P. 1
Komedya o Moro-moro

Komedya o Moro-moro

5.0

|Views: 35,762|Likes:

More info:

Published by: Markhill Veran Tiosan on Jul 19, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/11/2015

pdf

text

original

komedya o moro-moro

Ang komedya o moro-moro sarong drama sa pormang berso na nagpapahiling kan buhay-buhay, pagkamoot, asin ralabanan kan mga Moro asin Kristiano. Gikan ini sa Kastilang comedia na lakop kan Ika-16 gatos na taon. Ang moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ngmoro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog. Ang Komedya ay isang dulang patalata (karaniwang binubuo ng octosyllabic o dodecasyllabic na quatrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang ipagdiwang ang pyesta ng patron ng baryo. Ito ay nagmula sa comedia ng Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang lokal na komedya ay unang lumabas sa Latin at Espanyol sa Cebu noong 1598.

Uri ng komedya
Sa kasalukuyan, mahahati ang komedya sa dalawang uri. Una, ay ang komedya de santo, na sumesentro sa buhay ng mga santo, tulad ngComedia de San Miguel sa lungsod ng Iligan; o kaya naman ay tungkol sa mga himalang dala ng mga santo tulad ng Haybing sa Taal,Batangas; at tungkol sa mga yugto ng buhay ng mga santo tulad ni Kristo sa comedia de misterio ng Paete, Laguna. Ang ikalawang naman ay ang mas sekular na uri ng komedya na tinatawag na kumidya, moro-moro, linambay, colloquio, araquio, tibag at minoros. Ang uring ito ay tungkol sa mga labanan ng mga kaharian ng Kristiyano sa Europa tulad ng Pransya, Espanya, Italya, Alemanya, atbp; o sa buhay at pag-ibig ng mga dakilang Muslim at Kristiyanong karakter tulad ng Don Alejandre y Don Luis at Orosman at Zafira.

Tema o Paksa
Ang komedya de santo ay maaaring humalaw ng mga istorya mula sa awit at korido na nagsasalaysay ng buhay ng mga santo, o mula sa mga talambuhay ng mga santo na pinasikat ng mga libro o ng mga sermon, o kaya naman ay mula sa mga kwentong himala na sinasabing dulot ng mga santo. Sa kabilang banda, ang ibang mga komedya ay kumukuha karamihan ng mga istorya, karakter at mga linya mula sa mga awit at korido mula sa mga medieval na kaharian, na inilimbag bilang libritos (pamphlets).

Sa mga dekada pagkatapos ng WWII, ang komedya ay nagsimulang maimpluwensiyahan maging ng mga palabas sa sine at mga tanyag na magasin.

Mga Tauhan
Mga Kristyano
Ang mga tauhan ng komedya na nabibilang sa kaharian ng mga Kristiyano, tulad ng Espanya, Portugal, Alemanya, Italya, Pransiya at Albania ay ang: rey (hari), reina (reyna), prinsesa, prinsipe, consejero, general at soldado o sundalo.

Mga Moro
Ang mga tauhan naman na nabibilang sa kaharian ng mga Moro ay ang: sultan, visir, emir, prinsesa, general at soldado. Ang iba pang mga tauhan ay ang pusong o locayo na nagpapatawa sa mga manonood, ang villanos o ang mga taga-nayon, pastores o ang mga pastol, at ang gigante o higante.

Pananamit
Ang kasuotan sa komedya ay karaniwang gawa sa mga mamahaling materyales tulad ng velvet at satin. Ito rin ay napapalamutian ng mga burda, sequins, aboloryo, balahibo at pakpak ng ibon. Ang gayak ng bawat tauhan ay nakatutulong upang mailabas ang ideyolohokal na mensahe ng komedya. Kung kaya, ang mga Kristiyano ay kadalasang nakasuot ng itim o ng mga mapapanglaw na kulay tulad ng berde at asul, habang ang mga Moro naman ay nakadamit ng pula o kahel. Ang bawat tauhan din ay may bukod-tanging kasuotan. Tulad ng hari, siya lamang ang nagsusuot ng mahabang kapa at korona; ang reyna naman ay may kapa rin at tiara; ang prinsipe ay may isang maliit na kapa at sumbrero na may tatlong sulok na tinatawag na trespiscos; ang mga sundalo naman ay may mga malilit na kapa at maliliit na sumbrero.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->