You are on page 1of 9

(Effective Alternative Secondary Education) (EASE Modules) - search google!!!

Katayuan ng babae at papel sa lipunan noong panahon ng KAstila:


Panahon ng Espanyol
Ngunit nang dumating ang mga mananakop, ang Pilipinas ay napuno ng mga batas ng
kodigong Sibil at kodigo ng Komersyo kung saan bumaba ang estado ng babae dahil
pinag-ibayo ng mga bagong batas na ito ang pagtingin sa babae. Mas mababa na ang
estado nito sa ngayon. Nawala na ang mga dating karapatan na naglalagay sa baba
e sa parehong pwesto tulad ng kanyang kapatid na lalaki.
Hindi na rin siya pwedeng magsuot ng mga damit na ayon sa mga Espanyol ay malaswa
at mula sa demonyo. Nawala na rin ang kakayahan nitong makapag-aral, makapagbigay
ng opinyon sa mga usaping pambayan, maging ang kanyang kakayahang mamuno ay wala
na.
Sa isang iglap, ang babae ay naging isang nilalang na hindi nakikita sa lipunan.
Isang nilalang na nasa bahay lang mula pagkabata. At kapag nag-asawa, kailangan
nitong sundin ang lahat ng luho ng kanyang esposo kung hindi ay isa iyong malak
ing kasalanan.
Maging ang Katoliko Romano, mas lalong pinagtibay ang kawalang ng bokasyon ng is
ang babae sa panahon na iyon. Malimit lamang ang mga babaeng talagang lumalaban
sa sistema tulad nina Melchora Aquino o Tandang Sora, Gabriella Silang at iba pa
ng mga anak ng katipunan.
Ngunit lahat ng mga kalayaang tinatamasa nila ay naabot lamang nila kapalit ng k
anilang pagiging kalaban ng lipunan.

Bago pa man dumagsa ang mga mananakop at kolonyalistang Kastila, lumalalang na a


t nagtatala ang mga kababaihang Pilipino ng mga tula sa pamamagitan ng mga nasis
irang mga materyales katulad ng mga dahon ng saging. Umaawit na rin ang mga katu
tubong Pilipinong kababaihan ng mga himig, sa isang panahon na kapantay sila sa
katayuan ng mga kalalakihan. Maaari silang lumikom ng mga pag-aari, maging mga p
inuno kapalit ng mga lalaki, gumanap bilang mga pinuno sa mga ritwal o bilang mg
a babaylan, at may karapatang hiwalayan (diborsyuhin) ang kanilang mga esposo. S
ubalit ang nabago ang sinaunang imaheng panlipunang ito ng mga babaeng Pilipino
sa pagdating ng mga Kastila. Sa pamamagitan ng pagbabago at pakikialam na ito ng
mga banyaga, napatahimik ang mga malaya o liberal na kababaihan ng sinaunang li
punang Pilipino at nalagak na lamang sa mga tahanan. Tinuruan sila, ayon sa "par
isang Europeano", na maging walang-imik at masunuring mga kasapi ng lipunan, mga
tagagawa ng mga gawaing-bahay, tagapagpanatili ng sariling kagandahan, at para
maghanda sa buhay na may-asawa. Ang kumbento at ang pagiging guro na lamang ang
kanilang naging mga larangan sa labas ng bahay. Kung gayon, naging nakatuon lama
ng sa relihiyon o sa mga "ginayang mga kuwento" na hinango mula sa mga huwarang
Kastila ang kanilang panitikan, maliban na lamang sa iilang mga may lakas ng loo
b na mga kababaihang katulad ni Leona Florentino, isang makatang babae na umayaw
na mapatahimik noong panahon ng mga huling yugto ng ika-19 dantaon, kung kaya't
