P. 1
Si Nena at si Neneng

Si Nena at si Neneng

5.0

|Views: 4,404|Likes:
Published by fragilewindows
Tagalog fiction by Hernandez-Peña, Valeriano
Tagalog fiction by Hernandez-Peña, Valeriano

More info:

Published by: fragilewindows on Jul 25, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/10/2013

pdf

text

original

Title: Si Nena at si Neneng Original Author: Hernandez-peña, Valeriano Original date of document: 1913 Original place of publication

: Maynila: Limbagan Ng La Vanguardia At Taliba, C1905 Publisher: Limbagan Ng La Vanguardia At Taliba Period: American Occupation Category: Culture Language: Filipino/Tagalog Textual Physical Form: Book Physical description: 284p.; 19cm.

Kabanata I: Bakit ka ba umiiyak?
Ang magandang pagsasama ay isang mahalagang bagay na dapat kagawian ng puso ng tao, pagka't siyang lubos na nakapagtuturo sa atin ng balabalaking katunayan ng isang maayos at wastong pakikiugali sa bayang kahapis-hapis; datapuwa't mahigpit na kailangan ang pamimiling kakaibiganin at paglalagakan ng loob: unang una'y ang mangakaaakit sa gawang magaling, may bait na inimpok at marunong kumilala at umibig sa Dios na Lumikha ng lahat ng bagay, at ang pangalawa'y marunong magkuro sa ano mang gagawin, pagka't kung ang tao'y nag-wawari wari muna bago gumawa ng anoman, ay tila baga ipinapatnugot sa mayamang landas at di karakarakang mahihidua, ngunit ang mapupusok na kalooban ay lubhang malapit sa pagkapangyaya, at kung naroon na'y sukat ang magsisi. Ayon sa mga katuwirang ito na sadyang dapat gawin ng tao sa pakikipagibigan, ay dinalisya ang dalawang binibining tutuligsain natin sa kasaysayang ito, at sa kanilang pagsasama'y nanagkahulihan ng loob na parang hinirang ng isa't isa ang pagkakaayos ng kanilang mga ugali upang magsama hangang kamatayan. Si Nena ang pangalan ng isa at si Neneng naman ang pangalawa, na buhat pa sa bagong pagpasok ng mga musmos nilang isip sa malayang mundo, ay sinimulan ang pagkikilala hangang sa nagibigang tulad sa tunay na magkapatid. Kawili-wiling pagmasdan ang masarap nilang pagsasama, at kung naaging lalaki ang alin man sa dalawang ito, ay kahinahinayang na di ipakasal, pagka't ang pagkakayos ng kanilang ugali, ay mahigpit pa halos sa isang mag-asawang nagmamahalan. Sila'y kapuwa maganda, kapuwa may bait at kapuwa naman maagang naulila sa gitna ng mundo. Kay Nena ay isang alilang kumakalinga buhat sa musmos na maulila sa mga magulang, at kay Neneng naman ay isang kapatid na lalaki ang umaaruga na may asawa na bago siya tumuntung sa kadalagahan. Kapuwa mananahi ang kanilang hanap-buhay na ipinagtatawid panahon, ipinakikipagkapuwa tao at isinusunod sa mahinhing pakikibagay sa iba. Palibhasa'y masipag kapuwa at may mga bait na inimpok, tangi sa matatamis nilang mukha na dapat kalugdan, ay maraming binata

ang nagsisipangibig, ngunit sa malaking alang-alang, ay di makapagsadya sa kanilang mga bahay. Tuwing umaga'y dinaraanan ni Nena si Neneng at magkasabay silang nanasok sa iisang bahay tahian, at gayon din naman sa hapon na kung makatapus ay dinaghihiwalay ng paglakad kung umuwi. Isang umaga'y napansin ni Neneng na si Nena'y malungkot dahil sa halos nanginginig na boses ng pagtawag dahil ng kanilang bintana, at nang kaniyang dungawin ay noon nakitang nagsisipamakas pa ang mga luhang bagong kapapahid lamang, kaya't sa pagkamangha ni Neneng ay biglang nabigkas: ―Bakit Nena? Ano ang nangyari sa iyo? Manhik ka nga.

―Huwag na, ang tugon ni Nena, at ang dugtong na tanong:―Hindi ka ba papasok? ―Bakit hindi, manhik ka muna at ako'y magbibihis lamang sandali. ―Madali ka sana at nang hindi tayo tanghaliin. Nagbihis na dalidali si Neneng, at si Nena naman samantala'y lumapit sa mga halamang kinakalinga ng kaniyang kaibigan at parang inaaliw ang loob na di magkasundo sa pagdadalamhati noon, at pagdaka'y pinitas ang isang alejandriang bagong namukadkad, at ang wika sa sarili. ―Ito'y kaniyang tapat ng ipamalay ibibigay ko kay Miguel at maging libang man lamang ng loob―Kasabay na inangat ang kamison at inihulog sa dibdib ang pinitas na bulaklak na waring hindi ibig sa kaibigan.

Nanaog si Neneng na walang ano mang napansin kay Nena at sila'y mahinay na nagsilakad na anaki'y may mga bagay na dinadala kapuwa sa loob. si Nena, ay nagdadalamhati at si Neneng nama'y naninimbang sa pag-uusisa at baka lalong ipagdamdam ang kaniyang sasabihin; datapuwa't sa katamisan ng kanilang mga pagpapakitaang loob ay di nakatiis at tumanong: ―Bakit ka ba umiiyak? ―Walang anoman.

―May malaking dahilan iyan na di mo lamang ibig ipahayag sa akin; sabihin mo at nang ako'y huwag nagaalaala ngayon. ―Walang anoman, huwag kang mag-aalaala.

―Sabihin mo na sana; pag hindi mo sinabi, ay hangang ngayon na lamang tayo magsasama, at huwag mo na naman akong daanan sa amin kailan man. Nang anyong magsasalita si Nena ay siyang paglapit ng isang binatang butihin at bumating boong katuwaan sa kanilang dalawa. si Nena'y napangiti sa bating ito at si Neneng nama'y umi rap na binawiang kaniyang mga mata sa binata, ano pa't tunay na magkaiba ang kanilang ipinamasid noon, kaya't ang binatang ito'y napilitang magparingig: ―Si aleng Neneng, at waring nagdadalang poot sa akin at ilang araw nang napapansin ko. ―Pshe! Ang papiksing sagot ni Neneng, at napaunang lumakad na naiwan ang dalawa, ngunit nang malayo ng sa kanila'y dinukot ni Nena ang bulaklak at lihim na iniabot kay Miguel; datapuwa't laking kasawiang palad, samang pagkakataon at parang itinipan sa pag-aabutan nilang dalawa ang paglingon ni Neneng na nasa unahan, kaya't lalo nang nagngalit sa kaniyang sarili at ang wika ―may araw ring magkakaliwanagan tayo,‖ samantalang ang dalawa'y kapuwa nagitla sa gayong paglingon ni Neneng. ―Natanaw tayo, ang wika ni Miguel. ―Makupad ka kasi eh; kundangan ka'y hindi mo pa agad inabot ah. ―Paano'y tinatanaw ko muna at baka nga lumingon. ―Umalis ka na at bukas ng umaga ay saka na tayo mag-usap. ―Mag-usap!...paanong pag-uusap natin ay sa hindi kayo nagkakahiwalay?

―Huwag kang mag-alaala; bukas ay hindi ko na siya daraanan, maaga akong papasok, at doon sa tapat ng simbahan mo ako hintayin; paroon ka na, at ako'y hinihintay niya ngayon. Sa ganitong pilit ni Nena at malubay na napahinuhod si Miguel at nakangiting napala: ―Adios Nena. ―Adios Miguel, ang pabaong salita ni Nena, at sumunod na hinabol ang naghihinanakit na kaibigan, ngunit nang mag-abot sila'y bahagya nang sumagot sa tawag ng humahabol, dahil sa malaking tao, para pa kayong nagpaparangalan ah. ―How! Ikaw naman ang maraming parunggit, paanong gagawin ko ay sa hindi makapanhik sa amin. ―Siya nga! Magtanan kayo, ang pasaring ni Neneng at lumayong nagtatampo kay Nena, ngunit lalo nang naululan ang lungkot nito, at hangang dumating sila sa tahian ay waring nagkakaalanganang palagi: ang isa'y sa malaking paghihinampo at ang isa'y sa malaking pagkahabag kay Miguel na tunay niyang iniirog. Natapos ang maghapon at magkasama rin silang umuwi na gaya ng dati; ngunit di nagpapahalata si Nena ng kayang itinipang, kaya't walang agam-agam si Neneng sa anomang mangyayari.

Kabanata II: Kangina ka pa ba?
Halos bago pang namimitak ang araw sa Silanganan nang kinabukasang sumunod, ay gulong-gulo na si Miguel sa paggayak dahil sa tipanang pagkikita nila ni Nene at ito nama'y gayon din, na pagkamulat ng mga mata'y nagluto ng cafe, at samantalang hinihintay ang pagkulo ng tubig, ay sinamantala ang paghihilamos sa kailan ma'y hindi maliligtaan sa tuwing umaga. Mapamayamaya'y nagbihis, hindi na nahintay ang karong nagdadala ng tinapay at nagdalidaling uminom ng cafeng bagong kahahango pa lamang noon, kaya't nagkakangpapaso man sa init ang kaniyang mga labi ay halos hindi pansin at pagkatapus ay dagling nanaog. Ang kaniyang ali, bagama't di pa bumabangon sa banig, ay maluwat ngang nagigising noon, kaya hindi na lihim ang kaniyang pagpanaog, at di na kuhang malayo ay naririnig ang ganitong pangungusap: ―Napakaaga ka naman―at kasabay ang pagdungaw na anaki'y itinaboy ng isang mahigpit na hinala, at ang dugtong na tanong: ―May naghihintay ba sa iyo? Natigilan si Nena at waring nangumot kilay nang pagsagot: ―Ako po'y magsisimba eh! Palibhasa'y isa ring masimbahin ang ali ni Nena, ay biglangbiglang napawi ang bintang sa loob, at ang wika; ―Paroon ka na... ang isip ko'y... Hindi na nahintay ni Nena ang karugtong ng salitang ito at pagdaka'y umalis kaya di nalao'y dumating sa tapat ng simbahang pinag-aabangan sa kaniya ni Miguel. Pagtatama ng kanilang mga mata'y sabay na tumibok ang dalawang puso na nagbatisa mga sandaling yaon.

―Kangina ka pa ba?―ang tanong ni Nena. ―Nauna akong sandali sa iyo, ngunit parang maghapon sa aking pagkainip.

―Sinungaling! ―Tunay, Nena, at ang isip ko'y nalimutan mo ang ating salitaan; ngunit ngayong narito ka na, ay wala na naman akong dapat pang idaing, salamat at binigyan mong kabuluhan ang aking pag-asa. ―Halina – ang wika ni Nena, at noon di'y mahinay silang nagsilakad. ―Ano baga ang loob mo?―ang karugtong na tanong ni Nena. ―Ano ang loob ko?; iya'y di na itinatanong, at dapat mo nang maalamang punongpuno ako nang galak ngayon sa piling mo. ―Salamat! ―Ito'y di mo utang, Nena; kailan ma'y mahalaga ka sa akin. ―Tunay, ngunit katuwaan ko na ang katahimikan ng iyong loob at pagwawalang bahala sa nangyari noong gabi, dahil sa pagkagalit ni nanang.

―Ah! Dahil sa iyo'y titiisin ko ang lahat, at kung mapait man ako sa iyong ali, ay aking ipinagpapaumanhin, huwag lamang sa iyo ako magkulang ay tunay ko nang ligaya. ―Salamat; ngunit di mo batid ang nangyari sa akin nang makaalis ka at hangang kahapon nang umaga na di lamang natin napag-usapan dahilan kay Neneng. ―At ano ang nangyari sa iyo? ―Ay!.. pagkatapus na kagalitan ka noong Lingo, ay binalaan ako ng lihim, at pag-alis mo'y pinakalait-lait ang aking pagkalagay; isinurot ang kaniyang pagpapalaki na parang pinaghihinayangan, at kung ako raw ay hindi masasawata ng pag-ibig sa iyo, ay lumayas na ako at hindi niya kailangan. ―At ano naman ang loob mo tungkol doon? ―Iya'y wala sa akin ang tugon ni Nena,―kung ano ang loob mo, ay siya ko ring kalooban. ―Na paano? ―Ikaw ang umisip nang lalong minamagaling.

―Ikaw ang aking pinaiiyakan. ―Kung hindi mo ako aariin ay putulin ta na ang ating pagkikilala.

―At saan nanggaling ang akalang iyan? ―Sa iyo rin. ―¡Sa akin! bakit? At kailan mo nahalata ang kalamigan ng aking loob? ―¡Ay Miguel! Kung minamahal mo ako ay di matitiis ang mahabang panahong ating pinag-usapan. ―Namamali ka Nena ng palagay sa akin, at ang masasabi ko'y malaking totoo ang iyong pakikinyig sa mga pagpigil ng kaibigan mo, at kaya hindi ko binanggit kailan man ang paglagay natin sa ―estado‖, ay dikita ibig magkaroon ng isusukal ng loob, pagka't kung kasal na tayo ay sapilitan kang malalayo sa kaniya. ―At anong kasiraan noon? ―Ah! Malaking bagay sa iyo si Neneng at ang pagkatotoo'y ipinagtabuyan mo ako kahapon sa paninimdim na magdamdam siya. ―Yao'y isang pagtupad ko lamang sa mabuting pagsasama namin, ngunit hindi dahil doo'y pahihigting ko siya sa iyo, at kung pinalayo man kita kahapon ay ipinamamasid ko lamang na di walang kabuluhan sa akin ang kanyang pagtatampo nang matanawang iabot ko sa iyo ang bulaklak, at nang makilala mo ang aking untiunting paglayo, ay di na ako nagdaan ngayon sa kaniya, kaya huwag mong hinagaping makapipigi siya ng ating lakad; tanungin mo ang loob mo at yari na sa akin ang lahat ng bagay. ―Walang kailangang tanungin ko pa, at ako'y dating lumaan sa ating magandang pagsusunuran. ―Kung tunay ang sinasabi mong iyan, ani Nena, ay humarap tayo sa isang pari.

Natigilan dito si Miguel, at palibhasa'y may marumi siyang puso kay Nena, ay ibig waring maglibanglibangan, at kung mangyayari'y huwag na munang mapag-usapan ang makagigipit sa kaniyang kuhilang nasa nang pagpaparaan ng panahon, datapuwa't ang tapat na loob na si Nena'y tumanong na muli. ―Nabibigatan ka baga sa aking hiling? ―Na ano? ―Na tayo'y humarap sa Pari ―Hindi. ―Ay bakit di ka na sumagot? ―Ako'y nag-iisip kung paano ang mabuting gawin, pagka't ang ibig ko'y dumaan tayong mahusay at huwag sa gayong pagsusukab sa para mong tunay na ina. ―Salamat, kung may ibang paraan, ngunit paano ang gagawin mo ay ayaw sa iyo si nanang? ―Pakapipilitin kong ako'y kagiliwan niya sa pamamagitan ng magandang loob at nang pati ikaw ay huwag maging pangit sa makaalam king pakasal tayong sarili. ―Kung magagawa mo ang gayon ay di lalong magaling.

―Oo, gagawin ko, alang-alang sa pag-ibig mo sa akin, ―Kailan ka paroroon sa bahay? ―Hindi malalaon. ―Aasahan ko. ―Oo, asahan ko. ―Oo, asahan mo at pagparoon ko'y magsasama ng isang mamamagitan sa akin, upang makapagpalagisa malayong pagpanhik. ―Baka hindi? ―Tunay Nena, asahan mo. Naputol ang salitaan at dumating sa tahiang pinapasukan ni Nena at dito sila nagkahiwalay, samantalang si Neneng, nang

tanghali na'y namamangha sa di pagdaraan ng kanyang kaibigan, kaya't pinaroonan ito at ibig matalastas ang sanhi, at doon nga sinabing alina dahil sa pagsisimba'y maagang nanaog; ngunit kumutog din sa budhi na sadyang kinusa ang di pagdaraan sa kaniya, at binaka nang may malaking kahulugan ang ganitong ginawa. Gayon ma'y ipinagpaumanhin at pumasok siyang mag-isa kahit punongpuno ng paghihinakit.

Kabanata III: Halina't tayo'y kumain
Ang mga batang pagninilay ay lubhang madaling sumuko sa mga bagay na damdamin, at gayon din naman sa tuwa, na ang munting ligaya'y inaaring walang katapusan, at ang ipinahihiwatig nito ay ang kakulangan pa nang kanilang pagkakilala sa mga bagay na talagang taglay ng panahon. Palibhasa'y mula sa kauna-unahang araw ng pagpasok sa tahian ng dalawang binibining ito, ay ngayon pa lamang nangyariang di pagdaraan ni Nena, ay lubhang malaki ang paninibago ng loob ni Neneng at walang ibang maipalagay kundi ang kusang paglayo sa kaniya. Ah! Ito ang unang tudla ng mahayap na sakit sa puso ni Neneng, ito ang walang kasingbigat na dalitang nakapataw sa loob na halos umiinis sa kaniyang buhay. Nang umagang yao'y di na nakakain at sa pagbulay-bulay ng ginawa ni Nena sa kaniya ay tinanghali tuloy ng pagpasok. Lumakad si Neneng na parang hindi pansin ang ano mang makita at waring mapapasigaw sa malaking pagdadalamhati, danga't napipigil ng isang magandang hatol ng sarili na alamin muna ang naging sanhi bago pairalin ang bu'ag na pagdaramdam, ngunit hindi ito ang nasunod, at pagdating sa tahian ay biglang dinuhapang si Nena at niyakap na naghihimutok, na halos walang ano mang nasabi, samantalang lumalagaslas ang mapapit niyang luha. Nahabag si Nena sa ganitong anyo at halos pinaibayuhan ang pagpipighati ni Neneng, kaya't magkakayapus silang kapuwa tumatangis noon. ―Ano ba kayo – ang natatawang sinabing isa nilang kasamang mananahi–tila kayo mga sangol ah! Itsura nang bagong kasal sa inyo,―at pinilit silang pinaghiwalay. Si Neneng na talagang may taglay na kaunting kasungitan, at ang ugaling yao'y napansin na natin noong umagang bumati sa kanila si Miguel, ay nayamot sa ganitong aglahi at nagpakita ng masamang mukha sa kasama, kaya ito'y hindi na kumibo, datapuwa't nang mapansin ng kanilang maestra na binibini rin naman, at kaipala'y nakatatarok ng mga hinanakit ang dahil sa pangingibig ni Miguel, ay siya nang namagitna at nagpayo hangang sa maglubag ang kanikanilang mahihigpit na samaan ng loob.

Nanahi kapuwa ang dalawang magkaibigan, ngunit nang tumugtog ang oras na dapat silang mananghali, ay napukaw na naman kay Neneng ang damdamin sa loob at nagunitang sa pagsasalo nila'y sapilitang mauungkat ang kanilang mga hinanakitan, at siya ngang nangyari. Pag itindig ni Nena, at kinawit sa kamay si Neneng at ang wika: ―Halina't tayo'y kumain.

Si Neneng na tila walang pinahihigit sa loob kundiang pagtatampo, ay bahagya nang sumagot, kaya't ang mapagparayang si Nena, dahil sa ibig mairaos na kaniyang pag-ibig kay Miguel na waring kinikilalang pagkukulang sa kanilang pagsasama, ay hindinagpatuloy nang pagtindig hangan disumunod ang naghihinanakit na kaibigan, ngunit ang ginawang ito'y lalong nakasama ayon sa naging dulo na ating matatalastas sa huli. Nang dumating sila sa karihang kinakanan ay agad nang tumanong ng boong irog si Nena. ―Alin alin ba rito ang ibig mo? ―Aba ikaw na nga bahala, kailan man eh ikaw rin lamang ang nasusunod at hindi ako? Bakit mo pa ba ako tatanungin? Nagwalang bahala si Nena, kumuha ng sari-saring ulam, inihayin at saka inanyayahan ang kaibigan, at nang nagkakaumpok na'y biglang-biglang nagunita ni Neneng na yaon na lamang ang huli nilang pagsasalo, ay sukat na itong ikinalaglag nang luha at hindi na nakakain. Bakit kaya? ¡Ah! Ang maramis hinagap ng tao ay tapat na pahiwatig ng panahong mangyayari, datapuwa't kung minsan nama'y ang isang nagdaramdam na loob ay sadyang lulalal ng laong ipagdadadalagati. Palibhasa'y tapat na tapat ang pakikisama ni Nena sa kaniyang kaibigan, danga't nanaig ang pag-irog kay Miguel, ay kaniyang inalo ng matatamis na pangungusap, ngunit sa anomang sabihin niya ay wala manding ikalibang at lalong nag-uulol ang paghating likha ng dimapuwing na paghihinanakit, kaya napilitang magsinungaling.

―Kumain ka na sanang mabuti, at kung ang dinaramdam lamang ng loob mo'y ang aking pag-aasawa, ay hindi na ako magtutuloy. ―Oy Nena... huwag mo na akong ululin at nakikita ko ang loob mo!... huwag at di ako ang makapipigil ng iyong lakad. ―Hindi na ako mag-aasawa kung ayaw ka pano pa ba naman ang ibig mo?

Naramdaman yata ni Neneng na pinaglalaruan siya, ay biglang nagtindig na umiirap sa kaibigan, at ang winika sa loob isusumbong kita sa nanang mo at siya ang bahalang magsalita sa iyo, lolokohin mo pa ako, isip mo yata'y hindi ko nababalitaang may salitaan kayo ni Miguel, makikita mo't sasabihin kong lahat. Natira si Neneng sa ganitong bala na anak ibaga'y makapipigil kay Nena ang ano mang gawin ng ali, at di na niya naisip na sa pagkakulong ni Nena'y di na mangyayaring umurong kay Miguel. Natapos ang malungkot na kainan ng dalawa, nagkantitira ang pagkain sa kanilang mga katakatang paghihinanakitan na walang anomang naging linaw ang malabong pagdaramdam ng halos bulag na kanilang pag-iisip. Ang masamang tangka ni Neneng na pagsusumbong sa ali ni Nena ay labis na dinaramdam sa kaniyang loob, ngunit alang-alang sa malaking panghihinayang na mag-asawa sa isang lalaking walang wasto at kaipala'y dayam lamang kung magkabihira, ay kusang pinapanaig ang tangkang pagsusumbong at ang nasa niya'y maputol noon pa ang nalululong na loob ng kausap ang ali at ipinahayag nang boong linaw ang pagkakasundo ng dalawa.

Kabanata IV: Sulat na di pinansin
Sa malaking galit ng ali nang matanto ang mga sumbong ni Neneng, ay di nagpaliban at kulang lamang ay patayin si Nena ng kapapalo hangang sa nawikang mabuti pa ang siya'y mamatay kaysa makitang mag-asawa kay Miguel. Kung di man natin maiaalis ang pagdadalamhati ni Nena dahil sa maling pagtuturing na tikis na pag-api ang ginawang ito, ay lalo namang di natin dapat ialis ang tunay na pagmamahal sa kanya, pagka't may katuwirang nasain ang siya'y mailag sa isang kapahamakan at ang pag-ayaw na ito kay Miguel ay tunay na pagmamasakit pagka't di umano'y malaki pa sa katawan ang kapalaluan ng lalaking ito. Nang bahagya pa lamang napapansin ang pagkagawing loob kay Miguel ay madalas na siyang makagalitan, datapuwa't lumala ang poot ngayong may malalaki nang bagay na inuusig at parang nagkatulong na nagpasama kay Nena ang pagkamapaniwalain ng ali at ang napakalabis na pagsusumbong ng mahigit pa sa tunay pa katotohanan. Nasunod ang bata ni Neneng at si Nena ang naging sadlakan ng kaniyang bulaang pagdadalahira na walang ibang umaaliw sa sarili kundi ang pag-asang si Miguel ay tapat na umirog at di siya pababayaang mawakawak sa gayong kalagayan. Bukod sa mga pahirap na tiniis ng ating dalaga, ay hindi masayod na paglait ang kaniyang tinanggap; noon di'y napilitang sumulat kay Miguel ng gabi ring yaon at hinihinging sila'y magkausap upang gumawa ng anomang paraang sukat ikalalayo sa piling ng napakalupit na sa kanya'y nagpapahirap. * * * Ang kabataang loob ni Miguel na talagang nakahilig sa malayaw na pita, ay nagsasamantala naman sa matamis niyang panahon na parang walang kabuluhan ang lahat at sukat na ang parang walang kabuluhan ang lahat at sukat na ang magpakaniig sa mga hiwagang dulot ng kaniyang libang na pamumuhay. Saan man bumaling si Miguel ay may kinalulugdan, may mga titig na bumibihag ng kaniyang puso at ito'y nagiging paraanan ng panahong anaki'y di na matatapus sa kanyang ala-ala. Ang sulat ni Nena'y tinanggap ng boong kalamigan ng loob, at waring, paglilibang lamang kung kaya binasa; ngunit nakabalisa

ring sandali sa sariliang mga titik ng isang tunay na pag-irog at ng malumbay na mga pagsamo. Ganito ang kanyang nabasa: Miguel: sa gitna ng aking mga kahirapan ay binabati kita ng boong tuwa at ipinahihiwatig tuloy na ngayo'y na sa kamay mo ang aking igiginhawa; at yamang inaasahan ko ang iyong pagmamahal sa akin, ay hinihintay ko ang bala mong loob, at yao'y sukat ko nang maging kaaliwan, at kung maibabahagi mo ang sandaling abala, ay daratnan mo akong nauuhaw sa pagtangap sa iyo.

―Ang nagmamahal mong si Nena‖. _______ Matapus ang pagbasa'y sandaling natigilan ang binata at parang binabalak sa loob kung ano ang mabuting gawin, datapwa't nang matanawang daraan ang isang binibini sa tapat ng kaniyang bahay, ay dagling ipinamulsa ang sulat; humahangos na kinuha ang kaniyang sambalilo, nagsusumugod na nanaog at inabangan hangang sa sumunod-sunod na walang iniwan sa usa ng kalilingon. Ano kaya ito? Ano kayang mga hiwaga ang nababalot sa ganitong kilos ni Miguel ay iyan ang larawan ng kasawiang palad ng pagasa ni Nena sa kaniya, iyan ang tunay na pagkalibang ni Miguel sa matamis niyang kabataan at sa kay Nena'y maliwanag na pagkaapi; datapwa't hindi pa ito ang panahon ng pagtitigis ng kaniyang luha, samantala'y pairugan natin ang kaniyang paghihintay at si Neneng nama'y ating alalahanin ngayon. Di rin nakagalak sa loob ni Neneng ang kaniyang pagdadalahira, bagkus naging karagdagan ito ng damdaming taglay sa loob, pagka't napag-isip-isip na dahil sa kaniya'y pinasasakitan si Nena ng ali, at ang pag-ibig kay Miguel na nagiging suyak ng kaniyang ala-ala ay di dapat maialis, tangi rito'y di rin naman siya luwal na umirog at siya man nama'y nakararamdam din nitong di matututulang udyok ng panahon at ng tunay niyang pagiging tao na di mangyayaring puwingin, ano pa't natira na lamang sa pagsisisi, ngunit ang ginawa niya'y mangyari na at di na muling mababawi. Nang umagang yaon, na dapat sanang hintin ang dating pagdaran ni Nena, ay siya na ang nagpakaagap ng pagbibihis at pinarunan

ang kaibigan, na anaki'y handang-handang tumanggap ng bala nang sabihin, sakaling nahalata ang kaniyang pagsusumbong ng mga lihim na dapat sanang tumulong pa siya nang pagtatag o, danga't pagmamahal din namang malaki ang kung mangyayari'y maawat sa di wastong pagpiling kakasamahin sa boo niyang buhay. May katuwiran si Neneng sa ginawa at dapat nga namang pakahirangin ang magiging asawa, yamang ang pagsasamang ito'y hangang kamatayan at dilamang sandaling panahon. Yumao si Neneng at nang makitang may lunos ang kaibigan ay malalambing na samo ang kaniyang ginamit hangang sa napilit na sumama sa pagpasok noon, bagama't may malaking pagdadalamhati; ano pa't ang nangyari kahapon na walang maalamang gawin ng paglibang sa kaniya ay siya naman ngayon ang susuku suko nang pakikiusap at ang kulang na lamang ay humihinging tawad sa kaniyang paglililo, danga't pinagiingatan ding mahalata ang salang isinisigaw halos ng kaniya ring mga anyo, datapwa't sa katamisan ng asal ni Nena ay kusang nagwalang-bahala at di nagamalay ng anomang sukal ng loob. Nagsauli ang dating pagsasama ng magkaibigan at parang ginagayakan ang masasaklap na panahong sa kanila'y mangyayari.

Kabanata V: Unang hinanakit ni Nena kay Miguel
Dumaan ang maghapon sa pananahi nang magkaibigan na halos wala na silang usapang iba pa kundi si Miguel at para namang lugod ni Nena ang waring pagsang-ayon ng kaibigan sa nagagayak na kaniyang pag-aasawa, at pati pagkapadala ng sulat kay Miguel ay nasabi noon, kaya't si Neneng ma'y nakikipaghintay na sa pagdating nito at nasa rin namang magkausap sila; datapwa't ang napansin ni Nena, ay isang pagwawalang bahala at hangang sa lumubog ang araw ay di man lamang naraan sa tahian nila, bagay na nagpapasakit sa kaniyang loob, pagka't kailan ma'y di pa nangyayari ang ganitong pagpapabaya. Nag-uwian sila at si Miguel na lamang ang napaguusapan sa habang paglakad. Paghihiwalay nila ni Neneng ay hindi nagpatu'oy ng pag-uwi si Nena sa kanilang bahay, at ang unang tinungo'y ang nayong pinagkikitaan nilang madalas ni Miguel, sa pananakaling baka doon siya hinihintay, ngunit nang ipagtanong sa mga kakilala niyang dati ng nakaa-alam ng kanilang pagkakasundo, ay walang makapagsabi, pagka't hindi nakikita, kaya't ang ating dalaga'y malungkot na umuuwi taglay ang malaking paghihinanakit. Na sa malayo pa'y sinasalubong na ng aling masasaka, na wika, at sinapantahang kaya siya natagalan ay dahil nga kay Miguel, anopa't ang hinalang ito'y isang tapat na pahayag ng di maikubling katotohanan na ikinukutog sa loob ng ali niyang masungit, at bagaman sinabi niyang may madaliang tahi na linamay nila kaya nagabihan, ay di rin naniwala at halos ngay-ngayin siya sa malaking pagngingitngit na manakanakang sinasaglitan ng maliliit na kurot sa mga tagiliran, bukod pa ang sa singit na dating pinagsasanayan sa kaniya. Si Nena'y umiiyak, hindi dahil sa mga parusang ito; kundi sa pagdadalamhating linikha ng wari'y panibughong kumakaba sa dibdib sa gayong pagwawalang bahala ni Miguel, at dito niya nakaurong hindi pala dapat ipabigay ang loob, dangat't naroon na. Ano kaya ang gagawin ni Nena ngayon? tunay kaya ang kutog ng loob na ibig na siyang limutin ni Miguel dahil sa nalilibang sa iba ah Ito ang sumusunog sa kaniyang gunita ng gabing yaon, at

bahagya nang nakatulog, samantalang si Miguel nama'y naglalamay noon sa piling ni Chayong na sinamahang dumalo sa isang katapusan.1 Ang Chayong na ito, ay siyang sinundan-sundan ni Miguel nang umagang yaon, at kaya parang usa ng liningos-lingos, ay nagkubling makita ng mga magulang ng babayi na ayaw rin sa kanya dahil sa malaking kayabangan na nakarurungis tingnan ng may mahal na ugali. Kinabukasa'y maagang nagsipasok ang ating magkaibigang si Neneng at si Nena, at sa anyong malumbay nito na ipinahahayag ng kaniyang mukha, ay parang linilibang na tinanong ni Neneng: ―Hindi naisagot si Nena kundi isang himutok at kusang ibinaling sa ibang bagay ang pagsasalita na anaki'y ipinangingilag na masalang ang mahapding sugat na nagpapasakit sa kaniyang kaluluwa, at ang pakatipirin ang pagpapaubaya ng loob sa isang mangingibig, pagka't kung mapalulong ay di maibabalik ang panahong nakalipas. Sa mataos na pakikinig ni Neneng ng iba't iba pang mahahalagang pahayag na pawang bunga ng kasalukuyang panahong tinatawid ni Nena, ay biglang-biglang nagbigkas ng boong pagkahanga: ―Aba at si Miguel iyon!

―Si Miguel―ang namamanghang tugon ni Nena, at ang dugtong na tanong―saan naroon? ―Ayun―at itinuro sa malayo na pasalubong sa kanila. Kasabay ng pagtanaw ni Nena ang isang nahayap na tudlang itinarak sa kaniyang puso. Natunayang si Miguel nga, at namasdang kaagapay ng isang binibini...... ay...... ang mapapait na hinagap ni Nena ay naging tunay na lason, naging kamandag na biglang kumalat sa mga ugat ng kaniyang puso na anaki'y siyang ibig magpatigil ng malayang tibok. Sinong binibini ang kaagapay ni Miguel? Ah, iyan ang kay Nenang kamatayan. Iyan ang bikig na magdudulot sa kaniya ng kasawiang palad, iyan ang si Chayong na minagdamag sa piging na kanilang pinaroonan at noon pa lamang umuwi na kapuwa sumasagap

ng kani-kanilang matatamis na hiwaga sa pagpapahatiran ng kawili-wiling suliap ng mga matang nag-iibigan, datapwa't biglang-biglang namasid ang dalawang masasalubong, kaya't si Miguel at tumiplad, na halos di na nakuha ang pagpapaalam. Makailan siyang tawagin ni Chayong ay hindi nakalingon man lamang at parang nakamatyag ng isang mapanganib na mangyayari sa kaniya. Ang anyong ito ni Miguel ay namamasdan ni Nena at siyang lalong nagpatibay ng masungit na hinagap na nakasusunog sa kaniyang puso, ngunit sukat na lamang ang magdamag.

Kabanata VI: Miguel sayang...
Malinaw na malinaw na mapapagkilala ng lahat, na ang katuwaan ng tao'y parang asong napapawi at agad nahahalinhan ng lungkot, bagay na magpapahayag sa ating mga puso, na ang mundong ito'y punong-puno ng daya, at kung sakaling namamasdan natin ang mahihiwagang pang-akit niya, ay walang ibang tungo kundi ang tayo'y mahulog sa kaniyang mga hibo na palaging ipinapain upang sa pag-iimbot ng mga ligayang dulot ng panahon. Si Chayong, iyang binibining di pa nalalaon sa pag-asa sa mga bulaang pangako, ni Miguel at dahil sa pag-asang yao'y ibinilang, na liban sa kaniya'y wala nang iba pang mag-aaring gayong pag-ibig, ang pag-asa ring iyan ay siyang naging lubos na damdaming hindi magpatahimik sa kaniya ngayon. Ang mga katuwaang pinaglamayan nila sa minagdamag na pagiirugan na di man lamang ipinangimi sa maraming matang nagmasid, ang masasarap nilang pakitaang loob sa dinaluhang piging ng sinundang gabi at ang maligayang paglakad nila nang umagang kinabukasan, ay biglang-biglang sinambulat ng isang masaklap na hinala na pagdaka'y nagwagi sa loob dahil sa walang wastong paglayo ni Miguel sa kanilang pag-uusap na pinagtibay pa ng pagkalapit sa dalawa, pagka't sa hinihintay niyang pagbati ay isang ingos na umiiring ang sa kaniya'y ipinamalas. ―Anong hiwaga ito?―ang tanong sa sarili ni Chayong―Bakit ako ginayon ni Nena?―Siya kaya'y nasasaktang makasama ko si Miguel? At bakit naman siya masasaktan? Ah malaking bagay ito, at dapat kong pakaliningin. Hindi mangyayaring walang anoman ang ginawa ni Nena, hindi, at yao'y sapilitang matatalastas ko. Patuloy si Chayong ng paglakad at gayon din naman ang dalawang magkaibigan, ngunit isang bagay na dapat punahin kay Nena ang malayo na'y lumingon pa ng pairap sa kanilang nasalubong, at ito nama'y lumilingon din at lalong napupuno ng pamamangha sa ganitong namamasid, kaya't noon di'y gumawa ng daang makipagkita sa madlang makapagpapaliwanag ng gayong mga hinala at hindi tumugot si Chayong hangang di natatap ang tunay na hulo ng pagkakagayon ni Nena sa kaniya. Narito ang sisi ni Chayong sa kaniyang sariling di pagkukuro sa biglang pagkukulong kay Miguel, datapuwa't wala nang panahon. Ang puso niya'y naging kay Miguel at si Miguel nama'y di pala

niya sarili. Iyan ang kanilang ligaya nang gabing sinundan iyan ang dulo ng kaniyang pag-asa! Makalipas ang ilang araw sa ganitong nangyari ay nagkapanahon sa bahay ni Chayong ang pag-uusap nila ni Miguel. Si Chayong na nagdaramdam, ay halos bahagya nang tumugon sa bati ni Miguel, at ito nama'y sa malaking pagkamangha sa gayong nakita, ay biglang biglang tumanong: ―Bakit ka malungkot? ―Hindi, at dapat akong masayahan; ngunit ....

―Kung dapat kang masayahan ay ano pang sukat makabalisa sa iyong loob? ―Wala na nga, at nakilala kita. ―Nakikilala mo sa ano? ang tanong ni Miguel ―Sa ano huwag mong sa akin itanong. ―At kangino? ―Sa iyo rin, at saka mo sabihin sa akin. ―Iya'y talinghaga. ―Hindi, Miguel, hindi at kung nakilala kita ay lalong makakikilala sa iyo ang iyo ring sarili. ―At anong nakilala mo na dapat kong kilalanin? ―Ang iyong loob.

