You are on page 1of 11

KASAYSAYAN NG PILIPINAS (Unang Linggo) The Spaniards gathered 7,000 islands, gave the thing a name, and made

themselvesmasters of the place. For 300 years, the natives resisted fiercely, singly at first, thenin larger and larger groups.And lost each time.In typical islander fashion, it wasno big deal. And then the Americans came. Iyan ang dati at lumang kasaysayan ng Pilipinas, naituro at sa kasawimpalad ay itinuturo pa sa lahat ng Pilipino. Laging English, laging nagsisimula sa pagdating ng mga Espanyol, laging tungkol sa mga dayuhan, laging walang katuturan sa mga katutubo. Laging laos, simulat simula pa. Kahit gaanong tapat at taos-puso, hindi mahuhuli sa ibang wika ng Once upon a time ang kalooban ng Pilipino, ang pag-unawa at pakikipag-isa ng damdamin sa mga tao ng nakaraan na, sa huling tuusan, ay ang buod at puso ng anumang kasaysayan. Kaya nang mabalita na Tagalog, o Pilipino, o Filipino (whichever) ang gagamitin na sa pagtuturo sa mga paaralan, masigla ang naging paghanap ng kasaysayan ng Pilipinas na sulat sa Tagalog, o Pilipino, o Filipino (alinman) dahil sa pag-asang mababasa na, sa wakas! ang karanasan ng bayan mula sa paningin ng katutubo, hindi sa wika (at damdamin) ng dayuhan. MAHIGIT7,100 piraso ang Pilipinas, isang libo lamang ang may tao, kalahati ay ni walang pangalan, marami ang lulubog-lilitaw sa urong-sulong ng dagat, 46 piraso lamang ang malaki pa sa 100 kilometro cuadrado. Sa dadalawa, Luzon at Mindanao, nakatira ang 7 sa bawat 10 Pilipino. Bawat kasaysayan ay kinakailangang magsimula sa umpisa, kaya ang unang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang iukol sa pinanggalingan ng kinalalagyan ng bayan. Mga Bakas Ng Lumipas (I) 26,000 - 24,000 SN, may tao na sa Pilipinas. 9,000 - 8,000 SN, nasa Pilipinas ang mga magdaragat [Austronesians]. 3,300 SN, nagsimulang humiwalay ang ibat ibang wikang katutubo mula sa isang ninunong wika. 2,100 SN, nagsimulang mabuo ang wikang Tagalog, Visaya at Manobo mula sa humiwalay na mga wika.

600, nagsimula ang kalakal ng makalumang porselana mula China; 300 taon pa bago nagkalakal ng tunay na porselana. 1001, dumating sa China ang mga sugo [ambassadors] mula Butuan. 1200, nagsimulang maging tangi ang wikang Tausug mula sa wikang Butuan. 1380, unang dating ng mga muslim [Moro ang tawag ng mga Espanyol] upang magturo ng Islam sa Pilipinas, sa pulo ng Simunul, Tawi-Tawi, sa kanluran ng Mindanao. 1450, itinatag sa Sulu ni Abu Bakr ang unang kaharian [sultanate] ng Muslim. Saan Mula Ang Lupa? ANG alikabok na tinatapakan, nasisinghot at nagpapadumi ng damit ay galing sa sahig ng dagat, nalukot paitaas nang mabundol ng sahig ng Pacific Ocean. Mula naman ang malalaking bahagi ng mga pulo sa bulwak ng mga bulkan sa mga butas at siwang ng tipak na lupa na lumulutang sa kumukulong bato. Dating akala, kasama ng Pilipinas ang Malaysia at Indonesia sa munting tipak na lupa na iniipit ng 3 naglalakihang tipak: 1.Sahig ng dagat Pacific, sa silangan; 2.Tipak ngAustralia atIndia, sa timog at kanluran; at 3.Lupa ngChina atJapan, sa hilaga. Ngunit napagtanto nitong 1983 lamang na ang Pilipinas mismo ay 3 o higit pang magkakadikit na tipak na nagkikiskisan at umuusad sa 3 o higit pang makakasalungat na tungo. Bakit umuusad? Ang sapantaha ng mga nag-agham, batay sa mga katibayang nausisa mula nuong 1950s, ang kumukulong bato ang siyang nagpapalutang at nagpapagalaw sa iba't ibang lupain ng daigdig - animo'y takip ng palayok o caserola na itinutulak at pinaiiktad ng sumusubong sinaing. Ang nasukat na pinakamabilis na usad, hindi sa Pilipinas, ay 15 sentimetro o 6 pulgada sa santaon, ang pinakamabagal ay 2 sentimetro o kulang-kulang isang pulgada, santaon; karaniwang usad ay kasing bilis ng tubo ng kuko sa daliri, daw.