itinuturing siya ngayon bilang "tagapagtatag ng panitikang pangkababaihan" sa P
ilipinas.[1][2]
4. 2. Pag-aaklas laban sa Espanya
Noong mga huling kapanahunan ng ika-19 dantaon, nakiisa ang mga kababaihang Pili
pino sa pambansang pag-aaklas laban sa mga namamahalang mga Kastila, bagaman hin
di gaanong hayagan kung ihahambing sa kanilang mga katumbas na kalalakihan. Kabi
lang sa kanilang mga ginampanan at mga kontribusyon ang "makaimpluwensiya" sa mg
a katayuang panggawain ng "bumabangong republika" at ang makalakip ng patas na p
agkakataon sa pagtanggap ng edukasyon, na kinabibilangan ng pagkatuto ng wikang
Kastila. Isang nakapagbibigay-siglang kalipunan ng mga kababaihan na tinaguriang
"21 kababaihan mula sa Malolos, Bulacan", na nakipagdebate at tumulak palaban s
a pagtatanggal ng mga batas na hindi patas, partikular na ang karapatan na makap
ag-aral sa mga eskuwelahan. Isa pa si Leona Florentino (1849-1884), na pinangala
nang "ina ng panitikan ng mga kababaihang Pilipino" nang lumaon, at itinuring na
tulay mula sa "binibigkas patungong nasusulat na tradisyong pampanitikan". Isin
ilang sa Vigan, Ilocos Sur, isang makatang babae si Florentino na may dugong-Ilu
strado at sumulat sa wikang Ilokano at Espanyol. Kinilala ang kaniyang mga tula
sa Europa noong 1889 makaraan ang kaniyang hindi-inaasahang kamatayan.[1][2]

Musikang pansaliw mula sa mga pangkat Kristiyano


Dahil sa nakilala ng mga Pilipino ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga manana
kop mula sa Kanluran, ang mga musikang pansaliw mula sa pangkat na ito ay halos
katulad rin ng mga musikang pansaliw na matatagpuan sa Kanlurang Hati ng Globo.
Ang mga Musikang Pansaliw tulad ng Habanera, Jota, Pandango, Polka, Curacha, ay
mayroon ring mga katangian katulad ng kanilang mga kapangalan sa Europa at Ameri
ca.
Mayroon rin namang mga katutubong anyo katulad ng Balitao, Tinikling and Cariñosa.
At ayon sa pag-aaral ng Pambansang Alagad ng Sining na si Dr. Antonio Molina, a
ng Balitao, kilala sa mga rehiyon ng Katagalugan at Kabisayan ay gumagamit ng pa
lakumpasang 3/4 kung saan makikita ang kumpas na crotchet-quaver-quaver-crotchet
. Mayroon rin namang gumagamit ng crotchet-minim, samantalang mayroon pang ibang
ginagamitan naman ng tinuldikang quaver-semi-quaver-chrotchet-quaver-quaver.
Ang ganitong uri ng musika ay karaniwang ginagamit pampalipas ng oras, at tulad
ng mga katutubong awit mula sa Kanluran ay ginagamit sa mga pagtitipon.

Sa loob ng 300 taon ng pamumuno ng mga Kastila kasabay ang pagtuklas sa Pilipina
s noong 1521, naghalo ang relihiyon at sekularismo. May katangiang pan-relihiyon
na bunga ng musical indoctrination sa pangunguna ng grupo ng pari na Franciscan
s at Agustinians. Samantala, may katangiang sekular na impluwensiya ng musika ng
Europa.
Ang musika ay pinaniniwalaan na pinakaepektibong paraan upang makuha ang damdami
n at isipan ng tao sa pag-unawa ng maka-Kristiyanong paniniwala at kaugalian, ka
sama ang paniniwala sa labas ng simbahang Katolika.
