You are on page 1of 15

Tagalog noon, pinalitan ng Pilipino ngayon naman ay Filipino namay bagong Alpabeto pa Ang wika ay salamin ng bayan at siyang

bumibigkis tungo sa pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang kaisipang ito ay isinaad ni Manuel Luis Quezon, ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nanguna upang pagbuklurin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng isang wikang pambansa. Ang wikang pambansa na nabuo ay batay sa Tagalog sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nilagdaan niya noong Disyembre 30, 1937. Bakit Tagalog? Tagalog ang sinasalita ng higit na nakararaming Pilpino, lalo na sa Maynila at karatig bayan, na sentro ng edukasyon, kalakal, hanapbuhay, pulitika, agham, at industriya. Sa ganitong dahilan napagpasyahan ng lupon ng mga mananaliksik ng wika na ibatay sa Tagalog ang wikang pambansa. Mabilis itong itinuro sa iba t ibang paaralan sa bansa sa loob ng 20 taon. Noong ika-13 ng Agosto, 1959 ay nilagdaan naman ni Jose E. Romero, Kalihim ng Edukasyon at Kultura, ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 7 tungkol sa paggamit ng Pilipino, bilang pagtukoy sa wikang pambansa. Layunin ng pagapapalit ng Tagalog sa Pilipino ang maitimo sa isipan ng mga Pilipino ang pinakakatangian ng ating pagkabansa. Bukod dito, ang Tagalog ay isa lamang sa mga wika sa Pilipinas at ang patuloy na tawagin ito bilang wikang pambansa ay hindi makapagbibigay ng magandang impresyon sa iba pang mga wikang umiiral sa bansa. Ang paggamit ng Pilipino bilang wikang pambansa ay mahigpit na ipinatupad sa buong bansa. Ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng pamumuhay at pakikipag-ugnayan, hindi lamang sa kapuwa Pilipino kundi gayundin sa iba t ibang lahi, ang impluwensya ng iba t ibang wika sa buong mundo ay hindi maitatanggi. Ang paggamit ng wika ay hindi dapat limitahin. Kailangan itong payabungin at papagyamanin upang makaagapay sa mga pagbabago at mapabilis ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Nasa ganitong direksyon ang ating wika nang magkaroon ng pagdaragdag ng mga titik sa dating abakadang Pilipino na may 20 titik (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y). Nang iminungkahi ang patakarang bilinggwal sa bansa noong 1977, naragdagan ang mga titik ng alpabeto. Mula sa 20 titik ay naging 31 ang mga ito. Nairagdag dito ang mga titik C, CH, F, J, LL, , Q, RR, V, X, at Z. Hinango ang ilang titik sa wikang Kastila at Ingles dahil na rin sa malaking impluwensya ng mga ito sa kabuhayan at kultura ng bansa. Nang manungkulan ang yumaong Pangulong Cory Aquino at magkaroong muli ng pagbabago sa kalagayan ng wika, ang Konstitusyon ng 1987 ay nagtadhana sa Batasang Pambansa na gumawa ng hakbang tungo sa paglinang at pormal na pagpapatibay ng isang wikang pambansa na tatawaging Filipino. Ayon kay Komisyoner Francisco Rodrigo, Itong Filipino ay hindi isang bagong katha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya nga t ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino.

Kasunod ng pagbabagong ito ay ang pagbabago rin ng alpabeto. Ngayon, ang bagong alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik (A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, , NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, at Z). Gayunman, ang mga titik-banyaga na isinama sa bagong alpabeto ay gagamitin lamang sa: Pantanging pangngalan (Proper Noun). Halimbawa: Cezar, Joaquin, Quezon, Canada, Czechoslovakia Wikang katutubo (native language). Halimbawa: azan, hadji, masjid Wikang banyaga na walang ganap na katumbas sa wikang Filipino. Halimbawa: french fries, coach, brochure, clutch Sa paggamit ng iba pang salita, may tuntuning dapat sundin: Hangga t maaari ay itumbas ang mga salitang Ingles sa kaukulang salin nito sa Filipino. Halimbawa: ability skill rule community = kakayahan = kasanayan = tuntunin = pamayanan

