P. 1
Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda

|Views: 9,630|Likes:
interesting
interesting

More info:

Published by: Markhill Veran Tiosan on Jun 28, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

04/23/2015

pdf

text

original

Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Pagsilang ng Pambansang Bayani
Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan na naging pinakadakilang bayani ng isang nasyon. Biniyayaan ng diyos ng maraming talino, maihahanay siya sa ibang henyo sa buong daigdig. Siya ay isang doctor (siruhano sa mata), makata, mandudulan mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemista, manlalaro, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat, siya ay isang bayani at politokong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan . Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na Pambansang Bayani. Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules, Hunyo 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Muntik nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo. Gaya ng isinalaysay niya kinalaunan:"Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19,1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa lambak naito ng luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon." Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, Si Padre Rufino Collantes, na isang Batangueno. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga – Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak na Rizal. Ang ngalang "JOSE" ay pinili ng kanyang ina sa deboto kay San Jose. Nang bininyagan siya, pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi sa mga miyembro ng pamilyang naroon: "Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya." Nagkatotoo ang sinabi niya, gaya ng matutunghayang pangyayari sa hinaharap.

Isinilang si Jose Rizal noong ika-l9 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba. Ang Calamba ay nasa lalawigan ng Laguna. Si Jose Rizal ang ika-pito sa labing –isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Ang Ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Binan, Laguna, noong Mayo 11,1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa, pagkaraan mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa Calamba at naging kasamang magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag siya, bihirang magsalita, ngunit mas maraming nagagawa, malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong Enero 5,1898 sa edad na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na "Huwarang Ama". Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8,1826, at nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod. Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at katatagan ng isang babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking Nanay at katangi-tangi; maalam siya sa panitikan at mnahusay mag Espanyol kaysa akin. Siya ang nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa. Namatay si Donya Teodora sa Maynila noong Agosto 16,1911 sa edad na 85.

Mga Magulang ni Rizal

Biniyayaan ng Diyos ang mag-asawang Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ng labinng-isang anak – dalawang lalaki at siyam na babae. Sila ang mga anak : Saturnina (1850 – 1913) – panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya’y Neneng; ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas. Paciano (1851-1930) – nakatatandang kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang nakababatang kapatid, sumapi siya sa Rebolusyong Pilipino at nahing Heneral; pagkaraan ng Rebolusyon nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Banos , kung saan siya ay naging magsasaka at namatay noong Abril 30,1930, isang matandang binata sa edad na 79. May dalawa siyang anak sa kanyang kinakasama (Severina Decena ) – isang lalaki at isang babae. Narcisa (1852-1939) – palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez (pamangkin ni Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong. Olimpia (1855-1887) – palayaw niya at Ypia; ikinasal kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula Maynila. Lucia (1857- 1919) – ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba , na pamangkin ni Padre Casanas. Namatay sa Kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Dr. Rizal. Maria (1859-1945) – Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng Binan, Laguna. JOSE (1861-1896) – ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang kanyang palayaw ay Pepe; habang desterado sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ngunit ilang oras lamang nabuhay ang sanggol pagkapanganak; pinangalanan siyang "FRANCISCO’ ni Rizal, sunod sa ngalan ng Ama, at inilibing siya sa Dapitan. Concepcion (1862-1865) – ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na 3; ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutan naranasan ni Rizal. Josefa (1865-1945) – ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang matandang dalaga sa edad na 80.

Ang mga Batang Rizal

Trinidad (1868-1951) – Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang matandang dalaga noon 1951 sa edad na 83. Soledad (1870-1929) – bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay Choleng; ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.