Tugtugin at Kasangkapan
Tuwing Adbento, karaniwan ang pagkanta at pagpunta sa bahay-bahay. Pastores ang
tawag dito sa Bicol at daigon sa Bisayas. Panunuluyan, pananawagan, o pananapata
n ang tawag sa isang pagsasadula ng paglalakbay nina Maria at Hosep, kung saan a
ng usapan ay kinakanta. Kapag ginugunita ang Mahal na Araw, ang pabasa at senaku
lo na pagsasadula ng pasyon ni Kristo ang nakagawian. Tuwing buwan ng Mayo, ang
tema ng kantahan ay patungkol sa Birheng Maria. Ang okasyon ng sinulog sa Siquij
or ay may sayawang inaalala ang tagumpay ng mga Kristiyano laban sa Moors.
Sa katuruan ng taga-Kanluran, lumaganap ang impluwensiya ng musikang sekular sa
paaralan. Ang bunga ng pag-aaral na ito ang pagkahilig ng mga Pilipino sa musika
ng Europa. Ang Unibersidad ng Santo Tomas, Colegio de San Jose, at Ateneo de Ma
nila ang naging sentro ng pag-aaral sa musika.
Ang mga orkestra ng San Juan del Monte, Oriental, Marikina, at Molina sa Maynila
ang tumutugtog para sa zarzuela (dula na may kantahan at sayaw). Ang zarzuela a
y napakilala sa Pilipinas noong 1879 sa palabas na Jugar con fuego (Playing with
Fire) ni Dario Cespedes. Sa kabayanan mayroong dulaang komedya, at senakulo. Ip
inakilala ni Navarro de Peralta ang shadow play na tinatawag na karilyo.
Ang tugtugan ng banda sa Luneta ay nakahiligan. Naging kaugalian ang pagtugtog n
g banda tuwing sasapit ang piyesta na tutugtog ng tatlong araw at lilibot sa mga
kalye. Ang tugtugin ay sinamahan pa ng rondalla na binubuo ng mga instrumentong
piccolo bandurria, bandurria, laud, octavina, guitar, bandola, at bass.
Piano at harp ang karaniwang instrumentong gamit. Karaniwan na para sa kababaiha
n ang matuto nito. Noong 1902, naganap ang pinakaunang opera, ang Sandugong Pana
guinip (Dreamed Alliance) sa komposisyon nina Ladislao Bonus at Pedro Paterno.

Nauso ang Kundiman noong panahon ng mga Kastila kung kailan walang kalayaan ang
mga Pilipinong magpahag ng pagmamahal sa kanilang inang bayan.Ang ginamit na sim
bolo sa kundiman ay ang paglalarawan ng pag-ibig ng mga binata at dalaga sa bawa
't isa tulad ng matatagpuan sa mga awiting harana. Ginamit din sa paglikha ng t
ugtuging Kundiman ang mga estilong musikal at tema na taglay ng sinaunang mga Ku
mintang (warrior songs), mga Harana (courtship songs) at mga Balitaw (folk song
s). Ngayon, lahat ng mga sina-unang mga kantang pag-ibig o "love songs" ng mga
Pilipino ay tinatawag na ring "kundiman".

river_scene.jpg
Upang marinig ang isang kundiman mula sa bayan ng San Miguel, Bulacan noong 1858
, i-click ang "play button" ng "sound player". Ang pamagat nito ay CONDIMAN. Mas
aya ang "melody" o himig ng kundimang ito katulad ng melody ng mga Balitaw (folk
songs). Pero malalim ang lamang mensahe ng awitin at iyon ay ang pagbabalik sa
sinaunang mabuting kaugalian ng mga dalagang Filipina na sila'y dapat maging maa
yos at mahinhin di lamang sa pagkilos kundi rin sa kanilang pananamit. Ang Balit
aw ay mga kantang patungkol sa kapaligiran, sa mga kaugalian at sa simpleng buha
y ng mga tao sa lalawigan.
