You are on page 1of 13

Unang Tao

Ayon sa Bibliya, sina Adan at Eba ang mga magulang ng sangkatauhan.

Ang mga unang tao[1] o sinaunang mga tao ay ang mga unang ninuno, mamamayan o taongnamuhay ibabaw ng mga lupain ng mundo. Maaari rin itong tumukoy sa mga sinasabing mga naging unang lalaki at unang babaeng nilalaman ng mga alamat at mito mula sa iba't ibang kalinangan ng tao, kabilang ang mga binabanggit sa iba pang mga salaysayin o mga aklat tulad ng Bibliya, Tora, Talmud at Koran. Ayon sa Bibliya Ayon sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya, sina Adan at Eba[2] ang unang lalaki at unang babae -- ang mga unang tao sa mundo. Sila ang magulang ng sangkatauhan: sapagkat si Adan ang pinakaunang tao, samantalang si Eba ang pangalawa. Nilalang ng Diyossi Adan mula sa alabok sa lupa ayon sa wangis ng Diyos o bilang isang kalarawan. Nilikha naman ng Diyos si Eba mula sa mga tadyang ni Adan.[3]

Ayon sa Agham Teoriya ng Ebolusyon

Isang hulma ng tinatayang wangis ngTaong Java. Noong 1859, sa pangunguna ng siyentipikong si Charles Darwin, maging ni Alfred Russell Wallace, ang panukalang nagbuhat ang mga hayop - kabilang ang tao - mula sa mga nilalang na may ibang kaanyuan. Sinabi pa rin nila na bunga ng mga "pagbabagong kinailangan sa loob ng mahabang panahon" ang kasalukuyang anyo ng tao at ng iba pang mga hayop. Sanhi raw ang mga pagbabagong ito ng pagbabago rin sa kalagayan ng kalikasan sa isang pook na pinamumuhayan ng mga hayop at taong ito. Tinatawag na ebolusyon (panukala ng pagbabago) ang mga pagbabagong ito, at nagaganap upang maipagpatuloy ang pagkakaroon ng buhay. Sapagkat maglalaho o mawawala sa ibabaw ng mundo ang mga hindi nagbago at yaong mga walang kakayahang magbago - kakayahang dumaan sa proseso ng ebolusyon. Kailangang magbago sa kanilang mga gawi sa pamumuhay ang mga hayop: nagkakaroon ng mga pakpak (sa loob ng matagal na panahon) ang mga namumuhay batay sa paglipad (mula sa pagdagit, pagsalimbay, o pagsalibad muna hanggang sa magkaroon ng mga tunay na pakpak), napipilitang magkaroon ng mga paa (sa loob din ng matagal na panahon), umahon, at mamuhay sa lupa ang mga isdang nabubuhay sa isang pook na pinagdausan ng "malawak at matagal" na panahon ngtag-tuyo, kung saan may kakulangan ng tubig na malalanguyan. Nakapagpapatuloy sa pagkakaroon ng buhay ang mga nakapagbagong ito sa kanilang mga kaanyuhan at kayariang pangkatawan, at namana rin ng kanilang mga anak ang mga naganap na pagbabagong ito.[1]

Pinagmulan ng Unang Tao

Bungo ng Taong Peking.

