P. 1
Nasyonalismong Asyano

Nasyonalismong Asyano

5.0

|Views: 4,284|Likes:
Published by jenniaraute

More info:

Published by: jenniaraute on Jun 13, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/08/2013

pdf

text

original

Aralin 24 – Nasyonalismong Asyano Pangunahing naging reaksyon ng mga Asyano sa imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin ang pagkabuo ng kanilang nasyonalismo

laban sa mga banyaga. Ang nasyonalismo ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan. Ito din ay ang pagkatanto ng tao na mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa mga manlulupig/mananakop. Ito din ay ang kamalayan ng isang lahi na sila ay may iisang wika, kasaysayan at pagpapahalaga. Silangang Asya: Maigting at malawak ang imperyalismong pinamalas ng mga Kanluranin sa mga bansa ng Silangang Asya. Ang mga bansang ito ay ang China at Japan. Hinati-hati ang China sa spheres of influence at ang Japan naman ay napilitang lagdaan ang Kasunduan sa Kanagawa sa takot na mangyari sa kanya ang tulad ng sa China. China Mayroong dalawang rebelyon na naganap sa China laban sa mga Kanluranin. Ito ay ang Rebelyong Taiping at ang Rebelyong Boxer. 1. Rebelyong Taiping • Ito ay paghihimagsik noong 1850 laban sa mga Manchu. Ito ay pinangunahan ni Hung Hsiu ch’uan na nagnais na iluklok ang sarili bilang emperador ng bagong dinastiya na tinawag niyang T’ai P’ing o Great Peace. Ang rebelyong ito ay may impluwensyang Kanluranin dahil na rin sa pagnanais ng mga kasapi nito na baguhin ang tradisyunal na lipunang Tsino. Isang civil war sa katimugang bahagi ng China mula 1850-1864. Si Hung Hsiu ch’uan ay isang Christian convert at di sang-ayon sa pamumuno ng mga Manchu sa panahon ng dinastiyang Qing. Sinubukan niyang alisin ang mga pilosopiyang umiiral noon tulad ng Confucianism at Budismo at palitan ang mga ito ng Kristiyanismo. Ang rebelyong ito ay sama-samang ginapi ng pamahalaang Manchu, Pranses at mga Ingles.

2. Rebelyong Boxer • • • • • Naganap noong 1900 (1898-1901). Tinuring din itong proto-nationalist movement. Sinuportahan nito ang pamahalaang Manchu at sabay na nilabanan ang mga Kanluranin. Ito ay isang pagkilos laban sa spheres of influence at unequal treaties na nagpahirap sa maraming mga Tsino. Kilala ang mga Boxers sa masang Tsino. Sila ay binubuo ng mga peasants o magbubukid na tinawag an I-Ho ch’uan (righteous and harmonious fists). Sila ay may kasanayan sa mga gymnastic exercises at calisthenics na pinaniniwalaan nilang magbibigay sa kanila ng espiritu o abilidad na hindi matamaan ng mga bala ng baril. Pumatay sila ng maraming Kristiyano at mga misyonerong Kanluranin. Ninais nilang mapaalis ang mga Kanluraning bansa sa China. Nasupil sila ng pinagsama-samang pwersa ng mga Europeo: America, Great Britain, Russia, France, Italya at Japan upang protektahan ang kanilang mga interes.

Sa pagpasok ng ika-20 siglo, dalawang magkaibang ideolohiya ang naging popular sa China. Ang mga ito ay ang demokrasya at komunismo.

1. Demokrasya sa China • • Ito ay pinamunuan ni Sun Yat Sen na siyang pangunahing nagsulong ng demokrasya at republikanismo sa China. Siya ang tinaguriang Ama ng Republikang Tsina. Naniniwala siya na ang pagkakaisa ng mga Tsino sa harap ng mga suliranin ang siyang instrumento ng China laban sa imperyalismong kanluranin. Mahalaga sa kanya ang pantay-pantay na pag-aari ng lupa at regulasyon ng puhunan. Hindi siya naniniwala na kailangan magkaroon ng class struggle upang makamit ang kaunlaran. Ang mga alitan ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagkakasundo at konsiliasyon. Siya ay kilala sa tatlong prinsipyo (Three Principles of the People/San-min Doctrine): nasyonalismo, demokrasya, at kabuhayang pantao. Naitatag ang republika ng China noong Oktubre 10, 1911. Itinatag ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912.

