Page |1

balita, talumpati at parabola.Ang isang uri ng panitikan ay ang Akdang Patula na yaong pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, talidtod at saknong kabilang dito ang pasalaysay, paawit o liriko, padula o patanghalan at patnigan. Sa panitikan, ating nalalaman ang ating kalinangan at kasaysayan. Mababatid nating mga Pilipino ang kalakasan o kahinaan ng ating paniniwala at paguugali. Bawat isa sa atin ay magiging matatag at matibay sa ating pagkalahi na siyang daan upang ating makilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan. Dahil dito ay mapapayabong at mapagmamalasakitan ang ating sariling panitkan. Umusbong ang literaturang Filipino simula pa noong panahong etniko. Ang kanilang

Ilan sa ating mga Pilipino ay di alam ang tunay na kahalagahan ng Panitikan at maging ang malawak na kahulugan nito. Ngunit ano nga ba talagang silbi nito para sa atin? Ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita at pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay ,paguugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika,at pananampalataya. Ayon kay Atienza, “ito ay pagpapahyag ng damdamin, panaginip at karanasan”. Para kay Azarias “ito ay pagpapahayag ng damdamin sa lipunan, kapaligiran,kapwa at Diyos”. Ayon naman kay Webster, ito ay nangangahulugang “anumang bagay na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pas-iisip at damdamin ng tao”. Saad naman ni Ramos, “ito ay kasayasayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. May dalawang anyo ang Panitikan. Ito ay Akdang Tuluyan na nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap kabilang dito ang nobela, maikling kuwento, dula, alamat, paula, anekdota, sanaysay, talmbuhay,

pangangailangang magtala, maglibang, makipag-talastasan ay ilan sa mga maaring pinag-ugatan ng Panitikang Filipino. Noong panahon ng ating mga ninuno, o panahong

1

Page |2
etniko, ay mayroon ng panitikan. Batay sa mga artifaks na nakuha ay nagsimula ng gumamit ng wika at magsulat ang mga sinaunang mga Pilipino. Mga lirikong tula at prosa tulad ng mga bugtong, alamat, hele, kumitang, mga sabi at sawikain ay ilan lamang sa mga naunang likhang pampanitikan ng mg Pilipino. Ang panitikan noong mga panahong yaon ay akda ng mga mamamayan. Sinundan ito ng pagdating ng mga Kastila. Naging bantog ang wikang Kastila at umiral ang mga akda ng mga relihiyosong misyonero. Dumating din noong panahon yaon ang teknolihiya ng paglilimbag. Pinadali nito ang pagpapakalat ng mga librong likha ng mga misyonerong Kastila tulad ng Pasyon at Doctrina Cristiana na nakasulat sa Kastila at Tagalog. Lumitaw na din ang iba’t iba pang uri ng literatura, ang prosa tulad ng mga pabula, maikling kwento, nobela at talambuhay. Noong 1800 nabuhay ang pusong maka-bayan ng mga Pilipino. Dito umusbong ang iba’t ibang akda ng mga rebolusyonaryong Katipunero tulad ng Duplo ni Marcelo H. Del Pilar, mga nobela at tula ni Jose Rizal at ang Kartilya ng Katipunan ni Andres Bonifacio. Pagkaraan noo’y patuloy ng lumago ang Panitikang Filipino.

Ang Panit ikang Filipi no sa Iba’t ibang Wikai n
Panitikng Ilokano Ayon kay Leopoldo Yabes, ang panitikan sa wikang Ilokano sa panahon ng mga Amerikano ay nahahati sa dalawang pangkat, ang makaluma at makabago. Ang mga makalumang manunulat

2

Page |3
ay aral sa Kastila, kabilang ditto sina Marcelino Crisologo na isang makata at nobelista, at si Claro Caluya, tinaguriang Prinsipe ng Makatang Ilokano. Ang mga makabagong manunulat at aral sa pagpasok ng ika19 na dantaon na kinabibilangan nina Leon C. Pichay.makata, nobelista, kuwentita at mandudula; Teodoro Paruganan, Jose Resurrecion Calip, at Santiago Alcantara. Ang mga Ilokano ay mayroon ding pagtatalong patula na kung tawagin ayBukanegan. Ang pinakamahusay na Bukanegero(mambabatas) ay si Leon C. Pichay. Ang pinakamagaling na nobelang Ilokano ay may pamagat na Miming ni Marcelino Crisologo. Sa mga mandudula ay nangunguna di Mena Crisologo sa kaniyang Neneng Kandidato, Marangal na Pandaraigan, at Pobre Don Caledonio. Si Leona Florentino, ina ni Isabelo de los Reyes, ang ipinalalagay na kaunaunahang makatang Pilipina sa wikang Iloko.

