You are on page 1of 88

8.

isahan ang si ako siya mabait mag-ina

maramihan mga sina kami sila mababait mag-iina

9. Pagbabagong morpoponemiko ASIMILASYON Pang Hal. Pan Hal. Pam Hal. p, b pang Pang + bansa = + panitikan = pambansa pampanitikam k, g, h, ng, m, n, w, y at a, e, i, o, u pang pang d, l, r, s, t pang pang + lipunan + daliri = = panlipunan pandaliri + + kasal ulam = = pangkasal pang-ulam

10. Aspeto / Banghay ng Pandiwa Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap Hal. Lumakad Naganap na Nagaganap Magaganap Lumalakad Perpektibo Katatapos Imperpektibo pa lamang Kontemplatibo Lalakad Kalalakad

11. Kapag ang dalawang katinig ay digrapo dalawang katinig na may iisang tunog tulad ng sh sy at ch - ts, karaniwang inuulit ang digrapo at unang patinig ng salitang-ugat

hal. magtsetsek, magsha-shopping iba at iba ibat iba 13. Gumagamit ng gitling sa salitang inuulit kung may kahulugan ang salitang-ugat hal. araw-araw,

gabi-gabi

kapag pangngalang pantangi ang salitang-ugat hal. pa-Luneta, maka-Nora

kapag ang s.u. ay hiniram nang walang binabago sa baybay nito hal. magpa-computer, ipa-microfilm

kapag nagtatapos sa g ang panlapi at nagsisimula sa patinig ang salitang-ugat hal. nag-alis - (nagalis), nag-isa (nagisa)

kapag may panlaping de/di sa unahan ng pangungusap hal. de-kolor, de-kahon di-mapakali

Mga salitang walang gitling gamugamo, bahaghari, kapitbahay, paruparo, sapinsapin, ngalangala

14. WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Pinto
ang bahagi ng gusali o bahay na siyang isinasara at ibinubukas

Pintuan
ang bahaging kinalalagyang ng pinto at siyang dinaraanan

Kong

Kung

panghalip na panao ko

(if) ginagamit sa pangatnig na panubali at sa hugnayang pangungusap

Walisan
tumutukoy sa lugar

Walisin
tanggalan ng dumi

Sundin
pagsunod ng payo ng magulang, kaibigan, o kapita-pitagang tao (advices)

Sundan
pagsunod o paggaya sa halimbawang ipinakita. Ito ay nangangahuluga ng tatahakin ang landas ng isang ginagaya o modelo. (idolized, footstep)

Tungtong
Kawali panakip sa palayok

Tuntong
gawa ng yapak

Tunton
bakasin o hanapin ang bakas

Sumakay
pandiwang katawanin

Magsakay
pandiwang palipat maglagay

Hagdan
ito ang mga baytang na inaakyatan at

Hagdanan
ito ang bahagi ng bahay na kinalalagyan ng

binababaan sa bahay.

hagdan.

Pakiusap
ginagamit kung pangngalan

Ipakiusap

Pakiusapan
taong nilalapitan o hinihingan Hal. Pakiusapan mo ang ating pangalawang pangulo na tayo ay hayaang magkaroon ng lakbay-aral.

Hal. Ang pakiusap ng Ina ay dininig ng guro.

ang ibig tukuyin ay bagay, gawain, tungkulin, pahintulot, at iba pa. Hal. Ipakiusap mo sa kanya na limutin na ang nakaraan

Napakasal
pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan dalawang taong humaharap sa dambana Hal. Napakasal na ang magkasintahang sina Luis at Jane.

Nagpakasal
tumutukoy sa isang taong siyang namahala sa kasal ng isang lalaki o babae. Hal. Nagpakasal si Aling Sidra ng kanyang utusan at siya ang nagbabayad ng lahat ng gastos.

Alisan
tanggalan ng bahagi

Alisin
ialis sa kinalalagyan

Pahirin
(wipe off) tanggalan

Pahiran
(to aply) lagyan

May
kung ang kasunod ay: pangngalan (May taong nakaupo...), pang-uri, (May bagong sapatos..),

Mayroon
panagot sa tanong,(May natira pa bang ulam? Mayroon pa)

patalinghaga (Ang mga Ramos ay mayroon sa kanilang bayan)

pandiwa (May darating na ..) , pantukoy na mga (May mga panauhing.),

pang-ukol na sa (May sa pusa ang taong iyan)

at kung ang kasunod ay mga kataga : pala, daw, raw, ba, na, kaya, sana, din, rin, pa, atbp.)

at panghalip na paari ( May kanila silang hacienda)

Operahin
ang tiyak na bahagi ng katawan na tinitistis

Operahan
tumutukoy sa taong ooperahan

Sina

Sila

panandang kayarian o pangukol sa pangngalan ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan na tinutukoy sa pangungusap

ginagamit bilang panghalip na panao

Subukin
ginagamit sa pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kahalagahan ng isang bagay

Subukan
tumutukoy sa pagsubok sa tao at sa kanyang kakayahan

Iwan
(to leave something) huwag isama o dalhin

Iwanan
(to leave something to somebody) iwanan ng isang bagay

Hanapin
ginagamit kung nais Makita ang bagay, tao o lugar

Hanapan
ginagamit kung nais nakita o makuha sa isang tao o mga tao

Daw / Din

Raw / Rin

kung nagtatapos sa katinig Hal. Lahat daw ay masaya sa party

kung nagtatapos sa patinig at malapatinig Hal, Ikaw raw ang may kasalanan. Siya raw ang may sala

Nang = when
(when) kapag sinusundan ng panghalip, (Nang siya ay dumating, kaaalis mo lang)

Ng = of
kapag sinusundan ng pangngalan

(so that / in order to) Magreview kayo nang pumasa sa Board Exam pandiwa (Nakapagtrabaho siya sa City Hall gawa nang malakas siya sa Mayor)

Lumala ang pagbagsak ng ekonomiya nang maghasik ng kaguluhan ang mga terorista

Ibili mo ako ng alak

o dalawang salitang pandiwa na inuulit (Iyak nang iyak ang bata),

pang-uri (Tumakbo siya nang mabilis sa saan.) Ilegal siyang nanirahan

sa bansang iyon nang tatlong taon. pang-abay (Umalis siya nang walang paalam)

18.

Malaking titik ang ginagamit kapag sinusundan ng pangngalang pantangi Hal. Tita Ana, Ginang Ramos, Pangulong Arroyo - buo ang salitang pangulo kung apelyido lamang ang babanggitin Pang. Gloria Macapagal Arroyo dinadaglat ang pangulo kapag buo ang pangalan

Binabaybay nang buo ang bilang kapag nasa unahan ng pangungusap Hal. Dalawang Atis ang kinain niya. at binabaybay rin nang buo ang bilang mula isa hanggang siyam Hal. Kumuha si Fe ng isang paris ng tsinelas. Bigyan mo siya ng sampung piso.

at numeral kapag 10 pataas Hal. Dumating ang mag-asawa mga ika -11 ng umaga Pasawikaing pagpapahayag / Idyoma

sawikain idyoma idyomatikong pahayag mga di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag ng gusting sabihin na may kahulugang patalinghaga mga pariralang hindi tuwirang tumutukoy o sadyang lumulihis sa kahulugan halimbawa o ahas taksil o alog na ang baba matanda na o balitang kutsero tsismis, hindi totoo o di-makabasag ng pinggan mahinhin kumilos o balat-sibuyas maramdamin o magsunog ng kilay mag-aral na mabuti o may gatas pa sa labi bata pa o itim na tupa masamang anak o kapit-tuko mahigpit ang kapit o ilista sa tubig kalimutan o nagbibilang ng poste walang trabaho o makapal ang muka di-marunong mahiya o malikot ang kamay magnanakaw o nagbubuhat ng sariling bangko - pinupuri ang sarili o patabaing baboy taong tamad o sang-sangang dila sinungaling o nagpuputok ang butse galit na galit o kaututang dila pinagsasabihan ng lihim o kahiramang suklay malapit na kaibigan o balimbing dalawang mukha doble kara

32. Melodrama maraming malungkot na pangyayari Parsa kilos at pananalita ng tauhan o pangyayari (three stogees)

Saynete may tau-tauhang gumaganap at nasa likod ng talon ang nagsasalita Sarsuwela awitan at sayawan Trahedya humahantong sa kapahamakan ang pangunahing tauhan

35.

Ponolohiya (palatunugan) makaagham na pag-aaral ng mga tunog Ponema pinakamaliit na yunit ngunit may kahulugang tunog sa isang wika
o Hal. Maganda

Morpolohiya makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makahulugang unit ng salita Morpema pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan
o Hal. Maganda

Sintaksis (palaugnayan) makaagham na pag-aaral ng mga sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap Diskors makahulugang palitan ng mga pangungusap ng 2 o higit pang tao Diyalekto rehiyunal na diyalekto, baryasyon batay sa taong gumagamit

37. Ang walong (8) Pangunahing wika sa Pilipinas Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Bikolano, Ilokano, Waray,

Kapampangan, Pangasinense, o (Maranao, Tausug, Maguindanao) 48. Pokus ang tawag sa relasyonng pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng panlapi 58.

Kawikaan isang tuntunin o kautusang kinilala at pinagtibay ng karanasan madalas ay sa biblia nakukuha, kalipunan ng mga turong pangmoral at panrelihiyon at karamihan ay tumatalakay sa mga praktikal na bagay sa buhay Hal. 1. Pagkataas-taas man ng lipad, siyang lagapak kung bumagsak. 2. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.

Kasabihan ayon kay Jose Villa Panganiban, ay mga salitang bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin ay Mother Goose o Nursery Rhymes, tulang pambata o tulang walang diwa o tugmang mababaw ang isinasaad na kahulugan Hal. 1. Kuwarta na naging bato pa. 2. Pili nang pili sa bungi nauwi. 3. Ang naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.

Salawikain - (proverbs) pangungusap na hitik sa gintong aral, nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal, nagtataglay ng mas malalim na kahulugan o matalinghaga, ito ay may sukat at tugma Hal. Aanhin ko ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago. Ang hindi lumungon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.

Sabi-sabi tulad ng sawikain, itoy nagbibigay-aral din, lamang ay hindi matalinghaga

Sawikain mga salitang patambis, idiomatic expression- isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob Hal . balat-sibuyas nagbibilang ng poste maramdamin naghahanap ng trabaho

59. Epiko ng : Ifugaw - Hudhud Bikol Ibalon Bisaya Maragtas, Haraya, Lagda, Hari sa Bukid Tagalog Kumintang Moro / Mudlim Bantugan, Indrapatra at Sulayman, Darangan Iloko Biag ni Lam-ang

Tanaga tulang iisahing saknong ng mga Pilipino, may 7 pantig bawat taludtod at may 4 na taludtod na puno ng talinghaga. Ang tugmaan ay maaring AAAA, ABAB o AABB Ang klase pagmarunong Natututo ang guro Kung wala namang balon Nag-iisip ang puso

Hal.

Haiku tulang Hapones na binubuo ng 17 pantig na nahahati sa 3 taludtod (5,7,5) karaniwang mababaw ang mensahe ngunit pinag-iisip sa kahulugan ang mambabasa

Hal. Tao Hindi raw araw Ang mabuti o masama Ang tao lamang

Pantun - Tulang sinasabing pinakapalasak na dala ng mga Malayo na may apat na taludtod lamang na ang tugmaan ay ABAB

Hal. Huwag Akong Pahirapan Anong saysay ilaw ay sindihan Kung walang mitsa Anong saysay mata ay kislapan Kung walang pagsinta

PONOLOHIYA (Palatunugan)
ponolohiya (palatunugan) - pag-aaral ng mga makabuluhang tunog. Ang tunog na nagbibigay kahulugan sapagkat dito matutunan ang tamang bigkas ng mga ponema.