―Ang loob ko'y dalisay sa pag-ibig. ―Tunay Miguel, tunay ang sinasabi mo, ngunit ang kadalisaya'y hindi sa akin. ―At kangino? ―Ay Miguel.....

―Anong buntong hininga iyan? ―Himutok ng aking palad. ―Chayong! ―Miguel sayang... sayang ang pagtawag mo sa akin, sukat na Miguel, sukat na ―Sukat na ang ano? ―Ang kabulaanan.

―Bulaan ako? ―Hindi ikaw, ang iyong pag-ibig, ang pag-ibig mong aking inasahan ay dapat kong itangis ngayon. ―Tapatin mo ako Chayong. ―Wala akong lihim sa iyo, ngunit ikaw, ay... sukat na Miguel, ang nakilala kita, sukat na at ako'y pakalimot-limutin mo buhat ngayon. ―Limutin kita, at paano ako? ―Bulaan, sukat na si Nena sa iyo. ―si Nena! Ah, si Nena'y isang babaying sukab, at siya kong dapat ipagtanim. ―Huwag, Miguel, huwag, at kay Nena nabubuhos ang iyong loob, sukat na at sa kaniya ka na lamang magpakahilig: sa kaniya ka paroon, huwag sa akin. ―At kung gayon pala'y kalabisan na ako sa harap mo ngayon. ―Hindi, at kulang na kulang ka; ngunit ngayon ko lamang natantong may minamahal kang mahigit sa akin.

―Mahigit sa iyo'y wala na, at kung si Nena ma'y minahal ko nang nagdaang araw ay labis kong kinasusuklaman ngayon. Wala na ang loob ko sa kaniya at ang pag-ibig mo'y siyang lalong malaki sa akin, aywan ko lamang kung may iba ka nang loob.

―At ako pa ang babalikin mong baka may iba nang loob, mainam ka ring maghugas ng kamay di ata't magaagam-agam ka'y ikaw ang narapatan ko? ―Nang ano? ―At bakit si Nena'y mapopoot sa akin kung hindi minasama ang ating pagkakasabay noong umaga? ―Bayaan mo siya at ako ang nagsasalita sa iyo. ―Nang ano? ng kabulaanan? ―Ipayapa ang loob mo, Chayong, at si Nena'y tunay ko nang linilimot. Sa mapoot siya ay sa iyo at sa ano ma'y asahan mo ang katapatan kong loob ng pagpapahayag ngayon, at sakali mang may uusigin siya sa akin ay walang-wala na akong . . . . . .hindi na natapus ang ibig sabihin sa biglang pagpanhik ng ina ni Chayong; at palibhasa'y nakakapootan sa bahay nila ang ating binata, ay di na binigyang panahon magkausap sila uling gabing yaon, kaya't si Miguel ay dagling nagpaalam na halos di man sinagot. hangang lumalakad si Miguel, ay pinag-iisip ang di pagsagot sa kaniya ng ina ni Chayong, bagay na ipinagbalak ng masamang gagawin, ngunit siya naman lalong nanganyaya sa kanyang palad na ating matatanto sa dakong huli nitong sinasaliksik na buhay, datapuwa't samantala'y tuligsain muna ang nangyari kay Nena sa gayong napagmasdan kay Miguel.

Kabanata VII: Dapat kong ibahin
Pagdungaw na sa bahay tahian ng magkaibigang si Nena at si Neneng, ay isang bating pangingilalas ang isinalubong ng pinakamaestra nila. ―Aba tila nagkakasundo na naman kayo ngayon! ang isip ko ba'y tuloy na ang pagkakagalit ninyo ah. ―Siguro pong bagong kasal na naman―ang pakli nang isang mananahirin. ―Siya nga―ang sagot ni Neneng―paris mo ba walang kapuwa tao. ―Kaya nga ganito na ang tuwa ko sa inyong dalawa eh, dahil sa... sa... ―Anong sa... ituloy mo. ―Aroy at ibig pang maalaman. ―Eh ano?... maanong magpahinga ka, ang tila pagalit na bigkas ni Neneng, kaya't hindi na umulit si Juana, at ang magkaibiga'y nagpatuloy nang nagbihis at nanahing hindi na liban. Kahit anong aliw ni Neneng kay Nena ay di mangyari malimutan sa loob ang panibughong linalang ng pagkakasalubong nila kay Chayong at kay Miguel; nagugunita ang kaniyang kalagayan na halos batid na ng madla; nalulunos kung dilidilihin ang mga pagsumang niya sa kaniyang ali dahil din kay Miguel at ang Miguel din iyan ang sumusunog sa kaniyang gunita. Ibig niyang limutin at ipagwalang bahala ang nagdaang araw, ngunit ang kaniya ring sarili ang ayaw pumayag. Nahihinayang siya sa maraming hirap na tiniis na niya dahil kay Miguel, at anakibaga'y katimbang ng kaniyang kamatayan; datapuwa't paano siya? ang panahon baga'y mapagbabalikan pang muli, at maagaw sa panahon ding iyan ang kaniyang mga ipinagkatiwalang lihi.... hindi... ang panaho'y nakalipas, at ang nangyari ay tapus na rin, ano pa't walang natatala sa loob ni Nena kundi ang gunitang iniibig niya si Miguel, ngunit ang pag-ibig niya'y hindi ipinamiling pusong pinaglagakan.

Sa ganitong pagdidili-dili ni Nena sa kaniyang palad ay di napigilan ang isang himutok na pagdaka'y nabulalas. Si Neneng, na talagang tunay sa loob ang pagdamay kay Nena ay malubay na nagpayo ng ganito: ―Huwag kang malungkot, Nena, dapat mong ikalugod ang ngayon pa'y pagkakilala kay Miguel. Limutin mo siya sa loob; ang mga ganyang lalaki ay hindi mo dapat panghinayangan, pagka't makasal ka man sa kaniya ay paglililuhan ka rin. Ipagpasalamat mo at hindi pa kayo nakakasal ay natanto mo na ang karungisan ng kaniyang puso. Pagtamanan mo ang iyong kalagayan, at kung di ka makatitiis na hindi mag-asawa, ay marami rin namang lalaking tapat na loob na lalapit sa iyo. ―Ay Neneng! Ako ang tunay na may sala; kung pinakinggan ko ang iyong mga pahiwatig sa akin, ay hindi sana ako nalulong ng ganito. ―Walang kailangan, Nena, ito'y hindi tabing araw, may panahong makaiwas ka pa sa kaniya. Kung sakaling kayo'y magkausap, ay putulin mo na ang inyong pagpapakitaang loob at para mo nang pinagbalikan ang matutuwid na hatol ng nanang mo, at kung ikaw nga'y sumunod sa kanya, ay wala ka dising pinagsisisihan ngayon. Dalawang patak na luha ang nag-unahang nalaglag sa mga matang mapungay ni Nena, parang nagsitimo sa kaniyang loob ang mga pangungusap ni Neneng: naalaala ang marami niyang pagkukulang sa pinagkautangan ng mahabang panahon sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kaniya, at doon niya nakuro na dahil sa isang lalaking nagbigay pighati sa kaniyang kaluluwa ay kusang hinamak ang matatapat niyang tungkol sa isang magulang, ano pa't dahil sa may matuwid na pahayag ng kaibigan ay pinagtibay sa loob ang pagpapakalayo kay Miguel. Dumating ang hapon ng kanilang pag-uuwian. si Nena'y mayroon nang munting saya sa loob at anakibaga'y nakabunot ng maraming tinik na nagtimo ang pagpapayo ng kaibigan, at nang sila'y lumalakad ay pinag-uugnay-ugnay na sa sarili ang kaniyang mga sasabihin kay Miguel kung sila'y palarin pang magkausap, at kung hindi na naman ay ibinibilang niyang parang walang ano mang nangyari. Ang mga pagkakataon ay dinawawala kailanman; si Miguel ay sumalubong sa kanila at ang tangka marahil ay ululin ni Nena ang mga bulaang pangungusap tungkol sa sulat nitong tinanggap niya,

at dikumutog bahagya man na sa hapong ito'y tatadhanaan ni Nena ang sa kaniya'y lubos na paglimot. Hindi nga kinukutugan si Miguel, kaya't pagkalapit kay Nena na talagang binigyang panahon ni Neneng ang sila'y magkausap ay tatawatawang bumati. ―Mapalad na hapon―ang bigkas ng binata―at maipagmamalaki ang matamis na pakikipanayam sa iyo, komusta ka Nena? ―Mabuti rin―ang tugon ng binibining nagpapakilala ng isang tunay na kalamigan ng loob.

Nahalata ni Miguel sa matamlay na sagot na may malaking hinanakit sa kaniya at dahil doo'y pinasimulang sabihin ang mahihibong kasinungalingan sa ganitong pagsasalita: ―Dinaramdam ko, Nena, ang di pakikipagkita agad sa iyo, datapwa't iyong ipatawad ang aking pagkukulang na di talagang kinusa. ―Huwag kang mag-alaala, at lubos kong pinagsisisisihan ang pagkakasulat sa iyo, danga't naroon na. ―Nena, bakit ka nagsisisi ay sa akin mo ipinadala? ―Dahil nga roon, at hindi na ako nag-alaalang hindi pala kita dapat sulatan. ―Patawarin mo ako, Nena. ―Wala kang kasalanan, at ako ang hindi na nag-isip. ―Sa ano? ―Sa di ko karapatang sumulat sa iyo. ―Dapat na dapat, Nena, ang sulat mo; ngunit parang nawala sa aking loob.

―Kung gayon―ang tugon ni Nena―ay ituring mong walang anoman. ―Hindi, Nena, at kaya ako naparito ngayon ay tutupdin ko ang iyong hiling.

―Wala nang panahon Miguel, salamat sa iyo! ―Nagdaramdam ka ba? ―Hindi. ―Ay bakit ganyan ang mga sagot mo sa akin? ―Ito'y hindi pagdaramdam, at ito ang dapat kong sabihin. ―Nag-iba na baga ang loob mo? ―Dapat kong ibahin. ―Nena, huwag mo akong pasakitan.

―Ako'y di gaano sa iyo. ―Malaking bagay ka, Nena, sa aking loob. ―Hindi, hindi, kailan ma'y hindi ko nakikilala ang gayon, kaya ipagparaya mong dinggin na ito na lamang ang wakas kong pakikipagusap, putulin ta ang ating pinagkilala nang loob at ako'y lubos mong limutin. Anyong sa sagot pa si Miguel, ay tikis na pinutol ni Nena, at sinabayan ng wikang: ―Adios Miguel‖, Tinawag ang karromatang kataong nakitang walang laman at lumulan silang dalawa ni Neneng sa takot na baka manampalasan ang binatang nangangalit marahil sa gayong mga sagot. Naiwan si Miguel na di magkasundo ang loob sa di hinihinalang mangyayari sa kaniya.

Kabanata VIII: Ang pagsisisi ni Miguel at ang ali ni Nena
Ang maligayang hapon na pinaglaanan ni Miguel ng malaking sigla ng loob sa pagsalubong kay Nena, ang matamis niyang pag-asang mahihibuan ng matalabid na dila ang dating mairuging puso ng pinaglilibangan ng pag-ibig at ang pagtuturing na dapat ipagmalaki ang kaniyang kabataan, ay pawang naging isang hinagap, naging malikmatang pagdaka'y napawi at nahalinhan ng magugulong gunita sa di hinihintay na kaniyang napagsapit. Ang dating kagiliw-giliw at maamong asal ni Nena; ang dating mapagpaumanhing ugali na ginagabis-gabis ng maraya niyang pangungusap, nang hapong yao'y naging tunay na uliran sa tigas ng loob, at noon nakilala ni Miguel na si Nena'y isang babaying kahinahinayang at marunong magpahalaga sa karapatan ng kaniyang pagkababayi. Natalastas niyang nagdaramdan, ngunit pagdaramdam na may matuwid at napansin niyang ang katuwirang pinanghawakan, ay di na muling magagapi ng kaniyang mapaglarong puso. Nang hapong yao'y matamlay si Miguel, ang dating kasiglaha'y nanghilakbot; ang dating masayang mukha'y mahahapis at ang kagiliw-giliw na anyo ng kaniyang ipinagmamalaking kabataan, ay lumughoy-lughoy at nanglulupaypay sa gayong nangyari. Namamanglaw na umuwi si Miguel at ang inuulak sa sarili: Bakit ako nagwalang bahala sa sulat ni Nena? Bakit si Chayong ang aking hinarap ay talastas kong ito'y masama―si Nenang tapat na loob na di ko narapatang maglihim sa akin, ay ginanti ko nang pagsusukab ―at si Narcisong pinsan ko'y siyang inagawan ng kaniyang Chayong na pinakaiirog, niyang paraluman ng kaniyang pag-asa, niyang hiwaga ng banal na pag-ibig na pinanghimasukan ng masakim kong pag-iimbot, ay... ito'y hindi mangyayari; si Nena'y minahal ko, at ako'y lubos niyang minahal din, bakit hindi niya maipatatawad ang aking pagkukulang ay... di na maiulat halos ang maraming sala ko sa kaniya paano kung siya'y di na makaatim sa aking mga asal dili ako dapat kay Nena; si Nena'y isang marangal at mabait na babayi, ako'y isang marungis na puso; siya'y isang uliran ng hinhin, ako'y isang pusakal na mayabang; siya'y isang tapat na loob, ako'y isang tampalasan, paano ako, sa ganitong pagkakalayo ng aming asal? Ah! Magbabago akong buhay, pakalilinisin ang marumi kong puso, magpapakababang-loob ako, di na ako maglililo sa kaniya kailan

man, at magpapakabait na ako mula ngayon; susulat ako sa kaniya, ihihinging-tawad ng boong kapakumbabaan ang aking pagtataksil at ang magandang loob niya'y hindi ikakait. Dapat akong pumayapa at na sa kamay ni Nena ang marangal kong palad, ang ikababanal ng aking buhay at ang ikapapaunlak ng aming pagsasama. Kung makasal kami ay pakaiirugin ko siya at dahil sa maningning niyang puso'y mananatili kami sa lalong matamis na pagsusunuran. Ganito ang mga bagong hinagap ni Miguel, at dahil sa tunay na pag-asang minamahal siya ni Nena ay di nagpaliban sa pagsulat na pinaglamayan nang gabi ring yaon, samantala namang nagngingitngit ang ali ni Nena dahil sa mga bagong balitang kaniyang tinangap. Halos di na nakuhang makapagpaliwaliwag ni Nena ng pagdating noon na inihatid pa ni Neneng, ay agad nang linihim ng aling mga ganitong tanong: ―Tunay bagang hindi ka na makatitiwalag kay Miguel? Ikaw kaya'y talagang magpapakahirap na lamang sa aking loob? Sumagot ka nga kung sadyang di mo na ako pakikingan kailanman. ―Huwag po kayong mag-alaala, nanang, at unti-unting ilinalayo ko na ang aking loob, kayo po'y aking susundin, at ang suklam ninyo sa kaniyang asal, ay nakilala ko nang may pagkatotoo, at dapat ko naman pangilagan ngayon. ―Baka naman iya'y sinasabi mo lamang at nang huwag kitang pagpapansinin. ―Hindi po, nanang, at sa inyo po ako sumusunod, patawarin ninyo ang aking manakanakang pagkasumang sa inyong mga payo, magpapakalayolayo ako sa dating pagkikilala namin at di na kayo papagdadalamhatiing muling dahil sa kanya. ―Kung tunay ang iyong ipinangangako, ay asahan mong lalo kitang mamamahal, ngunit kung mananatili ka rin ng pagbibigay loob sa kaniya, ay makasal man kayo'y di ka na makikinabang ng ano man sa akin. ―Huwag po kayong mag-alaala, itahimik ang loob, at nakilala ko na ang may katuwirang pagpintas ninyo kay Miguel. ―Kung gayon, anak ko, ay malaki ang aking pasasalamat, at nang lalong maniwala ka sa masamang dila ng lalaking iyan, ay ipinamamarali pang hindi ka niya pakakasalan, at di umano'y may

isang mayamang bagong tinutungo, naku Nena ¡pagkalakilaking kayabangan! ―Ah siya nga po, nakilala ko nang labis ngayon at para namang nandiri ang loob ko sa kaniya. ―Salamat sa Dios at hinulugan ka rin ng pagwawari na siya kong idinadalangin tuwina. ―Eh siya,―ang dugtong ng ali―magsaing ka na at nang tayo'y makapagdasal na maaga ngayon, at mapahinga ka naman. Nagluto ng hapunan si Nena at ang ali niya'y punong-puno ng galak sa gayong matatamis na pangako.

Kabanata IX: Huling sulat ni Miguel kay Nena
Payapang-payapa ang loob ni Nena nang gabing yaong maipahayag sa ali ang tunay na laman ng kaniyang puso, at ang dating pagmamahal sa kaniya, ay waring naragdagang lalo noon, ano pa't sila'y kapuwa nangagagayak, at nang makagpagdasal, na talagang mananahi pa sana si Nena ay sinaway ng boong giliw ng kaniyang ali at pinatulog, kalakip ang matatamis na pag-aalaalang baka magkasakit sa walang likat na kasipagang talagang katutubo sa kaniyang pagkabata. Si Nena, palibhasa'y talagang mabuting magmagulang, danga't nabulagan ng pag-ibig kay Miguel, ay di tumutol ng anoman sa kaniyang ali at magkasabay na silang matulog. Di na kailangan tuligsain ang boong nangyari sa kanila sa magdamag; at sukat nang ipahiwatig ang pangangarap ni Nena nang gabing yaon, na dahil yata sa may malaking kahulugan ang kaniyang panaginip, ay umiiyak na nagising, at kung di sa alaalang mahalata ng ali ay nabulalas disin ang tinitimping mga himutok na pawang linikha ng nakahahapis na kaniyang pangarap. Sa nangyaring ito'y di na muling nakatulog. Madilimdilim pa'y nagpaalam sa ali na siya'y magsisimba at malubay namang pinahintulutan. Maganap ni Nena ang ganitong magaling na anyaya ng loob, ay masayang lumabas sa simbahan at napatungong umuwi. Walang ano ano'y isang binibini ang humahabol sa kaniya at pagkakalapit ay waring may mga lihim na pinag-usapan, na di naman lubhang nag-luwat at naghiwalay sila. Si Nena'y patuloy sa pag-uwi, at ang sinasabi sa loob; Ano kayang sulat ito? Bakit sumulat pa siya ay sinabi ko nang putulin ang aming pagkikilalang dati?...mabuti rin namang maalaman ko ang kaniyang kalooban ngayon, at sa ano't ano ma'y di na ako muling mabubuyo sa kaniyang marayang pangungusap. Pagdating sa bahay ay di na nakuhang magbihis, sinamantalang wala roon ang kaniyang ali na nagsimba rin naman ng umagang yaon, at binasang pinakalining ang sulat na ganito ang saysay:

Nena ko'y sandaling tunghaya't basahin ang lagda ng abang puso mong iniling, at kung wala ka mang natirang pagtingin ibilang mong ito'y wakas ko nang daing. Kinikilala ko sa bakas ng yapak ang sala sa iyong malabis ng bigat, at ang pagsisising taos hangang ugat tapunan mo kahi't bahagyang patawad. Kung binabawi man ang iyong pag-irog sundin ang bala mong maisip sa loob, ngunit marapating dinggin ang himutok ng palad kong laang sa dusa'y lumubog. Ngayon pa'y handa na sa lalong pasakit ang buhay kong walang palad na umibig, at ang balang hirap na mapagsasapit ay tutumbasan ko nitong pagtitiis, Kung ang sanhi lamang ng iyong pag-ilag ay nasusuklam ka sa aking pag-liyag Nena'y nangangakong magpapakawagas ang puso sa isang pag-irog na tapat. Yaon ma't kung dipa sukat makapawi ng sala kong naging kamandag sa budhi ako ay wala nang ibang hinihingi at sadyang sa dusa'y laang mamalagi. Dapuwa't sa ginta nitong kahirapan iirogin ka ring mahigpit sa buhay at ligaya ko na kahima't mamatay itong pagsisising sa yapak mo'y alay. hangang dito, Nena, ang naghihimakas na aking pagdaing sa tunay mong habag huling dalangin ko'y Langit ang mag-ingat sa iyo't sa aki'y pakamtan ang tawad. Miguel Maglayon.

Waring nalulunos ang puso ni Nena sa ganitong mga pahayag: Sandaling natigilan, binasang muli, at anaki'y inaakit ng isang pagkahabag kay Miguel; nagunitang ito ang lalaking kaniyang minahal, datapuwa't kasabay na naalaala ang mga pangako sa ali niya, kay Neneng na kaniyang kaibigan at sa kaniyang sarili, na pakalilimutin na niya si Miguel, ngunit di naman mangyayaring hindi niya ikalumbay ang gayong mga hibik, anopa't nagtatalo sa loob ang dalawang bagay na di mapagsiyang hatulang madali at

natira na lamang sa pagbubuko-buko. Kailangang isipin kong magaling ang bagay na ito, ang wika; may panahon pa; mangyayaring walin kong kabuluhan ang aking mga pangako; si Miguel ay minahal ko, dapat kong patawarin, kailan ma't nagsisisi sa kaniyang mga sala; masama siya, oo, at nakikilala ko ang marungis niyang puso; ngunit pinagtibay sa sulat na ito ang kaniyang pagbabagong buhay, siya'y namuhunan sa aking ng panahon, at sa pagtitiis niya'y natausan ang tunay na hanga ng aking pag-ibig at pinakamahal kong katulad ng buhay, dapat ko siyang lingapin at ang mga daing niya'y bumabagbag ng puso, bakit ikakait sa kaniya ang aking awa kung siya'y minamahal ko? Nagkulang siya sa akin, at di kakaunting hirap ang tiniis ko dahil doon, datapuwa't ngayo'y kinikilala ang kaniyang sala sino akong hindi makapagpapatawad sa isang minahal sa loob? Oh ito'y hindi mangyayari pagka't wala akong magagamit na bangis sa isang nagpapakumbaba at sumusuko ¡at si Miguel pa naman ang di ko kahahabagan sa ganitong pagpapakababa sa akin! Hindi mangyayaring waling kong kabuluhan ang sulat niyang ito: datapuwa't paano naman ang aking naipangako kay nanang na paglimot, at dahilan dito'y nanatili ang dating pagmamahal na malaong pinauntol ng may matuwid na panghihinampo? Paano ang halos pagsumpa ko kay Neneng sa may mga kahulugang pagpapayo at tunay na pagmamasaki sa akin na di ibig mapakasama? Nagugulo ang aking isip at di mapagtimbang kung alin ang dapat kong papaghariin sa loob; ngunit pakaiisipin ko rin. Natira sa ganitong mga akala si Nena, at kaipala'y paguusapan nila ni Neneng ang sulat na ito; hintin natin, at sa anoman ang manaig sa kaniyang loob, ay siya nating hatulan sa huli.

Kabanata X: Ano pa ang hangad ninyo sa akin?
Ang iwing kabaitan ni Nena, ay di nanglupaypay sa mga pahayag ni Miguel, at kung dinalaw man ng isang pagkahabag ang puso, ay kusang nanaig ang tapat na hatol ng kaniyang sarili, at inaaring pawang kabulaanan ang sulat na kaniyang tinanggap. Sa matuligsang pagsisiyasat at pag-aalaala sa mga kaunaunahang araw ng pagkikilala nila ni Miguel hangang sa nangyari ang mahihigpit na damdaming ikinahalata niya ng marungis na pagibig, ay napagsurot sa gunita, at walang kinalabasan kundi ang matigas niyang hatol na di na dapat mabago, at ito'y ang lubos na pagpapakalayo ng loob sa isang lalaking halaghag na umibig. Si Miguel ay gulong-gulo, hindi matutuhan ang mabuting gawin upang makaniig si Nena; ang sulat niyang may ilan nang araw ay di sinasagot; minsan ma'y hindi napalaran sa daan, pagka't mula noo'y ayaw nang pumasok ng pananahi, anopa't lubos na lubos ang kadalamhatiang tinataglay sa puso ng ating binata na di magpatahimik sa kaniyang buhay. Palibhasa'y karaniwan nang sabihin na ang pag-big ay halos nakagagaw ng kababalaghan, ay isang katakatakang mangyari, na sa pamamagitan ng sari-saring paraa'y umabot sa makapakipag-usap si Miguel sa ali ni Nena at naisamo na boong pagluhog na makadalaw sa kanilang bahay na kung ano't hindi makuhang pahindi ng ali sa gayong malubay na pakikiusap. Tinanggap ng alini Nena, at ito nama'y sa kaningningan ng kaniyang asal ay di nagwalang bahala, tumupad sa matapat na udyok ng magandang ugali at nagbigay loob na nakiharap sa kanilang panaohin, datapuwa't di na ang dating matamis na pakikipanayam ang dala sa budhi, di na pakikiharap ng isang umiibig, kundi isang pakikibagay na dapat asalin sa pakikipagkapuwa tao. Ang mga anyong ito ni Nena'y namamasdan ni Miguel na pawang sumusugat sa kaniyang kaluluwa. Di na ang maligayang pakikiharap, di na ang mairog na mga bati, di na ang mahihiwagang sulyap na gaya ng dating madalas palibot-libutin sa kaniyang mukha ang ipinakita noon kundi isang tunay na hinhin, tunay na timpi at tunay na pagpapakamahal sa kaniyang sarili; kaya'y halos nangingilid ang luha ni Miguel na tumanong:

―Ano ang buhay mo Nena? ―Mabuti sa awa ng Dios, hindi lamang gaya ng dati. ―Natanggap mo ba ang sulat ko noong lingo? ―Oo't hangang ngayo'y aking tantakhan.

―Ang ano? ―Ang pagkasulat mo sa akin. ―Bakit? wala na ba akong karapatang sumulat sa iyo? ―Sa ganang akin ay wala na. ―At paano? ―Iya'y wala sa akin, huwag mo nang itanong. ―At sino ang tatanungin ko? ―Aywan ko sa iyo, sukat nang naipakilala kong ako'y di na dapat, tapus na sa akin ang pinagkilalanan tang araw. ―¡Nena! ―Huwag mo na akong tawagin mula ngayon at pinapawi ko; iya'y isang kapangahasan sa isang di na nakikipagpalagayang loob.

―¡Ay Nena! bakit ganito! ―Ang buntong hiningang iya'y di na dapat ngayon―tapus na, at ako'y iyong patawarin; iiwan na kita at may mahigpit akong kailangan. At biglang nagtindig si Nena, ngunit parang natigilan sa ganitong sabi: ―Isang tanong Nena, hintay ka sandali. ―Ano ang sasabihin ninyo sa akin? ―Tinatakhan ko, Nena, ang pamumupo mo sa akin ngayon, bakit ba ganyan ka? ―Huwag kayong magtaka at sa inyo'y di na ako napabibilang na inirog, tapus na ang lahat sa akin. Kung ano ang sasabihin

ninyo'y isang pagbibigay na lamang ang pagdingig ko ngayon, sabihin na ninyo. ―Paririto ako uli―ang nanginginig na sabing pahabol ni Miguel. ―Kayo ang bahala, ngunit sinasabi ko di ang di ko na muling pakikiharap―Paalam na ako sa inyo. ―Nena, utang na galang sa dangal mo, at inihahalik sa bakas ng yapak. Natigil uli si Nena at ang kasunod na tanong: ―Ano pa ang hangad ninyo sa akin?

―Tumunghay man lamang kung di na ako dapat sa dati mong pagirog. ―At anong kahulugan tumunghay kayo kung wala na akong loob na daratnan. ―Mahalaga kang lubha sa aking kaluluwa at sukat ang tumanaw sa iyo upang malunasan ang marami kong hirap. ―Mahalaga ako!.... ―Tunay, Nena. ―Salamat sa inyo, at iya'y huli na sa panahon, tapos na ang aking pag-asa. ―At anong dahilan? Sanhi baga sa aking naging sala ng di pagpansin sa sulat mo. ―Noong araw ay ibinilang kong yao'y pagkukulang ninyo sa akin, ngunit pinagsisisihan ko ngayon, pagka't di na ako dapat humanap ng loob sa inyo kailan man. ―At bakit? di ba ako'y inibig mo? ―Inibig ko kayo, tunay, datapuwa't walang kahulugan sa inyo ang maganda kong loob na pakita.

―Hindi, Nena, ikaw ang aking buhay. ―Salamat po, at naging totoo ma'y wala na sa akin ang gayong pagtuturing. Sinasarili ko na ang aking loob, tapos na ang pag-

asa ko at ang panahong dumaan sa aki'y parang hanging pinalipas ng mga pagkakataon. ―At di na pala ako makaaasa sa iyo ngayon? ―Sinabi ko na sa iyo, wala na sa akin. Ako'y paroroon na, paalam na sa inyo. At patuloy na pumasok si Nena sa silid na di pinakinggan ang anomang pangungusap ni Miguel. Naiwan ito sa lalong kahirapan ng loob at sa di maatim na kinasapita'y napaalam sa ali ni Nena at ang habang daa'y sinasabi sa sarili, ―taksil na babayi na di marunong magpahalaga sa panahon‖. Iyan ang kalaban ng mga sinabi ni Miguel sa sulat niya, at sa una pang pag-uusap nila ni Chayong na ating natanto sa pangkat na ika-4 ay nasabing si Nena'y isang babaying sukab, at ang ibig niyang ipawari ay tapat na pag-ibig ang kaniyang pinupuhunan kay Chayong, na pinilit agawin sa sinapupunan ni Narcisong pinsan din niya, at di pinakundanganan ng marungis na pag-iimbot ng masakim niyang puso. Ano kaya ang gagawin ngayon ni Miguel? tingnan natin. Si Chayong ay pinagbalakan niya ng masama dahil sa yamot sa magulang nito, samantalang si Narcisong kaniyang pinsan ay may malaking poot sa kaniya, ano kaya ang mangyayari? Ang panahon ang nakaaalam ng lahat. Tumiwasay tayo at hintin na lamang ang magiging hanga.

Kabanata XI: Isang pagkakataon
Salat na salat ang dibdib ni Miguel sa pagkakilala, na ang karangalan ng tao'y na sa asal at wala sa salapi, at kung natatabo niya ang ganito, ay nagpumilit dising magamot ang marawal na hilig ng kaniyang puso, at natuto man lamang gumalang sa damdamin ng iba o sa pagsasama nila sa Narcisong tunay niyang pinsan. Ang pagtitiwala ni Narciso ay gawa ng pagasang kapatid na mistula ang pagpapalagay sa kaniya at minsan ma'y di kumutog sa budhi ang bahagyang hinala sa gayong pagsusukab na siyang laging itinatangis ngayon. Si Chayong na pinaglagakan ng isang wagas at dalisay na pagibig ay namamalas ni Narciso sa sinapupunan ni Miguel, hindi malinis na pag-irog na gaya ng kaniyang pinuhunan, kundi isang marungis na pakikimundo, sa isang marawal na pagsunod sa maruming hilig at isang pagpaparaan lamang ng panahon. Walang pagkasiyahan ang pighati ni Narciso, hindi dahil sa nasayang na pag-ibig, pagka't ang anomang iniukol na niya kay Chayong ay di pinanghihinayangan, at sa anomang marating ng babaying ito'y iibigin din niya, ngunit ang nagpapalala ng damdaming yao'y ang lubos na pagmamasakit sa kataling kaniyang buhay at ang malaking hinanakit kay Miguel, na dapat sanang makatulong kay Chayong ng pag-iingat, sakaling napapanganib sa iba, ay isang kataksilan ang natutuhang iganti sa tapat niyang pagtitiwala. Punong-puno ng hirap ang loob ni Narciso at di mamakailang dinayo ng masamang akala sa paghihiganti kay Miguel sa gayong katampalasanan; datapuwa't hindi maamin. Tuwing bubungo sa isip ang pagmamahal niya kay Chayong na di mangyayaring pawiin sa loob, at yamang gayo'y dapat niyang pagpumilitan ang ikararating ni Miguel sa pagbibigay halaga ng puring kanyang sinira. Isang araw'y nakita ng ina ni Chayong si Narciso, at dahil sa talagang siya lamang ang napipisil sa lahat ng nangingibig sa kanyang anak, ay waring namamangha sa matagal na di pagkakita sa kanya at ang sunod-sunod na sinabi: ―Aba Sochong!; ngayon lamang kita nakita kumusta ka? . . . . hindi ka na napapasial sa bahay . . . nagkasakit ka ba?

―Hindi po naman,―ang tugon ni Narciso—at ako'y mayroon lamang mga kaabalahang idinaos. ―Ay ano, kumusta kaaa! ―Mabuti po naman.

―Halina sa bahay. ―Sa ibang araw na po ako dadalaw sa inyo, at may malaking kailangan akong parunan ngayon. ―How! sumama ka na nga at para mo na akong inihahatid –halina, nagpapakalayôlayô ka naman ngayon sa amin. ―Aba hindi po at kailan ma'y tumatalaga ako sa inyo sa lahat ng oras. ―Salamat Sochong –eh siya halina't ihatid mo ako. Sa mapiling anyaya ni Tia Belang (ito ang ngalan ng ina ni Chayong) ay nagbigay loob si Narciso at inihatid sa paguwi ang matanda, na ang dalang nababalot ay pinagpilitang makuha kahit tumatanggi at siya na ang nagbitbit hangang dumating ng bahay. Malayôlayô pa'y tumatawag na si Tia Belang kay Chayong, kaya't walang-wala sa loob na dumungaw ¡laking pagkaumid! . . . namasdang kasama si Narciso, iyang binatang una niyang inirog, iyang tumatangis sa kanyang karupukan, at nagmahal ng labis sa kanya, ¡laking kahihiyan! Pagdungaw na ito ni Chayong, ay agad nang sinabi ng ina: ―Abutin mo ang dala ni Sochong—at ang sinabi naman sa binatang kasama. ―Magtuloy ka na nga at aabutin ka ni Chayong sa hagdanan.

Samantala'y nagpaliwaliwa ang matanda sa bakuran nila at parang nagmamasid sa kaniyang mga pananim. Nang ibinibigay ni Narciso kay Chayong ang dala, ay halos hindi ito makatunghay, ibig magsalita ay parang nasususian ang mga labi at susukotsukot na inabot ang dala, ngunit parang iniakma ng pagkakataong

nahawakan niya ang kamay ni Narciso na anaki'y kapuwa sila pinapalaytayan ng mabilis na ―electricidad‖, at nagtuluyan sa lalong kaliit-liitang ugat ng kanilang mga puso na pagdaka'y nalaganapan sa sandaling yaon. Isang titig ni Narciso ang parang ipinako sa maligayang mukha ni Chayong, at pagkatapus ng pagaabuta'y nagtalikuran kapuwa na walang anomang sinabiang alin man sa kanila. Si Narciso'y talaga sanang aalis na, datapuwa't parang hinahadalangan ng salita ni Tia Belang na: ―Aba! saan ka paroroon? kasunod ang tawag sa anak. ―Chayong magluto ka nga ng minandal at nang makakain si Sochong at . . . ―Huwag na po—ang ipinahatid nito—at ako'y aalis na, marami pong salamat, busog pa po naman ako eh. ―Manhik ka, manhik ka, at huwag kang maraming salita. ―Huwag po, at ako'y gagabihin. ―Naku eh maano ka noon, natakot ka bang gabihin dito, tila naman ibang-iba na ngayon ang ipinamamasid mo sa amin ah. ―Wala pong anoman, huwag kayong magisip ng gayon at walang nababago sa aking loob.

―Kung walang anoman, ay pumanhik ka. ―Muling tumawag sa anak, at ang dugtong:―Magluto ka na agad. Si Narciso'y walang pamatasan sa matanda, kaya't ayaw-ayaw ma'y napilitang pahinuhod. Sa ganito'y hindi siya hiniwalayan, ipinakapilit na pumasok, at nang nauupo na'y kinausap ng boong giliw, anopa't isang kawalang loob na lamang ng may maipintas pa si Narciso sa gayong katamisan ng pagpapalagay sa kanya na walang ibang kahulugan sa matanda kundi ang pagpapakilala ng di lamang matiyak na tunay na pagkahirang sa kaniyang magandang ugali. Sa kanilang pagkakawilihan noo'y di rin nalilimutang isiningit ng matanda ang kanyang paninibago sa malaong di pagkaparoon ni Sochong at tuloy inusisa ang mga kadahilanan, ngunit walang ibang nagiging panagot si Narciso kundi ang malalaking abalang hindi magtulot sa kaniya; datapuwa't hindi

sukat ito upang masiyahan ang matanda, kaya't di napigilang sabihin ang tunay niyang kapalagayang loob at ang wika: ―Kung hindi ako namamali ay dahilan sa pagparito ni Miguel ang paninibago ng iyong loob. ―Hindi po, Tia Belang, ani Narciso, at di salamat kung ang pinsan ko'y magiging dapat sa inyo. ―Huwag ka namang magagalit Sochong, ang damdam ko baga sa pinsan mong iyon ay malaki pa sa katawan ang kapalaluan. Hindi nakasagot si Narciso sa katotohanang sinabing matanda, at sino ma'y gayon nang talaga ang dapat sabihin, danga't di maitatatuwa ang kanilang pagpipinsan. ―At iyan na nga, ang dugtong ng matanda, ang madalas kong sabihin kay Rosario, na hindi ko siya pinipigil sa pag-aasawa ay doon lamang sa may munting kabaitan kahit na pulubi, pagka't sa ganang aki'y walang kabuluhan ang pilak kung putik ang kalooban. ―Saan di nga po, ang tugon ni Narciso,―ngunit ang palad ng tao'y hindi natin matutulusan. Sangaano man ang hangad ninyong maipamili siya ng kakasamahin at di talagang kapalaran, ay wala tayong magagawa, at kung minsa'y pinili man nama'y sumasama rin kung magkataon. ―Paano't paano ma'y nakikilala sa kilos ang tao. ―Marami rin po naman ang nagbabalatkayô.