Panitikang Bisaya Sa panitikang Bisaya, ang lalaong napabantog ay si Eriberto Gumban sa Hilagaynon. Siya ay sumulat ng mga dula at sarsuwela na kinagigiliwan ng mga Bisaya. Si Eriberto Gumban ay kinilalang ama ng Moro-Moron g Bisaya. Kabilang sa mga sinulat ni Gumban ay Ang Mutia Nga Matin-mao (Ang Diyablo) at ang Salamin San Pamatanon (Ang Salamin ng Kabataan). Sa pagsulat ng nobela, ang lalong nagpabantog ay si Magdalene Jalandoni ng Iloilo. Iua ay sumulat ng kinagigiliwang nobelang may pamagat na Ang mga Tanuc sa Isa Ca Bulac ( Ang mga Tinik ng IsangBulaklak), si Mariano Perfecto, ang Ama ng Panitikang Bisayaay natanyag din sa kanyang mga akdang Hilagaynon.

3

ang Ilokano ay may bukanegan. kuwento. nobela. Ang isa sa mga awiting abyan sa Pangasinan na hanggang sa ngayon ay naririnig pang inaawit na mga magbubukid ay ang Oalay Manoc con Taraz(May Isang Munting Ibong Taras). Si Mariano Perfecto. Ngayon at Bukas). Si Aurelio Tolentino ay nagpatanyag din ng kanyang dulang may pamagat na Napun. bukod sa pagsulat ng panitikiang Bisaya. at ang mga Kapampangan ay mayroon ding pagtatalong patula na kung tawagin ay Crisotan. Ang mga kilalang pinakatampok niyang akda ay ang Alang Dios(Walang Dios). Ang Sultana(Ang Sultana). Panitikang Kapampangan Ang isang pimakamahusay na manunulat sa Kapampangan ay si Juan Crisostomo Sotto. Iyong huli ay tungkol sa bahay ng mga sabungero. ang tinaguriang ama ng Panitikang Kapampangan. Panitikang Panggasinan Ayon kay Kalaw. kilalang manunulat sa Panitikang Filipino Ang panitikang Filipino sa wikang Filipino(noon ay Tagalog) ay higit na ngginsg maunlad kaysa alinmang katutuong wika sa kabuluang kapuluan. Sa mga 4 . karamihan sa panitikang Pangasinan ay salin lamang buhat sa mga Iloko o kaya ay Tagalog. Panitikang Bikol Tulad din ng Panitikang Pangasinan.Page |4 Pangasinan. Nitong mga huling panahon. Ang panitikang Bikol ay pawing nauukol sa relihiyon. Mayroon siyang mga akdang nauukol sa kasaysasyan ng mga santo at santa. sanaysay. marami sa panitikang Panggasinan hanggang sa panahon ng mga Amerikano ay natutungkol sa relihiyon. dula. Kung ang tagalog ay may balagatasan. Si Pablo Mejia. ay sumulat ng isang dula ng pingmagatang Ginmalet. at iba pang uri ng lathalain. ang Pula’t Puti(Pula’t Puti). Ang lahat ng anyo ng panitikan ay pinasok ng mga Tagalog-tula. Ngeni’t Bukas(Kahapon. Perlas ng Burac(Perlas ng Putik). Ang humalili kay Mariano Perfecto sa larangan ng panitikang Bikol ay si Casimiro Perfecto. ay sumulat din ng mga akdang panrelihiyon sa Bikol.

Page |5 unang panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Hindi maikakaila na ang kompyuter ang nakapagpabago ng pag-iisip ng bawat tao. ang mga kagamitamg ito ay hindi sapat upang makatulong sa kanila na makabilang at makasulat ng tamangtama. ang mga dula. mabilis at higit na wastong paraan sa paggawa ng kompyutasyon. Isa sa pinakamalaking likha ng tao ay kompyuter. 5 . Subalit. Ang mga tao noong unang panahon ay lumikha ng mga kagamitan para sa pagbilang at pagsulat upang matulungan sila sa pagkalkula at makapagproseso ng datos. at iba pang anyo ng panitikan ay ginagamit ng mga manunulat upang ilahad ang kanilang hangaring lumaya ang bayan. Ang kompyuter ang nagpakita ng katibayan at impluwensya sa lahat ng aspeto sa makabagong lipunan. Ang kompyuter ay napakahalaga sa larangan ng kalakalan at ito ay may pangunahing ginagampanan sa ating kasalukuyang lipunan. Ipinahayag din ng mga manunulat sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga dula sa bayan-bayan ang kanilang pagtutol sa kolonyalisamo at imperyalismo. Kaya't sila ay patuloy na naghanap ng lalong mabuti.