I. PONEMANG SEGMENTAL Ang ponema o ponemang segmental ay ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog. Hal. t e l a - damit o kasuotan t i l a - parang o animo. May tatlong salik ng pananalita: ang enerhya, artikulador at resonador. Enerhiya hanging lumalabas sa bibig na nanggagaling sa ating baga. Artikulador pinagagalaw ng enerhiya tulad ng titilaukan Resonador - ang tunog na nililikha ng pagkatal na ito ay minomodipika ng mga resonador. - dila at panga, ngipin at labi, matigas na ngalangala at malambot na ngalangala. Ang ponemang Filipino ay may 21 ponema. 16 na ponemang katinig - impit na tunog o glotal (?), ang tunog na ginagawa sa pagsasara ng glottis. Ito ay walang katumbas na titik ngunit kumakatawan sa anyong pasalita o pabigkas 5 na ponemang patinig.

Mga Ponemang Katinig sa Filipino


PUNTO NG ARTIKULASYON (point of articulation)

PARAAN NG ARTIKULASYON (manner of

articulation)

Panlabi (bilabial) p b

Pangipin Panggilagid (dental) (alveolar) t d

Palatal

Velar k g

Impit (Glottal) ?

Pasara w.t. m.t. Pailong m.t. Pasutsot w.t. Pagilid m.t. Pakatal m.t. Malapatinig m.t.

n s l r y

* m.t. = may tinig (voiced) w.t. = walang tinig (voiceless)

Punto ng Artikulasyon
Ito ay tumutukoy kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagbigkas ng bawat ponemang katinig. 1. Panlabi 2. Pangipin 3. 4. 5. 6. - ito ay tunog na ginagawa nang nakasara ang bibig. - kapag ang dulo ng dila ay tumatama sa likod ng ngipin sa itaas. Panggilagid - ang itaas ng dulong dila ay tumatama sa punong gilagid. Palatal - kung ang dila ay lumalapit sa matigas na bahagi ng ngalangala. Velar - kapag ang dila ay lumalapit sa malambot na ngalangala. Glottal - ang mga babagtingang tinig ay lumalapit upang harangin ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit na tunog.

Paraan ng Artikulasyon
Ito ay naglalarawan kung paano lumalabas ang hininga (sa bibig o ilong) sa pagbigkas ng bawat ponemang katinig. 1. Pasara 2. Pailong - kapag ang hangin ay harang na harang. - ang bibig ay nakasara upang ang hangin ay lumabas sa ilong.

3. Pasutsot pagitan 4. Pagilid 5. Pakatal sapamamagitan 6. Malapatinig

- ang hangin ay lumalabas o dumaraan sa makipot na ng dila at ngalangala. - ang hangin ay lumalabas o dumaraan sa gilid ng dila. - kung ang hangin ay hinaharang at pinapalabas ng ilang beses na pagpalag ng nakaarkong dila. - ito ay paggalaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon.

Mga Ponemang Patinig sa Filipino


Mataas Gitna Mababa Harap i e Sentral a Likod u o

Ang harap, sentral at likod ay tumutukoy sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng patinig.

Ponemang malayang nagpapalitan ay ponemang nagpapalitan na


hindi nagbabago ang kahulugan, tulad ng ponemang / e / at / i/ ,/ o/ at / u/. Halimbawa: babai- babae noon- nuon totoo- tutuo

Pares-minimal - pares ng salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas ngunit magkaiba naman ang kahulugan.
Unahan: gitna: hulihan: pantay bantay boto buto alab alap (pareho) (gwardya) (halal) (bahagi ng katawan o halaman) (ningas) (kapalit)

Diptonggo - ang magkasamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig na


nasa isang pantig.

Tsart ng Diptonggo
Mataas Gitna Mababa Halimbawa: Harap iw, iy ey giliw tuloy tulay kasuy Sentral ay, aw bataw kulay Likod uy oy

Klaster/ Kambal Katinig - pagtatambal ng dalawang katinig na matatagpuan sa


isang pantig. Halimbawa: Unahan Gitna Hulihan

Blo - ke
KKP - KP

trans por ta - syon


KKPKK KPK KP KKPK

nars
KPKK

II. PONEMANG SUPRASEGMENTAL


1. Tono ang pagtaas at pagbaba ng pantig ng isang salita upang higit na maging epektibo ang komunikasyon. ga ba ta 3 ma 3 2 2 la it 1 1 nagdududa nagsasalaysay.

2. Haba ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita Diin ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.

/ ba: ta? / / ba:tah / / ta:la?/ / tala? /

- musmos - ruba - bituin - lista

3. Antala/ Hinto ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging tiyak sa paghahatid ng mensahe. a. Hindi ako ang may kasalanan. Hindi, ako ang may kasalanan. b. Sina Tina, Lina at Gina ay matalik na magkakaibigan. Sina, Tina, Lina at Gina ay matalik na magkakaibigan. c. Don, Jose Pedro ang tatay ko. Don, Jose, Pedro, ang tatay ko. Don Jose, Pedro ang tatay ko.

MORPOLOHIYA (Palabuuan) Pagbabagong Morpoponemiko


morpolohiya (palabuuan) - isang bahagi ng linggwistika na nagsusuri sa kahalagahan ng morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga ito upang makabuo ng salita. ponema - nagsasaad na itoy pinakamaliit na tunog na makahulugan (Lachica, 2000). Anumang pagbabago ng morpema ay taglay ng kaniyang kapaligiran at ito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ang anumang maliit na salitang ikakabit nito ay nakaimpluwensiya sa pagbabagong anyo ng morpema.

1. Asimilasyon
pang pang pang pan pam ( d, l, r, s, t, ) ( p at b.) ( k, g, h, m, n, w, y, a, e, i, o, u)

a. Asimilasyong Parsyal. /pang/ + takas /pang / + lagay /pang/ + babae pantakas panlagay - pambabae

b. Asimilasyong Ganap. - dalawang beses ang pag-asimilang nagaganap. /pang/ + takot /pang/ + sukat - pantakot - pansukat - panakot - panukat

Hindi lahat ng mga salitang nagsisimula sa /p,b,s,t/ ay nagkakaroon ng asimilasyong ganap. Ang mga salitang ugat na inuunlapian ay nananatili ang anyo: pampalakas pambarko - hindi pamalakas - hindi pamarko

2. Pagpapalit ng Ponema
Ang mga sumusunod na mga ponema ay nagpapalitan na di nagbabago ang kahulugan gaya ng: /o/ at /u/ bago + bago = bagung-bago damo + damo = damung-damo /e/ at /i/ putahe + ng = putahing- putahe/ putahi * /d/ at /r/ ma+ dami = marami ma + damot = maramot May ilang pagkakataon na may mga salitang magkaiba ang kahulugan kaya, hindi dapat magkapalitan ang /d/ at /r/.

Madaldal Madamdamin

- ( tsismosa/ tsismoso) / maramdamin

*/h/ at /n/ tawa + han = tawanan talo + han = talunan ( nagpapalitan din ang /o/ at /u/ ) * /l/ at /g/ halik + an = halkan = hagkan

3. Metatesis
Tinatawag din itong paglilipat. Makikita ito sa pagpapalitan ng posisyon ng ponema. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ at /y/ na ginigitlapian ng /in/ ay magkakaroon ng paglilipat ng pusisyon ng /n/ at ng /l/ at /y/. lagay + in > l+ in +agay > linagay yari + in > y+ in + ari > yinari tanim + an > taniman = nilagay = niyari = tamnan

4. Pagkakaltas ng Ponema
Ito ay nangangahulugang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Ito ay magaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala. dakip + in > dakipin takip + an > takipan = dakpin = takpan

5. Paglilipat-diin ,
ka + ginhawa + an ka+ tapat + an = kaginhawaan = katapatan

6. Pagsusudlong
Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat ( hulapi ). ka + totoo + han + an alala + han + in = katotohanan = alalahanin

7. Pag-aangkop
hintay + ka hayaan + mo = teka = hamo

Kayarian ng Salita
1. Payak Itinuturing na payak ang isang salita kung itoy salitang-ugat, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang salita. Halimbawa: bato, lakad, iyak, aklat 2. Inuulit Ang salita ay inuulit kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit. May dalawang uri ng pag-uulit: a. ganap na pag-uulit Sinasabing ganap ang pag-uulit kung ang buong salitangugat ang inuulit Haimbawa: araw bayan araw-araw bayan-bayan

b. parsyal o di-ganap na pag-uulit Sa uring ito, ang inuulit ay bahagi o parsyal lamang ng salitang-ugat. May mga paraan sa pag-uulit tulad ng mga sumusunod: Pag-uulit sa unang pantig ng salita Halimbawa: ikot iikot Pag-uulit sa unang dalawang pantig ng salita Halimbawa: baligtad bali-baligtad Kung ang salita ay may unlapi, gitlapi o hulapi, ang salitang-ugat lamang ang inuulit, di na kasali ang panlapi. Halimbawa: magluto magluluto May mga salitang maylapi na ang inuulit ang ikalawa, ikatlo o ikaapat na pantig ng salita Halimbawa: magpakasaya magpapakasaya ipakipaglaban ipakikipaglaban

3. Maylapi Ang salita ay maylapi kung itoy binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Ang isang salita ay nagkakaroon ng maraming anyo at kahulugan sa pamamagitan ng pagkakabit ng ibat ibang panlapi gaya halimbawa ng salitang-ugat na tubig kapag kinabitan ng unlaping ma- itoy magiging matubig na nangangahulugang maraming tubig; kung gitlaping um-, magiging tumubig na ibig sabihin ay nagkaroon ng tubig; kung hulaping an, magiging tubigan, nangangahulugang lagyan ng tubig sa paraang pautos at kung kabilaan na ma- at an ay magiging matubigan nangangahulugang lagyan ng tubig nang kusa. Mga uri ng panlapi: a. Unlapi ito ay ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat Hal. um- + inom uminom i+ lakad ilakad b. Gitlapi itoy ikinakabit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig. Sa madaling salita itoy isinisingit sa gitna ng salitang-ugat. Hal. -um- + kain kumain -in- + putol pinutol c. Hulapi itoy ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat Hal. -han + huli hulihan -an + upo upuan

Maliban sa tatlo may iba pang uri ng mga panlapi o paraan ng paglalapi kabilang na ang mga sumusunod: d. Panlaping A+B (unlapi at gitlapi) ang panlaping ito ay kombinasyon ng panlaping unlapi at gitlapi na ikinakabit sa unahan at gitna ng salitang-ugat. Hal. nag-/ -umnagpumilit i- / -initinakbo e. Panlaping A+C o Kabilaan (unlapi at hulapi) - sa uring ito, ang mga panlapi ay inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat. Hal. ma-/ -an + tanim mataniman nag-/ -han + kanta nagkantahan f. Panlaping B+C (gitlapi at hulapi) itoy kumbinasyon ng panlaping gitlapi at hulapi na ikinakabit sa gitna at huluhan ng salitang-ugat. Hal. -in- / -an + tabas tinabasan -in- / -an + tawa tinawanan g. Panlaping A+B+C o Laguhan ito ang tawag sa mga panlaping ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat. Hal. pinag- / -um- / -an + sikap pinagsumikapan Nag- / -in- / -an + dugo nagdinuguan

4. Tambalan Kapag ang dalawang salita ay pinagsama upang makabuo ng isang salita, itoy tinatawag na tambalang-salita. May dalawang uri ng tambalan: a. Tambalang ganap Sa tambalang ito, kapag ang dalawang salitang pinagtambal na may magkaibang kahulugan ay nakabuo ng ikatlong kahulugan na malayo sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama. Kadalasan ang salitang nabubuo ay di na nilalagyan ng gitling. Hal. hampas + lupa bahag + hari hampaslupa bahaghari

a. Tambalang di-ganap o malatambalan Sa tambalang ito, ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal ay nananatili ang kahulugan at walang nang ikatlong kahulugan. Itoy ginagamitan ng gitling. May ibat ibang paraan ng tambalang di-ganap: Ang ikalawang salita ay naglalarawan ng unang salita. Hal. isip-bata kulay-dugo Ang ikalawang salita ay nagsisilbing layon ng unang salita. Hal. ingat-yaman bantay-bahay Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng gamit ng unang salita. Hal. silid- kainan bahay-bakasyunan Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng pinagmulan o tirahan ng tinutukoy ng unang salita. Hal. batang-lansangan bahay-bata Kung binubuo ng dalawang salitang magkasalungat ng kahulugan. Hal. lakad-takbo taas-baba

SINTAKS (Palaugnayan)
Ang sintaks ay tumutukoy sa pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap. Ito rin ang pag-uugnay-ugnay ng mga salita at pagsasama-sama nito para sa pagbuo ng mga pangungusap.

