You are on page 1of 54

illegal logging nga ba ang tunay na dahilan ng malaking baha sa Isabela at Cagayan?

Ibig sabihin: SA MATA ng nasa kapangyarihan, ilegal na pagtotroso ang dahilan ng


malaking baha, kasalanang ipinupukol sa ordinaryong mga sibilyan na gumagamit ng chainsaw, nagbubuhat at naghihila ng mga tabla. Pinawawalang-sala ang mga korporadong pagtotroso, dahil legal daw ang mga ito. Tignan muna natin kung sinu-sino ang sumisira ng kagubatan bago sagutin ang tunay na dahilan ng malaking baha. Una rito, ang korporadong pagtotroso. Ito ang malalaking kompanya na may-ari, kumokontrol at gumagamit sa malalaki at modernong makinarya sa pagbagsak, pagkarga, at paglabas ng malalaking troso. Higit-higit ang nailalabas nitong kahoy kumpara sa sinasabing ilegal na pagtotroso. May lisensiya silang magtroso sa konsesyon ng daan-daang libong ektarya ng kagubatan. Kinakategorya ang mga ito na legal, kahit na lampas-lampas sa itakdang bilang ngboard feet ang kanilang kinukulimbat dahil may pahintulot na nakuha mula sa padulas na daang libo hanggang milyong piso sa DENR, militar at kay Mayor. Higit pa sa animnapung taon na pinapanot ng korporadong pagtotroso ang kagubatan ng Isabela at Cagayan, bagamat malaki na ang paghupa nito sa pagbabawal ng rebolusyonaryong kilusan. Mula nang ideklara ang batas militar, pinangunahan ng pamilya Dy ang pagtotroso sa Isabela; pati ang mga makinarya ng DPWH sa probinsiya ay nagagamit sa paggawa ng daan sa gubat. Hanggang ngayon, tumitira pa rin ang mga Dy, minus ang kagamitan ng DPWH. Pangalawa, kahit tapat si Gob. Padaca sa paglaban sa pagtotroso, ang mga meyor ang pumapaspas sa kani-kanilang saklaw na bundok, gamit ang permit sa Integrated Forest Management Agreement (IFMA) na maaaring kanila o nagbabayad ng royalty sa pulitikong may permit. Sa pamamagitan ng padulas na pera, hawak ni Mayor ang Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO), mga pulis at militar na may mga kampo sa bayan. Bawat kampo at tsekpoint ng 5th ID, sumusungkit ng P300 P500 bawat trak na dumadaan sa kanila papasok sa gubat. Iba pa ang bigay kay CO. Sumesegunda sa korporadong pagtotroso ang pag-aari, kontrol at gamit ni Mayor sa mga makinarya sa pagtotroso. Maraming pag-aaring trak at chainsaw, at may ilang buldoser si Mayor. Kumakabit kay Mayor ang mga taong may-ari ng isa o dalawang trak. Magbabayad lang sila kay Mayor na siyang may lisensiya. Nakakonsentra kay Mayor at sa mga furniture maker ang mga tabla na galing sa illegal loggers.

Ikatlo ang kinakategoryang ilegal, yaong mga ordinaryong sibilyan, gamit ang chainsaw sa pagbuwal at pagtatabla ng kahoy. Nahahati sila sa may-ari ng kagamitan sa produksiyon at yaong walang pag-aari kundi lakas.Karaniwan na mataas na gitna at mayamang magsasaka ang may-ari ng chainsaw; may inuupahan silang chainsaw operator at katulong. Ang walang kagamitan ay ang dating mga maralita at mababa gitnang magsasaka, at ang mga manggagawang bukid. Sila ang gumaganap na chainsaw operator at helper nito, at mga bogador, yaong nagbubuhat, naghihila, at naglalangoy ng mga tabla sa ilog. Kadalasan, nakautang na ang mga ito ng pagkain na babawiin sa gubat at ang iiwan para sa pamilya, bago pa sila umakyat sa bundok. Mura na nga ang bayad sa bawat board feet kapag illegal loggers ang nagbenta, lalo pang nababarat kapag naiutang na nila ang ibubuwal pa lamang na kahoy. Sila ang kumukuha ng yaman ng gubat.Marami nang nagpahinto sa pagtotroso, isa na ang simbahan ng Isabela; ang pinakamatagal at pursigido ay ang rebolusyonaryong kilusan. Pinahihinto nitong huli ang mga korporado at di-korporadong pagtotroso sa mga lugar na may kakayahan itong pahintuin. Sa mga taumbaryo, matagal na itong nagbibigay ng mga pag-aaral sa ugat ng kahirapan at sa pangangalaga ng kalikasan kasabay ng pagpapatupad ng rebolusyong agraryo ang pagpapababa ng upa sa lupa, kalabaw, makina, at interes sa usura, at pagpapataas ng presyo ng palay at mais. Para maengganyo ang mga maralitang taumbaryo na magbungkal ng lupa. Samantala, kontrapelo ang AFP; masipag silang magbuwag ng mga tunay na organisasyon ng magsasaka. Sa ganitong kalagayan, disbentahe ang paisa-isang magsasaka sa paglaban sa kahirapan. Ang malaganap at malalang kahirapan sa kanayunan ang nagtutulak sa maraming tao na humanap ng ikabubuhay sa gubat gayong napakamapanganib at mabigat ang gawaing magbagsak ng troso, magkarga sa balikat o ulo ng mga tabla, maglangoy nito sa mga diyablong ilog, maabutan ng bagyo at maubusan ng pagkain sa gubat. Doble pang mapanganib kapag nabangga sila ng mga Cafgu na nagsasagawa rin ng illegal logging. Pero kahit anong hirap at pagbabawal, patuloy pa rin silang magtotroso dahil wala silang ipapakain sa mga anak at sa sarili. Bakit ba isinumpa sa kahirapan ang kanayunan? Unang dahilan ang kawalan ng sariling lupa, ang malawakang pang-aagaw ng lupa ng magsasaka, at mataas na upa sa lupa. Sa silangan ng Cagayan Valley, kung saan naroon ang Sierra Madre, napagdadamutan ng gobyerno ang maraming magsasaka roon sa di pagkilala sa kanilang karapatan sa lupang magmula pa dekada 50 nabubungkal. Nang-aagaw ng lupa ang mga mapanlinlang na proyektong Integrated Social Forestry (ISF) at Community Based Forest Management (CBFM). Ayon sa mga nagsasabi itoy walang karapatan ang mga magsasaka sa lupang pinagyaman nila at maaari silang mapaalis doon ng gobyerno anumang oras.

Nang-aagaw rin ng lupa ang kontra-magsasakang Comprehensive Agrarian Reform Program (Carp). Malawak na lupain sa saklaw nito ang napo-foreclose, nakakansela ang mga Emancipation Patent (EP) at Certificate of Land Transfer Award (Cloa) tulad sa 31,000 ektarya ng Hacienda San Antonio Sta. Isabel, at 3,000 parsela sa Hacienda Dimzon at Hac. Zulueta. At marami pang ibang katulad na hindi kinaya ng magsasaka ang regular na amortisasyon sa Carp. Makakain nga lamang ng magsasaka ay problema na, amortisasyon pa kaya? Sa kaso ng Hac. Dimzon, nakatakdang mapalayas ang mga magsasaka nitong Nobyembre 23, 2008 gayong 1913 pa nagbabayad ng upa sa panginoong maylupa ang pamilyat ninuno nila bago ipinaloob sa Carp. Balak kasing gawing plantasyon para sabiofuel (ethanol) at tabako ang lupa. Sa Hacienda San Antonio Sta. Isabel, matapos magtanim para sa kastila (Compania Tabacalera) ng 100 taon, ipinailalaim sa CARP ang lupa at saka pa mapapatalsik ang mga magsasaka para maging lugar ng agribisnes ni Danding Cojuangco. Marami pang lupang naka-Carp, matagal nang nahuhulugan ng amortisasyon ang nagagawang maibalik sa panginoong maylupa sa pamamagitan ng butas sa land conversion, sa pakikipagkutsabahan ng Municipal Agrarian Officer (Maro). Naaagaw na ang lupa ng mga magsasaka sa Carp, pati pa ang mga naunang naihulog na pera sa amortisasyon lumipad na sa hangin. Isa pang nakakaagaw ng lupa ng mga magsasaka ang pagmimina. Sa kabuuang 2,683,758 ek. sa Cagayan Valley, umaabot ng 785,708.1 ek. ang aprobado na at nasa proseso na ang Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA), Mineral Production Sharing Agreement (MPSA), at Exploration Permits Maliliit pero maraming parsela ng lupa ang nakakamkam ng mga komersiyante-usurero sa mabigat na patakaran ng sangla (salda-patay ang isang tipo) at pag-singil sa utang ng magsasaka. Mabilis na nagiging panginoong may-lupa ang mga komersiyante-usurero habang nagiging kasam ang magsasaka. Marami ring kaso ng pang-aagaw ng lupa ang mga indibidwal na panginoong maylupa, mayamang magsasaka, mga maton sa baryo, mga dating militar at sindikato sa loob ng DAR. Kung naagaw at nawalan ng lupang bubungkalin ang dumaraming magsasaka, mataas na upa sa lupa naman ang problema ng may bubungkalin pa. Kasunduang 70-30 at 50-50 (0 30% at 50% ang makukuha ng may-ari ng lupa) ang umiiral na upa sa lugar na hindi pa inaabot ng rebolusyong agraryo. Sa kaso ng 70-30, binabalikat ng magsasaka ang lahat ng gastos at lahat ng pagod; ikatlo kaagad ang bawas sa inani bilang upa sa lupa.

Ikalawang dahilan ng malala at malawakang kahirapan ang maling patakaran ng sunud-sunod na rehimen - ang export-oriented, import-dependent na patakaran sa eko. Sa patakarang ito, ang nais bilhin ng mga imperyalistang bansa ang pinoprodyus natin habang binibili natin sa ibang bansa ang mga kailangan rito. Ito ang paliwanag kung bakit hindi pinapaunlad ang agrikultura. Ayon sa goberno, mas mura ang mag-angkat ng bigas kaysa paunlarin ang agrikultura ng bansa. Globalisasyong neoliberal ang patakaran para sa layunin ng imperyalistang intrusyon at pangingibabaw sa agrikultura sa Pilipinas. Iyan ang dahilan kung bakit pinilit mapalitan ang dating mabubuting binhi (wagwag, atbp.) na puwedeng ulit-uliting itanim, para palitan ng binhi ng Syngenta at Monsanto na uulituliting bilhin. Iyan ang nasa likod kung bakit ang mahal ng bigas ng Vietnam at Thailand ang inaaangkat ng NFA gayung bunabarat ang binibiling isang porsiyento ng palay sa Pilipinas. Iyan ang dahilan kung bakit pinabayaan ang irigasyon at korupsiyon ng NIA, ang patuloy na pagmaha na mga binhi, abono, pestisidyo, mulosidyo, traktora, atbp. Pawang naglulubog sa kumunoy ng utang sa mga magsasaka. P35,000 P40,000 na ngayon ang gastos sa produksiyon sa isang ektarya. Deka-dekadang tinitiis ng magsasaka ang 300% na interes sa pautang ng mga usurero, gayong palaging bagsak ang presyo ng palay at mais. Tatamaan pa ng bagyo ang pananim sa inutang mula pag-aararo. Wala namang maisuporta ang gobyerno maliban sa ilang pirasong noodles at isa hanggang dalawang kilo ng bigas. Uulitin muli nilang umutang at magtanim hanggang wala nang gustong magpautang. Ngayon, maraming magsasaka ang nakasuhan ng estafa, at hindi mabilang ang naging manggagawang bukid ang nawalan ng mapagtatrabahuan sa paglaganap ng gamit ng mga makinarya (handtraktor, traktor, baby thresher) kahit sa mga gitnang magsasaka. Nataboy sila sa bundok at naghangad na kumuha ng kapurit na parte sa yamang gubat na datiy mga korporadong nagtotroso lamang ang nagmomonopolyo. Hindi mapahinto maging ng AFP ang maramihang pagpasok sa gubat, nagtayo na lamang sila ng mga network ng mga Civilian Informer (CI) sa mga ilegal na nagtotroso. Grupu-grupo maging ang mga Cafgu sa pagtotroso. Lahat ito, nagkokotong sa militar. Mawawala ang ilegal na pagtotroso kapag nalutas ang kahirapan sa kanayunan. Ibig sabihin, malaganap na maipatupad ang agraryong rebolusyong at maitayo ang ekonomya ng bansa na nagsasarilim malaya sa imperyalistang pagsasamantala, laan sa pangangailangan at nagsisilbi sa mga mamamayan. Makasusulong ang pagpapanumbalik at pangangalaga sa kalikasan, masasawata ang korporadong pagtotroso kapag napunas ang burukrata-kapitalista ang bulok na pulitiko pati bulok na pagpapatakbo ng mga ahensiya ng gobyerno, tulad ng DENR, DAR, DA atbp; at mapalitan ng mga taong tunay na walang pagmamahal sa ating kailakasan kabilang na doon ang ating kagubatan.

Ano ang iligal na pagtotroso nga ba ang illegal na pagtotroso? Bakit kayanagkaroon ng ganitong hanap-buhay?
Iligal na pagtotroso ay ang aani, transportasyon, proseso, pagbili o pagbebenta ng troso sa paglabag sa pambansang batas.kahulugan din ito sa pag-aani ng kahoy mula sa protektadong mga lugar, pag-export threatened plant / tree species, at falsifying opisyal na dokumento. Mas mababa at halata ang gawa ng iligal na pagtotroso isama na rin ang pagbasag ng mga kasunduan sa lisensiya, buwis sa pag-iwas, corrupting o kurapsyon ng mga opisyal ng pamahalaan at nakakasagabal sa pag-access at karapatan sa gubat areas.

Bakit ang iligal na pagtotroso ay nagiging hanap buhay?


Ang isang Ilegal na Gawain sa Kagubatan na pumuputol ng puno,ito ay pang-aabuso sa ating Kagubatan,ito ay maaring maging hanap buhay.narito ang ilang kadahilana kung bakit pumuputol sila ng mga puno:

*Mataas na demand o pangangailangan para sa mga produkto ng troso. *Iligal na pagtotroso ay isang pinakinabangang aktibidad dahil diyan ay mataas ang demand para sa mga
produkto ng kahoy, mula sa sahig sa tissue. demand na ito originates mula sa European Union at mga bansa tulad ng Japan at ng US, at sa mga umuusbong na ekonomiya tulad ng China

*Mahinang tuntunin na batas. *Iligal na pagtotroso ay ang mga partikular na pag-aalala sa mga bansa kung saan ang mga batas ay
mahinang inilapat, o kahit na hindi sa lahat. Kung saan ang opisyal ng ilang mga insentibo na huminto sa iligal na pagtotroso, o maaaring kahit na benepisyo mula sa ito ang kanilang sarili, sila ay maaaring kumilos na may maliit na kaso na maaaring arestuhin ng mga taga DENR.

*Hindi maganda ang ipinatupad na tuntunin ng kalakalan. *Ang kalakalang pamtakaran ay hindi pa rin malakas upang patigilan ang iligal na pagtotroso, at mga kahoy
na produkto upang ilipat sa kabuuan ng hangganan. Ang pagkilala at paghinto ng ilegal na pagtroso o torso ay mahirap, maliban na lang kung ang isang kritikal na masa ng mga bansa na ipatupad ang mga katulad na mga pangangailangan.

Iligal na pagtotroso nagiging sanhi ng pagbaha


Ang iligal na pagtotroso ay umiiral dahil sa pagtaas ng demand o pangangailangan natin ng troso, papel at hinango ang mga produkto (kabilang ang packaging), isang lakad na kung saan ay malamang na magpatuloy sa hinaharap. Iligal na pagtotroso ay maaari ding mangyari kapag ang kagubatan ay nalilimas para sa plantations tulad ng langis ng palma. Pero hindi lahat ng kahoy o troso ay dito napapakinabangan sa atin dahil sa kalakalan. Sa katunayan, 40% ng kahoy kinuha mula sa kagubatan globally ay ginagamit para sa mga pangunahing pangangailangan

ng enerhiya tulad ng pagluluto at pagpainit. Sa tropiko rehiyon kahoy pagtanggal (madalas iligal) para sa gasolina ay maaaring maging mataas na bilang 80% 0.2 Iligal na pagtotroso ay isang malaking problema sa Congo Basin at ang Amazon. Ano ang mas kinikilala ay na ang problema din ay nangyayari sa mga bansa tulad ng Canada at kahit na sa Europa. Ng kontribusyon sa iligal na pagtotroso ay frighteningly madali - bilang madaling bilang tuntong sa isang kahoy na tindahan tingi produkto at pagbili ng isang upuan o sa isang table na ang pinagmulan ay hindi kilala. At kung saan ay potensyal na ginawa mula sa kahoy na iligal na pinutol at / o mga nai-export na. Sa pamamagitan ng pagtatanong para sa 'magandang kahoy' - kahoy na ay nakuha sa pamamagitan ng legal na gawi - ang mga mamimili ay maaaring pilitin presyon sa industriya ng troso sa magpatibay mas kapaligiran at lipunan friendly na gawi. Iligal na pagtotroso ay nangyayari sa lahat ng uri ng kagubatan, mula sa Brazil sa Canada, Cameroon sa Kenya, at mula sa Indonesia sa Russia, pagsira ng kalikasan at mga hayop, damaging mga komunidad at distorting kalakalan. sinaunang kagubatan Ang mundo ay sa krisis. Isang pagsuray 80 porsiyento ay may na nawasak o nagpapasama at marami ng kung ano ay nananatiling ay sa ilalim ng banta mula sa mga iligal at mapanirang pagtotroso. Maylupa Sakas Aonomo, ang kanyang asawa Tusue Sakas at anak na babae, Warume Sakas, paglakad sa pamamagitan ng Mag-log Camp 56, Wawai Guavi Block 3, Middle Fly, Western Province, PNG. Iligal na pagtotroso ay ang pagkakaroon ng isang nagwawasak epekto sa mga kagubatan sa mundo. Mga epekto nito kasama ang deforestation, ang pagkawala ng biodiversity at paglalagay ng gasolina klima. Ito ay lumilikha ng social conflict sa katutubo at mga lokal na populasyon at humantong sa karahasan, krimen at mga karapatang pantao mga pang-aabuso. Sinaunang kagubatan may nagbago sa paglipas ng libo ng taon sa natatanging at mahalaga sa buhay na yaman para sa mga milyon-milyong mga halaman at hayop species. Ang mga ito ay din tahanan sa milyon-milyong mga tao na umaasa sa kanila para sa kanilang kabuhayan at kaligtasan ng buhay. Ito ay tinatayang na ang ilang 1600000000 tao sa buong mundo depende sa kagubatan para sa kanilang kabuhayan at 60 milyong mga katutubong mamamayan, depende sa kagubatan para sa kanilang pag-iral. Tumutulong sa deforestation, nagiging sanhi ng pagkawala ng biodiversity at undermines ang mga tuntunin ng batas. Ang mga ilegal na gawain parupukin responsable gubat management, hinihikayat corruption at buwis pag-iwas at bawasan ang kita ng bansa producer, karagdagang paglilimita sa mga mapagkukunan bansa producer ay maaaring mamuhunan sa sustainable development. Iligal na pagtotroso ay may malubhang pang-ekonomiya at sosyal na implikasyon para sa mahihirap at disadvantaged. Bukod dito, ang mga iligal na kalakalan ng mga resources gubat undermines internasyonal na seguridad, at ay madalas na kaugnay sa katiwalian, pera laundering, inayos krimen, karapatang pantao mga pang-aabuso at, sa ilang kaso, ang marahas na tunggalian. Sa gugubat sektor, murang angkat ng mga iligal na troso at forest products, kasama ang di-pagsunod ng ilang mga ekonomiya ng mga manlalaro sa mga pangunahing

panlipunan at kapaligiran na pamantayan, destabilize internasyonal na merkado. Ito hindi patas na kumpetisyon ay nakakaapekto sa mga European kumpanya, lalo na ang mga maliliit at katamtaman ang laki ng mga kompanya na behaving pananagutan at handa na maglaro sa pamamagitan ng makatarungang mga patakaran. Iligal na pagtotroso ay ang ani, transportasyon, pagbili o pagbebenta ng troso sa paglabag sa batas. Ang aani procedure mismo ay maaaring iligal, kabilang ang paggamit ng corrupt na nangangahulugan na makakuha ng access sa mga kagubatan; bunutan ng walang pahintulot o mula sa isang protektadong lugar; ang pagputol ng protektado species; o ang bunutan ng mga troso ng lampas sa limitasyon ng sumang. Iligal maaaring ding mangyari sa panahon ng sasakyan, tulad ng iligal na proseso at i-export; mapanlinlang deklarasyon sa customs; at maiwasan ang mga buwis at iba pang singil. 73% ng troso ang produksyon sa Indonesia ay itinuturing na tangkay mula sa illegal logging ayon sa OECD 325% ng Exports troso Russia's nagmula sa iligal na pagtotroso ayon sa World Bank 4. Sa Gabon, 70% ng ani kahoy ay itinuturing na ilegal ayon sa World Bank 5. Tinatayang 10-15000000000 ay nawala sa pamamagitan ng iligal na pagtotroso globally bawat taon 6. Ang European Union ay nagiging sanhi ng halos 3000000000 ng pagkawala na ito dahil sa kanyang kalakalan sa mga bansa sa Amazon Basin, ang Baltic States, ang Congo Basin, silangan Africa, Indonesia at Russia 6.

