You are on page 1of 12

Mga Ibong Mandaragit

PAGSUSURI

I. II.

Pamagat: Mga Ibong Mandaragit May-Akda: Amado V. Hernandez

III.

Mga Tauhan 1. Mando Plaridel - Alejandro Paminuan - Pangunahing tauhan - Nakahanap sa kayamanan ni Simoun, na itinapon ni Padre Florentino sa karagatang Pasipiko, sa tulong ni Tata Matyas - Punong patnugot ng Kampilan 2. Dolores Montero - Dolly - Bugtong na anak ng pamilya Montero na nagging karelasyon ni Koronel Moto noong Panahon ng Hapon at nabuntis ni Tiniyente Whitey sa Panahon ng Liberasyon - Makakarelasyon ni Mando sa Paris 3. Don Segundo Montero - Ang madugas na negosyante at nagmamay-ari ng Hacienda Montero 4. Donya Julia Montero - Asawa ni Don Segundo na nahuhumaling sa dating karelasyong si Gobernador Doblado 5. Tata Matyas - Ama-amahan ni Mando na isang rebolusyonaryo sa Tatlong Panahon ng Pananakop mula sa Kastila, Amerikano hanggang sa Hapon - Nagmanman sa mga lugar namaaaring pinagtapunan ni Padre Florentino sa mga kayamanan ni Simoun 6. Magat - Isang lider sa Kalayaan na namumuno sa mga isang disiplinadong pangkat ng gerilyero pagkat hawak niya ang gobyerno doon - Magiging pangunahing editor ng Kampilan 7. Karyo - Isa sa mga kasamahan ni Mando na nakatakas sa paglusob ng mga Hapon sa huling kuwartel ng mga gerilyang Pilipino sa may Tayabas, ang Sampitan - Siyang nagging tulay nina Martin at Mando upang maging mabuting magkakasama - Namatay nang itoy inatake ng pating sa karagatang Pasipiko habang sumisisid

8. Martin - Kasamahan nina Karyo at Mando na mapanlinlang at madaling nasilaw sa kayamanan ni Simoun na naging sanhi ng kamatayan nito 9. Andres - Lider ng mga Makapili sa bayan nina Magat na nagawang makipagtalastasan kay Magat kayat naging kasamahan nila ito sa paglimbag ng pahayagang Kampilan 10. Iman - Batang reporter ng Kampilan 11. Rubio - Lider ng mga manggagawang bumuo ng union sa lungsod - Dating magtitinda ng sigarilyo na sinubukang papugutan ng ulo ng mga espiya ng Hapon, ngunit nakatakas at piata ang mga espiya 12. Gobernador Oscar Doblado - Kumpadre ni Don Segundo na siyang bumabaluktot sa mga batas sa lalawigan kung nasaan ang Hacienda Montero 13. Obispo Dimas - Isang obispong pokerista na nakatalo sa istilo sa poker ni Heneral Bayoneta 14. Heneral Bayoneta - Heneral na bantay-salakay sa army, pagkat siya ay kasama nila Don Segundo sa ilegal na bentahan ng mga armas - Manugang ni Son Tua 15. Senador Bonti - Makatiyan na mambabatas at ang layon lamang ay manatili sa poder ng kapangyarihan 16. Son Tua - Milyonaryong Insik na Kumpadre ni Don Segundo at katipan niya sa pagpopondo ng mga negosyo nila, legal man o hindi 17. Judge Pilato - Pokeristang Husgado 18. Pastor - Tiyuhin ni Mando sa ina - Ama ni Puri - Naging katiwala ng hacienda ni Don Segundo 19. Puri - Anak ni Pastor na marunong lumaban para sa tama - Kasintahan at pinsan ni Mando 20. Koronel Moto - Lider ng mga Hapon na naging nobyo ni Dolly at kalaguyo ni Lilibeth