Page |6 Ang mga mananaliksik ay binigyang pansin ang kanilang pag-aaral ng panitikang Filipino. ang Panitikan ay laging nakasama sa kurikulum ng paaralan. Sa panimula ng edukasyon sa Pilipinas. ang pangunahing gawain sa panitikan ay mahalagang sangkap 6 . Bagamat ang empasis sa pampanitikan karanasan ng mga kabataan sa paaralan ay nagbabago sa bawat panahon.

Ang pagkokompyuter ng maraming gawain ay naging pangangailangan sa halos lahat ng larangan sa buong mundo para maabot ang mga kailangan ng mabilis sa paglago ng ating lipunan. Maraming tao ang nagagawang maiplano ang sarili para makatanggap ng tulong para sa kanilang problema. atbp. bugtong.Page |7 sa edukasyon mananatili. Ang mga mananaliksik ay nagpasya na gumawa ng "interactive" na kaparaanan sa iba'tibang panitikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng internet. maikling kwento. ang mga mananaliksik ay gumamit ng "Internetbased System" para sa mga taong Mayroong panlunas na kahalagahan ang panitikan na nararapat na kilalanin. na kinikilala na pinanggagalingan ng impormasyon sa pangaraw-araw na makabagong lipunan. Ang makabagong teknolohiya ang nanguna at higit na nakaimpluwensya sa buhay ng mga tao ngayon. dula. Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang bansa at bawat bansa sa buong mundo. Ang panitikan ang nagbibigay ng madamdaming emosyon sa pagbasa sa panulat ng ibang tao. Maaaring mawala ang mga yamang materyal at ang pagiging makabayan. Ang mga mananaliksik ang nagbibigay sa gumagamit ng madaling paraan at makakuha ng impormasyon sa paggamit ng internet. Matututklasan mo ang kahit na anong bagay sa buong mundo. salawikain. subalit hindi ang panitikan. pabula. Kaya. alamat. Narito sila upang maunawaan ang makataong kalikasan para matulungan ang problema na hindi naman naiiba. Ang pag-aaral nito ay naglalayon na makilala 7 . sanaysay. Sa pamamagitan ng "World Wide Web". na ng gumagamit ng iba't ibang panitikang Filipino kabilang ang mga parabula.

kabaligtaran ng klasisimo ang romantisismo. Inaasahan. 1. Mas may diin sa imhinasyon at kutob kaysa lohika. Siya lamang ang makakagawa ng paraan upang siyaay umunlad at magtagumpay. tauhansa akda.ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Sa lahat ng aspeto. 2. Ang tao ay siyang pinapahalagahan dito.Page |8 interesadong higit na matutunan ang panitikang Filipino. Ang pokus ay emosyon at imahinasyon ng 3. Pinapanigan ng romantisismo ang maluwag na daloy ng emosyon at malayang kilos kaysa pagpigil at pag-aayos. Pwedeng gamitin ang sanaysay dito. na ang pag-aaral na ito ay magiging instrumento sa mga mambabasa lalung-lalo na sa mga Filipino na ipinagmamalaki ang kanilang kultura at pinagmulan. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na nagpapahiwatig ng matinding saloobin at maigting na kaisipang gumigising sa diwa ng mambabasa. Nababatay ang tula dito. Romantismoisang istilo sa sining at panitikan na mas binibigbigyang diin ang damdamin kaysa katwiran.ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan. Kung saan ang sentro ng akda ay tao. Siya rin ang nakakagawa ng ikababagsak atikalalagapak ng kanyang buhay. Bayograpikal . Siya ang 8 . Humanismo.

kilos. Pwedeng gamitin tula dito. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may-akda sa dahilang mababasahan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. 5. at paghahatid ng kaisipan.Page |9 nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahang gang ngayon. Realismosinusuri ang akda sa pamamagitan ng pagtukoy 9 . Kaya’t dapat suriin ang pagiging marangal ang mga tauhan batay sa pananalita. ang 4. paniniwala. Klasisimoang isang akdang pampanitikan tulad ng kwento ay nagpapahaya g ng ekspresyon o saloobin ng karanasan ng buhay. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa karanasan ng may akda sa kanyang sinulat na akda. Naaayon ang pagsusuring ito sa klasisimo. Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang mas mapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Ang mga karanasan ay nagsisilbing aral na dapat maikintal sa kaisipan ng mambabasa.