―Tunay na nga, ngunit yao'y madaling mapansin. Magsasalita pa sana si Narciso'y di na natuloy sa pagtindig ni Tia Belang at ang sabi: ―Diyan ka nga muna sandali, Sochong, nalilibang pala nang kasasalita. At nagpatuloy na lumabas sa pag-uusisa kay Chayong na nagkakakahog ng paghahanda ng kanilang kakanin.

Kabanata XII: Ang kamahalan ng ugali ni Narciso at ang panghihinayang ni Chayong sa kaniya
Sa isang mesang bilog ay may tatlong tasang café na waring bagong hango at kumukulô pa halos, ayon sa asong nagsisipaibabaw na doo'y namamalas. Sa gitna ng mesa'y tatlong pinggang panay na puti ang nalalamnan ng tinapay, bibingka at puto na sadyang pinag-ayos na inihanda ni Chayong kay Narciso, at nang malabasan ni Tia Belang na nagagayak na'y muling pumasok at ang wika sa panauhin: ―Sochong, halina at tayo'y magmirindal. ―Hindi na po sana kayo nahilahil kung di ako. . . . Huwag ka na ngang marami pang sabi,―ang ipinatid ng matanda―halina at pagbigyang loob mo ang pagkakakahog ni Chayong. Nagtindig si Narciso, at magkakasabay na napatungo sa labas, datapwa't nang maguupuan na'y tila nauumid makiharap ang ating binibini at sa batalan napatungo, kaya't ang wika ng ina: ―Ano ka, Rosario? Saan ka pa paroroon? ―Sulong na po kayo, at sasabunin ko pa itong mga vaso. ―Upo na Sochong, at aabot na siya sa atin, ang wika ng matanda. Ang mapagbigay loob na binata'y lumuklok, kasiping ng matanda, at sinimulan ang pagkain, samantalang si Chayong ay kukutikuti sa batalan at hindi makapasok, ano pa't halos matatapos na ang pagkakainan ay kasalukuyang pang pinaninipis niya ang mga vasong linilinis. ―Napakatagal ka naman Rosario, ang wika ng ina, at hindi ka na natapos, parinika na nga at malinis na yan.

―Narian na po. ―Parinika na, ngayon mo pa isinabay iyang pagpapairi-irimo ¡parinika!

Pumasok si Chayong, ngunit nang pinadudulog ng ina'y dinahilan naman ang pagsisilid ng tubig, at di makapakiimpok sa gayong harapan. ―Maupo ka na, anang matanda, at ako ang maglalagay ng tubig. Ano pa't hindi tumugot ang ina hangang dinaluklok sa pagmimirindalan ang anak, na waring siyang ipinagpiging kay Narciso; datapuwa't si Chayong na napipilita'y uulik-ulik na di maalaman ang gagawin, kaya't nang mapansin ito, ng binata'y nagtindig, kasabay ang wikang: ―Marami pong salamat at pinakinabangan ko ang masarap ninyong anyaya. ―Aba! At ayaw ka na ba naman? Ang wika ng ina―hindi ka man nakakain ah. ―Busog na busog na po ako―ang sagot ng binata―at siya nang napatungo sa lalagyan ng tubig; ngunit nang mamasdan ni Chayong, ay kung ano't waring nahabag sa anyo at nakipag-agawang siyang magsilid ng tubig sa vaso, at inialay sa binata; datapuwa't nang inaabot nito'y nagkasabay ang dalawang himutok na nagsipulas sa kanilang mga labì. Ang matanda na kumakain pa noon ay nagsalita sa anak: ―Hindi ka na rin lamang sumalo sa amin, ay mamaya ka na kumain, kumuha ka ng cigarrillo at bigyan mo si Sochong,―at ang idinugtong pa:

―Alumanahin mo ako Sochong, at may kaluwatan akong kumain, dahil sa aking bagang. ―Huwag po kayong mag-alaala ng anoman. ―Pumasok ka na, at matatagalan ka ng paghihintay sa akin. Kahit umaayaw si Narciso, ay pinakapilitpilit ng matanda hangang sa sumunod, at naiwan siyang iisa-isa sa dulang. Ano kaya ang palagay ng ina ni Chayong sa ganito, ay talastas niyang nag-iisa ang kaniyang anak sa loob? Binibigyan daan kaya ang mahalay na iisipin ni Narciso? ¡hindi! Pagka't ang kabaitan ng binatang ito'y labis niyang kilala, at dahilan doo'y

malaking-malaki ang pagkahilig ng loob na maging asawa ng kaniyang anak. Pagpasok ni Narciso'y d'natnang nagsisindí pa niyan,―ang wika ng binata ―Ngayon ko ba lamang ginawa sa iyo ito? ―Salamat, Chayong, kung hanga ngayo'y may natitira pang loob ka sa akin. ―Kung iniaalís mo'y di wala na nga. ―Hindi ako, Chayong, ang dapat panggalingan, kailan ma'y mahalaga ka sa aking loob, ngunit wala akong palad.

―Ako ang walang palad sa pagmamahal mo―ang malumbay na sagot ni Chayong―Ako ang sa iyo'y nagkulang, ¡patawarin mo ako! At alang-alang sa itiningin mo sa aki'y huwag mo na akong. . . . Sunod-sunod na patak ng luha ang nag-uunahang namalisbis sa mga burok ng pisngi ni Chayong, malalalim na buntong hininga ang di napigilang timpiin sa sandaling ito at Narciso'y gulong-gulo naman ng paglibang sa kaniya, hangang sa tinuruan ng mga paraang dapat gawin kay Miguel upang mapilitang ibangon ang kaniyang puring sinira, at ang wakas na sabi: ―Asahan mo Chayong na pagsusumakitan ko ang iyong ikatatanghal, at kung di ka niya aariin, ay ituring mong ipaghihiganti ko magpakailan man ang iyong pagkapanganyaya. Mapamayamaya'y nasok ang matanda, na kaya pala naluwatan sa labas, ay siya nang nagligpit ng kanilang kinanan, at pagkaraan ng sandaling paguusapusap, ay nagpaalam si Narciso, bagay na dinamdam ni Chayong, pagka't waring di ibig na malayo sa binatang lalong naging mahalaga at lalong dumakila sa kaniyang puso ang di matutumbasang katapatang loob at pagmamahal sa kaniya, ¡danga't siya ang nagkulang! Di rin nakatiis si Chayong, at nang ihatid si Narciso sa hagdana'y nagsalita: ―Dinaramdam ko ang pag-alis mo, Sochong, ngunit siya mong loob ang ako'y lisanin.

―Chayong, ako ma'y nagdaramdam din at di kita ibig iwan, ay wala akong magawa; kailangang ako'y umalis at nang di na mahalata ni Miguel ang aking pagkaparito. ―Kailan ka babalik? ―Bahala na, Chayong, adios! ―Adios, Sochong.

Naiwan si Chayong na tigib kalungkutan, at kung dapat mang ikagalak ang matatamis na alo at matatapat na payo nang umalis ay lalong nagpapaalala ng kaniyang mga damdamin kung magunitang si Narciso'y di na kaniya sa pag-ibig, at magpakalakilaking gagawing pagtingin sa kaniya ay pagtinging kapatid na lamang ang dapat gamitin, di na pagtingin ng isang umiirog, di na pagtinging mahiwaga na paris ng dati, di na ang mapagpalayaw na ugali na nakabubusog sa kaniyang kaluluwa ¡kahinahinayang na pag-ibig ang nawala kay Chayong!

Kabanata XIII: Si Narciso at si Neneng
Samantalang ipinaghihinagpis ni Chayong ang malaking panghihinayang kay Narciso at ang ipinagdaramdam na pag-alis nito nang hapong yaon, ay saglit nating sabihin ang nangyari sa paglakad ng binata nang manggaling doon at ang mga sanhi ng bilang nakagamot sa kanilang mga puso upang matulig sa ang boong naging hanga ng ating sinasaliksik na buhay. Si Narciso'y haos walang bahala sa paglakad niya, lito ang isip sa paggugunita ng mga araw na lumipas at waring napukaw sa kanilang pagkikita ni Chayong; datapuwa't ang mga araw na yao'y natapus, at walang inilagak sa kaniyang alala kundi ang mga gunitang humahapis na paraparang nagsusurot ng kaniyang malinaw na pagkaapi at ng mapapait na hinagap sa di mapagkurong daratnin ng babaying kaniyang inirog. Minahal niya si Chayong na katulad ng buhay, at dahil doo'y isa nang gumugulo sa kaniyang loob ang nakalulunos na kinaratnan sa marungis na pagkalulong kay Miguel. ....Hindi mangyayari... ang nawika sa loob –hindi mangyayaring mapagayon lamang si Chayong, hindi.... pakapipilitin kong igalang ni Miguel ang kaniyang pagkababayi hangang sa tanghalin ang kanilang pag-iisang palad, ¡ah malaking bagay sa akin si Chayong! Dapat kong itangkaka ang kaniyang pagkaapi, gugugulin ang boo kong kaya alang-alang sa siya'y minahal ko at nagmahal din sa akin kahit iilang araw. Sa ganitong pagduduklayduklay ng isip ni Narciso na parang naanod sa paglakad, ay nagipit ng isang karromatang nagtutulin sa pagtakbo, at sa biglang pagtiplad niya'y isang binibining pasalubong ang muntik nang mabanga sa kaniya at dahil sa kabiglaana'y natigil na anakinamamangha. ―Sino ito? Ang wika sa loob ni Narciso – sinong dilag itong umagaw ng aking pangdamdam?―at pagdaka'y nagsalita sa binibini. ―Ako'y inyong patawarin! Ang dalaga'y hindi nakakibo at sukat na ang isang ngiting ipinamasid kay Narciso, ngiting pagpapatawad na anaki'y biglang nagkintal sa kaniyang puso ng matamis na hiwaga; datapuwa't sa malaking kahihiyan yata ni Narciso'y wala nang anomang nasabi, at nagpatuloy ng paglakad na daladala sa loob ang bagong himalang kaniyang napagmasdan.

Ang binibining ito'y di iba't si Neneng at dating kilala ni Narciso, ngunit di niya napanghasang batiin kailan man sa malaking pangingimi, ay kung ano't ibang iba ang naramdaman ng ating binata nang hapong yaon, na kahit babahagya'y naihinging tawad man lamang ang kaniyang pagkalito, at sa matamis na ngiting ipinakita, ay waring nagpahiwatig naman ng isang magiliw na pagpapatawad, ano pa't ang puso ni Narcisong punong puno ng ligamgam sa kagugunita kay Chayong, ay kusang nahalinhan ng maaalindog na hiwaga na pawang nagsisipag-alay ng mababagong suob na sa kaniya'y bumibihag nito ang mabisang aliw ng nagpipighating puso ni Narciso! At yamang payapa na siya sa gayong nangyayari ay bahaginan naman natin ang pagdadalamhati ni Chayong na kaniyang iniwan. Halos di pa nalalayo noon ang ating binata nang sila'y maghiwalay, at tumangap si Chayong ng isang kalatas ni Miguel at nang matalastas natin ang nakalulugod na sulat ay antabayanan ang kaniyang pagbasa at ipatnubay si Neneng sa kaniyang nakaliligayang paglalakad. Malayo na ay lilingonlingon pa kay Narciso, at waribagang may bagong damdaming inilagak sa kaniyang puso ang muntik nang pagkakabangaan nila noon, kaya't ang balutang kipkip ay halos malalaglag na ng mapansin, dahil sa madalas na kaniyang paglingon.

Ang balutang dala ni Neneng ay mga damit ni Chayong na ipinatahisa kaniya, at noo'y siyang ihahatid. Samantalang lumalakad ito, ay bigyang panahon ang pagbasa ni Chayong ng sulat ni Miguel na noo'y katatangap lamang. Ganito ang sabi: ―Chayong: natatalastas ko ang labis mong pagdaramdam ng dahil kay Nena; datapuwa't sa katapatang loob na aking inilalaan sa masasarap mong pagtingin sa akin na nakabubusog sa boo kong kaluluwa,ay pinagpilitang iwaksiang mga bagay na magiging sabid ng ating tunay na pagkaksundo‖. ― Pinahigit kita sa lahat nang bagay na lalong mahal sa aking loob, at yamang gayo'y dapat kong ilagan ang balang daramdamin mo sa akin‖.

― Ibinabalita ko sa iyo ngayon, na si Nena ay akin nang linisan: ipinakilala ko sa kaniya na ako'y walang dalawang puso, at ang nag-iisa isang na sa akin ay maluwat nang inilalaan sa iyo‖. ―Wala ka nang dapat ipaghinagap sa akin, Chayong, sarili mo ang aking puso, ang aking buhay at ang aking kaluluwang tumatangap ng kasarap-sarapang pagmamahal mo nakailan ma'y ipagmamalaking sa iyo'y umaasang aking kapalaran, tanging pinakahihiling ko sa iyo na pakapiliting mong unti-unting mapawiang poot sa akin ng iyong makapanhik, yamang sa kanila'y di ko ikinakanlong kailan man ang sa iyo'y tapat kong pag-irog‖. ―Hangang dito Chayong at tangapin mo an mula sa pusong matamis na bati nitong nagmamahal mong si...Miguel‖. ―Tunay kaya – ang nawika ni Chayong – itong mahihiwagang pangungusap ni Miguel? Si Nena kaya'y lubos na nga niyang tinalikdan dahil sa aking pagsasapantaha ¡oh kung ito'y totoo ay dapat na akong maniig ng pag-asa sa kaniya. Muling binasa ang sulat; ngunit hindi na natapus ang ikatlo at naringig ang ganitong tawag ng ina:

―Chayong! ¡¡Chayong!! narini si Neneng. ―Pumasok ka nga –ang dugtong ng Tia Belang sa bagong dating. Nagtuloy naman ito at dinatnan pa niyang hinahagod-hagod ni Chayong ang tapat ng dibdib na pinaghulugan ng sulat na hawak. ―Komusta ka Chayong – ang bati ni Neneng. ―Mabuti, ikaw ba naman? ―Ganito, walang tigil ng katatahi. ―Ganiyan nga at iyan ang ikatitipon mo ng maraming pilak, maupo ka. ―Huwag na at ako'y gagabihin sa daan – ang tugon ni Neneng – o tingnan mo nga itong ipinaglalagay kong bies sa gilid ng mga puntas kung maiibigan mo – at ipinakita ang mga kamisong dala. ―Iyan!―ang tila pasigaw na sinabi ni Chayong – iyan ang hinahanap kong kinis ng tahi; iba nga naman ang malinis

maglapat, walang makikitang himulmol sa mga gilid.. aywan nga ba at kung ako'y lalaki ay liligawan na kita tuloy. ―Ah pilla!―ang tumatawang sagot ni Neneng, at kinurot ng marahan si Chayong.

―Oo, tunay, kung ako nga'y lalaki eh... ―Matuos mo nga ba – ang ipinatid ni Neneng na tumatawa – na ngayo'y muntik nang mabanga sa akin si Sochong. ―Sinong Sochong? ―Naku! Kunwaripa'y nagmamanga-mangahan ka ah! Si Sochong mo! ―Ah!―at bakit? ―Mangyari eh, lumalakad siyang tila walang malay, ay nagipit ng isang karromatang tumatakbo at sa pagilag ay sa akin napaganda. ―Maano na lamang na lumigaw sa iyo si Sochong. ―Magpahinga ka nga, ibig mo lamang yatang manibugho eh. ―Hindi, Neneng, hindi at si Sochong ay parang tunay ko nang kapatid ngayon. ―Sinungaling.

―Tunay, maniwala ka, at dahil sa pagmamahal ko kay Sochong, ay ibig kong makakita siya ng isang gaya mo. Hindi na kumibo si Neneng, at lalo manding gumiit sa loob ang mga hiwagang naramdaman niya sa kanilang pagkakasalubong. Tinapus ang salitaan ng dalawa sa takot na dilimin ang naghatid ng tabi, at noon di'y nagpaalaman ng boong pagkaktuwa, ngunit di malimutan ni Neneng ang mga aglahi ni Chayong nalalong ikinagagalak ng kaniyang puso.

Kabanata XIV: Isang sulat na galing sa lalawigan
Ang katahimikan ng mag-alini Nena dahil sa pagkalayo ng loob nito kay Miguel; ang magigiliw na pagmamahal ng ali sa kaniya na lumalo sa dati at ang malumanay na pagtupad naman ni Nena ng mabuting pagmamagulang na totoong ikinagagalak, at dahil doo'y namamalagi sa di masayod na kapayapaan ang kanilang pagsasama, walang anoano'y dinatnan ng lagim sa pagtanggap ng isang nagluluksang sulat liham na ang balang talata'y naghahandog sa kanilang mga puso ng isang mahayap na sakit, at bagaman kalumbaylumbay ang sulat na ito, ay ating pakinggan ang kanilang pagbasa ng doo'y napapalaman. Ganito ang sabi: G. Alejandra Maglinaw. ―Estimada Anday: igayak ang iyong puso ng pakikiayon sa kalooban ng Langit, at yamang hindi natin taho ang kaniyang mahahalagang lihim, ay kailangang ipagpasalamat ang anomang kahirapang sa ati'y nangyayari‖. ―Dinaramdam ko ang balitaan ka ng ipaghihirap ng loob, datapuwa't di nangyaring ipaglihim kaya tiisin mong aking ipahayag na namatay si Andoy kahapon nang umaga sa sakit na lumalakad, at kinagabiha'y sa Beatriz naman ang sumunod, sa gayon ding sakin‖. ―Si Andoy ninyo at mga kasangkapang nangaroon ay di pinababayaan ni Deogracias. Ang inyong mga kalabaw ay narini sa akin at ako ang kumakalinga na di mo naman dapat panimdimin at p'napastulan maghapon ng isa kong alilang lalaki. ―Ang iba pang mga bagay ay di ko na iuulat ngayon, pagka't umaasa akong uuwikayo rini ni Nena, ay saka na tayo mag-usap ng boong kalagayan at nang marapat nating gawin sa mga araw na hinaharap. ―Ito na lamang at tanggapin ninyo ang aking bendicion na iginagawad pagdating nang oras―Gregorio Magpayo. ____________ Halos di nautas ang pagbasa ni aling Anday at sa malaking pagdadalamhati ay nalugmok na lamang sa pagkaupo, kaya't

dinaluhan ng ilang mga kalapit sa pook ng kanilang pinamamahayan.

Hindi huli ang pagdaramdam ni Nena sa ganitong kapanglawpanglaw na balita, una'y ang Andoy na binanggit sa sulat na asawa ng kaniyang ali ay katulong din naman ng pagkakalinga sa kaniya buhat sa musmos at si Beatriz ay isa sa mga nagmamahal niyang pinsan na paring danaip lamang ang kamatayan sa pagkauwi roon, at ang di mailagang pagalis niya saMaynila na ipagkakahiwalay nila ni Neneng na kaniyang kaibigan ay pawang nagtutulong-tulong ng pagpapahirap sa kaniyang loob nang mga oras na yaon. Palibhasa'y agad kumalat sa pook ang ganitong kadalamhatian nila sa pag-gibik ng ilan sa hinimatay niyang ali, ay agad nakarating kay Neneng ang balita, at nagmadali naman itong dumalo sa kaibigang nagpipighati, upang makatulong man lamang na ikalibang ang kaniyang pagparoon, datapuwa't hindi siyang nangyari, pagka't malayo pa'y sinalubong na ni Nena ng malulungkot na bati at lubhang nagsisipulas na halos kaniyang pinaibayuhan. Nang mahimasmasan ang ali, ay tinawag na naghihimutok ang pamangkin niyang si Nena, ipinagayak ang kanilang mga damit at noon di'y nayari ang takdang kinabukasa'y magsisiuwi, gayon ding pinagkaisahan, na ang mga kasangkapan nilang hindi maisasabay sa gayong mabiglang paglakad, ay ihabilin na muna sa bahay nila Neneng, at kung may buhay pa'y magbalik uli o ipakuha na lamang, sakaling di na maibigan ang muling manirahan sa Maynila.―Di yata't hindi na kayo magbabalik? Ang tanong ni Neneng sa kaibigan.―Bakit hindi, malapit sa ako na lamang, ang tugon ni Nena.―Iyan ay malayo, pagka't di ka papayagan ng nanang mong mag-isang manirahan dito.―Bakit hindi, ang paklinialing Anday, kung patitirahin mo siya sa inyong bahay.―Aba opo, di salamat kung si Nena'y mapipisan sa akin at ipagkakatiwala ninyo. ―Kung sa iyo Neneng ay lubos kong ipinagkakatiwala siya, aywan ko lamang kung mamagalingin ng koyang mo ang inyo siyang makapisan.―Si koyang po'y di ninyo dapat alalahanin, at bukod sa kilala na ninyong parang tubig niyang kalooban, ay di makapahihindi sa aking pag matutungkol din lamang kay Nena, at di po ba noon pang araw ibig niyang matira kayo roon, hindi lamang ninyo maibigan at dahil sa kalikutan ng mga pamangkin ko,

ay kung si Nena nama'y talagang bantad na sa mga batang iyan, at ang isa pa'y gabi na lamang nang aming pagkauwi; ay bakit po naman, talaga bang wala na kayong nasang magbalik dito sa Maynila?―Paano baga ang gagawin ko, paris niyang patay na si Andoy, wala namang dapat tumingin sa aming kaunting pagkabuhay sa bukid.―Marahil po'y si Nena man ay di na mababalik dito kung ganoon.―Bakit hindi, paris niyang naratihan na siya sa masayang buhay rito sa Maynila ay mahirap mawili roon sa amin, alam mo nang ang buhay sa lalawigan ay malungkot, at ang isa pa'y saan ba siya makakikita ng kualta roong paris dito. Hindi na nakapagtagal ng pagsasalita si aling Anday, at muli na namang nagunita ang asawang parang pinagnakaw sa kaniyang mga mata, at anaki'y batis na bumubukal ang mapapait na luhang di mapigilpigil. Ang magkaibiga'y may bahagyang aliw sa pagtutulot noon pa ng pagbalig ni Nena dito sa Maynila, ngunit nang kinabukasang paalis na sila'y bagong pagdaramdam ang sumalakay sa kanilang mga loob sa pangambang baka mag-ibang akala ang ali, ay di na sila muling magkita, ngunit sa anoma'y sukat na lamang ang sila'y magsipagtiis sa di maiilagang pilit na pagkakalayo. Umalis ang mag-ali at naiwang namamanglaw si Neneng na di pa natin maalaman ang kanikanilang magiging wakas.

Kabanata XV: Mga hinagap ng pag-irog at ang pagsusulatan ni Chayong at ni Miguel
Wala na si Nena at malumbay si Neneng dahil sa kaniyang pagalis. Si Narciso'y punongpuno ng mga hinagap na pawang nag-aalay ng mababangong suob sa kaniyang puso. Sa pagdidilidili ng binata'y panay na lugod ang naramdaman, panay na pangarap sa maligayang panahong darating ang anaki'y nag-aakayat sa kaniya sa taluktok ng isang kaaya-ayang kapalaran. ―Si Neneng, ang wika sa sarili, si Neneng ay maganda, mabait at mahinhing kilos niya'y nababasa ko sa mayamang landas ng pagkapaanyo.―Kay Neneng naroon ang katahimikan ng aking loob, siya ang matamis ng kahulugan ng aking mga pangarap, siya ang tunay na susi ng marangal kong lihim, siya ang ligaya, siya ang Langit. Ah! Siya ang magiging anghel ng aking pamamahay, siya ang dangal ko, siya ang pag-asa at siya ang kaluluwa ng aking katauhan. Ang matamis na ngiti ni Neneng ay siyang bumunot ng mga tinik na nagtimo sa aking puso, at mula sa hapong pagkakasalubong namin ay ako'y naging mapalad; iniibig ko si Neneng at kailan ma'y iibigin, datapwa't paano ang gagawin ko? dapat kaya akong magsadya sa kaniyang bahay? sulatan ko kaya? ay sino naman ang magbibigay ng sulat ko sa kaniya? ito ang mahirap! Sandaling natigilan si Narciso nang di maalaman ang gagawin, ngunit pagkaraan ng ilang sandali, ay bilang nasabi: ―May isang paraan. Susuyuin ko ang kaniyang kapatid ang pagsasama namin ay magiging dahilan nang pagpanhik ko sa kanilang bahay at kung magkapanaho'y ipahahayag ko kay Neneng ang sa kaniya'y tapat kong pag-ibig; bubuksan ko ang aking puso at anong tamis ng aking palad kung matalastas niya ang katapatan kong loob. Nagtatalik sa mga pangarap si Narciso at tila waring nakikita ang isang mahalagang palad. ***

Si Neneng ay malungkot sa pagalis ni Nena at ito nama'y di pa dumarating sa parooona'y halos ibig nang magbalik ano pa't kapuwa nalulunos ang umalis gayon din ang naiwan. Sa kanikanilang gunita'y wala nang anomang makagagamot kungdi ang muling pagkikita at magsamang gaya ng dati, datapwa't hindi nakukurong may masayang lihim na naghinintay sa kanila na kaipal'y pahihigtin sa lalong malaking bagay. Hintin nating ang panahon at si Miguel ang pag-ukulan ng bahagyang alaala sa ating pagsasalita upang maitaos ang tinutungong hanga ng kanilang mga kinaratnan.

Kinabukasan ng kaniyang pagsulat kay Chayong ay dumating naman ang sagot nito, at bagaman di lubhang hinihintay, pagka't may tangkang paroon kahit anong mangyari,ay ikinagalak din ang gayong pag tanggap sa pananakaling baka ito ang pahintulot ng mga magulang no Chayong na siya'y malayang makapagsadya sa bahay, kaya't binuksang dalidali't at binasa ang ganitong saad: "Miguel sa kalakhan ng aking lugod sa sulat mo, na di nasiyahan sa makaitlong pagbasa, ay nahuli tuloy sa akin ni tatang pagdating kagabi na di ko nakuhang ipaglihim ang kanitang kalagayan, kaya't nahirapan ako makalimot sa iyo, ay maraming hirap ang aking mapagsasapit sa kaniya, ngunit naging tadhana ko sa loob na mamatay na muna bago ka iwaksi sa aking puso, ano baga Miguel ang minamagaling mong ating gawin? iya'y na sa iyo na ngayon; sa anomang loob mo'y maasahan ang aking pagsunod." "Hangad dito Miguel at bintay ang bala mong pasiya nitong nagmamahal sa iyong si―Chayong. Pagkatanto ni Miguel ng sulat na ito'y waring nagbaga ang loob sa malaking habag kay Chayong sa ginawa ng ama, hangang sa naisip na sila'y magtanan upang malayo sa gayong mabangis na pagsunod, datapwa't naalaala ang kabataan ni Chayong na kung kaniyang itanan ay masasawi sa matapat na hatol ng matuwid. ―Ano kaya ang mabuti?―ang wika, at saka natigilan sandali. Matapus isipin ang gagawing magaling, ay sumulat ng ganito:

"Chayong: labis ang aking pagdaramdam na idinaramay sa iyo; ngunit wala akong magawa kundi ang pag pagpayuhan ka ng dapat mong gawin." "Mula ngayo'y di na ako sasagila man lamang diyan sa inyo; kapuwa tayo mga magulang na lumimot ka na sa akin; datapuwa't pakatandaan mong sa unang araw ng Noviembreng darating ay aalis tayong dalawa; igayak mo ang iyong mga damit at hatinggabing malalim ng tinurang araw ay kukunin kita upang malayo sa mga magulang mong napopoot sa ating pagkakasundo, at samantalang di pa dumarating ang taning kong araw sa iyo ay ariin mong libang ang pag-asa sa tunay na pag-ibig ng nagmamahal at umiirog ng tapat sa iyong si―Miguel." Walang pinalibang oras ang binata at noon di'y ipinadala kay Chayong ang sulat pagkayari, at natutuwa namang binasa nito kasabay ang nagagalak na pakikiayon na walang ibang makakagawa kundi ang mga anak na tampalasang gaya niya. Tingnan natin ang kanyang gagawin.

Kabanata XVI: Ang pagdating ni Nena sa kanilang bayan
Sa isang umpukan ng mga binatang kababayan ni Nena, nang hapong kinabukasan ng kaniyang pagdating, ay namutawing sinambit ng isang kaharap. ―Hindi ko akalaing mauwi pa si Nena rito sa atin, pagka't ang balita ko'y mag-aasawa na sa Maynila, at ang isa pa'y malakas, di umano, ang pagkita ng kualta roon sa pananahi.―Kung minsan naman,―ang sagot ng isa –ay marami sa namamalita ang di pa ipinaglilihi ay ipinaganganak pa, at ang pagkaalam ko'y kung may lumiligaw man doon ay hindi makapanhik at nangingilag kay aling Angay, kaya huwag kang magpapaniwala niyan. ―Ayan!!..ito palang taong ito,―ang tutol ng kausap ―Kaya na ba lamang maiibig eh, sasabihin mong hindi makapanhik at na iilang kay aling Anday; kapag ang may katawan ang nagkagusto eh, siya na ang ingat-ingat nila. ―Oo na nga, ay di mo ba naman alam na si Nena'y isang babaying matimpi. ―Ano pa bang timpiang sasabihin mo, may timpipa ba sa naiibigan? ―Nagtindig na bigla ang kausap, at ang tila pagalit na sabi: ―Pinagpaparis-paris mo ang lahat ah, kundangan eh, naratihan kang lumigaw sa mga babaying makiri, kaya ka ganyan. ―Alin?...ako? ¡¡huy!!.... ―Anong huy?...ikaw nga, tila hindi ko kilala ang mga linalipitan mo, kung di pa...

―Kung di pa ano? Ituloy mo at nang maintindihan ko, ituloy mo, at pagdaka'y tumindig namang ibig waring saklutin ang kausap, ngunit isa sa mga kinaaaliang-alanganang, at ang sabi: ―Sa mag-asawa, sa hindi, at sa anoman, ay di ninyo dapat ipagkagalitan iyan, at ang masasabiko'y...

―Mangyari–ang ipinutol ng huling nagtindig –bakit niya sasabihing panay na makiri ang linalapitan kong babayi? ―Ugali na iyon ng salita; para ganoon lamang eh, magagalit ka na. Akmang sasabad pa sana ang nagagalit ay inakbay na ng nagpapayo at pinaglayo silang dalawa, samantalang ang isa sa mga binatang naroong kaharap, ay di kumikibo, ngunit may malaking panghihinba mayroon nang katipan si Nena sa Maynila. Natapus ang umpukang muntinang maging sanhing pagkakagalit ng dalawa katao, at naghiwa-hiwalay silang lahat, ngunit ang binatang nanghihinuha ay hindi matahimik sa gayong balita at nagtangkang alamin sa pamamagitan ng mga palipadsabing datiniyang ginagamit kay Nena nang mga nakaraang araw. Ang binatang ito'y si Deogracias, na kung naaalaala ng nagsisibasa'y siyang naging tanod bahay ni Aling Anday na binanggit sa sulat na tinanggap nito dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Si Deogaracias ay isa sa mga pamangkin ng namatay, na buhat pa sa kamusmusa'y inarugang kasama ni Nena sa kanilang bahay, at kung kaya natiwalag na may ilang panahon, ay sanhi lamang sa di maiwasang pakikihalo sa panghihimagsik nang panahon ng kastila. Nang mga musmos pa si Nena at si Deogracias at di naghihiwalay sa paglalaro, at palibhasa'y kapuwa sila ulila, ay walang nagisnang magulang kundi ang mag-asawang Anday, at dahil sa hindi nagbubunga ang pag-ibig na kanilang pinagsasamahan, ay mga tunay na anak ang pagpapalagay sa dalawang ito, kaya't ang anomang kanin ni Deogracias ay siya ring kinakain ni Nena, at maging sa pananamit ay lagi na silang magkaputol kung ibili, ano pa't iisang ugaliang kanilang kinagisnan; sa iisang bahay lumaki, sa iisang dulang kumain at sa iisang pagkukupkop ay doon sila namihasa. Nang sila'y magagkaisip, ay nagkakilalang walang anomang pagkakamaganak na namamgitan sa kanila, ngunit ang pagmamahalang katutubo sa loob au katulas ng isang halamang nalalao'y lumalago at naguugat na di na maaaring malipol. Nangauwisila sa Maynila at ang madalas ay magkasama sa lahat ng lakad halos, kaya't hindi malayong may ilan ding tinubuan ng paghihinala sa napakatamis sa kanilang pagsasama. Ang di manilagang pangangasiwa sa munting ari-arian at bukid na sinasaka ay siyang madalas na ikinauuwi, ni Deogracias na kasama ng kaniyang amain hangang sa nanatiling naiwan sa kanilang bayan, bagay na di niya ikatahimik, pagka't ang palagay ng binata'y isa siyang tapon lamang kailan ma't malayo sa piling

ni Nena, gaanong pagdaramdam ang dapat magpasakit sa kaniyang loob sa balitang mag-aasawa na si Nena sa Maynila, kung ang minsan-minsang pagkakalayo nila'y di na niya maatim? ¡ah! Malaking-malaki ang lungkot ni Deogracias noon na di mangyayaring hindi kita ng panahon ang kanilang ipagkakaniig. Mahihinuha na marahil ng mga bumabasang irog na si Nena'y hindi isang kahit sino kay Deogracias, kundi isang babaying pinagbabatayan ng mahahalaga niyang haka; ng mga dakilang tungo ng loob na dapat ipanghinayang, kaya't mula na sa sandaling ito'y saris-aring agam-agam ang nagpapahirap sa sarili at munti ma'y di matiwasa'y sa masungit na balitang tunay na kamandag sa kaniyang kaluluwa. Maraming sandali na nag-aagawan sa kaniyang puso ang kung minsa'y na pagkapoot, kung minsa'y hinayang kay Nena at kung minsa'y isang pag-iring, ano pa't sa pagkakatalotalo ng gayong mga gunita'y naging parang pahat na walang tuos ang anomang gawin, anomang ikilos at anomang maisip na anaki'y nililito ng isang magulang katotohanan.―Ako ang may kasalanan ang wika, pagka't kung ipinahiwatig nang nagdaang araw kay Nena ang maganda kong nasa ay di na sana tumangap ng ibang loob at di naman ako nahuli sa lalaking nagkapalad ng kaniyang paggiliw at paano ako ngayon? Mangyayari pa kayang mabawi ang kaniyang pagtingin kung may katunayan ang gayong balita? Hindi na!...datapuwa't aalamin kong pilit ang bagay na ito; hindi ako tutugon at sa anomang paraa'y pakapipiliting magkausap kami, ipakikilala ang aking loob sa kaniya at yao'y sukat na sa akin. Sa hangang dito naihinto ang tangka ni Deogracias na naging pang-libang sa kaniyang mga damdamin at walang pinaraang sandalina di tinungkol sa paghihintay ng kanilang ipagkakausap.

Kabanata XVII: Maupo ka rini, halika...
Isang gabing sakbibi ng lungkot si Nena sa di malimut limutang pagkakalayo nila ni Neneng, ay hindi siya makatulog at kung anoanong hinagap ang nag-aagawang gumiit sa loob. Pipihit-pihit sa banig ang ating dalaga, na kung mahapo sa pagaantok ay minsang magulantang at sa sandasandaling pagkalimot ay lagi nang nagigikla na anaki'y ginugulat ng malalaking bagay na sa kaniya'y mangyayari. Sa di kawasa'y nagbangon, lumabas sa batalan, at pagkatapus ng isang kailangang idinaos, ay nagtindig na kasabay ang malalim na parang humahanap ng ika-lilibang, ngunit laló man ding lungkot ang iniaa'ay ng gabing yaon sa kaniya. Nangangapal ang Langit sa maitim na ulap at panganoring nakatatakip, malamlam na malamlam ang sikat ng buwan at ibig pang umulan mandin. Naupo si Nena ng anyong mangawit at dito na lamang nahinto na anaki baga'y matutuklasan doon ang libang na pinaghahanap ng loob. Si Deogracias na nanunubok pala, sa tangkang kumita ng daan sa kanilang pagkakaniig, ay marahang lumabas naman at pagkalapit kay Nena'y hindi napigilan ang isang himutok na may lamang hinanakit.―Deogracias! Ang bati ni Nena.―Nena! Ang sagot.―Bakit ka nagbuntonghininga? Ang halos kasabay na tanong ng binibini; ngunit ang binata'y hindi makakibô at natitigilang punongpunô ng pamamanghâ.―Hindi ka ba makatulog? Ang ulit na tanóng, na di rin sinagot, kaya't si Nena'y nagsasapantahang may malaking kahulugan ang himutok na kaniyang naringig at napilitan sa pagúusisà.―Nalulumbay ka ba?―Salamat kung napapansin mo, ang malungkot na tugon ni Deogracias, halika.―Bakit?―Maupò ka rini, halika. . . at tayo'y magsalitaan. Ang binatang nagpapakunwarisa pag-ayaw, ay lumapit kay Nena at ang tanóng:―May sasabihin ka ba?―Walâ man ba'y hindi na kita matatawag, maupò ka ngà. Nagpakabuting sumalampak sa sahig ng batalan na kawayang pinagbiyak-biyak at nagkakaharap silang kapuwâ kumakaba ang dalawang pusó; ngunit si Nena ang unang tumanong:―Anóng kahulugan ng sinabimong mabuti't napapansin ko? mayroon baga akong dapat pansinin?―Ikaw eh!―Akóng anó?