• • •

Three Principles of the People/San-Min Doctrine 1. Mínzú • • • nangangahulugang “people’s relation” o “government of the people” o nasyonalismo. Naniniwala si Sun Yat Sen na ang tunay na nasyonalismo ay ang pagkamit ng kalayaan sa mula sa kamay ng mga kanluraning bansa. Ito rin ay maisasalin sa salitang mamamayan, o lahi, na ang ibig sabihin ay iisa ang kanilang kabuhayan, pamumuhay, relihiyon, at wika.

2. Mínquán • • • • “people’s power”, government by the people; demokrasya. Ang istilo ng pamahalaang Kanluranin ay iniangkop sa mga Tsino kung saan ang kapangyarihan ng gobyerno ay nahahati sa 2 uri: pulitika (politics) at governance. Politics – powers of the people to express their political wishes and concerns. Governance – powers of the administrators to implement laws and regulations for the of the people.

benefit

3. Mínshēng • • people’s livelihood; people’s welfare; government for the people o Kabuhayang pantao to ay nahahati 4 na bahagi: pagkain, pananamit, tirahan, transportasyon

2. Komunismo sa China • • • • Nagkaroon ng mga talakayang grupo tungkol sa Marxism noong 1918. Ito ay isang ideolohiyang komunismo na galing sa Russia na naniniwala sa tunggalian ng mga uri. Si Mao Ze Dong ay isa sa mga Tsinong nagtatag ng Partido Komunista noong 1921. Naipalaganap ang kaisipang komunismo sa mga opisyal ng pamahalaan at mga intelektwal.

Sa paglakas ng kilusang komunista, ipinagbawal ito ni Chiang Kai Shek upang maalagaan ang pinamumunuan niyang pamahalaan.

Mao Ze Dong • • • • Sa paglunsad ng kampanya laban sa mga komunista sa ilalim ni Chiang Kai Shek, napilitang tumakas si Mao Ze Dong patungong Kiansi. Ang pagtakas niya kasama ang ilan pang mga komunista ay tinawag na Long March. Nagwagi ang mga komunista at naitatag ang People’s Republic of China noong Oktubre 1, 1949 sa ilalim ng kanyang pamumuno. Si Chiang Kai Shek ay nagtungong Taiwan at doon ay nagtatag ng pamahalaang nasyonalista na tinawag namang Republic of China.

Japan Dalawang yugto ang pagpasok ng mga Kanluranin sa Japan: Panahon ng Shogunatong Tokugawa at Meiji Restoration. 1. Panahon ng Shogunatong Tokugawa • • • • • Hindi sang-ayon ang Shogunato sa pagpasok ng mga misyonerong Kanluranin sa China. Tinutulan nila ang maaaring maging epekto ng Kristiyanismo sa lipunan at kulturang Hapon. Nagpasa ng kautusan si Shogun Ieyasu na ipapatay ang mga misyonerong Español na nagmula pa sa Pilipinas Sakoku – pagsasara ng daungan at kalakalan sa mga Kanluranin Natapos din ang sakoku sa pamumuno ni Perry sa Kasunduang Kanagawa noong 1853.