Sa panghihiram ng salita na mayroon sa Ingles at Kastila, ang unang gagamitin ay sa Kastila. Iniaayon din sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbaybay sa Filipino. Halimbawa: Ingles check chair cheese pencil Kastila cheque cilla quezo lapiz Filipino tseke silya keso lapis

Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi maunawaan ng nakararami, hiramin ang katawagang Ingles, kung saan ay may pagbasa at pagbaybay na pareho sa Filipino. Halimbawa: Ingles reporter editor Filipino reporter editor

salami

salami

Maaaring gawing batayan sa pagsasalin ang simulaing: Kung ano ang bigkas ay siyang baybay. Halimbawa: Salitang banyaga meeting nurse doctor computer Filipino miting nars duktor kompyuter

Katumbas na titik-banyaga sa Filipino:

C=K C=S CH = TS CH = S F=P J=H J=S LL = LY LL = Y = NY Q=K RR = R V=B X = KS X=H Z=S

marca cine fecha chinelas caf juez jugar calle cebollas seora tanque carrera voces taxi raxa lapiz

= marka = sine = petsa = sinelas = kape = huwes = sugal = kalye = sibuyas = senyora = tangke = karera = boses = taksi = raha = lapis

Mayaman ang ating wika at patuloy ang paraan ng pagpapadalisay at pagpapayaman dito. Hindi ito mapipigil sapagkat patuloy rin ang pagbabago at pag-unlad ng buhay. Samakatuwid, dapat tayong maging handa at laging bukas ang kaisipan sa anumang pagbabagong nagaganap at maaaring maganap pa! Si Vicky S.A. Cabrera ay isang Guro sa Filipino sa Tyndall Park Community School sa Winnipeg. FfilipinoExpress

Jejemon mentality di puwede sa eskuwelahan DepEd 05/22/2010 | 05:40 PM

MANILA Magiging kasangga ang mga jeje-buster" ang Department of Education sa paglaban sa mga jejemon" sa darating na pasukan ng klase sa mga paaralan. Ayon kay DepEd Secretary Mona Valisno, ipag-uutos ng DepEd sa mga paaralan na i-discourage" ang mga estudyante na gamitin ang jejemon spelling at grammar, lalo na kung nagte-text. Dini-discourage lang namin, pag nagte-text sabihin namin kailangan buong sentence at ang spelling dapat tama," pahayag ni Valisno sa panayam ng dzBB radio nitong Sabado. Sinabi ng opisyal na maaaring humina ang kakayahan ng mga kabataan sa pagsusulat kung magpapatuloy sila sa pakikipag-ugnayan sa paraang jejemon. Ang pag-usbong ng jejemon" ay nagsimula sa pagpapalit nila ng letra sa mga salita kapag nagte-text, email at maging sa pagsusulat sa mga social networking site. Halimbawa ng jejemon spelling ay ang pagpapalit ng h" sa j" katulad sa ekspresyon ng pagtawa sa text message na hehehe," ay nagiging jejeje." May mga salita rin silang dinadagdagan ng letra katulad ng "hello," na nagiging "elow" at ang "po" ay nagiging "poh" o kung minsan ay "p0w." Ang mga jeje-buster" ay mga tao na tutol sa paggamit ng salita ng mga jejemon." Nagpapakalat din sila ng kritisismo sa mga "jejemon" sa mga social networking sites. Kasama sa sariling paraan ng pagbaybay ng mga salita ng jejemon ang pagkakaroon nila ng sariling porma katulad sa pananamit at pagkilos. Bagaman nauunawaan umano ni Valisno na may pagkakataon na kailangang bawasan o igsian ang mga salita sa pagpapadala ng text, kailangan pa rin umanong ituro sa mga kabataan ang tamang pagbaybay ng mga salita. Kasabay nito, ipinaalala ni Valisno na nananatiling bawal ang paggamit ng mga cell phone sa loob ng silidaralan. Hinikayat din ni Valisno ang mga magulang na sumali sa taunang programa na Brigada Eskwela" upang maglinis at magkumpuni ng mga paaralan bilang paghahanda sa pasukan sa Hunyo. Ito na-institutionalize na, sa lahat na iskuwela gagawin ang gabay ng community, local residents, yan ang gagampanan," paliwanag ng opisyal. Iniurong ng pamahalaan ang simula ang pasukan sa mga pampublikong paaralan sa Hunyo 15 (Martes) matapos ipatupad ang economic holiday" sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Sa halip na gunitain ang Araw ng kalayaan sa Hunyo 12 (Sabado), iniusog ito sa unang araw ng susunod na linggo na pumatak sa Hunyo 14 (Lunes). - GMANews.TV