Mula sa panukala ng pagbabago o teorya ng ebolusyon, nilalahad na ang "mga nilalang na anyongbakulaw" ang "pinakahuling pinagmulan ng tao." Nilalarawang mga "hukot, hindi lapat ang katawan sa paglakad nang nakatayo sa dalawang paa" ang mga ninunong bakulaw ng kasalukuyang mga tao. Nagkaroon ng mga patung-patong na pagbabago bago naging tunay na tao ang mga bakulaw. Kabilang sa "patong" na ito ang pagbabago sa anyo ng paa, baywang, at gulugod (ang buto sa likuran). Sa larangan ng biyolohiya, tinawag na homo erectus o mga unang taong nakatindig ang mga unang taong nagkaroon ng mga katawang may kakayahang "mabuhay nang nakatayo" sa maghapon, sa araw-araw, at sa habang may buhay. Kabilang sa mga ito ang mga taong Java,taong Peking (taong Beijing, kung isasalin sa kasalukuyang paraan ng romanisasyong pang-wikang Intsik), at taong Tabon). Natagpuan ang mga labing buto ng mga ito sa Asya.[1] Ayon sa mga alamat at mito Ayon sa mga Negrito, may isang alamat kung saan nagmula at kung paano nagkaroon ng mga unang tao sa Pilipinas. Ganito ang buod ng isang bersyon ng kuwentong ito: Matapos awayin ng isang ibong lawin ang diyos na panginoon ng karagatan, lumapag ito sa isang pulo upang makapagpahinga. Habang namamahinga, namataan niya ang isang matayog at malaking puno ng kawayan na kaniyang tinuka ng maraming ulit. Dahil sa pagtutukang ito, nabiyak ang puno ng kawayan. Sa pagbiyak na ito, lumabas mula sa kawayan ang unang lalaki at babae. Malakas ang pangalan ng lalaki, habang Maganda naman ang naging tawag sa babae. Kung pagbabatayan ang alamat na ito, sinaMalakas at Maganda ang mga unang taong namuhay sa Pilipinas.[1]

Unang taong nakatindig

Homo erectus, Museo ng Likas na Kasaysayan, Ann Arbor, Michigan.

Ang unang taong nakatindig[1] o Homo erectus (mula sa Latin: nangangahulugang "taong nakatindig") ay isang uri ng sari Homo. Unang nilarawan ito ng anatomistang Olandes na si Eugene Dubois noong mga 1890 bilang Pithecanthropus erectus, batay sa takip o putong ng bungo at sa tila makabagong-panahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa baybayin ng Ilog Solo sa Trinil, Java. Ngunit salamat sa unang paglalarawan ng Kanadyanong anatomistang si Davidson Black's noong 1921 sa isang mababang molar, na tinaguriang Sinanthropus pekinensis, sapagkat naganap saZhoukoudian sa Tsina ang halos lahat ng mga maaga at ispektakular na mga pagtuklas ng taksongito. Ibinigay ng Alemang anatomistang si Franz Weidenreich ang karamihan sa mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa ilang mga monograpong inilathala sa diyaryong Palaeontologica Sinica (Serye D)[2] Natagpuan ang mga labing kusilba sa Java noong mga 1890 at sa Tsina noong 1921. Subalit halos nawala na ang lahat ng mga ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit marami namang mga hulmang itinuturing na mga tunay na katibayan. Noong kaagahan ng ika-20 daantaon, dating pinaniniwalaan na namuhay ang mga unang makabagong mga tao sa Asya. Ngunit noong mga 1950 at mga 1970, maraming mga natagpuan kusilba mula saKenya ng Silangang Aprika ang nagpakitang nagmula ang mga pinakamatandang tao mula doon. Pinaniniwalaan na ngayong ninuno ng mga H. erectus ang mga mas sinaunang mga taong katulad ngAustralopithecus at ang naunang uri ng Homo, ang H. habilis), bagaman may mga bagong tuklas noong 2007 na nagpapahiwatig na namuhay sa magkaparehong panahon ang H. habilis at ang H. erectus at maaaring nagmula sa nagiisang ninuno.[3]