Iligal na PagtotrosoKasaysayan at Turo mula sa Indonesia


(By Sato Yuichi) Binabalikan sa papel na ito ang kasaysayan ng iligal na pagtotroso sa Indonesia at ang mga turo na maaaring mahalaw mula sa karanasang ito. Mula 1999-2000, inilinaw ng ilang mahahalagang ulat ang kahulugan ng iligal na pagtotroso sa Indonesia at hinarap ang lawak ng epekto nito sa kalikasan, pangangalaga sa likas na kayamanan, lipunan, at ekonomya. Ang ulat at video ng EIA-TELAPAK, The Final Cut, at ang sumunod pa ritong ulat ay nagtulak sa isang kampanyang internasyunal laban sa iligal na pagtotroso sa Indonesia na nagkaroon ng mahalagang resulta, kabilang ang muling pagsasaayos ng pamahalaang Indones sa log export ban ng 2002 at ang pagpapabilang ng isang nanganganib na species ng punong tropikal sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora, Appendix III (2001). Sinikap naman ng ibang mga ulat na kwantipikahin ang suliranin bagamat ang datos ay mga tantya lamang. Ayon sa Scotland et al. 1999, tinataya ang dami ng trosong nakuha sa iligal na paraan sa 57 milyon kubiko metriko noong 1998, may dagdag na 16 milyon kubiko metriko mula sa naunang taon. Tinataya naman sa Walton 2000 ang tantos ng pagkakalbo ng kagubatan (maaaring umaabot sa 2.7 milyong ektarya bawat taon) at ipinapalagay ang paglaho ng mga kagubatan sa kapatagan ng Sulawesi, Sumatra at Kalimantan sa loob ng darating na sampung taon. Kabilang sa mga epektong panlipunan at pang-ekonomya ay ang malaking pagkakautang ng mga industriyang gumagamit ng kahoy, opportunity losses na katumbas ng isang taong piskal na pagkakautang panlabas (may USD 6.0 bilyon), at ang malamang na pagtaas ng disempleyo (direkta at di-direktang makakaapekto sa 20 milyong tao) kung sakaling kitilin ng pamahalaan ang iligal na pagtotroso, bagay na maaaring magresulta sa kaguluhang panlipunan. Kabilang sa mga aral na halaw mula sa karanasan ng may-akda sa Kagawaran ng Kagubatan (1998-2001) ay ang sumusunod: Naging mas laganap ang iligal na pagtotroso sa mabilis na transisyon tungo sa demokratisasyon at desentralisasyon, bagay na nagtataas ng mga katanungan hinggil sa kasalukuyang antas ng ligal na pagkakahanda, personnel resources, at komunikasyon sa pagitan ng sentral at lokal na pamahalaan. Hindi kakaiba ang mga suliranin

ng Indonesia kung kayat maaaring may matutunan din dito ang Tsina, Brazil, Rusya, at mga bansang Aprikano. Dagdag pa, ang iligal na pagtotroso ay hindi lamang nag-iisang problema kundi isang isyu kung saan maaaring makatulong ang konsolidasyon ng mga patakaran hinggil sa kagubatan at mga industriyang gumagamit ng kahoy. Bilang wakas, ang mga pananggalang ay mabilis na umunlad mula sa lokal na antas hanggang sa sentral at internasyunal na antas, kabilang ang pakikipagtulungan ng mga negosyante at ang epektibong paggamit ng kaalamang syentipiko sa pagbubuo ng mga patakaran. (Salin ni Sofia G. Guillermo)

Iligal na PagtotrosoKasaysayan at Turo mula sa Indonesia


(Sato Yuichi)
Binabalikan sa papel na ito ang kasaysayan ng iligal na pagtotroso sa Indonesia at ang mga turo na maaaring mahalaw mula sa karanasang ito. Mula 1999-2000, inilinaw ng ilang mahahalagang ulat ang kahulugan ng iligal na pagtotroso sa Indonesia at hinarap ang lawak ng epekto nito sa kalikasan, pangangalaga sa likas na kayamanan, lipunan, at ekonomya. Ang ulat at video ng EIA-TELAPAK, The Final Cut, at ang sumunod pa ritong ulat ay nagtulak sa isang kampanyang internasyunal laban sa iligal na pagtotroso sa Indonesia na nagkaroon ng mahalagang resulta, kabilang ang muling pagsasaayos ng pamahalaang Indones sa log export ban ng 2002 at ang pagpapabilang ng isang nanganganib na species ng punong tropikal sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora, Appendix III (2001). Sinikap naman ng ibang mga ulat na kwantipikahin ang suliranin bagamat ang datos ay mga tantya lamang. Ayon sa Scotland et al. 1999, tinataya ang dami ng trosong nakuha sa iligal na paraan sa 57 milyon kubiko metriko noong 1998, may dagdag na 16 milyon kubiko metriko mula sa naunang taon. Tinataya naman sa Walton 2000 ang tantos ng pagkakalbo ng kagubatan (maaaring umaabot sa 2.7 milyong ektarya bawat taon) at ipinapalagay ang paglaho ng mga kagubatan sa kapatagan ng Sulawesi, Sumatra at Kalimantan sa loob ng darating na sampung taon. Kabilang sa mga epektong panlipunan at pang-ekonomya ay ang malaking pagkakautang ng mga industriyang gumagamit ng kahoy, opportunity losses na katumbas ng isang taong piskal na pagkakautang panlabas (may USD 6.0 bilyon), at ang malamang na pagtaas ng disempleyo (direkta at di-direktang makakaapekto sa 20 milyong tao) kung sakaling kitilin ng pamahalaan ang iligal na pagtotroso, bagay na maaaring magresulta sa kaguluhang panlipunan. Kabilang sa mga aral na halaw mula sa karanasan ng may-akda sa Kagawaran ng Kagubatan (19982001) ay ang sumusunod: Naging mas laganap ang iligal na pagtotroso sa mabilis na transisyon tungo sa demokratisasyon at desentralisasyon, bagay na nagtataas ng mga katanungan hinggil sa kasalukuyang antas ng ligal na pagkakahanda, personnel resources, at komunikasyon sa pagitan ng sentral at lokal na pamahalaan. Hindi kakaiba ang mga suliranin ng Indonesia kung kayat maaaring may matutunan din dito ang Tsina, Brazil, Rusya, at mga bansang Aprikano. Dagdag pa, ang iligal na pagtotroso ay hindi lamang nag-iisang problema kundi isang isyu kung saan maaaring makatulong ang konsolidasyon ng mga patakaran hinggil sa kagubatan at mga industriyang gumagamit ng kahoy. Bilang wakas, ang mga pananggalang ay mabilis na umunlad mula sa lokal na antas hanggang sa sentral at internasyunal na antas, kabilang ang pakikipagtulungan ng mga negosyante at ang epektibong paggamit ng kaalamang syentipiko sa pagbubuo ng mga patakaran. (Salin ni Sofia G. Guillermo)

Iligal na pagtotroso isang pangunahing kadahilanan sa pagragasa baha ng Pilipinas


(MANILA (AFP) Disyembre 1, 2004) Dekada ng iligal na pagtotroso, di masyadong nagagamit ang mataas na dami ng ulan at heograpiya mayroon ang lahat nagbigay sa ang ganap na pagkasira ginawa sa pamamagitan ng bagyo na may lashed sa Pilipinas, ang pamahalaan at nangangalaga sa kapaligiran. Sa daan-daang patay o nawawala sa baha at landslide sa Quezon, Nueva Ecija at Aurora lalawigan, sisihin ay bumagsak sa illegal loggers na Nakuha hillsides hubad at naka malago berdeng kagubatan sa traps kamatayan. Heograpiya ay nilalaro sa kanyang bahagi masyadong. Ang Pilipinas ay arkipelago ng ilang 7000 isla pasaklang bagyo sa Timog asia at kadalasan ay ang unang bansa na magiging pagbangga sa pamamagitan ng bagyo mula sa Pacific Ocean. Infanta, isa sa mga mahirap na lugar,ito ay karaniwang unang daungan ng tawag para sa isang malakas na 19 na mga bagyo at tropikong bagyo na malakas sa Pilipinas bawat taon, sinabi ng punong pamahalaan sa panahon ng manghuhulang si Prisco Nilo. Sinabi niya sa pinakabagong bagyo ay ang 25 na mabaling sa Pilipinas sa taong ito, paggawa ng ito isang natatanging taon. Sa Gobyerno na hydrologist na si Richard Orendain sinabi nya na bagaman ang mga residente ng Infanta at Real na malapit sa General Nakar ay ginagamit sa mga bagyo, kung ano sila ay marahil bigo sa inaasahan ay ang mga kahihinatnan ng mga halaga ng patak ng ulan na nahulog sa mga rehiyon sa loob ng nakaraang linggo. Orendain sinabi sa AFP na sa isang 24-oras na panahon sa Linggo ng ilang 144 millimeters (4.3 likido ounces) ng ulan nahulog sa loob ng rehiyon. Ang buwanang average na para sa Nobyembre ay 611 millimeters. "Kahit na ito ay hindi isang malakas na bagyo, ang mga mapanirang epekto ay magnified sa pamamagitan ng halaga ng mga ulan nga nahulog sa ibabaw ng lugar," sabi niya. "Hindi talaga namin maaaring sabihin kung iligal na pagtotroso ay ang pangunahing sanhi, bagaman ito ay maaaring may contributed sa mga ito." Orendain sinabi sa lupa tubig na mineral ay "marahil naabot saturation point" pagpuna na ang lugar ay hard hit sa pamamagitan ng isa pang bagyo lamang ng isang linggo mas maaga. "Kaya ang tubig ay walang kung saan pumunta," sabi niya. Sa maraming sa pamahalaan bigay-sala iligal na pagtotroso para sa kasalukuyang kalamidad, si Presidente Gloria Arroyo iniutos ng isang buong bansa na crackdown. "Ilegal na pagtotroso ay dapat nang inilagay sa mga order ng pinaka seryosong krimen laban sa aming mga tao," Arroyo sinabi sa isang pahayag Miyerkules.

"Ang mga serye ng landslide at flashfloods na hit ang ilang bahagi ng bansa ay dapat na maglingkod bilang isang gumising na tawag para sa amin na sumali sa mga kamay sa pagpepreserba ng ating kapaligiran at tuntong up reforestation." Senador Richard Gordon ay tinatawag na para sa isang imbestigasyon sa mga kalamidad. "Para sa mga taon ang mga kagawaran ng kapaligiran at mga likas na kayamanan ay nabigo upang matapos na ang mga illegal loggers operating sa maraming bahagi ng bansa," sinabi reporters Martes. Vice President Noli de Castro sinabi ang bansa ay hindi pa rin natutunan ang mga aralin mula sa landslide at pagbaha sa 1991 sa isla ng Leyte na kaliwa libo-libong patay. "Ilegal na pag-log ay natagpuan na ang pangunahing kontribyutor sa na kalamidad," de Castro said. Forest ekonomista Lourdes Catindig, ng likas na yaman ng gobyerno at environment department, sinabi sa AFP sa timog Sierra Madre, na tumatakbo sa pamamagitan ng ang silangang bahagi ng pangunahing isla ng Luzon, pa rin ay may ilang mga gubat cover kaliwa. "Kami na inisyu ng isang pag-log moratoriyum sa lugar sa ang 1970s," kanyang sinabi. Sa huling dekada, ang Pilipinas ay nagdusa malubhang mula sa natural na kalamidad. Noong 1990, central Luzon ay hit sa pamamagitan ng parehong isang tagtuyot at isang bagyo lubog sa tubig na halos lahat ng Maynila. Pa rin ang mas damaging ay isang lindol sa 1990 na wasak ng isang malawak na lugar sa Luzon, kabilang ang Baguio at iba pang mga hilagang lugar. Ang arkipelago din straddles ang tinatawag na Pacific rim ng apoy at tahanan ang mga 200 mga bulkan ng 17 na kung saan ay aktibo pa rin. Sa Hunyo 1991, ang pangalawang pinakamalaking mala-bulkan pagsabog ng ika-20 siglo kinuha na lugar sa Mount Pinatubo, lamang ng 90 kilometro (55 milya) mula sa hilagang-kanluran ng Maynila. Hanggang sa 800 mga tao ang namatay at 100,000 na ginawa walang-bahay na mga sumusunod na ang pagsabog.

Ang Kilusang Masa Laban sa Logging sa Hilagang Silangang Luzon ng 1990s at Ang Delubyo ng 2004
>>>>>Hindi nagpabaya ang masa at ang kanilang kilusan na ilantad at labanan ang mga mapanirang

epekto ng logging na ngayon ay inaangkin ng mga nasa awtoridad na waring kanila. Kailanman hindi mananaig ang kasinungalingan laban sa katotothanan.

Matapos ang malagim na trahedya ng apat na magkakasunod na bagyo na lumikha ng delubyo sa Silangang Luzon nitong 2004, umarya na naman ang Ponsio Pilatong mga pulitiko, militar at lalo na ang President Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtuturu-turuan. Nagsisisihan sila responsibilidad sa naganap na hambalos sa may 13 milyong apektado ng baha at putik ng rumaragasang mga troso na pumuti ng libong buhay at nagwasak ng mga milyong halaga ng ari-arian. Ngunit higit na nakakasuka sa lahat ang posisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagpatuloy ang legal na logging at kunway patigilin ang illegal logging at magdiin sa reforestration o pagtatanim ng puno. Para bang walang nangyaring delubyo at sa kasabihan sa ingles; Business as Usual. Sa kabilang panig, may mga indibidwal at organisasyon lalo na ang mga nasa Kongreso, mass media, at mga organisasyong pribado( NGOs) na nagsasamantala rin sa kalagayan at pinalalabas na sila ang bida sa krusada laban sa pagkawasak ng kalikasan at sa pagtatanggol nito. Kayat kinakailangang bakasin at muling balikan ang kasaysayan para maipakita ang mga ugat ng delubyong naganap at kung sino ang responsible dito.

Ang Mga Dambuhalang Kompanya ng Logging


Ang isang mariing puna na naririnig ay laban sa NPA. Sinasabing ang NPA ang nasa bundok ngunit bakit hindi nila naipagtanggol ang kagubatan laban sa pangwawasak ng mga kompanya ng logging na ari ng mga dayuhan at mga lokal na warlords? Ngunit bakit hindi tinatanong, mula noong 1987 hanggang nitong 1995- may tatlong dibisyon ng military sa Cagayan Valleydalawang dibisyon ng armi ang 5th at 7th Division at ang halos laking dibisyong PNP, bakit hindi nila napatigil ang logging at ang pagkawasak ng kalikasan? Bakit ang NPA ang pinupuruhan gayong ang military at ang PNP ang dapat sanang pangunahing nagpapatupad ng batas? Mula pa noong 1980s ilang ulit naganap ang matitindi at madudugong enkwentro sa pagitan ng NPA at ng mga pwersa ng AFP na nagbabantay sa lugar na ito. Ang buong silangang bahagi ng Isabela at Aurora ay nagmistulang larangan ng digma sa panahong ito. Makikita ang saklaw at lawak ng logging sa pasya ng DENR sa pagbibigay nito ng 200 IFMAs sa buong bansa na may 19,523 ektarya. Pito dito ang nasa Aurora, apat sa Quezon at isa sa Nueva Ecija, na may lawak na 207,887 ha.Halimbawa sa 14 Timber Licencee Agreement(TLAs), ang tatlong malalaking kompanya ay ang Pacific Timber Export Corp. na pag-aari ng isang Fernando Lu sa Dinapigue, Isabela and Dilasag, Aurora; ang Verdant Agroforest Development Corp. ari daw ng isang Jimmy Ng ( sa Dipaculao, Aurora, atGeneral Nakar, Quezon), at ang Inter-Pacific Forest Resources Corp.dating United Timber Licenses Inc., (sa Dipaculao at General Nakar) na dating pag-aari ng pamilya ng yumaong Congressman Puzon . Nasa Aurora, ang Industries Development Corp. (pag-aaari ni Joselito Ong Jr.); Pacific Timber Export Corp (Fernando Lu); San Roque Sawmill Corp. (Ching Sen Ben); Benson Realty & Development Corp. (Ben Ching); Industries Development Corp. (Joselito Ong); RCC Timber Co. Inc. (Roberto Hallare), at ang Toplite Lumber (Johnny Chua).

Kung susuriin ang mga kompanyang ito ay hindi lamang sa Aurora nagpuputol ng kahoy kundi sa Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino at nilalabas nila sa may tabing dagat dahil mas mabilis maglabas doon ng troso kaysa idaan sa CAgayan Valley road. Malinaw na ang mga may TLA ay may IFMA rin. Kaya sino ang lolokohin ng DENR na bawal ang illegal na logging pero pwede ang legal na logging? Sa Quezon, ang may IFMA ay ang Guanzon Lime Development Corp. (ari ni Antonio Guanzon); Tecombro Agri Development Corp.; International Hardwood Veneer Corp. of the Philippines (Carolina Young), at Sta. Cecilia Sawmills. Ang nag-iisang IFMA holder sa Nueva Ecija is Orientville Development Corp. Batay ito sa report mismo ng DENR. Simple lamang ang kasagutankung nasaan ang logging, ang sawmill at ang illegal na Gawain, naroon ang military at pulisya

Pakikibakang Masa laban sa Mapanirang Logging.


Mula pa noong kalagitnaan ng 1970s dahil sa matinding pagtotroso sa Cagayan Vallley, lalo na sa pagkaktuklas ng bagong makinang portable- ang Chainsaw lumubha ang suliranin sa pagkawasak ng kalikasan. Nagsulputan ang mga malalaking sawmills sa Cagayan Valley para iproseso ang mga kahoy na napuputol sa kagubatan. Nabuo ang mga bagong baryo ng mga taong gustong magbukas ng kaingin sa mga lugar na nabuksan ng logging. Ito ang naging kaayusan ng pagdami ng populasyon sa Cagayan Valley lalo na nang diumanoy masugpo ng AFP ang NPA sa Silangang bahagi ng Isabela. Hindi lamang ang pagkakaingin ang naging hanap-buhay ng mga tao kundi na paggawa ng mga mwebles (furniture) at pagraratan (pagaani ng rattan) na ginagamit sa paggawa ng mga mbwebles atiba pang mga artikulong paexport. Marami ring tagabaryo ang nabigyan ng hanap-buhay bilang mga tagalinis ng kalsada ng logging(kaminero) at iba pang hanapbuhay sa sawmill at sa cutting area tulad ng pagluluto at pagtulong sa mga kagamitang panglogging tulad ng turck at bulldozers. Ngunit para sa mga masang nakatira sa bundok at patag, maging ang mga nagtratrabaho sa logging alam nila ang masamang epekto ng pagkawasak ng kalikasan. Naging tampok ito noong 1981 nang mawasak ang baryo Bintacan, Ilagan, Isabela at mahigit na ilang daang tao ang namatay ng gumuho ang logpan( ipunan ng troso) at sumagasa ito sa baryo tulad ng naganap sa Ormoc noong 1991 at nitong Nobyembre-Disyembre 2004 sa Quezon, Aurora at Nueva Ecija. Naging tampok ang paglaban ng masa sa mga masamang epekto ng logging sa Cagayan Valley noong 19901992. Unang naitayo sa Cagayan ang Cagayan Anti Logging Movement (CALM), sumunod ang Save the Sierra Madre Mountain( SSMM) at ang Lubong Salakniban Movement(LSM) sa Nueva Vizcaya-Quirino-Aurora mula noong 19901995. Sinuportahan na ng Pesante-USA ang mga kilusan ito mula nang maitayo ang mga kilusang pangkalikasan na ito mula 1993.

