P. 1
Panahon Ng Metal

Panahon Ng Metal

5.0

|Views: 61,035|Likes:
Published by Jeff Cadimas

More info:

Published by: Jeff Cadimas on Jun 29, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/17/2015

pdf

text

original

Panahon ng metal

Sa arkeolohiya, ang Panahon ng Bakal ay ang yugto ng kaunlaran ng sinumang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Kadalasang sumasabay ang mga ganitong paghiram sa mga ibang pagbabago sa lipunan, kabilang ang mga magkakaibang pagsasanay sa pagsasaka, mga paniniwalang pang-relihiyon at mga malasining mga istilo. Ito ang panahon matapos ang Panahon ng Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato. Ito'y tumagal hanggang 1,000 taon pagkasilang ni Kristo (A.D.). Ang mga ninuno ay natuto nang gumamit ng mga kasangkapan at kagamitang yari sa tanso, bakal at ginto.

Paleolitiko
Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500 BK) ay ang panahon kung saan karamihan sa kasangkapan ng mga tao ay gawa sa kahoy at madaling masira.

Ano ang neolitiko
Ito ay ang bahagdan ng ebolusyong kultural kung saan ang mga naiwan ng taong prehistoriko ay yaong mga kasangkapang bato na kininis bago sumapit ang panahong metal.Tatlong pamantayan ang kasama sa kahulugang ito-mga kininis na batong kasangkapan,palayok at agrikultura at domestikasyon ng nga hayop.

Ano ang panahong mesolitiko
Mesolitiko - nangangahulugang Gitnang Panahon ng Bato. Batay sa salitang Griyegong "MESO", na ibig sabihin ay gitna. Panahon ito ng pagpoprodyus.

Panahon ng Bato
Ang Panahon ng Bato o Stone Age [ Ingles ] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko). Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang "ng bato" at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng "panahon ng bato". Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng Timog Aprika.[1]

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->