2. Meiji Restoration • • • • • • • • • • • Sa muling pagpasok ng mga Kanluranin sa Japan noong 1853, bumagsak ang pamahalaang Shogunato at ito ay bumalik sa imperyalismo. Naluklok si Mutsuhito bilang emperador sa edad na 14. Naging positibo ang reaksyon sa Kristiyanismo at sumailalim ang bansa sa modernisasyon. Iniangkop ng Japan ang impluwensyang Kanluranin sa lipunan at kulturang Hapon. Nagkaroon ng reorganisasyon ang pamahalaan batay sa 1889 Konstitusyon na ang modelo ay ang Saligang Batas ng Germany. Pinalakas ang hukbong militar at hukbong pandagat Pinalakas ang mga institusyon ng pamahalaan Nag-imbita ng mga intelektwal at iskolar ang Japan mula sa mga Kanluraning bansa Nag-aral ang mga Hapones sa Europa Pinayagan ang paglaganap ng Kristiyanismo at iba pang relihiyon Modernisasyon at westernisasyon

Timog Asya Mas nakilala ang mga Indians sa mapayapang paraan ng kanilang pagpapakita ng nasyonalismo sa Timog

Asya. Kilala dito si Mohandas Gandhi at ang ahimsa (nonviolence). Makikita din sa India ang sigalot etniko sa pagitan ng mga mamamayang iba’t iba ang relihiyon, tulad ng nangyari sa India at Pakistan. Ngunit ang mga relihiyong ito ay masasabi nating batayan ng nasyonalismong nabuo sa Timog Asya. • • Malalim ang galit ng mga Indian sa English dahil sa malaking pagkakaiba ng dalawa sa lahi, kulay, kaugalian, at relihiyon. Ito ay naging isang malaking isyu sa pagitan ng Indian at English kung kaya ay di sila magkaunawaan.

Mga sanhi: 1. Pagpapatupad ng mga patakarang pampulitika, pang-ekonomiya, at panlipunan na hindi katanggaptanggap sa mga Indian (Hal. Suttee o sati, female infanticide) 2. Pagpapatupad ng mga patakaran ng racial discrimination o pagtatangi ng lahi (Hal. Ang mga puti lamang ang nabibigyan ng pwesto sa matataas na posisyon sa pamahalaan) 3. Amritsar Massacre • • naganap noong Abril 13, 1919. namaril ang mga English ng mga Indian sa isang pagtitipon kung saan 400 ang namatay at 1,200 ang nasugatan.

4.

Sepoy Mutiny – ang rebelyon na ito ay dahil sa paglalagay ng langis ng hayop sa cartridge ng mga riple na ginagamit ng mga Indians.

Mga Relihiyon sa Timog Asya 1. Hinduismo 2. Islam Kapwa sila bumuo ng sariling samahan na naglalayong ipamalas ang kanilang kagustuhang makaalis sa kamay ng mga Kanluraning mananakop. Ito ay ang Indian National Congress at Muslim League. 1. Indian National Congress • • Pinangunahan ni Alan Hume, isang Ingles, noong 1884-1885. Ito ay binubuo ng mga propesyonal na Hindu na ang layunin ay makuha ang kalayaan ng India.

2. • •

Muslim League Itinatag noong 1905 sa ilalim ng pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah. Ito ay binubuo ng mga Muslim na Indian na ang layunin ay magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.

Mohandas Ganhi • Kilala sa tawag na Mahatma, si Gandhi ay nagpamalas ng kanyang nais na paglaya ng India sa pamamagitan ng ahimsa.

• • • •

Ang ahimsa ay galing sa relihiyong Jainism na ang ibig sabihin ay hindi paggamit ng dahas o non violence. Siya ang naging gabay at inspirasyon ng maraming Indian sa kanilang pagpapakita ng pagnanais na lumaya sa Ingles. Siya ay tinawag na Mahatma (great soul) Siya ay namatay noong Enero 30, 1948. Binaril siya ng isang panatikong Hindu.

Kalayaan mula sa mga Ingles • • Natamo ng mga Hindu ang kalayaan ng ideklara ng mga Ingles ang Republika ng India noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru. Ang Pakistan ay naitatag at binigyang kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah.