21. Lilibeth - Kaibigang matalik ni Dolly - Sekretarya na Koronel Moto - Naging katipan ni Captain Green 22. Tiniyente Whitey - Amerikanong tumulong sa liberasyon at nakabuntis kay Dolly 23. Kapitan Green - Kasama ni Tiniyenta Whitey at naging nobyo ni Lilibeth 24. Steve - Nakasalamuha ni Mando sa kampo ng mga gerilya na isang amerikanong negro - Naging masalimoot ang buhay, matapos ang giyera, sa sariling bayan pagkat hindi kinikilala ang mga de-kolor ang kulay sa Amerika 25. Mang Tumas - Pinuno ng mga magsasaka sa hacienda Montero - Pinapatay ni Kapitan Pugot sa katigasan ng loob 26. Danoy - Binatang anak-anakan ni Mang Tumas na tumatayong lider ng mga magsasaka sa kawalan ni Mang Tumas 27. Dr. Sabio - Presidente ng Freedom University na nagnanais bilhin ang Hacienda Montero upang mapagsaliksikan at makatulong sa mga magsasaka 28. Kapitan Pugot - Dating kolaborador ng Hapon na naging enkargado ni Don Segundo 29. Helen - Kastilang ahente ni Mando ng alahas sa Paris 30. Mike - Amerikanong ahente ni Mando 31. Koronel Mosca - Diplomatikong Latino-Amerikano na nakapangasawa ng multimilyonaryang Latina 32. Presidente - Iba sa sinumang nanirahan sa Malakanyang 33. Senador Maliwanag - Mambabatas na makabayan 34. Pong Tuason - Arkitektong anak ni Son Tuan a nagplano sa mansion ng mga Montero 35. Donya Ninay - Paralisadong sawa ni Gobernador Doblado

36. Tindeng - Kulasisi ni Gobernador Doblado na may dalawang anak 37. Santi - Reporter sa Kampilan

IV.

Buod Ang tatlong magkakasamang gerilyerong sina Mando, Karyo at Martin ay tumakas mula sa paglusob ng mga Hapon sa kuwartel ng Sampitan sa Tayabas, Quezon. Nakituloy sila sa kwebang tinutuluyan ni Tata Matyas sa Sierra Madre upang makapagpahinga bago tumuloy sa kanilang lakad patungo sa Infanta, na siyang pinakakuta ng mga katulad nila sa Luson. Pinaunlakan sila ng matandang rebolusyonaryo at pinakain sa abot ng makakaya nito. Sa pagtulog nina Karyo at Martin, napag-usapan nila Mando at Tata Matyas ang mga pangyayaring nagaganap sa panahon ng mga Kastila kung kalian naisulat ni Jose Rizal ang Noli me Tangere at El Filibusterismo na pinaniniwalaan ng matanda na makatotohanan pagkat nalaman niyang si Padre Florentino ay may kapangalan na kamag-anak ni Tata Matyas at ang huling detalye sa pari ay tumutugma sa pagkakalarawan ni Rizal kung saan itinapon ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan at mga alahas ni Simoun. Nakahanap ng lugar na tugma sa mga hinala ni Tata Matyas na kinalubugan ng kayamanan sa Karagatang Pasipiko, ngunit naibuwis ni Karyo ang buhay nito ng umatake ang isang pating. Naiahon nila Mando at Karyo ang kayamanan ngunit sa pagkakaidlip ni Mando ay tinangay ito ni Martin pero hindi ito nakalayo hanggang sa naibuwis ni Martin ang buhay nito sa pagsamsam ng limpak-limpak na kayamanang yaon, habang si Mando ay nagkapilat sa mukha dahil sa taga ng itak ni Martin. Dinala ni Mando kay Tata Matyas ang kayamanan upang sumangguni sa dapat na paglaanan nito at hininging sumama ito sa Maynila. Pinuntahan rin ni Mando si Magat sa Kalayaan upang hingin na maging patnugot ng binabalak nitong gawing pahayagan ng katotohanan, ang Kampilan. Sinama naman ni Magat si Andres pagkat natatalos nitong mabuti ang hangarin nito sa bayan at makakatulong sa pagpapahayag sa Kampilan. Sa tulong ni Magat ay hinanap ni Mando ang kanyang Tiyuhing si Pastor at ang pinsang si Puri na nooy mga enkargador ni Don Segundo sa hacienda. Nagkaroon ng pagtitinginan sa isat isa sina Puri at Mando nang silay magkita ngunit ikinubli muna ni Mando ang katotohanan sa pagkatao nito sa mag-ama maging kay Magat. Napag-usapan nina Mando at Tata Matyas na kailangang maipagpalit ang ilan sa mga alahas upang ang mga itoy mapakinabangan at ang isang paglalakbay ni Mando sa ibat ibang panig ng mundo upang matuto sa mga nararapat na platapormang sundin ng gobyerno at upang makapagbenta ng mga alahas sa pinakamagandang presyo para magamit sa Kampilan. Sa kanyang pamamalagi sa Europa, nakita niya kung paano mamahala at mabuhay ng marangya ang halo-halong lipi ng mga tao sa mga siyudad nito at dito niya natutunan ang silbi ng relihiyon sa pagbuo ng matatag na bansa. Naging