Mga Alaala ng Kabataan
Ang unang alaala ni Rizal, sa kanyang kamusmusan, ay ang masasayang araw niya sa hardin ng kanilang tahanan nang siya ay tatlong taong gulang. Dahil siya ay masakitin at maliit na bata, siya ang alagang-alaga ng kanyang mga magulang. Ipinagpatayo siya ng kanyang ama sa kanilang hardin ng maliit na bahay kubo na mapaglalaruan niya sa araw. Isang mabuti at matandang babae ang inupahan para maging yaya niya. Minsan, kapag naiiwan siyang mag-isa, naglalaro siyang mag-isa o kaya’y pinagmumunimunihan niya ang kagandahan ng kalikasan, Naisulat niya sa kanyang talaarawan na noong tatlong taong gulang siya, pinanonood niya sa kanyang bahay kubo ang paglalaro ng mga ibong kilyawan, maya, maria kapra, martines, at pipit, pinakikinggan nang "buong paghanga" ang matimyas na huni ng mga ibon. Isa pang magandang alaala ni Rizal ay ang araw-araw na pagdarasal nila tuwing Orasyon. Pagdumilim na, kuwento ni Rizal, tinipon ng kanyang ina ang mga anak para makapagdasal na sa Orasyon. Naalala niya ang pagrorosaryo ng pamilya sa mga gabing iniilawan ng mabilog na buwan ang kanilang azotea. Pagkatapos ng rosaryo, nagkukuwento ang yaya sa mga batang Rizal (kasama si Jose) ng mga kuwento tungkol sa engkantada, kuwento ng mga nabaong yaman at punong namumunga ng brilyante, at iba pang kuwento ng kababalaghan. Ang mga malikhaing kuwentong ito ang pumukaw sa interes ni Rizal sa mga alamat at kuwentong bayan. May mga gabing ayaw kumain ng hapunan ni Rizal kaya tinatakot siya ng kanyang yaya sa mga aswang, nuno sa punso, tikbalang, at balbas-saradong Bombay na kukuha sa kanya kung hindi siya maghahapunan. Isa pang alaala niya’y ang paglalakad sa bayan, lalo na kapag maliwanag ang gabi. Kapag kabilugan ng buwan, isinasama siya ng kanyang yaya sa may ilog, kung saan nakatatakot na imahen ang inihuhubog ng mga anino ng puno rito. Sabi ni Rizal: "Dahil ang aking puso ay maraming malulungkot na kaisipan kahit pa musmos ako, natuto akong lumipad sa mga bagwis ng pantasiya sa matataas na rehiyon ng kababalaghan."

Ang Unang Kalungkutan ng Bayani
Malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Rizal. Tinuruan sila ng kanilang magulang kung paano magmahalan at magtulungan. Sa mga kapatid na babae, pinakamamahal ni Rizal si Concha (Concepcion). Isang taon ang tanda niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha at mula sa kapatid ay natutunan niya ang pagmamahal. Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Concha, sanhi ng sakit noong 1865 nang siya at tatlong taong gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid ay labis na nalungkot sa pagkamatay nito. "Nang ako ay apat na taong gulang",sabi niya, "namatay ang aking nakababatang kapatid na si Concha, at iyon ang unang pagkakataong lumuha ako dahil sa lungkot at pagmamahal…" Ang pagkamatay ni Concha ang unang kalungkutan niya.

Peregrinasyon sa Antipolo
Noong Hunyo 6, 1868, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Antipolo para sa kanilang Peregrinasyon na ipinanata ni Donya Teodora nang isilang si Jose. Hindi nakasama si Donya Teodora dahil kasisilang pa lang niya noon kay Trinidad. Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna at unang Peregrinasyon sa Antipolo. Siya’t kanyang ama ay sumakay sa isang kasko. Tulad ng ibang bata, tuwang-tuwa si Rizal sa una niyang paglalakbay. Hindi siya nakatulog ng buong gabi habang tinatawid ng kasko ang ilog Pasig dahil totoong namangha siya sa "kagandahan ng lawa at katahimikan ng gabi’. Pagkaraang magdasal sa dambana ng Birhen ng Antipolo, nagtungo si Jose at kanyang ama sa Maynila. Ito ang unang pagpunta ni Jose sa Maynila. Dinalaw nila si Saturnina, na noo’y nangangaserang estudyante sa Kolehiyo ng Concordia sa Santa Ana.