―Ay Nena!. . .―Anóng buntonghininga iyan?―Ang puso ko'y nasasaktan. ―Bakit? anó ang nangyayari sa iyo? ―Sa aki'y walang nangyayari, sa iyo mayroon, ang sagót ni Deogracias at sinabayan ng tindig. ―Maupo ka ulî. ―Huwag na at hindi kailangan. Pagkasabi nito'y pumasok si Deogracias at naghihimutok na tinungo ang tulugan niya, datapwa't si Nena'y naiwang nagtataka sa ganitong ginawâ ni Deogracias na kailan ma'y di pa nangyayari mulâ sa kanilang kabataan.

―Anó itó? Ang sabi, bakit ako pinagpakitaan ni Deogracias ng pagayong asal? Magagalit baga siya sa akin? Ano kaya ang ginawa kong minasama niya?... ¡ah! Kailangang kong ang alamin ang bagay na itó. Napilitang pumasok noon din ang ating binibini, at tuloy, tuloy na tinungo ang tulugan ni Deogracias upang kausapin, ngunit pagdating doo'y natigilan at biglang nagunita ang kaniyang pagkababayisa piling ng isang lalaking hindi naman kapatid at kamag-anak man lamang. Natitigilan si Nena sa anyong tila tinatanuran si Deogracias sa pagkahiga. Hindi makapangusap at baka maramdaman ng kaniyang alina bagama't natutulog sa mga oras na yaon, ay mangyayaring sila'y magisnan; ibig niyang tawagan ang binata ay naúumid naman sa sarili; ibig niyang umalis ay nanghihinayang na di matanto ang bagong kilos ni Deogracias at ang ipinahiwatig na pagdaramdam, anó kaya ang mabuting gawin ang wika, hindi kaya sawisa aking pagkababayiang ganitong paglapit kay Deogracias? Bagama't naramdaman siya ng binata, ay di kumikibo at sa kalinisan ng loob sa pag-ibig ay biglang nagbangon at ang paanas na sinabi:―Paroon ka Nena, iwan mo ako at alalahanin ang puri mong paniniktan ng pula, paroon ka na at baka magising ang nanang Anday. Anyong sasagot si Nena'y tinutop ang bibig at ang idinugtong:―Lumabas ka at paroroon akó. Muling napatungo sa batalan ang ating binibiniat nang makalipas ang sandaling pakikiramdam ni Deogracias sa pagkahimbing ng kanilang inainahan, ay dahandahang lumabas, at pagkakalapit nila'y biglang-

biglang tumanong sa dinatnan.―Anó ang ibig mo sa akin?―Ibig kong maalaman kung anó ang pinagbubuhatan ang pag-iiba ng loob mo.―Ang loob ko'y hindi naiiba, ang tugon ni Deogracias, at lalong nagdaragdag, ngunii't isang kapaitan ang di mo namamalaya'y linalangap ko buhat kahapon.―Buhat kahapon! bakit?... naging sala ba sa loob mo ang aking pagdating?―Hindi at ang pagdating mo'y tunay kong aliw, pagka't ang pagkalayó ko sa iyo'y halos isang kamatayan. Gayon pala'y bakit ka nagdadalamhati ay naritó na ako?... bakit? Sabihin mo at nang aking magamot kung may panahon pa.―Wala nang panahon, Nena, pagka't ang hirap kong ito'y sa iyo rin nangaling.―Sa akin!... nagtataka akó. ―Oo... huwag kang mamangha at walang ibang sanhi kundi ikaw.―Binibiro mo ako. Hindi, Nena, at ang tunay kong pusó ang iyong kausap ngayon. ―Ay anóng ginawa kong minasama mo? ―Di ko minamasama, Nena, hindi, at sukat na ang ako'y magdamdam yamang siya mong naging loob. ―Naging loob ko ang anó? Sabihin mo sa akin. Isang buntonghininga ni Deogracias ang hindi napigilang parang isinagot sa dalaga, na lalong ipinagulol ng nasang matalastas, kaya't ang ulit na tanóng: ―Anóng dalamhati iyan, ay di mo masabi-sabi? ―Naúumid akó, Nena, at walang kanyang magpahayag sa iyo. ―Kung gayo'y paano? ―Sukat na ang ako'y magtiis. ―Huwag at daramdaman ko; ibig mo bang ako'y mahirapan?

―Hindi.―Kung gayo'y sabihin mo at kailangan kong matanto. ―Bukas na, Nena, bukas na. Ngayon na, at kung hindi mo pa sasabihin ay huwag na tayong magbatikailanman, at ako nama'y uuwina sa Maynila. ―Dapat ka ngang mainip dito at may naghihintay sa iyo roon. ―Naghihinala ka sa akin?

―Hindi, Nena, at ang matunóg na balita'y magaasawa ka sa isang tagaroon. ―Tunay at naanyó ako sa gayong tangka, ngunit yao'y parang asóng napawi. ―Kung gayo'y may palad pa ako sa iyong pusó? ―At nag-iisip ka baga sa akin? ―Ito'y hindi isip lamang, at mula sa ating pagkamusmos ay minahal na kita ng taos sa pusó. ―Oo, at ako ma'y gayon din sa iyo, ngunit pagmamahal ng isang tunay na kapatid, at di ko hinalaing aabot ka sa magbudhing ganiyan.

―At ngayong matalastas mo'y anong palad ang pagdoronan mo sa akin? ―Deogracias!, ¡ay Deogracias! anong bigat ng tanong mong iyan? ―Bakit? ―Nagugulo ang aking isip. ―Sa anó? ―Di ko mapaghaka ang aking gagawin. ―Huwag, Nena, kung anó ang iyong loob ay siya mong ipahiwatig na gaya ng aking pagtatapat sa iyo, at kung ako'y laan sa masamang palad, ay asahan mong marunong akong magtiis. ―Hindi kita mapasasakitan, pagka't labis na minahal ka sa aking loob, datapuwa't paano ang gagawin ko? ―Huwag mong itanong sa akin, sukat na ang sabihin mo at akin ang pagsunod, at dapat mong tantoin na nasa kamay mo ang malinaw na hanga ng aking kapalaran. ―Limutin mo ako, ang malingkot na bigkas ni Nena.

―Kailangang ako'y mamatay upang makalimot sa iyo, ngunit paniwalaan mong kaluluwa ko ma'y iibig marahil at di rin malilimot magpakailanman. ―Di mo ako lilimutin kung wala kang aasahang loob ko? ―Ang pag-ibig ko'y hindi humaharap ng ganti, ngunit huwag mong ibawal sa akin, pagka't kailanma'y iibigin kita. ―Huwag at sayang lamang. Hindi, at ang puso ko'y laang ihandog sa iyo hangang kamatayan. ―At paano ka kung tunay na wala akong loob sa iyo? ―Pagiisahan ko ang ganitong nasa, at yao'y sukat na; datapuwa't kailangang tadhanaan mo ang aking palad. ―Oo, ngunit hindi ngayon. ―At kailan? ―Bayaan mo akong mag isip munang mga ilang araw,

―At samantalang nag-iisip ka ay paano ako? ―Itahimik ang iyong loob na gaya ng dati, pakaingatan lang mahalata ng nanang at dimalalao'y sasabihin ko sa iyo. Pumasok ka na at nang ikaw'y mapahinga naman. ―At ikaw? ―Ako'y kasunod mo rin, paroon ka na at baka tayo'y mamalayan. ―Sukat na baga ang ganito sa akin? Ang malambing na tanong ng binata. Ang balabal na panyo ni Nena'y iniabot kay Deogracias; ngunit nang hawak na'y tumanong: ―At aanhin ko ito, Nena? ―Itakip mo sa iyong mukha at nang di ka masigid ng lamok, paroon na at baka tayo'y magisnan.

Yumao si Deogracias, na kung di man naliwanagan sa kaniyang masarap na pagtulog hangang sa naumagang magising at gayon na lamang ang kasiyahang loob.

Kabanata XVIII:Ang sulat ni Nena kay Neneng
Bagama't nalilibang si Neneng sa bagong pagkikilala nila ni Narciso at sa mga bagay-bagay na napapanood sa Maynila, ay madalas ding bumubungo sa loob ang pagkalayo ni Nena, at ang malaong hindi man lamang pagsulat ay ipinaninimdim ng malaki, sa gunitang baka nagkakasakit kaya walang balitang dumarating. ―Ano kaya ang nangyayarisa taong ito? Ang nawika sa loob – may malaking dahilan marahil na pinagkakaabalahan si Nena roon, pagka't kung wala, ay di mangyayaring hindi ako maalaalang dahil sa kaniya'y naninimdim na din ngayon lamang, o baka naman ang kaniyang ali ay nagkakasakit sa malaking pagdadalamhati sa pagkamatay ng asawa, ngunit sa ano't ano ma'y di sasalang mahalagang bagay ang ganitong pagwawalang bahala ni Nena sa akin. Sa pag-alis niya ay walang bahala ni Nena sa akin. Sa pagalis niya ay walang iniwan kundi ang pangakong magbabalik agad, at liban sa pag-asang ito nalilibang ang nagdaramdam kong loob sa kaniyang pagkalayo; datapuwa't may tatlong lingo na ngayo'y wala pa; at sulat man lamang ay dikako tumatangap, ano ang dahilan? ay! Hindi akó mahal kay Nena at ito'y ipinahahayag ng kaniyang pagwawalangbahala sa akin. Sa pagtatahitahing itó ni Neneng ng mga hinala, ay biglang naputol sa tawag ng kaniyang hipag at isang sulat ang taglay na sa kaniya'y iniabot.―Sino ang may dala? Ang tanong.―Aywan ko ba kung sinong lalakiiyon, bakit madilim eh, ang wariko ba'y may sakbat na kalupi.―Ah ―cartero‖ iyon, eto't may sello eh, at ang dugtong na sabing nagagalak.―Ito'y sulat ni Nena marahil,―at pagkadaka'y binuksan, lumapit sa ilaw at pagkakita ng letra'y halos napasigaw – o di kay Nena nga, sinssabiko na nga ba't ito'y sulat ni Nena eh, Ang kaniyang hipag na talagang hindi nakikialam sa lihim ngn iba, ay dalidaling lumabas at si Neneng nama'y naiwang natutuwa sa pagbasa ng ganitong mga titik; ― ............. 24 Octubre 19 ..... ― Pinakagigiliw kong Neneng: hindi ako nakasulat agad dahil sa maraming kaabalahang hinaharap namin ng nanang ko, at makukuró mo na marahil ang naging sanhing biglang pagkauwi namin dini, salamat at manakanakang nalilibang sinanang sa napapansing pagdaming aming mga hayop, at dimalubhang pagkasira ng anisa kapirasong bukid na naiwan ng namatay. Ngayo'y malapit na kaming

magpagapas ng paaga, at kung magagawi mo lamang ang parini, ay maiigaya kang lumabas tayo sa bukid. Dinaramdam ko ang di pagbalik diyan agad na gaya ng aking pangako pagka't ang sabing nanang ko'y huwag ko muna siyang hiwalayan, samantalang hindi pa nakatatapus ng mga gagawin sa bukid kung sakaliay sasaglit ako riyan bago magpaskó at muling babalik dinihangang sa makatupad sa hiling ninanang. Natutuwa ako sa disinasadyang balita na aking tinangap tungkol sa bago mong kakilala, at ang masasabiko'y isang binatang may bait, at lahinaman ng may mga puri bagama't mahirap. Tungkol sa akin, ay saka mo matatantó kung ako'y maluas diyan; ngayo'y bago ko pa lamang napapansin ang pahiwatig ng isa kataong dating batid mo marahil na talagang minamahal ko na dingayon lamang. Hindi ko na sasabihin sa iyo kung sino at mapaghuhulo mo rin kung naaalaala pa ang panahong una nating pagkikilala, sukat na ang maalaman mong untiunting nabibihag ang aking loob sa pagamin ng isang tunay at wagas na pag-ibig na di pa nalalaong ipinamalay, bagay na di ko hinagaping tumubo sa dating matamis naming pagsasama, datapuwa't binibigyang kong matuwid, pagka't wala namang anomang nakatataling pagkakamaganak sa amin na sukat kong ikasasansala sa banal na tungo ng kaniyang tapat na pagsuyo. Ngayo'y natitira kamisa ako'y mag-iisipisip na magaling bago bigyang wakas ang kaniyang linalayon. Sa anó't anó ma'y matatantó mo kung ako'y maluwas diyan‖. Hangang tulin ng balita, ang nawika ni Neneng nang matapos ang pagbasa ng sulat na ito, at ang dugtong...... Sino kaya ang nagparating kay Nena ng aming bagong pagkikilala ni Narciso, ay walang nakaalam nito kundi si Chayong lamang? sino kaya ang ibang nakamamalay ng lihim na ito? Baka pa kaya nararamdaman na ng koyang ko, ay hindi lamang nagpapahalata sa akin ah, bakit kaya? ah kung ito'y totoo, ay dimalayong si Narciso rin ang nagpahayag sa koyang, ngunit hindi kasiraan ito, salamat at mapakikiramdaman ko na ngayon pa ang loob ng koyang ko kung may pag-ibig o kaya sa kaniya; at si Nena naman sino kayang isa katao ang binanggit sa sulat na ito na makukuro ko na raw kung naaalala pa ang mga unang araw ng pagkikilala nami? sino ito at di pa pinaliwanagan sa kaniyang sulat?.... ah sa wariko'y malaking totoo ang pagkahilig ng kaniyang loob, at ang sinasabing magwawari-wari muna, ay isang pagpapairi-iri lamang, ngunit hindi maikakait na ang puso niya'y may labis na pag-ayon sa pinagúusig na hanga ng gayong pangingibig.

Walang anoano'y nagmamadaling dumungaw ang ating binibini dahil sa naringig na isang napatatao sa lupa, at ang halos kasunod na binigkas. ―Hintay ka at sasabihin ko, at sumusugod na ipinahiwatig sa hipag, na malubay namang sinagot na: ―Papanhikin mo. Nalulugod si Neneng na inaanyayahan ang nasa lupa, at nang inaalok nang upua'y siya namang pagdating ng kapatid ng ating binibini at siyang unang naki umpok sa kanilang panauhin na di ba't si Narcisong bago nilang kakilala.

Kabanata XIX: Pagsisiyasat ni Pepe kay Narciso
Iyang nababagong pangalan, ay ipahihiwatig ko sa mga irog na bumabasa, na di iba't ang kapatid na matanda ni Neneng na siyang nagpalakisa kaniya buhat sa musmos, dahil sa maagang pagkamatay ng kanilang mga magulang. Si Pepe nang panahong yaon nang pagkaulila ay bago pang naniningalang pugad, at palibhasa'y nagising sa may mga bait na magulang ay kinamulatan na ang pagsusumipag, kaya't noon pa'y marunong nang magpatulo ng pawis sa pagkita ng sariling ikabubuhay. Mananahi ang kaniyang tungkol (sastre) at ang matamis na banga ng kaniyang pagpapagod ay siyang ibinuhay kay Neneng na tatatlong taon lamang ang gulang nang sila'y maulila. Sa anim na taong lumakad buhat noon, ay napipilitang magasawa na si Pepe at nang may makatulong sa kaniyang pag-aalaga kay Neneng at parang maging aliw sa di maiilagang pamamanglaw ng nagiisang gaya niya, anopa't silang magasawa'y nagkatuwang ng pagkakanlinga magpahangang sa kadalagahan ng ating binibining ngayo'y siyang sanhing pakikipagkilala ni Narciso. Yamang natanto na natin ang ngalan at munting kasaysayan ng kapatid ni Neneng, ay magpatuloy tayo tumukoy ng nangyarisa pagkakaumpok ni Pepe at binatang nangingibig. Ang pagmamahal ni Pepe kay Neneng ay mahigit mandin sa isang kapatid, pagka't bukod dito'y nararagdag ang pagmamahal na parang amang kinagisnan, kaya ang malabis na pag-iingat ni Pepe sa kaniyang kapatid, ay di natin dapat ipagtaka kailanma't hindi lalagpos sa matapat na tungkol ng isang pinakamagulang na siyang mananagot sa harap ng madla at ng Langit na tumutunghay sa atin. Ang pagkapansin ni Pepe sa pinaroparoon ni Narciso sa kanilang bahay, ay lalong pinapagtibay ng dimapakaling bibig ng iba sa pagkakatnig-katnig ng buhay ng kapuwa, at dahilan dito'y bagaman wala pang malalaking bagay na nagyayari, ay gayon na ang ikinakahulugan kay Pepe ng mabibilis na pakpak ng balita, kaya't napilitang tumanong kay Narciso nang gabing yaon, sa pamamagitan ng ganitong malulubay na pangungusap. ―Di kaya ninyo ariing masama ang isang pagsisiyasat sa ikinalulugod kong inyong pagsasadya sa amin?

―Hindi pó, ang tugon ni Narciso, at harinangang huwag maging sawisa galang ang aking pagpapahayag, at sa anoman pong loob ninyo'y maibibilang din ang tunay kong pakikiayon. ―Salamat po kung ipagtatapat ninyo; hindi ko lamang masagot ang anomang malalabag sa ating mga pagkikilala. ―Malabag po'y hindi, pagka't ang pagsasadya ko rito na di ninyo pinagkaitan ng magandang pagtangap ay ibinibilang kong mahalagang bagay, at utang na loob na aking itinuturing. ―Wala po kayong dapat alalahanin, ang napapangitang sagot ni Pepe, at kami nama'y maaasahan din sa magandang pakikisama; ngunit ibig kong ipahayag ninyo ang tunay na sanhing inyong pakikipagkilala sa amin. Natigilan ang ating binata na halos úulik-ulik at waring di matuklasan ang paraan ng pagsasabi, ngunit sa kadalisayan ng kanyang layon ay biglang nabuhay ang loob at di naumid muntikman sa pagtatapat ng ganitong laman ng pusó. ―Kay Neneng pó'y inilalaan ko ang lalong mahalaga sa aking búhay yamang siya ang tunay kong iniirog, tanging di lamang masabi kung ako'y magiging dapat sa kaniya at gayon din naman sa inyó.―Sa akin pó'y wala kayong dapat ipag-alaala niyan, at yamang natanto ko na ang inyo ng loob, aywan ko lamang kung siya nang totoo, ay... ―Tunay pó, ang ipinatid ng binata, at kung may bahid na pagbubulaan, ay di na sana hayag na pakikipagkilala at pagpanhik dito sa inyong bahay ang aking gagawin. ―Ipatawad ninyong sabihin ko, ani Pepe, na iya'y hindi sukat, upang makapagpatotoo ng malinis ninyong loob, pagka't dinaman gaya lamang namin ang nalilibó sa mga paraan ng isang may lihis na akala.

―Totoo pó ang sabininyó, ang pakling panauhin, at ako nama'y hindi siyang tunay na laman ng aking loob na sa inyo'y inihahayin kung magiging dapat, ―Kung sa ganang akin pó'y walang pagkakadahilanan, kailanma't magaling ang inyong tangka; datapuwa't ipinagpapauna kong dapat

múna ninyo siyang kilalanin at mahirap na ang magsisikung dumating ang araw. ―Iyan pó'y wala sa akin, inibig ko siya sa boong kalinisan at dapat akong umasang ang malinis na loob ko'y papatnubayan nang Langit hangang sa matapos. ―Kayo pó ang bahala, at ang palagay ko'y walang magpaparangal sa inyong sarili kundi ang inyo ring pangungusap. ―Pinagtitibay ko pó, at tulog inihihinging tawad ang manakanakang paguúsap namin, yamang talastas na ninyo ang malinis kong pakikipagkilala sa kanya. ―Opó, al nariyan siya, at ang dugtong, Ako nga pó'y pasintabi muna, at may munting kailangan lamang. Nagtindig si Pepe na napatungo sa labas, at di naman nalao'y si Neneng ang nakiumpok sa kanilang panauhin, kaya'y ang pagasa nito'y inutusan ng kapatid na makiharap sa kanya. si Neneng ay kapiling ni Narciso, at sa boong katuwaa'y nagúsapan sila ng ikararating sa hangganan ng kanilang mga lakad. Gaanong katamisan ang linalasap ni Narciso sa mga sandaling yaon? alin pang ligaya ang maipapalit sa isang lalaki na nasa harap ng kaniyang linalangit na mukha? ¡Wala na! Pagka't ito ang mahihiwagang paghinga ng isang pusong umiirog, itó ang mga sandaling nagpapatotoo ng walang kasingsarap na panahon, itó ang matalinghagang awit ng mga poeta, itó ang búhay, itó ang Langit na di masayod isaysay ng lalong pantas at ng lalong matalinong tumarok ng mahimalang lihim ng isang tunay at wagas na pag-ibig. Umiibig si Neneng kay Narciso at kung di man maipahayag pa ng kaniyang mga labi, ay nagsisipagpaunang magsaysay ang kaniyang mga mata na siyang taga pamalita ng mga damdaming inimpok sa puso. Wala pa ang oo na pinaguusig ng ating binata, ngunit untiunting naiipon ang magigiliw na anyo ni Neneng na anaki'y mga suob na naghahatid buhay sa malabong pag-asa, upang mapapaniwalang sa kabila noo'y nakatitik ang isang mairog na pag-amin na pag-sasabayang iawit ang kanilang mg puso. Sa ganitong kaligayahan ni Narciso'y muntik nang makalimot na baka siya'y kainipan, hindi ni Neneng, kundi ng kapatid na dapat nilang pagbigyan sa gayong pagpapabya, kaya't mabigat man sa loob, ay napilitang magpaalam, at ang paiwang tanong: ―Matatanggap mo ba uli ang aking pagparito?

―Oo, kailan? ―Bukas. ―Huwag, at baca makayamutan ka ng koyang ko. ―Ay kailan ang ibig mo? ―Sa lingo na. ―Ma'uwat naman. ―ikaw na ang bahala kung kailan ang ibig mong parito. Natira ang binata sa gayong pahintulot ni Neneng, at nang makapagpaalam na sa kapatid, ay nanaog na pinatnubayan ng mga panakaw sa suliap ng binibinina sa kaniya'y ipinabaon.

Kabanata XX: Huwag kang maingay
Isang hatinggabimalalim na sa mga lansangan ng Maynila'y bihibihira na ang lumakad, walang nariringig kundi mga piping alingawngaw na nakalulungkot, madilim ang gabina halos di magkitang surutin sa mga nayong walang ilaw; ang mga bituin ay halos di makatunghay sa maiitim na panganoring nakababatbat sa Langit na anaki'y binibigyang landas ang matalinghagang lihim nang isang mahigpit na tipanan. Sa ganitong kalaliman ng gabiay sinisika nga ni Chayong ang kaniyang mga mata, paminsan minsang nagdadaipod na sisilip silip sa puwang ng kaniyang bintana, kung minsa'y maupo na nagpapakaliitliit sa mga panig ng tulugan; madalas pinipigil ang buntonghiningang nagpupumilit pumulas; yamot na yamot at waring naiinip sa isang hinihintay na saplitang darating sa gabing yaon. Mapamayamaya'y sumilip na naman, kasunod ang dugtongdugtong na sabing: ―Wala pa!―bakit naluwatan!―umaga na yata'y hindi pa darating;―ano ang nangyari sa taong ito? At nagpatilagmak sa ibabaw ng kaniyang unan, at ibig nang matulog sa malaking inip di kaginsaginsa'y nagbagong dahan-dahan kinapkap ang balutang nakahanda at halos gumagapang na ipinanaog, at nang sumasalubong sa kaniya ang isang binata'y na tumanong:―May karromata ka ba? ―Oo. ―Saan naroroon? ―Huwag kang maingay, sumunod ka sa akin at huwag magtatanóng. Nangunguna si Miguel, sinusundan ni Chayong at kanilang tinatalaktaksa kadiliman ng gabiang masusukal na bagtasin na walâng ibang makagagawâ kundî silang nagsisipagtiyap lamang sa mararayang kilos ng isang lihim, ngunit hayag na paglililo. Linisan ni Chayong ang kaniyang tahanan, hinamak ang kapangyarihan ng ama't ina, tinampalasa't diliningon ang matatamis na aruga ng sa kaniya'y pagpapalakiat ngayo'y nagtatalik na isinuyô kay Miguel ang di mahahalagahang pagpapalà ng nagsipagpuyat, kumupkop at nagpakaing pinagkautangan ng kaniyang búhay at nang tunay na pagkatao, ¡ah! Si Chayong, si Chayong ay di na sa magulang, at ang nagtatamasang sumasagap ng kinandi-kandiling karangala'y isang mapag-imbot at masakim na

pusó ng lilong si Miguel. Tahimik sa pagtulong ang ama't ina, tiwalangtiwala marahil na kapiling noon si Chayong samantalang naghahalimuyak kay Miguel ng mga kaginhawahang bango na kanilang isinusuob sa marawal na pagsisintahan. Sa di kawasa'y naumaga, at doon na nagsaliw an magugulong tanungan sa naglamay na anak ng pagtataksil. Ang maalindog na pagkamulat na dapat sanang batiin ng matatmis na pagpupurisa Lumikha ay naging pagngingitngit, naging luha at dimasayod na pagkakagulo sa dibinalaing pagsusukab ng kinandongkandong at pinalayaw na kanilang supling. Gaanong kapaitan ang linalangap ng isang ina sa ganitong kasawiang palad? gaanong kataksilan ng anak? gaanong sakit, gaanong pighaTiat gaanong pagkadusta ang sabaysabay na magsisitarak sa puso n isang ina? ¡ay madilidilinawa ni Chayong na dahil sa kanyang pagalis ay naging tipon ng malulumbay na himutok ang kanilang tahanang pinangangakan sa kaniya; datapuwa't hindi ito ang nangyari. si Chayong ay wala nang ginawa kundi ang sumunodaunod sa malayong tumpahin na pinagtangayan sa kaniya ng maitim na pusong si Miguel, at hangang nalalayo sila'y nararagdagan naman ang dimaikakait na kaniyang pagkapangayaya. Kung gaano ang tuwa ng dalawang lilo sa kanilang paglayo, ay siya namang pag-iiyakan ng ama't inang nahihilahil sa paghanap, pagtatanongtanong na di alimana ang pagod, gutom, kahihiyan sa madla ng pagpupumilit makita ang anak, palibhasa'y yaringyari na sa loob ng ina ang magtiis ng anomang magiging wakas, huwag lamang makasal kay Miguel; datapuwa't walang kabuluhan ang mapilit na pag-uusig at di natuklasan hangang sa gumabi. Maging sa lansangan at maging sa bahay ay walang likat ng pagsisisihan ang mag-asawa. Kung minsa'y maisip ang lumakad ng lumakad na walang tuos na tutunguhin; kung minsa'y mabalak ang magsakdal sa mga pinunô, ngunit walang ipangyariay waring naiilang; kung minsa'y umiyak na parang mga musmos anopa't dahil sa ginawâ ng taksil nilang anak ay halos pagkaramayan ng buhay na mulâ noo'y di na natahimik. Maging tatlong araw ang parang isang taóng hirap ng loob ng ama't ina ni Chayong ay sakà pa lamang nakabalità ng malayong pinagdalhan sa kaniya, kaya't noon di'y nag-gayakan at walâng balakid na naging pamigil. ¡Laking ligalig ng mga magulang sa ganiganiyang mga anak! Natuloy sa pag-alis ang magasawa at nang dumating sa bayang inihimatong pinaronan, ay mulina namang nagtanongtanóng kung alin angpresidencia, at kung sino ang presidenteng kakausapin, at sa mga pakikibalita'y natantong si Chayong, ay sinasarilipa lamang hangang sa mga araw na yaon ng isang marungis at kasuklam-suklam na pagkasi. Sa upat

ng ilang tagaroon at sa labis na pagkakilala ng niyuyurakang matuwid, ay napilitang magsakdal ang mag-asawa sa maykapangyarihan, at noon di'y lumakad ang mga kawaning punò ng pag-usig sa dalawa na ditinugutan sa lahat ng nayon hangang dirakita at maihatid sa punong nag-utos. Si Miguel ay nasaharap na nang di mahahamak na kapangyarihan ng punò at si Chayong nama'y nakaluhod na humuhinging tawad sa mga magulang na anaki'y mangadudurog sa nakauumid na kaniyang mga sala; datapwa't sa sandaling ito'y hindi naikait ng ina ang bukal na pagtingin at niyakap na tumatangis ang anak na tampalasan, samantalang ang ama'y nangingitngit sa malaking poot, danga't malalabag sa harap ng isang puno kaya di mapamitiwanang lutlutin sa mga oras na yaon. Nang makaraan ang sandaling pagbibigay loob sa nagiiyakang mag-ina, ay tumanong ang puno sa matandang lalaki. ―Ano po ang inyong hangad sa katampalasang ginawa sa inyo? kayo po baga'y nag-uusig laban sa taong it?―at itinuro si Miguel.

―Ipinaubaya po namin―ang sagot ng ama―sa kapangyarihan ng inyong pagkajusticia, at ang aming anak ibig naming manumbalik sa amin kung inyong ipagkakaloob. ―Opo,―ang wika ng Punongbayan―ngunit ipinagpapayo ko sa inyo, na yamang nagyarina ang lahat, ay ibig ko sanang kayo'y magkasundo at sila'y ipakasal na natin. ―Ipatawad po ninyong sabihin ko―ang tutol ng ama―na anoman ang mangyarisa aming anak ay di mapakakasal sa lalaking iyan. Ang salitang ito ng ama ni Chayong ay siyang pinagtibay at kahi't anong higpit ng hininging pilit na ganapin ang kaniyang pagkajusticia sa salang ginawa ni Miguel, kaya't nang matapus ang mga kasulatang itinatag ay ipinadala sa Pangulong lalawigan upang magpasiya ng lalong marapat sa salang ―pag-agaw sa babayi‖. Nagsipagbalik sa Maynila ang tatlong mag-anak, at hindi pa natin dapat maalaman ang mangyayarisa kasaysayan ng kanilang naging hanga.

Kabanata XXI: Ang sulat ni Deogracias
Kinabukasan ng pagkatanggap ni Neneng ng sulat ni Nena, ay sumagot naman, at ibinalita ang mga bagay-bagay na nangyayarisa kaniya dito sa Maynila, at ang iisa sa pinakamahalagang inihiwatig, ay ang tungkol kay Narciso, buhat sa kauna-unahang pagkakausap nila hangang sa boong nangyarinang gabing doroon na kausapin ng kaniyang kapatid, anopa't sa sulat na yao'y walang anomang ilinihim sa kaibigan at lubos na ipinalahata ang malaking pagkahilig ng kaniyang loob sa binatang maging kakilala. Samantalang lumalakad sa patutunguhan ang sulat ni Neneng, ay dugtungan natin ang kasaysayan ni Deogracias sa pinag-uusig na hanga ng kaniyang kapalaran ni Deogracias sa pinag-uusig na hanga ng kaniyang kapalaran. Mula na sa pagpapahayag ng di maiwasang pag-ibig kay Nena, ay waring nauumid ito na parang may inimpok na lihim sa sarili, at kaya lamang ipinamalas ang datinilang pagpapalagayang loob, ay kung nahaharap ang kanilang ali; datapuwa't kung sila na lamang, ay kung ano't may mga anyong tila tinitimpisa puso na anaki'y ipinaghihintay ng panahon upang lalong magkahalaga sa takdang sandaling kaniyang pagsisiwalat; ngunit ang binatang naghihintay sa pangakong pagbibigay wakas sa kaniyang linalayon, ay malakinaman ang inip, danga't di mabiglang pag-usigin dahil sa panganibang mahalata ng kanilang inainahan.

Sa gayon ng gayo'y hindi nakabata ang binata at kahi't magkasama sila sa bahay, ay napilitang sumulat kay Nena upang malayang hingin ang paghahanganan sa kaniyang palad o tulutan kaya ang kanilang pagkakaniig na tila sadyang iniiwasan o sinasabiksabik na kinikilala ang tunay na hulo ng kaniyang tapat na pag-irog; datapuwa't nang iginagawad kay Nena ang pinagtitikan ng matatapat niyang pag-samo ay ayaw tangapin at nagpapakunwaring sinusubok kung saan hahanga ang kaniyang pagtitiis, kaya't si Deogracias noo'y halos lumuluhang inamin ang mapait na paghalay ni Nena na di man lamang pinagbigyang loob sa kaniyang pakikiusap. Hiniya si Deogracias, ngunit ang paghiyang ito'y halos ikinawawalay ng dibdib ni Nena sa malaking awa, at kung tinitiis mang mamasdan sa gayong pagdadalamhati, ay may araw namang inilalaan sa gayong pagdadalamhati, ay may araw namang inilalaan sa kaniya upang pasaganaing lumasap ng walâng kasingtamis na kaniyang pagmamahal. Si Deogracias, na talagang may bukal sa loob na pag-irog, ay di nanglupaypay muntik man sa dagsa ng mga sakit na idinudulot ng anyo ni Nena. Humanap ng pagkakataong maibibigay ang sulat, at muling ilinuhog ng boong pagluha kayâ di na nakuhang pahindian at tinangap nang boong giliw. ―Ano kaya ang sinasabi ni Deogracias sa sulat na ito? Ang wika ni Nena sabay na binuksan at binasa ang ganitong daing:

Nena Kung ang napipiit ngunit sa na naibibingo pald ko'y may takdang di panahong matanto dapat ang

ikabango

tanging

kahihinatnang hatol sa pagsuyo. Ibig kang limutin ay hindi mangyari at laging kaaway ang pusong sarilil, Nena, sa ganito'y galing pagkaapi ang di

titiisin ng aking pagkasi?

Pag-irog laging

ko'y

walang

pinanghahawakan ngayo'y

kundi may isa

ang

tipan

mong ay

hinihintay,

datapwa't

nang

buwan

nagwawala kang bahala sa buhay. Ang kahirapan ko'y nang lalong malubos napailap ka na't nagiba ng loob sampu pa ng dating maganda tang ayos ng

pagsasamaha'y binawi mong lulbos. Naging suyak baga sa tapat mong dibdib ang tungo ng aking tunay na pag-ibig? Nena, kung gayon ma'y huwag ipagkait at handa ang aking puso sa magtiis. Kung ang pag-irog ko'y kinasusuklaman gawa ng wala kong dapat na itanaw, tapatin mo Nena't ang kamatayan ma'y matatangap ko ron kung siya mong bigay. At kung wala na ngang hihintin sa palad, minamagaling pang hininga'y mautas, huwag ang may buhay na pinagmamalas ang

kaabaang kong sa iyo'y di dapat.

Muli't

muling

luhog,

Nena'y

patawarin

ako

sa

pangahas

na

aking pag-gilig, kung dimako dapat sa iyong pagtingin ay wakas na ito ang aking pagdaing. Hangan dito Nena't ikaw'y itangkakal ng Langit sa balang

sawing kararatnan, at akong lingkod mo'y huwag pagkaitan ng tapat na hatol na inaasahan. Deogracias. Di na kailangan ito―ang wika ni Nena nang matapus basahin ang sulat,―pagka't labis na minahal ko siya, ay di dapat pahirapan. Natatalastas kong nagdaramdam si Deogracias sa mga kilos kong ipinamamasid ngayon; ngunit yao'y matapat kong pagsubok na sadyang ginagawa upang makilala ang tunay niyang pag-ibig sa akin. Nasasakitan akong makita ang kaniyang mga anyong nahihirapan, datapuwa't kailangang bathin ko at nang lalong dumilag ang kaniyang pag-irog at mapadakila naman ang natatago kong pagtingin sa kaniya, oh! Si Deogracias ay mahal ko, at kailanman'y pakamamahalin sa boo kong buhay, siya ang mag-iingat ng aking puso, siya ang magtatamo ng tunay na kahulugan ng isang wagas at dalisay na pag-ibig; iibigin ko si Deogracias at di na niya'y papalitan mula ngayon ng mga maiirog na anya at sa paguusap nami'y ipahahayag ko ang tunay na pag-main sa malinis niyang pagkasi. Ako'y iniibig niya ng taimtim sa puso; sa balang kilos niya'ypag-ibig ay siyang dumadarang sa aking kaluluwa at

pumupukaw ng aking mga pangdamdam upang siy's giliwin.Itatago ko ang sulat na ito at bahala na sa aming paguusap.

Pagdaka'y tinungo ni Nena ang sisidlan ng kaniyang mga damit at sa kailalima'y doo ilinagay ang sulat, at nagwalang bahala gumawa ng kaniyang mga kailangan sa bahay. Kinabukasan noo'y gumayak silang tatlong mag-aali ng pagpapasial sa bukid upang tingnan ang kanilang palay na paaga, na ayon din sa gabi ni Deogracias ay pawang mga hinog at dapat nang gapasin. Nang lumalakad na sila'y naala-ala na naman ni Nena ang nakakalungkot na pagkakalayo nila ni Neneng; at nawikang: ―Kung narito siya'y magkasama sana kaming naparito ngayon. Si Deogracias na di nahihiwalay sa kanilang paglalakad, pagka't siyang lalaking bilang makapagtatangkakal sa kanilang pagka-babay, ay unti-unti nang nakamamasid kay Nena ang masasarap na kilos na nagpapahiwatig ng nalalapit na panahon ng kanilang pagkakasundo, danga't walang sukat ipagkaniig sa di pagkalibang ng kanilang ali. Palibhasa'y may kalayuan ang bukid ng kanilang pinaroroonan, ay nagkaroon din ng mga sandaling ipinagaabotsabi ang dalawa dahil sa madalas ng pagkahuli sa lakaran ng kanilang pag-uusap. Sa ganito'y tumanong ang ating binata sa dalaga.