Ang kaisipang feminista ay bunga ng kilusan ng makabagong kababaihan noong bandang 1960. Sikolohikalsinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao na makalaya 10 . tula dito. ang kanilang pananaw sa sarili at ang papel na kanilang ginigampanan sa lipunan-ang ginagampana n ng mga kababaihan sa tahanan o lipunan. emosyonal. intelektuwal. Binibigyang pansin kung paano inilalarawan ang mga babae. Ang dula ay isang akadang pampanitikan na nagbibigay kasagutan sa iang malalim na suliranin. Naaayon ang dula dito. at nagpapahaya g ng tunggalian ng kalooban at damdamin ng mga tauhan.P a g e | 10 sa tiyak na bahagi nito na nagpapatunay ng pagkakaroon ng transpormasy on ng tauhan sa pisikal. Feminismoang teoryang ito ay mababatay sa papel na ginagampana n ng kababaihan sa tahanan o lipunan. paano sila kumikilos. naglalarawan nga kalikasan ng tao. Naaayon ang 7. 6. May diwang pulitikal ito na mahigpit na tumututol sa lipunang patriyarkal o ‘sexist’. at sikolohikal na aspeto. espiritwal.

Ang tula ay may katangiang maglarawan ng mga tiyak na matulaing imaheng batay sa isang salita. 9.P a g e | 11 sa kinabibilangan g daigdig. ekonomiya. kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan. isang taludtod. Sinisikap ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan. Historikalang teoryang ito ay patungkol pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Ipinapakita rin ng teoryang ito ang kalayaan at pagiging awtentiko. mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan. kabuuan at pamagat ng akda. edukasyon. naniniwala siyang hindi mahihiwalay sa daigdig ang tao nang walang pagbabagong magaganap sa kalikasan. agrikultura at higit sa lahat an gating pananampalat aya. Isinasaad din ng teoryang 11 . 8. Kakikitaan ang Eksistensiyal ismo.ang mga tauhan ng akda ay nagkakaroon ng mga paniniwala na labis nilang painahahalaga han.

Formalismoisa sa mga layunin nito ay mabigyan ng kahulugan ang Matalinghagan g salitang ginamit ng may-akda PANGKALAHA TANG URI NG PANITIKAN 12 . pagpili. at paggalaw na tanging tagapagbigay ng pagpapahalag asa katauhan. 10.P a g e | 12 ito. ang pagpapasiya sa sariling kilos.

ito’y isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata 2. tugma. taludtod at saknong • ANG MGA AKDANG TULUYAN 1. Dula.ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan 4.mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring 13 .ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan.nasulat sa karaniwang takbo ng pangungusap Akdang Patula.yaong pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig.ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan 5. may isang pangyayari sa kakintalan 3. Nobela. Alamat.P a g e | 13 • Akadang Tuluyan. Pabula. Maikling Kuwento.

ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao 9.mga likahang isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying iot na ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa. Balita. 7. Sanaysay. mga sakuna at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong-dagat 10. Talambuhay. Anekdota. mga industriya at agham.P a g e | 14 makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos 6.Talumpati-ito’y isang pagpapahayag na binibigksas sa harap ng mga tagapakinig 14 .ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari 8.ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan. pamahalaaan.

Balad. PASALAYSAY 2. Epiko. prinsipe’t prinsesa 3.karaniwang paksa ng tulang ito ay pag-ibig.mga paksang hango sa pangyayari ng tungkol sa pagka maginoo at pakipagsapalaran.may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw TULANG LIRIKO 1. at may hari at reyna. kawalang pag-asa at pamimighati 15 .Parabula. Awit at Kurido. Awiting-bayan. PATNIGAN PASALAYSAY 1.P a g e | 15 11. PADULA O PANTANGHALAN 4.kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat naukol sa mga kababalaghan 2. PAAWIT O LIRIKO 3.ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota APAT NA URI NG TULA 1.