Ang ginagamit na simbolo sa kundiman ay naglalarawan ng pag-ibig ng mga binata a
t dalaga sa bawa't isa. Dahil dito, marami sa tinatawag na kundiman ay hindi tun
ay na kundiman kundi harana (love songs) at at balitaw na mga kantang tungkol sa
kalikasan at ang simpleng buhay ng mga tao sa lalawigan (probinsiya). Ngayon,
lahat ng mga sina-unang kanta ng Pilipino ay tinatawag nang "kundiman".

mga kapistahan.
=================================
* "Semana Santa" (Holy Week or Easter), in March or April.
* "Araw ng mga Kaluluwa" (All Souls' Day) and "Todos Los Santos" (All Saints' Da
y), October 31 to November 2. Celebrates "Dà a de los Muertos" (Day of the Dead), wher
e families spend much of the 3 days and 3 evenings visiting their ancestral grav
es, showing respect and honoring the departed relatives by feasting, decorating
and offering prayers.
* "Navidad" ("Pasko") (Christmas), December 25.
Musika:
Itinuro ng Kastila ang paggamit ng instrumentong pangmusika gaya ng byulin, plaw
ta, alpa,pyano at gitara. likas na mahilig sa musika, nakalikha ang mga Pilipino
ng mga instrumentong musikal buhat sa kawayan. bumuo sila ng banda ng musikong
bumbong na tumututog sa mga kasayahan. ang organong kawayan na tanyag sa daigdig
ay matatagpuan sa Simbahan ng Las Pinas, Metropolitan Manila. ito ay nilikha no
ong 1818 ni Padre Diego Cerra, isang paring kastila. ang Lupang Hinirang ni Juli
an Felipe at awiting Sampaguita ni Dolores Paterno ay impluwensyang Kastila.
Panitikan
Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga kaisipan at damdamin ng tao hinggil sa mga
bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayanng kalul
uwa sa Bathalang lumikha.
- Panganiban
Ang panitikan ay salamin ng lahi. Masisinag sa panitikan ang mga karanasan ng is
ang bansa, ang mga
kaugalian, paniniwala, mga tradisyon, pangarap at mga lunggatiin ng isang lahi.
- Bisa
Totoong ang buhay ng tao ay puno ng talinghaga. Nababalutan ito ng iba t ibang pan
gyayari na
madalas ay hindi inaasahan, gayon pa man, dahil sa likas na matalino ang tao, na
gawa niyang harapin ang at bigyan ng kulay at kahulugan. Kaya nga kahit masaklap
man o maganda ang magiging bunga ng mga karaasang ito, itinuturing na lamang ni
yang bahagi ito ng lumipas na magsisilbing aral sa kanyang pakikihamok sa buhay
sa kasalukuyan at sa darating na bukas. Upang lalong mabigyan ng kahulugan ang b
uhay ng tao na mapapanatili sa isipan at damdamin ang mga bakas na ito ng nakara
an. Ngunit hindi lamang dapat na manatili ang mga ito sa kanyang alaala. Pilit n
a nagpupumiglas ito upang ipahayag, pasalita man o pasulat sa isang pamamaraang
masining at may estilo. Bunga nito ay ang panitikan na nagsasalaysay ng buhay ,
pamumuhay lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba t ib
ang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at
pangamba.
DALAWANG ANYO ng PANITIKAN
May dalawang anyo ng papapahayag sa pampanitikan: ang patula at ang tuluyan.
A. Patula ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga maanyong
salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng pantig at pagtutugma ng mga sali
ta sa hulihan ng bawat taludtod sa mga saknong.
B. Tuluyan o Prosa- ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng malayang pagsasama-
sama ng mga salita sa pangungusap. Isinaalang-alang dito ang pagkamalikhain at e
stilo ng may-akda.
Mga Uri ng Panitikang Patula
Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng
mga piling salita na maaaring may sukat, tugma, talinghaga at kariktan at maaar
i rin namang wala.