Homo habilis

Ang Homo habilis (may kahulugang "taong marunong gumawa ng kung anu-anong mga bagay) ay isang uri ng saring Homo, na namuhay noong bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong mga tao na ang nakalilipas sa simula ng panahong Pleistoseno.[1] Ang pagkakatuklas at paglalarawan ng uring ito ay ikinakabit kapwa kina Mary at Louis Leakey, na nakatagpo ng mga kusilba sa Tanzania, Silangang Aprika, sa pagitan ng 1962 at 1964.[2] Ang Homo habilis (o maaaring H. rudolfensis) ang pinakamaagang nakikilalang uri ng saring Homo. Sa kanyang anyo at morpolohiya, ang H. habilis kung gayon ay ang pinaka malayo ang pagkakatulad sa makabagong mga tao ng lahat ng mga uri na nasa loob ng saring (maaaring maliban sa H. rudolfensis). Ang H. habilis ay maiksi ang taas at may hindi pantay na mahahabang mga bisig kung ihahambing sa makabagong mga tao; subalit hindi gaanong nakaungos ang mukha nito kung ihahambing sa mga australopitesino na iniisip na mga ninuno nito. May kapasidad na pangkraneo na bahagyang mas kakaunti kaysa kalahati ng sukat ng makabagong mga tao. Sa kabila ng morpolohiya ng katawan na parang sa bakulaw, ang mga nalalabi ng H. habilis ay madalas na nasasamahan ng mga primitibong mga kagamitang yari sa bato (halimbawa na ang nasa Olduvai Gorge, Tanzania at Lawa ng Turkana, Kenya). Ang Homo habilis ay kadalasang iniisip bilang ninuno ng mas may magandang hubog ng katawan at mas sopistikadong Homo ergaster na nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga uri mas kamukha ng tao: ang Homo erectus. Nagpapatuloy ang mga pagtatalo kung ang H. habilisay isang tuwirang ninuno ng tao, at kung ang lahat ng nalalamang mga posil ay wastong naiugnay sa uri. Bagaman ganito, noong 2007, may bagong mga pagkakatuklas na nagmumungkahing ang dalawang mga uri ay namuhay na magkasabayan at maaaring isang magkahiwalay na pinaglahian mula sa isang pangkaraniwan o magkaparehong ninuno sa halip na nagsimula ang H. erectus mula sa H. habilis.[3]

Bukod sa mga planeta, ang pinagmulan n gating mga ninuno ay isa pang katanungan na pilit na hinahanapan ng kasagutan ng mga siyentipiko sa loob ng maraming taon hanggang sa kasalukuyan. Isa sa nangungunang pangalan sa larangan ng pananaliksik tungkol sa pinanggalingan ng mga tao ay si Charles Darwin. Bago isulat ni Charles Darwin ang Origin of the Species, mayroon nang mga naunang siyentipiko na naglabas ng magkakatulad na teorya na ang tao ay hindi basta sumulpot sa daigdig na mukha ng tao. Siyay unti-unting dumating sa kasalukuyan niyang kalagayan at itsura sa pagdaan ng mga taon. Sa kanyang pagkatig sa teorya ng ebolusyon, si Darwin ang unang nagbigay ng maraming ebidensyang matiyaga niyang tinipon na nagpatunay sa kanyang paniwala. Ganunpaman, hindi nagging madali ang buhay para sa kanya matapos lumaganap ang kanyang teorya. Marami sa mga taong nakabasa ng kaniyang aklat ang nahirapang tanggapin ang posibilidad na ang tao ay maaaring nagmula sa mga bakulaw. Sa Bibliya, matatagpuan ang kasaysayan nina Adan at Eva bilang mga unang tao sa mundo. Maraming makabagong tao ang naniniwala na ang kasaysayang ito ay isa lamang mito, na hindi dapat basahin sa paraang literal kundi nararapat na unawain bilang katibayan ng pagmamahal ng Diyos sa tao, na siya Niyang binigyan ng pinakamataas na luklukan sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Sa pagsisikap ng marami pang siyentipikong sumunod kay Darwin, nakapagtipon sila ng maraming ebidensya na nagpakita na ang tao ay maraming pinagdaanan bago nakarating sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ilan sa mga ebidensyang ito ay ang mga hayto (fossil) o matatandang bungo, ngipin, kalansay, at bakas ng paa na hindi naman galing sa masasabing tunay na bakulaw o tunay na tao. Noong ika-19 daantaon, nagsimulang maging masigasig ang tao sa pagtuklas sa kanyang pinagmulan. May ilang kalansay ng mga unang tao, ipinintang mga hayop sa loob ng kuweba, mga kagamitang yari sa bato, kalansay ng mga hayop na natagpuan sa ilang lugar sa Europa. Maraming taon na ang nakaraan, ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko, maraming nilalang ang mukhang bakulaw at lumalakad ng patayo. Dahil sa mukha silang unggoy, higit na mas malaki ang utak nila kaysa sa mga bakulaw. Mula sa mga hayto na nahukay sa ibat-ibang lugar, napag alaman na ang mga unang nilikhang mapapagkamalang mga tao sa itsura ay nabuhay sa Aprika, maraming taon na ang nakalipas. Ang mag-anak na Leakey (Louis, Mary-asawa, Richard-anak) ang masipag na gumalugad sa mga lugar sa Aprika na inakala nilang tinirahan ng mga unang tao, at nagbunga ang kanilang pagsisiskap. Australopithecus (bakulaw na taga Timog) ito ang pangalang ibinigay ng mga siyentipiko sa mga uri ng unang tao. Ito ay may dalawang uri: Australopithecus robustus, higit na malaki, malamang puro gulay ang kinakain batay sa itsura ng kaniyang ngipin, patayo kung lumakad, ngunit hindi tuwid ang katawan, walang noo, walang mga gamit at nakatira sa kagubatan. Australopithecus africanus, maliit at payat, matutulis ang mga ngipin, malamang kumakain ng karne, hindi tuwid ang katawan sa paglalakad, may ginagamit ng kasangkapang yari sa bato at buto, may kaunting noo. Nahukay ang mga bakas at kalansay ng mga ito sa Tanzania at Ethiopia na nasa kontinente ng Aprika.Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na sabay nabuhay ang Australopithecus robustus at ang Homo habilis, higit na bata ang dalawang ito sa africanus na hinihinalang mas naunang lumitaw at maaaring pinagmuan ng robustus at Homo habilis. Batay sa patuloy na pananaliksik ng mga siyentipiko, naniniwala sila na ang ninuno natin at ninuno ng mga bakulaw ay magkaiba at hindi iisa. Ayon sa kanila, ang tao ay nagmula sa mga nilalang na mukha ring tao at nakakalakad nang patayo. Homo habilis, itinuturing na talagang ninuno ng mga tao. Batay sa mga nahukay na ebidensya sa Kenya, Aprika, ang Homo habili ay may higit na malaking utak kaysa sa Australopithecus. Ang Homo habilis ay gumagamit ng mga kasangkapang yari sa bato, namuhay bilang kasapi ng pangkat. May mataas na noo, kumakain ng karne at gulay, nakatayo at tuwid sa paglalakad. Nakatira sa kapatagan noong nakakalbo ang ilang bahagi ng makapal na kagubatan at maraming naglipanang mga hayop na maaaring kumain sa kanya. Nagtayo ng tirahan kaysa tumira sa mga kuweba at puno.