Anitch itich? Bekimon, or the secret code of gays By JOHN IREMIL E. TEODORO 08/12/2010 | 02:50 PM

If you don t understand the phrase pasok sa banga" (rough English translation: fits inside the jar), maybe you are not gay or a fag hag (a woman who likes to act gay or hang out with screaming gays). If you are gay, maybe you re not gay enough.

Pasok sa Banga (Wika ng mga Bakla)" by Prof. Jesus Federico Fernandez, former chair of the Department of Linguistics of the University of the Philippines, was one of the lectures presented at the Sawikaan 2010 in UP Diliman last July 29-30.

Pasok sa banga" means swak," or something that s in or acceptable. For example, when someone says your idea is pasok sa banga," it mean your idea is correct or appropriate to the topic under consideration. Thanks to Prof. Fernandez, a new phrase was added to my vocabulary that day. That s bekimon" for you.

Bekimon comes from two words: becky or beki," gay speak for bakla" or young gays, and jejemon," which refers to the strange text and Internet language that has gained widespread usage among netizens and mobile phone users in the Philippines. It is the new term for gay lingo or gay speak, the beautiful and confusing (to those who are uninitiated) and very gay (in the old sense of the word) languages of the bakla, the ag, and the bayot of this fabulous, fabulous Philippine archipelago.

In his lecture, Prof. Fernandez discussed the nine ways of forming bekimon words. Yes, nine. As in a gay cat has nine lives," like so:

Paglalapi" or using suffixes that do not have a grammatical function. One example is the word ano," which is transformed into anek" and anekwabum." In the title of this piece, ano ito" mutated into anitch ititch."

Pagpalit ng tunog" or changing the sound of words. Thus, the word asawa" becomes jowa," kyowa," and nyowa." Or nakakaloka" becomes nakakalerki."

Using acronyms. GL" stands for ganda lang," which means you got something for free because of your beauty or looks. Another example is OPM" for oh promise me," which refers to a white lie or a promise that is not meant to be fulfilled.

Pag-uulit ng salita o bahagi ng salita" or repetition of the word or part of the word. Hence, wit" or wititit" is bekimon for hindi" or no. Chika," which refers to shallow conversation, becomes chika-chika."

"Pagkakaltas" or shortening a word or a phrase. For example, ang datung" or money" becomes anda." Smoking cigarettes is shortened from sunog baga" to suba." And if somebody tells you ma at pa," don t mistake the phrase for someone s parents; it means malay ko at pakialam ko" (I don t know and I don t care).

Katunog" or sameness of sound. Thus, noselift" means alam" because nose" sounds like knows," as in noselift ko ang sagot sa exam."

Using the names of famous persons and places. If you don t know yet, Carmi Martin" means karma, Rita Avila" signifies that someone is irita, "Luz Valdez" refers to a loser and Wynona Ryder" a winner, and finally, Baliwag, Bulacan" means baliw or crazy. (Note: in the #3 example above, the same phrase is also shortened to Oprah)

Paghihiram" or borrowing from foreign or local languages. The English word fly" for instance, means the speaker is leaving while warla or warlalu" stems from the word war." The Hiligaynon word daku," meaning big, means the same thing in bekimon vocabulary. Because there are many Filipino transsexuals working in Japan, several Nihonggo words have also entered the bekimon vocabulary including otoko" for man, okama" for gay, and watashi" for me."

Pagbabago ng kahulugan ng mga salitang hiniram" or changing the meaning of borrowed words. The word award," for example, takes on a negative connotation such as committing a mistake or getting scolded instead of its original meaning of being honored or getting singular distinction for doing something good. Example: Award ako sa tatay ko dahil alas-tres ng madaling araw na akong nakauwi (I was scolded by my father because I came home at three in the morning).