Ang Kwento ng Gamugamo
Tinuruan si Jose ni Donya Teodora na bumasa sa wikang Kastila. Isang gabi binigyan niya si Jose ng isang aklat, EL AMIGO DE LOS NINOS. Sa Tagalog ang ibig sabihin nito ay "ANG KAIBIGAN NG MGA BATA". Heto ang isang aklat, Jose ang sabi ng Nanay niya. Tignan mo kung mababasa mo ito. Tinignan ni Jose Kung mababasa niya ang aklat sa kastila, ngunit hindi niy ito mabasa. Kinuha ng Nanay niya ang aklat at ito ang sinabi niya. " Ah, hindi ka pa makababasa sa wikang Kastila. Makinig ka at babasahin ko ito para sa iyo." Nang buksan niya ang aklat, nakita niyang maraming drowing ang mga pahina nito. "Sino ang may gawa ng mga nakakatawang mga larawan ito? Ang tanong niya. :Ako po, Nanay". "Ah ! pilyo kang bata. Mula ngayon huwag mong guguhitan ng kung anu-anong mga larawan ang mga pahina ng alinmang aklat?". Matapos mapagalitan si Jose nagsimula na siyang magbasa sa liwanag ng ilawang langis. Sa simula, nakikinig si Jose sa kanyang pagbabasa. Hindi naglaon nawalan na siya ng kawilihan. Hindi niya maunawaan ang binabasa ng Nanay niya. Natawag ang pansin niya sa ningas ng ilawang langis. Napansin ni Donya Teodora na hindi nakikinig si Jose sa kanyang binasa. Isinara niya ang aklat. "Makinig ka sa akin, Jose," ang sabi niya. "May ikukuwento ako sa iyo." "Nakikinig po ako, Nanay." Sinimulan basahin ng Nanay ang kuwento ng "Batang Gamugamo". Binasa niya ang kuwento sa wikang kastila. Pagkatapos, ikinuwento niya ito kay Jose sa Tagalog para maunawaan ito ng bata. Pagkatapos ng kuwento ni Donya Teodor, tinanong niya si Jose. " Alam mo ba ang nangyari sa munting gamugamong hindi sumunod sa kanyang ina? Ang mga batang hindi sumusunod sa kanilang mga magulang ay makakatulad din ng batang gamugamo. Hindi naniwala si Jose sa paalaala ng Nanay niya, para sa kanya , maganda ang ningas ng ilaw. Ang ningas na iyon ay kumakatawan sa isang mithiin sa buhay. Isang karangalan para kanino

mang tao ang mamatay para sa kanyang mithiin katulad ng munting gamugamo. At gaya ng batang gamugamo siya ay nakatakdang mamatay na martir para sa isang dakilang mithiin.

Mga Talinong Pansining
Mula pagkabata, naipakita na ni Rizal ang mga talino niya sa sining na biyaya sa kanya ng Diyos. Sa edad na 5, gumuguhit na siya sa tulong ng kanyang lapis, humuhubog ng magagandang bagay sa luwad o wax. Sinasabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang bandilang panrelihiyong ginagamit tuwing pista ng Calamba at lagi na lamang nadudumihan. Bilang tugon sa kahilingan ng alkalde, pininturahan ni Rizal ang bagong bandila ng mga kulay de-langis. Tuwang-tuwa ang taumbayan dahil mas maganda ito kaysa orihinal. Nasa kaluluwa ni Rizal ang pagiging tunay na artista. Sa halip na maging di-palaimik na bata, may payat at may malulungkot na mata, nakatagpo siya ng ligaya sa pamumukadkad ng bulaklak, pagkahinog ng mga prutas, pagsasayaw ng alon sa lawa, at mala gatas na ulap sa kalangitan, at pakikinig sa awitan ng mga ibon, hunihan ng mga kuliglig at bulungan ng hangin. Gustong-gusto niyang sasakyan ang kabayong binili para sa kanya ng kanyang ama na tinawag niyang ALIPATO,at maglakad sa kaparangan at tabing-lawa, kasama ang kanyang itim na asong nagngangalang USMAN. Isang interesanteng kuwento tungkol kay Rizal ay ang insidente tungkol sa kanyang eskulturang luwad. Isang araw nang siya ay anim na taong gulang, pinagtatawanan siya ng mga kapatid dahil mas mahabang oras pa ang inilalaan niya sa eskultura kaysa paglalaro. Hindi siya kumikibo habang nagtatawanan ang mga kapatid. Ngunit nang papalayo na ang mga kapatid, sinabi niya: " Sige pagtawanan ninyo akon nang pagtawanan ngayon! Balang araw, kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monumento para sa akin. Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang "SA AKING MGA KABATA". Sa tulang ito, ipinakita ni Rizal ang pagiging makabayan. Sa mga makabayang berso, ipinahayag niya na ang taumbayan na tunay na nagmamahal sa sariling wika ang siyang makikipaglaban para sa kalayaan tulad ng "ibong lumilipad nang pagkataas-taas para sa mas malawak na liliparan", at ang Tagalog nga ay wikang maitatapat sa Latin, Ingles, Espanyol at iba pang wika.

.