Kanlurang Asya • • • • • • • • • • • • • • • • Huli ang mga bansa dito na nakaranas ng imperyalismong Kanluranin. Mula 1453-1918 ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga Ottoman Turks Kanlurang Asya. Bumagsak ang imperyong Ottoman pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Itinatag ang mandate system at imperial trusteeship Nakuha ng mga Ingles ang mandato ng Iraq, Palestine, at Transjordan Nakuha ng mga Pranses ang mandato ng Lebanon at Syria. Naitatag ang malayang pamahalaan ng Kuwait noong 1759. Nakuha ng Lebanon at Egypt ang kanilang kalayaan noong 1770. Mula 1894-97, nagtangkang magtatag ng malayang estado ang mga Armenian kahit na sila ay pinigilan ng mga Turk Ika-20 siglo ay humiwalay ang Lebanon sa Syria at naging isang republika noong 1926; ngunit ito ay nanatiling mandato ng mga Pranses. Umalis ang mga French noong 1946 sa Lebanon at Syria. Naging monarkiya ang Iraq noong 1932 pagkatapos maging protektorado ng mga Ingles. Ang mga Jew/Israelite ay dumanas ng hirap sa tinatawag na Holocaust sa Europa. Sistematiko at malawakan ang pagpatay sa mga Jew ng mga Nazi German Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay muling itinatag ang Israel at sinikap ng mga Jew na muling buhayin ang kanilang kultura at wika. Naitatag ang Republika ng Israel noong 1948 sa kabila ng pagtutol ng maraming bansang Muslim sa Kanlurang Asya.

Timog-Silangang Asya Dalawa ang uri ng nasyonalismo na nabuo sa rehiyong ito: 1) marahas at tahasan, at 2) diplomatiko at banayad/mapayapa. Ilan sa mga paraan ng marahas na uri ay pag-aalsa at rebolusyon laban sa mga mananakop tulad ng ginawa sa Pilipinas, Vietnam at Indonesia; samantalang ipinamalas naman ng Thailand at Singapore ang mapayapang paraan. Pilipinas • Nabuo ang 2 uri ng nasyonalismo tulad ng unang nabanggit.

• •

Ang pagtitipon ng mga Pilipino sa ilalim ng isang gobyerno ay nakatulong sa mga Espanyol na mas mapadali ang pagpapatupad ng kanilang mga batas at patakaran. Ang marahas na paraan ay makikita natin sa mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol tulad ng ginawa ni Diego Silang at Francisco Dagohoy, at pagtatag ng isang rebolusyonaryong samahang Katipunan na pinangunahan ni Andres Bonifacio. Ang mga dahilan ng pag-aalsa ay dahil sa mga hindi makatuwirang pagpapairal ng mga batas sa buwis, paggawa, at pagtatangi ng lahi. Maiibilang ang Kilusang Propagandista sa paraang diplomatiko at payapa dahil sa paraan ng kanilang pagpapakita ng mga gustong pagbabago sa lipunang Pilipino: ang La Solidaridad. Pinangunahan ito ng mga ilustradong nakapag-aral sa Espanya tulad nina Jose Rizal at Marcelo del Pilar. Ang mga probisyong hiningi ng mga Propagandista ay kalayaan sa pagsusulat at pamamahayag, representasyon sa Cortes, pantay-pantay na karapatan ng mga Pilipino at Espanyol, at sekularisasyon ng mga pari. Mahalagang banggitin na ang nais ng mga ilustradong manunulat ay maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, at hindi maging ganap na malaya sa pamamahala ng mga Espanyol. Hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda kaya naman nabuo ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892 sa ilalim ni Andres Bonifacio, na ang layunin ay makuha ang kasarinlan at kalayaan ng bansa mula sa mga Espanyol. Naganap ang Rebolusyong 1896 at idineklara ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Aguinaldo. Itinuring itong unang republika sa Asya Hindi nagtagal ang Republika ng Pilipinas dahil sa pagsakop ng US sa bansa. Kaiba sa mga naging paraan ng paghingi ng kalayaan sa Espanya, mapayapa ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga misyon na layong humingi ng batas para sa bansa,

• •

• • •

Thailand • Nakaligtas ang bansa sa kolonisasyon dahil sa husay sa diplomasya at pakikipag-usap sa mga bansang France at England. Masasabing buo ang nasyonalismo ng bansa sa panahong ito.