ANG PANGUNGUSAP

Ito ay isang salita o lipon ng mga salitang nagsasaad ng buong diwa o kaisipan. . Sabjek o paksa - Pinag-usapan sa loob ng pangungusap Predikeyt o panaguri - nagsasabi tungkol sa sabjek. Halimbawa: Sa Paksa: 1. Nahuli ng 30 minuto si Sandra. Sa Panaguri: 1. Nagdarasal ang relihiyosang biyuda. Ang pahayag ay maaaring sabihin sa tuwiran o baligtad na ayos. Ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos kapag nauuna ang panaguri sa sabjek/ paksa habang sa di-karaniwang ayos nauuna ang paksa sa panaguri at lantad ang panandang pampanaguring ay. Halimbawa: A. Karaniwang ayos a. Bibili ng e-load si Catherine. P + S b. Lumuluha niyang tinalikuran ang eksenang naganap habang nakatingin sa kanya ang naiwang sinta. P + S habang P + S B. Di Karaniwan a. Si Itay ay nag-araro. S + P b. Ang guro ay nagmamalasakit ngunit ang kanyang mga estudyante ay nagwawalang bahala. S +P ngunit S + P I. Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian 1. Payak nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. a. Payak na Paksa at Payak na Panaguri 1. Ako ay historyador. S + P 2. Si Maestro Gregorio ay pilosopo. b. Payak na Paksa at Tambalang Panaguri. 1. Ako ay tagamasid at tagapagtala lamang. S + P 2. Si Iding ay mangingisda at bangkero.

c. Tambalang Paksa at Payak na Panaguri 1. Pinakawalan ang mga sugpo at bangus. P + S 2. Tumalon sina bayawak at musang. d. Tambalang Paksa at Tambalang Panaguri 1. Ang kura paroko at kolektor ng buwis ay dinadambong at ninanakawan. S + P 2. Ang kalupitan at pang-aabuso ni Julian ay isinisigaw at idinaraing ng mga manggagawa. * Mapapansin na kahit anong haba ang pangungusap, ito ay matatawag pa ring payak kapag iisa lamang ang patern ng pangungusap, S+P / P+S.

2. Tambalan itoy binubuo ng isa o higit pang magkatuwang na sugnay o malayang kaisipan o punong sugnay. 1. Sa akin ang pagdiskarte sa paghukay ng karbon at sa kanya naman ang management at marketing. P + S at P + S 2. Matagal siyang nagsalita ngunit hindi ko siya naintindihan. *Ang sugnay na ,Sa akin ang pagdiskarte sa paghukay ng karbon at sa kanya naman ang management at marketing ay kapwa mga punong sugnay. 3. Hugnayan itoy binubuo ng isang punong sugnay at isa o higit pang katulong na sugnay. 1. Kailangang bumaba tayo sa ilalim ng tanel upang kumuha tayo ng sampol ng karbon. P + S upang P + S 2. Wala siya sa sarili nang sumagot siya sa akin. * Ang sugnay na, Kailangang bumaba tayo sa ilalim ng tanel ay isang punong sugnay habang ang, kumuha tayo ng sampol ng karbon ay isa namang katulong na sugnay na nagbibigay turing sa pandiwang bumaba. 4. Langkapan itoy binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay at ng isa o higit pang di malayang sugnay.

Hal. Higit na pagmamahal ang iniukol ni Rey kay Inday Tata ngunit nakalalamang ang kay Allen sapagkat ang matandang Australyano ang napili ni Tata. P + S ngunit P + S sapagkat P + S

II. Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit 1. Paturol kung itoy nagpapahayag ng katotohanan, bagay o pangyayari. Itoy nagtatapos sa bantas na tuldok. 1. Matagal ko nang pinag-iipunan ang tiket sa bapor. 2. Parang mabait sa iyo ang mundo. 2. Patanong ito ay may himig na nag-uusisa o nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?). 1. Kailan ba talaga tayo sasahod? 2. Ano naman ang itsura ng kalapati? 3. Pautos itoy ang mga pangungusap na nakikiusap o nag-uutos. Gumagamit din ito ng bantas na tuldok sa katapusan ng pangungusap. 1. Huwag ka ngang manakot diyan. 2. Nakita ko nga siya, doon tayo sa beysment. 4. Pakiusap itoy nag-uutos na may paggalang na kalakip ang mga katagang maaari, paki at iba pa. 1. Pakikuha mo ako ng isang basong tubig. 2. Maari bang patayin mo ang ilaw dahil talagang masakit na masakit ang mga mata ko. 5. Padamdam itoy nagpapahayag ng matinding emosyon o damdamin. Nagtatapos ito sa tandang panamdam (!). 1. Mmmmm! Amoy fried chicken! 2. Ha! Masarap!

Mga Pananalig/Teoryang Pampanitikan


Sa aklat ni Villafuerte (2000) ay tinalakay ang ibat ibang teoryang pampanitikan na kinakailangan sa pag-aaral, pag-unawa at pagkilatis sa mga layunin at nilalaman ng teksto.

1. Bayograpikal
Ito ay tumutukoy sa buhay ng may-akda.

Mahalagang matuklasan at maunawaan ang personalidad ng sumulat at maibahagi sa mga mambabasa ang kamalayan ukol sa manunulat para matugunan ang mga katanungang nauugnay sa sumulat at sinulat.

2. Beheybyorismo
Ang pananalig na ito ay nauugnay sa salik na sikolohiyal, moral at etikal. May pagkamakatao dahil umiiral dito ang beheybyor sa paghubog ng pagkatao at hindi nagsasaalang-alang sa bisang pangkaisipan o mental.

3. Klasismo
Naiiba, natatangi at may sariling pananaw sa daigdig at sa sining Pinaniniwalaan sa teoryang ito na walang katapusan ang diwa at ispiritu ng tao kung kaya ngat ibig nitong makalaya sa kinabibilagang daigdig. Ang pananaw ng klasisismo ay nagmumula sa pinakamataas na uri patungo sa mababa, samakatwid may pagkaaristokratiko ang sining na ito alalaon bay nangingibabaw ang may kapangyarihan laban sa mahihina at sunud-sunuran.

4. Marcismo
Sumasaklaw ito sa larangan ng kultura, pulitika at sa kalagayan ng pamumuhay ng tao na siyang inikutan ng sining na ito. Itoy may malawak na aplikasyon sa larangan ng ekonomiya na ang batayang prinsipyong ay ang sentro ng kapitalismo at produksyon ganoon din ng produksyon at tubo (Casanova, 2001).

5. Sexism
Itoy sumisentro hindi lamang sa kilos ng indibidwal kundi sa kabuuang konteksto ng lipunan na tumutukoy sa istrukturang kultura na anumang nalilikha, nabubuo at nagagawa ng mga kasarian o sekto na ang palatandaan ay kung ano ang dapat at kailangan para sa lalaki at para sa babae, (Frye,1992).

6. Ekspresyunismo
Sa sining na ito ang artista o ang makata ay gumagamit ng maingat na paglalarawan ng mga bahagi ng kaisipan o anupamang dinaramdam upang mapalitaw niya ang kahulugan ng diwang nais ipahayag. Minamabuti ng ganitong makata na palitawin ang sarili niyang istilo upang maipakita ang kanyang orihinalidad bilang tatak na kanyang sinusunod sa pagsulat

7. Humanismo
Tinutukoy ng teoryang ito ang tao, kumikilala sa kultura at kabihasnan, humuhubog at lumilinang sa tao at pagkatao. Pinaniniwalaang ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay.

8. Romantisismo
Ito ay may dalawang uri:

o Romantisimong tradisyunal na dumadakila sa halagang pantao o Romantisismong rebolusyunaryo na tumutukoy sa sariling karakter ng mga tauhan Sa teoryang ito ay may kinikilala silang inspirasyon na siyang tanging kasangkapan para mabatid ang nakakubling katotohanan.

9. Historikal
May malaking kaugnayan dito ang puwersang pangkapaligiran at panlipunan, ang talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong pulitikal, tradisyunal at konbensyunal Sumisiyasat ito sa pagbabagong nagaganap sa pana-panahong saklaw ng kasaysayan bilang isang sistema ng pagkilala sa panitikan at lipunan.

10. Realismo
Mahalaga ang katotohanan kaysa sa kagandahan Walang hangganan ang pagbabago dahil sa katotohanang ang una at huling hantungan ng anumang akdang tinatakay bilang isang sining ay naglalarawan ng tunay na buhay Kalimitan ito ay bunga ng karanasan at mga pangyayaring may pagpapatotoo at pagpapatunay

11. Pormalismo
Ito ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anumang anyo ng akda Ang pisikal na anyo ng akda, ang pinakabuod ng pagdulog na ang minamahalaga ay ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat

12. Siko-Analitiko
Mauugnay ang pag-aaral ni Freud na ang ekonomiya lamang ang tanging layunin at motibo ng tao sa lipunan Naghahanapbuhay upang makaranas ng karangyaan at lasapin ang sarap at maginhawang buhay

13.

Eksistensyalismo
Ito ay nakatuon sa buhay ng makata at ng manunulat. Ang pagiging tao na may sarili at tamang sistema ng paniniwala ang pinahahalagahan niya para mabuhay

14.

Idealismo
Teoryang pampanitikan na sumusunod sa prinsipyo at paniniwala na ang pinakamainam at mahusay ang dapat na manaig at mangyari sa ganitong sining

15.

Feminismo
Pinaniniwalaang ang panitikan ay nasa kamay lamang ng mga lalaking manunulat at ang mga babae ay inilalarawan bilang marupok, mahina, emosyonal, api-apihan at pantahanan lamang.

Dumagsa ang mga babaeng manunulat na siyang nagpalaya sa kaisipan ito ipinakilala ang kakayahan ng mga kababaihan na kung minsan ay nahihigitan pa ang mga kalalakihan

16.

Penomenalismo
Tumutukoy sa katotohanang napapatunayan ng realidad

17.

Naturalismo
Ito ay nababatay sa agham o science na nagsasabi na ang nakikita o nangyayari sa paligid ay natural na hindi na dapat pang ipaliwanag ng isip Ang kalikasan ang buhay at ang lahat nang mapapatotohanan ay totoo sa likas na kahulugan

18.

Supernaturalismo
Pananalig na hindi umaakma sa naturalismo dahil itoy makababalaghan, may pagkafiksyon.

19.

Pragmatismo
Ito ay nakatuon sa aksyon at interaksyong namamagitan sa bumabasa at binabasang teksto

20.

Simbolismo
Gumagamit ng mga sagisag upang maipakita ang kaisipan at damdamin ng isang akda

21.