Unang Drama ni Rizal
Pagkatapos maisulat ang tulang "SA AKING MGA KABATA", isinulat ni Rizal na noo’y walong taong gulang, ang una niyang dula na isang komedyang Tagalog. Sinasabing itinanghal ito sa isang pista sa Calamba at kinaluguran ng mga manonood. Isang Gobernadorcillo mula Paete, isang bayan sa Laguna na kilala sa lansones at mga lilok na kahoy, ang nakapanood ng komedya. Nagustuhan niya ito at binili ang manuskrito sa halagang dalawang piso. Itinanghal ito sa isang Pista sa Calamba at kinaluguran ng mga manonood.

Si Rizal Bilang Batang Salamangkero
Mula pagbibinata, naging interesado si Rizal sa mahika. Sa bilis ng kanyang mga kamay, marami siyang natutunan na mahika, gaya ng pagpapawala at muling pagbabalik sa isang barya o panyolito. Inaaliw niya ang mga kababayan sa eksibisyon ng mahiwagang lampara. Binubuo ito ng isang ordinaryong lampara na nagbibigay ng anino sa puting-tabing. Pinagagalaw niya ang mga daliri, gumagawa ng mga aninong kaanyo ng hayop at tao. Naging mahusay din siya sa pagpapakilos ng mga papet.

Mga Pagmumuni-muni sa Tabing Lawa
Kapag magdadapithapon tuwing tag-araw, nagpupunta si Rizal, kasama ang kanyang alagang aso sa tabi ng Lawa ng Laguna para mapagwari-wari ang kalagayan ng inaaping kababayan. Kinalaunan, ikinuwento niya ang mga ito: Maraming oras ko noong aking kabataan ang inilagi ko sa tabi ng lawa, Lawa ng Laguna. Pinag-iisipan ko kung anong mga bagay ang nasa hinaharap. Napapanaginipan ko ang lugar sa kabila ng mga alon. Halos araw-araw, sa aming bayan, nakikita namin ang Tenyente ng Guardias Civiles na namamalo at nananakit ng mga di-armado at walang kasalanang taumbayan. Ang tanging kasalanan ng aking kababayan ay ang di pagtatanggal ng kanyang sumbrero at yumukod. Hindi rin maganda ang pagtrato ng alkalde sa mahihirap kong kababayan. Wala akong nakitang pumipigil sa mga kalupitang ito. Mga gawaing marahas at iba pang pang-aabuso na araw-araw na ginagawa…tinanong ko ang aking sarili kung sa lupain sa kabila ng lawa’y ganito rin ang nararanasan ng mga naninirahan doon. Naisip ko kung doon ay pinahihirapan at pinagpapapalo ang isang taumbayan dahil lamang sa mga suspets: Iginagalang ba doon ang tahanan? O sa dako ring yao’y may kapayapaan kapalit ng suhol sa mga tirano. Kahit bata pa, ikinalulungkot na niya ang aping kalagayan ng kanyang pinakamamahal na bayan. Ginising ng mga kalupitan ng mga Espanyol ang mura niyang puso kaya nagkaroon itong determinasyon para labanan ang tirano. Nang maging binata, isinulat niya sa kaibigang si Mariano Ponce: Dahil sa mga walang katarungan at kalupitan, kahit na bata pa, ang aking imahinasyon ay ginising, at isinumpa kong balang araw ay maipaghihiganti ko ang maraming biktima. Ito ang nasasa isip, nag-aral ako, at ito ay makikita ngayon sa lahat ng naisulat ko. Balang araw ay bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon para maisakatuparan ko ang aking pangako.

Mga Impluwensya sa Kabataan ng Bayani
Noong gabing isinilang si Jose Rizal, may ibang bata ang isinilang sa Calamba at maraming ibang bata ang isinilang sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas. Ngunit bakit sa mga batang ito, isang batang lalaki lamang

