Professional Documents
Culture Documents
Sinaunang Panahon
Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan.
Panahon ng Kastila
Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-arawaraw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal.
1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag).
2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala na nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma ng panulaang Tagalog. 3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit.
4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino noong panahong iyon.
5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat ni Pinpin. 6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit.
7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad.
8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog.
MGA AKDANG PATULA 1. Bugtong 2. Sabi o Kasabihan 3. Salawikain 4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan 5. Pasyon 6. Awit at Korido
MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN 1. Karagatan 2. Duplo 3. Dalit 4. Juego de Prenda 5. Panubong o Pamutong
Panahon ng Propaganda
Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunudsunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito
nailalahad nila ang kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan.
Panahon ng Himagsikan
Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano.
Panahon ng Amerikano
Ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nailimbag nang panahong ito ay binigyan ng layang magpahayag ng tunay na pangyayari hinggil sa iba't ibang paksa at nagkaroon sila ng pagkakataong makabasa ng iba't ibang uri ng aklat na gumising pang lalo sa nag-aalab na nilang Damdaming Makabayan. Ano mang uri ng akda ang nailabas ng panahong iyon , ang damdaming makabayan ay di nawawala bagkus ay mahigpit na binigyan ng tuon. Kung minsan ito'y hinaing tungkol sa kaapihang dinanas ng Inang Bayan, o kaya'y pagpupuri sa mga katangian ng Inang Pilipinas o kaya nama'y pagpapahayag ng mga mithiin tungkol sa pagiging bansang Malaya ng Pilipinas. Masasabi kung ganoon na ang naging kalakaran sa panitikan sa panahong ito ay nasyonalismo, karanasan, at kalayaan sa pagpapahayag. Sa panahon ng bagong mananakop, ang mga Pilipinong may likas na hilig sa pagtula ay lalo pang nahilig sa pagsusulat. At masasabing ito'y bunga rin ng pagkakaroon ng lingguhang babasahin na naging daan upang malathala ang kanilang mga akda. Humabi ng tula sa lahat halos ng larangan tulad ng liriko, pandulaan, pasalaysay at pangkalikasan. MGA URI NG TULA 1. Tulang pangkalikasan
2. Tulang pandamdamin/Liriko a. Soneto b. Elehiya 3. Tulang Pasalaysay 4. Tulang Pandulaan a. Balagtasan b. Batutian c. Pagpuputong
Panahon ng Hapones
Ang Pilipinas ay sinakop ng nga Hapones noong 1941 hanggang 1945. Nabalam ang umuunlad nang pantikang Pilipino sa dahilang ipinapinid ng mga Hapones ang mga pahayagan at dahil dito'y pansamantalng nahinto sa pagsulat ang mga manunulat lalo pa't ang lingguhang Liwayway ay nalagay sa mahigpit na pagmamatyag. Dahil sa ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gaya ng Tribune at Free Press, ang mga manunulat sa Ingles ay nagsisulat sa Filipino. Marami ang nagsalin ng mga akda sa Ingles sa Filipino. Kapansin-pansin sa mga akda ang paksaing tulad ng pag-ibig sa bayan, kagandahan ng buhay sa lalawigan, relasyon ng mga magulang sa anak at ang pagmamahal sa kapwa. Sinasabing ang paksa ng iba't ibang sangay ng panitikan ay Pilipinong-pilipino sa diwa at sa buhay. Binigyang-diin ang katutubong kulay. May pumapaksa rin sa pamumuhay na dinaranas ng mga tao sa lungsod: ng kasalatan ng pagkain, damit, hanapbuhay, paglalakbay at pakikisama sa kapwa. Tumpak na tawaging panahon ng Pamumulaklak ng Panitikang Tagalog ang panahon ng Hapon. Isang sangay ng panitikang Pilipino na naapektuhan ng kahirapan ng papel noong panahon ng Hapon ay ang tula. Dahil sa kakapusan ng papel, lumabas sa panahong ito ang napakaiksing tulang ito na tinatawag na "haikku" isang tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig tulad ng unang taludtod. Isa pang uri ng tulang lumabas noon ay ang "tanaga" na binubuo ng apat na taludtod na may pitong pantig ang bawat isang taludtod.
KATANGIAN NG TULA
1. Maikli 2. Namayani ang mga tulang may malayang taludturan; walang sukat at kadalasa'y walang tugma. 3. Marami ang gumagad sa haiku. 4. Nagtataglay ng talinghaga.
URI NG TULA 1. Karaniwang anyo 2. Malayang taludturan na ang pinakamarami ay haikku 3. Tanaga
"Sa ikauunlad ng bayan Disiplina ang kailangan" "Ang pagsunod sa magulang Tanda ng anak na magalang"
Ang mga kabataang manunulat na nagpakita ng kapusukan sa panunuligsa sa kabulukang nagaganap sa pamahalaan sa panahon ng aktibismo ay tumigil sa pagsusulat ng mga tulang mapanuligsa at nakiramdam na lamang sa mga nagaganap sa kanilang paligid, naghihintay sa mga pagbabagong maidudulot ng mga bagong proyektong inilulunsad ng pamahalaan. Ang mga nagsisulat ng tula sa panahong ito ay nagkaroon ng isang layunin - ang maging bahagi ng isang katipunan ang kanilang mga sinulat o kaya ay maisali sa mga timpalak tulad ng Gantimpalang Palanca, Republic Cultural heritage Award, Patnubay ng Kalinangan Award at iba pa.
Gawain Sa Filipino
Isinumite ni: Jessica Rose V. Pineda II-Sapphire