You are on page 1of 11

KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBABASA

Ang pagbasa ay nakaukit at kakambal na ng pamumuhay na bawat tao. Ito ay ang tiyak at maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng kahulugan at kaisipan. Masasabi rin na ang pagbasa ay paraan ng pagtukoy sa ideya at kahulugan ng isang nalilimbag na mga salita, babasahin o sulatin. Ang pagbasa ay isang gawaing di mahihiwalay sa buhay ng tao. Paggising pa lang sa umaga, pagkatapos magpasalamat sa Dakilang Lumikha pagkatapos matiwasay na nakaraan ang magdamag, ang tao ay magsisimula na ng gawaing pagbabasa. Babasahin niya ang oras, ang mga kailangan niya sa paghahanda ng kanyang ikabubuhay, anupat sa maraming sandali at oras ay kailangan niyang magbasa. Sa pagbabasa nalalaman ang nangyayari sa ibat ibang lugar. Kung nagbabasa ay para bang nalilibot ng tao ang maraming lugar sa mundo. Nakahahanap ng kalutasan sa mga suliranin kasama pa ang puntong sa pagbabasa ay maaaring maaliw and isang tao. Ang pagbabasa ay hindi lamang pag-unawa ng mga salitang nakapaloob sa bawat pahina sa tekstong nabasa kundi pagbibigay interpretasyon din ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipang nais ipahayag. Ito ay pagbibigay kahulugan sa mga nakatalang sagisag ng mga kaisipan. Kailangan ng mamababasa ang matamang pagsusuri sa kahulugan ng mga salita, pangungusap, talata at parirala. Ang pagbabasa ng aklat ay isang mabisang paraan upang maabot ang makabagong karunungan at kaalaman ng tao magmula noong unang panahon hanggang kasalukuyan.

MGA PARAAN NG PAGBASA 1. Tahimik na Pagbasa


Ang ganitong uri ng pagbasa ay nangangailangan ng masugid na pang-unawa sa binabasa. Kaya nga, mahalagang tiyakin na ang kapaligiran ng kung saan gagawin ang pagbabasa ay tahimik o malayo sa ingay na maaaring makasira sa konsentrasyon ng babasa.

MGA PATNUBAY/ GABAY SA PAGBASA NANG TAHIMIK:

a. Tamang lugar. Pumili ng lugar kung saan magbabasa nang tahimik. Ang magbabasa ay nararapat na maging maingat sa pagpili ng pook na kung saan niya gagawin ang tahimik na pagbabasa. Dapat ay matiyak na libre sa ingay at hindi magulo ang lugar. b. Tamang ayos o posisyon. Ang ayos ng pag-upo kung magbabasa ay mahalagang isaalang-alang pagkat makatutulong ito sa maginhawang pagbabasa. c. Mata lamang ang gamitin sa pagbabasa ng tahimik. Makatutulong ito sa pag-iisip at pag-unawa ng binabasa. d. Huwag gagamitin ang daliri na pantulong sa pagbabasa at maging ang pagsunod ng ulo kung ang nagbabasa ay iwasan upang medaling maunawaan ang binabasa at di lubhang mapagod sa ginagawang pagbabasa. e. Bumasa nang mabilis subalit may pag-unawa sa nilalaman ng binabasa.

2. Malakas na Pagbasa
Layunin ng pagbabasang ito na magbigay ng mga gintong kaisipan sa mga tagapakinig. Nais din nitong bigyang aliw at bigyang-kaalaman ang mga nakikinig. Sa pagbasa nang malakas, ang mambabasa ay nararapat na mahusay bumasa. Para sa kapakanan ng mga nakikinig, ang pagbabasa ay dapat na maayos at malinaw upang di maging kabagut-bagot ang dating pandinig.

MGA PATNUBAY/GABAY SA PAGBASA NANG MALAKAS: a. Tayo o tindig. Ang maganda at tamang tindig ay malaki ang maitutulong sa paghihikayat at kawilihan ng mga nakikinig. b. Bolyum/Lakas ng tinig. Dapat ay tama lamang ang lakas ng tinig sa bilang ng nakikinig at gayundin sa laki ng lugar o kuwarto na pinagdarausan ng pagbabasa. Kapag di angkop ang lakas ng tining ang mga nakikinig at nawawalan ng interes sa pakikinig. c. Tamang paraan ng pagbigkas. Tinutukoy rito ang pagbigkas nang maayos na kasama rin ang tamang intonasyon. Ang intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng mga salita.

d. Tamang paghawak sa aklat. Ang kaliwang kamay ang siyang dapat humawak sa ano mang babasahin o sa aklat na nais basahin at ang kanang kamay ang magsisilbing tagabuklat at tagalipat sa mga pahina ng binabasang materyales.

DALAWANG URI NG PAGBASA


1. Pahapyaw na pagbasa - ito ay nagtataglay ng layuning makapangalap at makakuha ng mga detalye at impormasyon sa isang aklat. 2. Masusing pagbasa ito ay nagtataglay ng layuning makapagbigay ng impormasyon at detalye . Layunin din nitong makapagbigay ng mga paghahambing at pagtutulad ng mga dahilan at halimbawa.

MGA PANUKATAN O DIMENSYON SA PAGBASA


Sa pagbabasa ng guro sa mag-aaral ng mga salaysay, kwento, dula, paglalahad at iba pang uri ng babasahin, marami siyang nilalayong malinang sa mag-aaral. Hindi ang kakayahan lamang ng mag-aaral sa pagkilala sa mga nakatalang mga sagisag ng diwa at kaisipan kundi higit pa roon. Ang mga babasahin ay nakatutulong sa paghahandog sa mag-aaral ng mayayamang karanasan na makatutulong sa paglinang ng mabubutin gkaalaman, kasanayan, pag-uugali, kawilihan at saloobin at mga pagpapahalaga. Sa ikalilinang ng lahat ng mga ito, may mga panukatan sa pagtatanong, ito ay panukatan o dimensyon sa pagbasa. 1. UNANG DIMENSYON : Pag-unawang literal a. Pagpuna sa mga detalye b. Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari c. Pagsunod sa panuto d. Pagbubuod o paglalagom sa binasa e. Paggawa ng balangkas ng binasa f. Pagkuha sa pangunahing kaisipan g. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan h. Pagbibigay ng katotohanan upang mapatunayan ang isang nalalaman i. j. Paghanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang konklusyon Pagkilala sa mga tauhan

k. Pag-uuri-uri ayon sa pamagat 2. IKALAWANG DIMENSYON: Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng mayakda lakip ang mga karagdagang kahulugan a. Pagdama sa katangian ng tauhan b. Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghagang salita c. Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan d. Pagbibigay ng kuru-kuro at opinion e. Pagkuha ng kalalabasan f. Paghihinuha sa mga sinundang pangyayari g. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan h. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa i. Pagbibigay ng pamagat

3. IKATLONG DIMENSYON: Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng pagkalahad a. Pagbibigay ng reaksyon b. Pag-iisip ng masaklaw at malawak c. Paghahambing at pagbibigay ng pagkakaiba d. Pagdama sa pananaw ng may-akda e. Pag-unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama f. Pagpapahalaga sa binasa g. Pagkakilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisipan ng mga pangungusap h. Pagkakilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talataan i. j. Pagtalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento Pagpapasya tungkol sa katumpakan ng pamagat ng binasang seleksyon

k. Pagpapasya sa kabisaan ng paglalahad 4. IKAAPAT NA DIMENSYON: Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magbunga ng bagong pananaw at pagkaunawa

a. Pagbibigay ng mga opinyon at reaksyon b. Pag-uugnay ng binasa sa sarili at sa tunay na buhay c. Pagpapayaman sa talakayan ng aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnay na karanasan d. Pag-aalaala sa mga kaugnay na impormasyon e. Pagbibigay ng katotohanan upang dagdagan ang mga nalalaman f. Pagpapaliwanag ng nilalaman o ng binasa batay sa sariling karanasan 5. IKALIMANG DIMENSYON: Pagkilala ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon a. Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain b. Pagbabago ng wakas ng kwento o lathalain c. Pagbabago ng pamagat ng kwento d. Pagbabago ng katangian ng mga tauhan e. Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento o lathalain f. Paglikha ng sariling kwenyo batay sa binasa

PAGKUHA NG KAHULUGAN SA PAMAMAGITAN NG: CONTEXT CLUES


Mapapalawak natin ang talasalitaan at lubos na maiintindihan ang kahulugan ng bawat salita, pangungusap, talata at parirala sa pamamagitan ng context clues. Halimbawa: 1. Ang damo sa bukid maliit pa ay nakasisira na ng tanim at kapag lumaki at pumapatay sa ano mang uri ng gulay. 2. Ang damo ng mga adik sa simula pa lang ay nakasisira na ng kalusugan at kapag nagtagal ay lumalason sa katawan at isipan.

SALITANG KASINGKAHULUGAN O SALITANG KASALUNGAT


Ang ideya at mensaheng nais ipaabot ng may-akda ay maaaring mabigyan ng ibang interpretasyon o kahulugan ng mga mambabasa ayon sa pagkagamit sa pangungusap. Halimbawa I Mga salitang magkasing-kahulugan 1. Kawangis kamukha kahawig kawangki kapares katulad 2. Nanunukso nanlilibak nanunudyo nang-uuyam nang-aasar nang-iinis 3. Nalulong nabulid naratay nadiin

Halimbawa II Mga salitang makasalungat 1. Nagagalak nalulumbay 2. Kaibigan kaaway 3. Kulang husto

HOMONYMS O HETERONYMS
Ang talasalitaan ng Wikang Filipino ay nagtataglay ng magkakatulad na tunog at baybay subalit magkakaiba ng kahulugan at diin. Mayroon ding salitang magkakaiba ang tunog at bigkas subalit magkatulad ng baybay. Ang kahulugan nito ay ayon sa diin at bigkas at gamit sa loob ng pangungusap. Halimbawa: 1. Saka - farm Saka - later 2. Aso dog Aso smoke 3. Balat skin Balat birth mark

STRUCTURAL CLUES O KAYARIAN NG SALITA


Ang pagbuo ng kayarian ng salita ay may ibat ibang pamamaraan. May salitang ugat lamang at may mga tambalan. Payak ang kahulugan ng salitang ugat na nakabubuo ng pangngalan, pandiwa at pang-uri sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlapi. Halimbawa: 1. Suri nagsuri, nagsusuri, magsusuri, pagsusuri, surian, tagasuri 2. Laro kalaro, laru-laruan, larong-bata, palaro, manlalaro, maglaro 3. Bango mabango, mabangung-mabango, bumango, pabango, magpabango

DENOTASYON O KONOTASYON
Ang denotasyon ay pagbibigay kahulugan ng salita mula sa diksyunaryo. Ang konotasyonay naiibang kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnay at pagkakagamit nito sa iba pang salita. Halimbawa: 1. Haligi a. Denotasyon: Ang kahoy na yakal ay matibay na haligi ng bahay. b. Konotasyon: Si Ginoong Martin ay haligi ng kanilang pamilya. 2. Kumakaliwa a. Kumakaliwa ang sasakyan sa paanan ng bundok bago makarating ng kabayanan. b. Ang kumakaliwa sa asawa ay masamang gawain. 3. Makapal a. Makapal ang usok na nagmumula sa nasusunog na gusali. b. Makapal ang mukha ng batang lagging huling pumasok sa paaralan.

KATANGIANG TAGLAY NG MGA SALITA


Salitang maraming kahulugan
Maraming salita sa wikang Filipino ang magkakasintunog ang bigkas at magkatulad ang baybay subalit may ibat ibang kahulugan. Ang mga

itoy nakapagdaragdag ng kaalaman at nakapagpapalawak ng ating talasalitaan. Halimbawa: 1. Ang labi niya ay manipis at kabigha-bighani. (nangangahulugan na ang labi ay bahagi ng mukha ng tao) 2. Ang labi niya ay dumating kaninang umaga buhat sa aksidenteng naganap sa ibayong dagat. (nangangahulugan ng bangkay ng taong naaksidente)

Salitang may naililipat na kahulugan

May mga salitang naililipat ang kahulugan o nag-iiwan ng kakaibang kahulugan. Kapag hindi natin alam ang kahulugan ay gumagamit tayo ng diksyunaryo. Ang iba namang salita ay pwede ring mag-iwan ng ibang kahulugan ayon sa pagkagamit sa pangungusap at sa paraan ng pagbigkas. Halimbawa: 1. Paso burns Paso na ang kanyang lisensya sa pagmamaneho kaya hinuhuli siya ng pulis. (Nagbago ang kahulugan ng paso) 2. Bakas partner Nag-iwan ng bakas ang mga salarin. (Nagbago ang kahulugan ng bakas)

PATAYUTAY NA PANANALITA
Ang patayutay na pananalita ay mga patalinghagang pagpapahayag ng nakapagdaragdag ng buhay at kulay sa wika. Ito ay naiiba kaysa karaniwang pagsasalita na siyang higit na ikinagaganda ng isang pagpapahayag. Ilan sa mga madalas gamiting tayutay ang mga sumusunod: 1. Pagtutulad ang tayutay na itoy paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba. Ang paghahambing na ito ay karaniwang ginagamitang ng mga katagang kaparis, kawangis, katulad, para, anaki, animo, tila at iba pa. Halimbawa: a. Si Kevin ay animong asong ulol kung magalit. b. Ang bahay na natatanaw mo ay katulad ng gusaling nakatayo sa gitna ng siyudad. 2. Pagwawangis o metapora ang tayutay na ito ay paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba subalit hindi gumagamit ng mga katagang tulad, tulad ng at iba pa. Halimbawa: a. Ang pagmamahal ni Kate ay lason sa kanyang damdamin. b. Matigas ang puso ng mga taong walang habag. 3. Pagbibigay katauhan o personipikasyon ang tayutay na ito ay pagsasalin ng mga karaniwang bagay sa mga katangian, gawi at talino ng tao. Halimbawa: a. Kumahampas ang mga along nagpapahiwatig ng papalapit na panganib. b. Umaalimbukay ang tubig sa aking palangoy. 4. Palit-tunog o metonomiya ang tayutay na ito ay pansamantalang pagbibigay ng uabg kahulugan sa mga bagay na magkakaugnay. Ito ay nangangahulugan na may kaugnayan sa pinalitan ang ipinalit na katawagan. Halimbawa:

a. Mabangis na leon ang daratnan ko sa madawag na kagubatan. b. Pinasalamatan ko ang masintahing ina. 5. Pagmamalabis o hyperbole ang tayutay na ito ay nagbibigay ng sobra o may kakulangang angkin ng mga tao, bagay, pangyayari at katayuan o kalagayan. Halimbawa: a. Gagasimbahan ang ipu-ipong sumalanta sa kanilang bahay. b. Pumarada ang litson sa opisina nang ipagdiwang ang ika-80 anibersaryo ng Pambansang Pangasiwaan ng Patubig. 6. Pagpapalit-saklaw o senekdote and tayutay na ito ay pagbanggit sa isang bahagi ng bagay upang matukoy ang kabuuan. Halimbawa: Sisiguruhin kong hindi na madudungisan ang aking mga kamay sa muli nating pagkikita. 7. Pagtawag o apostrape ang tayutay na ito ay pagsasatao o pakikipag-usap sa mga karaniwang bagay na parang kaharap lamang ng nagsasalita subalit wala naman. Halimbawa: a. O hangin, halika nat akoy yakapin. b. Bagyo, bagyo, umalis na po kayo.

IDYOMA
May sariling pinagkakagamitan ang idyomatikong pagpapahayag at ang mga ito ay nauunawaan kaagad mula sa kanilang panggramatikang istruktura. Hindi tuwiran ang mga kahulugang nais ipahayag at hindi ibinibigay ang tunay na kahulugan ng bawat isa at maiintindihan lamang ang tunay na kahulugan ng mga ito sa ibabaw o sa pagitan ng mga salitang ipinahahayag. Ang mga idyoma ay madalas makita o mabasa sa ibat ibang uri ng panitikan kagaya ng tula, sanaysay, dula, nobela at maikling kwento. Kalimitan din itong naririnig sa pang-araw araw na pakikipagkomunikasyon. Halimbawa: a. Mababaw ang luha iyakin b. Magsunong ng kilay mag-aral ng mabuti

MGA KASANAYAN SA PAGBASA


Karaniwan sa ating pagbabasa ay may naiiwang impormasyon na nais nating matandaan. Maaaring ito ay mga tuwirang mga salita na kasagutan sa isang tiyak na sagot, paksa para sa isang komposisyon, o nagnanais na ating maikintal ang mga impormasyon para sa pansariling kapakinabangan. Paano mo ito gagawin? Isang pamamaraan ay ang pagtatala ng impormasyon o taking notes. Tandaan lamang na sa pagtatala ng impormasyon huwang kalilimutan ang punong kaisipan o key words na makatutulong sa iyo upang magbalik sa iyong alaala ang mga nabasang mahahalagang tala sa aklat. 1. Estilo sa Pagbasa a. Scanning: para sa tiyak at ispesipikong pokus. Pagbabasa na may layuning makuha ang isang partikular na simbolo o ng grupo ng mga simbolo tulad ng petsa o pangalan ng isang tao o lugar, ito rin ay mabilisang paghahano ng kasagutan sa isang partikuar na tanong.

Mahalagang mai-scan ang mga bahagi nga teksto upang malaman ang kahalagahan ng mga sumusunod sa bumabasa: i. Ang introduksyon o panimula ng aklat ii. Ang una o huling talata ng mga kabanata iii. Ang huling kabanata ng isang aklat b. Skimming: Mabilisang pagbasa ng teksto upang makuha lamang ang pangkalahatang larawang ng materyales, maging pamilyar sa mga paksa at makakuha ng lagom sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pangunahing ideya. Ang teknik na magagamit sa pagbabasa ng isang pahayagan o magasin: basahin nang mabilis upang makuha ang pangunahing ideya at laktawan ang mga detalye. c. Detalyadong Pagbasa: makuha ang wasto at kinakailangang mga impormaston. Kung saan binabasa ang bawat salita, at may matutuhan sa teksto. 2. Aktibong Pagbasa A.Pagbuo ng Balangkas Mahalaga ang paghahanda ng isang balangkas upang maitala ang mga ideya o kaisipan na nais isulat sa papel. Ang balangkas ay pinakakalansay ng anumang sulatin. Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya pinaguuri-uri ng mahusay na magaaral ang mga punong kaisipan at pantulong na kaisipan na nais ipahayag. Nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral ang balangkas sa kayang pagsusulat. Itnuturing na magkakaroon ng malinaw na direksyon ang gagawing balangkas. Kung gayon, mahalaga na matutuhan mo ang tamang pamamaraan sa pagsulat ng balangkas batay sa inyong binasa. Sa balangkas papaksa, isang salita o parirala lamang ang ginagamit na pagpapahaya ng isang diwa o kaisipang nais ipahayag sa isa o higit pang talataan. Sa balangkas pangungusap, buong pangungusap ang ginagamit na pagpapahayag. May panandang ginagamit sa paghahati-hati ng mga kaisipan. Para sa mga puno o pangunahing kaisipan, ang tambilang ng romano (I,II,III,IV atbp.) ang ginagamit. Sa mga pantulong na kaisipan, ginagamitan ng malaking titik (A, B, K, atbp). Mahahati pa rin sa ikatlong antas ang mga pantulong na kaisipan at karaniwang ginagamitan ito ng tambilang na karaniwan (1,2,3 atbp). Para sa ikaapat na antas, maaaring magkaroon ng ikalima at ikaanim na antas, mga karaniwang tambilang ang ginagamit at maliliit na titik na nakapaloob sa panaklong. B. Pangunahin at Pantulong na Ideya Sa pagbuo ng balangkas, kinakailangan ang mga punong kaisipan na magkakaugnay, may kaisahan, kalinawan at tutugma sa paksang diwa sa kabuuan ng balangkas. Sa paghahanay ng mga pangunahing kaisipan, itoy inaayos batay sa kaayusan, kahalagahan at kasukdulan ng mga paksa o pangyayari. Ang pangulong tudling o outline ay kinakailangang simple lamang upang maging epektibo sa mahusay na pagbubuo ng balangkas. Sapagbuo ng mga punong kaisipan, pinagsasama ang mga pangunahing detalye ukol sa

tema ng paksa. Ang isang mahusay na balakin ng mga punong kaisipan ay magbibigay linaw sa daan ng wastong pagbuo ng balangkas. Ang punong kaisipan ay may pantulong na ideya at detalye upang mabuo ang balangkas. C. Pagbuo ng Paksa/Pangungusap Upang makabuo ka ng isang masining na paraan ng pagtatala ng mga kaisipan batay sa binasang teksto, kinakailangan na pag-ugnay-ugnayin mo ang mga ideya sa pamamaraang lohikal. Ang mga konsepto ay mahalaga at makabuluhan. Sa pamamagitan ng mga konseptong ito, magkakalaman at magkakabuhay ang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng maayos na pangungusap. Nagtataglay ng isang pagksang pangungusap ang isang talatang maayos ang pagkakabuo. Nagsisilbi itong buod o buod ng kaisipan ng talata at gabay ito sa patutunguhang direksyon nang hindi malihis sa paksang tinatalakay. Nagtataglay ng mga sumusunod na katangian ang isang mabuti ang maayos na paksang pangungusap: 1. Ang paksang pangungusap ay dapat maghatid ng pangunahing ideya o kaisipan ng talata. Maaari itong makita sa simula at wakas ng talata na nagsasaad ng buod ng nilalaman nito. 2. Nagsisilbing gabay sa pagbubuo ng talata. D. Pagbuo ng mga Tanong mula sa Binasang Teksto Sa pagnanais mo na maikintal sa inyong isipan ang mga mahahalagang paksa sa binasa mong teksto nais mo rin na malaman ang mga karagdagang kaisipan at kaalaman ng mga mambabasa na maarin gmakadagdag sa iyong mga nakuhang impormasyon. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagbubi ng mga tanong ayon sa binasa mong teksto. Ang pinakamainam na pagkuha ng mga impormasyon ay mahusay na pangkat na mga katanungan na magbibigay ng mga dagdag kaalaman. Dito hinihinkayat na mabigay ng pansariling dahilan, pagpapaliwanag at paglalahad ng mga kongkretong detalye ukol sa paksa. Ang mga tanong ay di magbubunga ng malaman na kasagutan kung ito ay nakapokus lamang sa mga kasagutang oo at hindi. Gamitin ang mga tanong na nagsisimula sa Sino, Ano, Kailan, Saan, Bakit at Paano. Ang mga panimulang tanong na nabanggit ay karaninwang ginagamit ng mga tagapagpahayag sa pagkuha ng mga impormasyon sa pagbabalangkas ng kwento. Bilang karagdagan, ang mga panimulang tanong ay magbubunsod sa mambabasa na magbigay ng sariling suhesityon o kaalaman na nauukol sa paksa. E. Pagbuo ng Halaw/ Abstrak ng Binasa Sa paghahalaw ng abstrak ng binasang teksto, kinakailangang mailarawan nang pabuod ang kabuuan ng paksang binasa. Sa pagbabalangkas ng abstrak ay layunin nito ang mabigyan ng impormasyon ang mambabasa sa mga pangunahing kaisipan na di kinakailangang basahin ang kabuuan ng teksto. Susundin din ang paghahalaw ng mga pangunahing kaisipan ayon sa kasukdulan ng paksa. Gagamitin ang mga tambilang uang maipakita ang kahalagahan at kaugnayan ng mga sub-topics sa mga punong kaisipan. Ang abstrak na pangkolehiyo ay iminumungkahi lamang na mabuo sa isang pahina ng papel.

You might also like