You are on page 1of 13

Mga Halamang-gamot: Paraan ng Paggamit

Sampung Halamang Gamot na aprubado ng DOH


1. Akapulko (Cassia alata) para sa ringworm at mga sakit sa balat 2. Ampalaya (Momordica charantia) para tumulong sa paggamot ng diabetes 3. Bawang (Allium sativum) nagpapababa ng kolesterol sa dugo at tumutulong sa pagkontrol ng tamang presyon ng dugo 4. Bayabas (Psidium guajava) tumutulong para wag maimpeksyon ang mga sugat; maari ring gamitin pangmumog para pangkontra sa maagang pagkasira ng ipin 5. Lagundi (Vitex negundo) para sa ubo at hika

Sampung Halamang Gamot na aprubado ng DOH


6. Niyog-niyogan (Quisqualis indica L.) gamot laban sa bulate 7. Sambong (Blumea balsamifera)- pampaihi para mailabas ang mapigilan ang pagkakaroon ng bato. Maari rin itong makapagpabawas ng pagmamanas. 8. Tsaang Gubat (Ehretia microphylla Lam.) tumutulong sa mga paghihilab ng tiyan. 9. Ulasimang Bato | Pansit-Pansitan (Peperomia pellucida) pangkonta sa rayuma at nagpapababa ng uric acid 10. Yerba Buena (Clinopodium douglasii) maaring ipahid ang katas upang makatulong sa mga pananakit ng katawan at sakit ng ulo.

Paraan ng Paggamit ng mga Halamang Gamot


Hanggat maari, gumamit ng mga halamang hindi nilagyan ng mga pesticide na maaring makasama lalo sa ating kalusugan. Anihin ang mga parte ng halaman sa umaga. Huwag kumuha ng mga dahon, ugat o prutas pagkatapos ng ulan. Mas kakaunting gamot ang nakukuha sa murang mga dahon o prutas kayat mas mabuting gamitin ang mga mas matatandang parte ng halaman. Iimbak ang mga halaman sa selyadong plastic bag sa isang tuyo at malamig na lugar na hindi naarawan. Kung ito ay naimbak ng mabuti, maari itong gamitin hanggang anim na buwan.

Paraan ng Paggamit ng mga Halamang Gamot


Kung tuyong parte ng halaman ang gagamitin, kalahati lamang ng nirekomendang dosage ang gamitin. Wag gumamit ng mga kaserolang gawa sa bakal sa pagpapakulo. Sa pagpapakulo, wag takpan ang kaserola at gumamit lamang ng mahinang apoy Ilagaya ang mga pinaglagaan sa thermos. Huwag itong gamitin pagkalipas ng isang araw. . Kumunsulta agad sa doktor kung may mga di pangkaraniwang karamdaman

TSAANG GUBAT
Carmona retusa

Isa sa mga halamang gamot na tinatangkilik ng DOH upang gamutin ang mga sakit sa tiyan at pagtatate Gupit gupitin ang mga dahon. Pakuluan ang 8 kutsaritang dahon sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto. Salain at palamigin. Inumin ang sa tsaang ito kada 2-3 oras. Maari rin itong gamiting pangmumog.

TANGLAD
Cymbopogon citratus

Karaniwang ginagamit sa pagluluto ng litson para bilang pampalasa at makabawas sa lasa ng mantika Ginagamit din na pampalasa ng mga sawsawan Pagtatae:
Magpakulo ng 10 dahon sa 2 baso ng tubig sa loob ng 10 minuto. Dagdagan ng 1 kutsarang asukal at isang maliit na piraso ng dinikdik na luya. Para sa matatanda: Uminom ng 1 tasa, 3 beses kada araw at pagkatapos dumumi. Para sa mga bata: Sanggol; 1 kutsara 3 beses sa isang araw at pagkatapos dumumi Batang 2-6 years old; 1/4 tasa 3 beses kada araw at pagkatapos dumumi Batang 7-12 years; 1/2 tasa 3 beses kada araw at pagkatapos dumumi