―Binasa mo ba ang sulat ko? ―Oo, bakit?―ang kasunod na tanong, ―Salamat at nabasa mo. ―Sukat na ba sa iyo ang basahin ko?―ang muling tanong ng dalaga, at tinitigan si Deogracias ng boong giliw, na pagdaka'y binawai nang siya'y tingnan at anaki bagay may binabalot na lihim na di ibig ipahalata,datapuwa't di rin naikit at inabutang suliap kaya nabuhay ang loob sa pagsasalita ng ganito;

―Kung gayon na lamang ang minamagaling mo sa akin, ay sinabi ko na rin sa sulat, na ang kamatayan ma'y matiis ko kung siya mong ibinigay. Parang hindi pansin ni Nena nag salitang ito, at ang tila walang bahalang sinabi. Tayo' huminto muna at hintin ang nanang. Tumigil ang dalawa, ngunit patuloy ang salitaan, kaya't nang malapit ang matanda ay naulingigan pa ang sabi ni Nenang: saka ko nasasabihin sa iyo. ―Ano iyon?―ang pagdaka'y itinanong kay Nena. ―Wala po. ―Ay ano ang sasabihin mo sa kanya.

―Iyong pong baro niyang tinatahi ko, ay sabi ko na sasabihin kung kailan matatapos. ―Hindi mo nga naman ginagawa eh―ang wika ng ali, at di nahalatang may mga pinag-uusapang mahalagang bagay ang dalawa. Bagaman nangamba si Deogracias sa biglang pakikialam ng kanilang ali sa salitaan ay dagling laugod at ikinapuri kay Nena ang matuling pagpapalit ng kahulugan sa kaniyang pinaguusapan.

Payapang nagsipagtuloy, sa pinatutunguhan, at nang nangaroon na'y malaki ang galak ng ali nang mkaitang malalago ang bulas ng palay at ang uhay na matitimyas ay nagpapalaki ng pag-asang marami silang aanhin. Di matapustapus ang pagpupuri sa Maykapal sa gayong namalas,at kung di sa takot na dilimin sila sa pagbabalik, ay ayaw pa sanang umuwi ang matanda at waring nawiwiling manood sa di mahahalagang biyaya ng Langit at sa masasarap na simo'y na inihahandog ng malawak na kaparangan. Nagsipagbalik sila sa bahay na pawang may galak sa loob; ang ali ay dahil sa maraming aanihin at ang dalawa nama'y sa unitunting pagkalapit sa nakagagalak na hanga ng kanilang mga lakad. Masasarap na himala ng pag-ibig.

Kabanata XXII: Ang hiwaga ng sala ni Chayong
Limang buwan ang dumaan kay Chayong sa piling ng ama't ina mula nang maagaw sa kamay ng lilong si Miguel, ngunit sa limang buwang yao'y panay na kahirapan ng loob ang pumapatnubay sa kaniya sa di mapuwingpuwing na poot ng mga magulang at sa pagaala-ala ng nakahihiyang mangyayari sa huli. Masasaklap na gunita ang kay Chayong na pawang humahalay sa kaniyang sarili, parang namamasdan ang kahiyahiyang daratnin sa mata ng madla na walang magiging lunas kund iang makamandag na pagtitiis. Unti-unting napapansin ang pag-iiba ng kaniyang anyo sa dimaililiblib na katotohanan ng gayong pagkapahamak. ―Wala na akong dangal! ang wika; ang maliwanag kong araw ay lumubog at di na muling sisikat, ang panahong ko'y nangulimlim; ang dilag ng kababaihan ko'y napawiat magiging hantungan ng kakutyakutyang pagbalik, ang mga kapuwa ko dalaga'y masusuklam na sa akin ngayon at di na ako pagpipitaganang uyamin ng masasamang dila ay Ang palad ko! May matuwid na kapootan ako ng aking mga magulang at ako ang naglugmok ng kanilang puri, kayhalay ng aking naging hanga ¡Ay! ito ang bunga ng kapalaluan ko at laging paglibag sa kapuwa na munting magkabisala'y aking iniingusan at binabadya, ako ngayon ang kapulapula, kalaitlait at karapatdapat sa lalong araal na pag-iring. Walang sandaling hindi naliligalig ang buhay ni Chayong sa kagugunita ng kaniyang

kinaratnan. Kahit anong gawin ng paglait at kahi't anong ipangusap ng mga magulang kay Chayong na kanilang anak, ay walang isinasagot kundi pawang luha ng nakalalagim na pakikiayon sa marawal niyang palad. Ayaw sila kay Miguel, at ang kaayawang ito'y di maititimbang sa daklang halaga ng kapurihang lumugsô ni Chayong, at minamasarap nilang mangyari na mahikayat ang anak sa paglimot kay sa paghabulin ang mahahalagang sanglâ ng isang pagkasing di na makakatkat magpakailanman. Nalulumbay si Chayong sa kaniyang palad; nagugunita si Miguel sa nagbabalang parusa ng katuwiran na sapilitang titiisin, sinisising kaniyang sarilisa ginagawang paglililo sa magulang; nauumid sa madlâ ng kaniyang pagkawakawak at dimaalaman ang magiging gamot . . . ¡Ay ng malulong sa marayang pagsinta! . . . anó kayâ ang lalong minamagaling ni Chayong sa gayong kinaratnan? ¡Wala! at sa minsang pagbubulaybulay, ay di na pigilang sabihing mabutipa ang mawalay kung ganito ang pamumuhay. Si Chayong na sadyang mapusok na loob, at ang ugaling ito na talagang katutubo ng kaniyang asal, ay siya ring ikinadaling pagkalulong kay Miguel at ang kapusukan din namang iyan ang nagturong sabihin niya ang di panghihinayang sa buhay, kay di nga malayong may iba pang masamang maisip at sa katunaya'y di lamang miminsang tinangka ang siya'y magbigtina walang ikinapipigil kundi ang pananakaling mag-ibang loob ang kaniyang mga magulang at pahinuhod na makasal sila; datapuwa't di na mandin magbabago ang sa ama't inang suklam kay Miguel, at minamagaling pang mawala ang anak kay sa

makitang nagtatalik sa sinapupunan ng isang kasuklam-suklam na lalaki. Talastas ng mga magulang na hindi sila ang makikisama, at sa anomang kasapita'y ang anak nila ang dapat magtiis ng mga kasawiang palad, ngunit hindi natin ma alis na alalahanin ang anak na iyan, palibhasa'y tarok nilang hindi lamang mamaghapong kakasamahin ang isang asaw, anopa't saanman papagbuhatin at itungo ang pagkukuro ay di maamin-amin sa loob ang parang nakikitang kapanganyayaan ng kanilang supling kung mapag-isa na sa gitna ng mundo ¡Anong laking bagay ng anak sa magulang!.... at kung nababatid ni Chayong ang ganitong mahahalagang loob ng kaniyang ama't ina, ay pinairugan disin nang una't una pa man ang kay Miguel na pangingibig, at dinaman sana nangyari ang ngayo'y ilinuluhang kaniyang naging palad ¡Iyan ang di pagwawari! ¡Iyan ang bulag na pag-irog na pagdaka'y bibigyang halaga ng ating mga katawang lupa sa pag-iimbot ng maruruming layaw!, at ngayong wala nang panahon, ay saka daraanin sa ngitngit ang di maatim na kabuhayan ng pagkawakawak sa pula at pati magulang na naghirap sa pagpapalakisa kanila ay karamay na nagiging sadlakan ng mga pag-iring, ingos, sabisabi, pula at pag-ayop ng iba, na sapilitang mangyayari sa di matututulang dulot ng isang kalaitlait na panahon. Mga piping pagluha ang kay Chaoyng at susukot-sukot na pagkaumid ang sa mga magulang na yuyungoyungo sa harap ng kapuwa at lihim na nagsisitangis sa nakahihiyang narating ng kanilang anak.

Si Miguel ay nalalapit sa hatol na itatakda balang araw ng matuwid, at di nalaong naging lugod niya ang ipinagmalaking pagkalupig kay Narciso ng puso ni Chayong, samantalang ang pinsan niyang inapiay hinihintay ngayon ng isang magandang palad sa sinapupunan ng mabait na binibining si Neneng, bagay na nagpapakilalang pinarurusahan ng Langit ang masamang gawa sa kapuwa tao at ang kabaita'y ginaganting matatapt na biyaya.

Kabanata XXIII: Ang sulat ni Neneng at ang sumpa ni Nena
Malapit nang magtakipsilim. Bagong kahihilig ang araw sa malalaking bundok at unti-unting nagpapaalam sa mundo ang binabawing liwanag upang makapanaig ang haring gabi, datapuwa't ang masipag na si Nena'y nananahipa noon at waring sisinasamantala ang bahagyang liwanag at pinipilit matapos bago gumabiang isang barong ginagawa, ngunit biglang nauntol sa pagtawag ng isa katao na pagdaka'y dinungaw at inabot ang isang sulat na ibinigay sa kaniya. Yaon ang sulat ni Neneng na kay Nena'y napakalaking bagay noon, at bagaman pinakasisikap na mayariang ginagawa, ay sandaling ipinagpaliban at payapang binasa ang dumating na sulat. Maynila, . . . . ng Octubre. Pinakamamahal kong Nena; tinangap ko kagabi ang sulat mo at natalastas binatang ang boong mo nalalaman, na tanging ng hindi mga mapagkuro araw ang

binanggit

tinakdaan

ilang

upang

ipahayag ang tunay mong loob sa kaniya, ngunit ayon sa sinabi mong bago magpasko ay mailuluwas ka rin sa Maynila, ay

ginagayakan kita ng matamis na salubong sa inaasam na ating muling magyayakap. Ang kalagayan namin ay mabuti, at walang

ibang dinaramdam kundi ang ikinalulungkot kong ating pagkakalayo ngayon. Hinangaan ko ang matuling pakpak ng balitang dumating sa

iyo tungkol sa pagkikilala namin ni Sochong, pagka't ang totoo'y si koyang pa lamang ang nakaaalam noong mga unang araw ng

pagpanhik dini, aywan ko lamang ngayon, pagkat batid mo na ang di napapahingang dila ng marami sa pagkakalat ng buhay ng

kapuwa, at ang maibabalita ko'y sa kabinian ng pinupuri kong asal ni Sochong, ay di maipalalagay na siya rin ang nagsiwalat ng minamahal kong kaniyang pangingibig. Kagabi ring tanggapin ko ang iyong sulat ay nagkataong naparini si Sochong at siniyasat ng koyang ko ang tunay niyang loob sa akin na di naman ikinait at ipinagtapat ang banal na tungo sa inuusig na aking

pakikiayon, at bagaman di ko pa ibinibigay ang oo ay parang isang bagay na yari na, at karakarakang tatamuhin ng

kinalulugdan kong malinis niyang pagkasi. Kinatutuwaang ko ang hangad mong ako'y mapariyan at magsama tayo ng paglabas sa

bukid, ngunit dahil sa batid mong mabigat kay koyang ang ako'y malayo, ay di ko maaring gawin at sukat na lamang ang matira ako sa malaking nasa. Maraming komusta sa iyo, sa nanang mo at sa iyong ibinabalita sa akin, na bagama't di ko pa kilala, ay

idinaramay kong tumanggap ng sa iyo'y malugod kong bati. Ang nagmamahal mong kaibigang nagdudulot ng isang matamis na

yakap.―Neneng. Lubhang ikinalulugod ni Nena ang mga bagay na ipinahayag ni Neneng sa sulat na ito, at kung hindi man nayariang ginagawang baro, ay inaakalang maluwag na matapus kung kaniyang paglamayang sandali, kaya't nang makapagdasal ng AVE MARIA, ay nanahina

naman at sa kalagayan ito inabot ni Deogracias na nanggaling sa bukid. ―Nena!―ang pagdaka'y binigkas ng binata bakit mo ba pinaglalamayan pa ang barong iyan? ―Pabayaan mo nga ako―ang tugon ng dalaga―at ibig kong siya mong maisimba sa lingo.―Sa lingo pa pala eh, di bukas mo na tahiin—at sinabayan ng batak ang baro hangang sa nakuha. ―¡Dalhin mo nga rini at nang matapus! lalabhan ko pa bukas iyan ah, ¡dalhin mo rini! Hindi tumugot si Nena hangang di ibinigay ni Deogracias ang baro, at muling ipinatuloy ang pananahi. Ang ating binata na sadyang nauuhaw sa kanilang pagkakaniig, ay naupo sa piling ni Nena, ngunit ito'y punongpuno ng agam-agam na nagsasalita:―Huwag kang palapit sa akin at baka dumating ang nanang. ―Hindi uuwi agad, huwag kang mag-aalaala.

―At saan naparoon? ―Piniging ng kaniyang komaring Julia at doon hahapon ngayon. ―Ay ano baga naman ang hangad mo pa sa akin?―ang matamis na tanong ni Nena. ―Ang tunay na kahulugan ng iyong loob sa ating pagsasama.

―At di pa ba sukat ang namamasdan mo? ―Malaking halaga sa akin, ngunit.... di pa pinatutunayan ng iyong mga pangako. ―Walang kailangan, pagka't ang dapat kong sabihin ay maluwat ko nang ginagawa sa iyo. ―Oo, at kinikilala kong mahalagang utang. ―Huwag mong alalahanin at ang palagay ko'y tumutupad ako ng isang katungkulan sa iyo. ―Katungkulan! Di yata't katungkulan ang lahat ng ginagawa mo sa akin? ako ba'y mahal mo?

―Gaya ng pagmamahal mo sa akin. ―Tunay na baga, Nena, ang sagot mong iyan? ―Hindi, ngunit mangyayaring nabigla ka lamang. ―Asahan mo ang aking pag-ibig. ―Tunay kaya? ―Gaya ng katunayang pinanununghayan tayo ng Langit. At sinusundan ng isang titig na magiliw na anaki'y naglagos sa puso ng binata at nang tanawin siya'y dalawang patak ng luha ang

nalaglag sa kaniyang mga matang magsasabing isang wagas at tunay na pag-irog. ―Bakit ka umiiyak?―ang tanong ng binata―ikinalulunos mo baga ang magpahayag sa akin? ―Hindi. ―Ay anong luha iyan?

―Ay! Deogracias! ito ang saksing pag-ibig ko sa iyo at samantalang minamalaking bagay ang aking ipinangako, ay katalinamang nagunita ang di na magbabalik na araw sa akin kung di mo pagbigyang halaga. At pagdaka'y humilig sa sinapupunan si Deogracias at kapuwa lumuluhang pinag-sumpaanan ang dimakakalag na taling isang matibay na pagkakasundo.

Kabanata XXIV: Ang masasamang dila ng ilan at ang malumbay na pangarap ni Nena
Ang mahahalagang hiwaga ng pag-ibig na nagdudulot sa ating mga puso ng halos dimahakang mga kaaliwan, at dahilan doo'y nagiging sanhing madalas ng malinaw sa paglimot sa mga huling daratnin, palibhasa'y di maikakait na iya'y pawang likha ng marayang mundong ating pinamamayanan, ang mga ligaya ring iyan ang kung minsa'y naghahatid ng sakit na sadyang kataling mga malikmatang lugod na pagdaka'y inaagaw ng dimatutulang hatol ng panahon. (Pag may tuwa ay may hapis.) Ang mga luha ni Nena sa unang sandaling sinaksihang wagas niyang pag-ibig kay Deogracias, ay napagkilala na nating yao'y mga luha ng pangamba na waring ibinabala ng nagpakaagap na guniguni na siyang bilang kahulugan ng malulumbay niyang pangarap, datapuwa't sa sinapupunan ng kasi ay naging mga luha ng galak sa pagkakabuhol ng kanilang mga puso na noo'y umawit ng isang walang kasingtamis na kapalaran; ngunit dinalaon ang mga kahimahimalang pagtatalik sa gayong ligaya, ay nag-unahang tumudla sa puso ang mga waring katotohanan ng isang kuhilang hinagap na siyang ipinanglupaypay ng dating masiglang mga pagwawari.―Ito ang aking malumbay na pangarap,―ang pagdaka'y nawika ni Nena, sa kaniyang sarili―ito na ang pagkatotoo ng aking mga agam-agam na sumisindak at nagpapalamig sa pag-asa ng

katahimikan, ¡Ay!.... ang buhay kong ito'y sadyang inilaan sa sakit at mga kahirapan ng mundo, ¡Deogracias ng aking buhay! diyata't naamin sa loob na handugan ako ng mabisang lason sa paghahangad mo ng mga hiram sa layaw? at bakit minithing makita ang pagmamahal ko kung siyang sasangkalanin sa mga bulaang pagibig na sa aki'y magdadala sa hukay? ¡Ay! Ito ang malupit na katunayan ng aking pangarap ng nasa Maynila pa, at bakit ako sumamang umuwi rito kung ang daratna'y kabaong ng pagkaaba, ngunit si Deogracias kaya'y makapag-iisip sa akin ng gayong kalupitlupit na gawa na di ko man lamang mamalayan? ¡hindi! at sa malinis niyang puso'y nababanaagan ko ang lalong dalisay na pag-ibig na mag-aakyat sa amin sa taluktok ng mapalad na buhay; datapuwa't anong mga katakata itong iniaalingaw-ngaw sa akin ng masasamang dila? ito kaya'y pag-iimbot na magkaalit ang aming pinag-isang puso? Hindi naman marahil, pagka't anong mahihita ng iba na kami'y paglalangan, ay wala naman akong masamang pakikisama sa kahi't kangino? ako kaya'y ipinasusubok ni Deogracias at nang makilala ang lalong katunayan ng pag-ibig ko sa kaniya? Hindi naman dapat magkagayon, pagka't iniubus ko na ang boo kong pag-ibig, ¡Ay! Ito'y hindi katakata, hindi.... Tunay ngang may ilinilingid siyang masamang loob sa akin, hindi niya ako mahal, hindi, at ang mga ipinamamasid niyang kabaita'y malinaw na pain upang ako'y mahulog sa bulaang pagkasi at maging aliwan ng sukab na pangingibig na pinakabalot-balot ng hinhin ng kaniyang mapaglarong puso ¡Ay! Ito na nga ang maliwanag na

katotohanan ng nakalulunos na akong pangarap. Walâng pagkasiyahan si Nena ng pagsisisi sa napalulong na loob kay Deogracias, at ang mga sakit na humahapo sa kaniyang kaluluwa, ay siyang nagpabalong ng mga luhang kapait-paitan na di nangyari itagò sa pagdating noon ng tunay na sanhing kaniyang mga hirap. si Deogracias na dating sinasalubong niya ng masasarap na ngitî ng pag-ibig kung dumarating ng hapon, ay tunay na kaibang salubong ang dinatnan sa kaniya, pagka't maiitim na ulap ng kapighatian ang nalilimbag sa kaniyang mukhâ, at sa mga mata'y luhang masasaklap ang nagsisipagbatis. ―¡Bakit Nena!―ang biglâng bati ni Deogracias na pagdaka'y nahambal, at ang dugtong-dugtong na tanong. ―Ano ang sumasakit sa iyo? may dinaramdam ka ba? bakit ka umiiyak? ano ang ikinalulumbay mo? ―Walang anoman―ang mabait na sagot ni Nena, at pinakapilit sayahan ang mukha ng pakikiharap sa giliw. ―Ay bakit ganiyan na ang iyong lungkot?―ang ulit na tanong.―Mangyari'y wala ka pa kangina kayâ ako nalulungkot. ―Huwag kang maglihim, Nena, nahahalata kong may nakatagò kang damdamin sa loob, sabihin mo sa akin at huwag mo akong pasakitan. ―Hindi kita mapasasakitan―ang tugon ni Nena―ako pa pala may dapat na itangis na ginagawâ mo. At muling nalaglag ang luhà na

dinapigilan sa malaking hinanakit at di na muling nagsalita, samantalang si Deogracias ay natitigilang di maubos makuro ang dahil ng gayong paghihinampo. Sa di mabatàng titigan ang nagdadalamhating si Nena, ay magiliw na hinaplos buhat sa noo at malubay na hinihimashimas ang buhok at waring inaaliw ng matatamis na pag-alò, ngunit karakarakang iniwaksi ang kaniyang kamay at ang nagtatampong sinabi:―Si Isiang na lamang ang hagurin mo, at hinihintay ka roon! ―Anong mga bigkas iyan? at kailan mo pa inisip ang katakatang salita? Sinong Isiang ang pinaghihinala mong naghihintay sa akin? ―At hindi ba totoo, maanong.... huwag mo na akong linlangin, may katipan ka pala'y bakit ba ako malululong pang muli sa iyo. Pagdaka'y tumindig si Nena sa kaniyang pagkaupo at naghihimutok na napatungo sa dakong loob ng bahay; hinusay ang damit ni Deogracias na datiniyang iliniligpit at lumuluhang ginugunitâ ang kaniyang kinaratnan, na di man lamang pinansin ang anomang pangungusap ng binatang nagkakangmamangha sa malaking pagtataka. Matapus ang ganitong gagawin ng dalaga'y nanaog at iniwang namamanglaw si Deogracias, ngunit ang nakitang ito sa binata'y di rin naman ikinatahimik ng loob, pagka't gumigiit sa sariliang gunitang tila naman walang katunayan ang mga balitang inihatid sa kaniya ng masasamang dilang nakausap, kay nagpaliwaliwang sandaliat nagbalik noon din sa bahay. si Deogracias na walang

maalamang gawin sa gayong paghihinampo ni Nena, na wala siyang sukat pagpatakaran, ay sumusunod palang nanaog, na dinapamamalay sa sinundan, kaya't nang magbalik ito'y nasalubong na si Deogracias na siya ang talagang tinugaygayan paraaan ni Nena ng pagsasalita ang ganitong tanong na wari'y panibugho:―At nagtumuling iniwan si Deogracias na parang pinakikiramdaman kung ano ang gagawin. Palibhasa'y liban kay Nena ay wala na siyang iba pang isinasaloob, at ang totoo'y pawang gawa ng may masasamang budhi ang ipinaghihinalang ito ni Nena, ay punongpuno ng pag-giliw na tinawag at magkasabay na silang nagbalik noon sa bahay, anopa't ang ating dalaga'y naliwanagan sa paniniwalang si Deogracias na lamang ang sa kaniya'y mag-aarihangang sa huling tibok ng kaniyang buhay, palibhasa'y napagkilalang walang kasinglinis ang pag-irog na isinumpa sa kaniya, danga't may mga ilang masamang budhina ibig sumira ng kanilang matatmis na pagmamahalan. Bagaman di na dapat mabangit sa kasaysayang ito ang babaying ipinaghinala ni Nena, ay kailangan ding isalaysay sa mga irog kong mangbabasa upang mahiwatigan man lamang ang naging sanhing pagkalahok ng pagngalang iyan at gayon din naman ang di mamakailang binanggit na malungkot na pangarap ni Nena, pagka't isa sa mga bagay na hanga ngayo'y parang isang bugtong na di mahulaan kung bakit nagiging sanhing madalas ng kaniyang pagdadalamhati.

Ang Isiang na ating binanggit, ay isa sa mga binibining kababayan din ni Deogracias at ni Nena, at palibhasa'y kapuripuri ang taglay na ugaling babaying iyan, ang mga kinamag-anakan ni Deogracias, ay waring malaking pagkahingil na siya niyang maging asawa; ngunit maging ang babaying iyan at maging si Deogracias man ay wala namang anomang pinagkikilalanang loob sa pag-ibig; at ang nagsipamalita kay Nena ng mga katakatang tipanan ng dalawang yaon, ay pawang mga kamag-anak din ni Deogracias at ang adhika nila'y magkaroon ng dahilan ang ikasisira ng umaalingawngaw na pagkakasunod ni Deogracias at ni Nena. Ang panaginip naman ni Nena, ay talagang dapat niyang ikalunos, pagka't ang sabing kaniyang pangarap, ang lalaking pagkatiwalaan niya ng tunay na pag-ibig ay siya ring magdudulot ng mga kasawiang palad na pagdaraanan sa buhay na ito, kaya't ang bahagyang maging damdamin niya, ay doon na lamang ini-uukol, palibhasa'y malaking totoo ang paniniwala sa kinagisnang mga kasabihan, na ang panaginip ay isang babala ng ating mga sasaoitin sa haharaping mga araw. At yamang natanto na nga mga irog na bumabasa ang mga bagay na binanggit sa itaas, ay bayaan natin sa mapayapang pagkakasundo ang dalawang nag-iibigan.

Kabanata XXV: Ano ang loob mo kay Nena?
Ang matatamis na pag-gigiliwan ni Nena at ni Deogracias na sadyang ikinakanlong sa kanilang ali, ay tila waring unti-unti ring napupungitan at ang kanila ring pag-iingat at siyang ikinahahalata na nagiging tagapagpatibay ng hinalang pagkakaiba ng kasalukuyan at ng nakalipas na kanilang pagsasama. Gayonman, ang inainahan ay di kumikibo at para bagang hinihintay ang lalong malilinaw na pagkakataon at nang walang maging sanhing di nila pag-amin kung sakaling siya'y mag-usisa. Patuloy ang araw sa paglakad at ang pagsisintahan nila'y gayon din, na hangang pinakaiingatan ang kanilang mga kilos ay saka naman lalong napapansin palibhasa'y ang di ugaling mga anyo ay siyang mahigit na katunayan ng di hinihintay na pagbabago ng kanilan mga lakad, ngunit ang hindi pagpansin ng kanilang ali ay siyang lumulubos ng mga maling pag-asang walang malay sa kanilang malihim na pagkakasundo. Lumalawig ang pag-asang ito, datapuwa't unti-unting natitipon ng kanilang inainahan ang mga saksing nagpapatotoo ng di maiiwasang pagsisiyasat na ipinag-aantabay lamang ng mabuting pagkakapanahon. Madalas silang sinusubukan; kung minsa'y sa lihim at kung minsa'y sa mga pangpaudyok na pagsasalita, anopa't naging puro mata ang kanilang alikahi't parang bulag, naging puro tainga kahi't parang bingiat naging puro pakikiramdam

kahi't parang tulig na waring walang pansin sa anomang makita, sa anomang marinig at sa anomang madakip ang dimatututulang pagsusulit kung duamating na ang araw. Isang gabing nagkakatuwa ang dalawa sa pagsusugal ng briskas sa datinilang kinawiwilihan, ay lumalo mandin ang paniniwalang hindi sila naiino ng matanda at ang isa pa'y nagkukunwaring mahimbing sa patutulogtulugan ng gabing yaon, ay walang anomang ingat na ginamit, malayangmalaya sa pag-gigiliwan na anaki'y mahigit pa sa isang tunay na magasawa, anopa't sa ganitong walang kasingsarap na kanilang paglalaro na halos minagdamag noon, ay sukat na ang manakanakang narirignig sa aliang tila naaalimpungatang ―magpahinga na kayo at hating-gabi na‖ at naghahalinhinan sa pagtugon ng ―oo po‖, ―ito na po lamang‖ at kung ano anong mga sagot na nagpapakilala ng di na mangalanang labis nilang pagkawili, at kung di sa minsanminsang tugtog ng gunita na baka sila kagalitan, ay inumaga sana sa ganitong paglalaro. Natigil ang briskas ng dalawa, ngunit hindi magkagiitan halos ang malalambing na kantiyawan sa pagkatalo ni Nena at sa pagdaraya ni Deogracias na sa pagkakaingayan nila'y napilitang magbangon ang ali at minura silang dalawa, hangan sa nagsitungo sa kanikanilang tulugan. Dumaan ang gabi sa dalawa na pawang matatamisa na pangarap ang pumapatnubay, ngunit kapuwa tinanghali sa banig sa malaking pagkapuyat, kaya't kung nakatulog man sa pagmura ng kanilang inainahan, ay pagmura rin ang iginising sa kanila at di na natahan ang tinakap-takap bagama't siya nang nagparayang nagluto

ng kanilang aalmusalin nang umagang yaon, anopa't nagsisikain sila'y minumura sa malabis na pagkakawiling maglaro nang gabing sinundan. Natapos ang pagkain at lumabas siDeogaracias sa bukid, at si Nena namang naiwan ay di pa tinatahanan ang aling kamumura at doon na nga isinabay ang pagkaungkat ng pinapansing kanilang mga ayos na di naman ikinait ni Nena at inaming lubos ang kanilang pinagtibay na pag-ibig. Si Deogracias na nakikilala naman ng kanilang ali, maging sa kabaitan at maging sa pinagbuhatang lahi, ay di naman minasama sa ganitong pagkakasundo nila, ngunit tanging ibinawak sa pamangkin ang labis na pagpapakitang loob at ipinakilalalang sa gayon madalas magmula ang marawal na kapahamakan, tangikung may magandang tungo ang sa kaniya'y pangingibig, at nayarisa loob na si Deogracias naman ang siyang usisain pagdating ng hapon. Nang magtakip-silim na ay umuwi si Deogracias sa kanilang bahay, at pagkatapus iulat sa ali ang mga ginawa niya sa bukid aay nalulugod na linapitan si Nena, ngunit ito'y paanas na nangusap. ―Paroon ka muna at nahahalata na tayo ng nanang. ―¡Oho!―ang pataka ni Deogracias, at ang dugtong na tanong―bakit? may sinasabiba sa iyo ―Oo, at hindi malayong tanungin ka rin ngayon. Hindi nagkabula ang kotub ng loob ni Nena, at noon di'y narinig nila ang tawag. ―Deogracias! Halika nga.

―Narian na po―ang tugon nito, samantalang may sinasabipa kay Nena.―Paroon ka na―ang bulong naman ng binibini―at saka na tayo mag-usap. Nagmamadaling lumabas ang binata at lumipat sa inainahan. ―Maupo ka―ang agad sinabi sa kainya―maupo ka at may itatanong ako sa iyo. Bagama't ipinahiwatig na ni Nena ang bagay na ito kay Deogracias, ay kakabakaba ring ang kaniyang loob na naupo sa piling ng ali, at ang pangamba'y baka siya kagalitan, bakit nga sariwangsariwa pa ang nagyarinang gabing sinundan at ang ikinapoot na kanilang pagkablam sa banig nang lamang sa balang mangyariat hinihtay ang sa kaniya'y sasabihin. ―Kinikilala mo ba akong para mo ring magulang na tunay?―ang unang tanong ng ali.

―Oo po. ―Kun gayo'y hindi ka maglilihim ng anoman sa itatanong ko. ―Hindi po.―Ano ang loob mo kay Nena? ―Mabuti po. ―Siya ba'y tunay na iniibig mong maging asawa? ―Gayon po, ang aking loob sa kaniya at siya rin naming salitaan, hindi ko lamang maalaman kung sasang-ayon kayo sa amin.

―Ako'y hindi pagkakadahilanan kung tunay sa loob mo ang pangingibig sa kaniya, ngunit ang balita ko'y nagsisipanuyo ang mga ali mo sa mga magulang ni Isiang at siya raw pinaliligawan sa iyo, ay baka nabubulagan ka lamang kay Nena, isipin mong magaling at mahirap na ang magsisi kung dumating ang araw. ―Iyan po'y wala sa akin, at buhat pa sa musmos ay minahal ko na si Nena na gaya ng namasdan ninyo ng pag-aaruga sa amin. ―Oo na nga, ay di mo naman maiaalis na ipamilika ng mga alimo ng iyong magiging asawa. ―Ang loob ko po ang dapat kong sundin at hindi naman sila ang makikisama, bukod dito'y ano pa naman ang kanilang masasabi kung si Nena ang aking maging palad?

―Ikaw ang bahala ipinagpapauna ko sa iyong baka may pagsisisihan ka kung naroroon na. ―Wala po, at ito'y yaring-yari na sa aking loob. ―Kung gayon, ay ibig kong makasal kayo sa lalong madaling panahon, at hindi ko ibig na pagbudhian pa ng marami, bakit kayo'y nagkakapisan dito sa bahay. ―Kayo po ang masusunod, at sa inyo rin naman ako umaasa ng anomang kakailanganin, yaman kayo ang nakilala naming tunay na magulang.

―Eh siya, paroon ka na; pakaiingatan sana ninyo ang mga kilos na makapapangit sa magandang asal, at yamang inaari akong tunay na magulang ay huwag ninyo akong bigyan ng ipagdadalamhati. ―Huwag po kayong mag-alaala, nanang, at labis na minahal ko si Nena ay dapat ko namang mahalin ang kaniyang kaluluwa. Natapus ang salitaan ng mag-ali at saka naman nag-usap ang dalawa ni Nena at ni Deogracias, at sa boong katuwaa'y nagsisipagpuri sa matamis na pakikiayon ng kanilang inainahan. Naghihintay ng araw ang dalawanag dibdib sa pagkakaisa at paglasap ng di mahahakang ligaya na sa kanila'y ilinalaan ng panahon; at samantalang di pa itinutulot ng matuwid ay bayaan natin sa di mapupuwing na pagsisintahan ang kanilang mga puso hangang sa maningning sa gitna ng dangal na sa kanila'y itinatakad ng isang wagas at dalisay na pag-ibig.

Kabanata XXVI: Kung ano ang katuwaan, gayundin ang kahirapan
Sa malungkot na bilangguang pinagpiitan kay Miguel, ay wala siyang laging kahalubilo kundi pawang tampalasan na pinarurusahan ng matuwid. Ang mga ligaya sa malayang buhay ay nagsisipagtanim sa kaniya noon at walang pumupuno sa nasasakitang loob, kundi panay na agam-agam, pulos na pighati na nagdudulot ng lalong masimbuyong mga hinagap na tuwina'y kabalot-balot ng kaniyang gunita. Kulang sa pagtulog, salat sa pagkain at walang masagana sa kaniyang buhay kundi ang malulupit na kilos ng nangagtatanod na anaki'y mga halimaw. Doo'y walang dios kundi ang bangis, dusta at paglait ang aliw ng mga nadarayukdok sa dangal na nagsisipaghari at gagahis-gahis na ibig panginoonin ng kapuwa, at sino si Miguel na itatanging gayong malulupit na asal? malayo ay Iyan ang dulo ng mga katuwaang sinasamantala niya sa boong panahon at siya ring umiinis kung kaniyang magunamgunam. Madalas maalaala ni Miguel si Chayong, lalong-lalo na sa oras ng pagtulog at siyang lagi nang pumupuyat sa kaniya, kaya't sa suson-susong hirap na tinitiis sa gayong pagkabilango, ay dinalao't nangangayayat, nanghina at di nakalaban sa dagsing mga sakit. Ang kagandahang lalaki na kinakalasag sa maruming hilig ng kaniyang kabataan, ay pinapag-ulap ng mga damdaming nakababaw sa kaniya; minsan ma'y di siya inaliw ng matatalinghagang

panahong kaniyang tinalikdan, bagkos ipinag-uulol ng hirap ng loob at nang walang likat na pagsisisa kaniya ring sariling buhay. Nagtitiis siya at maminsan minsang idinadalangin makatagal nawa sa ganitong mga kahirapan at palarin pang magkita sila ni Chayong kung siya'y makalabas, ngunit isang gabing di na yata makaatim sa di pagkatanto ng kinaiinipang hatol ng Hukom na pagpaparusa ó pagpapatawad, ay punong-puno ng pagngingitngit na sinabi:―Di pa gumuho ang bilangguang ito―di pa mabuka ang lupa at ako'y lamunin―¡masamang palad! bakit di ako mamatay? Sa pagsisikap ng loob abang si Miguel, ay biglang naghimatay, at walang walang malay-taong dinampot ng kaniyang mga kasamahang pagdaka'y nagsidalo at kusang pinagyaman sa isa sa mga papag na malapit hangang nataohan at doon na tuloy inumaga. Malatangmalata si Miguel nang kinabukasan; malungkot din at walang bagay na sukat makaaliw sa kaniyang loob, anopa't minamagaling pa ang mamatay sa managal ng gayon, at kung di manaka-nakang maghariang matuwid, ay naisipan disin ang siya'y magbigti at nang matapos na ang gayong nakalulunos na kaniyng pamumuhay. Mapamaya-maya'y tumamggap ng sulat na pairing na iniabot sa kaniya ng isang tanod at ang tila nanunuyang sinabi:―Basahin mo at iyan ang patawad ng Hukom.―Tunay po kaya?―ang tanong ni Miguel, at waring napalukso sa malaking katuwaan. Phis! ¡phis! Ang dalawang sunod na palo na pinapamilit sa kaniyang likod ng halimaw na nag-abot ng sulat at ang idinugtong na nanglilisik ang mata:―Ibig palang makawala ng hayop na ito, ¡ayan ang patawad! At nagsalikod-kamay

na kinaladkad ang kaniyang pamalong yantok, at lilindi-linding napatungo sa karamihan ng bilango at doon naman pinapagsawa ang malupit niyang kamay naibinuga yata ng infierno, samantalang si Miguel ay luluha-luhang binubuksan ang sulat na katatangap lamang. Sandaling minasdan, biniling at pagkakita ng firma'y nagkakangmamanghang sinabi:―¡Ah! Si Narciso si Narcisong pinsan ko! At saka binasa ang ganitong matamis na pahayag: ―Minamahal kong pinsan: hindi ako makapagsadya sa iyo, at hindi araw ng dalaw ngayon, bagaman, ay pakapipilitin kong mapadalhan kita mamaya ng kaunting makakain. ―Ipayapa mo ang iyong loob ng pakikiayon sa kalooban ng Langit at kasalukuyang linalakad ko sa Fiscal ang kahihinatnan ng iyong usap-upang agad matapus. ―Huwag kang malilingat ng paghinging awa sa Panginoong Dios, at kahimanawari ay mapagtiisan mo rin ang mga kahirapang pinagdaranasan diyan, at asahan mong walang hindi mababata ang tao sa pamamagitan ng isang banal na pakikiayon. ―Ibinabalita ko sa iyo na dumaang maluwalhati si Chayong at isang magandang sanggol na lalakiang kaniyang ilinuwal sa maliwanag. ―Huwag mo sayang lubhang alalahanin at makaaasa kang para ka ging nariniat hindi ko pinabayaan sa anomang kailangan niya. ―Ariin mong kaaliwan sa iyong mga hirap ang unti-unting pagkapansin ko ng malubay na pahihinuhod ng kaniyang mga magulang na kayo'y makasal kung ikaw ay makawala na sa iyong pagkabilango, alang alang man lamang sa inyong anak. ―Ang bata ay walang sakit, mataba at sa iyo kinuha ang lahat ng anyo. Sa lingo namin

pabibinyagan, at ako ang minagaling ng mga magulang ni Chayong na siyang maghawak gayundin naman siya na lubhang malakiang pakikayon na pagkumparihan namin ang kaunaunahang bunga ng inyong matamis na pag-iibigan. ―Muli't muliang bilin kong dagdagan mo ang pakikiayon, at sa wariko'y hindi ka rin matatagalan diya. ―Ang nagmamahal mong pinsan – Narciso. * * * Ang dapat makalibang kay Miguel na matatamis na pahayag ni Narciso sa sulat na yaon, ay lalo nang nagbigay sakit sa kaniyang lob, at waring isinurot sa alsala ang mga katampalasanang ginawa sa pinsan na ngayo'y siyang nagsusumikap sa kaniyang ikagagaling at gayondin kay Chayong na inagaw ng masakim niyang pag-iimbot, at doon napatunayan ang karaniwang sabihing: ―Ang magandang pakikisama ay siyang malupit na parusa‖. Bagaman labis na dinaramdam ni Miguel ang kaniyang mga salang ginawa kay Narciso ay munti ring ikinalugod ang pagdaraang maluwalhati ni Chayong at ang mabuting kalagayan ng bata, ngunit madalas nakikisaliw na ipinagdudurugo ng loob ang di nila pagkikita, salamat sa magagandang payo ni Narcisong pinsan niya, na pakiki ayon sa kalooban ng Langit, at kung di ito'y pinapilitan sana ang siya'y makatakas, bagay na di miminsang inakala, datapuwa't nauurong king dilidilihin na ang gayo'y lalong ipagdaragdag ng kaniyang panahon sa pagkabilango, kaya't

natira na lamang sa inaaasahang pangako ni Narciso na siyang lumalakad ng kaniyang usapin. Hintin natin ang hatol ng Hukom.