Patuloy ang gitgitan ng mahigit 12 piraso na natuklasang bumubuo sa balat ng daigdig, pati na sahig ng mga dagat. Maraming lamat at butas dahil sa salyahan, at duon bumubulwak ang kumukulong bato na nakabalot sa buong daigdig sa ilalim ng mga tipak. Ang tipak ng Pacific Ocean ang kinikilalang pinakamapanganib sa kasalukuyan; tinawag na sinsing na apoy

[ring of fire] dahil sa dami ng bulkan at lindol sa paligid nito. Kasama ang Pilipinas sa sinsing, kasama sa pagsabog ng bulkan, kasama sa lindol. Maikling Deskpripsyon ng Pilipinas Sukat: 300,400 Bilang ng Pulo: 7,107 islands Populasyon : Humigit kumulang sa 87 Milyon (estimate: 2005) Kapal ng Tao : 295 katao gada 1 sq. km. Nakatira sa Kabayanan : 61% (2003) Nakatira sa Kabukiran : 39% (2003) Inaasahang mabubuhay ng : 69.9 taon (2005) Bilang ng sanggol na namamatay pagkasilang : 24 sa 1,000 pagsilang Pursyento ng maypinagaralan : 96% (2005) Lahing Pinagmulan : Malay race Uri ng Gobyerno: 6 na taong pamamahala sa ilalim ng isang Presidente Pambansang Salita: Filipino, Sinasalita ng karamihan - English Relihiyon : Katoliko (83%), Protestante (9%), Islam (5%), Iba pa (3%) Pangunahing Syudad : Manila, Baguio, Cebu, Davao Sistemang pang Edukasyon: 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa high school, 4 na taon sa kolehiyo Semestre : Unang semestre, simula Enero hanggang Octubre Ikalawang semestre, simula Nobyembre hanggang Marso Bakasyon: Simula Abril hanggang Mayo Ang Mga Naging Pangalan ng Arkipelago: - Nuong panahon bago dumating ang mga Kastila, ang mga dayuhang Chino ay nakikipagkalakalan na sa Pilipinas.Nuong panahon ng pamumuno sa China ng pamilya Sung at Ming, taong 900 1300 AD,tinawag na Mait (pulo ng ginto) ang ilang pulo ng Pilipinas, partikular na ang Mindoro. - Nuong 1521, panahon ng pagdating ni Fernando Magallanes, pinangalanan niya ang mga kapuluan bilang Islas de San Lazaro (Mga Kapuluan ni San Lasaro) - Ang pangalang Pilipinas ay nanggaling sa salitang Kastila na