ahente dito ni Mando si Helen sa bentahan ng alahas, habang dito rin niya natagpuan si Dolly at naging kasintahan. Nang una sa pagpunta niya sa Amerika, naging nakamamangha ang mga nakita niyang progreso ng pinakamalakas at pinakaasensadong bansa sa mundo ngunit nang kalaunan ay nakita rin niya ang masamang panig nito kahit na nasa demokratikong pamamahala ang gobyerno: ito ay ang diskriminasyon sa lahing dekolor, kaiba sa mga puti nilang kulay, pagkat ang mga de-kolor ay limitado lang ang mga nagagamit at nararanasan maging gaano man kalaki ang naitulong nila sa sariling bansa. Nang makabalik si Mando sa Pilipinas ay dala na niya ang sapat na salapi para maituloy ang tripleng kanyang ninanais na magawang sangay ng Kampilan: ang radyo, ang telebisyon at ang bagong imprenta ng pahayagan. Lalong umigting ang mga unyon hindi lamang ng mga magsasaka sa Hacienda Montero kundi pati mga obrero sa mga lungsod. Ipinakiusap ni Don Segundo sa anak na si Dolly na naway makausap nito ng personal ang napupusuhan ng kanyang dalaga, sa layunin magamit ang matatag na tiwala ng tao sa Kampilan upang mapabuti ang kanilang mga reputasyon at negosyo ngunit di sumang-ayon si Mando at sa pagkakataong itoy isiniwalat na niya ang totoong Mando, na walang iba kundi si Andoy, na kanilang naging katulong at pinagmaltratuhan noon at ngayoy isa nang mayamang lalaki na nagpatibok ng puso ni Dolly at kumakalaban sa kanyang ama. Pagkaraan ng ilang araw, may mga nagbantang patayin si Mando ngunit dahil sa pagiging gerilya nitoy nakaiwas sa tiyak na kamatayan. Dalawa sa tatlong suspek ang nabuhay at kumanta kung sino ang mga salarin habang si Mandoy may dalawang sugat sa tadyang at balikat dulot ng tama ng bala. Nagsilikas ang mga kilalang masasamang elemento upang magpalamig mula sa init ng sitwasyon ng Maynila tulad nila Heneral Bayoneta, Senador Botin atbp. Nagkaroon ng sunog sa Hacienda Montero at ang itinurong mga may sala ay mga magsasaka at naglagay ang mga civilian guards ng mga baril at ibang dokumento sa mga bahay-bahay upang mapalabas na may binabalak na masama ang mga magsasaka kayat pinaghuhuli sila. Matapos na mabugbog si Pastor sa kulungan nang ayaw niyang amining totoong may mga armas sa kanilang bahay, isinunod naman si Mang Tumas at isa pang magsasaka na ang kinahantungan ay kamatayan nila at ang pagliyab ng damdamin ng mga magsasaka na pinamunuan ni Danoy kasama ang mga taonglabas upang maghiganti at makuha ang Hacienda Montero, na dapat ay sa kanila mapunta. Dahil sa mga pangyayari na kaguluhan, ang army ay nagbigay ng report sa mga maaaring mangyari kapag natuloy ang mga pag-aalsa at marahas na gawain ng mga magsasaka kaya naipatawag ng Presidente sina Mando, Senador Maliwanag at Dr. Sabio upang mahingan ng opinyon ngunit sa huli ay nagdesisyon pa rin sa sarili niyang pag-iisip pagkat sa mga oras na silay nag-uusap ay