Impresyunismo
Ito ang impresyon ng bumabasa na siyang bumabalot sa angking kaisipan at damdamin ng manunulat na maaaring bunga ng pagmamasid

22.

Klasisismo
Teoryang pinanaig ang isipan kaysa damdamin. Ang mga tauhan ng mga akdang klasisismo ay nakaangat sa karaniwang buhay. Pinahahalagahan ang pagiging marangal at maginoo sa pananalita at maging sa pagkilos. Ang teoryang ito ay tumatalakay sa mga akdang may kinalaman sa pulitika, moralidad, kabuhayan at relihiyon.

23.

ng tauhan. Pinagsasama ang realidad at superealidad. Nagbibigay-tuon ito sa mga paniniwalang tungkol sa pantasya, pangarap at panaginip na may katotohann o realidad na nakahihigit pa sa karaniwan.

Surealismo Sa pananalig na ito ay maraming bagay ang nagaganap sa guniguni

24.

Modernismo
Teorya o pananalig na nagbibigay-diin sa pagbabago kung kaya ipinakikita ang paghihimagsik sa isang tradisyon, pananampalataya, kaugalian o paniniwala.

EPIKO 1. Ito ay galing sa salitang Griyego na epos na nangangahulugang 2.


salawikain o awit ngunit ngayon itoy tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan. Itoy isang mahabang tulang pasalaysay ng magiting na pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang taong may pambihirang katangian, ang mga tagumpay niya sa digmaan at pakikipagtunggali sa mga kaaway. Ito rin ay tungkol sa mga mahiwagang pangyayari o mga kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian, huwaran, at sukatan sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang sambayanan. Masasalamin sa mga epiko ang maipagmamalaking mga katangian ng ating mga ninuno. Mahahango rito ang pamumuhay na panlipunan, pangkabuhayan, pampulitika at pangkultur n gating matandang pamayanan. Ginagamit ang mga epiko sa mga seremonya o ritwal para makatiyak ng kalusugan at pananatili sa tungkulin ng isang pinuno, ng pagkakaroroon ng masaganang ani o mga anak, gayundin ng katuparan ng iba pang mga kahilingan.

3. 4.

5.

MGA EPIKO NG PILIPINAS


A. Epiko ng mga Ifugao Alim Ito ay tungkol sa mga Bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan. Ito ay kahawig ng Ramayana ng India. Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan na siyang pinagmulan ng kagalitan at patayan sa daigdig bilang talab ng sumpa ng bathalang si Makanungan. Hudhud

Ito naman ay tungkol sa mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga dakilang bayani ng Ifugao na ang tanging bida ay si Aliguyan ng Gomhandam. Isinasalaysay dito ang pinagmulan ng liping Ifugao.

B. Epiko ng mga Muslim Bidasari Ito ay isa lamang hiram na epiko sa Malaysia. Ngunit naging popular ito nang maisalin sa Maranaw. Ito ay tungkol sa magandang si Bidasari na dahil sa kalupitan ng isang sultana ay nagiging patay siya kung araw at sa gabi lamang nabubuhay. Hanggang sa may umibig na isang sultan sa dalaga at silay nagging magkabiyak ng puso.

Bantugan Ito ay tungkol sa isang prinsipe, si Bantugan na ubod ng tapang at lakas. Namatay siya sa sakit. Ngunit ang kanyang kaluluwa ay nakuhang muli ng kanyang kapatid na si Haring Madali at muli siyang nabuhay. Nailigtas si Bantugan sa mga lumusob na banyaga sa kanilang kaharian. Marami siyang napaibig at naging asawa. Daramoke - a - Babay Ito ay sinasabing karugtong ng Bantugan. Ito ay tungkol sa katapangan at kagitingan ng bayaning si Bantugan. Darangan Ito ang itinuturing na isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Filipino. Tinatawag na Darangan ang Iliad at Odyssey ng mga Moro. Indarapatra at Sulayman Ito ay itinuturing na alamat ng Mindanao. Ito ay tungkol sa magigiting na pakikikpagsapalaran ni Emperador Indarapatra ng kaharian ng Mantapuli. Tuwaang Ito ay halaw sa epiko ng mga Manobong nakatira sa timog ng Mindanao. Ito ay isinasalaysay sa tuluyan at inaawit ang mga abentura. Ang pagaawit ay ginagawa kung gabi pagkatapos ng hapunan at kapag nakalatag na ang kanilang banig. C. Epiko ng Tagalog Kumintang

Itoy kasaysayan ng pagsusugo ng Haring Soledan sa kanyang tatlong anak na sina BagtasMandukit at Dikyaw buhat sa kaharian ng Madjapahit tungo sa Ma-I at Lusong ng bahagi ng kaharian ng Lontok. Maraming mga salawikain at mga kasabihang nanggaling sa kumintang. D. Epiko ng Bisaya Haraya Ito ay kalipunan ng magagandang asal na binibigkas nang pasalaysay.

Hari sa Bukid Ito ay tungkol sa kasaysayan ng isang haring hindi nakikita ng mga tao. Hinilawod Ito ay kasaysayan ng pag-iibigan ng mga Bathala ng mga taga-Iloilo, Antique at Aklan. Ito ay maituturing na pinakamahaba at pinakamatangdang epiko ng Panay. Lagda Ito ay kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan, gaya ng Kodigo ni Kalantiyaw, ng tribu ng Aklan. Maragtas Ito ay tungkol sa kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung datung Malay dahil sa kalupitan ni Sultang Makatunaw ng Borneo. E. Epiko ng Bikolano Ibalon Ito ay tungkol sa kasaysayan ng kauna-unahang mga taong naninirahan sa mga lupain ng Aslon at Ibalon. Ito ang naging huwaran ng mabuting pamumuhay ng mga taga-Bikol. Inaawit ito sa matandang Bikol ng isang makatang manlalakbay na ang panglan ay Kadugnung. F. Epiko ng mga Ilokano Biag ni Lam-ang Ito ay sikat na epiko bago dumating ang mga Kastila subalit nasulat lamang ito noong dakong dantaong labimpito. Ito ay akda ni Pedro Bukaneg.

ALIBATA

Mga Kilalang Pilipino


Mayaman ang kutura ng bansang Pilipinas. Matatagpuan ang mga ito sa sining, musika, sayaw, panitikan, at palakasan.

Mga Kilalang Pilipino sa Sining at Panitikan


May malaking kahalagahan ang sinig at kultura sa buhay ng bawat Pilipino. Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at gumuhit. Dahil dito, marami silang mga bantayog na mang-aawit, manunulat, manunugtog, kompositor, at pintor.

Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o komposisyong "Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan ng kasalukuyang pambansang awit.Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite.

Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor Abelardo. Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento gaya ng gitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day."

Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natuto siya ng biyulin mula sa kanyang ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang pinagwagihang paligsahan sa pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-aaral.

Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.

Hindi lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin ni Freddie Aguilar at Apo Hiking Society. Kilala rin sila sa ibang bansa. Kanilang itinaguyod at pinaunlad ang mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng pag-awit sa mga konsiyerto sa ibang bansa. Nanalo na rin sila sa mga paligsahang pang-internasyonal sa musika. Sila ang tinatawag na makabansang mang-aawit. Matapang din silang sumanib sa mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.

Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes Aquino na isang guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa

nang may dalang kamera at tape recorder upang magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito. Tiyaga at dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya.

May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining. Si Fernando Amorsolo ang isa sa kanila. Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kaunaunahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining.

Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.

Ilang Pangunahing Manunulat na Pilipino


Dr. Jose P. Rizal
Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

Ama: Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandra II (1818-1898) Ina: Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos (1827-1911) Mga Kapatid: Saturnina (1850-1913), Paciano (1851-1930), Narcisa (1852-1939), Olympia (1855-1887), Lucia (1857-1919), Maria (1859-1945), Jos Protasio (1861-1896), Concepcion (1862-1865), Josefa (1865-1945), Trinidad (1868-1951) at Soledad (1870-1929).
[7]

Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigan ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."

Francisco Baltazar / Balagtas (1788-1862)


Ama: Juan Balagtas Ina: Juana dela Cruz Mga Kapatid: Felipe, Concha at Nicolasa

Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.

Graciano Lopez Jaena

Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya

ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle.

Marcelo H. del Pilar

Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle.

Jose Palma Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Espaol na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat.

Lope K. Santos

Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa.

Jose Corazon de Jesus

Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy."

Amando V. Hernandez

Si Amado V. Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."

Naging asawa niya si "Atang" Honorata dela Rama ang tinaguriang Reyna ng Sarsuela. Sila ang kinilalang First Couple National Artist

Severino Reyes

Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilala sa kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" na pumapaksa sa kagitingan ng mga Katipunero.

Nick Joaquin Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at paguugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino.

Jose Garcia Villa Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia Villa's Many Voices.

N.V.M. Gonzales

Isa ring nobelista sa Ingles is Nestor Vicente Madali Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa.

Mga Natatanging Pilipino sa Palakasan

Lydia de Vega-Mercado Kilalang atleta sa track and field sa buong Asya si Lydia de Vega. Marami na siyang natamong mga medalyang ginto sa pabilisan ng pagtakbo. Sinanay siya ng kanyang ama na maging isang magaling na atleta. Masunuring anak at disiplinado si De Vega.

Akiko Thomson Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy. Marami na siyang nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa mga medalyang ito ang napanalunan niya sa Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong 1991.

Felix Barrientos Sa larong tennis, si Felix Barrientos ang isa sa nangungunang manlalaro sa Asya. Sa nakaraang SEA Games, nagawad sa kanya ang tatlong medalyang ginto.

Rafael "Paeng" Nepomuceno

Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado niyang pagsasanay ay nagbubunga ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Naging isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si Paeng nang siya'y 20 taong gulang pa lamang. Siya ang pinakabatang binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din siya noong 1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year.

Gabriel "Flash" Elorde

Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang napanalunang medalya sa larangan ng boksing na internasyonal. Matulungin tao siya. Nagpatayo siya sa isang gusali sa Paraaque na pinagdarausan ng mga paligsahan sa boksing sa kasalukuyan. Tinatawag itong Elorde Sports Compex.

Eugene Torre

Hindi lamang sa boksing, track and field, at bowling kilala ang mga Pilipino kundi pati na sa paglalaro ng chess. Si Eugene Torre ang magaling na Pilipinong manlalaro sa chess. Kilala siya sa ibang bansa tulad nina Nepomuceno, Elorde, at De Vega.

Robert Jaworski at Ramon Fernandez

Sina Jaworski at Fernandez ang mga tanyag at magagaling na manlalaro sa basketbol. Marami na silang nasalihang mga kompetisyong internasyonal.

Mga Pilipino sa Olympics Games


May mga Pilipino ring nanalo sa Olympic Games sa Seoul, Korea noong 1988. Ito'y sina Leopoldo Serrantes sa boksing at Arianne Cerdea sa bowling. Nagbigay sila ng karanganlan sa Pilipinas na dapat ipagmalaki ng mga Pilipino.

_________________________________________________________ ___
Mula sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon http://www.seasite.niu.edu/TAGALog/modules_in_Tagalog/mga_kilalang_pilipino.htm

Eb

Mga Kontribusyon ng Ilang Naging Pangulo ng Bansa sa Pag-unlad ng Ating Wikang Pambansa

MANUEL LUIS QUEZON (1935-1944)


1936 Mensahe sa Asemblea Itinagubilin ni Pang. Manuel L. Quezon ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral. 1937 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ipinahayag ni Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.