P a g e | 16 2.dulang musical.pagpupuri. paggunita ng isang yumao 4. Trahedya.tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o 16 . opera 3. Oda.naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid 6. Dalit. Komedya. may malinaw na basehan ng likas na pagkatao 3.nagpapahayag ng damdamin o gunu-guni tungkol sa kamatayan. Pastoral. masiglang damdamin TULANG DULA O PANTANGHAL 1. hinggil sa damdamin at kaisipan.may labing-apat na taludturin.piling-pili ang pangunahing tauhan na may layong pukawin ang kawilihang manonood 2.awit pumupuri sa Diyos na nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay 5. Elehiya. Melodrama. Soneto.

magpasiya sa pamamagitan ng mga kawingkawing na mga pangyayaring nakatatawa 5. debateng patula 17 . Duplo. Karagatan –alamat ng sensing ng isang prinsesa na naihulog sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap 2. Balagtasan.tagisan ng talino sa pagbikas ng tula.P a g e | 17 pagkawasak ng pangunahing tauhan 4. Parsa.paligsahan ng husay sa pagbikas at pangangatwiran nang patula 3. Saynete.karaniwang pag-uugali ng pok o tao TULANG PATNIGAN 1.

si Tarabusaw. isang ibong may pitong ulo. at matapang. 18 . isang mukhang tao na nangangain ng tao. Siya ay may sibat na bumabalik sa kanya matapos ihagis sa kaaway.P a g e | 18 na nakapagpapadili m ng bundok.Naglaga ysi Indarapatra ng halaman sa durungawanat kapag nalanta ito. Ito ay salaysay tungkol kay Emperador Indarapatra sa Kahariang Mantapuli. si Kurita. si Pha. Humingi ng tulong si Emperador Ibdarapatra kay Prinsipe Sulayman ng iligtas ang kahariang Mantapuli sa apat na salot. mabait. isang hayop na maraming paa at ang limang tao ay isang kainan lamang nito.at si Kurayan.ang ibig sabihin ay nasawi ang Prinsipe. Siya ay matalino. May nanalot na apat na dambuhalang halimaw sa Mindanao. isang malaking ibon Tinagganp ni Sulayman ang tungkulin.

Pinuntahan niya ito at nanaalangin nang taimtim sa Bathala. Paksa natin ay "DAPAT ba o DI DAPAT na isali Ang bakla sa kapulisan o sa pwersa ng PNP?" Narito na ang makatang nakahandang magpandali. tamaa'y wag magagalit Katuwaan man ang paksa. nung si Gonie musmos pa po At marami pa sa atin ang BAKLA SA 19 . PNP (BALAGTASAN) DAPAT ba o HINDI DAPAT na payagan ang bakla sa PNP? LAKANDIWA (Pagbubukas) Pasintabi muna kami sa lahat ng nakikinig Sa katwirang maaanghang. ngunit nang matigpas niya ang pakpak ng huling halimaw ay nadaganan siya nito at siya’y namatay. Salubungin ng palakpak si Rafael at si Gonie! DAPAT (Unang Tindig) Isa munang paglilinaw bago magkalabuan po Sa bakla man kumakampi. Isang magandang dalaga sa mga nailigtas ni Sulayman ang nakabihag ng kanyang puso. lingkod ninyo'y machungmacho Danga't tawag ng tungkuling dapat akong makibuno Kaya kahit alanganin ang panig ay di susuko. Nalanta ang halaman at nabatid ang nangyari kay Prinsipe Sulayman. sa tainga ay magtakip. Nabuhay na muli ang bayani. Nang panahong sinauna. may mapupulot ring matwid Kung di kaya ng sikmura.P a g e | 19 Isa-isa niyang napatay ang mga halimaw.

bouncer. kung di sa Dyos. T-shirt. wala yaong alanganin Karagdagang pagunita sa lahat ng mga bakling Ako'y hindi nanlalait. kasarian Ang tao sa mula't mula ay nilikhang pantay-pantay Kapag merong napaiba. Tyak malaking iskandalo. ma-babae. Malinaw na di pa batid ni Rafael ang katwiran Na ang bakla'y hindi ayon sa pulisya manilbihan Palakarin yaong batas. sa akin lang sapantaha Ang pagsuko po sa laban ay hangad nang ibandera. lalaki o babae man. pag naghikaw. basta't bagay Sa trabaho ay ganyan din. patahimikin ang bayan Na tapang ang itutumbas sa kaaway ng lipunan. Paalala ko din naman. ang bakla. Ang lalaki. pulis. bakit bakla ipepwera? Ano man ang kanyang lahi. batbat na ng ekspiryensya Sa dinako ko. anyo. kulay.P a g e | 20 wala sa mundong ito. ay kanino ba nanggaling? Sya na rin po ang nagbuhol ng lubid na ibibigti Nang amining sa gawaing 20 . sukat na ang katatagan Subalit kung sasabihing bakla po ang isasalang Naku. bakla. Ma-lalaki. Sino pa ba'ng magugulat ngayon kapag nakakita Halimbawa'y ng lalaking guro. asahan mo't kagagawan Ng tao ring sa kapwa ay mapandusta't mapanlamang! HINDI DAPAT (Unang Tindig) Laba'y di pa umiigting. Kung ako nga'y isinilang sa panahong sinauna Yaong dapat na marating. tsismis na sa buong baryo. at pants walang sinisino. walang dudang inabot na Ngayong ako'y nakauwi. boxer. Pero ngayo'y moderno na ang takbo ng ating buhay Haircut. pag nagkorto. matwid ang aking layunin. importante'y kumikita nang marangal. Tomboy. karatista? Kung ang ganya'y tanggap natin. atse! Baka pati ang baril ay ipansuklay! DAPAT (Ikalawang Tindig) Ang hirap sa gumugurang na kagaya ni Gorgonying Lalaki kung pumustura pero utak-alanganin Babae at lalaki lang ang tao raw nang likhain Pwes. narses. sa pulisya'y sadyang bagay Sa matagal nang panahon. nang ang tao ay likhain Lalaki at babae lang. kumadrona? O babaeng sikyu. si Raffy ay patungo pa lang pala. ang babae. katalo ko'y umamin na Mga bakla anya'y mga alanganin na nilikha Kundi ako namamali.