Malaysia at Burma • Nakamit nila ang kalayaan mula sa England gamit ang mapayapang paraan. Nakamit lamang nila ang kalayaan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Indonesia • • • Binuo ang Budi Otomo, isang samahang makabayan noong 1908. 1919 itinatag ang Partido Nasyonalista sa Indonesia ni Sukarno. Nakamit ang kalayaan mula sa mga Dutch nang magsagawa ng isang madugong rebolusyon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Vietnam

• • •

Nakidigma ang mga mamamayan laban sa France para makamit ang kanilang kalayaan. Nahati ang Vietnam sa dalawang bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig – Hilagang Vietnam (sosyalismo at komunismo) at Timog Vietnam (demokratiko) Naganap ang Vietnam War sa pagitan ng Vietnam at US, kung saan natalo ang huli. Tuluyang iniwan ng US ang Vietnam noong 1975 at muling nabuo ang nagkahiwalay na bansa.

Hilagang Asya Mongolia • Ang nasyonalismo ng mga Mongol ay tinuturing na mabangis dahil sa uri ng lupain –taiga, tundra, steppe- na kanilang tinirhan. Hindi mainam ang lupa para sa pagsasaka kaya naman nagpastol ang mga Mongol, na hindi sapat upang sila ay umunlad. Ang kakulangan sa mga pang-araw araw na kailangan ang nagtulak sa mga Mongol na manakop ng mga karatig na rehiyon tulad ng Silangang Asya at Timog Asya. Nagkaisa ang mga Mongol sa panahon ng pamumuno ni Genghis Khan. Nang bumagsak ang imperyong Mongol, hindi na ito muling naibalik. Nauwi ito sa pagkakawatak-watak ng mga republikang natatag sa Hilagang Asya. Pan-Mongolism – popular na prinsipyo sa mga Mongol na ang ibig sabihin ay isang matatag at nagkakaisang lahing Mongol. Ang pagkabihani ng mga Mongol sa prinsipyong ito ay nagpapakita ng kagustuhan nilang muling magkaisa.

• •

Paglalagom • Ang pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya ay makikita sa iba’t ibang paraan o manipestasyon. Ang pagsibol ng damdaming makabayan sa bawat bansa ay may pinaghuhugutang batayan na maaaring mula sa relihiyon o sa mga pagbabagong dulot ng mga Kanluranin. Nasyonalismo ang naging pangunahing reaksyon ng mga Asyano sa imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin. Ideolohikal ang naging batayan ng nasyonalismo sa China. Nabuo ang dalawang magkasalungat na kilusan: ang demokrasya at komunismo. Modernisasyon ang naging reaksyon ng mga Hapones. Naging sandata nila ang impluwensyang Kanluranin at iniangkop ang kanilang kultura at lipunan. Relihiyon ang batayan ng nasyonalismo sa India. Naitatag ang isang estadong Hindu at isang estadong Muslim sa Pakistan. Iba’t iba ang paraan ng mga taga-Timog Silangang Asya sa pagpapamalas ng kanilang damdaming makabansa, tulad ng rebolusyon at pag-aalsa, at sa tahimik na pamamaraan. Napasailalim ang Kanlurang Asya sa sistemang mandato ng imperyalismong Kanluranin. Matahimik ang paraan na kanilang ginamit para ipakita ang kanilang nais na lumaya. Ang rurok ng nasyonalismo ng mga Mongol ay naganap sa panahon ni Genghis Khan. Kung saan mula dito ay umusbong ang Pan-Mongolism noong ika-20 na siglo.

• • • • • • •

Sanggunian: Camagay, Ma. Luisa et. al.(2007). Kabihasnang Asyano: Kasaysayan at Kultura. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->