Sa pagunlad ng Homo habilis, ito ay pinaniniwalaang nagbigay-daan sa pagdating ng Homo erectus, mapanga, halos walang noo, kumakain ng karne at gulay, nakatayo sa paglalakad, iba-iba ang kagamitan at gumagamit ng apoy, iba-iba ang tirahan. Mula sa Aprika, nakarating ito hanggang sa Heidelberg (Alemanya), Beijing (China) at Java ( Indonesia) ayon sa mga labing natagpuan doon. Ang mga labing natagpuan sa Tsina ay tinawag na Taong Peking at ang nahukay sa Indonesia ay Taong Java. Sa Homo rectus nagmulan ng Homo sapiens, mataas ang noo, kumakain ng karne at gulay, nakatayo at nakakalakad ng tuwid, kung saan-saan nakatira, may mga kasangkapang yari sa bato, metal, kemikal, elektronik at nukleyar. Ang Homo sapiens ang tao ngayon. May ibang uri din ng tao ang unang lumitaw sa mundo, may tinatawag naNeanderthal at mga CroMagnon, malapad at makapal ang kanilang mga bungo, higit na malaki ang laman ng utak kaysa utak ng tao ngayon. Ang mga Cro-Magnon man ay higit na malaking utak kaysa sa atin, mas matangkad kaysa sa atin, malaki ang katawan, sila ay nabuhay sa Gitnang Asya at Europa. Hindi naniniwala ang maraming antropologo na tayo ay nanggaling sa uri ng mga taong ito. Ang hinala ng iba, tulad ng siyentipikong si Carl Sagan, maaaring malaki ang mga katawan at utak nila subalit nahigitan naman ng itinuturing na mga ninuno natin ang Homo habilis, sa abilidad kung kayat nandito pa tayo ay matagal na silang wala.