According to Prof. Fernandez, bekimon is a process of coding the gay experience: Itinatago ang tunay na anyo

ng salita upang hindi maintindihan." For him, bekimon is a subversion of the homophobic society, especially the Catholic church. He added that gayspeak gives people the freedom to live out the gay experience, or instrumento ng mga bakla sa pakikitunggali sa mapang-aping lipunan."

Indeed, bekimon provides a space for gays to talk about their lives without being understood by heterosexuals around them, many of whom are homophobic. Because of this, bekimon is quick to change or mutate.

The lecture ended with a video presentation of a gay father scolding his son in bekimon for not adding her" as a friend on Facebook. It was hilarious especially when the video was shown again, this time with Filipino subtitles.

During the open forum someone asked whether it is possible, or if there is a plan, to make a bekimon dictionary. Prof. Fernandez laughed, as if to say, yes, you can but you may not." However, Prof. Jovy Peregrino, the director of UP s Sentro ng Wikang Filipino, was serious: We need to do it, for this will be very useful to the scholars in the future."

Prof. Fernandez did not agree with the idea. You should not make a dictionary of gay words because it will defy the purpose of gayspeak that is to use a language like a secret code," he said, smiling sweetly. YA, GMANews.TV

ANG INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO Christian George C. Francisco Kagawaran ng Filipino at Panitikan ccfrancisco@mail.dasma.dlsu.edu.ph

Layunin ng papel na ito na ipakita ang proseso ng pagpaplanong pangwika, paraan ng pag-iistandardays, pagmomodernays, mga salik sa pag-iintelektwalays ng wika gayundin ang gamit ng wikang Filipino sa edukasyong Pilipino sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado. Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago ang katawagang pagpaplanong pangwika o language planning. Sa larangang ito, tinatanaw ang mga maaaring pagpiliang wika mula sa isang komunidad para gawing estandardisado. Sentro rin ng pag-aaral ng PP ang konsyus na paggamit ng isang wika sa isang lipunan, kung saan, ito ay kinapapalooban ng pagkalap ng mga datos o informasyon upang bumuo ng desisyon kaugnay sa kung anong wika ang pinakaangkop na gagamitin sa isang lipunan (Eastman, 1982). Ang PP ay binubuo rin ng dalawang mahalagang meyjor komponent. Sa komponent na ito mahihinuha natin ang mga konkretong batayan sa maayos na pagpili ng isang wikang sasailalim sa estandardisasyon. Una, ang patakarang dapat sundin; ikalawa, pagpili ng wika kaugnay sa napagkasunduang patakaran. Ang una ay binubuo ng apat na mahahalagang salik. Ang mga ito ay ang sumusunod: FORMULASYON Ito ang yugto ng deliberasyon at/o pagdedesisyon kaugnay sa wikang pipiliin. Mahalagang isaalang-

alang dito ang layunin ng mga gagamit nito. KODIFIKASYON Ito ang yugto kung saan nagkakaroon ng teknikal na preparasyon ang mga language academies ng

napagkasunduang patakaran. Mahalaga namang tingnan dito ang pananaw, paniniwala, saloobin ng kapwa magpapatupad at tatanggap ng napagkasunduang patakaran.

ELABORASYON Ito ay pinaiiral ng ahensyang pangwika na kung saan inihahanda na ang mga materyal na kakailanganin sa pagpapalawak ng gamit ng piniling wika. IMPLEMENTASYON Ito naman ang yugto ng pagtanaw sa epekto ng plinanong pagbabago sa wikang pinili. May inilahad pa rin si Eastman (1982) kaugnay sa paraan ng pagpili ng wika. Sa katunayan, may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng isang wika na sasailalim sa estandardisasyon: 1. 2. 3. 4. 5. 6. Indigeneous Language Wikang sinasalita ng mga sinaunang tao na nakapanirahan sa isang lugar. Lingua Franca Wikang gamitin ng mga taong may magkaibang unang wika na may tiyak na layunin sa paggamit. Mother Tongue Wikang naakwayr mula sa pagkabata. National Language Wikang ginagamit sa politika, sosyal at kultural na pagkakakilanlan. Official language Wikang ginagamit sa transaksyong pampamahalaan. Pidgin (Nabuo sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng wika) Wikang kadalasang ginagamit ng mga taong may

magkaibang pinagmulang wika. 7. Regional Language Komong wika na ginagamit ng mga taong may magkaibang wikang pinagmulan na naninirahan

sa isang partikular na lugar. 8. 9. Second Language Wikang natutunan bilang karagdagan sa unang wika. Vernacular Language Wika ng isang sosyal na grupo na nadomina ng ibang wika.