Si JOSE RIZAL ang naging tanyag at dakila? Sa buhay ng tao, may mga impluwensiyang nagiging sanhi para maging dakila siya o hindi. Sa kaso ni Rizal, nagkaroon siya ng magagandang impluwensiya na hindi naranasan ng ibang kapanabay niya. Ito ang mga impluwensiya: (1) impluwensiyang namana, (2) impluwensiya ng kapaligiran, at (3) tulong ng Maykapal. Impluwensiyang Namana Ayon sa siyensiyang biolohikal, may mga katangian ang isang tao na sadyang minanamula sa mga nuno niya’t magulang. Mula sa mga nunong Malaya, kitang-kitang namana ni Rizal ang pag-ibig sa kalayaan, bukal na pagnanasang maglakbay, at katapangan. Mula sa mga nunong Tsino, nakuha niya ang pagiging seryoso, masinop, pasensiyoso, at mapagmahal sa mga bata. Mula sa nunong Espanyol, nakuha niya ang pagiging elegante, maramdamin sa mga insulto, at galante sa kababaihan. Mula sa kanyang ama, minana niya ang tunay na pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa gawa, at pagiging malaya sa pag-iisip. At mula sa kanyang ina, namana niya ang pagiging relihiyoso, diwa ng pagmamalasakit, at pagmamahal sa sining at literatura. Impluwensiya ng Kapaligiran Ayon sa mga sikolohista, ang kapaligiran, gaya rin ng pagmamana, ay nakaapekto sa katauhan ng isang tao. Kabilang sa mga impluwensiya sa kapaligiran ang mga lugar, kakilala at pangyayari. Ang magagandang tanawin sa Calamba at magandang hardin ng mga Rizal ang nagpasigla sa talino niya sa sining at literatura. Ang relihiyosong kapaligiran sa kanyang tahanan ang nagpatibay sa kanyang pagiging relihiyoso. Ang kanyang kapatid na si Paciano ang nagkintal sa kanyang isip ng pagmamahal sa kalayaan at katarungan. Mula sa mga kapatid na babae, natuto siyang maging magalang at mabuti sa kababaihan. Ang mga kuwento isinalaysay sa kanya ng kanyang yaya noong siya’y bata pa ang gumising sa interes niya sa kuwentongbayan at alamat. Ang tatlo niyang tiyo, mga kapatid ng kanyang ina, ay may magaganda ring impluwensiya sa kanya. Si Tiyo Jose Alberto, na nag-aral ng labing-isang taon sa isang paaralang Ingles sa Calcutta, India at nakapaglakbay sa Europa ang naging inspirasyon niya para mapanday ang kanyang talino sa sining. Si Tiyo Manuel, na isang lalaking mahilig sa palakasan , ang humikayat sa kanya na magpalakas at magpalaki ng katawan sa pamamagitan ng mga pisikal na ehersisyo, kasama na ang pangangabayo, paglalakad, at pagbubuno. At si Tiyo Gregorio, na palabasa, ang nagpatingkad sa hilig niyang pagbabasa ng magagandang aklat. Si Padre Leoncio Lopez, ang matanda;t maalam na kura paroko ng Calamba, ay isa sa mga impluwensiya na tumulong kay Rizal sa pagpapayaman ng kanyang pagmamahal sa pag-aaral at katapatang intelektuwal. Ang mga kalungkutang dinanas ng pamilya, gaya ng pagkamatay ni Concha noong 1865 at pagkakapiit ng kanyang ina noong 1871-74, ang nakatulong nang malaki sa pagpapatatag ng kanyang katauhan, na tumulong sa kanya para labanan ang mga hamon sa buhay. Ang mga pang-aabuso at kalupitan ng tenyente ng mga Guardias Civiles at alkalde, ang walang-katarungang pagmamalupit sa mga inosenteng Pilipino, at pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora noong 1872, ang gumising sa kanyang diwa ng pagiging makabayan at naging inspirasyon para isakripisyo ang buhay at talino para sa katubusan ng mga inaaping kababayan. Tulong ng Maykapal Higit sa minana at kapaligiran, ang tulong ng maykapal ang siya ring humuhubog sa kapalaran ng tao. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng lahat sa kanyang buhay-talino, yaman, at kapangyarihan- ngunit kung walang tulong ng Maykapal , hindi niya makakamit ang kadakilaan sa kasaysayan ng nasyon. Si Rizal ay inilaan ng diyos para sa pagpapahalaga at kadakilaan ng kanyang bansa. Ang diyos ay nagbiyaya sa kanya ng maraming regalo ng isang henyo, ang buhay na diwa ng pagiging makabayan, at matapang na puso para makapagsakripisyo para sa isang dakilang simulain.

