P. 1
MAIKLING KWENTO

MAIKLING KWENTO

4.0

|Views: 9,435|Likes:
Published by Shyrelle Cabajar

More info:

Published by: Shyrelle Cabajar on Apr 22, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/04/2015

pdf

text

original

MAIKLING KWENTO

‡ ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

PAGLALARAWAN
Bilang isang masining na panitikan,naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

LAYUNIN
Bilang anyo ng panitikan, may layunin itong magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isa pa rin sa mga pangunahing layunin nito ang manlibang. Isa itong uri ng panitikan na nag-iiwan ng mga aral at kaisipan sa mambabasa.

KAYARIAN
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

MGA BAHAGI
‡ Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. ‡ Saglit na Kasiglahan- Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema. ‡ Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan. ‡ Tunggalian- May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan. ‡ Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. ‡ Kakalasan- Tulay sa wakas. ‡ Wakas- Mensaheng inilalahad ng maikling kwento. ‡ Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. ‡ Paksang Diwa

MGA URI
May siyam na uri ng maikling kwento

kwento ng tauhan kwento ng katutubong kwentong bayan kwento ng kababalaghan kwento ng katatakutan kwento ng madulang pangyayari kwento ng sikolohiko kwento ng pakikipagsapalaran, kwento ng katatawanan

‡ Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

‡ Sa kwento ng katutubong kulay binibigyangdiin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

‡ Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

‡ Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

‡ Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak

‡ Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

‡ Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

‡ Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento

‡ Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

TEMA
‡ Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng mayakda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging mga sumusuno ang tema: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa paguugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

MGA ELEMENTO
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento: ‡ Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

‡ Gitna Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas ‡ Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng untiunting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. ‡ Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

ANG BUHAY NI NENENG
ni Harvey Lyca Alcansis
http://maiklingkuwento.blogspot.com/2007/09/ang-buhay-ni-neneng.html

Plot: Dahil sa trabaho ng ama ni neneng, siya ay lumuwas papuntang ciudad. Ito ang naging dahilan kung bakit nawalan ng pera panggastos ang pamilya ni neneng. Hindi pa kayang magbayad ng ina kay Lola Erning dahil hindi sila nakakabayad ng utang. Kinaumagahan, dumating ang ama at may dalang pagkain kaya magmula noon, hindi hinayaan ng ama na mawalan sila ng bigas at panggastos sa bahay. Ngunit nagkaroon ng aksidente ang ina. Na-crack ang buto sa paa ng ina kaya nahirapan itong gumwalaw at gawin ang mga gawain sa bahay. Kaya si neneng ang nagaalaga sa ina habang ginawa niya ang mga gawain sa bahay. Ito rin ang ngaig rason kung bakit minsan ay lumiliban sa klase. Naranasan at nasaksihan ni neneng ang hirap ng kanyang ina sa pang araw-araw na gawain. Nagpapanata gabi-gabi at nagdadasal ang kanyang ama na sana tulungan sila. Dahil din sa kanilang sakripisyo, dininig din sila ng panginoon. Nai-transfer ang ama sa isang kompanyang mas malaki ang sahod kaya nakatulungan din ito sa kanila.

Panimula: Ang panganganak ni Nanay sa kanyang pangalawang sanggol si Neneng. Saglit na Kasiglahan: Ang kanyang tatay ay umalis at pumunta sa malaking ciudad dahil doon na destino sa trabaho. Hirap man sa buhay ang pamilya ay naibigay parin ng mga magulang ni Neneng ang kanyang pangangailangan. Suliran: Dahil sa wala ng ama ni Neneng, nawalan ng pera panggastos ang pamilya ni Neneng. Na-crack rin ang buto sa paa ng ina kaya nahirapan itong gumwalaw at gawin ang mga gawain sa bahay. Tunggalian: Tao vs. Kapaligiran. Kasukdulan: Si neneng ang nagaalaga sa ina habang ginawa niya ang mga gawain sa bahay. Ito rin ang naging rason kung bakit minsan ay lumiliban sa klase. Naranasan at nasaksihan ni Neneng ang hirap ng kanyang ina sa pang araw-araw na gawain.

Kakalasan: Nagpapanata gabi-gabi at nagdadasal ang kanyang ama na sana tulungan sila. Dahil din sa kanilang sakripisyo, dininig din sila ng panginoon. Nai-transfer ang ama sa isang kompanyang mas malaki ang sahod kaya nakatulungan din ito sa kanila. Wakas: kahit hiaos ka sa buhay ay meron pa ring pag-asa na darating. Marunong ka dapat manalig at magtiwala sa diyos.

Tagpuan: Isang gabing madilim sa isang baryo umalingaw-ngaw ang tinig ng isang Inang buong sikap na kinaya ang sakit at hapding nadarama, sa panganganak sa kanyang pangalawang sanggol. Eksaktong alas diyes ng gabi. Paksang Diwa: Pag-uunlad sa kahirapan

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->