You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Sibika at Kultura Unang Baitang I. Layunin Naipapakita ang paggalang sa pambansang watawat. II.

Paksang Aralin Ang watawat watawat ng Pilipinas (pambansang sagisag). Pagpapahalagang Isasanib: Katapatan, pagkamagalang, at pagkamakabansa Kagamitan: Plaskard, papel na may ibat ibang kulay, kahon III. Pamamaraan

A. Pambungad na Gawain Gawain ng Guro Dril 1. Magpakita ng mga larawan ng ibat ibang pambansang sagisag ng ating bansa. 2. Tanungin ang mga bata kung anong pambansang sagisag ang ipinakikita. Pambansang ibon (Agila) Pambansang bulaklak (Sampaguita) Pambansang prutas (Mangga) Pambansang hayop (Kalabaw) Pambansang isda (Bangus) Pambansang bayani (Dr. Jose Rizal) Pambansang kasuotan ng babae at lalaki (barot saya at barong) Gawain ng Mag-aaral

B. Panlinang na Gawain 1. Pagpapakita ng papel na may ibat ibang kulay. Bughaw, pula, dilaw at puti.

Anong bagay ang nakikita ninyo sa paaralan na may ganitong kulay? 2. Paglalarawan ng watawat bughaw, pula, dilaw at puti.

Watawat

Bughaw ay sumisimbolo ng kapayapaan Pula ay sumisimbolo ng katapangan o kagitingan Puti ay sumisimbolo ng kalinisan Dilaw na araw na may 8 sinag ay sumisimbolo sa 8 probinsiya na nag-alsa sa kastila. Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna at Batangas. Dilaw na 3 bituin ay sumisimbolo sa 3 pangunahing pulo ng ating bansa. Luzon, Visayas at Mindanao. Ang bawat bata ay kukuha ng papel na may katanungan. Ito ay kanilang ilalahad sa klase.

3. Ang guro ay magpapakita ng kahon. Ang kahon ay may laman na mga katanungan na siyang ipapakita o ilalahad ng mga mag-aaral. Mga tanong: 1. Ano ang ginagagawa nating kapag ang watawat ay itinataas o ibinababa? 2. Anong gagawin ninyo kapag ang watawat ay sira o punit?

Hihinto sa kinatatayuan at tatayo ng matuwid. Tatahiin o aayusin. Maaari din pong palitan. Patriyanggulo (Ipapakita sa klase ang tamang pagtiklop ng watawat.) Hihinto, tatayo ng matuwid, ilagay ang kanang kamay sa dibdib, haharap kung nasaan ang watawat at sumabay sa pag-awit.

3. Paano ang tamang pagtiklop ng ating watawat? 4. Ano ang gagawin ninyo kapag narinig ninyo ang pambansang awit habang itinataas?

5. Ano ang ibig sabihin kapag ang watawat ay nakahalf-mass?

Maaaring may namatay na mahalagang tao na nagsisilbi sa ating bansa.

C. Pangwakas na Gawain 1. Pagpapakita ng ibat- ibang paraan ng paggalang sa watawat ng Pilipinas. 2. Pag-awit ng Pambansang awit ng Pilipinas. 3. Ano ang inyong natutunan sa ating leksyon ngayon? 4. Magbigay ng halimbawa IV. Ebalwasyon Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa watawat. Lagyan naman ng ekis (x) kung ito ay hindi nagpapakita ng paggalang sa watawat. Ilagay ang inyong sagot sa patlang. _______1. Lumakad ng mabilis kapag nakitang itinataas ang watawat. _______2. Huminto panandalian at tumayo ng matuwid kapag itinataas ang watawat habang inaawit ang pambansang awit. _______3. Makipag-usap sa kaklase habang itinataas o ibinababa ang watawat. X _______4. Hayaang mabasa ang watawat kahit na umuulan. / _______5. Tahiin o ayusin ang watawat kung ito ay punit o sira. / X X Ang bawat bata na napili ay bibigyan ng sobre. Ilalahad sa klase ang nilalaman ng sobre. Aawit ang mga bata. Kung paano nating igagalang ang ating watawat. Kapag nakitang itinataas ang watawat ay hihinto panandalian. (Ipapakita ng bata sa klase)

V. Kasunduan o Takda Gumupit ng mga larawan sa magasin na nagpapakita ng paggalang sa watawat.

Mga bugtong.. . Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana ngunit walang bubungan, may pinto ngunit walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket

22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya 23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: kamiseta 24. Butot balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Sagot: ballpen o Pluma 26. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas Mga salawikain Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kapag ang tao'y matipid, maraming maililigpit. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao. Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda. Pag di ukol, ay di bubukol. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa. Daig ng maagap ang taong masipag. Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain. PABULA
Mga halimbawa ng Pabula at mga Pabulang Tagalog: Ang Kabayo at ang Kalabaw (The Horse and the Carabao) Ang Kabayo at ang Mangangalakal (The Horse and the Businessman) Ang Palaka at ang Kalabaw (The Frog and the Carabao) Ang Lobo at ang Ubas (The Wolf and the Grapes) Ang daga at ang leon (The Mouse and the Lion)

PARABULA
Ang Parabula ng Nawalang Anak (Parable of the Prodigal Son) Ang Parabula ng Pariseo at ang kolektor ng buwis Ang Parabula ng Gutom na Utak
Dear Readers, Ito ang Tagalog version. Para sa English, pumunta sa Parable of the Hungry Mind. May isang propesor na nakipagkita sa isang Ginagalang na Pinunong Zen. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng Zen. Ang Pinuno ay matahimik na nagbbuhos ng tsaa sa isang tasa. Puno na ang tasa subali't patuloy pa rin ang kaniyang pagbuhos. Ang propesor ay hindi nakatiis at tinanong kung bakit patuloy pa rin ang kaniyang pagbuhos kahit puno na ang tasa. "Ibig kong ipakita saiyo," sagot ng inunong Zen," na katulad din yan nang iyong nasang maunawaan kung anong ibig sabihin ng Zen habang ang iyong utak ay puno". Kailangang alisin mo muna ang iyong pinaniwalaan tungkol sa Zen bago mo unawain kung ano talaga ang Zen."

You might also like