RAMON DEL FIERRO MAGSAYSAY (1953- 1957)


1954 Proklamasyon Blg. 12 Nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso hanggang Abril 4 taun-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas 1955 Proklamasyon 186 inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon. (Agosto 19)

FERDINAND EMMANUEL EDRALIN MARCOS (1965-1986)


1967 Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng ating pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. 1968 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 Nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang

Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng ofisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. 1972 Atas ng Pangulo Blg. 73 nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang batas ay isalin sa mga wikang sinsalita ng may limampung libong (50,00) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Art. XV, Sek.3[1]).

Mara Corazn Sumulong Cojuangco-Aquino (1986-1992)


1986 Proklamasyon Blg. 19 kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan. Dahil dito, ipinahayag ni Pang. Aquino na taun-taon, ang panahong Agosto 13-19, araw ng pagsilang ng naging Pang. Manuel L. Queaon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng ibat ibang larangan ng buhay. 1988 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangan hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.

FIDEL VALDEZ RAMOS (1992-1998)


1997 Proklamasyon Blg. 1041 nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Pambansa at nagtatagubilin sa ibat ibang sangay/ tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan ng magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Geraldine C. Rebamonte, M.A.Ed. Cebu Normal University March 15, 2008

URI NG TAYUTAY
PAG-UULIT / ALITERASYON (Alliteration) pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita

Hal. pananampalataya at pag-asa / lungkot at ligaya

KONSONANS (Consonance) - pag-uulit ng mga tunogkatinig sa pinal na bahagi ng salita Hal. kahapon at ngayon / tunay na buhay

ASONANS (Assonance) pag-uulit sa mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita Hal. salamat at paalam / hirap at pighati

ANAFORA (Anaphora) pag-uulit ng unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod Hal. Ina ang ilaw ng tahanan Inang mapagmahal at maaruga EPIFORA (Epiphora) - pag-uulit ng huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod Hal. Ang Saligang Batas ay para sa mamamayan Gawa ng mamamayan At mula sa mamamayan. ANADIPLOSIS (Anadiplosis) ang huling salita sa unang taludtod ay inuulit sa unahan ng mga sumusunod na taludtod sa isang saknong. (pag-uulit sa una at huli) Hal. Matay ko man yatang pigili't pigilin Pigilin ang sintang sa puso'y tumiim; Tumiim na sinta'y kung aking pawiin Pawiin ko'y tantong kamatayan ko rin.
Jose dela Cruz

EMPANADOS - Pabalik na Pag-uulit Bagamat itoy hindi na isinama ni


Rufino Alejandro ngunit itoy sadyang pag-uulit pa rin, nga lamang, binabaliktad ang ayos ng pahayag. Hal. Ang langit ay lupa, ang lupa ay langit.

PAGHIHIMIG / ONOMATOPIYA (Onomatopoeia) sa pamamagitan ng tunog o himig Hal. lagaslas ng tubig / dagundong ng kulog

PAGTUTULAD (Simile) simpleng paghahambing ng dalawang , tao, pangyayari o kaisipan na magkaiba ngunit magkatulad sa katangian. (para, tulad, gaya, kagaya, kapara, kawangis, tila, anaki, wari, animo) Hal. Halimuyak niya'y tulad ng isang ilang-ilang sa bango.

PAGWAWANGIS (Metaphor) tuwirang paghahambing Hal. Halimuyak niya'y ilang-ilang sa bango.

PAGBIBIGAY-KATAUHAN (Personification) - pinapakilos ang isang bagay na parang isang tao o binibigyan ng gawain ukol lamang sa tao. (pandiwa at pangngalan) Hal. Mabilis tumakbo ang oras. (pandiwa) Sigaw ng budhi ang hindi nagpatahimik sa kanya.

PAGMAMALABIS (Hyperbole) labis ang pagpapahayag

Hal. Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong bumaha ng dugo rito. PAGPAPALIT-TAWAG (Metonymy) pinapalitan ang ngalan o katawagan sa isang bagay. Hal. Sampung bote ang naubos nila.

PAGPAPALIT-SAKLAW - (Synecdoche) - binabanggit ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Hal. Nakatira kami sa iisang bubong.

PAGPAPALIT-WIKA (Transferred Epithets) pagpapahayag na naglilipat sa mga bagay na walang buhay ng mga katangian na ginagamit lamang sa tao.(pang-uri) Hal. Masaya ang kulay ng kanyang damit.

RETORIKAL NA TANONG (Rhetorical Question) - isang uri ng pagpapahayag na hindi naman talaga nangangailangan ng sagot kundi ang layunin ay maikintal ang mensahe. Hal. May ina bang nakatitiis sa anak?

PAGTATAMBIS (Oxymoron/Anthesis) paggamit ng salita o pahayag na magkasalungat Hal. hirap at ginhawa / may dusa at may pag-asa / maganda at pangit Mahirap kausap ang taong iyan, ngayon ay oo, mamaya ay hindi.

PAGSALUNGAT (Epigram) pagpapahayag na magkasalungat sa pagpapahayag. Hal. Itinutulak ng bibig, kinakabig ng dibdib.

PAG-UYAM (Irony or Sarcasm) sa simula'y nagbibigay-puri ngunit may layuning mangutya Hal. Wow seksi, katawang lumba-lumba.

PAGTAWAG (Apostrophe)- kinakausap ang isang bagay o tao kahit hindi kaharap Hak. O, tukso layuan mo ako!

PAGTANGGI (Litotes) gumagamit ng salitang hindi upang magbigay ng kahulugang di-pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod. Hal. Hindi sa pagmamayabang, pero ang totoo lima ang sasakyan ko.

Mga Nominal sapagkat kapwa ginagamit na panawag sa tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Mga Panuring sapagkat kapwa ginagamit na panuring, bagamat magkaiba ang binibigyang-turing. Mga Pang-ugnay sapagkat ang mga ito ay nagpapakita ng kaugnayan o relasyon ng isang salita o parirala sa iba pang salita o parirala sa loob ng pangungusap

o Ang Pangatnig maaaring magpakita ng relasyon ng pagsasalungatan, ng pagiging sanhi at bunga atbp. o Ang Pang-angkop nagpapakita ng relasyon ng panuring sa salitang binibigyang-turing. o Ang Pang-ukol maipakikita ang kaukulan ng isang tao, bagay atbp. sa isang tao, bagay atbp. Pananda o Pangawing na ay ay itinuturing na isang pananda na nagpapakita na ang simuno ng pangungusap ay nauuna sa panaguri, samakatuwid, ay palatandaan ng ayos ng pangungusap (di-karaniwan). Ang pangawing na ay ay nagsisilbing kawing o kadena sa simuno at panaguri at hindi ito nagpapakita ng dalawang elemento sa pangungusap. Kaukulan ng Pangnglan o Kaukulan ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap

Pansemantika at Panlinggwistikang Kahulugan ng mga Bahagi ng Pananalita Bahagi ng Pananalita 1. Mga Salitang Pangnilalaman Pansemantika at Tradisyunal na Kahulugan Linggwistikang Istruktural

1.1. Nominal Pangangalan 1. Ang pangngalan ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook, pangyayari atbp. 2. Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari atbp. Anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito ( ang mga/sina, ng mga/nina, sa mga/kina), ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.

Panghalip

Ang panghalip ay salita o katagang Ang mga panghalip ay makikilala panghalili sa pangngalan. dahil sa impleksyon o pagbabagonganyo ayon sa kaukulan: ang mga panghalip na nasa anyong a) ang, b) ng, at c) sa Ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita

1,2, Pandiwa

Ang pandiwa ay nakikilala sa pamamagitan ng mga impleksyon nito sa iba't ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito.

1.3. Panuring Pang-uri Ang pang-uri ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan atbp. ma tinutukoy ng pnagngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungunsap. Ang pang-uri ay nakikilala dahil sa impleksyong nagaganap ditto ayon sa kasidhian at hambingan. Ito ay kasama ng pangngalan o panghalip, maliban kung ang mga ito ay inaalis na sa pangungusap.

Pang-abay

Ang pang-abay ay makikilala dahil sa kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.

Ang pang-abay ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay

2. Mga Salitang Pangkayarian


2.1. Pang-ugnay Pangatnig Ang pangatnig ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap

Pang-angkop

Ang mga pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

Pang-ukol

Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sapangungusap

2.2. Pananda Pantukoy Ang mga pantukoy ay kataga o mga katagang lumilinaw sa kailanan ng kasamang pangngalan o panghalip at kung ito ay tumutukoy sa tao o sa bagay o pook. Ang pantukoy ay katangang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno o kaganapang pansimuno, o pamuno sa alinman sa dalawa. Ang mga pantukoy, samakatwid, ay pananda ng gamit na palagyo ng pangngalan o panghalip.

Pangawing

Pangawing na ay ay itinuturing na isang pananda na nagpapakita na ang simuno ng pangungusap ay nauuna sa panaguri, samakatuwid, ay palatandaan ng ayos ng pangungusap

I. URI NG PANGHALIP PANGHALIP NA PANAO


Inihahalili sa pangalan ng tao Ang kaukulan at kailanan ng panghalip na panao Anyong ang Anyong ng nyong sa A

Panauhan/Kailanan Isahan Una (kumakausap) Ikalawa (kinakausap) Ikatlo (pinag-uusapan) Dalawahan Una Ikalawa Ikatlo Maramihan Una Ikalawa Ikatlo

(palagyo)

(paukol)

(paari)

Ako Ikaw, ka siya

Ko Mo niya

Akin Iyo kanya

Kata, kita, tayo Kayo sila

natin ninyo nila

Atin Inyo kanila

Kami Kayo sila

Namin Ninyo nila

Amin Inyo kanila

Anyong ang (palagyo) ginagamit na simuno ng pangungusap Hal. Tayo ay may mahabang pagsusulit Anyong ng (paukol) - ginagamit na layon ng pang-ukol o tinuturing layon Hal. Kumain si Lulu sa kantina nila. nagsasaad ng pagmamay-ari - Anyong sa (paari) Hal. Amin ang kotse sa garahe

PANGHALIP NA PAMATLIG
Ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Uri ng panghalip pamatlig

I. Pronominal - nagtuturo lamang ng ngalan ng tao o bagay

1. Anyong ang (Paturol) 1.1. *ire (ibang anyo: yari) malapit na malapit sa nagsasalita 1.2. ito - malapit sa nagsasalita 1.3. iyan (ibang anyo: yaan) malapit sa nakikinig 1.4. iyon (ibang anyo: yaon) malayo kapwa sa nag-uusap 2. Anyong ng (Paari) i 2.1. *nire 2.2. nito 2.3. niyan 2.4. noon 3. Anyong sa (Paukol) 3.1. *dine 3.2. dito 3.3. diyan 3.4. doon II. Panawag-pansin o pahimaton 1. *(h) ere 2. (h) eto 3. (h) ayan 4. (h) ayun

III. Patulad
1. *ganire 2. ganito 3. ganyan 4. ganoon ( ibang anyo: gayon) IV. Palunan 1. *narini (ibang anyo: nandini) 2. narito (ibang anyo: nandito) 3. nariyan ( ibang anyo: nandiyan) 4. naroon ( ibang anyo: nandoon)
(Ang mga anyong may tandang asteriko (*) ay binira nang gamitin sa ngayon, lalo na ng mga kabataan)

Nagagawang pangmaramihan ng mga pamatlig na pronominal sa pamamagitan ng paglalagay ng ang/ ng/ sa mga sa unahan ng anyong ang. Hal. Ang mga ito/ ng mga ito/ sa mga ito/

PANGHALIP NA PANAKLAW
Panghalip na panaklaw ang tawag sa mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy. Isa Iba balana lahat pawa madla tanan ilanman anuman alinman sinuman kailanman magkanuman kuwan bawat saanman

gaanuman

Hal. Ang anumang pagkain ay mahal ngayon.