May tatlong uri ng tula:
1. Tulang pasalaysay. Tulang may sukat at tugma. Ang layunin ay magsalaysay ng m
ga pangyayari sa buhay, pag-ibig at pakikipagsapalaran ng bayani o mga
tauhan sa paraang patula.
Ang mga epiko at awit at korido ( metrical romance) ay nasa uri ng tulang pasala
ysay. Ang epiko ay tulang pasalaysay na ang mga pangyayari ay tungkol sa pakikip
agsapalaran, kabayanihan, at katapangan ng bayaning tauhan na nagtataglay ng mga
di-kapani-paniwalalang kakay ahan ngunit nakapapag-iiwan ng aral at magandang h
alimbawa sa mambabasa. Ang awit at korido o metrical romance ay tulang pasalaysay
din na maaaring totoo at hindi sa totoong buhay.Ang mga pangyayari ay hinango s
a buhay ng mga reyna, hari, prinsepe at iba pang mga dugong mahal. Ang paksa ay
karaniwang paghihiganti,pagtatagisan ng talino at tapang , pananampalataya, pag-
ibig at pagtulong sa kapwa. Maaaring may mga pangyayaring di-kapani-paniwala.
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Arsenio Manuel, ang mga epiko ay mau
uri sa tatlo.
1. Microepic ang tawag niya sa mga epikong kumpleto sa kanyang sarili. Maikli
at natatapos basahin sa isang upuan lamang. Ang halimbawa nito ay ang Biag ni La
m-ang ng mga Ilokano.
2. Macroepic naman ang epikon kung ipinakikita lamang nito ay isang particular n
a bahagi, nag-iisang awit. Halimbawa nito ang Tuwaang ng mga Bagobo.
3. Mesoepic ang mga epikong may masalimuot na insidente tulad ng Labaw Donggonan
ng mga Bisaya.
Ang ibang palaaral ay inuuri sa dalawa ang epiko batay sa pananampalataya. Batay
an daw ng ganitong pag-uuri ang katotohanang may mahalagang tungkuling ginagampa
nan ang relihiyon sa panitikan ng bawat bansa. Sa mga epiko ay nababakas ang uri
ng rehiyon ng manunulat. Kung Kristyano ang sumulat, nababakas sa epiko ang pan
iniwalang Kristyano, maaaring sa mga pangalan ng tauhan o kaya ay sa mga pangyay
aring inilalarawan. Ang dalawang uring ito ng epiko ay:
1. Epiko ng mga Kristyano
Ang Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg ng mga Ilokano ay inuring epiko ng
Kristyano. Ayon sa mga ulat na nababasa, ito ay unang nasulat sa wikang Samtoy n
oong 1640 at sinasabing binubuo ng 1000 taludtod. Si Isabelo de los Reyes ang na
gsalin nito sa Kastila sa anyong tuluyan. Nalathala ito sa El Folkorico Filipino
noong 1890. Sinasabing ang pinakamahabang bersyon ng Lam-ang ay nalimbag sa Cal
asiao, Pangasinan. Ito ay may 1,200 taludtod.
Ang Labaw Donggon ng mga Bisaya ay kasama rin sa uring ito.
2. Epiko ng mga Di-Kristyano
Ang mga Ipugaw ay nabibilang sa pangkat ng mga di Kristyano. Dalawang epiko ng m
ga Ipugaw ang kilalang-kilala. Ang Hudhud at Alim.
Ang Hudhud ay pasalaysay ng buhay ni Aliguyon, Buhay ni Bugan, at iba pang mga b
ayaning tauhan ng mga Ipugaw. Ang epiko ay kinasasalaminan ng mga kabihasnan ng
mga Ipugaw . Kasama rin ditto ang tungkol sa pagkakalikha ng daigdig ayon sa pan
iniwala ng mga Ipugaw.Sinasabing hanggang sa kasalukuyan ay narinig na inaawit p
a ang ilang bahagi ng epikong ito sa mga lugar na maynakasasaulo pa ng mga bahag
i nito.Mahaba ang epikong ito sa kabuuan.Gugugol dawn g higit sa dalawang oras k
ung bibigkasin nang tuluy-tuloy ang Hudhud.