sumugod ang dalawang trak ng civilian guard sa Hacienda at pinagpuputukan ang mga nagmimiting na magsasaka na siyang ikinasawi ni Pastor. Ditoy nakita nila Mando, Danoy at iba pang natira na dapat nang simulan ang pagbabago, ang samasamang pagtuwid sa mga baluktot na prinsipyong kumakatig sa dambuhalang mandaragit na walang habas sa pagsipsip sa dugo ng mga nangangamatay na mga Pilipino sa kanilang hangad ng wastong at pantay na pagtrato sa tao, maging milyonaryo o isa lang obrero. V. Pagsusuri Kabuuan ng Nobela Isinatotoo sa nobelang ito ang mga laman ng dalawa sa mga nakakabigay ng bugso ng nasyonalismo na aklat ni Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang buhay ni Simoun at ang kasaysayan ng kanyang mga alahas. Ditoy pinakita ni Amado V. Hernandez na hindi lamang kathang-isip ang mga pinagsusulat ni Rizal, kundi isang makatotohanang pakikibaka laban sa mapangahas at mapang-abusong mga mayayaman at may kapangyarihan. Dito sa nobelang ito ay tinalakay ang mga nararapat na mapaglaanan ng malalaking kayamanan, sa pagtulong sa mahihirap at sa pagsasaad ng katotohanang walang bahid ng madungis na kamay ng makakapangyarihan na ginagamit nila sa pagpapaganda ng kanilang mga pangalan, habang silay nananatili at gumagrabe sa kadiliman ng kasalanan at pagpapayaman. Iyan ay pinakita ni Mando at Tata Matyas sa tamang pagwaldas ng sangkatutak na alahas at brilyante ni Simoun sa pahayagan, telebisyon at radyo ng Kampilan, sa pagpondo sa union ng obrero at magsasaka, at sa paglalagak ng ilan dito sa mga bangko at negosyong mapagkakatiwalaan. Nabanggit dito na ang mga bayani natin ay hindi sadyang mga bayani sa kanilang mga sarili kundi kinailangan lamang ng panahon kayat silay natawag na ganoon. Tulad ni Rizal, na kung hindi lang sana siya piata sa Bagumbayan ng mga Kastila, sana ay si Andres Bonifacio ngayon ang siya nating pambansang bayani. Kayat sa tamang panahon lamang nakikilala ang mga dakila, ang mga bayani pagkat kung hindi nangangailangan ang tao ng simbolong siyang tutularan ay wala ring maghahanap ng mga kagaya nila bilang siyang sandigan sa mga kilusang makabayan. Likas sa isang tao na saka lang kumikilos pa gang mga pasakit na nadaranas ay di na matiis pa, diyan lumalabas ang bugso ng damdamin upang gumawa ng isang simulaing susundin at isasakatuparan hanggang sa itoy maglaho sa puso ng tao. Iyan ang bagay na ipinapasa ni Amado V. Hernandez sa katapusan