PANGHALIP NA PANANONG
Panghalip pananong yaong mga panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atb., na ginagamit sa pagtatanong. Kaganapang pansimuno ang gamit ng mga ito. Mapapangkat ang mga ito sa dalawang kailanan: isahan at maramihan. Narito ang talaan ng mga panghalip pananong: Isahan Maramihan sino ano alin kanino Sinu-sino anu-ano alin-alin kani-kanino

Ilan
paano kailan gaano

ilan-ilan
Paa-paano Kai-kailan Gaa-gaano

II. GAMIT NG PANGHALIP


1. 1. 2. 3. 4. Simuno Hal. Siya'y magaling magturo sa Filipino Kaganapang Pansimuno Hal. Ang hinihintay naming ay ikaw Panuring Hal. Ang kanilang bukid ay nag-aani ng marami Layon ng Pandiwa Hal. Gumawa ka nang ganito Layon ng Pang-ukol Hal. Dahil sa kanya hindi na siya mag-aaral

ANG PANDIWA
Pananaw Pansemantika 1. Ang Konstabularyo ay naglunsad ng puspusang kilusan sa pagbabago ng pagkasagupa sa droga. Pananaw Istruktural 1. Nagdasal na ang mag-anak. (Perpektibo - Pangnagdaan)

2. Nagdarasal ang mag-anak. (Imperpektibo - Pangkasalukuyan) 3. Magdasal na ang mag-anak. (Kontemplatibo - Panghinaharap) KAYARIAN NG PANDIWA Ang pandiwa sa Filipino ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Ang salitang-ugat ang nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa samantalang ang panlapi naman ang nagpapahayag ng pokus o relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. KAGANAPAN NG PANDIWA Kaganapan ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa

Uri ng Kaganapan ng Pandiwa Kaganapang tagaganap

Katuturan

Halimbawa

Ang bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang nagsasaad kung ano ang bagay o mgabagay na tinutukoy sa pandiwa. Ang nagsasaad na kung sino ang nikikinabang sa kilos ng pandiwa.

Kinain ng bata ang suman at manggang hinog


(naipapahayag sa pamamagitan ng pariralang ng o ng phrase)

Kaganapang layon

Kumain ang bata ng suman at manggang hinog. (ng phrase) Nagluto si Ingga ng halayang ube para sa nanay. (naipapahayag sa
pamamagitan ng pariralang sa o para sa)

Kaganapang tagatanggap

Kaganapang ganapan

Ang nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa

Naglaro ng basketbol sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan (sa phrase) Binungkal ng tatay ang lupa sa pamamagitan ng asarol. (sa phrase)

Kaganapang kagamitan

Ang nagsasaad kung anong bagay, kagamitan, o instrumenti ang ginamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.

Kaganapang sanhi

Ang nagsasaad kung ano ang dahilan ng pagkakapangyari ng kilos ng pandiwa. ang nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa.

Yumaman siya dahil sa mina ng langis. (sa phrase)

Kaganapang direksyunal

Nagtungo sila sa Luzon.


(sa phrase)

POKUS NG PANDIWA Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa. Nagkakaroon ng iba't ibang pokus ang pandiwa ayon sa kung ano ang kaganapan ng pandiwa sa posisyong pampaksa o pansimuno ng pangungusap. Hal. Ipinagdiriwang ng mga kabataan ang unang anibersaryo ng kanilang samahang sibiko. (ng mga kabataan ay maaaring maging simuno o paksa) Nagdiriwang ang mga kabataan ng unang anibersaryo ng kanilang samahang sibiko. Nagdiriwang ng unang anibersaryo ng kanilang samahang sibiko ang mga kabataan. Ang mga kabataan ay nagdiriwang ng unang anibersaryo ng kanilang samahang sibiko.

Pokus ng Pandiwa Pokus sa tagaganap

Kahulugan Ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa. Nasa pokus sa layon ang

Mga Panlapi Panlapi - Pandiwa


nag-um/ -um- mangmaka makapag Panlapi nagtayo kumain nanguha nakakita nakapaglaba Pandiwa iluluto

Pokus sa layon

pandiwa kung ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap. Pokus sa ganapan Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay lugar o ganapan ng kilos. Ang pandiwang nasa pokus sa tagatanggap, ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang simuno ng pangungusap. Ang mga pandiwang may pokus sa gamit ay nagsasaad na ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang simuno ng pangungusap. Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Nasa pokus direksyonal ang pandiwa kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.

-an MaIpa-in -an/ -han pag--an /han mapag-..-an pang-...-an iipangipag

bantayan narira ipatapon diligin

- tinakpan - pinaglutuan - pinagprituhan - napagtamnan - pinangisdaan ikuha ipanahi ipagluluto

Pokus sa tagaganap

Pokus sa gamit

Ipang-

- ipampunas - ipantali/ipanali - ipangguhit

Pokus sa sanhi

iikaikapang-

iniluha ikinagalit ikinapamayat

Pokus sa direksyon

-an -han

pinasyalan pinuntahan

MGA BAHAGI NG PANANALITA


1. 2. 3. 4. 5. Pangngalan Panghalip Pandiwa Pang-uri Pang-abay 6. Pantukoy 7. Pangatnig 8. Pang-ukol 9. Pang-angkop 10. Pandamdam

. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words)1


4.1. mga salitang may tiyak na kahulugan nagsisilbing mahalagang salita sa loob ng pangungusap may sariling kahulugan kahit hindi isama sa ibang salita kabilang dito ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay Mga Nominal 4.1.1. Pangngalan 4.1.2. Panghalip Pandiwa

4.2.

4.3. Mga Panuring 4.3.1. Pang-uri 4.3.2. Pang-abay

2. Mga Salitang Pangkayarian (Function words)


mga salitang nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag nasa pangungusap tungkuling mag-ugnay ng mga salitang pangnilalaman upang makabuo ng pangungusap kabilang dito ang pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy, at pangawing 2.1. Mga Pang-ugnay 2.1.1. Pangatnig 2.1.2. Pang-angkop 2.1.3. Pang-ukol 2.2. Mga Pananda 2.2.1. Pantukoy 2.2.2. Pangawing

ANG PANG-URI Uri ng Pang-uri


1. Panlarawan naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Nagbibigay ng katangian, hugis, kulay, lasa anyo, laki Hal. mabait na bata, puting rosas, mahabang buhok

2. Pamilang ginagamit sa pagbibigay ng tiyak o di-tiyak na bilang

Uri ng Pamilang: 2.1. Patakaran o kardinal mga likas na bilang Hal. wala 0 Sandaan 100 Paglampas ng sampu, inuunlapian na ng labing kung nagsisimula sa katinigo patinig maliban sa: labim b, p labin d, l, r, s, t Halimbawa: o labing-isa o labindalawa o labinlima labingwalo labinsiyam labimpito

Ang sumunod na pu ay dalawampu na naging dalawampu't mula sa dalawampu at sa pamamagitan ng kudlit o dalawampu't isa tatlumpu o dalawampu't dalawa limampu

2.2. Panunuran nagsasaad ng ayos ng pagkakasunud-sunod ng mga tao o bagay. Gumagamit ng: ika pang pam pan ikalawa pataas pang-una pampito pansiyam

kapag ang ika ay inilapi sa tambilang ginagamitan ito ng gitling Halimbawa: Ika-3 ika-100 2.3. Pamahagi (fraction) ginagamit sa pagbabahagi o pagbubuklod ng ilang hati sa isang kabuuan. Halimbawa: panlaping ka- isang bahagi ng kabuuan 1/2 - kalahati 1/4 - kapat Kung higit na sa isa ang tinutukoy 3/4/ tatlong-kapat (2/100) o (2%) dalawang bahagdan

Ang mga panlaping mang at tig ay ginagamit sa pamamahagi ng patas-patas Halimbawa: madalawa tigapat 2.4. Palansak nangangahulugan ng bilang na minsan, maramihan at

langkay-langkay. Inuulit ang patakarang bilang, maging hulapian ng an o han ang patakarang bilang Halimbawa: pag-uulit isa-isa, dala-dalawa pag-uulit sa unang pantig dadalawa, aapat -an/ -han animan / isahan 2.5. Pahalaga ginagamit para sa pagsasaad ng halaga ng bagay o mga bagay Halimbawa: mamera, mamiso, mamiseta Tigwalong piso Kaanyuan ng Pang-uri 1. Payak likas na salita, walang panlapi, salitang-ugat Halimbawa: Mainitin ang ulo ng taong gutom. 2. Maylapi pang-uring binubuo ng panlapi at salitang-ugat Halimbawa: Marangal na tao ang pinagpapala. 3. Inuulit inuulit ang buong salita o dalawang unang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa: Maliliit ang patatas ng nabili ko. 4. Tambalan binubuo ng dalawang salitang pinag-isa. Maaaring may kahulugang konotasyon at denotasyon. Halimbawa: Taos-pusong pasasalamat ang dapat nating ipaabot sa ating mga magulang.

Kaantasan ng Pang-uri Lantay o karaniwan walang tinutukoy kundi katangian ng pangngalang tinuturing Halimbawa: Sariwang gulay ang mabili ko sa palengke. Katamtamang antas gumagamit ng salitang medyo, nang bahagya, nang kaunti o oag-uulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig.

Halimbawa: Medyo hilaw ang sinaing. Labis nang bahagya ang sinaing. Mapurol nang kaunti ang kutsilyong ito. Masidhi naipakikita sa pamamagitan ng: Pag-uulit ng salita Paggamit ng mga panlaping nakapa, nag--an, pagka-, at kay Paggamit ng salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay atbp. Halimbawa: Mataas na mataas pala ang Bundok Apo. Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin. Nagtataasan ang mga puno ng pino sa Baguio. Pagkaganda-ganda ng Look ng Taal.

Hambingan ng Pang-uri
Pang-uring pahambing ang tawag sa mga pang-uring naghahambing ng dalawang tao, bagay, pook atbp. Pasukdol naman ang tawag sa mga pang-uring naghahambing ng higit sa dalawa.

Uri ng Pahambing
1. Pahambing na magkatulad kung ang pinaghahambing ay pareho o magkapatas ng uri o katangian. Gumagamit ng panlaping ka-, sing-, kasing-, magsing-, magkasing-, at salitang tulad, paris, gaya, kapwa atbp. Halimbawa: Kamukha ni Mark ang ama niya. 2. Pahambing na di-magkatulad - kung ang pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri o katangian. Gumagamit ng sallitang tulad ng kaysa, di-tulad, di-gaya, di-gaano, di-hamak atbp. Halimbawa: Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di-tulad ng hangin sa lungsod.

Kailanan ng Pang-uri
Isahan kung iisa lamang ang inilalarawan Hal. Kalahi ko siya Dalawahan kung dalawa ang inilalarawan

Hal.

Magkalahi ang magpinsan

Maramihan kung higit sa dalawa ang inilalarawan Hal. Magkakalahi kaming lahat.

ANG PANG-ABAY
Ang pang-abay ay nahahati sa dalawang pangunahing pangkat: 1. Katagang pang-abay o Inklitik ay mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan. ba kasi kaya na daw/raw din/rin naman yata pala tuloy nga lamang/ lang Halimbawa: man muna pa sana

2. Pang-abay na pasalita o parirala Pandiwa Pang-uri Pang-abay 2.1. 2.2. 2.3. Nagsimba kagabi ang mga panauhin Tunay na masigla ang mga bata. Talagang mahinhin kumilos ang mga dalaga

Pamanahon sumasagot sa tanong na kalian. Hal. Tuwing Mayo ay nagdaraos kaming santakrusan. Panlunan sumasagot sa tanong na saan Hal. Maraming tindang ulam sa kantina. Pamaraan sumasagot sa tanong na paano. May dalawang panandangginagamit sa uring ito (1) panandang nang at (2) pangawil na na/-ng Hal. Lumapit ditong tumatakbo ang bata. Bakit siya umalis na umiiyak? Kinamayan niya ako nang mahigpit. Pang-agam nagsasaad ng pag-aalinlangan at walang katiyakan Hal. tila, wari, yata, marahil, baka, Tila patuloy na ang pag-unlad ng Pilipinas.