PANDAN
Pandanus tinctorius

Karaniwang ginagamit sa pagsasaing ng bigas para itoy bumango


Pampabilis ng paggaling ng sugat Ilagay ang pinulbos na ugat ng pandan sa apektadong lugar Pagbibigay ginhawa sa rayuma at sakit ng ulo Ang langis at katas mula sa ugat at bulaklak ng pandan ay maaring ipahid sa mga rayuma at ulong sumasakit

BAYABAS
Psidium guajava

Isa sa mga sampung halamang gamot na inaprubahan ng DOH; mataas sa Vit C and Vit A
Sugat Ipanghugas ang pinakuluang dahon o murang prutas ng bayaba o ang mga sariwang dahon Sakit ng Ipin Nguyain ang 2-3 murang dahon para sa mga sakit ng ipin. Pagtatae Gupitin ang mga dahon. Kumuha ng 4 hanggang 6 na kutsara ng dahon at pakuluan ng 15 minuto sa 18 oz ng tubig. Salain at palamigin. Inumin ang sa tsaang ito kada 3-4 oras. . Balinguynguy Kumuha ng mga dahon at direktang ilagay sa dumurugong ilong. Panghugas Ang maligamgam na pinaglagaan ng dahon ng bayabas ay maaring gamiting panghugas pagtapos ng pangangak o sa pangaraw araw na paglilinis.

NIYUG-NIYOGAN
Quisqualis indica

Isa sa mga aprubadong halamang gamot ng DOH


Kontra -bulate Para sa matatanda: Nguyain ang 8-10 tuyong maliliit hanggang katamtamang laking prutas 2 oras pagkatapos kumain. Agad uminom ng kalahating basong tubig. Kung sariwang prutas ang gagamitin, nguyain ang 4-5 prutas. Mas madalas ang pagsinok kung sakaling sariwa ang gagamitin. Para sa mga bata: 3-5 years old: 4-5 tuyong nuts; 6 - 8 years old: 5-6 tuyong nuts; 9-12 years old: 6-7 tuyong nuts.

OREGANO
Coleus aromaticus Ubo, Hika, Rayuma Para sa matatanda: Isang kutsara ng sariwang katas ng dahon na maaring inumin kada 2 oras. Kung pakukuluan ang mga dahon, inumin ang 50-60 gramo ng dahon sa 1 pint ng kumukulong tubig and inumin ang 4-5 baso kada araw. Para sa mga bata: Katulad din sa pang matanda, sa halip ay inumin ang sariwang katas 4 beses kada araw; kung tsaa naman, inumin ang baso 4 beses kada araw. Sakit ng Tainga Ilagay ang sariwa at purong katas ng dahon sa tainga sa loob ng 10 minuto. Pigsa Itapal ang dahon sa pigsa 4 na beses kada araw. Pananakit nga Lalamunan Inumin ang pinaglagaan ng 2 kutsarang tuyong dahon sa isang tasa ng kumukulong tubig. Inumin ito 1 oras pagkatapos o bago kumain.

AKAPULKO
Cassia alata

Isa sa mga aprubadong halamang gamot ng DOH


Sakit sa balat gaya ng galis, eczema at kagat ng insekto Dikdikin ang sariwang dahon, pigain ang katas at ilagay sa balat sa umaga at gabi. Itoy maaring gumaling pagkatapos ng 2-3 linggo ng gamutan. Singaw Pakuluan ang dahon at bulaklak at imumog para sa singaw.

YERBA BUENA
Mentha cordifolia

Sakit ng ulo Ilagay ang dinikdik na dahon sa sentido at sa ulo Sakit ng ipin Pigain ang katas ng dahon at ilagay ito sa bulak na maaring ilagay sa may gilagid malapit sa iping sumasakit

You might also like