Instrumental ang mga samahang relihiyoso sa pagsuporta sa mga kilusang ito.Umani rin ng suporta ang mga grupong nabuo mula sa mga progresibong myembro ng media. Ngunit ang mga kilusang ito ay ginipit at pilit winasak ng militar. Halimbawa ang CALM sa isang bayan ng Apayao ay napagbaligtad ng dating Col. Rodolfo Aguinaldo at pinaaming sila ay prente ng NPA at ginipit ang mga paring tumulong mag-organisa sa kanila. Naging matagumpay lamang ang kilusang ito sa paglalantad sa mga malalaking tao na may interes sa logging at sa epekto ng logging. Ngunit hindi na naging patuloy ang pakikibaka ng mga organisasyong ito dahil sa pagtugaygay at pangigipit ng military at ng mga maykapangyarihan. Ang ilan sa mga paring Katoliko, mga journalist na namuno sa mga organisasyong ito ay kinakailangang umalis para maiwasan ang pagtatangka sa kanilang buhay. Ang ilan nga sa kanila ay napilitang mangibang bansa.

NPA utak daw sa illegal logging


>>>>>>>> [Philippine Pres. Arroyo accuses local Communist rebel groups of illegal logging practices that brought adverse effects including the deaths of more than 500 people due to strong typhoons. Government agencies conduct emergency and rescue operations.]<<<<<<<<< Sinisi ni Pangulong Arroyo ang mga rebeldeng New People's Army (NPA) sa malubhang naging epekto ng serye ng bagyong nanalanta sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa illegal logging. Ayon sa Pangulo, ang mga rebeldeng NPA ay hindi dapat na pabayaang makapangwasak ng mga kagubatan ng bansa para makalikom ng pondo sa pagsusulong ng inilalaban nilang ideyolohiya para sirain ang demokrasya sa bansa. Itinuro kahapon ng AFP na ang NPA ang utak sa talamak na illegal logging sa Quezon at Aurora na nagdulot ng delubyo ng landslide sa pananalasa ng bagyong Violeta at Winie na kumitil ng buhay ng daandaang katao. Ayon kay AFP-Southern Luzon Command Major Gen. Pedro Cabuay, ayon sa kanilang mga informer ay ang grupo ng Melito Glor Command ni NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal ay siyang walang habas na kumakalbo sa kagubatan sa naturang mga lalawigan. Sa lakas ng hagupit ni Winnie ay umaabot sa mahigit 500 katao ang namatay at nawawala partikular na sa Quezon na grabeng sinalanta ng magkahalong landslide at flashfloods. Base sa report na nakalap ng militar, maliban sa ilegal na droga ay pinasok na rin ng mga rebelde ang operasyon ng illegal logging sa gitna na rin ng kahirapan sa pangingikil ng mga ito ng buwis sa mga mayayamang negosyante. Bunsod nito ay itinatag ni Pangulong Arroyo ang Task Force on Anti-Illegal Logging na pamumunuan ni ret. Lt. Gen. Alfonso Dagudag, dating pinuno ng AFP-SOLCOM at si AFP master spy ret. Brig. Gen. Victor

Corpus naman ang magsisilbing Principal Executive Special Operations ng nasabing task force. Sa panig naman ni Ka Roger, sinabi nito na walang dapat sisihin sa talamak na illegal logging na nagdulot ng flashflood at landslide sa silangang bahagi ng Luzon kundi ang gobyerno mismo. Inihayag pa ni Rosal na legal man o illegal ay talagang nangyayari ang illegal logging dahil pinahihintulutan ito ng DENR, mga pulis, AFP at mga lokal na yunit ng pamahalaan. Sinabi naman ni Surigao del Norte Rep. Robert "Ace" Barbers na imposibleng walang alam ang grupo ni Ka Roger sa operasyon ng illegal loggers dahil sa kabundukan nakatira ang mga ito. Kahit pa sabihin anyang nakikipagsabwatan ang mga tiwaling opisyal ng DENR at pulisya sa mga illegal loggers, imposible naman aniyang hindi alam ng NPA ang pamumutol ng punongkahoy. Hindi aniya madadala ng mga illegal loggers sa kabundukan ang kanilang mga heavy equipment at trucks kung wala itong pahintulot mula sa makakaliwang grupo. Samantala, Yoyong malakas ang dating. Taglay ni Yoyong ang pinakamalakas na hanging 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 220 kilometro bawat oras. Alas-10 ng umaga noong Huwebes sa PIlipinas ay namataan ng PAGASA ang mata ng bagyo sa layong 70 kilometro ng north ng Virac, Catanduanes. Kaugnay nito, itinaas ng PAGASA sa signal number 4 sa Catanduanes, Camarines Norte, Northern Quezon kasama na ang Polillo Islands, Aurora, Quirino at Isabela.

Estado ng Kalikasan sa Ngayon


Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran. Monday, December 05, 2005

Maisasalba pa ba?
Masasabi ba natin na nasa magandang kondisyon pa rin ang ating kaikasan ngayon? Kung ating titingnan ang bawat anggulo makikita natin na ang kalikasan ay patuloy na sinasamantala ng mga tao. Nasabi ko yun dahil iyon ang aking nasaksihan. Karamihan sa mga tao ay patuloy pa rin ang pagpuputol ng mga puno sa kabila ng LOG BAN na pinapatupad sa buong bansa sa kadahilanan upang maiwasan ang nangyari sa Real, Infanta at ibang parte ng Quezon. Hindi lingid sa atin na nagkaroon ng baha,landslide at malakas na pag ulan ang sanhi noon, na nagdulot ng pagbubuwis ng buhay ng maraming tao. Dahil sa pagtotroso ng walang humpay nakalbo ang kagubatan doon. Imbis na gawing halimbawa ang nangyari tila hindi natinag ang iba na patuloy pa rin sa paglalapastangan sa

inang kalikasan. Kung hindi sila titigil malamang na mangyari sa ibang lugar ang nangyari sa Quezon. Kapag tuluyang nasira ang kalikasan tayong mga tao ang magdurusa at malamang magkaroon ng delubyo. sana lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at hindi matatakasan... tumulong tayo sa pagpepreserba ng kalikasan para maiwasan ang anumang kapahamakan sa darating na panahon.

Maisasalba pa ba?
Masasabi ba natin na nasa magandang kondisyon pa rin ang ating kaikasan ngayon? Kung ating titingnan ang bawat anggulo makikita natin na ang kalikasan ay patuloy na sinasamantala ng mga tao. Nasabi ko yun dahil iyon ang aking nasaksihan. Karamihan sa mga tao ay patuloy pa rin ang pagpuputol ng mga puno sa kabila ng LOG BAN na pinapatupad sa buong bansa sa kadahilanan upang maiwasan ang nangyari sa Real, Infanta at ibang parte ng Quezon. Hindi lingid sa atin na nagkaroon ng baha,landslide at malakas na pag ulan ang sanhi noon, na nagdulot ng pagbubuwis ng buhay ng maraming tao. Dahil sa pagtotroso ng walang humpay nakalbo ang kagubatan doon. Imbis na gawing halimbawa ang nangyari tila hindi natinag ang iba na patuloy pa rin sa paglalapastangan sa inang kalikasan. Kung hindi sila titigil malamang na mangyari sa ibang lugar ang nangyari sa Quezon. Kapag tuluyang nasira ang kalikasan tayong mga tao ang magdurusa at malamang magkaroon ng delubyo. sana lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at hindi matatakasan... tumulong tayo sa pagpepreserba ng kalikasan para maiwasan ang anumang kapahamakan sa darating na panahon.

(Wednesday, November 16, 2005)

Maling Pangangalaga
Ano ba ang kalikasan?At ano ang halaga nito sa atin? Ang kalikasan ay isang biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Dito tayo kumukuha ng ating mga pinagkukunang yaman, tulad ng pagkain, tubig, at mga kagamitan para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Lahat ng mga kailangan natin ay sa ating kalikasan nangagaling. Tumutulong din ito para mapanatiling sariwa ang ating hangin. Nagsisilibi rin itong tirahan sa mga ligaw na hayop at halaman. Halos kalahati sa ating mga pangangailangan o kagamitan sa ngayon ay galing sa kalikasan. Ngunit, masakit isipin na ang kalikasan na ating pinahahalagahan ay unti-unti nang nawawala. Ang tanong, nasaan? Ito ay unti-unting nagbabago. Tayo, tayo ang nagpapabago sa takbo ng ating kalikasan ngayon.

Ang problemang ito ay hindi lamang nakakasama sa atin, kundi pati na yung ibang mga nilalang na may buhay. Ang sanhi ng pagkasira sa ating kalikasan ay halos laganap na sa buong mundo. Kailan pa tayo kikilos? Kung huli na ang lahat? Paano na ang susunod na henerasyon? Naniniwala ako sa kasabihan na isinusulat ng isang kauna-unahang syentipiko at manunulat,na si Rachel Carson," no organism in biological history has survived for long if its environment became in some way unfit for it. But no organism before man has deliberately polluted its environment."

(Saturday, October 08, 2005)

Baha isang uri ng kalamidad


Baha..
Ay isa sa pinaka mapanirang sakuna na dapat paghandaan ng tao. Kahit na ang pinakamahinang baha ay nagdudulot ng mga kaabalahan. Maaring magimg sanhi ng libong pisong sira sa mga kalsada at tulay, mga gusali at ibamg pang-ekonomiyang gawain, pagkawala ng mga pang-agrikulturang pananim at mga alagang hayop. Pagkawala ng buhay ng tao na tuwirang sanhi ng mga baha gaya din ang kahirapan at kaugnay na panlipunang pangkabuhayan na ng problema ng trabaho at ang bigat ng damdamin sa mga naapektohan. Isa sa mga sanhi nito ay ang pagputol ng mga puno sa kagubatan (illegal logging). Ang likas na sanhi ay ang kababalaghan tungkol sa tubig. Ang pagdating nito ay karaniwang bunga ng mga pangyayari na may kinalaman sa atmosphera.

(Sunday, September 25, 2005)


Marami ng mga pagbabago sa ating kapaligiran, unti-unti na na kakalbo ang ating mga kagubatan. Marami ng basura na nakakalat kahit saan. Sadyang nakakapanlumong tignan. Walang pakialam ang ibang tao kahit saan na lang tinatapon ang kanilang mga basura imbis na atapon sa tamang lugar. Wala rin pakundangan ang pagputol ng mga punong-kahoy sa kaguban. Dapat sana ay palitan kung ano man ang pinutol na puno nila. Maaari pa naman nating mainsalba ito sa pamamagitan ng pagdisiplina sa ating mga sarili. Dapat nating isipin na tayo rin ang mahihirapan sa bandang huli dahil sa walang pakundangan na pagsira sa ating kalikasan.

(Saturday, September 24, 2005)

Masdan Mo Ang Kapaligiran?


Ang kalikasan ay isa sa biyayang handog ng Diyos na dapat nating ingatan, alagaan at pagyamanin tungo sa ating kaunlaran. Bawat biyaya ng Diyos ay dapat may katapat na

pagmamahal lalong lalo na ang ating kalikasan na syang nagbigay sa atin ng kabuhayan at tumutulong sa oras ng kagipitan.Ang kalikasan ay para sa lahat kaya nangangailangan ito ng respeto upang mapakinabangan mo nang husto.Subalit ito ay unti- unti ng nasisira dahil sa atig kakitidan ng utak at pagkaganid sa mga materyal na bagay. Kaya habang may panahon pa alagaan natin ito at pagyamanin!!!

Ang Ating Kalikasan ngayon


Masasabi nating dumedepende ang tao sa kalikasan.nang dahil sa kahirapan ang iba sa atin ay inaabuso ito.hindi sana ito masama kung ginagamit lamang natin ang ating likas na yaman sa ikabubuti ng lahat. Masagana nga tayo sa likas na yaman ngunit mahirap naman tayo pagdating sa kabuhayan ng ating mga mamamayan. Sana gamitin ng mahusay at may katuturan ang isang bagay at dapat ding isipin natin kung ano ang epekto nito sa ating mamamayan at sa ating bansa.

(Friday, September 23, 2005)

Estado ng Kalikasan sa Ngayon


Maraming henerasyon na ang nagdaan at habang tumatagal ay nagbabago ang estado ng ating kalikasan.Kung noon ay nakakalanghap tayo ng sariwang hangin ngayon ay maruming usok na nanggagaling sa mga pabrika at tambutso ng mga sasakyan ang ating malalanghap.Nauubos na rin ang mga punongkahoy sa mga kagubatan dahil sa patuloy na ilegal na pagputol nito.Ang mga basura naman ay kung saan-saan na lang tinatapon na nagiging sanhi ng pagdumi na mga ilog at karagatan at pagbara ng mga kanal na nagiging sanhi naman ng pagbaha.Lubhang nakakalungkot ang pagbabagong nangyayari sa ating kalikasan na tayo naman ang may kagagawan.Ngunit hindi pa huli ang lahat.May panahon pa para matigil ang patuloy na pagkasira na ating kalikasan.Kaya hanggat hindi pa huli ang lahat simulan na natin ang pagligtas sa ating kalikasan na magandang biyaya sa atin ng Poong Maykapal.

KALIKASAN: Sabay nating ayusin!!


KALIKASAN??Ano ba ito para sa inyo??Ito ba ay isang bagay LAMANG na dapat paglaruan,sirain at abusuhin??o isang biyaya ng maykapal na dapat nating ingatan at pangalagaan?? Kamusta na pala ang atingkalisan sa atingpanahon ngayon??Ito ba'y maayos pa at maganda gaya ng dati noong ito ay ginawa ng ating maykapal?? Sa ating panahon ngayon,mahirap sagutin ang mga sagot na iyan dahil alam na alam natin na ang ating kalikasan ay sirang-sira na dahil sa mga maling gawain ng mga tao. San ba tayo kumukuha ng ating mga pagkain??di ba sa ating mahal na kalikasan? Paano na kung bigla nalang itong kunin?may magagawa ba tayo? Dapat na tayong magbago,huwag nating hayaan at hintayin na itoy labis na masira hanggang

sa ito'y mawala. May panahon pa tayo. Huwag nating sayang iyon. Sabay natin itong ayusin at simulan sa atingmga sarili.

Kalikasan
Napapansin nyo ba ang nangyayari sa ating kalikasan ngayon?Hindi bat hindi na kaayaayang tingnan ito?Ang dating kaakit-akit na kalikasan ay unti-unting nawawala at unti-unting nasisira ang ganda nito.Tayong mga tao ang nakikinabang dito ngunit tayo rin ang umaabuso nito kung kaya dapat tayong mga tao din ang maghahanap ng solusyon sa problemang ito.Ngayon palang dapat ay mag-isip na tayo ng paraankung paano ito mabibigyan ng kasagutan.Dahil sinira natin ang kalikasan dahil sa ating kapabayaan.Ang karagatan na sagans sa yamang dagat ay tuluyang nasira dahil sa walang tigil na paggamit ng dinamita.Ang kabundukan na nooy puno ng mga punong kahoy ay nagiging kalbo na.Ang mga hayop na nakatira sa kagubatan ay paunting paunti gayon din ang kanilang mga tirahan.Maruming hangin at mga nakakalat na basura ang makikita sa ating paligid.Tapon dito,tapon don.Wag nating hayaang mawala ang ganda nito ng dahil sa kapabayaan nating lahat.Magsimula tayong disiplinahin ang ating sarili at gawin ang dapat gawin,bilang mga taong gumagamit nito responsibilidad nating alagaan at ingatan ang ating kalikasan.Sama-sama at tulung-tulong nating ipaalam sa lahat ang kahalagan at ang pusibling mangyari kung masisira ito.Maraming paraan upang masolusyonan ito,gaya ng paggawa ng mga organisasyon, pagrerecycle ng mga basura at marami pang iba.Makakatulong din tayong mga estudyante bilang isang magandang halimbawa sa susunod na henerasyon.Makaktulong ang lahat mg ito para makaiwas sa tuloyang pagkasira ng kalikasan.Bigay sa atin ito kayat ingatan,alagaan at huwag pabayaan. May panahon pa upang maibalik ang dating ganda ng ating kalikasan,hinda pa huli ang lahat...............MAGBAGO NA TAYO....

Makialam Ka
Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran Ka dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin. Isang parte sa kantang kapaligiran na nagsasabing makialam ka. Bakit? Dahil sa totoo lang ang kapaligiran natin ngayon ay talagang sirang-sira na at sa katunayan ang magagandang tanawin noon ay basura na ngayon. Hindi mo man LAMANG NAISIP na isa ka sa sumisira sa ating kalikasan at dahilan ng pagkapangit ng ating kalikasan. Kaya nararapat lamang na tumulong ka. Sa anong paraan alam na alam mo kung paano. Tanungin mo kaya ang sarili mo. Ano kaya ang dapat? Gumising kana kaaaaibigan!!! Sobra na ang tulog mo.

"Kaapligiran"

Ang estado ng kalikasan natin ngayon ay masyadong masama o pangit sa kadahilanan sa sobrang dami ng nagtatapon ng basura sa kung saan-saan pati ang aing hangin ay nadadamay. Isa rin sa sumisira sa ating kalikasan ay ang mga usok na nagmumula sa tambotso ng mga sasakyan pati ang maling pagsusunog ng mga tao sa kanilang basura.....Kaugnay nito ang ating mga ilog at karagatan ay sumasama narin sa kadahilanang maling pagtatapon ng basura ng mga tao. Kaya kung nais nating maibalik ang dating ganda ng kalikasan simulan natin sa ating tahanan.
=

kalikasan
Kumukuha tayo ng pangunahing pangangailangan sa kalikasan, kaya nararapat natin itong pangalagaan, mahaln, atpahalagahan. Alam nyo ba kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kalamidad sa ating bayan? ito ay dahil sa ating pag-aabuso sa ating kalikasan,sa pamamagitan ng pag tapon ng basura kahit saan-saan, at pag susunog ng mga ito na nakadagdag sa polusyon na lalong nakasira sa ating kalikasan. Kaya tayo'y gumising na at mag isip ng mabuti kung ano pa ang ating magagawa para maisalba ang ating kalikasan at di ito tuloyang mawala kaya mahalin natin at alagaan ito.

Ang ating kalikasan.


Sapanahon noon ang ating kalikasan ay mayaman ito sa minirals ngunit sa panahon ngayun unti-unti na itung nawawala ng dahil sa kahirapan maipag palagay banatin naang kahirapan ang siyang nag dudulot ng unti unting pag sisira sating likas nayaman,Hindi sa pag kat ang kahirapan ay wala itung kinalaman sa ating kalikasan na dulot ng pag kasira sating likas na yaman.At sa madaling salita hindi nakakasira sa ting likas na yaman ang kahirapan sa mga isyo nahinaharap natin ngayon kung ang pag kakataun ay gagamitin lang ito sa tamang paraan.

