You are on page 1of 2

Carreon, Jonna vee C. AC1B Mga Sangkap ng Komunikasyon a.

) Ang nagpapadala ng mensahe- ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe. Siya o sila ang tumutukoy sa mensaheng pinapadala. Sa madaling salita, siya o sila ang nag-e-encode ng mensahe. Kapag may nakasalubong ka at binati mo siya ng magandang umaga, ikaw ang nagpapadala ng mensahe. Ang bisa sa pagpapadala ng mensahe ay naiimpluwensyahan ng layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, persepyon o pananaw at kredibilidad ng nagpapadala ng mensahe. b.) Ang Mensahe- nabanggit na sa nakalipas na pagtalakay na ang mensahe ay may dalawamg aspeto: a) mensaheng pangnilalaman o panlinggwistika at b) mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal. Sa nauna nating halimbawa, ang mensaheng pangnilalaman ay maganda at umaga na kapwa may kahulugang pangnilalaman. Ngunit sa pamamagitan ng paraan ng pagbigkas ng pagbating iyon, sa kumpas ng kamay, ekspresyon ng mukha at paraan ng pagbibigay-diin sa salita ay maaaring mahiwatigan kung tunay sa kalooban mo ang pagabati, o kung natatakot ka lamang sa magiging reaksyon niya kung hindi mo siya babatiin, o kung sarkastiko ang iyong pagbati, o di kayay kung naksanayan mo lamang na batiin ang sinumang makasalubong mo sa daan. Alinman sa mga iyon ay mga mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal na kaakibat ng mensaheng pangnilalaman na iyong ipinadala. c.) Ang Daluyan/ Tsanel ng Mensahe- May dalawang kategorya ng mga daluyan ng mensahe. Ang una ay ang daluyang sensori o tuwirang pagganti ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. Ang ikalawa naman ay daluyang institusyunal. Ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegrama, mga kagamitang eletroniko tulad ng telepono, e-mail, cellular phone, at beeper ay mga halimabawa ng daluyang institusyunal. Ang halimbawa natin sa naunang pahina ay gumamit ng daluyang sensori dahil tuwirang sinabi ang magandang umaga. Bawat daluyang institusyunal ay nangangailangan ng isa o higit pang daluyang sensori. Halimbawa, sa pakikipag-usap sa telepono hindi maaring hindi mo pindutin ang mga numero, hawakan ang awditibo (pandama) at pakinggan ang siansabi ng kausap sa kabilang linya (pandinig)

d.) Ang Tagatanggap ng Mensahe- sa ating halimbawa, ang pinagsabihan ng Magandang Umaga ang siyang tagatanggap ng mensahe. Siya ang magbibigaypakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. Sa madaling salita, siya ang magde-decode. Katulad ng nagpapadala ng mensahe, ang kawastuhan ng pagdedecode niya sa mensahe ay maaring maapektuhan ng kanyang layunin, kaalaman, kakayahan, [ag-uugali, pananaw o persepsyon at kredibilidad, e.) Ang Tugon o Pidbak- Ang pagbibigay ng tugon o pidbak ay isang mahalagang paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon. Ito ay maaaring mauri sa tatlo: 1) Tuwirang tugon, 2) Di-tuwirang tugon at 3) Naantalang tugon.

Tuwirang ang isang tugon kapag itoy ipinadala at natanggap agad-agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe. Kapag ang nakasalubong sa una nating halimabwa ay agad sumagot ng Magandang umaga rin, ang tugon niya ay tuwiran. Samantala, ang tugon ay di-matuwiran kapag itoy ipinahayg sa pamamagitan ng anyong di-berbal. Halimbawa nito ay pagngiti, pagtango, o pagkaway ng kamay. Ang naantalang tugon naman, katulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ay iyong mga tugon nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at matanggap. Isang halimbawa nito ay ang pagtugon sa pamamagitan ng sulat.

You might also like