Si Dr. Beyer, isang iskolar ay nagsabi na ang Alim ng mga Ipugaw ang pinakamatan
dang epiko sa Pilipinas. Higit na makarelihiyon ito kaya ito ang inaawit sa mga
okasyong nauukol sa relihiyon tulad ng Uyauy, isang pagdiriwang na mayayaman lam
ang na Ipugaw angnakapagbibigay. Ang paksa ang Alim ay nakakatulad na Ipugaw ang
nakapagbibigay. Ang paksa ng Alim ay nakatutulad daw ng Ramayana ng India na na
uukol sa buhay ng mga bathala at kataka-takang pangyayari sa ipinalalagay na lan
git ng mga Ipugaw. Isa sa mga salaysaying napapaloob sa Alim ay ang tungkol sa P
undoldapan, ang diyos ng pag-aani ng mga Ipugaw.
Ang awit at korido ay mga tulang pasalaysay na paawit kung bigkasin. Ang tagpuan
ng mga pangyayari ay sa ibang bansa. Ang tema ay pinagsama-samang romansa, paki
kipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan.
Magkaiba ang awit at korido sa anyo at sukat. Ang awit ay may labindalawang pant
ig sa bawat taludtod samantalang ang korido ay may walong pantig lamang sa bawat
taludtod. Ang bayaning tauhan ng koridp ay nasasaniban ng kapangyarihang kababa
laghan samantalang ang bayaning tauhan sa awit ay walang kapangyarihang kababala
ghan kaya higit na makatotohanan kaysa korido. Ang awit ay binibigkas/ inaawit n
ang mabagal samantalang ang korido ay binibigkas / inaawit nang mabilis. Ang awi
t at korido ay tinatawag ding buhay. Nahahati ang mga awit at korido sa dalawang
pangkat.
1. Yaong mga hindi alam kung sino ang may-akda kaya tinatawag na mga salaysaying
bayan.
2. Yaong sinulat ng mga tiyak na makata na hinango sa mga salaysaying nadala dit
o ng mga dayuhan tulad ng mga sinulat nina Jose de la Cruz at iba pang makatang
kapanahon niya.
Maibibigay na halimbawa ng korido ang Ibong Adarna , Rodrigo de Villas, Historia
Famosa de Bernardo Garpio at ang Florante at Laura naman ni Balagtas ang halimbaw
a ng awit.
Naging popular ang awit at korido noong panahon ng Kastila dahil sa paghihigpit
ng sensura sa Pilipinas. Ginagamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyon
ang awit at korido sa pagbibigay ng aral.
Ang mga sumusunod ang nilalaman ng mga awit at korido:
1. Imbokasyon
2. Paghingi ng paumanhin
3. May isang matanda na siyang sumusubok ng katangian ng tauhan
4. May hinahanap ng lunas
5. May kababalaghan/ engkanto o milagrong nagaganap
2. Tulang liriko/ pandamdamin. Kilala rin ito sa tawag na tulang paawit. Ang taw
ag na liriko ay buhat sa salitang Griyego na ang kahulugan ay tulang
inaawit sa saliw ng lira. Ang mga tulang liriko ay pagpapahayag ng damdaming maa
aring sarili ng sumulat o kaya ay likha ng mayamang guniguni ng makata ngunit ba
tay o hango rin sa isang karanasan. Sa ilalim ng uring ito ay mababanggit na hal
imbawa ang mga:o pagpuri
a. Kantahin o awitin. Mga taludtod na may sukat at tugma na inilalaan para awiti
n.
b. Soneto. Tula itong may mga saknong na binubuo ng labing apat na taludtod.
c. Elihiya. Tula itong nagpapahayag ng panimdim at pagkalumbay sanhi ng pagkamat
ay ng isang minamahal sa buhay
d. Oda. Ito ay tula ng paghanga o pagpuri sa isang tao o bagay na nasusulat sa m
asining na pahayag
e. Dalit. Ito ay awit ng papuri sa Panginoon o Mahal na Birhen na bahagyang nagt
ataglay ng pilosopiya sa buhay
f. Pastoral. Tula itong naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid.