Estado ng Kalikasan sa Ngayon


KALIKASAN; Ito ang pinakamagandang handog ng panginoon na nilikha niya upang pangalagaan nag mga tao.Tunay ngang noong unang panahon, binigyan niya tayo ng sariwang hangin, malinis na tubig na maiinom at ilog na malalanguyan.Kasabay din nito ang mga punong kahoy na may mga bunga at iba't ibang mga bulakalak na magaganda. Tunay ngang napabantog ang Pilipinas dahil dito.Nariyan din ang mga magagandang tanawin na syang dahilan kung bakit dinadayo ito ng mga turista. Pero habang lumilipas ang panahon,unti-unting naglaho ang mga yaman ng bansa natin. Bakit?Mga TAO ang dahilan!!!Tayo na syang binigyan ng karapatan na pangalagaan at angkinin ito.Subalit sa halip na pangalagaan,pinabayaan natin at inaabuso. Tayo din mismo ang dahilan kung kayat nakakaranas na tayo ng ibat ibang kalamidad, at ang malubha pa nito,buhay mismo ng mga kapwa natin ang naging kapalit!Papayag pa ba tayo na marami pa ang buhay na mawawala??... Hindi pa huli ang lahat!May pagkakataon pa. At malaki pa ang magagawa ng bawat isa sa

atin.Sumali tayo sa mga programang may layunin tungkol sa ikakaganda ng kalikasan natin.Magkaisa lang tayong mga PILIPINO na ibangon ang Pilipinas at ibalik ang nasira at nasayang na kalikasan. Sabay natin itong iligtas at sabay din nating imulat ang ating mga mata na ang kalikasan ay kakambal ng buhay natin!!!

Ang Kalikasan Natin Ngayon


Masasabi natin na dumedepende ang tao sa kung ano ang maibibigay ng kalikasan sa kanya. Hindi mabubuhay ang tao kung walang likas na yaman sa kanyang paligid.Subalit sa paahon natin ngayon,masasabi ba natin na pinapahalagahan pa natin ang ating mga likas na yaman.Ng dahil sa kahirapan unti- unti nating inilulubog ang ekwelebriyo ng ating kapaligiran.Karamihan sa atin ay ginagamit ito para sa mga pansariling interes.Hindi sana masama ang paggamit ng ating likas na yaman kung itoy gagamitin lamang sa ikakabuti ng lahat.

(Thursday, September 22, 2005)

"KALIKASAN"
Kumusta na ba? Ikaw kalikasan buhay pa ba? Asan ko makikita iyong kagandahan? Meron pa bang nakalaan sa susunod pa? Mga usok at mga pabrika sa iyo'y nagsira. Sa paanong paraan ika'y aking matulungan at maibalik sa iyong dating kagandahan? Sa ngayon iyong makikita at maririnig ang ibat-ibang klase ng panawagan sa pagtulong sa pagbalik sa nasirang kalikasan. Minsan ay naitanong ko kung "bakit kaya sa konting pag-ulan ay isang malaking baha ang kinabukasan ay ibinababalita?" simple lang ang sagot nila dahil wala nang mga puno! Ngunit bakit ba kayhirap malutas ito? Sapagkat ito'y kagagawan ng walang pakundangang pagputol ng mga tao at di pagpalit dito. Gumising ka! Magkaisa tayo! Muli nating ibalik ang tunay na kahulugan ng "K-A-L-I-K-A-S-A-N" nang may maipagmayabang ka pang ganda dito.

Pagyamanin ang Kalikasan


Ang mundo ay hindi lamang pag-aari ng henerasyon ngayon pero pati na rin sa darating na henerasyon, kaya nararapat lamang na ipasa natin ito sa kanila nang maayos at mabuti pa ang kondisyon. Naririnig mo ba ang mensahe ng kalikasan? may mundo pa kaya silang matitirhan? May sariwang hangin pa kayang malalanghap na galing sa kapaligiran? O baka naman wala na silang malinis na tubig na maiinom at mailigo. At baka hindi na nila makikita ang kagandahan ng kapaligiran. Yan ang ilan lamang sa mga katanungang nais kong mabatid ng aking mga kababayan upang maisaisip nila ang mga bagay-bagay na dapat nating pangalagaan at ipamahagi sa mga darating na mga henerasyon. Ayon pa sa isang popyular na magasin, bawat nilalang ay may maiambag sa kapaligiran, kagaya na lang nating mga batang mag-aaral. Pwede nating itapon ang mga basura kahit saan ng mga kendi o pagkaing kinakain natin, pero para makatulong sa kalikasan, itapon natin sa tamang lalagyan. Sa ating tahanan, pwede nating linisin ang maruming kapaligiran. Ihiwalay ang nabubulok at di nabubulok na

maaaring gawing pataba. Kaya dapat bawat isa sa atin ay alam ang dapat gawin, hindi lamang para sa ating sarili kundi pati na rin sa susunod na henerasyon. Ang lahat sa atin ay may mga gintong maipapamana kahit man lang ang mundo na iyong kinagisnan na lamang ang nag-iisa mong maipamamana sa kanila.

Kalikasan Ngayon
ang estado ng ating kalikasan ngayon ay unti-unti nang nagbabago. dahilan dito ang walang tigil na pang-aabuso ng mga tao sa ganda nito. Pinuputol ang mga malalaking puno sa siyang pumipigil sa baha o landslides. At wala na rin ang malinis na tubig sapagkat tinatapunan na ito ng mga basura o kaya ay patay na hayop. Kaya kadalasan marami ang namamatay o nagkakasakit dahil sa maruing tubig. Kadalasan ang mga bata ang nagiging biktima nito. ito ay halimbawa lamang ng mga kadahilanan sa unti-unting pagbabago ng ating kalikasan. Sa palagay ko, hindi na natin maibabalik pa ang tunay na ganda nito kaya ang dapat nating gawin, ay hindi na dagdagan pa ang problema sa ating kalikasan...

kalikasan
"wala ka bang napapansin sa ating kapaligiran kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin"

Kung ikaw ay pinoy, talagang lubos mo hahangaan ang awiting ito. Matutunan mo ring hangaan at mahalin ang kung sino mang maygawa ng kanta. Ang awiting "Masdan Mo" ay natutungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid sa kasalukuyan. Dito ay binigyang pagkakaiba ang ating kapaligiran noon at ngayon. Bakit di mo tingnan ang paligid mo? hindi ba't ang lahat ng mga yan ay biyaya ng Diyos sa ating lahat? Hindi ba't sapat na ang mga ito para mapatunayan ng Diyos na mahal niya tayong lahat? Bagamat tayong mga tao ay hindi madaling makuntento. We are still seeking for more! Sila! "ang kalikasan" ang ating ginamit upang matugunan ang mga pangangilangan natin. Bagamat di na natin naisip na tayo'y naging sakim na! Hindi ko sinabi na wag natin silang gawing kasangkapan. Dahil dito din tayo nabubuhay! Ngunit ang akin lang naman ay huwag kang abuso! Matutong kang makuntento sa maliit na bagay. Ang tinutumpok ko dito ay yong mga "Illegal Loggers" dahil kaya nilang kumalbo ng kagubatan. And they're doing it to earn much money!!! hindi na nila inisip kung ano ang epekto nito. Hindi lang illegal loggers pati narin yong mga miners. Kasi naman, dahil sa umaasang makahukay ng ginto kaya kung saan-saan gumagawa ng lungga! Hayan tuloy nag landslide! eh di, sila narin ang napapahamak!!!! Sabi ko na nga ba eh! kung ano yong ginagawa mo sa kalikasan ay kusang babalik din sayo! Bakit di nalang natin kasi sila pahalagahan, mahalin o kaya ay alagaan katulad ng buhay natin. Mahirap ba yon? Bat di mo na simulan? Aja!

Kalikasan Ating Alagaan

Sa kaunaunahang panahon binigyan tayo ng panginoon noon ng masaganang kabuhayan at napakagandang kalikasan puno ng mga halaman, bulaklak, tubig mga organisbo at mga bagay na nakakapag bigay buhay sa atin

Sa pagdaan ng panahon habang ang tao ay dumadami unti-unti naring nasira ito ibat -ibang gawain ang pinagagawa ng tao sa kalikasan para lamang makuha ang kanilang kagustuhan kuha ng kahoy dito doon, gamit ang dinamita sa pag kuha ng pag kain sa dagat kaigin system at iba pa.

Sa mga gawain ito hindi nila pinag ii-sip na sa pag dating ng panahon sila rin ang mag hihirap kung patuloy nating aabusuhin ang ating kalikasan dadating ang panahon mawawalan narin tayo ng mapag kukunan ng pagkain kaya mahalin natin ang ating kalikasan kung lubos nating mahal ang ating sarili.

Magmulat na tayong lahat sa mga ginagawa nating pag sira sa ating kalikasan ay ating alagaan upang di tayo magsisi sa bandang huli.

Ang Kalikasan
Ang kalikasan ay isang napakagandang biyaya ng panginoon para sa mga tao.I'toy nagbibigay ng sariwang hangin at pangunahing pangangailangan ng tao.Maaari ring makatulong ito sa paghahanap buhay tulad ng pagpuputol ng kahoy upang gawing kasangkapan na maaring ebenta.Maganda sana ang ganitong gawain kung nasa tama lang ang pagkakagamit at pagtrato natin sa ating kalikasan.Kadalasan kasi, ginagamit ito sa mga pampersonal na interes ng iilan sa atin.Inaabuso at unti-unting inuubos ang mga likas na yaman para lamang yumaman.

(Wednesday, September 21, 2005)

Habang Hindi pa Huli ang Lahat

Noon naisip ko, Ano ba talaga ng kalikasan? Bakit sinasabi ng ibang tao na, Kalikasan lang 'yan. Ginagamit lang. Hindi man lang nila naisip ang tunay na halaga nito sa atin. Oo, tama sila, kalikasanlang yan, ginagamit lang. Pero, hindinaman talaga tamang abusuhin ito. Napakaimportante nito sa atin. Paano na lang kung masira ito nang lubusan? Paano na lang tayo? Hindi ba nila naiisip ang mga sakunang gaya ng baha, landslide, pulosyon at iba pang mga pangyayari na dulot ng pang-aabuso nating mga tao sa kalikasan. Kaya kung ako sa inyo, huwag nating hintayin pang mangyari ito sa atin. Simulan na natin itong protektahan at pahalagahan. Habang may panahon pa tayo. Simulan na natin itong bigyang pansin. Hindi mamaya na, hindi bukas pa, kundi Ngayon na!!! habang hindi pa huli ang lahat.......

Ang Estado ng Kalikasan sa ngayon

Ano nga bang kalikasan? Ano nga ba ang estado ngkalikasan sa ngayon? Mahalaga ba ito sa atin? Dapat ba natinitong pangalagaan? Ang kalikasan ay isang mundo sa kanyang sarili at lahat ng bagay sa loob nito na hindi ginagawang tao. Ang kalikasan din ay isang pagka natural ng isang tao o bagay lalong-lalo nasa ugali, damdamon at iba pa. Matatawag din nating ang kalikasan ay isang kasaganaang ani. Ang estado ng kalikasan sa ngayon. Nahuhulog tayo sa maramingpagkakasala dahil sa kahinaanng ating likas na pagkatao. Dating mga malalabongna mga punong-kahoy na makikita natin sa kagubatan ay unti-unti nang nauubos dahil sa kagagawan ng ibang tao na walang ibang iniisip kundi ang sariling kapakanan lamng. Dahil sa kanilang kagagawan, maraming mga taongayon ang naghihirap dahil sa hindi inaasahang kalamidad na biglang dumating sa kanilang buhay. Halimbawa na lamang nito ang dulot ng baha. Maraming mga tao ang nalulunod dahil wala ng mga punong-kahoy na siyang tumutulong sa pagpigil sa malakas na daloy ng tubig. Oo, mahalaga ito sa atin dahil ibinigay ito ng Panginoong Diyos na dapat nating pangalagaan at pahalagahan para ito'y umunlad at lumago.

Kalikasan natin...

Kahit saan tayo pumunta, mayroongmabilis na pagbabago sa ating kapaligiran. Ang pagpapaganda ng ating ruralna lugar ay mabilis nagbago. Mga sakahang karaniwang hindi pa nagagalaw at agrikultural ay nabago sa industriyal at patayuan ngmga bahay-bahay. Magaganda at natural na pagpapaganda ay nabago sa pagpapaakit sa mga turista. Bawat oras na ako'y napapadaan sa Riverford, ay nakikita angmalaking pagbabago ng isang gabundok na lupa na ginawang pasyalan. Mga lupang dati ay taniman ng mga punong-kahoy at tirahan ng mga hayop at ginawang subdibisyon na siyang tinitirhan ng mga tao. Di ako tutol sa pag-unlad, kung nais nating magbago, pagtitipid, kailangan nating

magsakripisyo. Ngunit ang tanong na bumabagabag ay: "Ano kaya ang kabayaran ng ating pag-unlad? Ito ba'y pagsira sa bigay ng ating Diyos na natural na kagandahan? Ang pag-unlad ba'y may kahulugan sa pagkawala ng ating mga hayop halaman at iba pa. Tayo na't kapit kamay na sumaling panatilihin ang kapaligiran at tulungan natingi-preserve ang ating kalikasan para sa susunod pang henerasyon.

Estado ng kalikasan
Dapat natin pangalagaan ang ating kalikasan dahil ito ay ipinagkaloob ng maykapal sa atin bigyan nating halaga at maspagandahin ang ating kalikasan upang ito'y lubusan nating pakinabangan.Hindi dapat natin ipagwalang bahala ang mga bagay na may mabuting idudulot sa ating kalikasan sapagkat tayong mga tao ang makikinabang nito dapat din nating pahalagahan ang ating kalikasan upang hindi ito mawala sa atin, pagandahin ng mabuti ng sa ganon pagdating ng araw o panahong maabutan pa nila kung gaano kaganda ating kaliasan na binigay ng Diyos sa atin .Huwag tayo puputol ng mga puno dahil ito ay nakakatulong sa atin.Ito ang prutekta sa pagdating ng kalamidad tulad ng pagbaha at ito din ang nagbibigay ng preskong hangin na nilalanghap natin sa araw-araw.Alagaan natin ang mga hayop na nagbibigay kagandahan sa ating kalikasan.Huwag nating abusuhin ito sapagkat sila ay may malaking maitutulong sa ating kalikasan.Ang ating karagatan na siya ng nagbibigay ng mga pag kain tulad ng mga isda at iba pa.At dapat huwag tayong magtapon ng basura dahil ito 'y nakasisira sa kanilang tinitirhan at sa mga taong kumakain nito.Ang tubig sa dagat na marumi ay siya ring dahilan ng pagkalat ng sakit sa mga tao na niligo nito at naging dahilan rin ng pagkamatay ng mga isda.

Estado ng Kalikasan sa Ngayon


Kalikasan ito ang uri ng phenomena sa kaanyoan ng buhay na hindi ginagawa ng tao. Ang estado ng kalikasan ngayon ay unti-unting nauubos ang ating likas ng yaman. Nakikita na naman natin na ang dating bukirin noon ay ginawang subdisyon, factory, at iba pa. Kung magpapatuloy pa ito malamang mawalan na tayo ng magagandang tanawin. Kaya dapat tayong kumilos, kung ano man yong kinukuha natin sana palitan natin parama-balik ang dating anyo at kagandahan nito. Sa panahon ngayon malabo ng mangyari dahil may mga taong walang paki alam sa kanilang kalikasan makuha lang ans kanilang gusto mangyari. Kaya wag nating gagayahon sila para matigilan na ang unti-unting pagkaka-ubos ng ating na likas na yaman, kaya dapat nating pa-unlarin o palagu-in para sa mundong hinaharap natin sa darating na panahon. Charish May Magbanua

(Wednesday, August 31, 2005)

Estado ng Kalikasan sa ngayon


Ang kalikasan ay isa sa nakapagbigay ng pamumuhay ng bawat tao.Bigay ng ating Puong Maykapal na dapat nating alagaan at ingatan.Isa din ito ng ating likas-yaman ng ating bansa.Karapatan nating bigyang pansinang ating kalikasan para din naman ito sa ating lahat.Nasa atin ito kung paano natin dadalhin sa magandang paraan.Halimbawa ang punong kahoy ang nakapagpigil sa malakas na daloy ng tubig.

Inang- kalikasan

Ang kalikasan ay nagbibigay, sa atin ng buhay. Buhay na maaari nating ipamana sa susunod na mga henerasyon. Subalit ito ay inaabuso ng mga tao, hindi nila alam na malaki ang pakinabang nito sa ating lahat. Kung maaari sana ay atin itong alagaan at pagyamanin sa ikabubuti nating lahat. Dahil ang kalikasan ang siyang pinagkukunan natin ng ikinabubuhay.Sana maging alerto tayo sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid at nang sa ganoon ay mabigyan natin ng panibagong pag-asa ang susunod pang mga henerasyon. Bilang kabataan na siyang pag-asa ng ating bayan, ako si Carolyn Tigon, kumakatok sa pintuan ng inyong puso, at nananawagan sa inyo mga kababayan ko............ Maawa naman kayo sa ating Inang-kalikasan, at sa tinig ng darating!

(Tuesday, August 30, 2005)

kalikasan
kalikasan ito ay biyaya ng dios sa atin. ang kalikasan ay siyang nagbibigay ng proteksyon sa ating mga tao laban sa baha, LANDSLIDE,at iba pa.Ang kalikasan din ay siyang tirahan ng mga hayop,tulad ng punong kahoy na siyang tirahan ng mga ibon,kagubatan naman ay tirahan ng mga mababangis na hayop.Pero alam n'yo ba kung ano na ang kalagayan ng ating kalikasan ngayon?Itoy unti-unti ng nawawala,nauubos,at nasisira.alam n'yo ba kung sino ang may kagagawan nito?Tayo rin mismo,tayo rin mismo ang sumisira sa sarili nating yaman.Napapansin n'yo ba ang patuloy na pagbaha sa inyong mga lugar? Iyon ay dahil sa unti-unting pagkaubos ng ating punong kahoy,na pinuputol ng mga illegal loggers.Ang unti-unti pagkawala ng mga yamang hayop natin na tanging dito lang sa pilipinas sana makikita?Nawawala na sila dahil din iyon sa atin o unti-unti ng namamatay dahil wala na silang matitirhan. Noon nakakalanghap pa tayo ng sariwang hangin,ngayon puro polusyon na ang hangin na ating nalalanghap,dahil wala ng punong kahoy na siyang sumasala sa pulosyon na dulot ng mga sasakyan.Kung mayron mang punongkahoy bihira nalang nating iyong makikita.Ang ilog natin,noon ay pwede pa tayong maligo,ngayon ay tinuturing na itong isang basurahan,ang mga kemikal na galing sa mga plantasyon ay sa ilog na nila itinatapon.Marami na ring mga isda o lamang dagat ang namamatay dahil sa nakakamatay na kemikal.hindi lang ang lamang dagat ang nalalason kung di pati na rin ang mga taong nakakakain nito.Hihintayin pa ba nating tuloyan ng masira ang ating pinagkukunang yaman.Kailan pa ba tayo kikilos pag huli na ang lahat.Umpisahan natin ngayon habang maaga pa,habang hindi pa huli ang lahat,habang may panahon pa.Tayo rin ang magsisisi pag dating ng panahon.Kung baga nasa huli ang pagsisisi.