sa bakla ka'y mas masahol! HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig) 21 . ano na ang mangyayari? Sa pagtugis sa kaaway. bakla'y saan galing? Tao silang kagaya mo Ugali at katangiang kabaklaa'y ibang isyu! Nilahat na ni Gonie po basta bakla. liksi Katangiang taglay mandin ng iba sa mga syoke. ang tanong ay binabago 'Kako.Bakit hindi daanin sa pagsusulit? At kung sadyang di papasa. at lamang din sa pag-arte Higit makembot ang beywang. importante Ay hindi ang kasarian kundi tapang. payapain ang lipunan Tapang anya'ng itatapat sa kaaway nitong bayan Higit pa dyan. Sinasabing ang bakla ay masahol pa sa babae Mas mahina raw ang puso. lalo't kaharap ay pogi Kung macho ang huhulihin. lakas. ipwera ma n ay may matwid. Ipatupad raw ang batas. pagresponde sa tungkulin Mayroon bang ibubuga silang Adan na mahinhin? Kung sa ipis sila'y takot. sa mali pong kinagisnan. sa bwaya pa na may pangil? Ako po ay sadyang tutol na sila ay pagpulisin! DAPAT (Ikatlong Tindig) Meron palang kaeskwela si Pangulong Clinton dito Makasagot lang ng tama. kayang gawin ng may gitnang kasarian Na bukod sa matatapang ay super pang istariray. Karapatan kahit ninong magbigay nga ng opinyon Ngunit hindi lahat tayo'y hinirang na maging hukom Kung wala pang paglilitis ay guilty na ang yong hatol Baluktot ang hustisya mo.P a g e | 21 pagpupulis. "Discrimination against persons on account of gender or sex!" HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig) Tila baga nalimot na ni Tyu Paeng ang nagdaan Na si Eba ay babae at lalaki po si Adan Sa tanong nya kung saan daw nagmula ang kabaklaan Ang sagot ay simplengsimple. Pag ang taong nag-aaplay ay qualified maging pulis At dahil lang sa sya'y bakla kung kaya mo nire-reject Labag yan sa konstitusyon. ang panig ko ay pagtutol. kung tawagin nga sa Ingles. Kaylan man ay di paglabag sa batas o konstitusyon Ang maghayag ng palagay at sarili nyang opinyon Magpulis man po ang bakla. awtomatik Na hindi nya papayagang magtrabaho bilang pulis Sobrang unfair . karapatan nila iyon Danga't ito'y balagtasan.