Pag-aaral sa Calamba at Biñan
Unang nag-aral si Rizal sa Calamba at Binan. Nang panahong iyon, ganoon ang karaniwang edukasyon para sa isang anak ng isang Ilustrado, na binubuo ng apat na aralin – PAGBASA, PAGSULAT, ARITMETIKA, AT RELIHIYON. Ang pagtuturo ay mahigpit at istrikto. Ang pagbibigay ng kaalaman ay ipinipilit sa mag-aaral sa pamamagitan ng walang katapusang pagmememorya ng mga aralin na may kasamang hagupit ng guro sa bata kapag nagkakamali. Ganito man ang kamalian sa sistema ng edukasyon ng mga Espanyol, nakapagtapos din si Rizal ng pag-aaral na siyang paghahanda niya para sa kolehiyo sa Maynila at ibang bansa. Masasabing si Rizal, na ipinanganak na masakitin, ay naging higanteng intelektwal kahit na sinauna pa ang sistema ng pagtuturo sa Pilipinas noong mga huling dekada ng Panahon ng Espanyol.

Ang Unang Guro ng Bayani
Ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina, na katangi-tangi dahil sa kanyang magandang ugali at mabining pagkilos. Sa kanyang kandungan sa edad 3, natutunan niya ang alpabeto at mga dasal. " Ang aking ina, sabi ni Rizal" ang nagturo sa aking ng pagbasa at magdasal. Bilang guro, si Donya Teodora ay pasensiyosa, tapat, at maunawain. Siya ang unang nakakita ng talino ng anak sa pagkakatha ng tula. Kaya lagi niyang hinikayat itong magsulat ng tula. Para naman di mabagot sa pagmememorya ng alpabeto, ng ina ang imahinasyon ng anak sa pamamagitan ng pagkukuwento. Habang lumalaki si Jose, umupa ang kanyang magulang ng guro ng magtuturo sa kanya sa kanilang bahay. Ang una ay si MAESTRO LUCAS PADUA. Kinalaunan, isang matandang lalaki, si LEON MONROY na dating kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Ang matandang guro ay nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan si Jose ng Espanyol at Latin. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng limang buwan.

Pagkamatay ni Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na ipadala siya sa isang pribadong paaralan sa Binan.

Nagtungo si Rizal sa Biñan
Isang Linggo ng Hunyo, 1869, pagkaraang makapagmano sa mga magulang at makapagpaalam sa mga kapatid na babae, nagtungo si Rizal sa Binan. Sinamahan siya ni Paciano, na siyang pangalawa niyang ama. Ang magkapatid ay sumakay ng Karomata, at narating ang patutunguhan pagkaraan ng isa’t kalahating oras. Nagtungo siya sa bahay ng kanilang tiya kung saan mangungupahan si Rizal. Magdidilim na nang makarating sila roon at malapit nang sumikat ang buwan. Nang gabing iyon, namasyal si Rizal sa bayan, kasama ang pinsang si Leandro . Sa halip na matuwa sa pamamasyal naramdaman ni Jose na hinahanap-hanap na niya ang mga magulang at kapatid. " Kapag maliwanag ang buwan," naalala niya, "pumasok sa aking isipan ang aking bayan, ang hinahangaan kong ina, at mga mapagbigay na kapatid. A, totooong napamahal sa akin ang Calamba, ang aking bayan , kahit na hindi ito kasingyaman ng Biñan.

Unang Araw sa Paaralan ng Biñan
Kinaumagahan (Lunes), dinala ni Paciano ang nakababatang kapatid sa paaralan ni MAESTRO JUSTINIANO AQUINO CRUZ. Ang paaralan ay nasa bahay ng guro, na isang bahay kubo, at di kalayuan, mga 30 kilometro, mula sa bahay ng Tiya ni Rizal. Kilala ni Paciano ang guro dahil siya ay naging estudyante niya noon. Ipinakilala niya si Jose sa Guro. At pagkaraa’y bumalik na siya sa Calamba. Kaagad na binigyan ng sariling puwesto si Rizal sa kanilang klase. Tinanong siya ng guro: "Marunong ka bang mag-Espanyol?" "Kaunti lamang po, Ginoo," sagot ng batang taga-Calamba. "Marunong ka bang mag-Latin?" "Kaunti po, Ginoo." Nagtawanan ang mga kaklase niya, lalo na si Pedro na anak ng guro. Ito ang paglalarawan ni Jose sa kanyang guro sa Binan. "Matangkad siya, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba. Suot niya ay kamisang yari sa sinamay, na hinabi ng mahuhusay na kamay ng kababaihan ng Batangas. Kabisado niya ang gramatika nina NEBRIJA AT GAINZA. Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking paghusga sa kanya, at ito ay paglalarawan ko sa kanya kahit na may kalabuan".