ng nobelang Mga Ibong Mandaragit, kung saan ang mga natira sa bawat pangkat; si Danoy para sa mga magsasaka, si Rubio para sa mga obrero sa lungsod, si Dr. Sabio para sa mga intelektwal, si Senador Maliwanag para sa mga mambabatas, at si Mando para sa isang tipikal na Pilipinong nakaranas ng sakit, pighati at pangaari ngunit matalino, may kinabukasan at marunong lumaban. Sila ang kumakatawan sa bawat Pilipino, maging bata man o matanda, mahirap man o mayaman, na siyang makapagdidikta sa sariling kinabukasan, kung ipagpapatuloy ba natin ang pakikibaka para sa katotohanan at katarungan o makikiayon sa agos ng kadiliman at kabuknutan ng isip ng sugabang mga tao? Iyan ay desisyong nakahatol sa ating mga kamay, tumayo ka Pilipino! Mga Aspekto sa Lipunan na Kinontra a. Mapurol na Pag-iisip b. Bawal na Pag-Ibig sa Pinsan c. Pera ang Nagdudulot ng Kasamaan Diwang Namamayagpag Ang tatlong namamayaning diwa sa nobela ay nasyonalismo, paghangad ng katarungan at kapangyarihan ng katotohanan. Ang nasyonalismo ng bawat Pilipino sa panahon ng giyera ay nasubukan. Ilan ang pumiling lumaban sa mananakop, ilan din ang sumama sa kasalukuyang mananakop sa katwirang mas mabuti raw ang maihahatid sa atin kaysa sa nauna rito, habang ang ibay hindi rin naman namili at hinintay lang silang dumating sa bansa at inabuso ang mga pagkakataon upang busugin ang sarili sa mga luho at kayamanan habang tinatapakan ang kanilang kapwa. Ang mga gerilya ay nagsilbi sa bayan, handang magbuwis ng buhay para sa kasarinlan nito mula sa mananakop at nangangarap na sa paghihirap nilang mamundok ay mabago ang sistemang iniikutan ng mga gagambang naghihintay lang ng makakain at hindi na naghihirap pa para sa sarili. Sa siklab ng nasyonalismo at patriyotismo ng mga tao, nagawa nilang bumuo ng pwersang nakatumba sa mataas na haligi ng mga mananakop ngunit may tulong pa rin ng isang bansang nagsasabing ang katiwasayan natin ang siyang hangad nila. Sa mundo at pananaw naman ng mga Makapili, hindi pagtraydor ang paghanay sa bandila ng ibang bansa kung ito namay mas lalong makabubuti sa kalagayan ng bansa dahil sa maihahatid nitong mga tulong kung sakaling manatili sa pugad nitong mga bansang maaaring magsalba sa atin mula sa karalitaan.

Ang mga mandaragit sa lipunan na umaasa sa mga nangangamatay na katawan ng mga naghihikaos at nagpapakahirap sa paggawa na mga karaniwang mamamayan. Pawis, panahon at dugo ang pinuhunan ng mga mga manggagawa ngunit sa huliy wala pa ring pagbabago sa sarili nilang mga buhay pagkat ang dapat na pinapantustos nila sa sariling kayarian ay sinisipsip na parang dugo ng mga abusadong tao at siyang lubos na ikinabubusog ng mga ito. Sa di makatarungang pagtrato ng malalaking tao sa kanilang mga manggagawa ang siyang nakapagbubuklod sa samot saring mga maralita upang tumayo bilang iisang katauhang handing magtumba sa mga nagtataasang pader sa gobyerno sa kagustuhan maramdaman rin ang pag-unlad na nararanasan ng mga mayayaman. Ang Kampilan ang naging simbolo ng katotohan walang bahid ng panunuhol, ng maskara at higit sa lahat, ay ang pamimili sa mga dapat lang na mailabas sa mga pahayagan at malaman ng publiko. Sa paglabas ng katotohanan, marami ang natitinag, nasisira, at natatakot kung silay nagtatago ng mga malalagim na kasamaan sa budhi, sa gawain at sa pag-iisip. Ngunit ito namay kalugod-lugod sa banda ng mga taong umaasa sa paglabas ng katotohanan sa mga balitang hinahangad nilang maging sandigan sa pagbuo ng matatag na samahang demokratitko at pantay-pantay na pagtingin sa bawat tao. Kung pagsasama-samahin ang tatlong diwa ng aklat ay mabubuo ang mga elementong nagbibigay lakas at sandigan ng taong-bayan sa pagsupil sa mga ibong mandaragit na namumugaran sa matataas na mga punongkahoy kung saan sila pinakamadaling nakakahanap ng pagkain sa ibaba ng kanilang mga pwesto, isang analohiyang nababagay sa mga taong nagsisipag-agawan sa matataas na pwesto ng gobyerno upang dooy makapagpasasa sa kayamanang dapat sanay natatamasa ng taong-bayan pagkat sila rin naman ang siyang nagbabayad ng buwis at nagpapasweldo sa mga nasa pwesto. Iyan ang tirador na nagpupukol sa mga dambuhalang bato sa mga naglipanang buwitreng mandaragit sa lipunan, na siyang pumapatay sa mga naghihikahos maging kapanalig, kalahi o kamag-anak bastat mapakinabangan, upang silay mabawasan at mawala sa landas ng pag-unlad din ng masa.