Kabanata XXVII: Anong kahayupan iyan?
Kasalukuyang pinagduduklay-duklay ng Miguel sa loob ng bilanguan ang pagbibinyag sa kaniyang anak na kinabukasa'y gaganapin, ay siyang pagtawag sa kaniya ng isang teniente ng Hukom at iniharap sa pasulatan ng Escribano upang ibabala ang hatol. At nang masiyasat na kong sino ang inihahalal niyang magtangol sa usap, ay muling inihatid sa bilangguan, ngunit nang naroroon na'y ang nawika sa sarili: ―Anim na buwan! Anim na buwan pa akong mapipiit, at ang mahigit na siyam na buwang ipinagtiis ko bago ako hinatulan sino ang magsasauli sa akin? bakit ako pinatayong-tayong sa bilangguang ito na pinamamahalaan ng mga ankan ni Satan? At pagdaka'y nagngalit na pinagtiim ang mga ngipin; pinakahigpit ang magkakakama ng mga daliring nagkakaduop na kaay at biglang isinikad ang paa na sa kalakasa'y nabaligtad sa kinauupang bangko, kaya't nagkasugat ng bahagya ang likod sa pagkababag sa nagkakatungkong bato na kaniyang kanapahigaan. ―Bakit?―ang nagkakagulong tanong ng madlang nakakita at naguunahang lumapit. ―Ano iyan?―ang sigaw ng isa sa mga tanod na humahagibis na tinungo ang pulutong, at kung di man hinagkis ng kaniyang daladalang yantok, at sa tabig nahawiang madlang nanunuod kay Miguel, at ito'y gahasang tinanong:―Anong kahayupan iyan?

―Ako po'y nahulog sa bangko – ang malubhay na tugon ng kaawaawang nasaktan.―Iyan ang mabutisa iyo – at isinuyap ang mga matang nanglilisik sa madlang nanonood, at ang wika:―Ano kayo; ibig ba ninyo itong yantok? Sa katakutan ng nangaroo'y nagkakaumpugan sa pagbilag, at iniwan si Miguel na siyang naharap ng halimaw na tanod. Hindi nakuhang palisang mabuti ni Miguel ang mga alabok na nagsipanikit sa kaniyang katawan, ay agad itinaboy sa mabibigat na gagawin, anopa't halos magpuputok ang loob sa malaking kahirapang pinagdaranasan ng kaniyang palad. Nang mapagabi, ay narito na naman ang hirap. Natapus ang maghapong pagtitiis, bago na namang balisa ang kakabakahin ng loob ng isang naiinip sa bilanguang gaya na nga ni Miguel. Nagunita na naman ang anim na buwan pang lalakaran niya sa bilanguan hangang sa matupad ang takdang hatol, na ang bawa't oras lamang ay katulad ng isang buwan kay Miguel sa di maatim na kahirapan ng pagkabilango. Nabukasan na naman siya at ito'y isa nang kabasan ng taning. Noo'y araw ng lingo, na siyang araw ng pagbibinyag sa kaniyang anak. Dapat sanang ikalibang ang maghapong yaon, pagka't hindi siya gagawa ng mabibigat, ngunit kapalit namang nakapataw sa loob ang di man lamang pagkamasid sa matamis na bunga ng kamilang pag-iibigan. Palibhasa'y kung dinaratnan man ang tao ng mga hirap na sadyang ipinahahatid ng Langit at ginagawang tagapagpapaalala ng ating mga kamalian, ay mayroon din namang manakanakang pang-aliw na magiging gamot, bagay na dapat nating ipaniwala na nakalaganap sa lahat ang

dimahahakang kay Miguel upang maawas-awasan ang kaniyang mga sakit. Pagka't noo'y lingo na kaarawan ng dalaw sa bilanguan, ay nagugunita ni Miguel na sapilitang makararating doon si Narciso upang siya'y dalawin at magbalita ng boong nangyarisa pagbibinyag at sa mga magulang naman ni Chayong, ay malaking totoo ang kaniyang nasang magkita silang magpinsan at di anhin na lamang ay dumating ang hapon. Samantalang naghihintay si Miguel ay nakiumpok na muna sa madlang nagsisipanood ng larong ―tablero‖ na ipinahihintulot naman sa sinomang ibig maglibang, at para na niyang pinararaan ang oras ng paghihintay sa darating. Sa pagkawili ni Miguel ng panonood ng laro na bilang pinagpaparaanan ng lungkot, ay munti rin nalitang; at palibhasa'y naroon na ang kaniyang loob, ay waring nakikikantiyaw pa sa isang kalaro na laginang natatalo, at dinapigilan ang sigaw na:―Aba at ipinakutsino ang dama, at sinundan ng isang halakhak na siyang ikinagising tuloy ng halimaw na tanod na natutulog noon sa isang papag na kalapit. Sadyang nakababaw kay Miguel ang mabibigat na hirap sa buhay, at sukat na ang nangyaring ito upang mulina naman siyang pagbuhatan ng kamay ng di na magalanang bangis ng tagatanod na nagising. Halos gumupo sa suntok at sikad ang abang si Miguel noon, at lalo pang ipinagdaragdag ng paghihnagpis ang umiiring na pagsising ilang kaharap napawang naglalangis sa di na naawang malupit na tao, ¡kahabaghabag na buhay! ano-ano pa kayang mga kahirapan ang naghihintay kay Miguel sa gayong pagkabilango?

Langit ang nakatataya! Sa nangyaring ito'y natigil tuloy ang paglalaruan; ang maraminoo'y nag-ingos sa kaniya, at samantalang pinapahid ang mga luhang pinabubukal ng hirap ng loob, at nang nasalantang katawan, ay naupo na lamang sa isang tabiat doon na inabot ni Narcisong pinsan niya, kaya't ang malungkot na tanong pagdating:―Bakit ka umiiyak, Miguel? ―Ay! ... ang buntong hiningang itinugon, at lalo nang lumagaslas ang mapapait na luha. Hindi nalihim kay Narciso ang sanhing gayong kalumbayan, pagka't namasdan sa mukha ng pinsan niya ang nangingitim na pasa dahil sa maririing suntok na kaniyang tinangap, ilaking sakit! Itinindig ni Narciso si Miguel at ang munting makakaing ipinadala ni Chayong ay ibinigay sa kaniya at nalulugod namang tinangap. si Miguel ay may isang buslong luma na talagang taguan ng kaniyang kakanin, ay siyang kinuha at pagkatapus pagpagin ang maraming langam, ay doon binagay ang dala ni Narciso at saka sila nag-usap.―Ano ba ang naging pangalan ng bata? Ang tanong ni Miguel. ―Narciso rin – ang tugon ni Narciso, at siyang minagaling na hiniling ina ni Chayong. ―Nasunod ba sa pangalan ko? ―Oo, ngunit muntik na kaming magkagalit ng manunulat sa convento at ipinpilit na humingi muna ako sa iyo ng kasulatang may firma mo at dalawang saksing nagpapatibay ng iyong pagkilalang yao'y tunay mo ngang anak.

―Siya nga namaan, ay paano ang ginawa mo at pumayag? ―Ipinakiusap ko na lamang, at pinangakuan kong bibigyan ng piso. ―Naku masama iyon, mabuti at hindi inusisa ng kura at kung magkataon, ay siya ang mananagot noon. ―Aywan ko sa kaniya, di siya ang bahala, ibig niya ng piso eh, di managot siya. ―Ay ano ba naman ang sabi-sabing mga magulang ni Chayong tungkol sa akin. ―Wala naman, bayaan mo na at ako ang bahala, pakapipilitin kong pumayag na ipakasal sa iyo kung ikaw'y makalabas ilan bang buwan ang naging hatol sa iyo? binabala ka na ba? ―Oo at anim na buwan daw. ―Bakit, daw, hindi ba binasa sa iyo ng Escribano ang hatol? ―Binasa nga. ―Mabuti't anim na buwan na lamang.

―Iyon lamang eh hindi ko maalaman kung matatagalan ko ah. ―Magtiis ka na, alin na nga sa kung magtanan ka'y maragdagan pa?

―Ibig ko nga'y lumayas na at mangyari na ang mangyayari. ―Huwag; magtiis ka at kasalanan mo. Magdarasal ka at laging idadalanging mabata mo nawa ang mga kahirapang iyan, alang alang sa anak mo. Pagkabanggit nito'y nalaglag ang luha ni Miguel at naalaala ang mga kapahamakang mang yayari sa kaniyang babatahin huwag na lamang maragdagan pa ang kaniyang pagkabilango. Nang tumugtog ang oras ng pagpapalabas ng mga dalaw, at naghiwalay na kapuwa lumuluha ang dalawa nguni't dapat lumaki ang dalamhati ni Miguel, pagka't bukod sa kaniyang pagkapiit ay sari-saripang mga kalupitan ang kaniyang binabata, samantalang natatamis na pag-irog ang lagi nang sinasagap ni Narciso sa kanilang pag-uulayaw ni Neneng, at siya nating babanggitin sa kasunod na pangkat.

Kabanata XXVIII: Sumpa ng pag-ibig
―Ang panaho'y ginto‖, ito ang sagisag ng kasipagan at nagpapahiwatig na ang bawa't dumaraang sandali ay dapat pakasikapin sa mga bagay na pakikinabangan, datapuwa't tunay na kaiba ang sagisag ng pag-ibig, na sa ganang ami'y matatawag namang ―Ang panaho'y talinghaga‖, palibhasa'y sa pamagat na iyan waring nagtitipon ang malilihim na hiwaga ng puso na naghahatid sa ating kaluluwa ng di masayod na kaaliwan, ng maaalindog na gunita at ng walang kasing tamis na ligaya na isinusuob ng malikmatang panahon sa atin. Ang malungkot na gunamgunam ni Narciso sa madlang kahirapan ni Miguel sa bilangguang pinanggaliangan niya nang hapong yaon, ay biglang-biglang naparam sa pagkagunitang hinihintay siya ni Neneng, kaya't pagmamadaling naparoon, taglay ang pag-asang sa pagkakaniig nila'y maligayang sasagap na naman nng matamis na titig na madalas itapon sa kaniya. Talinghaga ng pag-ibig! Si Neneng nang hapong yao'y nakapamintana at ang nakalugay na malago at mahabang buhok at tila sadyang pinababayaang ilipad ng hangin at nang magsilaylay sa bintanang kinabababahan at yao'y lalong nagpapadilag sa talagang matamis niyang mukha na dapat kawilihang pagmasdan ng batabg palaring sa kaniya'y manood. Ganoong katuwaan ang ihahatid sa puso ni Narciso ng gayong anyo ni Neneng kung siya'y abutan hintin natin.

At di nga nalao'y natanaw-tanawang dumarating ang binata; ngunit ang nasa bintana'y walang kilos hindi nagbabagong anyo at siyang ibig abutan ni Narciso ang kagiliwgiliw na pagkalugay ng buhok niyang papagapagaspas at manakanakang pinadidila ng hangin sa parang binurok na dalawang pisngi, anopa't sa kalagayang ito'y anghel na mistula ang katulad ni Neneng na anaki'y walang malay at di paniniktan ng anomang sala. Hangang nalalapit si Narciso'y nadaragdagan ang lugod ng pagmamasid kay Neneng at matamis ng ngiti naman ang inihahandang isalubong sa pagdating niya. Pagkatapat sa bintana'y kaputawa't tumibog ang kanilang mga puso at magiliw na nagbati. Bagaman nagaalinlangan pa ang dumating na magtuloy agad ay parng pisasigla ng wikang: ―Manhik ka at sasabihin ko sa kanila, Samantalang tinuntungo ni Narciso ang hagdana'y nagmamadali si Neneng na ibinalita sa hipag ang kanilang panahon, at ang sagot na patuluyin mo ay agad at di nanalo'y nagkaumpok sila sa isang kawiliwili at matamis na pagpapanayam. ―Comosta banag pabinyag mo, Sochong, ito ang unang bati ni Neneng. ―Mabuti at nakaraos,

―Ikaw raw pala ang naghawak sa bata, totoo nga ba?―Oo, pagka't ako ang napita ng ina ni Chayong. ―Ay di magkumparina pala kayo ni Chayong, mabutinaman at di rin lubos ang inyong pagkakalayo. ―Ay Neneng! Nahahabag ako kung dilidilihin ang kaniyang naging palad. ―Dapat ka namang mahabag, sabihin pa ba, ay maluwat mo rin naman siyang... ―Wala na roon ang aking loob, at ang kaawaang ko'y dahil na lamang sa kaniyang pagkaaba na dapat lingapinng sinoman. ―Mapagsasabay mo rin naman sa loob mo ang dalawang bagay eh. ―Magagawa ko, oo, ngni't sukat na sa aking makabusog ang masarap mong pagtingin. ―Tunay kaya ang pagtuturing mong iyan? ―Tunay, aywan ko lamang kung ako'y namamali. ―Sa ano?

―Sa pagasa ko sa iyo. ―Di ka namamali, at di rin naman mali ang iniisip ko.

―At nagiisip ka pa ba sa akin? Ang tila namamanghang tanong ni Narciso. ―Di mo maiaalis. ―Wala ka ring pagmamahal kung gayon.―Pagka't ibinibilang mo ako sa isang mapaglarong puso. ―Iya'y ugalina ninyong lalaki. ―Ibahin mo ako, at sukat ka nang makapigil ng aking masamang hilig, sakaling mayroon man. ―At wala ba? ―Malinis ang pag-ibig ko sa iyo. ―Talaga mong masasabiiyan.―Ito'y hindi sabi lamang at nakilala mo nang labis na minamahal kita.

―Mangyayari namang magmahal ka pa sa iba. ―Hindi na, at liban sa iyo'y wala na akong Langit; sa iyo inihahanga ang boong panahon ng aking buhay, aywan ko kung ikaw ma'y gayon din sa akin. ―Isang malambing na titig ang ipinako kay Narciso at saka nagsalita.―Nagtataka ako sa iyo. ―Bakit na naman.

―Kulang ka pala nang paniniwala ay sinasayang mo pa ang panahon ng pagparito.―Naniniwala ako sa iyo, ikaw ang hindi sa akin. ―May dahilan ang paghihinala ko. ―Alin iyon, at ano ang namasdan mo sa akin? ―Iyan lamang na pag-aanak mo sa binyag eh, kung hindi pa sa ibang tao'y hindi ko naalaman ah. ―Kulang ako ng panahon ng pagbabalita sa iyo.―Mangyari, panganaganak na ni Chayong ay wala ka nang alis doon, isip mo yata'y hindi ko nababalitaan.―Dapat mong ikatuwa at ako'y nakagawa ng mabuti, pagka't kung hindi ako ay di malayong napahamak si Chayong sa malaking galit ng kaniyang ama. ―O tingnan mo na, di masakit siya sa loob mo; sa dila mo rin nahuhuli ang iyong sala. Samantalang nangingiti ang binata, ay lumalaki naman ang panghihinuha ni Neneng, at di napigilan ang pagsasalitang:―Natatawa ka at linoloko mo ano?

―Aba hindi, kaya lamang ako natatawa, ay kung ano-ano ang ibig mong ibintang sa akin. ―Pshe, at hindi ba totoo? ―At sinabayan ng tindig ni Neneng na tila nagtatampo; pumasok sa loob na iniwan ang kausap, at tila tinikman kung ano ang

gagawin; ngunit si Narciso'y nagpakilala ng yamot sa kaniya; nagtindig naman, at waring ibig nang umalis, datapuwa't nang anyong lalabas at magpapaalam, ay siya rin ang pumigil at ang wika: ―May sasabihin pa ako sa iyo, hintay ka muna. ―Nasusuya na ako sa iyong mga bintang, sa ibang araw na tayo mag-usap. ―Hindi, Sochong, hindi na, at binibiro lamang kita, maupo ka sandali. ―Ako'y aalis na. ―Huwag, maupo ka muna, at di na ako maghihimala sa iyo kailanaman. ―Tunay? ―Oo, tunay,

Naupo ka. Naupo si Narciso sa pagbibigay loob kay Neneng, at doon pinagtibay ang di makakalas na sumpa ng kanilang tunay na pagsisintahan, pag-iingat ng isa't isa sa ipagkakaalit, ikasisira at ilalamig ng kani-kanilang mga loob, na sa sandaling yao'y hiniyasaw ng malilinaw na tanda ng kanilang pagkasi; nguni't di naligtaang ipahiwatig ng binata ang malaking suklam niya sa isang babaying panibughuin, kaya't mahigpit namang

ipinangako sa kaniyang kailan ma'y di na gagawing muli kahi't sa aglahiman, anopa't ang gayong hilig ni Neneng, ay kusang isinuko sa pagpapatotoo ng kay Narciso'y wagas niyang pag-ibig. Ano ba ang kanilang ngalan? Ika-walong oras at kalahating umaga nang isa sa mga araw ng Diciembre ng taong 19... ay siyang pagdating dito sa Maynila ng treng linululanan ni Nena at ni Deogracias. Ito'y nagpaunang nanaog at inabot sa kamay ang tunay na hiwaga ng kaniyang mga pangarap. Si Deogracias, bagama't walang kinawiwilihan kundi ang pagbubukid, ay maringal na maringal na namasdan marahil ng maraming kasabay nila, dahilan sa kisig, na tunay niyang utang sa matamis na kalinga ng isang babaying butihin at walang kasingdunong na magmahal. Ito ay si Nena, na siya niyang kaagapay noong lumalakad, at sa masarap nilang anyo'y namamasdan ang masasayang lihim na di maikait ng kanilang mga puso. Ang marikit na barong piña ni Deogracias na pinakabuting binurdahan ng masusing kamay ni Nena, ang de-lanang salawal, ang sambaliling baliwag at zapatos na charol, ay parang nagpapakilala ng tunay na pagkariwasa ng kanilang pamumuhay, at lalong nagpapatotoo nito ang paghirang nila ng marikit na sasakyan noon, kaya't may katagalan din bago nakakita. Pagkalulan nila'y dinag-idlap na dumating sa bahay ni Neneng na kung sakaling may kalayuan ma'y ilinipad halos ng kabayong parang ipo ipo ng pagtutumulin.―si Nena!―ang sigaw ni Neneng sa

bahay na pagdaka'y nakamasid sa pagtigil ng kanilang carroomata, at nagmamadaling nananog na sumalubong. Dina si Deogracias ang umabot kay Nena ng pagbaba at nagpaunang idinulot ni Neneng ang kaniyang kamay na halos isinapupo sa kaibigang bagong dating, at nagkakayapus na pumanhik, ngunit dinaligtaan ni Nena ang ipinagumagap na pagpapahiwatig. ―Ipinakikilala ko sa iyo, Neneng, itong aking magiging palad – at itinuro si Deogracias. ―Ah! Sila ba?―at sa binata nakangiting tumingin. ―Lumalaan po sa inyong ipag-uutos, ang sagot ni Deogracias. ―Maupo kayo, Comosta po ang buhay sa lalawigan? ―Mabuti po naman, hindi lamang masayang paris dito. ―Ikaw naman, Nena, lalo kang mataba ngayon kay sa dati ah.

―Mangyari, nahihiyang ako sa bukid, ikaw lamang eh, ayaw pang sumama sa amin noong araw. ―Pagkakasal na ninyo kailan ba? ―Bago matapus ang Enerong darating paparoon ka ba? ―Ikaw eh.―Ikaw nga ang ayaw malalayo ng koyang mo'y ako ang iyong palolooban, ang ibig ko'y huwag

―Hintay nga muna kayo, kaipala'y di pa kayo nagaamusal, ako muna'y magluluto sandali, hani? ―Huwag, Neneng, at kumain na kami bago umalis sa bahay. ―Napakaaga naman ang pagkakain ninyo, dapat na kayong magutom ngayon, ano bang oras nang umalis doon ang tren? ―A las siete. ―Ganoon pala eh, hintay nga at ako'y magluluto sandali, para ka rin namang taong bahay rito; ikaw na nga muna ang bahalang lumibang sa kanila. Ano ba ang kanilang ngalan? ―Deogracias po, kung sila'y may ipag-uutos.

―Marami pong salamat, at ang idinugtong:―Ituring po ninyong para rin kayong na sa inyong bahay. At pagkasabi nito'y nagdumali si Neneng na napatungo sa labas na di na diningig ang anomang pagpigil ni Nena at nagluto ng kanilang kakanin. Samantalang nagkakakahog sa labas ang naghahanda, ay parang linilitang ni Nena si Deogracias sa pagbabalita ng labis nilang pagpapalagayang loob ni Neneng at ng pagsasamang halos tunay na magkapatid na siyang lalong nagpatotoo kay Deogracias ng namasdang magandang ugali ni Neneng na sa kanila'y ipinasalubong. Hindi nalao'y nahanda ang pagkain at magiliw silang inanyayahan.

―Malaking kagambalahan, ani Deogracias, ang idinulot sa inyo na aming pagkaparito. ―Hindi po, ang tugon ni Neneng, salamat at sa paano ma'y nakilala ninyong may isang maralitang kaibigan dito sa Maynila ang inyong magiging asawa. Magsasalita pa si Deogracias ay biglang pinutol ni Neneng ng wari'y payamot na salita:―¡Ah! Halina nga, marami pa kayong... At pinangahasang batakin sa kamay si Deogracias at si Nena nama'y inakbay na kapuwa idinulog sa dulang ng pagkain. Habang kumakain ay nag-uusap silang tatlo; ngunit malamang ang sa dulang binibini sa pagbabalitaan ng mga nangyari sa kanikanilang buhay na dinaanan, tangi ang bagong hinaharap na paglagay nila sa ―estado‖ na sapilitang dapat ipagiba ng kanilang dating pagpapalagayang loob, kaya't nakisagot sa salitaan ang ating Deogracias. Sa ganang akin po'y isa sa malaking dangal ang makipagkapuwa tao, at dahil sa nakilala kong masarap ninyong pagsasama ni Nena, ay unti-unting niyayari sa aking loob ang dito na maghanapbuhay sa Maynila kung kami'y maraos na makasal, aywan ko lamang kung ang magiging asawa ninyo ay siya ring magiging sabik ng ating mga pagkakasundo; nakikiatin po ako at ang pag-asa'y kabilang na ngayon pa ang aking paglilingkod sa inyo at sa kaniya, bagaman di pa kami nagkakakilalanan.―Salamat po, kung gayon, at kung tungkol kay Narciso, ito po ang ngalan ng aking...―Kilala ko na po – ang ipinatid ni Deogracias, pagka't si Nena rin ang nagsabi sa akin, aywan ko lamang ang kaugaliang taglay niya.―Sa ugali po'y wala

akong daat ipag alaala, at kung kayo'y magiging dalawa o tatlong araw, ay makilala rin ninyo.―Cami po'y mamimili lamang ng kailangan, at bukas di'y ibig naming umuwi.―Bukas!.. siya nga ba Nena at bukas kayo uuwi?―Ganoon ang tangka namin.―Napakadali ba naman.―Mangyari, marami kaming gagawin sa bahay.―Sa makalawa na kayo umalis, at magsimba muna tayo sa unang araw ng ― Misa de gallo‖ dito sa Santa Cruz.―Naku, huwag na, at paninimdim kami ni nanang, bakit hindi pa kami natatapos ng pagliligpit sa bukid―Para isang araw ang tinatawad ko ay di pa ninyo pairugan, kayo na nga ang bahala baka nga naman kayo mamatay ng gutom dito sa amin. Nang mahalata ni Deogracias na tila may halo nang pagtatampo ang salita ng kanilang kaibigan, kaya't sa malaking tuwa ni Neneng ay pumalakpak pa sa ibabaw ng dulang na nagsalita.―nakita mo na, sinasabi ko't kapag ang lalaki ang nagpasya ay walang magagawa tayong mga babayi; ngayon ano pa ang itututol mo? ¡wala na! at na sa ilalim ka na ng kanilang kapangyarihan, isip mo yata'y paris ka pa ng dati ¡iba na ngayon..! At saka tumawa ng malakas at panay na panunukso ang ginawa sa kaibigan.―Magtahan ka, dalahira; pag talagang hindi ako papipigil ay wala rin kayong magagawa sa akin. Natapus ang pagkakainan sa boong pagkakatuwa ng tatlo, kaya't nang dumating ang mag-asawang Pepe na kapatid ni Neneng, ay inabutan pa sila sa gayong masarap na pagpapalagayang loob na dating kinalulugdan sa kanilang pagsasama; ngunit hindi naligtaang ipakilala ni Neneng ang magiging asawa ng kaniyang kaibigan, at si Deogracias

nama'y magiliw na humandog sa mag-asawang bagong kakilala na sa kaniya'y pinasalamatan ng boong lugod, at di magkamayaw ang pagpapalitan ng komusta ng mga bagong dating at ng nagsipanggaling sa malayo, tangi ang matatamis na halik ni Nena sa bata at tuloy kinuha sa isa na hipag ni Neneng, at kung ano anong mga taguriang pinagkatnig-katnig na ilinibang sa pagiyak.―Bakit po ba namumutla? Ang tanong ni Nena.―Kagagaling lamang sa sakit eh.―Kaya pala payat na payat na ngayon.―Isip nami'y mamamatay na ang batang iyan, salamat at kinaawaan ng mahal na Virgen at siya nga naming isinimba sa Maalat ngayon kaya kamitinanghaling paguwi. Mapamayamaya'y nagbihis si Neneng at sumama sa dalawa ng pamimilisa Rosario ng kanilang kailangan ngunit sa di hinihintay na pagkakataon ay nasalusalubong nila si Narciso at matagal ding nagusap-usap sa daan, na siyang ikinaatala ng kanilang nagmamadaling paglakad. Noon di'y nagkakilala ang dalawang binata sa pamamagitan ng dalawang magkaibigang si Nena at si Neneng, anopa't silang apat ay pawang nagkakatuwa sa masarap na pagkikita noon, at kung di sa kailangang mahigpit ni Narciso dahil sa kaniyang pagpasok, ay di na ibig lisanin ang bagong naging kakilala, tangiang di mahahalagahang matamis na pakikiumpok sa piling ni Neneng na halos di maiwan-iwan, danga't nananaig ang malinis na loob sa pagtupad ng di malilisang tungkol na dapat unahin sa lahat ng bagay.

Naghiwalay sila ng boong lugod, at sa maulit na sabing ―hihintin ka namin mamaya‖ ay sunod-sunod na oo ni Narciso ang siyang ilinagak sa mga naiwan, at ang tatlo'y nagpatuloy naman sa kanilang mga lakad.

Kabanata XXIX: Ang “Misa de gallo”
Sabik na sabik si Neneng kay Nena sa matagal nilang pagkakalayo, kaya't sa pagkadalaw na ito'y wala silang pinaraang oras halos na di ipinag-uusap ng balabalaking bagay, na sa unang gabi pa ng araw na pagdating, ay muntik ng magdamagin sa di matapustapus na pag-uungutan; at bagaman may kalayuan sa kanila ang tinulugan ni Deogracias ay kung makailang magis'ng sa alingasngas ng kanilang pagsasalitaan nang gabing yaon, at lalo namang nagtitibay sa puso ng binata ang di mahalagahang masarap nilang pagsasama, na anaki'y baga'y mahigit pa sa isang tunay na magkapatid. Nang gabi ring ito na ipinangako ni Narcisong pagparoon ay wala silang nasariling pag-uulayaw na gaya ng dati at ang pagkakaumpukan nilang apat noon ay natapos na masasarap na pagkikilala, pagpapahayagan ng kanikanilang mga hinaharap at unang pag-iibigan ng dalawang binata, kaya't si Narciso't si Neneng noo'y sa mata na lamang mapapasin ang nangakatagong mga loob na kapuwa sinasariling pagpapaunlak sa kanilang panaohing paris din naman nila sa tinitimping pag-uulayaw na kusang ipinaiilalim sa katamisan ng mga bagong pagkikita. Sa di pagkakahiwalay ng apat, ay doon na inabot ng paghapon si Narciso at di nakatangi sa mapilit na anyayang magkasalo-salo sa una man lamang gabing di dapat malimot na simula ng kanilang mga pagsasama. Hatingabi na halos nang manaog si Narciso na walang dinadala sa puso kundi ang magigiliw na suliap na sa kaniya'y

ipinabaon, at ang nangaiwa'y pawang nalulugod naman sa magandang ugaliat malinis na loob na sa kaniya'y namalas, at ito marahil ang di pinagsawaang pag-usapan na naman ng dalawa sa di pagkakatulog noon. Kinabukasa'y maghapon silang nanahi, at doon na pinagtulungan ang ibang gagamitin ni Nena sa kaniyang pagkakasal at bagaman kapuwa nanglalata sa malaking pagkapuyat, ay nagsipanaig din ang magsiglang kabataan na di marunong manglumo at sumuko sa mga hirap, at ang isa pa'y nangaakit kapuwa ng malaking lugod na magdamay sila sa anomang kailangan na nagpapatotoo ng kapuripuring kanilan mga ugali. Kinagabihan nito'y doon pinagusapan ng apat ang kanilang pagsisimba sa unang araw ng ―Misa de gallo‖, at bagaman gaya rin ng sinundang gabi ang kanilang mga pagkakailihan, at pagkakasunodsunod ng puyat, ay wala isa mang nagpanaya sa katuparan ng maagang paggising, palibhasa'y nangaakay ng kanikanilang mga loob na lagi nang nahahanda sa mahiwagang pangarap ng di malilimot na panahon ng kanilang mga pagkasi. Ang masarap at kaaya-ayang simoy ng amihan; ang nanglalamig na sikat ng buwan noon at ang mga gaya nilang nagsisipag-umagap din ng pagsimba ay siyang mga tunay na saksing kaligayahan nilang apat sa daan, at kung maipatatawad sa akin ng mga irog na bumabasa, ay sasabihin kong pag-aaliw na lamang ang kabalot-balot ng kanilang mga puso; at di ang pagsisimbang sinasangkalan sa paglakad, na sa matuling paniniwala ay di nababanaagan man lamang ang nangakatagong kulay ng kanilang mga gunita na pinangangahasan pang dalhin at

ipakiharap sa Kagalang-galang na mga lugar na dapat pagtipunan ng mga dalisay na loob sa pag-ibig, ng nagsisipangningning na puso at di ang pagmamakinis sa balat-kayong mga gawa, samantalang ang laman ng kanilang budhi ay panay na ligaya, panay na hiwaga ng panahon at kung anoanong agam-agam na siyang daladala sa kanilang mga isip. Hindi luwal sa aking sinabia ng apat nating nagsimba, at pagkatapos pa ng misang kanilang sinadya, ay nagyayaang magpasial sa mga lansangang patungo sa San Lazaro at waring nahalina ng malalamig na tingig ng mga tugtugin ng isang bandang orkestrang patungo roon at siyang sinundan-sundan ng mahihinay nilang paglakad. Ang masasarap nilang pag uulayaw na tinotonohan ng mga taginting, ang mahihiwagang simoy na nagsipamupog sa kanilang mga pisngiat ang kawiliwiling lamig ng madaling-araw, ay pawang nagbibigay wilisa kanilang mga puso; hindi nagdaramdam pagod sa paglakad; walang gunita sa anomang sakit at panay na ligaya ang kanilang sinasagap sa marunong magkait na panahon, anopa't nakarating na walang malay halos sa San Lazaro at nang magsipagbalik ay inabutan na tuloy ng araw ¡anong tamis ng kanilang nga palad! Sa katagalan ng kanilang pagkakasimba ay napapanimdim na sa bahay, kaya't si Pepeng kapatid ni Neneng ay nabalisang manaog noon at hinanap sila sa simbahan, ngunit sino ang kaniyang makikita? ¡wala at halos naisa-isa ang madlang lumalabas na tao ay di natagpuan. Nagtuloy sa loob, wala rin.―Saan nagsiparoon ang mga taong ito? ang tanong sa sarili ni Pepe, at napatungong

nagbalik sa bahay; datapuwa't parang itinaon ang pagkakasagupa sa apat na nagsisipagtalik ng pag-umi at anaki'y nangaaanod sa malaking katuwaang sinasamantala sa gayong paglakad. Hindi kumibo si Pepe, at ang dala niyang kabaita'y natutong magtimpi sa loob. Nagpaunang umuwi sa bahay at parang iginagayak ang sasabihin sa kapatid, na bukod sa tinanghali na ng pagpapasial ay nakita pang kasama si Narciso, bagay na ipinag-aalab ng loob, pagka't kailan ma'y di niya pinagbawalan sa pagpanhik, at kung ano't sunod-sunod pa sa lansangan. Nang nalalapit na'y napaalam ang ating Narciso at umuwi naman; ngunit nangako sa dalawang aalis na siya'y makikipaghatid sa ―esatacion‖ ng ferro-carril. Nagpatuloy ang tatlo at si Neneng na punong-puno ng galak sa loob, ay walang anomang bahala at masayang bumati sa kapatid, ng ito'y hindi kumibo at nagpahalata ng kagalitan, bagay na ikinabalisa ni Neneng at sinapantaha nang hindi minabuti ang pagkakitang kasama nila si Narciso. Hindi naligaw ang hinala, hinintay lamang ni Pepeng malibang ang dalawa nilang panauhin at lihim na tinawag ang kapatid. Lumapit si Neneng na halos namumutla, hindi dahil sa pagbubuhatan niya ng kamay, pagka't kailan ma'y di ito ugali ng kaniyang kapatid, kundi sa malaking hiya sa pagbibigay loob na di niya natutuhang gantihin, at ngayo'y nagkamatuwid pang sa kaniya'y magdalamhati. ―Pinahintulutan ko ang iyong pagsimba –ang unang bigkas ni Pepe,―ngunit hindi dahil doo'y magagawa mo ang balang ibig sa daan, at di miminsang sinabi kong sa anomang oras ay matatangap

mo rito si Narciso, tanging ibinabawal ko ang sandali ma'y maguusap kayo sa lansangan, pagka't bukod sa nakapagbibigay sala sa nagmamasid ay nakapupukaw naman sa iyong sarili, bakit mo tinulutang sumama-sama sa paglakad? ―¡Koyang! . . . patawarin mo na ako ngayon at di na mangyayari uli, at kaya lamang sumama sa amin ay dahil sa pagkasabik kina Nena, at magsisiuwi raw ngayon. ―Si Nena ang dadahilanin mo ay kayo ang nakita kong magkausap? Hindi nakakibong bigla si Neneng at ito'y nagpakilala ng pagamin ng kaniyang kasalanan. Sinamantala ni Pepe ang di niya pagimik at waring matigas na sinabi:―Buhat ngayo'y hindi ka na makasisimba sa ―Misa de gallo‖ at kung ibig mong magsimba ay hintin mong lumiwanag. ―Hindi na koyang kung ayaw kang ako'y magsimba. ―Hindi ako ayaw, at labis ang pagbibigay loob ko sa iyo, ngunit . . . di ka marunong sumunod sa aking ibinabawal. Iyang pagsisimba ng madaling araw ay madalas sanhinang kung anoanong masamang nangyayari, siya na. At pagdaka'y tumindig si Pepe, iniwan ang kapatid at masayang nakipag-usap sa kanilang mga panauhin hangang sa magkakasalo na silang nagalmusal sa di man lamang nahalata ang pinagusapan nilang magkapatid.

Dumating ang oras ng pag-alis ng dalawang taga-malayo, at sa malungkot na paghihiwalay ay doon natapus ang matatamis nilang pagkakaniig sa dalawang araw na pagkakatuwa.