2.4.

2.5. 2.6.

Kundisyunal nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa tulad ng kung, kapag, pagka Hal. Isasama kita kapag hindi umulan. Panang-ayon nagsasaad ng pag-sang-ayon. Hal. oo, tunay, nga, din, totoo OO, asahan mo ang aking pagtulong. Pananggi nagsasaad ng pagsalungat o pagbabawal gaya ng hindi, huwag, wala, ayaw, di at aywan. Hal. Ngunit marami pa rin ang ayaw tumigil sa pagsisigarilyo. Panggaano o pampanukat sumasagot sa tanong na gaano tulad ng mga , marami, kaunti, kulang at di-gaano. Hal. Tumaba ako ng limang libra. Kusatibo- nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Pinangungunahan ng parirala o sugnay na dahil. Hal.Napapapaniwala ko siya dahil dito. Benipaktibo pang-abay na nagsasaad ng benipisyo para sa isang tao dahil sa pagkakaganap sa kilos ng pandiwa, o layunin ng kilos ng pandiwa. Hal. Mag-aroskaldo ka para sa may sakit.

2.7.

2.8.

2.9.

2.10.

2.11. Kaukulan pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol. Hal. Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang pagiging magnobyo.

ANG PANGATNIG
May dalawang pangkat ang pangatnig: 1. Nag-uugnay ng magkatimbang na yunit mga salita, parirala at sugnay na magkatimbang o kapwa makapag-iisa. Hal. at, pati, saka o, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat Uri: Pamukod ginagamit sa pagpili, pagtatakwil, pagbubuklod o pagtanggi Hal. o, ni, man, maging Paninsay o panalungat ginagamit kung ang unang pangungusap ay sinasalungat ng pangalawa. Hal. ngunit, subalit, datapwat, habang, bagamat, samantala kahiman, maliban manapa.

2. Nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit dalawang sugnay na hindi timbang o pantulong lamang ang isang sugnay. Nasa unahan ng sugnay ito makikita. Hal. kung, nang, bago, upang, kapag o pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana

Uri: Panubali kalagayang pasubali na nangangailangan ng paliwanag upang mabuo ang kahulugan Hal. kung, kapag o pag, sakali, disin sana, baka, tila wari at kundi Panlinaw Ginagamit sa pagpapaliwanag ng bahagi o kabuuan ng isang banggit. Hal. at kaya, kung gayon, anupa't, samakatuwid, alalaong baga, sana, sa isang salita, sa madaling sabi Pananhi panagot sa tanong na BAKIT? At nagbibigay ng pangngatwiran o kadahilanan Hal. dahil sa, sapagkat, palibhasa, mangyari, kasi, sanhi sa Panapos nagpapahiwatig ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Hal. upang, sa lahat ng ito, sa di kuwasa, sa bagay na ito, sa wakas

ANG PANG-ANGKOP
Ang magandang talon sa Pagsanjan ay hinahangaan ng lahat. (Ang ng ng pang-uring maganda ay nag-uugnay sa panuring na ito at sa pangngalang binibigyang-turing, ang pangngalang talon.) Dalawang uri: ang +na at ang ng Ginagamit ang ng kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa tunog na patinig o sa ponemang /n/ Ginagamit naman ang +na kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa ponemang katinig maliban sa /n/. Hal. Dapat na magtanim pa ng halamang namumunga May mga bagong alkaldeng hinirang ang Pangulo ng bansa.

MGA PANG-UKOL
Tapos na ang haywey sa Gitnang Luzon

Ang sa Gitnang Luzon ay pariralang pang-ukol na panuring ng pangngalang haywey. Ang pang-ukol at ang kasunod nitong pangngalan o panghalip ay bumubuo ng pariralang pang-ukol. Mga halimbawang pang-ukol: ng sa ni/nina kay/kina tungkol sa/kay na may laban sa/kay para sa/kay hinggil sa/kay ukol sa/kay nang may ayon sa/kay alinsunod sa/kay labag sa/kay

MGA PANTUKOY
Uri ng Pantukoy: 1. pantukoy sa pantanging ngalan ng tao Si at sina 2. pantukoy sa iba pang uri ng pangngalan. Ang at ang mga

ANG PANGAWING
Ang Ay Bilang Pananda ng Ayos ng Pangungusap Ang ay ay hindi maituturing na pandiwa sapagkat walang impleksyon sa mga aspekto. Wala itong pokus. Nawawala sa ayos na panaguri-paksa o karaniwang ayos na hindi nasisira ang kahulugan. Kaya tinatawag itong pangawing ng panaguri at paksa

EBOLUSYON NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

Linggo ng Wika - 1954


o o o o Proklamasyon Blg 13 Marso 26 Nilagdaan ni Pang.Ramon Magsaysay Pagdiriwang tuwing Marso 29- Abril 4 Alay kay Francisco Balagtas

Linggo ng Wika 1955


o o o Proklamasyon Blg 186 Setyembre 23 Pagdiriwang tuwing Agosto 13-19 Parangal kay Manuel L. Quezon

Buwan ng Wika - 1997


o o o Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos Proklamasyon Blg. 1041 Hulyo 15 Pagdiriwang tuwing Agosto 1-31

EBOLUSYON NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO Surian ng Wikang Pambansa (SWP)


o o o o Saligang Batas ng 1935 (Artikulo XIV, Seksyon 3) Batas Komonwelt Blg. 184 Nobyembre 13, 1936 Manuel L. Quezon

Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)


o Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 o Enero - 1987 o Corazon C. Aquino

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

o Batas Republika Blg. 7104 o Agosto 14, 1991 o Corazon C. Aquino

EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA


FILIPINO - 1986
o Oktubre 12, 1986 Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino o Corazon C. Aquino

PILIPINO - 1959
o 1946 Wikang Pambansang Pilipino - Batas Komonwelt Blg. 570 - Hulyo 4, 1946 o 1951 Wikang Pilipino o 1959 Pilipino - Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 Agosto 13, 1959

TAGALOG 1897
o 1897 - Saligang Batas ng Biak-na-Bato

MGA BATAYANG TEORITIKAL 20% Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

Panimulang Linggwistika NILALAMAN 50% Wika 25% Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon 5% Istruktura ng Wikang Filipino 11% Introduksyon sa Pagsasalin 3% Introduksyon sa Panana liksik sa Wika at Panitikan 3% Introduksyon sa Pamamahayag 3%

Panitikan 25%

Panitikan ng Rehiyon 3% Kulturang Popular 2% Sanaysay at Talumpati 3% Panunuring Pampanitikan /Pampelikula 3% Maikling Kwentong Filipino 3% Panulaang Filipino 3% Pagbasa ng mga Obra Maestrang Filipino 4%

Pagpapahalagang Pampanitikan 2% Pagtataya sa Panitikan 5%

PANIMULANG LINGGWISTIKA / ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO


Ang wika ay nahahati sa ibat ibang subsistem upang mapag-aralan nang lubos ang mga natatanging komponent nito. PONOLOHIYA MORPOLOHIYA SINTAKS SEMANTIKA PRAGMATIKS

PONOLOHIYA
Ponemang Segmental Ponemang Suprasegmental

Ponemang Katinig Ponemang patinig Pares minimal Diptonggo Klaster

Diin / Haba Tono/Intonasyon Hinto/Antala

PONOLOHIYA (Palatunugan) - makaagham na pag-aaral ng mga tunog Ponemang Segmental


o

Ponema pinakamaliit na yunit ngunit may kahulugang tunog sa isang wika

Hal. t e l a - damit o kasuotan t i l a - parang o animo Hal. Maganda May tatlong salik ng pananalita: ang enerhya, artikulador at resonador. Enerhiya hanging lumalabas sa bibig na nanggagaling sa ating baga. Artikulador pinagagalaw ng enerhiya tulad ng titilaukan Resonador ang tunog na nililikha ng pagkatal na ito ay minomodipika ng mga resonador (dila at panga, ngipin at labi, matigas na ngalangala at malambot na ngalangala). Ang ponemang Filipino ay may 21 ponema. 16 na ponemang katinig kasama ang impit na tunog o glotal (?), ang tunog na ginagawa sa pagsasara ng glottis. Ito ay walang katumbas na titik ngunit kumakatawan sa anyong pasalita o pabigkas 5 na ponemang patinig.

Mga Ponemang Katinig sa Filipino


PARAAN NG ARTIKULASYON (manner of

PUNTO NG ARTIKULASYON (point of articulation)

articulation)

Panlabi (bilabial)

Pangipin Panggilagid (dental) (alveolar)

Palatal

Velar

Impit (Glottal)

Pasara w.t. m.t. Pailong m.t. Pasutsot w.t. Pagilid m.t. Pakatal m.t. Malapatinig m.t.

p b m

t d n s l r y

k g

* m.t. = may tinig (voiced) w.t. = walang tinig (voiceless)

Punto ng Artikulasyon Ito ay tumutukoy kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagbigkas ng bawat ponemang katinig. Panlabi - ito ay tunog na ginagawa nang nakasara ang bibig. 6. Pangipin - kapag ang dulo ng dila ay tumatama sa likod ng ngipin sa itaas. 7. Panggilagid - ang itaas ng dulong dila ay tumatama sa punong gilagid. 8. Palatal - kung ang dila ay lumalapit sa matigas na bahagi ng ngalangala. 5. Velar - kapag ang dila ay lumalapit sa malambot na ngalangala. 6. Glottal - ang mga babagtingang tinig ay lumalapit upang harangin ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit na tunog.
5.

Paraan ng Artikulasyon Ito ay naglalarawan kung paano lumalabas ang hininga (sa bibig o ilong) sa pagbigkas ng bawat ponemang katinig. 1. Pasara - kapag ang hangin ay harang na harang. 2. Pailong - ang bibig ay nakasara upang ang hangin ay lumabas sa ilong. 3. Pasutsot - ang hangin ay lumalabas o dumaraan sa makipot na pagitan ng dila at ngalangala. 4. Pagilid - ang hangin ay lumalabas o dumaraan sa gilid ng dila. 5. Pakatal - kung ang hangin ay hinaharang at pinapalabas sapamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng nakaarkong dila. 6. Malapatinig - ito ay paggalaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon.
Mga Ponemang Patinig sa Filipino
Mataas Gitna Mababa Harap i e Sentral a Likod u o

Ang harap, sentral at likod ay tumutukoy sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng patinig.

Ponemang malayang nagpapalitan ay ponemang nagpapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan, tulad ng ponemang / e / at / i/ ,/ o/ at / u/. Halimbawa: babai- babae noon- nuon totoo- tutuo

Pares-minimal - pares ng salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas ngunit magkaiba naman ang kahulugan. unahan: pantay bantay gitna: hulihan: boto buto alab alap (pareho) (gwardya) (halal) (bahagi ng katawan o halaman) (ningas) (kapalit)

Diptonggo - ang magkasamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig na nasa isang pantig. Halimbawa: giliw tuloy tuklaw kasuy bataw kulay

Klaster/ Kambal Katinig - pagtatambal ng dalawang magkasunod na katinig na matatagpuan sa isang pantig. Halimbawa: Unahan Blo - ke
KKP - KP

Gitna trans por ta - syon


KKPKK KPK KP KKPK

Hulihan nars
KPKK

Ponemang Suprasegmental

1.