(Wednesday, August 17, 2005)

Karanasan Hinggil sa Kalikasan

Nakasaksi ka na ba ng pagwasak ng kalikasan? Kahit na sa mismo ninyong lokalidad? Marahil ay alam mo na't pamilyar ka na sa mga pangyayari sa ating kapaligiran- sa ating kalikasan. Nais ko sanang ibahagi ang aking karanasan noong ako'y nasa ika-apat na taon sa sekondarya, nang kami'y dumalo sa 3-araw na summit na ginanap sa Malagos, Davao City. Pasado alas-sais na ng umaga noon. Inihanda na namin ang aming mga dadalhin. Pagkain, flashlight, damit, tent, pansariling kagamitan, at siyempre- kamera. Habang kami'y naglalakbay kasama ang aming adviser at iba pang classmates, hindi namin mapigilang mamangha sa kagandahan ng likas na obra na animo'y inukit ng malikhaing kamay. Kamangha-mangha din ang mga gahiganteng puno ng narra, bagrass, lawaan, at iba pa. Kasama ang mga iba't-ibang uri ng mga bulaklak na kasisibol pa lamang at ang mga talulot nitong nadadampian ng hamog sa umaga. Talaga namang makapigil-hininga ang pagsikat ng araw dala ang pag-asang harapin ang bawat bukas sa bawat pag-inog ng mundo. Subalit may hangganan din pala ang aming paghanga..... Pangalawang araw, nang dinalaw namin ang iba't-ibang plantasyon ng saging at pinya sa Gumalang, Wines, Baguio district, at iba pang pook, na pinagmamay-arian naman ng mga maimpluwensiyang indibidwal sa Pilipinas. Nakapanlulumong isipin na sa bawat patak ng kemikal na ginagamit sa mga plantasyon ay unti-unti ring nababawasan ang ating tsansang mabuhay. Sapagkat ang dumi ng mga ito'y umaagos lahat patungo sa ating mga 'watersheds', kung saan naman tayo kumukuha ng ating iniinom na tubig. Malubha na ang kalagayan ng ating'watershed'. Napalitan na ng burak ang dating napakalinaw na tubig. Kawawa naman ang susunod pang mga henerasyon. Ayon sa pagsusuri ng Watershed Management and Coordinating Council, Darating din ang panahon na titigil na sa pagproprodyus ng malinis na tubig si Inang-likas. At unti-unti na ring nakakalbo ang ating mga kagubatan na siyang pinamamahayan ng mga maiilap na hayop. Dinagdagan pa ng kasakiman at pagsasamantala ng ating mga kababayan. Iilan lamang ang mga ito na maaaring magdulot ng matinding kawalan sa sangkatauhan. Marahil darating din ang panahon ng himutok ng pagganti ni Inang -likas. At ang sandaling yaon ay dumating na nga! Bagyo, baha, lindol, landslides,at marami pang kahindik-hindik na mga kalamidad. Sa huling araw ng aming summit, bakas sa aming mga mukha ang panghihinayang at

hinanakit sa aming nasaksihan sa mga nagdaang araw. Papalubog na ang araw nang tahakin namin ang aming daan pauwi. Naitanong ko tuloy sa aking sarili, "Nasaan na kaya ang ating pag-asang inaasam-asam?" May pag-asa pa kaya? May bukas pa ba? Sana nga.........................
Inaanyayahan ko kayong makibahagi sa Haribon Foundation Protecting Nature...

Estado Ng Kalikasan sa Ngayon


Ang kalikasan sa ating bansa sa kasalukuyan ay masasabi natin nasa di magandang kalagayan dahil sa pag-abuso ng mismong mamamayan ng ating bansa.Ang ating mga bukirin at kagubatan na noon ay puno ng mga kahoy o masaganang likas yaman ngayon ay nakalbo na.Ito ay dahil sa illegal logging na talamak sa ating bansa.Ikalawa sa ating karagatan kung saan ang mga lamang dagat ay inaabuso ng mga mangingisda sa pagtatapon ng mga toxic kung saan nalalason ang mga ito.Ang lunsod ng maynila ay pinakamarumi at polluted sa ating bansa.Mga baradong kanal,at napakaruming ilog,tambak na basura at mga kemikal na lumilikha ng pollusyon sa hangin at tubig.Ito ang pilipinas ngayon kaya tao,mga tao ay dapat mag-isip at pangalagaan ang kalikasan.

(Wednesday, July 27, 2005)

Kalikasan ay isang Kayamanan


Ano nga ba ang kahalagahan ng kalikasan? Dapat nga ba itong pangalagaan? Alam natin na ang kalikasan ay biyayang bigay ng Diyos sa atin at kinakailangan natin itong pangalagaan upang ang kasaganaan ay makamtan. Ngunit ano ang nangyayari sa ating kalikasan? Hindi ba't unti-unti itong nasisira at nawalan ng pagpapahalaga. Kinakailangan nating gumawa ng aksiyon ukol sa kalikasan dahil mahalaga ito sa atin. Dito tayo nabubuhay sa madaling salita. Nasaan na ang pagkanatural ng kalikasan kung unti-untiitong nawawala? Kaya ang masasabiko lang ay huwag natin itong abusuhin. kinakailangang nandiyan ang iyong pagmamahal gaya ng iyong sarili. Para maibalik ang dating ganda na ngayo'y wala na, huwag natinghintayin ang panahon na wala na tayong magagawa.

(Tuesday, July 19, 2005)

Dahil sa kapabayan
Alam natin na ang pilipanas ay isa sa may pinakamasaganang likas na yaman sa asia.Kahit pa man noong unang panahon ang ating bansa ay pinag-aagawan na ng mga mananakop na banyaga itoy nga'y dahil na rin sa likas na yaman ng ating bansa,na siya nating ipinagmamalaki kahit kanino man. Ngunit pagmasdan natin ngayon, ang pinagmamalaki nating mga kayamanan ay unti- unting nauubos at nasisira,ang dating asul na dagat at malilinaw na batis ngayon ay naging marumi at malimit na mapagkukunan ng pagkain.Ang dating magubat na mga bundok ngayon ay halos nakakalbo naatpati ang mga hayop na naninirahan dito ay unti- unti nang nauubos at at nabibilang na lamang ituy dalil narin sa ating kapabayaan at walang pakondangang pag-aabuso ng ilan sa ating mga kababayan.imulat natin ang ating mga mata wag nating hayaan tuluyang maubos ang natitirang nating likas nating yaman, kaylangan nting

pangalagaan at pagyamanin para sa kapakanan natin at sa susunod pang henerasyon.

Ang kahalagahan ng kalikasan


Ang kahalagahan ng kalikasan ay marami.Tulad ng;pinagkukunan ito ng ating pagkain,malinis na hangin at pansanggala sa anumang kalamidad na darating.Dito rin nagmula ang mga materyales sa paggawa ng mga bahay at iba't -ibang mga gusali.Ngunit ano ang ginawa natin?Ito ay unti-unting winasak at inabuso.Kung saan-saan natin tinatapon ang ating mga basura;sa dagat na kung saan nilalason natin ang mga isda at sinisira

estadong kalikasan sa ngayon


Ang kalikasan ay isang biyaya ng dios sa ating mga tao dito sa mundo.Nararapat sana na ito ay ating alagan at pagyamanin.Subalit ano ang ginagawa ng iba,ito ay kanilang sinisira at inaabuso.Noon ang ating mga sapa at karagatan ay malinis,pero ngayon bihira na lang ang makikita mong malinis at malayo sa panganib.Ang ating mga kabundukan ay unti-unti ng nauubos ang mga punong kahoy at nakakalbo na ang ating mga kabundukan.Noon makaka langhap pa tayo ng sariwang hangin,pero ngayonmaruming o polluted na hangin na ang iyong malalanghap.Kaya nga mada li lang tayo bahain ngayon,kunting ulan lang ang resulta ay isa ng malakimg baha.Kailan pa ba tayo magbabago kung kailan huli na ang lahat?Tayoy magtulongan para sa pagbabago ng ating kalikasan.iwasan natin ang pangit na kapaligaran.tayoy magtulongan.

(Saturday, July 16, 2005)

KALIKASAN
Ang kalikasan ang siyang sentro ng ganda at tanawin sa ating kapaligiran. Ito ay gawa ng Dios na ibinibigay sa tao upang mapakinabangan, alagaan, at papahalagahan. Ngunit sa estado ng ating kalikasan ngayon, medyo napinsala na ang ilan sa mga ito. Isa rito ang pagkalbo ng ating kabundukan , pagkakaroon ng polusyon sa tubig at hangin , maging ang mga isda sa dagat ay medyo lumiliit ang bilang dahil sa paggamit ng mga ilegal na bagay sa paghuli ng isda. Maraming naidudulot na masama ang pagwasak ng atin kalikasan. Kasalukuyang nangyayari ay ang pagguho ng mga kabundukan pagkakaroon ng landslide, baha, at paddudulot ng ibat-ibang sakit sa mga tao dahil sa polusyon. Gayunpaman, hindi naman lahat ng lugar dito sa ating bansa o sa ating mundo ay wasak na ang kalikasan, meron din namang ibang parte ng mundo na kahit papaano ay napapanatili ang ganda at sigla ng tanawin. Katulad na lamang ng ilang mga "beach resorts" dito sa Pilipinas, halimbawa ay ang Boracay, Subic , Palawan at iba pa, ang siyang nakahiligang dayuhin o pasyalan ng mga turista dahil talaga namay kaaya-ayang tingnan at talagang maipagmamalaki ang ating karagatan. Iyon nga lang, iilan na lang sa mga ito ang naabuso at medyo napabayaan na. Huwag sana tayong maging negatibo sa ating mga ginagawa, gawing makulay at masayaang pag-aalaga at pagpapahalaga sa ating kalikasan.

(Wednesday, July 13, 2005)

Mailalarawan n'yo ba ang estado ng kalikasan natin ngayon? alam kong, negatibong pahayag na naman ang nasa isip ninyo ngayon dahil iyon naman talaga ang nakikita natin. Mariming nagbago dahil sa kawalan ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan kaya untiunting nasisira ang animo'y paraisong tanawin. Ang malaberding dahon ng puno sa kagubata'y unti-unti ng naglaho. Ang karagatan ilog ,sapa, at ibang pang anyo ng tubig ay naging tambakan na ng basura. Ang iba'y ginagawang palikuran, paliguan, at labahan. Hindi lang iyan! Ang kalikasa'y, pinagkakakitaan na ng mga tao. Lalong-lalo na ang ating kagubatan. Ang mga Punong kahoy ay kanilang pinutol at ibinibenta.Ang iba nama'y sinasadyang talagang sirain upang gawing sakahan. Kaya ang mga hayop ay unti-unti na ring nawawala dahil ang kanilang tinitirhan ay nawawasak na sa kagagawan ng mga taong walang pakiramdam.Nagkaroon na rin ng matitinding baha, at landslide. Sa ngayon, hindi na tayo makakalanghap ng sariwng hangin, dahil sa polusyon na dulot ng mga sasakyan, factory, insectiside at iba pa.Gusto ninyo bang lumala ang kalagayan ng ating kalikasan?Hindi ba kayo gagawa ng aksyon upang masugpo ang mapagsamantala sa ating kalikasan? bukas? sa makalawa? NGAYON NA!

estado ng kalikasan Estado ng kalikasan sa Pilipinas sa Ngayon

Ang Kilusang Masa Laban sa Logging sa Hilagang Silangang Luzon ng 1990s at Ang Delubyo ng 2004
Hindi nagpabaya ang masa at ang kanilang kilusan na ilantad at labanan ang mga mapanirang epekto ng logging na ngayon ay inaangkin ng mga nasa awtoridad na waring kanila. Kailanman hindi mananaig ang kasinungalingan laban sa katotothanan. Ipinadala ni Alpie Garcia Philippine Peasant Support Network(Pesante)-USA, Los Angeles, California Inilathala ng Bulatlat Matapos ang malagim na trahedya ng apat na magkakasunod na bagyo na lumikha ng delubyo sa Silangang Luzon nitong 2004, umarya na naman ang Ponsio Pilatong mga pulitiko, militar at lalo na ang President Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtuturu-turuan. Nagsisisihan sila responsibilidad sa naganap na hambalos sa may 13 milyong apektado ng baha at putik ng rumaragasang mga troso na pumuti ng libong buhay at nagwasak ng mga milyong halaga ng ari-arian. Ngunit higit na nakakasuka sa lahat ang posisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagpatuloy ang legal na logging at kunway patigilin ang illegal logging at magdiin sa reforestration o pagtatanim ng puno. Para bang walang nangyaring delubyo at sa kasabihan sa ingles; Business as Usual.

Sa kabilang panig, may mga indibidwal at organisasyon lalo na ang mga nasa Kongreso, mass media, at mga organisasyong pribado( NGOs) na nagsasamantala rin sa kalagayan at pinalalabas na sila ang bida sa krusada laban sa pagkawasak ng kalikasan at sa pagtatanggol nito. Kayat kinakailangang bakasin at muling balikan ang kasaysayan para maipakita ang mga ugat ng delubyong naganap at kung sino ang responsible dito.

Ang Mga Dambuhalang Kompanya ng Logging


Ang isang mariing puna na naririnig ay laban sa NPA. Sinasabing ang NPA ang nasa bundok ngunit bakit hindi nila naipagtanggol ang kagubatan laban sa pangwawasak ng mga kompanya ng logging na ari ng mga dayuhan at mga lokal na warlords? Ngunit bakit hindi tinatanong, mula noong 1987 hanggang nitong 1995- may tatlong dibisyon ng military sa Cagayan Valleydalawang dibisyon ng armi ang 5th at 7th Division at ang halos laking dibisyong PNP, bakit hindi nila napatigil ang logging at ang pagkawasak ng kalikasan? Bakit ang NPA ang pinupuruhan gayong ang military at ang PNP ang dapat sanang pangunahing nagpapatupad ng batas? Mula pa nooong 1980s ilang ulit naganap ang matitindi at madudugong enkwentro sa pagitan ng NPA at ng mg apwersa ng AFP na nagbabantay sa lugar na ito. Ang buong silangang bahagi ng Isabela at Aurora ay nagmistulang larangan ng digma sa panahong ito. Makikita ang saklaw at lawak ng logging sa pasya ng DENR sa pagbibigay nito ng 200 IFMAs sa buong bansa na may 19,523 ektarya. Pito dito ang nasa Aurora, apat sa Quezon at isa sa Nueva Ecija, na may lawak na 207,887 ha. Halimbawa sa 14 Timber Licencee Agreement(TLAs), ang tatlong malalaking kompanya ay ang Pacific Timber Export Corp. na pag-aari ng isang Fernando Lu sa Dinapigue, Isabela and Dilasag, Aurora; ang Verdant Agroforest Development Corp. ari daw ng isang Jimmy Ng ( sa Dipaculao, Aurora, atGeneral Nakar, Quezon), at ang Inter-Pacific Forest Resources Corp.dating United Timber Licenses Inc., (sa Dipaculao at General Nakar) na dating pag-aari ng pamilya ng yumaong Congressman Puzon . Nasa Aurora, ang Industries Development Corp. (pag-aaari ni Joselito Ong Jr.); Pacific Timber Export Corp (Fernando Lu); San Roque Sawmill Corp. (Ching Sen Ben); Benson Realty & Development Corp. (Ben Ching); Industries Development Corp. (Joselito Ong); RCC Timber Co. Inc. (Roberto Hallare), at ang Toplite Lumber (Johnny Chua). Kung susuriin ang mga kompanyang ito ay hindi lamang sa Aurora nagpuputol ng kahoy kundi sa Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino at nilalabas nila sa may tabing dagat dahil mas mabilis maglabas doon ng troso kaysa idaan sa CAgayan Valley road. Malinaw na ang mga may TLA ay may IFMA rin. Kaya sino ang lolokohin ng DENR na bawal ang illegal na logging pero pwede ang legal na logging? Sa Quezon, ang may IFMA ay ang Guanzon Lime Development Corp. (ari ni Antonio Guanzon); Tecombro Agri Development Corp.; International Hardwood Veneer Corp. of the Philippines (Carolina Young), at Sta. Cecilia

Sawmills. Ang nag-iisang IFMA holder sa Nueva Ecija is Orientville Development Corp. Batay ito sa report mismo ng DENR. Simple lamang ang kasagutankung nasaan ang logging, ang sawmill at ang illegal na Gawain, naroon ang military at pulisya.

Pakikibakang Masa laban sa Mapanirang Logging


Mula pa noong kalagitnaan ng 1970s dahil sa matinding pagtotroso sa Cagayan Vallley, lalo na sa pagkaktuklas ng bagong makinang portable- ang Chainsaw lumubha ang suliranin sa pagkawasak ng kalikasan. Nagsulputan ang mga malalaking sawmills sa Cagayan Valley para iproseso ang mga kahoy na napuputol sa kagubatan. Nabuo ang mga bagong baryo ng mga taong gustong magbukas ng kaingin sa mga lugar na nabuksan ng logging. Ito ang naging kaayusan ng pagdami ng populasyon sa Cagayan Valley lalo na nang diumanoy masugpo ng AFP ang NPA sa Silangang bahagi ng Isabela. Hindi lamang ang pagkakaingin ang naging hanap-buhay ng mga tao kundi na paggawa ng mga mwebles (furniture) at pagraratan (pagaani ng rattan) na ginagamit sa paggawa ng mga mbwebles atiba pang mga artikulong paexport. Marami ring tagabaryo ang nabigyan ng hanap-buhay bilang mga tagalinis ng kalsada ng logging(kaminero) at iba pang hanapbuhay sa sawmill at sa cutting area tulad ng pagluluto at pagtulong sa mga kagamitang panglogging tulad ng turck at bulldozers. Ngunit para sa mga masang nakatira sa bundok at patag, maging ang mga nagtratrabaho sa logging alam nila ang masamang epekto ng pagkawasak ng kalikasan. Naging tampok ito noong 1981 nang mawasak ang baryo Bintacan, Ilagan, Isabela at mahigit na ilang daang tao ang namatay ng gumuho ang logpan( ipunan ng troso) at sumagasa ito sa baryo tulad ng naganap sa Ormoc noong 1991 at nitong Nobyembre-Disyembre 2004 sa Quezon, Aurora at Nueva Ecija. Naging tampok ang paglaban ng masa sa mga masamang epekto ng logging sa Cagayan Valley noong 19901992. Unang naitayo sa Cagayan ang Cagayan Anti Logging Movement (CALM), sumunod ang Save the Sierra Madre Mountain( SSMM) at ang Lubong Salakniban Movement(LSM) sa Nueva Vizcaya-Quirino-Aurora mula noong 19901995. Sinuportahan na ng Pesante-USA ang mga kilusan ito mula nang maitayo ang mga kilusang pangkalikasan na ito mula 1993. Instrumental ang mga samahang relihiyoso sa pagsuporta sa mga kilusang ito.Umani rin ng suporta ang mga grupong nabuo mula sa mga progresibong myembro ng media. Ngunit ang mga kilusang ito ay ginipit at pilit winasak ng militar. Halimbawa ang CALM sa isang bayan ng Apayao ay napagbaligtad ng dating Col. Rodolfo Aguinaldo at pinaaming sila ay prente ng NPA at ginipit ang mga paring tumulong mag-organisa sa kanila. Naging matagumpay lamang ang kilusang ito sa paglalantad sa mga malalaking tao na may interes sa logging at sa epekto ng logging. Ngunit hindi na naging patuloy ang pakikibaka ng mga organisasyong ito dahil sa pagtugaygay at pangigipit ng military at ng mga maykapangyarihan.