DAPAT Sa likod ng kahinaan kadalasang nagkukubli Ang lakas ng isang yagit na akala'y walang silbi Baklang bongga kung magmeyk-ap. sa bwitre po ay patuka Kung ang lalaki ngang pulis. sa serbisyo'y walang silbi! HINDI DAPAT Kung baga sa pelikula. o mag-ala-Osang Roces Masisira ang diskarte ng kriminal kahit wais. sa pogi pong kawatan ay laglag-saya! DAPAT Ang alam ko. igigiit sa sala po ng hukuman Baka hindi niya batid. do'n sa bakla'y higit mali Kahulugan sya'y balimbing. gulat yaong masasama Lalo't ito ay lalaki.P a g e | 22 Kung Raffy'y abogado. Kung ang pulis ay palaban. di bagay ang kaartehan Pagkat dito ay seryosong trabaho ang gagampanan. mahilig sa dilihensya Baklang pulis. DAPAT Kung misyon mo'y undercover kaylangan kang magkunwari At sa buy-bust operation pagarte ang siyang susi May lalaking pulis lamang sa tsapa at uniporme Magagaling mangurakot. Ngunit di ko hinihiling sa amin pong Lakambini Na gawaran sya'ng parusa sa paratang na hinabi Kung hustisya ko'y baluktot. kapag ang judge ay naasar Papatawan sya ng contempt. Hindi dahil tutol akong silang bakla ay magparak Ako na nga sa kanila'y asiwa at nababanas Ayaw ko lang mahaluan silang tunay na kagawad Ng mahina yaong loob at lalaking nakameyk-ap. HINDI DAPAT Pwede palang mag-Hercules o mag-ala-Roces Osang Kaya bakla ay higit pang kailangan sa peryahan Sa himpilan ng pulisya. sa porma ay bidang-bida Subalit kung ito'y bakla. ibig yatang sabihin na Ang kawawang baklang pulis. sa panig nya'y namumuhi. perjury ang kasalanan. magdamit ay seksing-seksi Pag pulis na ay mag-ingat ang rapist na makakati! Kagalingan pa ng mga nagpupulis na double-switch Mahirap na ispelengin ang kanilang puso't isip Pwede silang mag-Hercules. nagtatanggol sa nasakdal Pati lihis. pulis-patola pong lampa Lalaganap pa ang krimen sa halip na masawata. sa kapwa nya 22 .

Jose Rizal Pinipintuho kong Bayan ay paalam.. mayrong bangong isisimoy? DAPAT Kahit bakla. alin nga ba'ng mas matimbang? DAPAT ba o HINDI DAPAT ang bakla sa kapulisan? "Mi Ultimo Adios" (Ang Huling Paalam) TULA PAHIMAKAS ni Dr.P a g e | 23 ay galit ang mandarambong Bakla kaya ay gayon din? Ako lang po'y nagtatanong! HINDI DAPAT Sa isa bang naghahangad ng matatag na proteksyon Sa bakla ba na pulis mo iaasa yaong tugon? DAPAT Eh.. di uurong! HINDI DAPAT Ngunit sila'y pusong mamon! LAKANDIWA (Pagtatapos) Kababayan. pasalamat muna't ating palakpakan Si Gonie at si Rafael na magiting na naglaban Kayo naman ang magsulit. kanino? Sa lalaking police-holdaper-for-ransom? HINDI DAPAT Ang bulaklak bang katuray. 23 .

matamis sa puso at di ikahapis. taas na ang noo't walang kapootan. mabuhay ka lamang bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan. Ako'y mamamatay. dugo ko'y isabong at siyang ikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw Ang aking adhika sapul magkaisip ng kasalukuyang bata pang maliit. ay ang tanghaling ka at minsan masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit. maging maringal man at labis alindog sa kagalingan mo ay aking ding handog. walang agam-agam. cipres o laurel.P a g e | 24 Lupang iniirog ng sikat ng araw. Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip. kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyong kahihiyan. pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla. at ang bibitayan. yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. hiniga'y malagot. Ikaw'y guminhawa laking kagandahang akoy malugmok. at ikaw ay matanghal. maluag sa dibdib. mutyang mahalaga sa dagat Silangan. Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal. Sa kabuhayang ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa hingang papanaw ngayong biglang-bigla. lirio ma'y patungan pakikipaghamok. Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liway-way. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot. Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak. Saan man mautas ay dikailangan. ngayong namamalas na sa silinganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. 24 .

lupa'y asarolin at kauyang ikalat. ikagiginhawa. ang mga bilanggong nagsisipagdusa. At sa aking noo nawa'y iparamdam. 25 . sa lamig ng lupa ng aking libingan. Bayan yao't kita'y aawitin. bayaang linangin ng taong masipag. At kung an madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libinga't tanging mga patay ang nangaglalamay. ang init ng iyong paghingang dalisay at simoy ng iyong paggiliw na tunay. Bayaang sino man sa katotang giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil. tunog ng gitara't salterio'y mag saliw. mangagatiis hirap na walang kapantay. Bayan. Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan. magbalik sa langit ng boong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Idalanging lahat yaong nangamatay. ako. Kung sakasakaling bumabang humantong sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon doon ay bayaan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon. Ang kanyang hiwagay huwag gambalain. sa kaluluwa ko hatik ay igawad. mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang iwanag niyang lamlam at tahimik.P a g e | 25 sa mga labi mo'y mangyayaring itapat. yaring pagka himbing. kaipala'y maringig doon ang taginting. liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong. Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat at wala ng kurus at batang mabakas. Ang mga bao't pinapangulila. huwag bagabagin ang katahimikan. kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin.

