P. 1
Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?

Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?

|Views: 48,961|Likes:
Published by Michael John Sabido

I made this speech or "talumpati" as a requirement for Filipino 101 course during my freshman year in college. It tackles the topic about the children or youth as the hope of our country.

I made this speech or "talumpati" as a requirement for Filipino 101 course during my freshman year in college. It tackles the topic about the children or youth as the hope of our country.

More info:

Published by: Michael John Sabido on Jun 30, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/16/2015

pdf

text

original

Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?

Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon natin ito sa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway natin ang bandila ng ating bayan patunay na tayo’y malaya sa anumang pang-aalipin ng mga dayuhan. Ito ay ilan lamang sa mga katangian at kaugaliang inaasahan natin na taglay ng bawat kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan. Noon, masasabi kong napakatatag ang ating paniniwala sa naturang kasabihan at sa kaisipang nais nitong iparating sa atin. Ngunit ngayon parang humina ang paniniwalang ‘to. Masyado na yatang mabilis ang takbo ng panahon. Kasabay sa paglipas nito at sa pagsilang ng bagong henerasyon ay marahil ang paglipas din ng paniniwalang pag-asa ng bayan ang mga kabataan. Tumatayo ako ngayon dito sa harapan ninyong lahat bilang isa sa mga kabataan ng makabagong henerasyon tulad ninyo. Bigyan ninyo ng katahimikan ang inyong pag-iisip sa mga sandaling ito at alalahanin ninyo ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo. Ngayon, sagutin ninyo ang tanong ko: kayo ba’y pag-asa pa rin ng bayan? Kung ako ang inyong tatanungin, hindi ako mahihiya at mag-aatubiling sabihing “Oo!”. Sapagkat lahat tayo ay pag-asa pa rin ng bayan. Sa kabila ng katotohanang may iilan sa atin na mga nagrerebelde, pasaway, batugan at parang wala ng tamang nagawa sa buhay. Umaasa akong balang araw maintindihan nila ang tunay nilang tungkulin at pananagutan. Ngunit paano nga ba natin magagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? Aba simple lang naman! Kailangan lang natin ng kasipagan, katapatan, pagkamakabayan, disiplina at pagmamahal. Ipamalas natin ang ating kasipagan sa lahat ng bagay na nakakabuti o nakatutulong. Hindi ‘yong tipong upo lang ng upo habang hawak ang cellphone at nanunuod ng tv maghapon. Katapatan – maging matapat tayo sa lahat lalo na sa ating sarili. Pagkamakabayan – ang pagtangkilik sa produktong sariling atin ay halimbawa ng gawaing makabayan. Pagmamahal – sino ba naman ang di nakaranas ng pagmamahal? Lahat tayo ay nagmahal at minahal. Kung disipina naman ang pag-uusapan, lahat ng nabanggit ay may kaakibat na pagdisiplina. Lagi nating tatandaan na magtatapos din ang ating pagiging kabataan ngunit tayo’y magiging magulang na gagabay at magtuturo sa susunod na henerasyon ng kabataan. Tayo mismo ang tagaguhit ng ating kapalaran sa sarili nating mga palad. Lagi nating isipin na magtatagumpay tayo kung ito’y ating nanaisin. Kapag tayo naman ay nalugmok, ito ay dahil sa kagagawan din natin. pagkatandaan na importante ang oras. Huwag na nating ipagpabukas pa ang ating mga gawain kung puwede naman nating gawin ngayon. Panahon na para tayo ay sumulong! Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at kalayaan. Tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaa’y hindi upang gawin ang bawat naisin ngunit upang gawin ang tama at nararapat. Tara na kapwa kabataan! Patunayan nating tayo’y pag-asa pa rin ng Inang Bayan!

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->