Unang Pakikipag-away sa Paaralan
Kinahapunan ng una niyang araw sa paaralan, habang ang guro ay nagsisiyesta , nagkaharap sina Jose at Pedro. Nagalit siya kay Pedro dahil pinagkatuwaan siya nito habang nakikipag-usap sa guro ng umagang iyon. Hinamon ni Jose si Pedro sa isang away. Hindi naman nagdalawang isip si Pedro at tinanggap ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang matatalo ang taga –Calamba na mas bata at mas maliit sa kanya. Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga kaklase. Si Jose, na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking batang ito. Dahil dito, naging popular na siya sa kanyang mga kaklase. Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si ANDRES SALANDANAN, ang humamon sa kanya ng bunong-braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at muntik nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa. Sa mga sumunod na araw, lagging napapaaway si Rizal sa mga batang lalaki ng Binan. Hindi naman siya palaaway ngunit hindi niya tinakbuhan ang anumang away.

Pinaka mahusay na mag-aaral
Sa mga araling pang-akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga Binan. Naunahan niya ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura. May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang talino . Lagi nilang isinusumbong si Rizal sa guro tuwing nakikipaaway siya. Kung anu-ano ring kasinungalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi nila sa guro. Kaya napipilitan ang guro na parusahan si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo.

Pagtatapos ng Pag-aaral sa Biñan
Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina, at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong TALIM sa Binan na siyang mag-uuwi sa kanya sa Calamba. Nang mabasa niya ang sulat , nagkaroon siya ng premonisyong di na siya babalik sa Binan kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala, at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase. Umalis siya ng Binan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 17,1870, pagkaraan ng isa’t kalahating taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong TALIM dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko. Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo Camps, kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga sa kanya.

Debotong Anak ng Simbahan
Anak ng isang pamilyang Katoliko, isinilang at pinalaki sa diwa ng Katolisismo, at mayroong malinis na puso, lumaking mabuting Katoliko si Rizal. Sa edad 3, kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya. Ang kanyang ina, na isang debotong katoliko, ang nagturo sa kanya ng mga dasal. Nang siya ay limang taong gulang, marunong na siyang magbasa ng bibliya ng pamilya na nasa wikang Espanyol. Palasimba si Rizal. Doon siya nagdarasal, sumasama rin sa mga prusisyon. Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso siyang "Manong Jose" ng

mga Hermanos at Hermanas Terceras. Isa sa mga iginagalang at pinagpipitagan an ni Rizal sa Calamba noong siya’y bata pa ay si Padre Leoncio Lopez, ang Kura ng bayan. Madalas na binibisita siya ni Rizal para pakinggan ang mga makabuluhan nitong opinyon sa mga nagyayari sa paligid. Hinahangaan din niya ang pilosopiya nito sa buhay.

Pagtatapos ng Pag-aaral sa Biñan
Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina, at ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong TALIM sa Binan na siyang mag-uuwi sa kanya sa Calamba. Nang mabasa niya ang sulat , nagkaroon siya ng premonisyong di na siya babalik sa Binan kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala, at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase. Umalis siya ng Binan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 17,1870, pagkaraan ng isa’t kalahating taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong TALIM dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang makasakay sa isang barko. Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo Camps, kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga sa kanya.

Debotong Anak ng Simbahan
Anak ng isang pamilyang Katoliko, isinilang at pinalaki sa diwa ng Katolisismo, at mayroong malinis na puso, lumaking mabuting Katoliko si Rizal. Sa edad 3, kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya. Ang kanyang ina, na isang debotong katoliko, ang nagturo sa kanya ng mga dasal. Nang siya ay limang taong gulang, marunong na siyang magbasa ng bibliya ng pamilya na nasa wikang Espanyol. Palasimba si Rizal. Doon siya nagdarasal, sumasama rin sa mga prusisyon. Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso siyang "Manong Jose" ng mga Hermanos at Hermanas Terceras. Isa sa mga iginagalang at pinagpipitagan an ni Rizal sa Calamba noong siya’y bata pa ay si Padre Leoncio Lopez, ang Kura ng bayan. Madalas na binibisita siya ni Rizal para pakinggan ang mga makabuluhan nitong opinyon sa mga nagyayari sa paligid. Hinahangaan din niya ang pilosopiya nito sa buhay.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->