VI.

VII.

Gintong Butil sa Nobela a. Maliit man ang langgam Marunong namang lumaban b. May nakalaang panahon para sa bawat pangyayari, ngunit nasa atin ang desisyon upang baguhin ito c. Walang kasamaang hindi pinagbabayaran d. Katotohanan ang pinakamabisang armas ng mamamayan e. Likas sa taong piliin ang pinakamagandang kinabukasan na nakalaan sa hinaharap f. Hindi nakukuha ang pagmamahal sa mga simpleng sarap at ligaya na matutunghayan sa katawan ng tao Reaksyon Ang Mga Ibong Mandaragit na likha ni Amado V. Hernandez ay isang nobelang naglalaman ng napakaraming ideya tungkol sa buhay ng mga mamamayang Pilipino lalong lalo na sa mga salat, naghihikahos o mga nakakawawa sa lipunan ngayon at noon ng ating bansa. Sa unang tingin ay mapapaisip ka kung kailangan ba itong basahin ng mga estudyante. Maraming mga magulang ang tumututol sa pagpapabasa ng librong ito sa mga estudyante. Nagkaroon pa nga ng mga debate kung nararapat ba itong mabasa ng mga kabataan. Ito ay sapagkat may mga pangyayari sa librong ito na hindi masyadong kaayaaya malaman tulad na lamang ng pagtaga ni Martin kay Mando at pagkamatay ni Martin sa pamamagitan ng kamao ni Mando. Hindi ba ito makakasama sa mga mag-aaral? Ayon sa aming sariling pagkukuro-kuro ay hindi naman ito makasasama sa mga batang estudyanteng babasa nito. Hindi maitatangging may mga nasulat ditong mga bagay na marahas at hindi masyadong kaayaaya ngunit hindi naman sa karahasan umiikot ang mahabang salaysaying ito. Ang karahasan na mababasa sa kuwento ay nagpapakita lamang ng katotohanan sa buhay- ang katotohanan na hindi lahat ng tao ay nasa itaas at mahirap mamuhay sa mundong ito. Pinapakita nito ang ideyang kapag gumawa ka ng masama o naghangad ka ng masama ay babalik ito sa iyo. Maraming katotohanan ang makikita sa librong ito. Katulad na lamang ng pagkapit ng mga taong naghahangad ng kapangyarihan at yaman sa mga nakatataas. Makikita ang ideyang ito sa mga ginawa ni Don Segundo sa kuwento. Makikita rin sa nobelang ito na kahit maliit ay may laban pa rin. Si Mando ay isa sa mga patunay na ang mga maliit ay dapat hindi dapat minamaliit. Matatanto rin sa nobelang ito na ang kayamanan ay pinaghihirapan. Sa kuwentoy namatay pa si Karyo para lamang makamit nila Mando ang hinahanap nilang yaman.

Sa tingin koy hindi makasasama ang librong ito dahil hindi naman masamang mamulat sa katotohan, hindi ba? Mapapansin na sa pamamagitan ng nobelang ito, napakita na mahalaga ang kalayaan ng pamamahayag, paglaban para sa katarungan, pagtanggol sa mga nangagailangan, pagmamahal sa Inang Bayan at pag-angat ng ating lipunan. Para sa amin ay naisakatuparan ng may-akda ang hangarin nitong mailahad at maihayag ang tunay na katayuan ng pamumuhay at kabuhayan ng mga mamayang Pilipino noong mga panahong sinasakop pa ang ating Inang Bayan. Sa pamamagitan ng mahabang salaysaying ito, nagawa ni Amado V. Hernandez na ipakita ang pangangailangan ng pagbabago. Makikita rito sa salaysaying ito na mahalagang maiangat ang kalagayan ng lipunan. Nasasalamin sa librong ito ang ideyang dapat ng kumilos ang mga Pilipino. Ang librong ito ay isang magandang babasahin.

You might also like