Ang ilan sa mga paring Katoliko, mga journalist na namuno sa mga organisasyong ito ay kinakailangang umalis para maiwasan ang pagtatangka sa kanilang buhay. Ang ilan nga sa kanila ay napilitang mangibang bansa.
Patunay na hindi nagpabaya ang masa at ang kanilang kilusan na ilantad at labanan ang mga mapanirang epekto ng logging na ngayon ay inaangkin ng mga nasa awtoridad na waring kanila. Kailanman hindi mananaig ang kasinungalingan laban sa katotothanan. Inilathala ng Bulatlat

KATRIBU (KAlikasan at TRIbu: BUhayin.) *** of the Lake Galilee of KATRIBU (KAtutubong TRIbu ng BUlakan), Inc.
(MAHABE PAGOTAN) Mga Katutubong Dumagat ng Sierra Madre Bro. Martin Francisco Sierra Madre and Dumagat Studies Consultant Bahay-saliksikan ng Bulacan (Center for Bulacan Studies) Bulacan State University
Ang Simula ng Lahat: Ang Salaysay ng mga Dumagat patungkol sa Sierra Madre 1.) Ayon sa paniniwala ng mga matatandang Dumagat na naikwento sa akin noong silay nabubuhay pa (nasa kanilang paniniwala ay nasa ilalim na ng lupa o humalo na sa lupa), ang paniniwala nila ukol sa pagkakalikha ng kanilang mundo ay umiikot lamang sa tinatawag nilang Mahabe Pagotan, na mas kinilala ngayon bilang kabundukang Sierra Madre. Ang mga kwentong narinig ko ay pawang naisalin lamang ng kanilang mga matatanda noong silay mga bata pa ng kanilang mga ninuno at sa pakikipagniig sa kalikasan. Ang kwento ng simula ng kasaysayan ay isa lamang pasalin-saling kwento kung paano nalikha ang mundong Sierra Madre. Kahit ako ay tinanggap ko ang mga kwento tulad ng isang bata na nakikinig sa isang matanda upang higit kong maunawaan ng walang pag-aalinlangan. Nakakatuwa ngunit nakakatakot din. 2.) Pinakinggan ko ng buong tiyaga ang kanilang pagsasalaysay ng paputol-putol na kwento. Nagsimula kami sa mahabang paglalakad-lakad at palinga-linga habang itoy ikinukwento na `di matapus-tapos kasama ang pagtuturo sa ibat ibang bahagi na hindi ko na halos masundan. Maiinis ka sa paraan ng pagkukwento nilang mga katutubo dahilan sa parang walang direksyon o `di-organisado. Ngunit tinulungan nila akong maunawaan ang kwento ng kanila buhay habang hindi ko na napapansin na umabot na ng maraming taon ang aking pakikipamuhay sa kanilang tribu. Napagkakamalan na tuluy akong isa na ring Dumagat hindi lamang dahil sa aking hitsura at amoy bagkus higit sa lahat sa aking pananaw at pagpapaliwanag ukol sa kalagayan ng mga katutubong Dumagat na marami ang hindi

nakakaalam ng kanilang tunay na kalagayan at kasaysayan. 3.) Marami kasi na ang pagkakaalam sa mga katutubong Dumagat ay iyong lang bali-balitang walang katotohanan na pinagkwekwentuhan sa barbero. Nariyan yung may mga maiiksing buntot sila na natutulad sa unggoy. May mga seryoso pang-aalipusta sa kanilang pagkatao na siyang salarin sa pagkasira ng kagubatan sa Sierra Madre dulot ng pagkakaingin nito. At itinuturing na ang pamumuhay ng mga katutubo ay paatras, makaluma, sakitin, mang-mang at pagano o animista na sumasamba sa mga diyus-diyusan puno, bato, ilog, araw at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay gusto kong mabatid kung may katotohanan kung kaya tumagal ang pagkukwentuhan namin ng mga matatandang Dumagat ng mahabang panahon ng pakikinig, pakikipagniig sa kagubatan, at pakikisalamuha sa kanila. Hanggang sa ngayon ay kapiraso pa rin ang aking nababatid ukol sa mga katutubong Dumagat sa halos 15 taong kong pakikipag-ugnayan sa kanilang tribu at batid ko na kahit buong buhay ko ay hindi ko lubusang maitatala ang kasaysayan sapagkat ang bung Sierra Madre ay mismong buhay ng kanilang tribu sa pinakasimula kung mayroon mang simulang matatawag. 4,) Ang tanging maipapahayag ko lang sa mga sandaling ito ay mula sa piilas-pilas na istorya at karanasan na nakabatay sa kanilang kalinangan sa Sierra Madre. Natuon na kasi ang panahon ko ngayon mula sa pangangalap ng impormasyon ng kanilang tribu sa pagtatanggol ng kanilang natitirang kagubatan ng Sierra Madre na sa kasalukuyan ay patuloy at walang patumanggang winawasak ng mga dayuhang Katagalugan sa ngalan ng kaunlaran at sibilisasyong kanluranin. Magkagayon man ay sulit pa rin ang anu mang maibabahagi kong kasaysayan o maliit na larawan ng Sierra Madre ng mga katutubong Dumagat na bagamat mumunti ay masisilayan na nating lahat ang buod nito tulad ng isang maliit na salamin na magkakasya na ang ating ninanais masilayan. 5,) Siguro ay magandang magsimula tayo ng kasaysayan ng Sierra Madre ng mga katutubong Dumagat sa pagtutukoy ng panahon. Namangha ako ngunit higit na nalungkot at natakot sa sinasabing ang bukas ay nang-yayari na ngayon. Kaya sa mga ikinuwento ng Dumagat ay naniwala ako dahilan sa nakikita ko ang mga patunay na kahit sa aking mga pinag-aralan noong nasa kolehiyo pa ako ay tumutugma. Sila mang mga Dumagat ay nani-niwala sa mga naikwento sa kanila ng kanilang mga ninuno sapagkat nakikita nila ang mga bakas ng kahapon sa kasalukuyan nilang panahon at patuloy na nagaganap sa kasalukuyan bagamat hindi biglaan kundi paunti-unti tulad ng isang puno na tumutubo na di natin halos namamalayan ang paglaki. Kung kaya tuluy kapag nasa kabundukan ako ay hindi ko na halos namamalayan ang petsa sa kalendaryo bagkus ay pinagtutuunan ko na lang ang pagsikat ng araw at pagsapit ng gabi. 6.) Ang mga Dumagat na puro o mestiso man ngunit kaugnay ng kanilang kulturang katutubong kinagisnan o kalinangan ang tanging sila na lang ang nakakapansin ng kasaysayang ito. Siguro, dahil ang mga karamihang Dumagat na puro na may kamalayan sa kanilang Sierra Madre ay siya na lamang na mga natitirang yumayakap na may pagmamahal sa kanilang kalinangan na isinalin at ipinamana ng kanilang mga ninuno ng di namamalayan. Ikakagulat ng maraming dayuhan na kung uusisain ang mga Dumagat o tatanungin ukol sa

kanilang kultura o kalinangan ay hindi nila ito masasagot ng maayos tulad ng isang iskolar sa mga pamantasan na hinubog sa kanluraning edukasyon tulad ng marami sa atin ngayon. Hindi nila halos masasagot ng kritikal at organisado ang mga katanungang may matataas na pananalita hango sa mga dayuhan sapagkat hindi ganito ang pamamaraan na isinalin sa kanila ang kanilang kultura na nakabatay halos sa pang-intelektuwal o nakasulat. 7.) Ngunit siguro din ay sinadyang itinago ang kasaysayang ito sa ating mga taga-kapatagan ang simula ng lahat na itinuturing nating Kasaysayan sa mga makakapal at malalamig na ulap na tumatakip sa Sierra Madre lalo na ang pusod nito sa Bato sa Sare upang mapanatili ang kagandahan at kababalaghan nito tulad ng isang ginto na nakatago sa maliliit na butil ng kabuhanginan sa ilog at dalampasigan. At sa tuwinang tumitingin ako sa kabundukan ay palagi kong napapansin nga ang mga makapal na ulap itim na tila ulan na `di lang nagsisilbing taguan ng Sierra Madre kundi proteksyon sa mga mapagsamantala sa yaman ng Sierra Madre sa pamamagitan ng pagpapaulan, pagbuhos nito ng malalakas na ulan na tila bagyo at pagragasa ng dumadagundong na agos ng ilog. 8.) Ayon din sa kanila ay taliwas ang kanilang kasaysayan ng pinagmulan o pinagsimulan sa mga itinuturo ng mga Katagalugan tinatawag nilang Unat o Abyang kung saan ang kabihasnan naririnig nila ay nagmula daw sa mga bukana ng mga malalaking ilog sa kapatagan kung kaya tuloy ang paniniwala ng mga nasa kapatagan ay sila ang nauna at higit na may karapatan pati na sa kabundukan. Hindi naman ipagpipilitan ang paniniwala ng mga Dumagat kung ayaw silang pakinggan ng higit na nakakaraming mga Katagalugan ang kanilang panig ng mga katutubo. Mas gugustuhin pa nilang mga Dumagat na manahimik at damahin ang kapayapaan sapagkat hawak naman nila ang katotohanan. Kung kaya sa maraming pagkakataon ay hindi sila nakikipaglaban at ipinagtatanggol ang kanilang karapatan sapagkat ang mismong ang Sierra Madre sa huli ang maglalahad ng katotohanan, kaganapan at magtatanggol sa kanilang kaapihan. 9.) Kung sabagay nga naman bakit nga ba tinawag na Unat o Abyang ang mga Tagalog kasama ang mga Bikolano, Kapampangan, Ilocano, Besaya at iba na kakaibang mag-isip sa kanilang mga katutubo? Ito ay sa dahilan na ang kahulugan ng Abyang para sa Dumagat ay abang o taong laging nakaabang o upang agawin ang kanilang lupaing ninuno na ang hitsura ng kanilang mga buhok ay tuwid o unat. Maraming pagkakataon sa buhay ng mga katutubo na sila ay inaagawan ng mga Katagalugan ng kanilang lupain sa pamamamagitan ng paghihintay kung kailan pansamantalang iiwan o mandarayuhan ang mga katutubo sa buhaysiklo nila batay sa panahon. Sapagkat ang mga katutubong Dumagat ay mayroong iniikutang iba-t-ibang lugar depende sa panahon ng tag-ulan, tag-araw at depende kung kinakailangan na nilang pagpahingahin ang lupa. Sa mahabang panahon hanggang sa kasalukuyan ay tinatawag silang mga nomadic o semi-nomadic dahilan sa sila daw mga katutubong Dumagat ay palipat-lipat ng tirahan samantalang sa mahabang panahon kong paninirahan sa kanila ay hindi totoo na silay pabaya at iniiwan ang kanilang mga bahayan bagkus ay umiikol o nagpapaikut-ikot lamang sa kanilang tangi at iisang Sierra Madre. 10.) At sa pagdating ng mga dayuhan ay maraming silang narinig na katanungan at

hinahanap sa kanila na nagdulot ng pagmamaliit sa kanilang kulturat kalinangan. Ipinagpipilitan sa kanila na kailangan nilang magkaruon ng sibilisasyon, simbahan, siyudad, kalsada, sasakyan at mga gusaling tirahan. Napapailing ang mga katutubo na nagbabadya ng kawalan at higit na pagtataka. Tinatanong sila ng mga palalong Katagalugan kung ano ba ang kahulugan sa kanila ng kaunlaran, kalinisan, kalusugan, kayamanan, kaayusan at edukasyon. Di halos nilang mga Dumagat maunawaan kung saan nagmumula ang mga katanungang napakahalaga sa mga Katagalugan samantalang hindi naman nila nakikita ng kanilang mga mata ang pamumuhay nilang katutubo na payapa at masaya na may kakulangan. Para sa mga kadumagatan ang kahulugan ng kabihasnan sa mga katutubo ay isang maaliwalas na siyudad na walang kagutumang nagaganap, masasayang magkakasama ang lahat na angkan at walang humpay ng pagpapalitan ng estorya na maituturing na pagsasalin-saling kamalaysayan ng kanilang tribung kadumagatan sa loob ng kanilang Sierra Madre. Tungkol sa Pagkakalikha ng Kapaligiran ng Sierra Madre at Kanugnog Lugar 11.) Ayon sa mga ninunong Dumagat ang lahat ng nilalang ay nagsimula hindi sa kapatagan kundi sa kabundukan lalot higit sa tuk-tok ng pusod ng Sierra Madre. Noon ay walang probinsyang tinatawag na pinaghahati-hatian ang kaguluran ng Sierra Madre sa kagustuhan ng mga dayuhang Katagalugang manakop. Ang mga gulod at tuk-tok ng mga kabundukan ay hindi itinuturing na hangganan at gilid na pag-aari. Itinuturing ng mga ninunong Dumagat na ang mga gulod, tuktok ng bundok at kahabaan ng kailogan ay siyang sentro ng kanilang pamumuhay na ang lahat ay pawang magkakaugnay. Ang pamumuhay ay di nila binibigyan ng kahulugan o nilalakipan ng antas sapagkat walang primitibo at walang mataas na sibilisasyon masasabi o matatawag para sa kanila upang sukatin ang kahalagahan ng isa. Di tulad ng pagkilatis ng mga dayuhang historyador na naglalagay ng limitasyon, hangganan, bakod o harang na gumigipit sa pagtubo at pagsibol ng kalikasan ng tao, hayop, halaman at Sierra Madre na nagdudulot lamang sakit, galit, poot at kamatayan. 12.) Ang ganitong paniniwala o pananaw ay masasabing may katotohanan sapagkat naniniwala rin sila na matatapos ang lahat sa mundong ito sa tuk-tok din ng mga kabundukan ng Sierra Madre kung saan nagmula ang lahat. Naniniwala ang mga katutubo na hindi ang mga katubigan o maging ang kapatagan ng mga Tagalog ang unang lumitaw sa daigdig, kundi ang kabundukan ng Sierra Madre ng Kadumagatan. Karugtong pa nito ang paniniwala na ang unang lulubog ay ang mga kapatagan bago ang Gulod ng Sierra Madre. Tuloy naisip ko na parang magiging malaking tubigan muli ang daigdig batay sa kanilang mga isinalaysay, at sa kasalukuyang nagaganap sa daigdig ito dulot ng global warming kung saan ang muling pagtaas ng lebel ng tubig-karagatan at lulubog ang maraming kalupaan at isla na pinaninirahan ng mga Katagalugan sa kasalukuyan. Kinikilabutan ako sa aking mga naiisip kung ito na ba ang sinasabing kaganapan at kaparusahan sa mga lumapastangan sa kalikasan? 13.) At dahil sa paniniwalang ang unanglumitaw sa malawak na katubigang tinatawag na karagatan ay ang mga tuktok at gulod ng Sierra Madre kung kaya ganuon na lamang ang

kanilang paggalang at pagmamahal sa lahat ng kalikasan lalut higit itong tinatawag pusod ng Mahabe Pagotan. Sa Bato sa Sare, batay sa kwento ng kanilang mga ninuno ay siyang nagsilang o nagluwal ng lahat ng bagay-bagay sa Sierra Madre. Iniluwal ng Bato sa Sare ang mga gulod, lupa, kabundukan, kagubatan, at kahayupan. Ang Bato sa Sare din ang humubog sa mga kabundukan, gulod at ilog kung saan ang mga nahugis na mga ilog ay siya ngayong umaagos sa kapatagan at ito ang mga ilog ng Angat-Matulid, Umiray, Agnus, Laiban at WawaMontalban sa pamamagitan ng tubig. Halos lahat ng kailugan ay nagmula sa Bato sa Sare at dito sila sumususu upang manatiling nabubuhay upang `di mapatid ang tubig na umaagos na nagbibigay buhay sa bawat henerasyon ng kadumagatan at sibilisasyong makakalikasan at makakatutubo. 14.) Aking tinanong ang mga matatandang Dumagat kung papaano ito mangyayari na lahat ay nagmula sa Bato sa Sare. At ang tanging naibulalas nila na naganap itoy dahilan sa ang Bato sa Sare ay mistikal o puno ng kababalaghan na di kaya abutin ng kaisipan ng mga inapong kadumagatan. Kung sabagay wika ko sa aking sarili at kung titingnan ang mga mapa ngayon ang paniniwalang ito ng mga Dumagat ay totoo at matatagpuan, at sa kanilang sinasabing Bato sa Sare ang mga nabanggit na ilog ay tila nataong tumutugma, kaya tuloy namangha ako. 15.) Naikwento tuloy nila na kung huhukayin ang Sierra Madre ay kakikitaan ito ng maraming sigay o mga bagay na makikita lamang sa ilalim ng dagat. Ang kahulugan nito ay maaaring dating nasa ilalim ng karagatan ang Sierra Madre at itoy iniluwal lamang sa dala ng pagdaloy ng panahon. Ganito rin kasi ang sinasabi ng mga pag-aaral ng mga geologist ayon sa salaysay ni Veneracion isang manunulat ng Bulakan. Ayon pa sa kwento, ang pinakapusod na Bato sa Sare ay kakikitaan ng isang lawa na umuusok kung saan ang mga hipon dito ay kulay pula dulot ng pagkakaluto sa mainit na tubig nito. Naiisip ko tuluy na ang Bato sa Sare ay isang bulkan dati kung saan ay ibinuga o nararapat sabihing iniluwal nito ang lahat. Sa kasalukuyan ay hindi pa nakakakita ng bulkan ang mga Dumagat sa tanang-buhay nila at kung bulkan nga ba talaga ang Bato sa Sare batay sa pag-aaral ng mga volcanologist. Ang Salaysay ng mga Dumagat patungkol sa Kanilang Paglitaw 16.) Ayon sa kwento ng mga matatandang Dumagat na ang kanilang Panginoon o Diyos ay tinatawag nilang Makedepat na siyang kumakalinga sa kanila. Si Makedepat na tunay na mapagbigay sa lahat ng pangangailangan ng kanilang angkan at tribu. Nilikha nito ang unang tao na sina Agta sa wikang bulos o Alta sa wikang kabulewan, (marami pang ngalan ang panawag sa katutubong taga Sierra Madre tulad ng Atta) ang lalaki, at Mahuna naman, ang babae. Binihisan sila ni Makedepat ng pinakamagarbong kasuotang ikararangal ng kanilang lipi na higit sa lahat ng nilalang kung ikukumpara sa ibang nilikha (hayop, halaman, isda at ibon), at ito ang kasuotang bahag at tapis na yari sa balat ng kahoy na tunay na makakalikasan, mapagpalaya at puno ng karangalan na di dapat ikahiya bagkus ay ipagmalaki pa nga. 17.) Itinuro ni Makedepat kina Agta at Mahuna na ituturing nilang kapatid ang lahat ng bagay

o ng sangnilikha sa Sierra Madre, lalot higit ang una sa lahat at panganay nilang kinakapatid na sina kakahuyan na bumabalot sa kabuuang Sierra Madre. Walang kagutuman at kalungkutan ang lahat. Walang mailap na hayop sa kabundukan sapagkat ang lahat ay handang magsilbi sa isat isa upang manatili ang dakilang ekolohikang balanse ng Sierra Madre. Hindi na halos kailangan hulihin ang mga isda at hayop tulad ng mga babuy-ramo, musang, kapu, bayawak at usa na itinuturing ngayong maiilap at takot sa tao sapagkat noon ay halos abot-kamay lang ang lahat. Ang lahat ng kumain ay nagpapaubayang kainin din ng may panga-ngailangan sa kanila para mabuhay. Kung kaya lahat ay busog at walang makakapagsabi na walang pakialamanan, walang ubusan ng lahi at uri, walang maghahari o maniniil. Mistulang paraiso ang Sierra Madre sa kwento ng mga katutubong Dumagat e hindi naman sila mga Kristiyanong nagbabasa ng Biblia. 18.) Tinatanong ko agad ang mga matatandang Dumagat sa bawat paglalahad ng estorya kung kalian ito naganap at anong panahon. Hinahanapan ko sila ng pagbabatayang panahong upang maging madali para sa aking paglalahad ng kasaysayan ngunit nabigo ako. Mas binigyan pa nila ng importansya sa kanilang paglalahad na pawang katotohanan ito dahilan sa tuwing magkwekwento sila ay tila buhay na buhay at nanduron sila sa nasabing panahon na kung tutuusin ay hindi naman nila inabot. Para sa kanila ay napakahalaga sa mga naunang katutubong Dumagat ang kasimplehan ng buhay nila lalot higit ang pagtanaw sa kanilang naunang panahon. Na kung pipilitin sila ukol sa mga nakaraan panahong matatawag tulad sa mga Katagalugan na mayroong siglo, taon, henerasyon ay agad nilang mawiwika na wala. Ang kadalasan nilang pinagbabatayan ay ang mga mayor na pagkakahati-hati ng kaganapan abot ng kanilang ala-ala. 19.) Ngunit para sa kanilang mga katutubong Dumagat ay walang nakaraan at walang darating na panahon. Ang lahat ay pawang kasalukuyan na tulad sa isang pelikulang pinapanood o isang taong sumusungaw sa labas ng kweba o damara na hinahayaang panoorin ang kaganapan. Bagamat hindi lahat sa kanila ay pinalad o nabiyayaan na matunghayan ang lahat ng kaganapan sa maraming kadahilanan. Tanging ang kanilang lupaing ninunong Sierra Madre ang matiyagang nagbabantay, nagmamasid at sumasaksi sa bawat angkang nauuna at sumusunod. Wika nga ng isang matandang Dumagat sa akin na ang lahat ay bata pa sa lupaing ito ng Sierra Madre at sa panahong hihimlay ang isang laki (ang panawag sa isang matandang lalaki o lolo sa wikang Dumagat) ito ay aangkinin siya muli ni Mahabe Pagotan. 20.) Ang tunay na panawag ng mga katutubong Dumagat sa kanilang lupaing ninunong Sierra Madre ay Mahabe Pagotan. Sa wikang Tagalog ay maisasalin natin na ito ay isang Mahabang Kabundukan. At sa Mahabe Pagotan o Sierra Madre ay mayroong pusod o sentro ng kanyang kabuuan at ito ang Bato sa Sare sa bundok na tinatawag na Bundok Angilo o bahaging Irid. Ang Bato sa Sare ay itinuturing na pinakabanal sa lahat ng mga banal na lugar ng mga Dumagat na pwede nating ihalintulad sa pananampalatayang Katoliko Romano na kanilang pinaka-Roma. Dito nakasalalay ang kanilang sentro ng kanilang kalinangan o kultura at pananampalatayang katutubo kung saan iniiluwal ang lahat. 21.) Sa tuktok ng Bato Sare ay makikita dito ang tatlong naglalakihang bato na ga-bahay