3. Tulang pandulaan/ pantanghalan. Ang mga tulang pandulaan ay ginagamit sa
pagtatanghal ng mga dula. Ang usapan ng mga
gumaganap sa dula ay parang patula.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga tulang pandulaan.
1. Karagatan. Tungkol sa alamat ng singsing ng isang dalaga na inihulog sa dagat
sa hangaring mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinahamon ng dalaga ang mga b
inata na lumiligaw sa kanya na sisirin at hanapin ang singsing at kung sinuman a
ng makakuha ay pakakasalan niya. Sa simula ay may tutula habang pinaiikot ang is
ang lumbo na may tandang puti at kung kaninuman matapat ang tandang puti kapag h
uminto sa pag-ikot ang lumbo, ay siyang makikipag-usap at sasagot sa mga patalin
ghagang tanong ng dalaga.
2. Tibag. Isa itong pagtatanghal tungkol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan ka
y Kristo na ginagampanan nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Namalasak ang
dulang ito noong panahon ng Kastila nang kasalukuyang pinalalaganap ang Kristya
nismo. Ang salitaan ay patula. Ginagawa ito nang paprusisyon sa pook na pagdarau
san. Gumagawa ng mga bunduk- bundukan ang mga namamahala ng dula. Ang mga bundok
na ito ay tinitibag nga mga nagpuprusisyon na nagmula sa simbahan. Tinitibag an
g bawat bundok na madaanan sapagkat pinaghahanap nila ang krus na pinagpakuan at
kinamatayan ni Kristo. Sa huling bundok na titibagin ay makukuha ang krus. Pagk
akuha sa krus ay babalik na muli sa simbahan ang prusisyon upang ilagak doon ang
relikyang ( krus) na nahukay sa
bundok.
3. Duplo. Isang uri ng laro na nagtatanghal ng madulang pagtatalo sa paraang pat
ula. Karaniwang nilalaro ang duplo sa mga lamayan kung may mamamatay. Sa bakuran
mismo ng namatayan ito ginagawa. Ginamit din ng mga Kastila sa pagpapalaganap n
g Kristyanismo. Ang mga manlalaro ng duplo ay isang hari, isang pangkat ng mga k
abinataan at isang pangkat ng mga kadalagahan. Ang mga dalaga ay tinatawag na bi
lyaka at ang mga kabinataan ay mga bilyako.Bago simulain ang laro, ang mga manla
laro ay nagdarasal ng Ama Namin.
Hawak ng Hari ang isang tsinelas o kotso na siyang gagamitin sa pagpaparusa sa m
ga kalahok na mapatutunayang nagkasala. Pagkatapos na magdasal ng Ama Namin, ang
Hari ay magsasabing may nawawala siyang isang ibon o kulasisi. Isang bilyako an
g magsasabi na ang kumuha ay isang bilyake. May magtatanggol sa bilyakang pinagb
ibintangan. Sa bahaging ito ay magsisimula ang patulang pagtatalo. Pag natalo an
g nagtanggol sa bilyake, ang bilyako ay papaluin sa palad ng kotse ng Hari. Ang
parusang pagpalo ng kotso sa palad ay tinatawag na plataryo.
Ang bahagi kung saan nagkakaroon ng mainitang pagtatalong patula ay tinatawag na
Sakdal at Parusa.