Filipinas , na ibinigay ng isang Kastilang manlalayag na si Ruy Lopez de Villalobos nuong 1543AD sa pagpaparangal sa nuon ay batang prinsipe ng Espana na si Prinsipe Felipe II. Nuong taong 1751, si Padre Juan J. Delgado, isang Hesuitang manunulat ng kasaysayan, ay tinawag ang Maynila na Perlas ng Silangan dahil sa ito ay naging isa sa mga sentro ng kalakalan sa Asya kahit nuong bago pa man dumating sa bansa ang mga kastila. Sa kanyang huling liham, nuong 1896, araw bago maisagawa ang hatol na kamatayan, tinawag ni Dr. Jose Rizal ang kanyang inang bayan bilang Perla del mar de Oriente (Mutyang Mahalaga sa Dagat Silangan). - Ang pangalang Filipinas ay unang lumitaw sa isang mapa na nalimbag sa Venice nuong 1554 sa pangunguna ni Battista Ramusio, isang Italyanong heograpiko.Ang Kastilang salita na Filipinas ay nuong lumaon ay napalitan ng pangalang Philippine Islands sa panahon ng pamamalakad ng Kolonyang Amerika noong 1898. - Napalitan ito ng pangalang Republika ng Pilipinas nuong kinilala ang kanyang kalayaan nuong 1946. Isang pangarap na palitan ang pangalan ng Pilipinas: - Si Artemio Ricarte, isang Katipunang heneral, ay ninais palitan ang pangalan ng Pilipinas ng Rizaline Republic. - Si Ferdinand Marcos ay nagmungkahi na gawing M a ha r li k a (pangalan ng kanyang grupo na kumalaban sa mga hapon nuong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig) ang pangalan ng Pilipinas. Linguahe at Dialekto sa Pilipinas: Ayon sa pagsasaliksik ng isang Americanong linguistiko na si Richard Pitman, tinatayang nasa 55 uri ng katutubong linguahe at 142 dialekto ang matatagpuan sa Pilipinas.Lahat ng katutubong salita ay base sa Malay at Polinisyang salita.Ang pursyento ng mga pangunahing linguahe sa Pilipinas ay: 1.Cebuanos Cebu, Western Leyte, Bohol, at Eastern Negros, Zamboanga at iba pa. (24.39%) region 7, 9, 10 at ilan sa 11 2.Tagalog Central at Southern Tagalog Region (23.82%) 3.Ilocanos Ilocos at La Union (11.14%) karamihan ay sa region 1 4.Ilonggos or Hiligaynon Western Negros, Southern Mindoro, at Panay Island (9.99%) region 6 at ilan sa 11 5.Bicolanos Bicol Region <Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon> (6.96%) region 5 6.Waray-waray Samar and Eastern Leyte (4.62%) region 8 7.Ibanags (Cagayanos) Cagayan (3.80%) 8.Pampanguenos (Kapampangans) Pampanga (3.43%) 9.Zambals Zambales (2.70%) 10.Pangasinenses Panggasinan (2.26%)

11.Iba pa (6.89%) Ang Ingles ang isa sa pinaka gamit na salita sa Pilipinas lalo na sa larangan ng politika, edukasyon at komersyo.Sa katunayan, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang hindi Ingles ang pananalita subalit isa sa pinaka gumagamit ng Ingles bilang salita.

Taon ng Panunungkulan: Agusto 1, 1944 - Mayo 28, 1946 Bise Presidente: Wala Kapanganakan: Setyembre 9, 1878 Lugar: Cebu City, Cebu Kamatayan: Oktubre 19, 1961 Maikling Deskripsyon: Ikalawang Presidente ng Pilipinas noong panahon ng Commonwealth.Siya ang nagtatag ng Partido Nacionalista. Pinakamatanda sa mga naging presidente ng Pilipinas, sa gulang na 67. Ikatlong Republica (Kalayaan sa mga Amerikano) Manuel A. Roxas Ikalimang Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: Mayo 28, 1946 - Abril 15, 1948 Bise Presidente: Elpidio Quirino (1946-1948) Kapanganakan: Enero 1, 1892 Lugar: Roxas City, Capiz Kamatayan: Abril 15, 1948 Maikling Deskripsyon: Ikatlo at huling Presidente ng Pilipinas sa panahon ng Commonwealth (Mayo 28 - Hulyo 4 1946) at Unang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas (Hulyo 4, 1946 Abril 15, 1948).Isang magaling na abogado at politiko na nanungkulan lamang ng may dalawang taon dahil sa hindi inaasahang pagkamatay dahil sa atake sa puso. Elpidio R. Quirino Ikaanim na Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953 Bise Presidente: Fernando Lopez (1949-1953) Kapanganakan: Nobyembre 16, 1890 Lugar: Vigan, Ilocos Sur Kamatayan: Pebrero 29, 1956 Maikling Deskripsyon:Ikalawang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Isang magaling na politiko at abogado, ang isa sa mga nagawa niya ay ang bigyan ng amnistiya ang mga miyembro ng Hukbalahap. Ramon F. Magsaysay Jr. Ikapitong Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: December 30, 1953 - March 17, 1957 (Died in a airplane crash) Bise Presidente: Carlos Garcia (1953-1957) Kapanganakan: August 31, 1907 Lugar: Iba, Zambales Kamatayan: March 17, 1957 Maikling Deskripsyon: Ikatlong Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Kinilala dalhil sa matagumpay na pagpuksa sa Hukbalahap, isang kilusang komunista.Idolo ng masa at tagapagtanggol ng kalayaan. Carlos P. Garcia