tulad ng isang lutuang tungko. At sa gitna nitong tungko na kahalintulad ay makikita sa gitna nito ang isang lawa o binubukalan ng mainit at umuusok na kapaligiran. Tulad nasabi ko na sa una na iisipin mo na na isa itong bulkan habang nagsasalaysay na mayroong malakas na tinig at kahalong takot ang nasabing matandang Dumagat kalakip ang patayu-tayo nito pagkwekwento na tumuturo sa bahaging katimugang bahagi ng Bulakan. Sapagkat kung titingnan sa kasalukuyan ang nasabing lugar kung saan matatagpuan ang Bato sa Sare ay dadalhin tayo sa tri-boundaries o tatlong-hangganan ng lalawigan ng Bulakan, Quezon at Rizal. 22.) Ayon sa kwento ng mga matatandang Dumagat habang nakikinig din ang mga kabataang Dumagat na sa aking tingin ay napakinggan na nila na ng maraming beses ngunit kakikitaan pa rin sila ng pagkamangha sa paglalahad ng estorya ng Bato sa Sare. Duon ay nakatira ang kanilang pinakalolo na tinatawag o masasabing pinaka-ama ng kanilang pananampalatayang katutubo na si Talagumpanos. Itong si Talagumpanos ay mayroong hitsurang Dumagat. Suot nito ang katutubong bahag lakip ang mga palamuti o remong sa bawat bahagi ng katawan, ngunit ang kaibahan lamang niya sa lahat ay isa siyang malaking tao na para sa karamihan ay masasabing isang higante. 23.) Naisip ko tuloy ang kwentong narinig ko sa aking mga magulang at bilang Tagalog ay mayroong din isang higanteng Bernardo Carpio na tinatawag na namumuhay sa Sierra Madre na pilit na itinutulak dalawa niyang kamay sa mga nagbabang-gaang bato. Hindi kaya iisa lamang sila sa kwento ng aming mga ninuno na nagkataon lamang na magkaiba ang pangalan? Ganoon pa man, naikwento uli ng mga Dumagat na itong si Talagumpanos ay tunay na isang lolo na mapagmahal sa kanyang mga inapong Dumagat. Lagi siyang gumagawa ng paraan para maging madali ang buhay ng mga katutubo magmula sa paglalagay ng sapat na kakanin tulad ng mga hipon, isda at tubig na iinumin. Bagamat siya ay kinatatakutan ng mga Dumagat tulad ng isang pagbibigay galang o respeto dapat ilaan sa isang laki o matandang lalaki batay sa kanilang kulturang katutubo. 24.) Nabanggit pa ng mga Dumagat na sa tuwina itong si Talagumpanos ay umiinom ng tubig sa lahat ng kailugan kapag inaabot ito ng pagkauhaw. Hindi lang ito sumasahod ng tubig gamit ang kanyang kamay bagkus inilulubog niya ang kanya mismong mukha upang masahod ang tubig iinumin ng malaki niyang bibig at panga. Dulot nito ay natutuyuan ang mga ilog na kanyang iniinuman sa dami ng kaya niyang inumin. Di nagtagal ay napansin din ito ni Talagumpanos at ang epekto ng kanyang ginagawang pag-inom sa mga kailogan upang ang kanyang mga inapong Dumagat ay mangauhaw, mapinsala at magkasakit. Kung kaya nagpasya ito na hindi siya iinom sa mga kailogan upang hindi kapusin ang mga inapo niyang Dumagat ng inumin bagkus tanging sa pinakabukal ng Bato sa Sare na lang siya iinom na hindi natutuyuan ni mauubusan. Ang kwentong ito ay tila hindi lang isang estorya bagkus ay halos isang kasalukuyang kaganapan ng paghahalintulad sa ginagawang pagkuha ng mga katubigan ng Sierra Madre upang ipainom sa Kamaynilaan na magdudulot naman ng kapinsalaan sa mga katutubo. 25.) Nag-iwan din itong si Talagumpanos ayon sa mga Dumagat ng mga malalaking bakas ng

paa sa malalaking bato sa mga ilog ng Sierra Madre na ngayon ay makikita sa bayan ng Norzagaray at itoy tinatawag na Bakas, at ang isang bahagi naman ng bakas ng paa ay sa sakop ng Sitio Inuman matatagpuan. Naikwento tuloy nila na ang kagamitan ni Talagumpanos noon sa kanyang bahay ay pawang yari sa ginto tulad ng lusong at pambayo nito. Kung sabagay naisip ko ng mga sandaling iyo na tunay naman na tigib ng ginto ang Sierra Madre batay sa pag-aral ng siyensya. At kung kailangan nitong si Talagumpanos ang kumain ng hipon ay isasahaod lamang niya ang kanyang bibig sa kasapaan upang makulong ang mga ito. `Di ko lang mapagtanto kung gaano na katotoo ito ngunit masasabi kong mayroong kahigitan o exaggeration ang mga nasabing paglalahad. Ngunit sa ganitong bagay ay hinayaan ko na lang ang mga Dumagat magkwento at ng akoy maaliw habang dapit-hapon na kaming naglalakad sa kagubatan at kung mamalasin pa ay gabihin kami na tunay na napakahirap para sa akin. Ang Salaysay hinggil sa Pagkakabuo ng Kapatagan at Kapampangan ng mga Ilog ng Bulacan at mga Kanugnog ng Sierra Madre 26.) Tulad ng nauna kong nasabi na walang kaalaman Dumagat ukol sa kasaysayang siyensya ng pagkakalikha ng mundo. Ang tanging maikwekwento ng pasalin-salin sa kanilang mga angkan at tribu ay ang mga ibat ibang kwento na naiibat-iba habang nagpapasalin-salin ito. Ang tanging mundo na masasabi nila ay ang kanilang ginagalawan at pinamuhayan ng kanilang mga ninuno at ito ay ang Sierra Madre. Kadalasan sa aming pagkwekwentuhan ng mga matatandang Dumagat o sa aking paghahanap ng may kakulitan sa katutubong salaysay ng kanilang abot na kaalaman o pagkakaalam ay nabibigo ako. Kung kaya ang anu mang kakulangan matatawag sa kanilang pagsasalaysay ay nahuhukay ko naman sa aking mga kapos na pinag-aralan. 27.) Ayon pa sa salaysay ng mga Dumagat ay sumusunod sila sa tubig bilang bahagi ng kanilang pamumuhay. Ano man ang lebel o taas ng tubig ito ay kanilang sinusundan sapagkat tunay na maibigin silang mga katutubo sa tubig kailugan man o karagatang masasabi ito. Kung kaya marahil ay tinawag silang Dumagat dahilan sa lagi silang padagat o papuntang dagat. Bagamat sa wikang kabulewan ay nangangahulugan ang salitang Dumagat na hubad sa gubat na hindi naman bumabangga sa kabuuang paliwanag ng pinag-ugatan ng nasabing panawag. Tinatanong ko sa aking sarili kung pinagtatalunan ba nila kung sino nga ba ang orihinal na katutubong Dumagat sa kabuuan ng Sierra Madre, kung ang mga katutubong tagaQuezon ba o taga-Aurora o taga-Bulakan? Bagamat para sa kanila ay hindi problema sapagkat sila ay iisang tribu. Ngayun na lamang lumabas sa pagdating mga dayuhan ang pagkakaibaiba nila na dati namang iisa na nagdulot ng kaisipang umangkin, mag-ari, magkanya-kanya at supilin ang malawak na lupain ng Sierra Madre dala ng interes sa yamang idudulot nito na bumubukal sa pagnanasa pagkamatakaw o pagkamal bilang impluwensya ng mga Katagalugan. 28.) Kung babalansehin at pagtutugmain natin ang kaganapan batay sa mga isinalaysay ng mga matatandang Dumagat at sa ating siyensya ay tunay na hindi biglaan ang pagbaba ng

lebel ng katubigan o karagatan na nakapaligid sa Sierra Madre. Habang bumababa ang lebel ng karagatan ay palawak naman ng palawak ang kapatagan at lupaing pantayin. Pinatutunayan ang salaysay na ito sa mga makabagong pag-aaral na ang malawak na kapatagan ng Luzon ay isang dating karagatan na lumitaw matapos ng mahabang pagbabago ng klima at panahon. 29.) Itoy nakalikha ng mga hangganan sa dating bahagi ng mga baybaying may mga korales ng ang Sierra Madre ay nakalubog pa. Nakalikha din ang kaganapang ito ng mga pambihirang mga batong puti o ang mga limestone na ayon sa mga katutubo ay siyang minimina at kinukuha noon pa man sa kabundukan. Ngunit para sa mga kadumagatan ang mga batong puti ay nagsilbing saksi ng hangganan noong panahon ng Himagsikan sa pagitan ng mga katutubong Dumagat na sakop ang Sierra Madre at mga katipunero laban sa mga Kastila sa isang kasunduan ng pagtugis sa mga kalaban. `Di nagtagal ang mga buhanginan at burak ay naging isang matabang lupain kung saan ay higit na mayaman at mainam tamnan kumpara sa kabundukan na maraming bato at kakahuyang bumabalot dito. Buti na lamang at wala pang Tagalog o Abyang noon na mula sa lahing tatawagin nating Austronesiano na napadpad dahil sa kanilang kaalaman sa pamamangka bilang bahagi ng pagpapalawak ng pananaw sa kaganapan ng mundong Sierra Madre. 30.) Samantala, nakaugat na sa mga kaugalian ng mga Dumagat magpahanggang ngayon ang pagiging maibigin nila sa katubigan, kahit pa silay mga taga-Sierra Madre. Bakit nga ba hindi tawagin palaibigin ang mga Dumagat sa tubig gayon ang pinakamalaking kontribusyon ng kabundukan ng Sierra Madre ay ang tubig na nagmumula dito. Kung titingnan sa mapa at pag-aralang mabuti ang daloy ng mga malalaking kailogan sa Sierra Madre ay makikita na mayroong apat na malalaki at mahahabang ilog na sumususo sa Bato sa Sare. Sumususu ang mga ilog ng Umiray, Angat, Agnus, Laiban at Wawa kung saan sa kasalukuyan ang ating pamahalaan ay nakita nila ang kahalagahan nitot yaman kung maiipon nilang lahat itong mga tumatapon o umaagos na katubigan bilang tubig inumin kakaiganganin ng Metro Manila at kalapit lalawigan nito sa Luzon. 31.) Tunay na ang Sierra Madre ay punong-puno at umaapaw ng tubig mula sa pinakapusod nitong Bato sa Sare kung kaya nararapat lang na tawagin ang Sierra Madre na isang katubigang siyudad. Dito rin sa Bato sa Sare nagmula ang katubigan upang lumawak ang karagatan at dito rin nagtapos o nagmula ang pagtatapos ng pag-agos ng tubig upang isang ang mga malawak na kapatagan ng Sierra Madre na ngayon ay tinatawag natin great Luzon plains. Kung wawariin ko ay mayroong pagkakaugnay ang lahat ng kaganapan ikinuwento ng mga Dumagat batay na rin sa siyensya. Maaaring isang pagkakataon lang o pagkakahawig ng kaganapan ngunit ito pa rin ang pinaniniwalaan ng ilang matatandang Dumagat na posibleng maglalaho dulot ng paglaho ng kanilang paniniwala sa pagkawasak ng Sierra Madre. Kung kaya sa ngayon ay nakaipon ako ng mga talaan ng kanilang kultura at pinamagatan ko itong aklat na Bakit Sila Nangangamatay sa Gutom. 32.) Ayon pa nga sa kwento ng mga matatandang Dumagat sa akin na hindi ko ganap na naitala ngunit nakintal sa aking isipan at ala-ala tulad ng isang aserong itinatak sa aking nuo.

Na ang kultura o kalinangan at ang Sierra Madre ay iisa. Ang kawalan ng isa ay kawalan ng lahat. Kung tuluyang masisira ang Sierra Madre at mangangamatay ang mayamang kagubatan nito ay magdudulot ito ng paglaho ng kanilang tribung Dumagat. Kung kaya ganuon na lamang ang pagtalima ng mga katutubo sa batas ng kalikasan na hindi nila nilalabanan bagkus ay inaayunan nila ito. Kung saan mayroong pagkain, duon sila mamamalagi. Kung saan sila inihatid ng kanilang paa sa kapaguran maghapon, duon sila magpapahinga at gagawa ng isang damara. Kung bumababa ang lebel ng tubig, duon sila susunod pababa ng bundok, buro at gulod. Hindi nila pinagpipilitan ang hindi uubra sa kalikasan. Sanay na sanay silang tanggapin ang mga kawalan o kabiguang matatawag ng Katagalugan kung magdudulot ito ng tuluy-tuluy o sustainable na kaayusan ng kalikasan. 33.) At ayon pa sa pagtutugma ng salaysay ng Dumagat at kaganapan noon, habang bumababa ang lebel ng katubigan at umaatras ang karagatan, ang mga katutubo ay sinusundan ito kung saan ay bitbit nila ang kakayahan ng kanilang tulugang damara o masasabing kanlungan sa init at ulan. Hanggang sa sapitin ng mga katutubo ang pinakahangganan ng tubig at lupa sa mga bukana ng mga kilalang kailugan ngayon, lalo na sa Bulacan. Nasa isipan na ng mga Dumagat na kapag babaha o tataas muli ang tubig ay muli silang sumasabay sa pagtaas o pag-akyat sa higit na mataas na lugar. Ang mahalaga lamang sa kanilay nasa lupa sila at tabi ng katubigan. 34.) Buti na lang ay hindi mga katutubong Ifugao, Kangkaney at Igorot ang nakasumpong sa kaluguran ng Sierra Madre ng mga Dumagat. Sapagkat kung katutubong Igorot ang nanirahan sa Sierra Madre ay tatawagin ang mga kabundukan ng Bulacan bilang Sierra Madre rice terraces at hindi sa Banawe ng kasalukuyang panahon. Nakatitiyak ako na kung ginawang hagdan-hagdang palayan ang Sierra Madre ay tiyak na magdurusa ang buong Luzon sa kakapusan ng tubig na iinumin at patubig sa libu-libong ektaryang sakahang umaasa dito kapatagan. Dagdag pa rito ay nakatitiyak silang magdudulot ng malawakang kapinsalaan kung gagawing sakahan ang Sierra Madre dahilan sa makikita ng lahat ang bagsik at galit ng Sierra Madre na nakita ng lahat noong 2004 sa mga bayan ng Infanta at Real, Quezon ng sumamang umagos sa tubig ang mga troso at lupa na kumitil ng mahigit sa 1,000 katao. 35.) Kinikilala ko ang malaking kontribusyon ng mga kapatid nating katutubo mula sa Cordillera Region kung saan ay hinandugan tayo ng isang yaman na isa sa 8 Wonders of the World. Maituturing na isang engineering genius ang pagkakalikha nito ng mga katutubo na masasabing kahalintulad sa kasikatan at kagalingan sa mga Hanging Garden ng Middle East, sa Pyramid ng Ehipto, sa Great Wall ng China, at ang Angkor Wat ng Cambodia, ang Aztec Temple ng Mexico. Masasabing isang di mapasusubaliang sibilisasyong mayroon tayo sapagkat tunay na kakaiba na kahit sa kasalukuyang panahon ay di na natin matutumbasan ang Banawe Rice Terraces. 36.) Ngunit ano naman ang maipagmamalaki ng mga kapatid nating katutubong Dumagat na sapalagiang nakatago at nakasuksok sa mga liblib na kagubatan ng Sierra Madre na ang walang naiwang artifacts tulad inprastraktura o ng mga yaring kahoy na kabaun, plato o kayay mga patalim na yari sa asero? Halos walang naiwang ala-ala ang kanilang mga ninuno

sa kasalukuyang panahon na hinahanap natin. Ito ay sa dahilan na ang kanilang kulturang Dumagat o kalinangan ay pawing nabubulok o yari sa nalulusaw na bagay o biodegredable. Ang plato nila ay dahon, ang baso ay kawayan, ang pana ay yari lahat sa matitigas na kahoy ngunit nabubulok. Anu ba ang naiwang katibayan ng nauna nilang panahon? Wala silang batong bahay at maliliit na kwebang bato ang kanilang sinisilungan. Katulad ba sila ng mga mountaineers ngayon na mayroong pilosopiyang Leave no trace! (LNT)? 37.) Ayon sa mga katutubong matatanda na nakausap ko na aking inuusisa kung anu-ano nga ba ang naiwan sa kanila ng naunang panahon, Mayroon bang naiwan ang mga ninuno ninyo na silbing ala-ala at pamana? At sila ay pawang natahimik at mula sa pagkakayuko na nagiisip ng malalim ay sinilip at nilinga nila sa kanilang kapaligiran ang kabundukan at nawika nila na ang tanging nag-iisang naiwan sa kanila ng kanilang mga ninuno na pinakamahalaga at pinakabuod ng kanilang kalinangan o kultura ay ang SIERRA MADRE mismo. Tunay na maihahanay natin ang mga katutubong Dumagat ng mga naunang panahon na magagaling at mayroong pambihirang kalinangan dahilan sa inihandog sa ating lahat ang isang Sierra Madre na yari ng pagmamahal sa kalikasan ng mga katutubo. Isa itong ecological genius o isang henyong ekolohikal na kung saan ay pinakikinabangan nating lahat sa maraming naglalakihang watersheds, irrigations at dams na pinanggagalingan ng tubig na inumin at gamit pangsakahan. Dagdag pa rito na ang Sierra Madre ang pinaka-carbon sink o imbakan ng lason karbon na ibinubuga natin sa hangin. At marami pang kapakinabagan tulad ng yamang biodiversity na pinagmumula ng maraming gamut sa kasalukuyan. Salamat sa mga katutubong Dumagat sa kabila ng kawalan ng pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansang Pilipinas. Ang Pagdating ng mga Dayuhan (Austronesiano) ayon sa mga Dumagat 38.) At kung magbabalik tayo sa paghahanap ng kasaysayan ng mga Dumagat ay makasusumpong tayong kahit kaunting kaliwanagan sa kanilang paglalahad ng naunang panahon. Maganda na sana ang lahat ng ganitong sistema na balanse ang lahat ng bagay sa Sierra Madre na ginagalawan at iniikutan ng mga katutubo. Ngunit isang araw ay mayroong mga dumating na kakaibang lipi mula sa malayong lupain na kakaiba ang hitsura at pananalita. Itong mga Abyang o Unat (mga Austronesiano sa siyentipikong pag-aaral) ay nakiusap sa kanilang mga katutubo na manirahan sa kanilang tabi sa bukana ng mga nabuong kailugan sa bahaging kapatagan na parting ibaba ng Sierra Madre. 39.) At tulad din sa mga nangyayari ngayon sa kasalukuyan na nauulit lang ang mga pangyayari ay kusang umaalis ang mga katutubong Dumagat pabalik muli sa mga kabundukan at liblib na kagubatan ng Sierra Madre kung saan ay dama nila ang kaligtasan, kapayapaan at kaganapan ng kanilang pagkatao. Ito ay dahil hindi sila sanay na makisalamuha at makipamuhay sa mga bagong saltang mga Abyang o Unat na balang araw ay tatawaging mga Bulakenyo na maghahari at manunupil sa bahaging ito ng kalupaan ng mga katutubo at iba pang kanugnog lugar ng Sierra Madre. Sa kasamaang palad, kasalukuyang wala na halos aatrasan, pagtataguan o pag-iikutan ang mga katutubong

