng 20 araw ang pinakamaikling siklo. Paano gamitin ang rhythm method: • Bilangin kung ilang araw tumatagal ang bawat buwanang siklo sa loob ng 6 na buwan. mahusay lamang ito para sa mga babae at lalaking nakatitiyak na ayaw na nilang magkaanak. Permanenteng Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya 1. • Kahit maaaring makipagtalik anumang araw bago at pagkatapos ng panahon na puwedeng mabuntis. Rhythm Method Tinuturo ng rhythm method kung paano malaman kung kalian puwedeng mabuntis sa pamamagitan ng pagbilang ng mga araw sa buwanang siklo. Sa pagitan ng 2 araw na ito ang panahong puwede kang mabuntis (panahong mabunga). • kapapanganak at hindi pa regular ang regla. at hindi nagdudulot ng side effects. kailangan mong pumunta sa isang health center o ospital. HINDI maaasahan ang rhythm method kapag: • nagpapasuso at hindi pa bumabalik ang regla. . at 10 araw ang pinakamahaba. mula sa unang araw ng pagregla hanggang sa unang araw ng susunod na pagregla.  Para maoperahan ng ganito.3. ang pinakaligtas na mga araw ay yung sa pagitan ng dulo ng panahong mabunga at simula ng susunod na pagregla.

Maaaring may semilya pa rin ang tubo nang hanggang 12 linggo matapos ang operasyon.Ang operasyon para sa lalaki (Vasectomy)  Isang simpleng operasyon ang vasectomy kung saan pinuputol ang tubo na dinadaluyan ng semilya mula sa bayag papunta sa titi. Hindi nito binabago ang abilidad ng babae na makipagtalik o makadama ng sekswal na kasiyahan . Tumatagal ito ng mga 30 minuto. Nilalabasan pa rin siya pero wala itong semilya. Hindi pinuputol ang bayag ng lalaki. Puwedeng gawin ang operasyong ito sa alinmang health center na may sinanay na health worker. at tinatalian pagkatapos ang tubo na dinadaluyan ng itlog papunta sa matris.  Hindi binabago ng operasyon ang abilidad ng lalaki na makipagtalik o makadama ng sekswal na kasiyahan.  Gumagawa ang isang bihasa na health worker ng 1 o 2 hiwa sa tiyan ng babae. pero napakaligtas pa rin nito. 14 Ang operasyon para sa babae (Tubal Ligation)  Ang tubal ligation ay operasyong mas mahirap nang kaunti kaysa sa vasectomy. Ilang minuto lang ang kailangan. kaya kailangang gumamit ng ibang paraan ng kontrasepsyon sa panahong iyon.

15 HEALTH TEACHING .

DUTIES .

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful