You are on page 1of 8

Buhay ni Jose Rizal

MAITUTURING na nagmula sa may kayang pamilya ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang kanyang amang si Don Jose ay isang magsasaka ng tubo, at katiwala ng malawak na lupain. Samantalang ang kanyang inang si Donya Teodora ay may mataas na pinag-aralan na bihira sa kababaihan noong panahong iyon. Ang pamilya Rizal ay nakatira sa kongkretong bahay na may malawak na hardin, pribadong aklatan, kung saan matatagpuan ang daan-daang kolek-siyon ng aklat. Bagaman at maraming kapatid na babae si Jose o Pepe na maaaring mag-alaga sa kanya, kumuha pa ang kanyang ama ng yaya na siyang nag-alaga sa kanya. Si Donya Teodora naman ang sumubaybay sa panimulang edukasyon ng batang Rizal. Tinuruan niya itong magbasa, magdasal, at magrosaryo. Kalaunan ay kumuha rin ng pribadong tagapagturo ang kanyang mga magulang para magturo sa pagbabasa, pagsulat, gayundin sa pag-aaral ng Latin. Dahil sa pagkakaroon ng maraming aklat sa bahay at paghikayat ng kanyang mga magulang kung kaya't labis na nagkahilig ang batang si Pepe sa higit pang pag-aaral at pagkatuto hanggang sa mga huling bahagi ng kanyang buhay. Siyam na taong gulang si Jose nang dalhin siya ng kanyang ama sa Binan, Laguna, upang ipagpatuloy ang kanyang pormal na pag-aaral. Hindi maganda ang karanasan ni Rizal sa paaralang iyon, anupa't naisulat niya sa kanyang tala-arawan ang pagkakatanggap ng palo mula sa kanyang guro na may istriktong pamamaraan ng pagtuturo. Sa kabila ng kanyang pagiging mabuting bata, bihira ang araw na hindi napapalo ang kanyang mga palad. Ayaw ni Rizal sa gayong paraan ng pagtuturo, at ito ay nabanggit niya sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, na tumutukoy sa hindi magandang

epekto ng ganoong paraan sa asal at isipan ng mga bata. Aniya, imposible ang makapag-isip nang maayos sa harap ng patpat na pamalo at latigo, at matatakot maging ang isang batang matalino. Noong 1872, nagpatala si Rizal sa Ateneo Municipal para sa digri sa Batselor sa Sining. Ang kakaibang espiritu ng kumpetisyon at personal na disiplina ay nagpaibayo sa panibagong interes para siya ay lalong pang matuto. Ang kanilang klase ay hinati sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay tinawag na Romano samantalang ang ikalawa ay tinawag na Carthaginian. Ang mga miyembro ng grupo ay inihahanay sa kanilang tagumpay sa kanilang pang-araw-araw na leksiyon. Nagsimula si Rizal sa grupong Carthaginian na nasa hulihan ng talaan, pero makaraan ang isang buwan, siya ay tinanghal na emperador at ginawaran ng estampita. Nagtamo rin siya ng mga medalya at pagkilala dahil sa kanyang termino at nananatiling tumatanggap ng markang pinakamahusay sa halos lahat ng kanyang mga aralin. Nang lumaon ay nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas kasabay ng pag-aaral niya ng surveying sa pagtuturo ng mga Heswita. Nang siya ay 17 taong gulang ay nagtungo siya sa Espanya upang mag-aral sa Universidad Central de Madrid. Noong 1885 ay pareho niyang natapos ang kursong medisina at pilosopiya. Dahil sa espiritu ng liberalismo sa Europa kaya't mas lumawak ang kanyang interes. Nag-aral siya ng iba't ibang lengguwahe, naglakbay sa maraming bansa, kasabay ng kanyang aktibong kampanya para sa reporma sa Pilipinas. Isinulat niya ang isa pang nobela, ang El Filibusterismo at nagsalin ng Sucesos de las Islas Filipinas, kung saan kanyang itinuwid ang mga pagkakamali sa nakatalang kasaysayan ng Pilipinas. Nagbigay din siya ng mga kontribusyon sa La Solidaridad, ang pahayagan ng mga repormistang Pilipino sa Espanya.

Nang siya ay magbalik sa Pilipinas noong 1892, ipinatapon siya sa Dapitan ng pamahalaang Espanyol, dahil sa umano'y pag-iingat ng mga subersibong papeles. Papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang boluntaryong doktor nang sumiklab ang rebolusyon sa Pilipinas. Hinuli siya at kinasuhan ng rebelyon at sedisyon. Noong Disyembre 3, 1896, binaril siya sa Luneta. Ayaw ni Rizal na barilin siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor, pero hindi pinayagan ang kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing squad. Sa oras ng eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay ipinihit niya ang kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa sumisikat na araw sa umagang iyon ng Disyembre - kagaya ng isang kagalang-galang na tao na dapat na pagkilala sa kanya.

Jos Rizal
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Jos Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Isang larawan ni Jos Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas.

Jos Rizal Hunyo 19, 1861 Calamba, Laguna, Pilipinas Disyembre 30, 1896 (edad 35) Bagumbayan (Luneta ngayon), Lugar ng kamatayan: Maynila, Pilipinas Pangunahing organisasyon: La Solidaridad, La Liga Filipina Pangunahing monumento: Liwasang Rizal Ibang pangalan: Kapanganakan: Lugar ng kapanganakan: Kamatayan:

Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa kanya, silipin ang Jose Rizal (pelikula). Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin ang Rizal (paglilinaw). Si Dr. Jos Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda[1] (Ika-19 ng Hunyo 1861Ika-30 ng Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at Teodora. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng

mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Mga nilalaman
y y y y y y

1 Edukasyon ni Rizal
2 Mga Akda 3 Buhay Pag-ibig 4 Mga Pamanang-lahi 5 Pagbitay, Kamatayan at Pagka-martir 6 Ugnay panlabas

Edukasyon ni Rizal
Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalawang parte ang Roman Empire (inside border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best student),Tribune,Decurion,Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech ,naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang religious picture para sa kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel para pagbutihin ang kanyang Wikang Kastila.

Mga Akda
Mga Nobela ni Jose Rizal

y y y

Noli Me Tangere El filibusterismo Makamisa

Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng EL FILIBUSTERISMO. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896. Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp. Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.

Buhay Pag-ibig
Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal. Si Segunda ay labing-apat na taon palang noon at ang kapatid ng kaklase niyang si Mariano. Dahil sa paghanga ni Rizal kay Segunda, ginawan niya ito ng isang larawan ginuhit ng lapis. Ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas. Mag-aalok na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral na siya sa UST(Unibersidad ng Santo Tomas) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang totoong pangalan) ngunit ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason una ang mga magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala,

pangalawa ay hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni Miss L(hindi binaggit kung bakit).Sumunod kay Miss L ay si Leonor Valenzuela at si Leonor Rivera. Si Leonor Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya alam na ito pala ay malayong pinsan niya lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza, naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging mahusay maglaro ng instrumentong harp at ang kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken. Nagkakilala sila nang pinatapon si Rizal sa Dapitan. Siya din ang kanyang huling kasama nang barilin siya sa Bagumbayan.

Mga Pamanang-lahi
Si Jose Rizal ay isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad. Ang kanilang mga mithiin: 1. 2. 3. 4. 5. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya; na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlamento); na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon; kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag; pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.

Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.

Pagbitay, Kamatayan at Pagka-martir

Pagbaril kay Jos Rizal sa Bagumbayan. Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon, pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan. Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan.

You might also like