10. World Language Wikang ginagamit sa malawak na saklaw ng mundo. Alinman sa mga nailahad na ito ay maaaring mapagpilian o maging batayan tungo sa pag-iistandardays ng wikang napagkasunduan. Samantala, ang estandardisasyon ng wika naman o language standardization ay isang sangay ng pagpaplanong pangwika na konsern sa kaisahan sa likod ng linggwistikong pagkakaiba-iba ng mga wika. Ayon kay Eastman (1982) mula kay Haugen (1966), may proseso ang pag-iistandardays ng wika. Tungo sa pag-iistandardays ng wika, mahalagang makapamili muna ng wika, makodifay ito sa pamamagitan ng paghahanda ng teknikal na preparasyon o ng mga kagamitan (libro, ensaklopidya at iba pang mga nasusulat na materyal). Matapos nito, kinakailangan na maging malawakan ang pagpapagamit nito sa iba t ibang domeyn tulad ng: simbahan, paaralan, pamahalaan, midya at iba pa. Malaki ang papel ng domeyn sa estandardisasyon dahil ito ang susukat sa lawak ng gamit ng wika.

Sa kaso naman ng modernisasyon, binigyang paliwanag ni Eastman (1982) na ito ay ang paglago ng popular na pagkakakilanlan ng isang estandardisadong pambansang wika mula sa mga gumagamit nito. Sa kabilang banda, inilahad naman sa jornal ng Komisyon ng Wikang Filipino ang dalawang yugto para masabing modernisado ang isang wika. Ang una ay tinawag na Popularly Modernized Language o PML at ang pangalawa ay ang Intellectually Modernized Language o IML. Ayon dito, ang wika ay maaaring maging moderno subalit hindi intelektwalisado. Ang wika na ginagamit sa enterteynment ay pwedeng tawaging moderno subalit hindi ito masasabing intelektwalisado, gayundin naman ang wikang ginagamit sa tabloyd ay hindi rin maaaring iklasipika na intelektwalisado. Sa kabilang banda, masasabi nating intellectually modernize ang isang wika kung ito ay nagagamit sa mga matataas na karunungan gaya ng agham, teknolohiya, negosyo, kalakalan, industriya, medisina at iba pa. Tunguhin ng dalawang yugtong ito na maintelektwalays ang wikang ginagamit ng isang partikular na lipunan. Malaki rin ang magiging ambag ng mga larangang pangwika tungo sa pagpapalakas ng intelektwalisasyon. Maaaring sumailalim ang isang wika sa mga sumusunod na larangan: Larangang pangwika na nagkokontrol (Controlling domains of language) Ang wika at varayti ng wikang ginagamit dito

ay dinidikta kapwa pasulat at pasalita. Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita. Kadalasan itong ginagawa sa matataas na antas ng karunungan gaya ng: simabahan, batas, midya, paaralan, pamahalaan, industriya, negosyo, komersiyo at iba pa. Dahil nga nagiging diktador kung ano ang wikang gagamitin, nadedevelop ang isang wika tungo sa tinatatawag na estandardisado at intelektwalisado. Nagkokontrol nang bahagya sa larangang pangwika (Semi-controlling domains of language) Ang wika at ang mga

varayting ginagamit naman dito ay pasulat subalit tanging tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito. Di-tulad ng nauna, hindi kasinghigpit ang paggamit ng wika rito. Ipinahihintulot rin nito ang pakikibahagi ng tao sa iba t ibang gawain subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang isang tao sa paggamit ng wika. Halimbawa nito ay sa relihiyon at enterteynment. Di-nagkokontrol na mga larangan ng wika (Non-controlling domains of language) lamang na kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa. Gayumpaman, ang salitang intelektwalisasyon ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba t ibang taong sangkot sa paggamit ng wika. Sa paliwanag ni Sibayan (1999), ang wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat. Hindi sapat ang pasalitang paraan para masabing intelektwalisado ang isang wika. Kinakailangang ang wika ay nakapagpapalimbag ng iba t ibang balon ng karunungan (libro, ensaklopidya at iba pa) na magagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Sa kaso ng Filipino, ani Sibayan, ang pag-iintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa mga lawak na kumokontrol na wika o controlling domains of language, mga lawak na ayon sa kanya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong gumagamit ng wikang iyan. Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang larangan tulad sa edukasyon, pamahalaan, batas, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo, Ang wikang gamit dito ay pasalita

