You are on page 1of 4

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Etimolohiya Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitanglengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe olengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.[1] [baguhin]Mga anyo ng wika Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita,diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.[2] [baguhin]Kasaysayan at teoriya Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1] [baguhin]Mga katangian Ito ang mga karaniwang katangian ng wika: 1. may balangkas; 2. binubuo ng makahulugang tunog;

3. pinipili at isinasa-ayos; 4. arbitraryo; 5. nakabatay sa kultura; 6. ginagamit; 7. kagila-gilagas; 8. makapangyarihan 9. may antas; 10. may pulitika; 11. at ginagamit araw-araw. Mga Antas ng Wika Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:


' - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles atFilipino ' - ginagamit na salitang may "Taglish" ' - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan ' - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. ' (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa. ' - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.


   

Ang balarila[1] ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks(syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.[2]

Ang sayusay[pananangguni'y kailangan] o retorika[1] ay isang uri ng sining ng paggamit ng wika o isang pag-aaral tungkol sa kaalaman sa mga salita o lenguwahe. Ginagamit ang retorika

ng isang tao upang mapasunod at magkaintindihan ang dalawang magkausap, upang maipakita ng bawat isa ang kanilang kagalingan sa pakikipagtalastasan.


Ayon impormasyon sa ibat-ibang aklat[pananangguni'y kailangan], isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag ng ang retorika kung saan tinutukoy kung maganda o kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita ng isang tao. Maaaring isa itong kahusayan ng nilalang sa pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Mula ang salitang "retorika" sa salitang Latin narhetor, nangangahulugang guro o mahusay na mananalumpati. Susi sa mabisang pagpapahayag ng nauukol na kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat ang retorika at isa ring pag-aaral upang makabuo ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng pili at wastong pangungusap na may maangkop na layunin.

Bilang isang sining, isa itong sining na kooperatiba, temporal, limitado at nagsusupling. Ilan sa mga gampanin nito ang pagbibigay daan sa komunikasyon, pag-aabala, pagpapalawak ng pananaw, pagbibigay ngalan, at pagbibigay kapangyarihan.

[baguhin] [baguhin]Mga kagamitan




Ilan sa mga kagamitan ng wika:




Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang

wika. [baguhin]Kategorya ng paggamit ng wika Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at inpormal o di-pormal. [baguhin]Pormal

Ang Pormal' ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito: 1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan. 2. Pampanitikan o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining. [baguhin]Inpormal o di-pormal Ang inpormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-arawaraw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito: 1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. 2. Halimbawa: Papanaw ka na? (aalis ka na?) 3. Nakain ka na? (kumain ka na?) 4. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan. 5. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. [baguhin]

You might also like