Kabanata XXX: Ang malapit na kamatayan
Sa gitna ng mga kapighatiang nagpapasakit sa buhay ni Miguel ng pagkabilango at ang mga hirap na pinagdaranasan ng malamlam niyang palad, na kung pinagtamanan ma'y di rin matuklasan ang mayamis na pakikiayon at ito'y siyang lalong nagpapabigat ng gayong pagkapiit, ay waring unti-unting ikinauubos ng kaniyang buhay na parang nakikitang bibigyang wakas ng gayong mga sakit. Patuloy ang pangangayayat, hindi makakain, lagi nang puyat nang pagdidili-dili sa nakalulunos niyang pagkalagay, at kung daragdag dito ang di-maiiwasang mabibigat na gawaing tila talagang itinutulong ng mga kasawiang palad, ay di nga malayong ipagtutumulin ng kaniyang paglalayag sa hukay. Hindi nalao't ikinaratay ang dagan-dagang mga hirap ng loob at ng katawang nanghihina, at hangang lumalakad ang araw ay lalo namang tumatalamak ang kaniyang sakit, bagay na ikinapapawing pag-asang maligtas pa sa nagmamadaling pagtungo sa libing. Walang nagawa ang dunong ng mangagamot sa mabigat na lagay ng binata at unti-unting ilinalapit sa hukay ng gayong malubhang pagkakasakit. Ano kaya ang loob niya ngayong mamamatay ay di pa nakikita man lamang ang kaniyang anak? At si Chayong, ano naman ang iniisip nang mabalitaang mabigat ang lagay ni Miguel? ¡Ay! Kalumbay-lumbay na mga gunita ang nakatitigib sa kanilang mga puso! Mamamatay si Miguel sa hirap ng loob at paghihinakit sa sariling palad, at si Chayong nama'y laginang naliligo sa tunay

rin niyang luha, at sa tuwing pagmamasdan ang walang malay niyang sangol kung pinasususo, ay kung ano-anong malungkot na taguriang iniaalo na siyang lalong nagpapalala ng kaniyang mga kalumbayan. Madalas balakin ang silang mag-ina'y dumalaw sa San Juan de Dios na kinalalagyan ni Miguel, ngunit hindi malingat ang ama't inang laging tumataliba sa kaniya. Ang araw'y nagtutulin sa paglakad, gayon din ang pagkabingit ni Miguel sa hukay. * * * Isa sa gabing madilim noon, ay mapapanglaw na buntonghininga ang nagsisipulas sa namumutlang mga labing may sakit; malalamlam na daing ang halos di na mawatasan sa nauutal sa dila; nanghihikayos ang boong katawan; sa namamarak na mukha'y butibutil na pawis ang pinabubukal ng labis na panghihina at sa nanglalalim niyang mga mata'y nababanaagan ang isang kahambalhambal na kamatayan. Lilingap-lingap ang abang si Miguel, balisang-balisa at liban sa matatamis na pangungusap ng may malinis na pusong babaying nag-aalaga, ay siya na lamang ikinaaliw ng naghihimakas niyang buhay. ―Kapatid ko, ang wika, pakiayunan mo ang kalooban ng Langit, tanggapin ng boong lugod ang kamatayang kinabibingitan ng iyong buhay; pagsisihan mong masakit ang iyong mga salang ginawa at di na malalao'y haharap ka sa Kataastaasan at dakilang hukuman ng Panginoon Dios; ariin mong aliw ang pag-asa sa Kaniyang

pagkamaawain; patawarin ang lahat mong mga kaaway na tumampalasan sa iyo at nang siya mong ipagkamit patawad sa harap ng dakilang Hukom na sa iyo'y hahatol. Sasandali na ang iyong buhay; pakilimutlimutin mo ang dilang bagay ng mundo na sapilitang lilisanin ngayon... Hindi na lumawig ang ganitong mga pangaral at nagbaliad-ad ang abang si Miguel ¡Naghihingalo na! ―¡Jesus Maria y Josep! ang makaitlong pinapanuot sa kaniyang mga tainga ng nag-aalaga at di nalao'y bangkay na minasdan ng sa kaniya'y nangapuyat ng pagtatanod ¡Bangkay na si Miguel! at ang kamatayang hanganan ng lahat, ay di napagpapahamakan ng kaniyang ipinagmamalaking buhay nang malakas pa. Ang labis na pagpapalayaw at likong pagsunod sa mga ligayang sangla ng panahon, ay parang asong napawi, buhat pa sa mapanglaw na pagkabilango na siyang nagpadalisa kaniyang buhay. Anino man lamang ng mga kaligayahang tinamatamasa, ay di na kabilang at nakapagpabulag ng mababangis na sakit at ngayo'y malamig nang bangkay ang katawan niyang laging nagpasasa sa mga ligaya ng mundo, at walang nagwagikundi ang mapait na kamatayan ¡Kakilakilabot na hanganan ng tao! Hindi tumanghali nang kinabukasa'y dumating ang balita kay Narciso ng pakamatay ni Miguel at agad namang inihatid kay Chayong ang balitang itó. Hindi na nakuhang makapanuklay pa, nagmamadaling sinakbibi ang anak at di anhin na lamang ay tumalón sa pagtutumulin ng pagpanaog at anaki'y ulol na sumunod-

sunod kay Narciso ng pagparoon sa hospital ng San Juan de Dios. Nagkakangdarapà halos sa pagtakbo at ang mga luhà na halos humihilam sa kaniyang mga mata, ay siyang nagpapahayag sa balang masalubong ng tinataglay niyang labis na pagpipighati. Dumating silang may panahon pa, ngunit lalòng nakasamâ itó, pagka't naging sanhi naman ng pagkayamót ng madlâ ang di maawat-awat na pagpapakalugmok ni Chayong sa bangkay ng kaniyang kasing si Miguel, at ang di karaniwang mga taghoy ay doon nàringig at mga pananambitang di na makayang-kayanang ibulalas sa pagsisikip ng kaniyang nahihirapang paghinga. Hangang nagsasamantala sa pagtangis si Chayong, ay sinimulan na ni Narciso ang pakikiusap sa namamahalà roon upang ipagkaloob sa kanila ang bangkay at sila na ang magpapalibing; ngunit ang pag-úumiyak niya'y walâng naging hanga kundi ang matigas na pagtanging pinamamanhikan, pagka't sa anomang pag-ibig na magbigay loob sa kaniyang pakiusap, ay hindi magawâ at may mga pinunong dapat magpasiya sa gangayóng namàmatay na di pa natatapos ang panahon sa pagkabilangô, anopa't natira na lamang si Narciso sa malaking pagdadalamhati sa di pangyayaring kaniyang magandang hangad. Matapos ibalita kay Chayong ang ganitong nangyari, na walang ikinahulugang iba kundi ang talagang paghiya sa kanilang pakiusap, ay lalo nang hindi ibig lisanin ang bangkay, at ang kukutog na loob ay di na muling makikita at di naman mababalitaan man lamang kung kailan at kung paano ang gagawing paglilibing, na kung madilidili, ay halos ipagkabuhol ng

kaniyang hininga; datapwa't sa anoma'y sapilitang ipakikiayon ang kanilang mga loob, at sukat ang pagtitiis na siya na lamang kinakailangan upang makagamot sa kanilang mga hirap.

Linisan ng mag-ina ang bangkay ni Miguel at di naman maitutulot na lumalo pa ang kinaiinipan nang pananagal nila roon, ngunit ang dibdib ni Chayong ay halos magpuputok, at bago iniwa'y iniunang sandali ang ulo ng sangol sa dibdib ng bangkay, samantalang pinipigta ng mapapait na luhang di mapigilpigil ng pagdaloy sa kaniyang mga mata. * * * Nakalipas ang ilang araw. Sa isa sa mga libingan nitong Maynila'y pinanunghayan ng mga bituin ang isang babaying may kalong na sangol at sa mga piping pagtangis ay idinadalangin ang kapayapaan ng isang minahal sa loob na doo'y pinaghahandugan ng malalalim na buntonghininga. Ito ay si Chayong at yaon ang pinaglibingan kay Miguel.

Kabanata XXXI: Ano ang mayroon sa akin?
Sa isa sa mga bahay na malapit sa simbahan ng bayang B. ng lalawigang Bulakan, ay di magkamayaw isang umaga ang mga tugtugan, awitan at sari-saring pagsasaya na anaki'y nagpapatibay ng isang maligayang nangyari na kanilang ipinagdiriwang sa araw na yaon. Halos sa lahat ng mukha'y nagsisipanungaw ang mga katuwaang taglay sa puso; isa't isa sa mga taong bahay ay may kani-kaniyang gawaing idinaraos sa matatamis na pakikiulayaw, paghahanda at pagpapakita ng magandang loob sa lahat, at ang nagsidalo naman sa kanilang paging ay paraparang nagsisipagbadha ng isang kagiliw-gilw na pakikipagkapuwa tao. Masaya, at ang kasayahang yao'y lalong pinadilag ng ilang bagong dating, na malayo pa'y halos magkanghuhulog ang ilang na sa bahay sa malaking pagkagalak nang sila'y mangakita. ―Neneng―ang sigaw ng isang wari'y binibini, na pagdaka'y nanaog at nagmamadaling sumalubong sa bagong dating. Pagkakalapit ng dalawa'y maligayang nagyapos na siyang pinakaunang baTian sa kanilang masarap na pagkikita. Yaon ay si Nena at ito'y si Neneng. ―Si Deogracias? Ang tanóng nitó. ―Darating na, sinundô lamang ang kaniyang alî.

―Bakit? walâ ba rian ang Tia 'Anday mo?―ang tanong ni Neneng, at tila natigilang nagtataka. ―Narian, halina nga muna, at sakà ka na magtatanóng. ―Oo, eh sinong ali ang sinundo ni Deogracias, at walâ rito. ―Ang kapatid ng kaniyang ama, at di umano'y ayaw raw pumarito at walang gusto sa akin.

―At bakit ayaw? ―Aywan ko ba sa kaniya. ―Eh paano, ayaw pala sa iyo ang ali ni Deogracias. ―Ano ang mayroon sa akin? . . . . kung ganitó bang kasal na kami eh, may magagawâ pa siya. Tumigil si Nena sa punò ng hagdan at pinakapilit na umunang magtuloy ang mag-asawa ni Pepe at ang mga anak, samantalang silang dalawang magkaibiga'y nagkawilihan pang sandali bago pumanhik, na halos inabutan pa ni Deogracias nang pangagaling sa bahay ng kaniyang aling sinundô; at nang makitang nag-iisa'y biglàng tumanong si Nena.―Hindî mo ba nasundò?―Ayaw sumama kung hindi ka paparoon at ikaw raw ang hinihintay na sumundô sa kaniya.―Siya nga naman, Nena,―ang sabad na payo ni Neneng―pagka't ikaw na ngayon ang dapat gumawà ng tungkol ni Deogracias.

―Kung sasama ka'y paroroón akó, ang wikà ni Nena, at ang dugtóng na tanóng.―Sasama ka ba? ―Oo, ang tugón ni Neneng―ngunit bakâ. . . . . ―Bakâ anó? ―Bakâ hindî magíng mabuti sa ali ni Deogracias ang ako'y makasama mo. ―¡Bakit ba naman! halina kung ibig mong sumama―at sakà ipinagpaalam ni Nena sa kapatid niyang kay Pepe, at itó nama'y magiliw na napahinuhod. Yumao ang dalawang si Nena at si Neneng, at sa magaganda nilang mukhâ na nagsisipamulas ang boong kasayahang taglay sa kanilang mga pusò, ay lalò man ding naaakit ang nagsisipanood na sila'y kalugdan, at kung idaragdag pa ang walâng kawangis na kanilang pagsasama na dapat mapansin sa katamisan nang pagúusap noón, ay halos mawiwikang kahilihili sa madlâ ang gayong bihibihirang pagsasama, na magkapatid ma'y alangan din kung walâng magagandang loob na nagsisipamagitan. Si Neneng ang may dalang payong na pinagkakanlungan ni Neneng di ibig pasikatan sa araw, at itó nama'y waring kinukusà ang madalas na pagkahulog ng abanikong hawak na laginang dinarampot at ibinibigay sa kaniya, huwag na lamng yumuko-yukò sa halos ipinagkakakahog na suot, na anopa't kitang-kita kay Neneng ang lubos na lubos na pagpapasahol sa kaibigan sa parang himakas na kaniyang paglilingkod. Palibhasa'y di naman lubhang malayó ang bahay na pinaroonan, ay agad silang dumating. si Nena'y

nagpaunang pumanhik at pagdaka'y lumuhod sa alini Deogracias, na bagama't may malakinig pag-ayaw, ay di nakapagpahalata sa pagksama ni Neneng, at binendicionan si Nena kahi't napipilitan. Matapos igawad ang bendicion ng alini Deogracias kay Nena, ay nagtindig ito at ang wika:―Kayo na po ngayon ang aking magulang, at dahil doo'y umaasang di ninyo ako hahapisin. ―Bakit, ano ba ang ibig mo sa akin ngayon?

―Pairugan ninyo kami ni Deogracias na saluhan. ―Huwag na, at di naman ako kailangan sa inyong piging, salamat sa inyong anyaya. ―Halina po, at pagbigyang ninyong lugod ang aking pakiusap at pagkarating dito. ―Para nang nangyari, walâ man ako roo'y kasal na rin kayo, paroon ka na baka naiinip ang iyong kasama. ―Hindi po―ang pakli ni Neneng at di salamat kung maitulong ko man lamang kay Nena sa pakikiusap sa inyo ang aking paghihintay. ―Sa akin ba kayo naghihintay ó sa kaniya. ―Sa kaniya pò at sa inyó, kung ibig kaming paayunan. ―Sa ano po? ―Sa pakiusap sa inyo ni Nena, na sila'y inyong saluhan.

―Eh siya, Nena, paroon na kayo at ako'y susunod na rin; pati itóng taga Maynila eh inabala mo pa nang pagparito.

―Walâ po kayong dapat alalahanin, at si Nena'y para kong tunay na kapatid na dinaramayan sa lahat ng hirap; kaya po palagay ko'y kung hihiliin ninyo sya, ay kasama rin akong makikipagdamdam. ―Alang-alang pò sa inyo'y paroroón akó, at di kayó mahihiya. ―Marami pòng salamat, ngunit tila naman kaawà-awà ang aking kaibigan. ―Bakit po naman? ―Dahil sa kung hindi ako'y hindi kayó sasama. ―Mangyari po'y mapagmalakiang batàng iyan sa akin. ―Bakâ pò nahihiyà lamang noong araw sa inyo. ―Talaga pòng malaking tao iyan. ―Ngayon pò nama'y para na ninyo siyang anak eh, di inyo nang ipatawad ang kaniyang naging sala. Di na kumibo ang matanda, nangingilid ang lúhang pumasok sa silid at waring nahabag sa manugang na kaputok ma'y di sumagót sa kaniyang pagsasalitâ. si Nena, di man totoo ang paratang na pagmamalakina kailanma'y di niya inugali, ay walâng itinutol na anomang pagmamatuwid sa

lubos na pagkilalang tunay niyang magulang ang doo'y kinakaharap, bagay na ikinaawà ng kaniyang bienan at sa pagpasok na yao'y dalidali na nagbihis at pagkatapus, ay kinawit sa kamay si Nena, itinindig at ang parang birong sinabi:―Halina nga lamang, kung hindi itong kaibigan mong taga Maynila, ay hindi ako mananaog ngayon. ―Salamat po, ang wika ni Neneng, at nagtindig namang inakbay ang kaibigang si Nena, at lumakad silang tatló. Dumating sila sa bahay ng piging, at samantalang pinaghahatihati ni Nena sa madlâng panauhin ang kaniyang pakikiulayaw, ay may dumating namang ilang katao na mga dalang ―guitarra‖, ―bandurria‖ ―acordeon‖ at iba pang tugtugin na waring may tangkang makipagdiwang sa pigíng na itó. Mapamayamaya'y diningig ng lahat ang isang malungkot na kundi man na ganitó ang pagkatulâ.

Araw mo'y natapos sa kadalagahan at haharap ka na sa katahimikan, tuloy lilisanin ang lahat ng bagay dahil sa asawang sukat panimbangan. Tanang kaibiga'y kusang lilimutin, dating kasayaha'y pilit aalisin, bawa't mga kilos ay pag-iisipin at bakâ masawî sa asawang giliw. Anopa't ang iyong haharaping buhay kataling madlang mga kahirapan, kung magkabihira'y tapat na ang asal ay madalas ka pang mapapag-isipan. Ang estadong iyan na iyong tinanggap Nena, ay wala nang makakasingbigat, at kung ang

asawa'y matutong magsukab iyan sa buhay mo ang lalong kamandag. At alin dalita ang dititiisin Nena, kung ito na ang iyong marating, mahanga'y mamatay ang siyang isipin huwag ang mabuhay sa gayong hilahil. Kahimanawari'y kas han ng Langit pagsasama ninyo'y lumaging matamis at maingatan din ang ikabubulid sa daya ng mundong laging umuusig.―Natapos ang kundimang ito sa dimaampat-ampat ng luha ng magkaibigang si Nena at si Neneng sa paggugunita ng kanikanilang buhay, anopa't ang matatamis na panahon ng kanilang pagsasama, ay kasabay na nadili-alilina sapilitang dapat matapos palibhasa'y may katuwiran ngang sukat ipag-iba dahil sa panibagong buhay na dapat nilang harapin. Ngayon ay si Nena at di malalao'y si Neneng naman ang kaipala'y tatangisan ng kaniyang kaibigan sa pagkakasal nila ni Narciso na halos nakaningit na sa araw. Nang mairaos ang mga kagandahang loob na ipinamalas ng may piging sa tanang nagsidalong mga kaibigan, ay unti-unting nagsialis ang mga panauhin, ngunit nang dakong hapon, ay maramipa rin ang sa kanila'y nagbigay gambala, sa hangad na maipagdiwang ang kasal na ito ng tanang hindi nangakarating doon ng umaga, at ang hapunan naman at sayawan ang siyang pinakamithing mairaos sa gabi, anopa't sinimot ng mga dayuhang itó pating panahong dapat na sanang ipagpahinga ng nangapapagal na may bahay.

Sa di kawasa'y natapos nang hating-gabi na at nag-hiwahiwalay ang lahat.

Kabanata XXXII: .....magkapatid tayo!
Ipaubaya natin ang di mapupuwing na katahimikan ng dalawa sa kaaya-ayang panahon ng kanilang mga hiwaga, at samantalang hindi mapipigil ang araw sa kanyang paglakad ay patnubayan natin ang mapanglaw na buhay ni Chayong ng pagkapagitna sa mapapait na damdamin ng kanyang palad; taglay na pag-uugali at ang kahalagahan ng kanilang mga puso ng pakikipagpanayam sa buhay na ito. Kay Chayong ay babahagya na ang dangal an itinuturing, kabilang ng isang pangarap ang buhay at sa kaniyang mga sakit akin ito?ang mapanglaw na kamatayan! iyang huling sandali na sapilitang daratnan ng tao at siyang kay Chayong na pankamimi; datapwa't ang di sumasawang pagbaka sa ating mga puso ng mga parayang iginigiit ng mundo upang tayo'y mapipilang sumunod, ay kung ano't muling napukaw sa kaniyang gunita ang matatamis na araw na sa kanilang pagkikilala ni Narciso'y madalas niyang maging Langit, yaong maligayang pagmamahalan nila, na kung naparawal may muling isinasauling panahon dahil sa maagang kamatayan ni Miguel, at ang bagay na ito'y muling nagbigay buhay sa kaniyang nalalantang puso, ay siya waring umaakit sa sarilina kaniyang panghinayangan, at dahil doo'y unti-unting nayayari sa loob na si Narciso'y kaniyang giliwin at di na liningon ang anomang agam-agam na isinasaway ng kanilang kalagayang malakingmalaki na ngayon ang kaibhan sa dait. Si Narciso, na dahil sa

malinis na loob ng pakikisama kay Chayong ay walâ nang anomang hinagap na nagagawi sa mga panahong nakalipas at kung nagmamahal man sa kaniya'y pagmamahal na lamang ng isang tunay na kapatid, dumalaw kay Chayong isang araw sa tangkang libangin ang kaniyang mga hirap, ay waring ibang iba noon ang napansin kay Chayong, at hangang tumatagal ang kanilang mga pag-uusap, ay unti-unting natutunayan ang kaniyang mga panghihinuha sa mga bagong loob na nahihiwatigan, kaya't hindi nakatiis ang binata at noo'y nagwalang bahalang napaalam sa kaniya. ―Huwag kang umalis―ang pigil ng maiiwan. ―Saka na ako paririto uli, at may tutuparin akóng malaking kailangan ngayon―at pagdaka'y tinungo ang hagdanan. ―Sandali pa Sochong at may sasabihin ako, halika muna. Lumapit ang binata at nang tinatanong siya'y isang patak na luhà ang nalaglag na ipinamasid at dinagsalita ang anoman lamang. ―Ipayapa ang loob mo, ang payo ng binatà at may kagamutan ang lahat ng bagay. ―Walâ na, Sochong, pagka't nagpapakalayo-layo ka na sa akin. ―Hindi at kayâ ako naparito'y nang libangin kita. ―Libangin!... ¡Ay!... naparito ka't nang ako'y lalòng pasakitan. ―Di mo nakikilala ang katapatan kong loob sa iyo.

―Tapat na loob mo iyang tila ka nayayamot sa akin. ―Hindi, Chayong at parang tunay na magkapatid tayo. ―Kung gayo'y huwag kang umalis at pagbigyang loob mo ang aking pagpigil. ―Magbabalik ako. ―Kailan? ―Bukas ó sa makalawa. ―Ibig kong makasalo kang humapon ngayon. ―Sa iba nang araw at di ko maipagpapaliban ang kailangan ko ngayong gabi. ―Hinihintay ka ba ni Neneng, at ganiyan na ang iyong pagtangi. ―Hindi.

―Kung hindi, ay huwag kang umalis at pairugan mo akong minsan. ―Masarap sa akin ang anyaya mo, ngunit ipatawad ang aking pagalis. ―Kung minamasarap mo ang aking anyaya ay mo akong hapisin. ―Hindi kita hinahapis, at nag-iingat akong magkulang sa ibang tao.

―Sa akin ma'y magkukulang ka rin pag-alis mo. ―Chayong! Magkapatid tayo!.... at kung gayón din ang pagpapalagay mo sa akin, ay inaasahan kong ikaw ang makapagpaparayà at hindi ang iba; ako'y aalis na. At di na napigil si Narciso, samantalang nagngingitngit na naiwan si Chayong. Bagaman dinaliban ang pag-alis ng binata at sa pagmamadali niya'y dumating agad sa di maipagpabayang paroonan, ay nagabihan din sa dati, at ito'y sukat nang naging kahulugan sa loob ni Neneng ng mga hinalang ipinagkamatuwid sa ganitóng pagtataka. ―Malayo manding totoo ang iyong pinangalingan. ―Hindi bakit mo inisip ang gayon? ―Wala pang a las ocho. ―Sabay na dinukot ang orasan at ipinakita sa binibining kaharap, at ang walang bahalang itinanóng.

―Ano-anó ba ang mga kasayahang idinaos sa kasal ni Nena? ―Saka ko na sasabihin sa iyo, sabihin mo muna sa akin kung saan ka nangaling ngayon. ―Sa bahay. ―Sa bahay nga, ay kanginong bahay.

―Sa amin. ―Bulaan! magpahinga ka nga. ―Tunay, Neneng, maniwala ka. ―Ay bakit ka nagabihang lubha? ―May mga kailangan akong hindi maiwan agad, at ang isa pa'y.... Naputol ang pagsasalita ni Narciso sa pagkaringig ng isang napatatao sa lupa, na pagdaka'y dinungaw ni Neneng at pagkakilala'y ang natutuwang sinabi:―Si Chayong!, at waring ibinalita muna sa kaharap at sakâ sinalubong sa hagdan.

―May tao ka ba, ang tanong agad ni Chayong nang mapanhik. ―Oo, narini ang kompare mo. ―Oho!―at isang iwa ng hinanakit ang naramdamang sumugat sa kaniyang puso sa sandaling yaon. ―Tuloy ka, Chayong, ang anak mo? ―Na sa bahay. ―Ay bakit, di mo isinama? ―Hindi kailangan, at uuwi rin ako agad.

―Ano ba ang sadyâ mo at naglalamay ka'y kadilim, tuloy ka nga at maupo ka. ―Huwag na, dinala ko lamang itong aking mga baro at ikaw ang inaasahan kong mananahi. ―Tuloy ka, tuloy ka, at nang makita natin sa ilaw. Pumasok si Chayong na punong-puno ng pagdaramdam kay Narciso, at di napigilan ang pagsasalita.

―Kayâ pala hindi ko mapigil-pigil kangina si kompari eh, paririto sa iyo, at ayaw pang sabihin ang totoo sa akin. Hindi sumagot ang binata at sukat nang kinuro ang dapat niyang maging matuwid kay Neneng, na noon pa'y may mga titig nang nagpapahalata sa kaniya ng inihahandang pagsisiyasat. Yamang sa ganang kay Chayong, ay walâng tunay na ipinagsadya kundi ang matutop ang paglilihim ni Narciso, ay di nagtagal, at pagkatapos ipagbilin ang gagawin sa mga barong dinahilan ng pagpaproon ay agad namang nagpaalam at nalagak ang dalawa sa ganitong mga paguusap:―Doon ka pala naluwatan kay Chayong, ay bakit hindi mo masabisa akin, at kung ano-ano pa ang dinadahilan mo kayâ ka nagabihan. ―Hindi ako nagluwat doon, at talagang gabina nang ako'y magdaan sa kanila.

―Gabi na pala eh, nagdaan ka pa, at bakit mo naman ilinilihim pa sa kaniya ang iyong pagparito? ―Ano pang kailangang sabihin ko ay talaga nang naaalaman? ―Hindi ko ibig na may isipin ka sa kaniya at may ipagdamdam sa akin. ―Hindi ako dapat mag-isip sa kaniya, tanging dinaramdam ko lamang ang iyong paglilihim na dimiminsan kong nasubukan sa iyo. ―Ang paglilihim ko'y may matuwid. ―Alin? ―Ang pagkaalam kong mapaghinala ka ay nang huwag nang may pangalingan. ―Hindi, Sochong, at yamang akin nang ipinangako sa iyo na di kita pag-iisipan, ay wala kang anomang maririnig sa akin, titiisin ko ang lahat ng dahil sa iyo. Pagkasabi nito'y sandaling napaalam kay Narciso, at ang di mapigilang mga luha ng panibugho, ay kusang ilinihim sa sandaling yaon, ngunit nahahalata rin ng binata at sa kalakhan ng habag, ay sinundan sa kaniyang pagpasok.

―Bakit ka umiiyak? ―Hindi, masakit lamang ang aking ulo, kaya ako pumasok.

―Mayroon kang hinanakit sa akin. ―Wala, Sochong, paroon ka na at lalabas ako. Si Narciso'y napatungo sa dating upuan na di mapagkuro ang gagawin. Si Neneng ay nag-iisip ng walâng katunayan, pagka't tapat na tapat ang pag-ibig ni Narciso, ngunit may katuwirang maghinagap dahil sa mga anyo ni Chayong na di naman niya maipahayag ang napapansing loob nito ay ayaw magkadkad ng puring iba, samantalang walang kahulugan kay Neneng kundi isang pagkukubling hinalang pagsusukab sa kaniya, kaya't ang binata'y malungkot na nakaupo, at sa ganito inabutan ng luluhaluhang nangaling sa loob, at kapuwa sila nangatitigilan. Sa pagkakatigilan ng dalawa'y sapapasok ang kapatid ni Neneng at nag-aanyaya sa paghapon, bagay na pinasalamatan ng marami n iNarciso, at noon di'y nagpaalam at inihinging tawad sa kapatid ang napakatagal niyang pagpapalumagak nang gabing yaon na wala namang napansing pagkamuhisa kaniya, at nang mananaog na'y naisalingit ding sabihin ng maiiwang ―magbalik ka bukas‖.

Kabanata XXXIII: Si Narciso'y minahal ko
Nang gabi ring pagpanaog ni Chayong sa bahay ni Neneng, ay halos may pataw ang mga paa at di ibig umalis. Makailang tangkain ang bumalik doon nang malayo na, at makapagpauntol man lamang sa dalawang nag-uusap ang kaniyang pakikipanayam kay Neneng, ngunit nag-iingat namang mahalata ang kaniyang iniisip.―Ano ang aking gagawin, ang nawika sa sarili, at ang duklay-duklay na binasa sa loob ―Si Narciso'y minahal ko, at ang pagmamahal niya sa akin nang naunang araw ay walang katulad―inibig niya ako, at ang pagibig niya'y naging tunay na kaaliwan ng aking kaluluwa, ngunit ang pag-ibig ding iyan ang aking tinampalasang ipinagkanulo sa marayang pagsinta ni Miguel...¡sayang na pag-ibig...ay paano ang aking pagkapanganyaya―maiibig pa kaya akong muli ni Narciso....hindi na at ako'y marapat sa kaniyang paglait; datapuwa't siya'y minahal ko, minamahal, at kailanma'y dapat kong mahalin, ngunit ako sa kaniya'y hindi na, at ang paglililo ko'y siyang laging mabubuhay sa kaniyang loob―¡sayang na panahon ang nawala sa akin....¡sayang na pag-ibig ang di ko pinahalagahan!... sayang na pagkalulong sa bulaang pagsinta!... ¡sayang! ¡oh palad! anóng pagkasama ng pinaghanganan mo sa aking buhay...¡Ay!... di na akó dapat lumagisa buhay na ito, ¡kailangan ang ako'y mamatay!... ngunit paano si Narciso, si Narcisong aking anak, ¡mga Langit ituro mo akó sa mayamang landas ng katuwiran! Samantalang nalalapit ang abang si Chayong

sa kanilang tahanan ay naulingig ang hihikbi-hikbing pag-iyak ng kaniyang sangol, kaya't parang baliw na humahangos ng pagtakbó at halos lundagin ang kanilang bahay; ngunit hindi sukat itó, at pagkapansin na ng kaniyang ama'y nagngangalit na sinalubong ng mga paglait at waring ikinahihiyang dingin ng iba ang nakasisirang puring pagiging tao ng apó niyang di anhin na lamang ay inisin sa mga oras na yaón. Di pinansin ng babayi ang mahahayap na bigkas ng ama, at kinalong na naghihimutók ang anak, hangang mapatahan, at muli na namang pinagduklay-duklay sa sarili ang nakalulunos na kaniyang naging palad. Mapamayamaya'y nakatulog ang sangól, at pagkatapus mapagpalà sa duyan, ay pinapagsawang pupugin nang matatamis na halik at parang ulol na kinausap kahit nahihimbing.―Hindi na, ang wikâ, hindi ko na iiwan ang aking anak, magbabago akong loob, titiisin ko ang lalong mga kasawiang sa buhay, at ang anak ko'y pakapipiliting mapalaki sa pamamagitan ng aking mga luha, at liban sa iyo'y wala na akóng pahihigting sino paman. Mga gayong taguri at kung ano-ano pang mga pag-alo ang nakalibang sa puso ni Chayong, at noon di'y itinangis ng boong pagsisisiang kaniyang mga maling inisip, at ito na ang nakatulugan nang gabing yaon. Tuwing magigising si Chayong sa madalas na pag-ingit ng bata na tila sadyang itinaon sa gabing malungkot ng kaniyang pagsisisi, ay nagiging kahulugan sa loob, na yao'y mga tapat na pagpukaw ng Langit sa ipagbabago ng kaniyang buhay, kaya't parang isang talinghaga na sa pag-itan ng ilang oras ay naging tunay na

uliran ang kangina'y marumi at ngayo'y parang busilak na kaniyang mga pagwawariwari. Nabukasan si Chayong sa kapayapaan ng loob; di na ang mga hagap sa mga unang oras nang gabi, at ang naghahari sa puso'y ang pagkatunay na ina, at liban sa kaniyang anak, ay walang ibang makapananaig na damdamin, anopa't ang pagtuturing ni Chayong ay mabubuhay siya dahil sa kaniyang anak, at ang anak niya'y mabubuhay nang dahil sa kaniya, at kailanman't malalahukan ng maiiba pang loob, ay dapat nang sumpain ng Langit ang nakalulunos sa kaniyang pamumuhay. Ang maghapo'y nakalipas, at ang hinihtay na gabini Narciso sa pagdalaw kay Neneng, ay dumating na matahimik. Ang binibining umaasa noon sa kaniyang pagdalaw ay halos naiinip na sa di niya pagdating. Walang anoano'y satatawag ang binata, at sa loob ng ilang sandaliay nagkaumpok ang dalawa sa isang kaayaayang paguulayaw. Walang mahalagang lubha sa pag-uusap ng dalawa, at sukat na ang mga lihim na pagluha ni Neneng na pinadadaloy ng kaniyang mga hinagap sa panibughong lihim kay Chayong na di naman matalampak sa sabihin kay Narciso, at yamang sinaksing kaniyang pag-ibig na kailanma'y di na maghihinalang muli, ay pinakapipilit na sarilinin ang gayong pagdaramdam, huwag lamang ipaghinanakit na di niya nasunod ang kabawal-bawalang ugaling isang minahal sa loob. Umiiyak ang puso ni Neneng, ngunit ang nalalarawan sa mukha'y ang matamis na pakikiharap sa kasi at di ibig bagabagin ng alam na niyang ikinapopoot na kaugalian. si Narciso'y di bumabangit ng anoman tungkol sa napansing dalamhati

kagabi, at kahit batid nang isinasakit ng loob ang may matuwid na paghihinala dahil sa kaniyang paglilihim, ay parang sinusubok kung saan hahanga ang gayong pagtitiis, at ang inungkat na pagusapan ay ang paglalamay ng pagparoon ni Chayong; at sa paraang ito'y waring binibigyang daang makapagpahayag sa kaniya at maipatanaw naman, kung magkagayon, ang tunay na kalinisan ng tapat na tapat na kaniyang pag-irog. Ang bagay na yao'y di lubhang binigyang halaga ni Neneng at sukat nang sinabi kay Narciso.―Tila malaking kailangan ang mga barong dinala, kaya gayon na ang pagsusumaging pagparito. At ang sunod-sunod na ibinalita'y ang ibig niyang matantong mga kasayahang idinaos sa kasal ni Nena, ngunit dinatapos ito, at ang ipinatid ni Narcisong parang biro.―Ang wika mo naman sa akin kagabi, ay di mo sasabihin iyan kung di ko ipagtapat sa iyo kung saan ako nangalingi. ―Siya nga. ―Bakit mo sinabi, ay nagsinungaling ako sa iyo. ―Walang anoman iyon. ―Bakit? ―Mangyari eh, pati kasinungalingan mo'y totoo rin sa akin. ―Huwag naman ganiyan, Neneng, at baka ako mahiya sa iyo.

―Walang dahilan, pagka't ang pag-asa ko'y minamahal mo ako, kaya di mo gagawin ang masama sa akin, at nagsinungaling ka man, ay may matuwid kaipala na dapat makabutisa ating dalawa. ―Patawarin mo ako, Neneng. ―Di na kailangan at labis na minamahal kita sa loob.

―Nagkulang ako nang pagtatapat sa iyo. ―Yao'y nakaraan na, atin nang limutin at ang hinaharap, ay lalong malaki; hindi pa ba nag-iiba ang loob mo sa akin? ―Tungkol sa ano? ―Sa ating paglagay sa ―estado‖. ―Neneng!...¡mag-iba ang aking loob! at bakit ka tumanong ng ganiyan? ―Di mo maialis sa akin. ―At may napansin ka bang kalamigan ng loob ko. ―Wala nga, ngunit... ―Agam-agam ay wala, at ang pag-asa ko'y gaya rin ng dati, ibig ko lamang dingin ang makaliligayang bukangbibig mo. ―Hangang kamatayan, Neneng, at liban sa kamatayan ang makababago ng wagas kong pag-ibig.

―Ipatawad mo, Sochong, ang isang tanong ko. ―Ano iyon? ―Paano si Chayong? ―At bakit? ―May napapansin akong bagong loob niya sa iyo. ―Ako ma'y nakapapansin din, ngunit di minagaling na ipahayag sa iyo at inaarikong paninirang purisa kaniya; at bukod doo'y di kita ibig papagdalamhatiin, kaya ilinihim ko tuloy sa iyo kagabina doon ako nagbuhat. ―Tapat ang iyong paglilihim, ngunit ano ang loob mo sa kaniya? ―Wala kundi ang turing na magkapatid kamihangang sa harap ng Langit. ―Totoo? ―Ako ang iyong kausap, Neneng, at ako ang nagmamahal sa iyo.

Nangapipi ang dalawa sa di masyado na galak na tinamo ng kanikanilang mga puso. Si Neneng ay sa muling pagliliwanag ng pag-asa na sandaling pinapangulimlim ng bulag na panibugho, at si Narciso'y ay lalong nagtibay na katiisan ni Neneng sa kaniya,

ano pa't kapuwa nagtalik sa parang bagong buhay na kanilang pagsisintahan. Makalipas ang masigabong tuwa ng dalawa, ay pinagtibay ang tipang pag-isahin sa lalong madaliang nagsisipag-alab nilang mga dibdib sa ningas ng banal na pag-iibigan na isasanguni sa matamis na pakikiayon ng kapatid ni Neneng.