Dumagat dahilan sa wala na halos liblib na kagubatan na hindi pinasok ng mga iligalistang magtotroso na kumikitil ng mga kinakapatid nilang sina kakahuyan. 40.) Ganuon pa man para sa mga Katagalugan ay malawak pa naman ang kalupaan at kabundukan noong pre-historic ng Pilipinas. Sa pananaw ng mga Dumagat ang pre-historic na panahon ay tinatawag nilang naunang panahon samantlang itinuturing na lumang panahon ito ng mga Katagalugan. Sa naunang panahon ay natuklasan pa ng mga katutubo ang mga lugar na lumitaw noon at makarating sila sa mga bakood o mga matataas na lupain sa paanan ng Sierra Madre. Maraming bahagi na dati ng tinitirhan ng mga katutubong Dumagat na kakikitaan ng mga wikang katutubo na magpahanggang ngayon ay magpapatunay na minsan itoy kanilang naging pamayanan. Gayon din naman sa natuklasan ng mga kasulatan tulad ng LCI o ang Laguna Copperplate Inscription na nakasaad ang mga lugar na bakood na ginawang pamayanan ng mga naunang katutubong Dumagat na ninuno ng kasalukuyang henerasyon bilang orihinal na Bulakenyo kung wawariing tunay. 41.) Ang kanilang mayayamang bukana sa mga kailugan sa kapatagan ay kanilang nilisan sa kamay ng mga Abyang / Unat. Dito nila nakita kung paano mamuhay ang mga Unat na ginagawang mga bahay, bangka, kagamitan, at mga sandata ang mga kinakapatid nilang kakahuyan. Nilinis ng mga Unat ang kagubatan sa kapatagan. Ginawang palayan ang malawak na kapatagan. Hinuli ang mga maaamo nilang kahayupan. Binakuran ang mga ilog, buro at gulod ng budok at ginawang hangganan. Nag-iimbak sila ng pagkain sa pamamagitan ng pagtutuyo o pagdadaing sa mga ito at halos umilap at mauubos ang dating maamo at umaapaw na pagkain. Nagtaka ng lubusan ang kanilang mga ninunong Dumagat sa kakaibang pamumuhay ng mga dayuhang Abyang o Austronesiano batay sa talaan ng kasaysayan. Nakuntento na lamang ang mga Dumagat sa pagtanaw-tanaw mula sa malayong lugar kung ano ba ang pinaggaga-gawa ng mga Abyang o Unat na tila dumudurog ng kanilang Sierra Madre. Dito nagsimula ang walang katapusang banggaan ng kanluranin at silanganin kaisipan. Dito nagsimula ang maraming digmaan sa ngalan ng yaman at pagnanasa angkinin ang hindi kanya. Ang Pagdating ng mga Kastila ayon sa mga Dumagat 42.) Nasaksihan din ng mga Dumagat, ayon sa salaysay, ang pagdating ng iba pang mga dayo sa mga pampang ng mga kailugan. Ayon sa kanila silay higit na matataas, higit na mapuputi kumpara sa mga Abyang o Unat, mayrong ginintuang kulay ang mga buhok, at nababalutan ng tila matitigas na kasuotan ang kanilang mga katawan. Mayroon din ang mga bagong dayuhan na sandatang bumubuga ng apoy na `di nila mawari na sakay ng mas malaking bangka na tinatawag na barko na mas malaki lamang sa mga sampan ng mga Tsino na ayon sa salaysay ay binibisita tuwina ng mga Unat. Lalong natakot at naguluhan ang mga katutubong Dumagat sa naganap na digmaan sa magkabilang panig, kaya lalong nagpakalayu-layo ang mga katutubo pabalik sa Sierra Madre. Mas ninais pa nilang mamuhay ng tahimik at lumaban sa pamamagitan ng di-pakikipagkaisa /di-pakikilahok o noncooperation sapagkat hindi nila mawari at matanto ang mga gawaing mapamuksa ng mga

luma at bagong dayo sa kanilang Sierra Madre. Tila ang tinutukoy ng mga salaysay na ito ang pagdating ng mga Kastila na siyang namayani sa kapatagan sa mahabang panahon. Ang Pag-aaral pa sa mga Dumagat at sa Mahabe Pagotan 43.) Marami pang dapat pag-aralan sa mga Dumagat, mas lalong higit sa Sierra Madre. Malaking bahagi ng Sierra Madre at ng mga Dumagat ay nasa dakilang lalawigan ng Bulacan. Kayat mapalad ang makasaysayang Bulacan sapagkat hawak nito, `di lamang ang nasabing kabundukan, kundi ang napakayamang kwento na maaaring maiugnay sa pag-aaral ng kasaysayan ng lumang Bulacan o tamang sabihin na naunang panahon ng Bulakan sapagkat di nararapat tawagin na ang mga Dumagat ay makaluma at paatras ang pamumuhay. Nararapat lang na basahin at bigyan ng kaukulang interpretasyon ang kasaysayan batay sa kaisipan ng mga katutubong Dumagat na orihinal na Bulakenyo at hindi ng mga sumunod na lahi. 44.) Kung susumahin ay ang kasalukuyang panahon ang makaluma dahil hindi nakasunod ang mga nakakaraming Bulakenyo sa pangangalaga ng kalikasan ng Sierra Madre. Di tulad ng mga naunang katutubong Dumagat na mayroong mataas na kamalayan sa pakikipagniig sa kalikasan upang maihandog sa ating panahon ang yaman ng tubig na siyang bumubuhay hindi lamang sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga kundi higit sa lahat sa 97 porsyentong tubig na dinadala sa Manila mula Angat dam patungong Ipo hanggang makarating sa La Mesa watershed. 45.) Ano nga ba ang silbi ng makabagong sibilisasyon ng hinahangaang Kamaynilaan kung wala itong tubig na kailangan na nagmumula sa nakatagong sibilisasyong Bato sa Sare na makakalikasan at makakatutubo. Nawa sa maiksing pagpapahayag nitong damdamin ng mga katutubong Dumagat na ipinadaan lamang naman sa akin bilang isang lingkod na binigyan nila ng ngalang katutubo na Ilabe ay maipaabot ko sa inyo na mahalin natin ang Sierra Madre at sagipin ito sa patuloy na pagkawasak dulot ng walang habas na pagpuputol ng matatandang puno na kinakapatid ng mga Dumagat. At sa tulong ng Puong May-kapal si Makedepat ang lahat ng itoy `di masasayang dahilan na niniwala ako na marami pa rin sa mga Pilipino ngayon ang may malasakit para dito sa Mahabe Pagotan ang ating Sierra Madre. Mabuhay po kayo at mabuhay ang mga katutubong Dumagat. (Delivered on May 13, 2009 at Holy Angels University during the Pambansang Kumperensya ng Kasaysayan)

Iligal na PagtotrosoKasaysayan at Turo mula sa Indonesia


REVIEW ESSAY / OCTOBER 2002

Binabalikan sa papel na ito ang kasaysayan ng iligal na pagtotroso sa Indonesia at ang mga turo na maaaring mahalaw mula sa karanasang ito. Mula 1999-2000, inilinaw ng ilang mahahalagang ulat ang kahulugan ng iligal na pagtotroso sa Indonesia at hinarap ang lawak ng epekto nito sa kalikasan, pangangalaga sa likas na kayamanan, lipunan, at ekonomya. Ang ulat at video ng EIA-TELAPAK, The Final Cut, at ang sumunod pa ritong ulat ay nagtulak sa isang kampanyang internasyunal laban sa iligal na pagtotroso sa Indonesia na nagkaroon ng mahalagang resulta, kabilang ang muling pagsasaayos ng pamahalaang Indones sa log export ban ng 2002 at ang pagpapabilang ng isang nanganganib na species ng punong tropikal sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora, Appendix III (2001). Sinikap naman ng ibang mga ulat na kwantipikahin ang suliranin bagamat ang datos ay mga tantya lamang. Ayon sa Scotland et al. 1999, tinataya ang dami ng trosong nakuha sa iligal na paraan sa 57 milyon kubiko metriko noong 1998, may dagdag na 16 milyon kubiko metriko mula sa naunang taon. Tinataya naman sa Walton 2000 ang tantos ng pagkakalbo ng kagubatan (maaaring umaabot sa 2.7 milyong ektarya bawat taon) at ipinapalagay ang paglaho ng mga kagubatan sa kapatagan ng Sulawesi, Sumatra at Kalimantan sa loob ng darating na sampung taon. Kabilang sa mga epektong panlipunan at pang-ekonomya ay ang malaking pagkakautang ng mga industriyang gumagamit ng kahoy, opportunity losses na katumbas ng isang taong piskal na pagkakautang panlabas (may USD 6.0 bilyon), at ang malamang na pagtaas ng disempleyo (direkta at di-direktang makakaapekto sa 20 milyong tao) kung sakaling kitilin ng pamahalaan ang iligal na pagtotroso, bagay na maaaring magresulta sa kaguluhang panlipunan. Kabilang sa mga aral na halaw mula sa karanasan ng may-akda sa Kagawaran ng Kagubatan (1998-2001) ay ang sumusunod: Naging mas laganap ang iligal na pagtotroso sa mabilis na transisyon tungo sa demokratisasyon at desentralisasyon, bagay na nagtataas ng mga katanungan hinggil sa kasalukuyang antas ng ligal na pagkakahanda, personnel resources, at komunikasyon sa pagitan ng sentral at lokal na pamahalaan. Hindi kakaiba ang mga suliranin ng Indonesia kung kayat maaaring may matutunan din dito ang Tsina, Brazil, Rusya, at mga bansang Aprikano. Dagdag pa, ang iligal na pagtotroso ay hindi lamang nag-iisang problema kundi isang isyu kung saan maaaring makatulong ang konsolidasyon ng mga patakaran hinggil sa kagubatan at mga industriyang gumagamit ng kahoy. Bilang wakas, ang mga pananggalang ay mabilis na umunlad mula sa lokal na antas hanggang sa sentral at internasyunal na antas, kabilang ang pakikipagtulungan ng mga negosyante at ang epektibong paggamit ng kaalamang syentipiko sa pagbubuo ng mga patakaran. (Salin ni Sofia G. Guillermo)

Mga Bagong Direksyon sa Pag-aaral sa mgaRainforest ng Kanlurang Malesia


REVIEW ESSAY / OCTOBER 2002 Ang mga tropical rainforest sa Kanlurang Malesia (sa kanlurang bahagi ng Arkipelagong Malay) ay nasa sentro ng biodiversity sa mga ekosistemang terestyal ng Timog-silangang Asya. Ang mga mananaliksik na nagbibigay-pansin sa mga usapin ng yaman ng speciespinagmulan, mekanismo ng sama-samang pamumuhay, epekto sa mga prosesong ekolohikalay pumapabor sa mga kagubatan ng Kanlurang Malesia sapagkat mas madali itong marating kaysa sa Peruvian Amazon. Inilalarawan ng papel na ito ang kaugnayan ng mga bagong direksyon sa pananaliksik hinggil sa tropical rainforest sa mga nagbabagong balangkas pang-ekolohiya nitong nakaraang limampung taon. Kabilang dito ang mga relasyon sa pagitan ng kapaligiran at uri ng halaman at ang proseso ng pagkakasunod; mekanismo para sa pagpapanatili ng kumposisyon ng mgaspecies; ecosystem ecology na nakatuon sa pagdaloy ng mga materyal at

lakas;population ecology na tumatalakay sa pagkilos ng mga populasyon; at evolutionary ecology kung saan pinapagaralan kung bakit ang mga buhy na bagay ay mayroong mga takdang kagawian sa usaping historikal. Kamakailan, ang mga balangkas na ito ay ipinasok sa pag-aaral sa paglikha at pagpapanatili ng biodiversity at sa relasyon sa pagitan ng biodiversity at takbo ng ecosystem. Ang ekolohiya, bilang isa sa mga disiplina ng biolohiya, ay umunlad sa pamamagitan ng paghahain at pagsubok sa mga teorya sa loob ng mga balangkas na ito. Kasabay nito, ang ekolohiya ay isa ring field science. Kinakailangang makaambag ito sa pag-unawa (at, hanggat maaari, sa pagpapabuti) sa mga larangan kung saan nagsasagawa ngfieldwork. Halimbawa, ang mga bagong pag-aaral na nagpapakita kung paano naipapanatili ang kapaligiran ay isang ambag. Sa kabuuan, ang mga katanungang nilayong sagutin ng mga ekolohista sa loob ng ilang dekada ay nakakatulong sa pag-iintindi sa mga larangang ito, nagpapaibayo sa kagalingan, at nagpapayaman sa kalinangan sa pamamagitan ng muling pagbubuo sa malalim na relasyon sa pagitan ng tao at iba pang nabubuhay. (Salin ni Sofia G. Guillermo)

Community Forest at ang Rural na Lipunang Thai


REVIEW ESSAY / OCTOBER 2002 Anan Ganjanapan Local Control of Land and Forest: Cultural Dimensions of Resource Management in Northern Thailand (Lokal na kontrol sa lupa at kagubatan: Mga dimensyong kultural ng pangangasiwa sa likas na kayamanan sa Hilagang Thailand) Chiang Mai / Regional Center for Social Science and Sustainable Development, Faculty of Social Sciences, Chiang Mai University / 2000 Shigetomi Shinichi Tai noson no kaihatsu to jumin soshiki (Mga organisasyong pampamayanan para sa panlalawigang kaunlaran sa Thailand) Tokyo / The Institute of Developing Economies / 1996 English edition: Cooperation and Community in Rural Thailand: An Organizational Analysis of Participatory Rural Development Tokyo / The Institute of Developing Economies / 1998

Ang debate hinggil sa pangmatagalang gamit ng kagubatan sa Thailand ay nagsimulang uminit kamakailan dulot ng di-pagkakasundo ng Royal Forestry Department, mga NGO at mga lokal na pamayanan hinggil sa wastong paraan ng pangangalaga sa mga kagubatan. Ang mga batas na nakapaloob sa Community Forest Bill, na inihain noong simula ng dekada nobenta, ay hindi pa rin ipinatutupad hanggang sa kasalukuyan. Ang mga di-pagkakasundo ay pinasalimuot pa ng kapangyarihan ng tinawag ni John Embree na loosely structured at makadalawang-panig na katangian ng lipunang Thai.

Iginigiit ni Shigetomi Shinichi na hindi nilusaw ng pagdating ng kapitalismo ang pagkakaisang panlipunan, bagkus ay tinulungan pa nito ang transisyon mula sa makadalawang-panig na mga relasyon tungo sa kolektibong pagtutulungan bilang pag-aangkop sa market economy. Ang mga pamayanan sa Hilagang Thailand ay nagpaunlad ng mga organisasyon tulad ng mga grupo para sa pagpapalitan ng manggagawa, mga unyon para sa mga seremonya ng pagpapalibing, at mga paluwagan. Tinitignan niya ang mga hakbang na ito bilang patungo sa pagbubuo ng mga lokal na organisasyon na mangangasiwa sa yaman ng mga kagubatan sa ilalim ng mga programang ilulunsad ng pamahalaan at ng mga NGO. Binibigyang-pansin din niya na ang mga programang ito ay nagtagumpay sa mga lugar kung saan natural na lumitaw ang mga pamayanan sa paligid ng mga templong Buddhist o guardian rituals. Hindi na sa relihiyon kundi sa mga insentibong pang-ekonomya nakabase ang mga kolektibong organisasyon. Kabaligtaran naman nito ang iginigiit ni Anan Ganjapan: sinira ng pagpasok ng kapitalismo at ng mga regulasyong ligal at hinggil sa pagmamay-ari na itinaguyod ng modernong estado ang nagsasariling lipunang pesante na nakabase sa pagkakaisa ng angkan o pamayanan. Dahil dito, ang mga pagsusumikap na muling ibangon ang mga kagubatan sa mga pamayanan ay nangangailangan ng panunumbalik ng pamayanan at ng mga moral na pagpapahalaga nito. Iminumungkahi ni Anan na tignan ang karaniwang regulasyon ng lupa, kagubatan, at pamayanan hindi lamang sa usaping pang-ekonomya kundi sa kabuuan, bilang bahagi ng buhay ng pamayanan. Sinasabi rin niya na ang pangmatagalang gamit sa likas na kayamanan ay hindi maaasahan kung wala ang lubos na pagkilala sa kolektibong karapatan ng mga lokal na mamamayan na pangangalagaan ang kalikasan. Kung saan nakakakita si Shigetomi ng transisyon mula sa makadalawang-panig tungo sa pagtutulungang pampamayanan, nakakakita naman si Anan ng pagkakaisang pampamayanan na mahabang panahon nang nangangasiwa sa mga yamang komunal. Subalit binibigyang-pansin ng may-akda na ang mga tradisyong komunal ay hindi na laganap at ang mga pamayanan ay wala nang sapat na lakas upang mag-isang pangasiwaan ang mga likas na kayamanan. Lumilitaw sa sarili niyang pag-aaral, at gayundin sa kay Shigetomi, na ang matagumpay na organisasyong pampamayanan ay madalas na nakasalalay sa isang pinunong karismatiko na gagabay sa mga tao sa paggawa ng mga desisyon at pagresolba sa mga di-pagkakasundo. Mula rito, masasabing posible ang kumbinasyon ng pagkakaisang komunal at makadalawang-panig na relasyon. Bilang wakas, hindi kinakailangang mauwi sa tunggalian ang pagkakaroon ng mga ahente ng estado. Sa Hilagang-silangang Thailand, ang mga opisyal ay nakikipagtulungan sa mga aktibistang NGO at mga pinuno ng pamayanan bilang mga tagapamagitan sa relasyong estado-pamayanan at sa pagpapatupad ng wastong pangangalaga sa kagubatan. (Salin ni Sofia G. Guillermo)

May karapatang pantao nga ba ang mga Katutubo???


Saan na ba ang mga Katutubo ngayon? Karamihan sa mga katutubo ay nakaranas ng malupit at marahas na kahirapan dahil sadevelopment agression napumapasok sa mga teritoryo nga mga katutubo. Ang development agression na sinasabi na makatulong sa kaunlaran ng bansa ay nagdadala sa mga katutubotungo sa pagsira ng kani-kanilang mga kultura at paniniwala.Sapagkat dahil dito unti-unting nasisira ang kanilang mga likas na yaman

na nagbibgay lakas ngkanilang buhay. Ngunit dahil sa mga taong walang awang sumisira ng kanilang kayamanan o likas na yaman silay naging pangunahing grupo na nakatala na pinakamahirap na sector. Kahit ang mga katutubo ang tinaguriang pinakamayanan sa mga likas na yaman at kultura't tradisyon silay naging kaawaawa. Kung nuon ang mga katutubo ang nagmamay-ari at nangangalaga ng mga kalikasan ngayon saan na ba natin sila makikita? Paano ba natin masasabi na nagkaroon ng respeto ang mga Katutubo?. Kailan ba natin masasabi na silay nakakaranas ng sinasabi natin na karapatang pantao na gayon silay ay nakakaranas ng ibat-ibang talamak na pagyurak sa sarili nilang kultura? Masisi ba natin ang mga katutubo kung silay walang respeto at walang pagpapahalaga ng ating panggobyerno ngayon? Ang illegal logging ay naging dahilan kung bakit marami sa mga katutubo ang napaalis ng kanilang sariling lupa.Dahil sa developement agression tulad ng illigal logging naging malupit at mahirap ang buhay ng mga katutubo. Dahil dito marami sa kanila ang ating makikita sa mga hindi magagandang lugar dahil sa resulta ngillegal logging.At untiunti naring nawawala ang kultura at paniniwala nila na nuon itoy napkasagrado sa mga katutubo. Dahil sa hindi pagrespeto at walang pagpapahalaga ng ating panggobyerno ngayon at dahil din sa mga makasariling tao naging komplikado ang buhay ng mga katutubo sa ating bansa. Ngayon nasaan na ba ang karapatang pantao? Masasabi ba natin na ang development agression ay nakapagbibigay kaunlaran ng ating bansa na gayon maraming buhay ang nasisira? Ang develpoment agression ay para lamang sa mga makasariling tao na hindi iniisip ang epekto nito sa ibang tao. Tanging ilan lamang tao ang nakapag binipisyo ngunit marami ang naaapektohan. Paano natin masasabi na ang development agression ay makatulong sa kaunlaran ng ating bansa? Sana naman bigyan nating ng kahalagahan ang buhay ng mga Katutubong grupo upang sa gayon mapaunlad nila ang kanilang kultura at hindi tuluyang mawawala ang kanilang mga paniniwala na sa likas yaman lamang ito makikita at maisasagawa.

Mga Larawan Ng Ilegal Na Pagtotroso

You might also like