Tono ang pagtaas at pagbaba ng pantig ng isang salita upang higit na maging epektibo ang komunikasyon.

ta 2 la 1

ga 3

ma 2

ba 3 it 1

nagdududa

nagsasalaysay

2. Haba ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita Diin ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. / ba: ta? / - musmos / ba:tah / - ruba / ta:la?/ / tala? / - bituin - lista

3. Antala/ Hinto ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging tiyak sa paghahatid ng mensahe. d. Hindi ako ang may kasalanan. Hindi, ako ang may kasalanan.

MORPOLOHIYA (Palabuuan) makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng salita ng isang wika.
o

Morpema pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan

Leksikal Pangkayarian

Uri ng morpema ayon sa kahulugan

Hal. Naglaro ng basketball sa plasa ang mga koponan. Naglaro basketball plasa koponan. Pagbabagong Morpoponemiko

Anumang pagbabago ng morpema ay taglay ng kaniyang kapaligiran at ito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ang anumang maliit na salitang ikakabit nito ay nakaimpluwensiya sa pagbabagong anyo ng morpema. 1. Asimilasyon pang pang pang pan pam ( d, l, r, s, t, ) ( p at b.) ( k, g, h, m, n, w, y, a, e, i, o, u)

c. Asimilasyong Parsyal /pang/ + takas /pang/ + lagay /pang/ + babae


d.

pantakas panlagay pambabae

Asimilasyong Ganap - dalawang beses ang pagasimilang nagaganap. /pang/ + takot /pang/ + sukat - pantakot - pansukat - panakot - panukat

Hindi lahat ng mga salitang nagsisimula sa /p,b,s,t/ ay nagkakaroon ng asimilasyong ganap. Ang mga salitang ugat na inuunlapian ay nananatili ang anyo: pampalakas pambarko 2. Pagpapalit ng Ponema Ang mga sumusunod na mga ponema ay nagpapalitan na di nagbabago ang kahulugan gaya ng: /o/ at /u/ bago + bago = bagung-bago damo + damo = damung-damo /e/ at /i/ putahe + ng = putahing- putahe/ putahi * /d/ at /r/ Ma + dami = marami Ma + damot = maramot May ilang pagkakataon na may mga salitang magkaiba ang kahulugan kaya, hindi dapat magkapalitan ang /d/ at /r/. Madaldal - ( tsismosa/ tsismoso) Madamdamin / maramdamin */h/ at /n/ tawa + han = tawanan talo + han = talunan ( nagpapalitan din ang /o/ at /u/ ) * /l/ at /g/ halik + an = halkan = hagkan - hindi pamalakas - hindi pamarko

3. Metatesis Tinatawag din itong paglilipat. Makikita ito sa pagpapalitan ng posisyon ng ponema. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ at /y/ na ginigitlapian ng /in/ ay magkakaroon ng paglilipat ng pusisyon ng /n/ at ng /l/ at /y/. lagay + in > l+ in +agay > linagay = nilagay yari + in > y+ in + ari > yinari = niyari tanim + an > taniman > = tamnan 4. Pagkakaltas ng Ponema Ito ay nangangahulugang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Ito ay magaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala. dakip + in > dakipin takip + an > takipan 9. Paglilipat-diin , ka + ginhawa + an , ka+ tapat + an 6. Pagsusudlong Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat ( hulapi ). ka + totoo + han + an alala + han + in = katotohanan = alalahanin = dakpin = takpan

= =

, kaginhawaan , katapatan

7. Pag-aangkop hintay + ka hayaan + mo = teka = hamo

Kayarian ng Salita 1. Payak salitang-ugat, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang salita. bato, lakad, iyak, aklat

Halimbawa:

2. Inuulit - kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit. May dalawang uri ng pag-uulit:
c.

ganap na pag-uulit kung ang buong salitang-ugat ang inuulit Haimbawa: araw bayan araw-araw bayan-bayan

d.

parsyal o di-ganap na pag-uulit ang inuulit ay bahagi o parsyal lamang ng salitang-ugat.

May mga paraan sa pag-uulit tulad ng mga sumusunod: Pag-uulit sa unang pantig ng salita Halimbawa: ikot iikot

Pag-uulit sa unang dalawang pantig ng salita Halimbawa: baligtad bali-baligtad Kung ang salita ay may unlapi, gitlapi o hulapi, ang salitang-ugat lamang ang inuulit, di na kasali ang panlapi. Halimbawa: magluto magluluto May mga salitang maylapi na ang inuulit ang ikalawa, ikatlo o ikaapat na pantig ng salita Halimbawa: magpakasaya magpapakasaya ipakipaglaban ipakikipaglaban Maylapi - binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Mga uri ng panlapi:
g.

i.

Unlapi ito ay ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat Hal. um- + inom uminom i+ lakad ilakad Gitlapi itoy ikinakabit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig. Sa madaling salita itoy isinisingit sa gitna ng salitang-ugat. Hal. -um- + kain kumain -in- + putol pinutol Hulapi itoy ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat Hal. -han + huli hulihan -an + upo upuan Panlaping A+B (unlapi at gitlapi) ang panlaping ito ay kombinasyon ng panlaping unlapi at gitlapi na ikinakabit sa unahan at gitna ng salitang-ugat.

h.

i.

j.

Hal. nag-/ -umi- / -ink.

nagpumilit itinakbo

Panlaping A+C o Kabilaan (unlapi at hulapi) - sa uring ito, ang mga panlapi ay inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat. Hal. ma-/ -an + tanim mataniman nag-/ -han + kanta nagkantahan Panlaping B+C (gitlapi at hulapi) itoy kumbinasyon ng panlaping gitlapi at hulapi na ikinakabit sa gitna at huluhan ng salitang-ugat. Hal. -in- / -an + tabas tinabasan -in- / -an + tawa tinawanan Panlaping A+B+C o Laguhan ito ang tawag sa mga panlaping ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat. Hal. pinag-/-um-/-an + sikap = pinagsumikapan Nag- / -in- / -an + dugo = nagdinuguan

l.

g.

4. Tambalan - kapag ang dalawang salita ay pinagsama upang makabuo ng isang salita, itoy tinatawag na tambalangsalita. May dalawang uri ng tambalan: a. Tambalang ganap kapag ang dalawang salitang pinagtambal na may magkaibang kahulugan ay nakabuo ng ikatlong kahulugan na malayo sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama. Kadalasan ang salitang nabubuo ay di na nilalagyan ng gitling. Hal. hampas + lupa bahag + hari hampaslupa bahaghari

b.

Tambalang di-ganap o malatambalan ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal ay

nananatili ang kahulugan at walang nang ikatlong kahulugan. Itoy ginagamitan ng gitling. May ibat ibang paraan ng tambalang di-ganap: Ang ikalawang salita ay naglalarawan ng unang salita. Hal. isip-bata kulay-dugo Ang ikalawang salita ay nagsisilbing layon ng unang salita. Hal. ingat-yaman bantay-bahay Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng gamit ng unang salita. Hal. silid- kainan bahay-bakasyunan Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng pinagmulan o tirahan ng tinutukoy ng unang salita. Hal. batang-lansangan bahay-bata Kung binubuo ng dalawang magkasalungat ng kahulugan. Hal. lakad-takbo taas-baba salitang

SINTAKS (Palaugnayan)

Ang sintaks ay tumutukoy sa istruktura ng mga pangungusap at mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.

ANG PANGUNGUSAP

Ito ay isang salita o lipon ng mga salitang nagsasaad ng buong diwa o kaisipan. . Sabjek o paksa - pinag-usapan sa loob ng pangungusap Predikeyt o panaguri - nagsasabi tungkol sa sabjek. Halimbawa: Sa Paksa: 2. Nahuli ng 30 minuto si Sandra. Sa Panaguri: 2. Nagdarasal ang relihiyosang biyuda. Halimbawa: A. Karaniwang ayos a. Bibili ng e-load si Catherine. P + S
c.

Lumuluha niyang tinalikuran ang eksenang naganap habang nakatingin sa kanya ang naiwang sinta. P + S habang P + S

B. Di Karaniwan c. Si Itay ay nag-araro. S + P d. Ang guro ay nagmamalasakit ngunit ang kanyang mga estudyante ay nagwawalang bahala. S + P ngunit S + P

I. Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian


5.

Payak nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan.

a. Payak na Paksa at Payak na Panaguri 1. Ako ay historyador. S + P 2. Si Maestro Gregorio ay pilosopo. b. Payak na Paksa at Tambalang Panaguri. 1. Ako ay tagamasid at tagapagtala lamang. S + P 2. Si Iding ay mangingisda at bangkero. c. Tambalang Paksa at Payak na Panaguri 1. Pinakawalan ang mga sugpo at bangus. P + S 2. Tumalon sina bayawak at musang. d. Tambalang Paksa at Tambalang Panaguri 1. Ang kura paroko at kolektor ng buwis ay dinadambong at ninanakawan. S + P 2. Ang kalupitan at pang-aabuso ni Julian ay isinisigaw at idinaraing ng mga manggagawa. Tambalan itoy binubuo ng isa o higit pang magkatuwang na sugnay o malayang kaisipan o punong sugnay.
3.

6.

Sa akin ang pagdiskarte sa paghukay ng karbon at sa kanya naman ang management at marketing. P + S at P + S

4. Matagal siyang nagsalita ngunit hindi ko siya naintindihan.

7.

Hugnayan itoy binubuo ng isang punong sugnay at isa o higit pang katulong na sugnay.
3.

Kailangang bumaba tayo sa ilalim ng tanel upang kumuha tayo ng sampol ng karbon. P + S upang P + S

4. Wala siya sa sarili nang sumagot siya sa akin.


8.

Langkapan itoy binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay at ng isa o higit pang di malayang sugnay. Hal. Higit na pagmamahal ang iniukol ni Rey kay Inday Tata ngunit nakalalamang ang kay Allen sapagkat ang matandang Australyano ang napili ni Tata. P + S ngunit P + S sapagkat P + S

II. Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit


3.

Paturol kung itoy nagpapahayag ng katotohanan, bagay o pangyayari. Itoy nagtatapos sa bantas na tuldok. 1. Matagal ko nang pinag-iipunan ang tiket sa bapor. 2. Parang mabait sa iyo ang mundo.

4.

Patanong ito ay may himig na nag-uusisa o nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

1. Kailan ba talaga tayo sasahod? 2. Ano naman ang itsura ng kalapati? 3. Pautos itoy ang mga pangungusap na nakikiusap o nag-uutos. Gumagamit din ito ng bantas na tuldok sa katapusan ng pangungusap. 1. Huwag ka ngang manakot diyan. 2. Nakita ko nga siya, doon tayo sa beysment. 4. Pakiusap itoy nag-uutos na may paggalang na kalakip ang mga katagang maaari, paki at iba pa. 1. Pakikuha mo ako ng isang basong tubig. 2. Maari bang patayin mo ang ilaw dahil talagang masakit na masakit ang mga mata ko. 5. Padamdam itoy nagpapahayag ng matinding emosyon o damdamin. Nagtatapos ito sa tandang panamdam (!). 1. Mmmmm! Amoy fried chicken! 2. Ha! Masarap!

SEMANTIKA Ito ang pag-aaral ng mga kahulugan ng isang salita at ng mahahabang yunit ng salita gaya ng mga parirala at mga pangungusap. Hal. Sampal kamay Sampal paa

PRAGMATIKS Ang pag-aaral kung paanong naaapektuhan ng konteksto ang interpretasyon ng wikang ginagamit sa

komunikasyon. Ito ay tumutukoy sa kaalamang extralinguistic na dapat taglayin ng isang nagsasalita upang makapagtamo ng kahulugan mula sa isang sitwasyong komunikatibo Hal. Ilan po sila? Ano pong order nila?

You might also like