ilaw. masamyong pabango. mga kulay. Ako'y patutungo sa walang busabos. diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. alabok ng iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan. mamatay ay siyang pagkakagupiling! 26 . magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan bata pang maliit sa aking tahanan di na masisilip. pananalig doo'y di nakasasalot. si Bathala lamang dooy haring lubos. sakit niyaring hirap. Katagalugang ko pinakaliliyag. ang ugong at awit. Paalam. paalam sa inyo.P a g e | 26 At mga buto ko ay bago matunaw maowi sa wala at kusang maparam. walang umiinis at berdugong hayop. dinggin mo ang aking pagpapahimakas. Pag pasasalamat at napahinga rin. pag asang dalisay ng pananalig ko. Bayang iniirog. pag hibik sa iyo. Matining na tunog ako sa dingig mo. Kung magka gayon na'y aalintanahin na ako sa limot iyong ihabilin pagka't himpapawid at ang panganorin mga lansangan mo'y aking lilibutin. mga ginigiliw. paalam estranherang kasuyo ko't aliw.

Kaya pinalobo niya ang kanyang katawan. . 27 Sinabi ng ina na kaya nitong maging malaki gaya ng baka.P a g e | 27 Isang araw nakita ng batang palaka ang isang baka na nasa damuhan. Namangha siya sa kalakihan nito. Tinananong niya ang kanyang anak kong siya ay kasing laki na ng baka.

Sino na ang mas malaki sa amin ngayon? Sa kasamaang palad. sumabog ang kanyang katawan at siya ay namatay. ARAL Ang mga mahihina na pinipilit gayahin ang pagiging malakas ng iba kahit na hindi nito kaya ay nakapagdudulot ng kapahamakan lalo na sarili 28 . Ang sabi ng anak ay mas malaki parin ang baka..P a g e | 28 Pinalobo parin nito ang katawan hanggang sa sumikip ito. Hindi Ipinagpatuloy parin ng inang palaka ang pagpapalobo ng kanyang katawan para mas magiging malaki ito kaysa sa baka.

P a g e | 29 P A R A B U L A U Y U B A L I T A F T G X Q U F D G Y W Y S V V G F R G S A Z W F G S O N E T O A B D G T H A A L A G H D G T B T G W Y A H Y L N E L U H J J A R S R B W N N J U K A S T E M K H D N T E N E N M E I J Y D D D B P G S W E Y V I M E A T H S F A R Y O A A E R K O O A L A W E A N L T T Q N T R A C D L L O Y S G Y W A D R W G E I C X A O U D A N F W E B K Q E T R R V T C K T R H A D O N I P I L I F A G A U J S A U T S A D A L I T R T L D Q Z L F M B A A S R F M Y I E A H W S H A A M G Z D T P W P U R N M N E D G Y H A A C F Y A A Y I E D A M H F D I J L R V H A S R R O D F T P R E U H K A A B C S T A R S A G R H H G P E L T K M V D O S Q P A H F A R H L L J J G G B C R D W W R F R D F J O E P I K O F X A F A S F T G H J K G H K F D G B A L A G T A S A N K D F J J B N M HANAPIN: ANEKDOTA SONETO MELODRAMA FILIPINO ALAMAT TALAMBUHAY 29 .

P a g e | 30 BALAD TALUMPATI ODA BALITA TULA KARAGATAN WEBSTER DALIT DUPLO ELEHIYA EPIKO NOBELA BALAGTASAN TRAHEDYA PANITIKAN PARABULA PARSA PASTORAL SANAYSA SAYNETE KASAYSAYAN NG PANITIKAN PAGE 1 ANG PANITIKANG FILIPINO SA IBA’T IBANG WIKAIN PAGE 2 ANG PANITIKAN SA KASALUKUYAN PAGE 3 URI NG TEORYANG PAMPANITIKAN PAGE 5 PANGKALAHATANG URI NG PANITIKAN PAGE 8 MGA PILING PANITIKAN 30 .

JOSE RIZAL (tula. Tagalog Version) PAGE 16 SALAWIKAIN PAGE 18 PABULA PAGE 19 MAGSANAY TAYO! PAGE 20 31 .P a g e | 31 INDARAPATRA AT SULAYMAN (epiko) PAGE 11 BAKLA SA PNP (balagtasan) PAGE 12 MI ULTIMO ADIOS NI DR.