Sinaunang Tirahan

Ang matandang bahay ng pamilya ng Reynoso ay ang bahay ngayon ng Lola Isay. Ito ang ikatlong bahay sa buong Muntingbayan. Unang ginawa ang bahay ng Inanang Rosa na kasalukuyang tahanan nina Tito Dodo Rondolo, pangalawa ay ang bahay sa tapat ng Lola Isay na tahanan ng pamilya Religioso, at ang pangatlo ay ang tahanan ng inanang Cianang na halos kasabay ng tahanan nina Elan Galera.

Dito sa matandang bahay na ito tumira ang ang mag-anak nina Inanang Cianang at Amamang Oto. Sa mababang palapag ng bahay tumira ang mag-anak ni Lolo Teroy at Tito Maning. Sa unahan ay may tindahan na naging tindahan ng Lolo Deme bago naging tirahan nina Lolo Maning. Sa bandang silanganan o kaliwa ng bahay ang pasukan patungo sa tirahan nina Lolo Teroy. May maliit na balkonahe at sa bandang kanan naroon ang pintuan at ito ay itinutulak upang buksan. Sa pagpasok mo naroon ang kanilang salas at diretso pa may isang silid. Sa gawing kaliwa naroon ang kanilang kainan at katapat nito sa silanganan ay may isa pang silid. May isang maliit na pintuan patungo sa isa pang maliit na kainan kasunod ay ang palikuran. Sa tapat nito ay banggirahan na ang ilalim ay tanke ng tubig na siyang pinaka banyo. Ang pinakadulo ng bahay ay ang kanilang kusina. Ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng bahay ay nasa gawing kaliwa o kanluranan. Aakyat ka muna ng anim na baitang na hagdanang yari sa bato bago ka umakyat sa kahoy na hagdanan. Magkabila ay may hawakang kahoy. Sa bandang kaliwa ay may kulungan ng kalapati at sa bandang kanan nandoon ang pintuan. Bago sumapit ang pintuan ay may sabitan pa ng sombrero. Sa iyong pagpasok sa bandang kaliwa naroon ang isang malawak na salas. Papasok ka sa isang pintuan patungong salas at makikita mo sa pinakagitna pagitan ng dalawang bintana ang piyano at sa ibabaw nito ay ang antigong salamin. Dalawa ang sala set, isang nasa gawing kanan at isa sa kaliwa na ang ilalim ay may makapal na linoleum. Apat na haligi ng bahay ay nasa salas na may nakasabit naflower vase. Sa bandang kaliwa ng pituan naroon ang sinaunang relo na de susi na may pendulum. Sa paglabas mo ng salas may dalawang silid, ang bandang kanan o kanluranan ay kina Lola Estrella at ang bandang kanan ay kina Lola Isay. Dito mo din makikita ang isang eskaparate na lalagyan ng mga pigurin. May isang hakbang pababa patungo sa isa pang silid sa gawing kaliwa at sa bandang kanan nandoon ang kabinet na lalagyan mga baso at pinggan. Sa likod nito ay ang kusina nina Lola Estrella. Katabi ng silid ni Lola Coz ay ang komedor o kainan. Dito makikita ang lamesang bilog at ang pladera na lalagyan ng mga de lata na nakasandal sa haligi ng bahay. May dalawang bintana dito at sa bandang ibaba ay may banggerahan. Dito din makikita ang refrigerator na tatak General Electric. Sa paglabas my isang maliit na pintuan patungong komedor at kusina. Dito makikita ang abuhang lutuan, mga palayok na gamit sa pagluluto, banggerahan sa gawing kanluran at isa pangbanggerahan sa gawing silangan na lugar kung saan ginigiling ang gagawing espasol o pinalto ang galpong sa tulong ng gilingang bato. Bago lumabas ng kusina ay may hugasan na lumalagaslas ang lakas ng tubig sa gripo. Sa paglabas sa kusina nandoon ang dirty kitchen , kulungan ng aso at ito rin ang daan patungo sa palikuran na dadaan sa mahabang tulay na yari sa kawayan. Dito na din ang pababa sa likuran ng bahay.