pangkalakalan, industriya, mga propesyon na may bahaging larangan (sub domains) tulad ng medisina at abogasya, masmidya at literatura. Sa paliwanag naman nina Espiritu at Catacataca (2005), nakaankla sa pagpaplanong pangwika ang salitang intelektwalisasyon. Ito ay pumapaloob sa apat na dimensyon: seleksyon, estandardisasyon, diseminasyon at kultibasyon. Sa kultibasyon papasok ang konsepto ng intelektwalisasyon. Ani Neustupny (1970), ang kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at elaborasyon nito. Sa kabuuan, nangangahulugan lamang na ang tanging layunin ng intelektwalisasyon ay upang magampanan ng wika ang kanyang mga tungkulin sa mga gumagamit nito. Samantala, inilahad ni Acuna (1994) na ang mga pambansang wika sa buong mundo ay maaaring iuri sa tatlo: Intellectualized languages of wider communication; confined, independent and intellectualized national languages; and developing national languages. Ang unang uri ay tumutukoy sa popular na mga internasyunal na wika gaya ng: Ingles, Pranses, Aleman at Espanyol. Ang mga wikang ito ay ginagamit bilang mga kontroling na domeyn sa paggawa (work) at iba pa. Samantala, ang ikalawang uri naman ay tumutukoy sa mga intelektwalisadong wika na saklaw lamang ang bansang pinaggagamitan nito. Ang wikang ito ay sapat na upang magamit sa lahat ng domeyn ng isang bansa. Halimbawa ng mga bansang ito ay ang Korea at Japan. At ang panghuling uri naman ay tumutukoy sa mga bansang nasa proseso pa lamang ang intelektwalisasyon ng wika gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Sa mga bansa kasing ito ay patuloy pa rin ang pagdevelop sa tinawag ni Sibayan na idyomang pedagojikal. Ngayon, ano naman ang hinaharap ng wikang Filipino kaugnay sa isyu ng estandardisasyon at intelektwalisasyon? Ang tanong na ito ay nagdulot ng mga kalituhan sa maraming Pilipino, kahit mga dalubwika ay patuloy na nagdedebate kung estandardisado o intelektwalisado ba ang Filipino. Kadalasang sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang pahayag na ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng Seksyon 6:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba pang mga wika sa Pilipinas. Nangangahulugan lamang ito na ang Filipino ay kailangang umasa sa mga intelektwalisadong wika hindi lamang sa mga wika sa Pilipinas. Isang magandang halimbawa na nito ay ang wikang Ingles. Ang Ingles man ay umasa rin sa mga intelektwalisadong wika tulad ng Griyego, Latin at Pranses. Sa kabilang banda, tinukoy sa jornal ng KWF ang mga kadahilanan kung bakit kailangan ng Filipino na umasa sa Ingles. Narito ang mga kadahilanan: 1. Halos lahat ng nakasulat na bersyon ng makabagong Filipino kabilang na iyong sa mga paaralan ay puno ng hiram

na salita sa Ingles, may mga binaybay ng tulad ng sa mga orihinal at karamihan naman ay isina-Filipino ang pagbabaybay.

2.

Malinaw na ipinakikita sa mga pag-aaral tungkol sa mga intelektwalisadong varayti ng sinasalitang Filipino ng mga