Ang karaniwang nilalaro sa ikasiyam ng gabi pagkatapos mailibing ang namatay. It
o ay ginagawang pang-alis ng pagkabagot o pagkainip ng mga taong nagdarasal at n
aglalamay. Kung noong una ang duplo ay sinisimulan sa pamamagitan ng pagdarasal,
nang lumaon ito ay naging madulang pagtatalo sa paraang patula na kinalugdan ng
mga manlalaro hanggang ang pagdarasal ay naging pangalawa na lamang at ginagawa
na lamang sa katapusan.
Ang mga manlalaro ng duplo ay tinatawag na duplero. Ang gumaganap na
Hari ay duplerong iginagalang nang higit at siyang inaakalang pinakamatalino sa
lahat ng mga duplero.
Ang tiyak na tauhan ng duplo ay ang mga sumusunod:
Hari ---- dumirinig sa mga sumbong
Reyna --- kasama ng Hari sa paglilitis
Duke o Konde --- mga tagapayo
Berdugo --- tagahatol
Bilyako --- kalalakihang kasali sa laro
Bilyaka --- kababaihang kasali sa laro
Embahador --- dayuhang duplero
4. Panunuluyan o Pananapatan. Isang uri ng prusisyong ginaganap kung bisperas ng
Pasko. Ipinakikita sa dula ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na B
irhen na magsisilang kay Hesus. Ang mga gumaganap ay ang Birheng Maria at si San
Jose. Ang usapan sa pagtatanghal aypaawit. Nagsisimula ang prusisyon sa simbaha
n at dadaan sa mga lugar na may mga bahay n napapalamutian. Sa mga bahay na ito
kakatok sina San Jose at ang Birheng Maria at makikiusap na sila ay patuluyin su
balit ang mga may-ari ng bahay ay magsisitanggi at magbibigay ng mga dahilan. Sa
pagkat wala silang matuluyan, ang Birhen Maria ay nagsilang sa isang kabalyarsa
o sabsaban.
5. Panubong. Isang dula ito na kung saan ay isang mahabang tula ang binibigkas n
ang paawit. Ginagawa ito bilang pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan. An
g salitang panubong ay kasing kahulugan ng salitang pamutong sa Tagalog na ang i
big sabihin ay lalagyan ng putong o koronang bulaklak ang dalagang may kaarawan.
Karaniwang ang gumagawa nito ay mga binata na kung tawagin ay manunubong. Ito a
y may tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang pag-awit ng mga binata sa tarangka
han pa lamang ng bahay ng dalagang may kaarawan. Sa ikalawang bahagi ay ipinagpa
patuloy ang pag-awit sa may hagdanan. Hindi sila tutuloy kung hindi sila patutul
uyin ng mga bahay. Ang ikatlong bahagi ay ang pag-awit na sa loob ng bahay. Pinu
puring dalagang may kaarawan na nakaupo sa isang silya sa gitna ng bahay na pinu
putungang koronang yari samga sariwang bulaklak. Habang pinuputungan, ang mga ma
nunubong ay umaawit samantalang sa harap ng dalaga ay may sumasayaw. Kasabay nit
o ang sabuyan ng mga bulaklak at mga barya.
6. Senakulo/Cenaculo. Dulang nagpapakita ng buong buhay ni Hesukristo. Ang usapa
n ng mga tauhan ay patula. Dalawa ang uri ng senakulo: Hablada kapag ang usapan
ay hindi paawit, sa halip ay tinutula. Cantada naman kung ang usapan ay paawit.
Higit na mahaba ang cantada kaysa hablada. Ang pagtatanghal ng cantada ay inaabo
t ng tatlong gabi samantalang ang hablada ay isang gabi lamang.
7. Sarswela. Isa itong dulang musical o isang melodramang may tatlong yugto na a
ng paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho, paghihiganti, pagkasuklam at iba pan
g uri ng damdamin. Ang inilalalarawan sa dula ay buhay Pilipino na siyang ikinai
iba nito sa Moro-moro. Ang kasuutang ginagamit ng mga nagsisiganap sa dula ay ka
suutang Pilipino.

You might also like