Ang bandang silanganan ng bahay ay bakante. May mga puno ito ng lansones, starapple, at lukban. Ang bandang likuran naman ay may puno ng chico, at sampalok. Sa bandang likuran ng bahay, doon nagtayo si Lolo Deme ng bayuhan at pagkalipas ng ilang panahon naging kamalig na imbakan ng palay. Taong 1978 ng mabago na ang kaayusan ng bahay.

Bahay kubo
Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay unang isinalin mula sa artikulong Nipa hut ng English Wikipedia, partikular sa bersyong ito.

Isang bahay kubo.

Ang bahay kubo (Ingles: nipa hut) ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ang katutubong bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na may isang binigkis na bubong gamit ang dahon ng nipa / anahaw. Ang bahay kubo ay ang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. Sila ay ginagamit pa rin sa araw na ito, lalo na sa mga mabukid na lugar. Iba't-ibang disenyo ng arkitektura ang makikita sa iba't-ibang tribo sa bansa, kahit na lahat ng mga ito ay sumusunod sa pagiging tiyakad bahay, kamukha sa mga matatagpuan sa kalapit na bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Palau, at ang Mga Isla ng Pasipiko.

Bahay Kubo

Larawan ng Bahay Kubo sa baybayin ngIlog Pasig Ang Bahay Kubo ay isang katutubo at kinikilalang pambansang tahanan sa Pilipinas. Yari ito sa kawayan, nipa at iba pang halamang likas sa bansa. Hango sa salitang Espanyol na cubo ang pangalan ng tahanang ito dahil sa hugis parisukat o parihabang kabuuan nito. Naaayon ang bahay kubo sa tropikal na klima sa Pilipinas, gayun din sa pabugsu-bugsong pag-ulan. Sakaling mapinsala ito ng pag-ulan, madali naman itong palitan o itayong muli. Dahil pawang mula sa kalikasan ang mga materyales sa paggawa nito, may kagaangan ang bahay kubo kaya naman madali itong buhatin o ilikas sa tulong ng kaugaliang Filipino na bayanihan.

Kaayusan ng Bahay Kubo


Pangkaraniwan pa ring makikita ang bahay kubo sa mga lalawigan sa Pilipinas. Ito rin ay patuloy na itinatayo lalo na ng mga katutubong naninirahan sa mga kabundukan at tabing-dagat. Marahil ay may kinalaman dito ang mga materyales na madaling makukuha sa kalikasan. Kadalasang hugis kahon ang bahay kubo. Nakatayo ito sa apat na paa o poste na nakatusok tatlo o higit pang talampakan mula sa lupa. Sa ganitong paraan ay maiiwasang pasukan ng tubig ang bahay kapag bumabaha, gayun din ang pagpasok ng mga hayop gaya ng ahas sa loob ng silid. Kung minsan, ang ilalim na bahaging ito ay nagsisilbing imabakan ng mga pagkain, o tirahan ng mga alagang hayop.

Galing sa Bahay Kubo sa Bahay na Bato

Sa Pilipinas, maraming mga lumang bahay. Ang unang bahay, ang bahay kubo o nipa hut sa ingles ay ang bahay ng mga Pilipino na nakatira sa mga probinsiya hanggang ngayon.

Ang kanyang arkitektura ay bagay na bagay para sa klima ng Pilipinas kasi madaling siyang igawa uli pagkatapos ng bagyo, baha, o lindol. Noong dumating ang mga espanol, dala dala nila ang arkitektura nila, pero ang mga batong bahay na ginagamit nila ay madaling nasipa kapag lumindol. Noong lumaki ang mga bayan at asyenda, ang mga may pera ay gumawa ng mas malaking mga bahay. Ang tawag sa mga bahay nito ay principalia at ilustrados. Itong mga bahay ay ginaya sa mga bahay kubo at ng mga bahay ng Europe at Asia. Ang nga bahay nito ang mga bahay na bato ay naging ang pinakabantog na bahay sa Pilipinas.

You might also like