mag-aaral sa anim na pamantasan sa Metro Manila (UP, DLSU, Araneta U, PNU, PUP at PLM) na kayang talakayin ng mga mag-aaral ang kanilang mga takdang aralin sa matematika, biyolohiya at iba pa sa pamamagitan ng maramihang panghihiram sa Ingles. Sa madaling salita, para masabing intelektwalisado ang wikang Filipino, kinakailangan na magamit ito sa pagtuturo sa mga Pilipino sa halos lahat ng larangan o antas. Kung kaya, ani Espiritu at Catacataca (2005) mula kay Sibayan (1988), para maisakatuparan ito, pangunahing pangangailangan sa intelektwalisasyon ang manunulat sa kurikulum at mga teksbuk at isang idyomang pedagojikal sa Filipino. Ang idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Kung babalikan natin ang unang pahayag ni Sibayan, ang wika ay kailangang NASUSULAT para masabing intelektwalisado ito. Gayumpaman, may apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo, marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. Pangalawa, ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito, nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang referensiya. Pangatlo, ang wika ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. At panghuli, ang wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba t ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit ito sa iba t ibang larangan o bahaging-larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika. Samantala, iminungkahi naman ni Sibayan ang mga tiyak na referensiya upang masubok kung intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino. Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten hanggang level pampamantasan? Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang gamit? Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo-ekonomiko at intelektwal na pag-unlad?

Ani Sibayan, mahirap makamit ito subalit ito ang mga katangian ng isang intelektwalisadong wika na maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng isang bansa. Sa kasalukuyan, ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming

problema, kung kaya, hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak nitong landas tungo sa intelektwalisasyon. Ilan sa mga problema ay ang mga sumusunod: 1. 2. Kulang ang political will sa pag-iintelektwalays nito. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa industriya, komersyo, negosyo at iba pa. Ingles pa rin ang ginagamit

sa mga larangang ito bilang pangunahing midyum ng komunikasyon. 3. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa iba t ibang ahensiya nito

gayundin ang mga sapat na treyning. 4. Mismong ang akademiya ay may kakulangan tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. Ito ay sa apektong pagdevelop

ng mga libro na naka-Filipino. 5. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na nagnanais na ibalik ang Ingles bilang pangunahing midyum ng

pagtuturo. Mula ito sa kanyang EO 210 na pagpapalakas sa gamit ng Ingles.

Ang mga ito ay refleksyon ng realidad na kasalukuyang kinakaharap ng wikang Filipino. Isang nakakalungkot na pangyayari dahil hindi masalamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika na siyang makapagbubuklod at magbibigkis sa isang kulturang maka-Pilipino na kakikitaan sana ng ating identidad.

Isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino partikular na sa mga akademisyan kung paano ba maiintelektwalays ang wikang Filipino? May iminungkahi kaugnay rito si Sibayan.

Kinakailangan ng mga tagatangkilik at tagapagpaunlad nito. Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer na naniniwala sa epektibong gamit ng Filipino sa anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto. Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal gamitin ang Filipino, bagkus, magamit ito sa iba pang disiplina. Kinakailangan ng mga pablisher na handang maglathala ng mga publikasyon sa Filipino. Kinakailangan din ng mga taong handang ponduhan ang programang pang-intelektwalisasyon. Ang Filipino ay kailangang tanggap ng nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa erya ng kontroling na domeyn ng wika.

Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang Filipino ang hindi magiging ganap na intelektwalisado sa madaling panahon. Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o materyal na nakasulat sa Filipino.

Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan ay ang mga maaaring mapagnilayan ng bawat Pilipino habang patuloy na dinidivelop ang wikang Filipino. Magsilbi sana ito gabay nating lahat tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at intelektwalisasyon ng ating wika ang wikang magsisilbing tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan ng bansang ito tungo sa iisang mithiin makabansa.

MGA REFERENS A. Mga Buk Acuna, J. et.al. (1994). The language issue in education. Manila & QC: Congress of the Philippines. Atienza, M at Constantino, P. (1996). Mga piling diskurso sa wika at lipunan.QC: UP press. Catacataca P. at Espiritu C. (2005). Wikang Filipino: kasaysayan at pag-unlad. Manila: Rex bookstore. Eastman, C. (1982). Language planning: an introduction. San Francisco, USA:Chandler and sharp publishers, inc. Sibayan, B. (1999). The intellectualization of Filipino. Manila: LSP-DLSU-M.

B. Jornal

__________. (1998). Ang KWF at intelektwalisasyon ng Filipino. Manila: KWF. C. Internet Link http://www.geocities.com/CollegePArk/Field/4620/fil_ met.html. cgcfrancisco@yahoo.com/mgababasahinsafili123/kfp/030106

You might also like