You are on page 1of 8

Anyong Tubig

Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit
na sapa o itaas ng bundok o burol.

Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang


tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)

Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan.
Maalat ang tubig ng dagat sapangkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes at Dagat Mindanao.)

Ang look

[1]

(Ingles: gulf, bay, harbor, sound, inlet) ay isang baiya na maaaring gamitin bilang

kanlungan ng sasakyang pandagat,katulad ng mga bapor, partikular na kung may malalakas na mga bagyo. Ito ang tinatawag na "braso" ng isang dagat.

Golpo ang tawag sa malalaking look. Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang pinakapanloob at
kurbadang rehiyon ng isang golpo. Isang halimbawa nito ang look ng Maynila.

Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.

Ang bukal

[1]

ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang

mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.

Ang kipot o kakiputan[1] Isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang Pulo.

Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Ang batis, ilug-ilugan o saluysoy ay isang anyo ng tubig na may patuloy na agos sa pinanggagalingan nito. Karaniwan nang malinis at malamig ang tubig sa batis na madalas matatagpuan sa gitna ng mga kakahuyan sa gubat.

Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init.

Anyong lupa

Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.

Bundok isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa
sa burol

Bulkan isang uri ng bundok sa daigdig na kung


saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras

Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksyon ng dalusdos ng ungos na walang malinaw na tuktok. Maliit na burol ang isang punso.

Ang lambak ay patag na lupa na pinapaligiran ng dalawang bundok. Ang lambak ay isang uri ng lupa kung saan may mga parte na hindi pantay pantay ang lupa.

Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa[1] ay ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin bilang pantayanin, bakood, at bakoor.

Ang dalampasigan o dalampasig ay ang anyo ng lupang mabuhangin na katabi ng katawang tubig ng dagat. Kilala rin ito bilang baybayin, aplaya, tabingdagat, pasigan, baybay-dagat,lambay, pundohan, at palanas. Tinatawag itong pampang kung katabi ng ilog ang anyong lupa, na maputik imbis na mabuhangin.

Ang bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa. Mailalarawan ito bilang isang hanay ng mga bundok.

Ang pulo o isla ay isang piraso ng lupa na mas maliit sa kontinente at mas malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles.

Ang yungib[1][2] o kuweba ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop. Lungib o alkoa[1] ang tawag sa mga yungib na nasa ilalim ng mga anyo ng tubig. Kabilang dito ang mga groto. Isang halimbawa nito ang Kuwebang Tabon sa Palawan, Pilipinas. Tinatawag namang kaberna ang isang malaking kuweba.

Ang [1] isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory) ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulo

Sa heograpiya, ang isang desyerto, disyerto, ilang, ulog[1] ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang ilang bilang mga lugar na tumatanggap ng karaniwang presipitasyon na bababa sa 250 mm (10 pulgada).

You might also like