Ikawalong Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: March 23, 1957 - December 30, 1961(Assumed the remaining term and re-elected) Bise Presidente: Diosdado Macapagal (1957-1961) Kapanganakan: November 4, 1896 Lugar: Talibon, Bohol Kamatayan: June 14, 1971 Maikling Deskripsyon: Ikaapat na Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Kilala sa kanyang mga programang pangkabuhayan. Nakipagugnayan sya sa mga kalapit bansa natin dito sa Asya para sa kalakalan. Diosdado P. Macapagal Ikasiyam na Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: December 30, 1961 - December 30, 1965 Bise Presidente: Emmanuel N. Pelaez (1961-1965)

Kapanganakan: September 28, 1910 Lugar: Lubao, Pampanga Kamatayan: April 21, 1997 Maikling Deskripsyon: Ikalimang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.Isang magaling na abogado, politiko, at ekonomista, siya ay ipinanganak sa isang mahirap na pamilya ngunit umangat sa lipunan dahil sa kanyang sipag, tiyaga, at katalinuhan. Ikaapat na Republica (Batas Militar, Ang Bagong Republica at ang Parliamentaryong Gobyerno) Ferdinand E. Marcos Ikasampung Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: December 30, 1965 - February 25, 1986 (The first to win 2 presidential terms) Bise Presidente: Fernando Lopez (1965-1972), Arturo Tolentino (1986) Prime Minister: Prime Minister Cesar E. A. Virata (1981-1986) Kapanganakan: September 11, 1917 Lugar: Sarrat, Ilocos Norte Kamatayan: September 28, 1989 Maikling Deskripsyon: Ikaanim at huling Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1965- Disyembre 30, 1973) at nagiisang Presidente ng Ikaapat na Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1981 - Pebrero 25,1986).Isang abogado at politiko na nanungkulan ng mahabang panahon sa ilalim ng batas militar, at napababa lamang sa pwesto sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon. Ikalimang Republica (Sa ilalim ng Bagong Constitusyon (Ang Peoples Power) Corazon C. Aquino Ikalabingisang Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: February 25, 1986 - June 30, 1992 Bise Presidente: Salvador H. Laurel (1986-1992) Kapanganakan: January 25, 1933 Lugar: Manila Kamatayan: Still Living Maikling Deskripsyon: Unang Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Siya ang unang babaeng presidente ng Pilipinas.Minana niya sa kanyang asawa ang pangunguna sa pagsalungat kay Ferdinand Marcos.

Fidel V. Ramos Ikalabingdalawang Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: June 30, 1992 - June 30, 1998 Bise Presidente: Joseph Estrada (1992-1998) Kapanganakan: March 18, 1928 Lugar: Lingayen, Pangasinan Kamatayan: Still Living Maikling Deskripsyon: Ikalawang Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Ang kanyang programa ay nakasentro sa tinatawag na Philippine 2000,na naglalayong iangat ang Pilipinas sa pagiging industriyang bansa sa taong 2000. Joseph E. Estrada Ikalabingtatlong Presidente ng Pilipinas

Taon ng Panunungkulan: June 30, 1998 - January 20, 2001 (Deposed by "People Power") Bise Presidente: Gloria Macapagal-Arroyo (1998-2001) Kapanganakan: April 19, 1937 Lugar: Tondo, Manila Kamatayan: Still Living Maikling Deskripsyon: Ikatlong Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas.Isang aktor at director sa pelikula na naging politico.Siya ay bumaba sa pwesto dahil sa nawalang tiwala sa kanya ng publiko matapos na sya ay maparatangan sa salang korapsyon. Gloria Macapagal-Arroyo Ikalabingapat na Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: January 20, 2001 - Present Bise Presidente: Teofisto Guingona (2001-2004), Noli de Castro (2004-Present) Kapanganakan: April 5, 1947 Lugar: San Juan, Metro Manila Kamatayan: Still Living Maikling Deskripsyon: Ikaapat na Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Siya ay anak ng dating presidente, Diosdado Macapagal, at pangalawang babae na naging Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon.

You might also like