Kabanata XXXIV: Haka ng ilan kay Deogracias at kay Nena
Isang kaugaliang di mapuwing-puwing ng marami, na dahil sa kanilang pagwawalang bahala at di panghihinayang sa panahon, ay pinababayaang lumipas ito ng pagayon lamang, at ang madalas pa sa walang kabuluhang pag-uumpok-umpok na pinararaan ang maghapon, ay ang pakikialam sa buhay ng mga buhay ang laginang hinaharap at siyang kinalulugdang pagtalunan; anopa't sa matatalabid nilang dila'y walang naliligtas at nangagpapaunang magbigay ng kanikanilang haka, humula ng mga di pa dumarating ay ipianalalagay nang mangyayari, at kung ano-anong gawa ng katalinuhang lansangan o nang lumalampas na pagkukuro na ang karaniwa'y naringig lamang sa gaya rin nilang nananantiya sa ipinagmamalaking pagkabatid, na walang ibang tungo kundi ang mapurisa inuugaling pagdudunungdunungan. Sa isa sa mga umpukan ng gangayong walang mangagawa ay doon pinagtalunan ang buhay ni Deogracias at ni Nena, may nagsasabing hindi malalao't magkakasigalot ang kanilang pagsasama, may humuhulang maglililo ang lalaki; may nagsasabing ang babayidahil sa ganito't pagayong mga tanda sa mukha, sa mga hulog ng buhok, sa anyo ng pagmamasid, sa kilos ng katawan, sa tamis na magpakitang loob sa iba, at kung ano-ano pang mga haka, bagay na sinangayunan ng isang nagpapangap na nakapagbasa ng librong tinatawag na ―secretos de la naturaleza‖, anopa't bilang

nagtibay ang dalawang hula na siyang ipinilit sa ibang kaharap na kamukha rin nilang nagsasayang ng araw; datapuwa't ang isa'y nagtindig at malubah na tumanong:―Paano baga ang inyong pagkaalam sa tinatawag na ―secretos de la naturaleza‖. ―Naku, ang sagot, iyan ang librong nagpapahayag ng sarisaring lihim ng sangkataohan, at ang masasabiko sa inyo'y kung iyan ang laging pagbabasahin, ay totoong maraming mababatid, at tingnan lamang ang babayiay mahuhulaan ang gagawin. ―Ganoon ba... kaya ka pala hindi nagka-asawa'y nagbabasa ka ng librong iyan ano? ―Ah hindi nga ako magkakaasawa, at sa ganang akin, ay pawang may kapintasan ang lahat ng kabayi. ―Tila ka pala naman iyong isang taga roon sa amin na wala nang babaying hindi napintasan, kaya ang naging dulo'y tumanda na sa binulong-bulong, at hindi man lamang natutong lumigaw. ―Alin alin!...ko ang hindi marunong lumigaw, baka hindi mo naaalaman ang pinagdaanan ko? ―Alam ko na; hindi naman ikaw ang sinasabiko't iyong tagaroon sa amin, ay ikaw ang naghahabol ngayon. ―Mangyari eh ipaparis mo pa ako sa kababayan mo, at sasabihin mong kaya hindi ako nagkaasawa'y... ―Magtahan na nga kayo niyan, ang ipinatid ng isa, at baka magkagalit pa kayo. Ang masasabiko, ay ang nagpapaniwala sa mga

librong nakapanghuhula, ay nagkukulang na tuloy ng pananampalataya sa Panginoon Dios, at sino sa atin ang makapagtatadahan ng kararatnan nang tao?

―Huwag ka, ang sabid ng isa, at ang wariko nga naman kay Nena, ay may nailihim na ugali. ―¡Hoy!... maanong magtahan ka niyan, lumalagpos naman ang inyong mga dunong. ―Ayan! Magmasid ka, ang tutol ng katungali, iyang katamisang magpakitang loob ni Nena, ay magkakaroon ng dulo, makikita mo, at sinungaling ako pag nagkabula. ―Aba, ito palang taong ito, marahil eh panibughuin ka, kaya ganiyan ang iyong palagay. Kung gayon pala'y pag marunong makipagkapuwa tao'y sasabihin mo nang magsusukab sa pagsasama. ―Hindi ganoon, wala ka palang malay na kumilala ng puso ng tao; ang sinasabi ko'y bagay bagay ang dapat asalin. ―At sino ka ba namang makaaalam niyan, kahit na mga itong nagbabasa ng ―secretos de la naturaleza‖, bubulaanin ko niyang sinabisabing lagpos. ―Alin? Ang sabad ng manghuhula nang maringig na siya'y tukuyin, makaliliko ba siya sa akin, magmasid tayong lahat at makikita natin sa pahahon kung ano ang mangyayari.

―Malayo kayo niyan, ang pakling isang kaharap; ang sabihin ninyo, ay palad-palad ang nagkakagayon. Kung minsa'y may mga lalaking talagang ang natatagpua'y isang babaying hindi marunong magtapat at iya'y siyang tango ng kaniyang kapalaran; datapuwa't ang gayo'y nangyayaring mailagan din kung marunong mag-asawa, at kung minsan nama'y may mga babaying kahit may masamang sinag na dapat daanan, ay mangyayaring maiba kung may pagkamarasalin, pagka't ang bendicion ng Langit sa kanilang pagsasama ay nagiging sagisag sa mga panganib na daratnin. Siya na iyang mga sinasabing mga taling (nunal) na madalas bangitin ng mga mapaghula-hula, siya na iyang mga hulog ng buhok, siya na iyang mga kung ano-anong kasabihan, at ang panuntunan na lamang natin, ay hindi tayo ang makapagtatakda ng magiging palad ng sinoman, iya'y na sa Dakilang Kamay ng Dios at wala sa atin sino tayong makapagbubuko-buko at makapagpapaunang humula ng darating pa lamang? ―Kabulaanang lahat iyan, ang ipinipiksing tutol ng nagbasa ng libro, at tumindig na nayayamot. Kung sa libro ko, ang dugtong, ay hindi malilihim ang lahat. ―Wala ka nang maipagmalaki kundi ang libro mo, iyan ba'y di ginawa ng tao? At ikaw naman gaano ka nang makatatarok ng mga sinasabisa librong iyon?

―Eh siya ikaw ang marunong, ikaw na ang magsalita at ako ang maniniwala. ―Palalong tao ito. ―May palalo bang paris mo; ibig mong magpariparian ay wala ka namang namumuwangan. Sa malaking gait ng huling pinagsalitan ay nagtindig at hinamon ng babag ang kaniyang katungali na nagagalit din, kaya't muntik nang magkagulo sa gayong paguumpukan, salamat at naapula ng ibang kaharap. Ito ang nangyayari sa kanilang pag-uusap ng buhay ng may buhay, at di ang mga gawang pakikinabangan ang siyang harapin, samantalang sa gayong mga ugaliay sinasayang ang panahon dapat pagsumakitang gamitin sa mga bagay na mahalaga. Naghiwahiwalay sa lupunan ang mga walang magawang nagaaksaya ng oras, at nagsuwisa kanikanilang bahay. Ang dalawa sa kanila na magkalapit ng tahana'y magkasamang lumalakad: ang isa'y may hawak na manok na tinaliat siyang hinihimashimas, at ang isa nama'y dalawang balasang ―baraja‖ ang nagkakasuklob na hinuhuling kuko habang daan, ano pa't di sasalang sila'y kapuwa mairugin sa sabong at sugal na monte, ayon sa kanilang mga anyo; at kung idaragdag ang pagsasalitaan, ay isang pagmamangamangahan na lamang na di maniwalang tunay silang mga sugarol. ―Mainam ba ang kaliskis niyan? Ang tanong ng may barajang hawak.

―Sa kaliskis ay walang sukat ikalugod; ngunit matalas na totoo ang mata sa pag-ilag, at ang isa pa'y maraming señal ang manok na ito, o tingnan mo, at ang dila'y walang iniwan sa dila ng tao, at pagdaka'y binuka ang tuka ng manok at pinatingnan sa kasama. ―Aba! Siya nga, ako'y ngayon lamang nakakita ng manok na ganyan. ―¡Naku, ang tahid ba ang masdan mo! at tila sadyang ipinagawa. Nang makita ng kasama ang tahid ng manok ay biglang napasigaw, kasabay na inabot sa kasama at siya ang naghawak. ―Walang iniwan sa sundang ah... kailan mo ba ito ilalaban? ―Pag wala rin akong maraming kuwalta, ay hindi na muna siya masasabong. ―Kung hindi sana ako natalo kagabi sa monte eh, katatagan nang ilaban sa lingo ah.

―Aba, aba, may kuwalta ka man ba'y maisasabong mo ng hindi ako pumusta ng malaki, ay sinabiko na't hinahandaan ko ng maraming salapiang manok na iyan, at bakit ka naman natalo kagabi? Ang habol na tanong. ―Ilan nang araw akong sinasama, at sinabayan ng kamot sa ulo.

―Ang wika mo nama'y natatangay mo ang panama ng mananaya kung ang may isis na baraja ang iyong ipinaglalagay? ―Magagamit ko ba iyon sa matatalasa na mananaya at kung mahuli ako, di ang dulo'y... Naputol dito ang salita dahil sa pagkakita sa mag-asawa ni Deogracias na siyang hinabol na humahangos. Pagkalapit ka Deogracias ay bumulong pagdaka na anaki'y may mahigopit na ipinakikiusap; at natunayan ang bagay na ito dahil sa pagsasalita ng linapitan. ―Nena, pahiramin mo raw muna ng mapupuhunan si Isco at baka makabawi.―May kuwalta nga tayo sa bahay eh, baka magsipaningil mamaya ang mga mangigiik ay kulangin tayo, gaano ba ang hinihiram? ―Kung may sampung piso eh dil along mabuti, ang tugon ni Isco. ―Hindi ba maaring mamaya nang hapon makapangaling kami sa bukid? ―Baka kayo magabihan eh, kailangan ko sa na ngayong tanghali, kung ako'y bibigyan din lamang ninyo. Dahil sa kagandahang loob ng mag-asawa'y napilitang magsipagbalik ng bahay, at pinagbiyang loob ang mahigpit mangutang na umabala sa kanilang paglakad.

Kabanata XXXV: Isang sulat kay Neneng
Di pa nalalaon ang pag-uusap ni Narciso at ni Neneng ng isang gabing pinakamahalaga sa lahat ng kanilang pagkikita, ay parang itinaon ang pagkatangap ng isang sulat na di makuro kung san galing, pagka't nang basahin ang natititik sa sobre, ay malayong malayo sa letra ni Nenang kaibigan, na siya lamang inakalang dapat sumulat sa kaniya. ―Sino kaya ito? Ang wika ni Neneng na kasabay ng pagbubukas ng sobre, at lalong lumaki ang pagkamangha nang makita ang marikit na papel na pinagsulatan at ang titik na sadyang pinakaayos ikintal ng isang nagpapaibig na sumulat. Si Narciso'y hindi kumikibo, bagama't may isinasaloob sa sulat na yaon, at hinihintay kay Neneng ang magiging loob, sakali't mabasa na. Si Neneng naman, na lumapit sa ilaw noon upang tantoin ang nalalaman sa sulat, ay napapangitinang basahin ang ganito: B..... 14 Febrero 19 Scta. Timotea Sulit. Pinapanginoon ko: mapalad na sandaliang linikha ng Langit sa aking pagtunghay sa kagalang-galang ninyong dilag na naghatid sa akin ng di sa Mula masayod puso sa na mga hiwaga, di at na mula na noo'y na may parang inyong matamis

ibinadha larawan.

ang

kailanma'y yao'y

malilimot kong

sandaling

itinuring

akong buhay at sukat nang gunitain ang isa ninyong titig upang malimutan Iginalang sandaling ang kayo di lahat at kayo ng hirap na sadyang sa kataling sarili sa panahon. balang ay

inaring

pagsusukab kaya't

ang

magunita,

maging

pagtulog

daladala kayo sa alaala, at maging ma'y laging sumusurot ang parang kaharap na inyong larawan at waring inaakit na kayo'y laging paghanapin. Dimamamkailang tinangkang ipakilala sa inyo ang ganitong loob nang kasalukuyang pinauunlakan ng inyong mga paglakad itinuring ang kong malalawak sa harap naming ninyo'y bukirin; sahol na ngunit sahol na kailanma'y ang yapus sa sa

pamimitagang lumuluhang sina

aking

pagkatao, ang aking

anopa't

natira nasa; ay

lamang

pagkaumid ang

magandang puso,

datapuwa't kusang

maiwasan

mapiling

hinging

humayin

ngayon sa balang karatnan, at sa pamamagitan ng kalatas na ito'y inihahandog ang aking maralita, ngunit banal na pakikipagkilala, at kung hindi sawi sa pamimitagan ay humihinging tulot na sa inyo'y makapagsadya ang kailan ma'y sumasayapak sa tunay ninyong lingkod. Francisco Marcelo. ―Inaku Sochong, ang sigaw ni Neneng at tumatawang humapit sa binata,―tingnan mo at pinakarikit-dikit pa ang pagkasulat―at tuloy iniabot. ―Ano bang sulat ito? Ang tanong sa kaniya.

―Basahin mo at waring nanininta sa akin. ―Sa iyo pala nanininta'y bakit sa akin mo ipababasa. ―Nabasa ko na eh. ―Itago mo, ang hatol ni Narciso at isinasauli kay Neneng. ―Ikaw ang magtago kung ibig mo, sa ganang aki'y di ko kailangan. ―Kung ayaw mo mang itago, ay sagutin mo man lamang. ―At ano ang isasagot ko? ―Ikaw ang bahala kung ano ang loob mo sa kaniya kailan mo ba nakilala ang taong iyan? ―Noong ikasal si Nena, at iyan ang kumanta ng kundi man doon. ―Nagpahayag ba sa iyo?

―Hindi, ngunit lagi na ang mata sa akin, at noon pa'y napansin kong may isinasaloob. ―Ay ano naman ang loob mo sa kaniya? ―Wala. ―Sagutin mo at nang hindi mainip sa paghihintay. ―Ikaw na ang sumagot.

―At ano ang ibig mong isagot ko? ―Sabihin mong ako'y may katipan, huwag na siyang magpagod. Iningatan ni Narciso ang sulat sa gayong pinagkakayarian nila, at nang gabi ring yao'y nagpahayag sa kapatid ni Neneng upang mairaos ang kanilang pagkakasal at ito'y sa maikling taning itinakda. * * * Dumating ang kinabukasan nang gabi, at yamang may malaking kalayaang makapanhik si Narciso sa bahay ni Neneng, ay muling naparoon at dinala ang sagot na kanilang pinagusapan. ―Basahin mo, ani Narciso, kung minamagaling na aking itinitik diyan, at iniabot kay Neneng ang banhay ng sulat.

―Maipadadala ko na ba ito? Ang tanong ni Neneng. ―Hindi, at kailangang salinin mo muna ang mo. ―Ganoon ba? ―Mangyari. At binasa ni Neneng ang ganito:....G. Francisco Marcelo.―Tinangap ko po ang mahal ninyong sulat, at pinasasalamatan ang doo'y pagpaparangal ninyo sa akin. Tungkol sa pakikipagkilala na inyong iniaalay, ay waring may iba kayong tungo ng loob, bagay na tapus na sa akin, pagka't may nag-aarina ng puso kong dapat ipagmahal. Sanhi rito'y wala nang karampatang

gumugol kayo ng panahon, kailanma't matutungkol sa akin; datapuwa't sa gawang makipagkapuwatao na itinataning ng mahal na ugali, ay maibibilang na isang kakilala, si,―Timotea Sulit. ―Bakit ba ilinagay mo pang maibibilang sa isang kakilala?―ang tila namamanghang tanong ni Neneng. ―Ay anong kasiraan noon, tayo nama'y talagang marunong makipagkapuwatao.―Mahirap na iyon, kung hindi na nga ba siya nagpahayag ng pag-ibig sa akin... ―Iya'y nasa iyo, kailanma't mahal mo ako, ay di ka tutubuan ng anomang loob sa iba. ―Tunay na nga, ngunit mabuti rin ang mag-ingat sa magiging sanhi. ―Ang mag-ingat ay di masama kung may dapat kang pag-ingatan, ngayon ay wala pa. ―At hintin ko pa bang magkaroon?

―Doon makikita ang malinis mong puso. ―Ah, hindi ko nga ilalagay itong na sa huli. ―Ikaw ang bahala, kung ano ang ibig mo. Sa ganang akin, ay lubos na lubos ang pagkakatiwala ko sa tapat mong loob at anong mayroon sa akin ng ibigin ka niya kung nakikilala mo ang iyong

katungkulan? Hindi na kumibo si Neneng, kinuha ang tintahan, at sa harap din ni Narciso'y sinalin ng titik niyang sarilisa banhay ng sulat, na di naman natagala'y dumating sa ayaw niyang sipiin at dinugtungan ng ganito: ―at wala kayong sukat ikalugod na dapat asahan‖. Pagkatapos, ay itinitik ang kaniyang pangalan at ipinabasang lahat kay Narciso, at ang malambing na tanong:―Ikaw na ba Sochong ang maghuhulog sa correo?―Sino pa, ay ako lamang ang alila mo. ―Pahayaan mo't iilan nang araw ang pag-uutos ko sa iyo, pagkakasal ba natin en, di ako naman ang aalilain mo. Maalaala ko pala'y ano ba ang lagay ni Chayong? ―Aywan at maluwat na akong hindi nadaraan sa kanilang bahay hindi ba kayo nagkikita? ―Mula nang kunin ang kaniyang mga baro, ay hindi na naparito uli. ―Kaawa-awa naman. ―Bakit? ―Kung nakikita mo ang ginagawa ng ama't ina ni Chayong ay mahahabag ka. ―Bakit, hanga ngayon ba nama'y di pa napapawiang kanilang kagalitan?

―Dianhin na lamang ang ama't ina'y mamatay eh. ―How, pulo na ba naman sa bayan ang pagkakaganoon, napakabangis naman silang magulang. Parang itinaon sa ganitong salitaan ang pagtawag ni Chayong na dala ang kaniyang anak at lumuluhang ipinahayag kay Neneng ang pagpapalagay sa kaniya ng kaniyang ama, kaya't ito na lamang ang napag-usapan.

Kabanata XXXVI: Dika pa mamatay.....
Isang masayang gabing pigingan sa kapitbahay ni Neneng, pagka't idinaos ang pagbibinyag sa isang sangol na lalaking di pa nalalaong iniluwal sa liwanag, ay siya naman masungit na gabikay Chayong. Ang inaama ng bata na talagang bukod sa may magandang ugaling ikinapuring mga magulang at siyang pinapaghawak sa anak, ay may kaunti pang kayabangang taglay at walang lingong likod sa paggugol, kaya lubhang masigla ang doo'y ginawang piging. Nagkaroon ng sayawan, tugtugan at iba't iba pang sukat makalibang sa lalong magdadalamhating puso, datapuwa't samantalang nagsisipagdaos ang lahat ng mga kasayahang ito, ay nagtitigis naman si Chayong ng masasaklap niyang luha, sa di na maatim na pagpapasakit ng ama sanhi sa kinahinatnan ng kaniyang nakauumid na palad. Hapon pa ng araw na yao'y may mga ilang kakilalang nagsirating sa kanila, at diwa'y sadyang inilaan ng Langit upang lalong magkahirap ang kaniyang buhay sa di lumambot na matigas na puso ng ama, ay waring nangapahanga pagkakitang may sangol na iniiwa si Chayong, at ang mararawal na pag-uusisa'y siyang pinakamagalaing na ibati.―Aba at nag asawa na pala ang batang ito sino po ang inyong naging manugang? Wala yata ngayon dito, sino po ba? Hindi nakasagot ang ama ni Chayong at maaasim na ngiti ang ipinamalas sa mga bagong panaohing nagsisipag-usisa.

si Chayong noo'y malungkot na, at para niyang nagugunita ang kasunod na paglait ng ama, na dahil sa pagmamakahiya'y sapilitang titiisin pag-alis ng kanilang mga tao. Aking ipahihiwatig sandali, bago ipatuloy ang nangyari, na marami sa mga sahol na pagkatao ang sa mga gangayong pagsisiyasat ay di gumagamit ng anomang kabaitan, at ang madalas pa'y napapasin nang may sukat-ikaumid ang kausap, ay patuloy ng mga nakaruruming pag-uusisa, na ang karaniwa'y sa nasang makatarok lamang ng ikinahihiyang lihim ng iba, at ang dulo'y ipamaralisa kapuwa, at parang nagiging dangal pa ang kanilang marawal na paninirang puri. Hindi humantong ang kawalangbait nila sa nakamumuhing pagsisiyasat sa matanda at si Chayong naman ang pinakaurirang tanungin sa harap ng halos matunaw na ama sa kahihiyan, hangan sa nahalata ang tunay na lihim, ayon sa mga paligaw-ligaw na sagot na lalong nag-uulat ng isang katotohanan. ¡Kalait-lait na ugali at anong naging tubo ng mga walang bait na ito sa kanilang kauusisa? Wala kundi ang lalong maumid sa harap nila ang nagsisipagtiis na kausap sa di hinihintay na pagkadutdot ng kanilang mga lihim na di naman maaasahang pagpipitaganan ng matatabil nilang dila, kundi bagkus pang babandilain sa mga walang dangal na kamukha nila ang pamamaraling ganito't gayong kinaratnan ng kanilang kapuwatao. Di nalao'y napaalam ang nakamumuhing mga panauhin na tila wala sinadya kundi ang pakikialam sa buhay ng may buhay, samantalang si Chayong ay hinihintay noon ng isang kaaba-abang daratnin sa

kaniyang ama. Ang mga hinagap ni Chayong, ay naging katotohanan, ngunit isang mapait na katotohanang kailanma'y di niya nararating. Nagngingitngit na dinaluhong ng kaniyang ama at sa suntok at sikad pinasilakbo ang galit sa pagmamakahiya sa palad ng anak, bukod ang halos na maatim na pagdusta.―Di ka pa mamatay, ang wika sa anak, ay nakasisirang puri ka sa akin. At manaka-nakang pinag-uubusan ng malalakas na suntok na di man lamang napapaglubag ng mga umid na pagluha ni Chayong, at ng nag-uumiyak na pag-awat ng kaniyang ina. Ang sangol na si Narciso'y nahihimbing noon, palibhasa'y bagong pinapagsawa sa suso ng nagdadalamhating ina, ngunit biglang nagulat sa pagkabuwal ni Chayong sa isang sikad na napakadiin ng kaniyang ama, at sa malaking pagkadulit ng bata'y di na nagtahan ng pagiyak, bagay na lalong ipinag-alab ng poot at pinalayas noon din ang abang si Chayong, sa pamamagitan ng bala, na kung di aalis ay kaniyang papatayin ¡kahabag-habag na buhay! Lumuluha si Chayong na nagbalot ng ilang pirasong damit at mga lampin ng kaniyang sangol, at pagkatapos humalik sa kamay ng ina, ay dali-daling nanaog sa malaking takot na siya'y mamatay. Halos magkabuhol ang hininga ng kaniyang ina nang makitang umaalis ngunit walang magawang pagpigil sa di masalangsang na pagkapoot ng kaniyang asawa. Sumasagana sa masungit na dilim nang gabiang abang si Chayong na kalong ang anak at sunong ang balutan, na di matiyakan kung saan patutungo.―¡Dios ko! ang wika, ¡mahabag ka sa aming mag-ina,. At parang itinuro ng

pagtungo sa bahay ni Neneng, na di nag-agam-agam ng anoman, at noon nga dinatnang naroon pa si Narciso na ating natalastas na sa kapitulong sinundan. Nang makaraan ang ilang sandaling paguusap ni Neneng at ni Chayong sa pagbabalita nito ng kalumbaylumbay na nangyarisa kaniya, ay magkasama silang nakipag-usap kay Pepeng kapatid ni Neneng, at nang tinatanong si Chayong, ay lumuluhang nagsalita.―Sa magandang loob ninyo naroon ang aking kaaliwan.―At malaking bagay man din, ang bigkas na humahanga ni Pepe, ano ba ang nangyarisa iyo at ikaw'y umiiyak? ―Pinag-gugulpi raw siya ng kaniyang tatay, ang isinabad ni Neneng, ay ibig tumirang mga ilang araw dito sa atin.―Sa lahat ng oras, Chayong, ang matamis na sagot ni Pepe, ipahihiwatig ko lamang sa iyo, na walang dapat magtiis sa magulang kundi ang anak na paris mo, at anomang sama ng magualng, ay siya nating pinagkautangan ng di mahahalagahang loob at ng ating pagkatao; sa ganang akin, ay matamis kitang maampon dito sa bahay, salamat kung minamalaki mo ang aming magagawang pakikisama, baka nabibigla ka lamang, ay mag-isip kang magaling. ―Paano nga ba naman, koyang, ay sa pinalalayas siya, at papatayin daw kung hindi aalis. ―How, ganoon lamang iyon, iyon ba nama'y walang isip. ―Mahirap na nga naman koyang, di kung tinatangap mo siyang matira rito, ay magparaan na munang mga ilang araw.―Aba, sinabi ko na, sa kaniya'y bukas ang ating pintuan, at ang

pagpapahiwatig ko'y baka sakaling nabubulagan lamang siya ng isip. Ang magulang ay magulang kailanman kahit anong sama at sino ang dapat magtiis kundi siya? ―Eh siya, Chayong, ang wika ni Neneng ilapag mo na ang bata dini at natutulog na rin lamang nang hindi ka naman mangawit, humapon ka na ba?

―Hindi pa nga eh. Pagkatapus magpasalamat si Chayong sa magandang loob ni Pepe nang pagtangap sa kaniya, ay sumama kay Neneng sa loob, at pinagyamang inihiga ang anak, ngunit paglabas niya'y malumbay na binati ni Narciso na di pa umaalis roon, at ito'y naging sanhi na namang inilala ng lungkot sa buhay niyang tigib kadalamhatian, at muling nagunitang kung di sa marupok niyang puso'y si Narciso disin ang pinagtatalikan ng matamis niyang palad, at di ang gayong kaimbi-imbing binabalisa. ―Maupo ka Chayong, ang wika ni Neneng, at hahapon na tayo, sandalina lamang nagugutom ka na ba? ―Hindi, ang sagot ni Chayong na pagdaka'y naupo at nagkaumpok silang tatlo ng pag-uusap-usap. Si Narciso'y nahahabag kay Chayong at ito nama'y maminsanminsang nagpapahid ng kanyang mga luha, samantalang si Neneng ay

naglulumabas masok sa pagtulong sa hipag na nagluluto noon ng kanilang hahapunan. Sa manaka-nakang pagkaiwan ng dalawa sa loob, ay inaaliw ni Narciso si Chayong at pinapagtitibay ang kaniyang puso sa pagtitiis upang mapakiayunan ang bagay-bagay na nararating ng palad sa bago't bagong mga sakit na pinagdaranasan ng kaniyang buhay. ―Sayang na lalaki ito at di ko naging palad, ang madalas isagot ng sarili ni Chayong. Mapamaya-maya'y humahangos na pumasok si Neneng at inanyayahan si Chayong at si Narciso; ngunit ito'y nagtindig at noo'y napaalam kay Pepe. ―Aaalis ka na ba? tila ka naman itinaboy ng aming pagkain; dito ko na nga humapon. ―Salamat po, ang wika ng aalis, at muling napaalam. Umalis si Narciso, at di na kailangang sabihing inihatid siya ng malalambing na titig ni Neneng sa pagpanaog.

Ang nangaiwan ay nagsihapong kasalo ang luluha-luhang bagong panauhin, na sa malaking kahihiya'y halos madudurog sa gayong pakikiharap; ngunit sa di mapupuwing na magagandang ugaling nangag-aampo'y napilit iwaksian malaking pagkaumis hangang sa naging mula ito ng kaniyang kapalagayang loob na itinuturo ng tapat na pakikisama.

Kabanata XXXVII: Hangang hinahabol ay lalong lumalayo
Kasalukuyang nagpapahinga isang gabiang mag-asawa ni Nena at ni Deogracias, na pinag-uusapan ang may mga utang na di nila nasisingil, ay satatawag si Isco, na kung naaala-ala pa ng mga irog na bumabasa, ay ang sugarol na umabala sa kanilang paglakad nang isang umagang patutungo sa bukid, at wari bagang may malakina namang kailangan kaya naparoon, ay tila siya pang ibig manghimasok sa bahay ng may bahay, at ang napapatakang sinabi: ―Ano aba naman kayo't maaga pa'y tila ibig nang matulog. ―Hindi, ang sagot ni Deogaracias, at kami'y nang hihimagal, kararating pa lamang namin eh, manhik ka. ―Tila ginabikayo nang pangagaling sa bukid. ―Siya nga, at ibig sana naming matapos, ay iniwan din at gabi nang totoo; ano ba ang sadya mo? Manhik ka nga. Samantalang napatutungo sa hagdan ang ating si Isco ay marahang bumulong si Nena kay Deogracias: ―Marahil eh tatanong na naman ng kuwalta; iyon lamang na sa kaniya'y hindi pa binabayaran eh uutang na naman. Sabihin mong wala.

Anyong magsasalita pa si Nena, ay pinigil ng isang iling ni Deogracias, pagka't nakitang nasa itaas na ang bagong dating na pagdaka'y bumati: ―Magandang gabipo sa kanila. ―Magandang gabipo, ang tugon ni Nena.

―Magtuloy ka, ang salubong naman ni Doegracias. Nagtuloy si Isco at agad namang sinabi ang sadya, kahit di pa tinatanong uling dinatnan. ―Kaya ako naparito'y baka sakaling maluwag kayo ngayon, ay bigyan muna ninyo ako uling mapupuhunan. ―Aywan ko ba kung may kuwalta pa si Nena. ―Aba wala akong kuwalta, nakita mo't isa ma'y walang nagbayad sa atin eh, anong kukuwaltahin ko ngayon? ―Huwag ninyo akong pagkabigatan nga loob aling Nena, ang daing ng Isco, at ibibigay ko muna sa inyo ang ―escritura‖ ng aming bakuran, baka lamang ako'y makabawi. ―Sugod ka namang magsugal, ang pakli ni Deogracias. ―Nananalo na sana ako kahapon ng marami, ay nabawi pa, at sa kahahabol ko'y pati puhuna'y natalo tuloy na lahat, at....

―Katuwa iyan eh, hangang hinahabol ay lalong lumalayo. Ang marami naman sa inyong mga manunugal, ay pati bahay ng sugala'y ibig madala eh ―Talagang sinasama lamang ako ngayon, iyong kinuha ko sa inyo noong araw eh, biro mo ang tinalo nakabayad ako sa maraming utang, nakabili ako ng sari-saring damit, at ilan nang lingong dinudukot-dukot ko; kagabil amang ako nasagad ng pagkatalo ah, at kung ako'y pinatama pang minsan, ay nag-apuhap na sana ng tainga ang montero.

―Di kami lamang pala ang hindi ninyo naala-alang bayaran, ang sabad ni Nena. ―Maluwag din naman kayo kay sa iba eh, at saka ibig din lamang ninyo ang lupa, ay di bilhin na ninyo ng tuluyan ang isang bakuran namin, at nang makaluas ako tuloy sa Maynila. ―Aano ka sa Maynila? ang tanong ni Deogracias. ―Naku, aywan ba't kung bakit nausuan kong totoo ang kaibigan ni aleng Nena, iyan ang babaying damdam ko ba'y siya ko nang siyang nakikita. ―Aba, huwag na kayong magpagod doon, ang sagot ni Nena, at sayang lamang. ―Bakit po?

―Wala na, ang paking nagpatotoo ni Deogaracias; ikakasal na lamang iyon eh, ano pang ipaparoon mo. ―Ikakasal!.... kaya pala ganito ang sagot sa sulat ko ah. At dinukot sa bulsa ni Isco, ang katatanggap lamang na sulat ni Neneng at ipinabasa kay Deogracias, at ang dugtong. ―Baka naman hindi ikakasal, may katipan kung sakali man; ngunit ¡ikasal si Neneng! iyan ang masungit na balita, di yata't ikakasal? kangino? sinong mapalad na lalakiang magtatamo sa kaniya? ikakasal ng ba? ―Oo.

―Kailan? ―Nakabingit na sa araw. ―Oho; binibiro yata ninyo ako eh. ―Tunay, maniwala ka sa akin. Isang buntong hininga ang di napigilan ng binatang si Isco, at nang makaraan ang sandali ay biglang nagsalita. ―Kahit siya magkaasawa'y liligawan ko rin. ―Maanog huwag kayong maingay, mang Isco, ang tila yamot na paklinia Nena, liligawan ninyo't ano, isip yata ninyo'y babaying lansangan si Neneng ano?

―Aba hindi po, katuwa naman itong asawa mo, at kay Deogracias waring napaaayon, ay di naman siya sinagot ng anoman lamang at ang isinauli ay ang sulat ni Neneng na kaniyang ipinabasa. Makaraan ang ilang sandali, ay inulit na naman ni Isco ang pangungutang na ipinagsadya; ngunit pinatigas ni Nena ang pagwawala-walaan, dahil sa waring pagkayamot at pagmamasakit sa kaibigan niyang si Neneng, kaya't umalis na may poot ang ating sugarol sa di pagpapautang ng mag-asawa ng kaniyang pupuhanin. Bubulong-bulong na kumakamot sa ulo si Isco nang nanaog, at pinag-iisip kung saan siya magdidiligencia ng dadalhin sa laro, at si Deogracias nama'y di matapos-tapos ang pagsisikay Nena sa di pagpapautang ay gayong may bakuran naman silang masasambot sakaling di man magbabayad. Upang maunawaan ng mga irog kong bumabasa kung sino at paano ang pamumuhay ni Isco, ay aking ipakikilala ngayon:

Francisco ang tunay niyang pangalan at ang apelido bagaman anak ng mga pilak ay bihirang hapong matatagpuang malinis ang pananamit, pagka't halos sa boong maghapo'y gagalagain at walang nayong lalong lihim na di namumulat sa paghanap ng makakalaro ng tanga, ―cara y cruz‖, ―calderon‖, patong lapit, ―palmo‖ at iba't iba pang pinagkakatalunan ng kuwalta, anopa't sa malinaw na

pagsasalita'y sa lupa siya lukami, sa mga umpukan ng nagsasayang ng panahon at sa mga sugalan. Hangang lumalaki ay nadaragdagan ang vicio: natuto ng sarisaring sugal sa baraja at sa manok. Walang hanap-buhay na makilala, salat sa aral, at sukat na ang nakabasa ng sulat , bagama't kakapa-kapa, kaya't nang maulila sa ama't ina'y hubad na hubad ang isip, at ang salaping naiwan ng mga magulang na di naman kakaunti, pagka't iisa isang anak na nagmana, ay unti-unting natuto sa walang likat na kasusugal, at ang mga lupang pag-aari, ay halos naubos nang isangla at napagbili na ng tuluyan ang iba, anopa't sa walang hinayang na pagtatapon, ay natugnas ng pagayon lamang. Ang iilan nang bakurang natitira pa noon, ay siya naman yatang iinot-inutaing tunawin, at isa nito ang iniaalok sa mag-asawang Deogracias upang puhunanin sa sugal at mabaon ng pagluwas sa Maynila. Iyan ang bahaging kasaysayan ng buhay ni Isco na magiging kapupunan sa huli upang mabuo ang kinasapitan ng magkaibigang si Nena at si Neneng; at yamang gayon, ay ang pagkakasal nito at si Narciso ang siya nating idaos na tantoin at nang tayo'y malapit sa haganang ibig matalastas, sakali't di pa kinayayamutan ang pagbibigay loob ng pagbasa na sa inyo‖y lubos kong pinasalamatan.

Kabanata XXXVIII: Ang kasal ni Neneng at ni Narciso
Di nag-isang buwan ang pagkatangap ng sulat ni Isco na atin nang natalastas sa mga cupitulong sinunusandan, ay idinaos ang pagkakasal ni Neneng at ni Narciso. Bagama't walang malaking piging na ipinag-aanyaya, ay dinalisang sulatan ang mag-asawang Nena at Deogracias, kaya't malayo ma'y nagsipaglakbay na dumalo sa huling panaog ng kanilang kaibigan. Isang ugaling di mapuwing-puwing ng marami dito sa atin ang kahi't magsipangutang, ay makapaghanda lamang, at di kinukuro na ang kanilang magugugol, ay wala namang mabuting magiging hanga, at ang madalas pa'y pulaan ibang walang turing na pakinabang ng pagmamagandang loob, pag-gugol at pagpapagal ng matutuwaing pagpiging na kung di man ugaling lahat ang gayong pamumula, ay siyang karaniwang iganti ng marami, bakit kaya't may nangawiwili ring maghanda? Palibhasa'y talastas ni Pepe, na kung ipaghanda ang kasal na ito, ay uutangin din sa iba ang salaping gugugulin, at karamay na ring mahihirapan sa pagbabayad ang kaniyang kapatid, ay minagaling na ang walang anoman, at sukat ang isang agahang ipagsasalo-salo nila ng umagang yaon. Si Chayong na kanilang kasuno, ay di pa nanalis noon, at ang kasal na ito, ay di mangyaring hindi makapukaw ng natutulog na

niyang mga damdamin, at kung di tinitimpi, ay dapat mahalatang may kalumbayan siya noong mga araw na yaon. Di na makakalas ang mahigpit na katunayan ng pinag-isang puso ni Neneng at ni Narciso, at gayon din namang di na makakatkat sa puso ni Chayong na ito ang kaniyang tanging inirog. Di mamakailang itinudla kay Narciso ang malulumbay niyang titig na pinangingilaran ng mapapait na luha at malalalim na buntong hininga ang ipinaririnig nang lihim; at bagaman sadyang hindi maikait, ay tila kusang ginagawas, dala ng di maatim na kaniyang pagdaramdam. Ang mga anyong ito ay pinapansin pala ni Nena, kaya't sa malaking awa'y hindi nakatiis at siya'y linapitan ngunit sa malaking hiya ni Chayong, ay nagwalang bahalang umalis at di makatagal ng pakikiharap sa kaniya ―Bakit? ang tanong ni Nena, at sinundan si Chayong na napatungo sa anak niyang nahihimbing.―Bakit ka lumayo sa akin, Chayong? ang ulit na tanong, at niyakap ng boong giliw. Si Chayong, ay di makasagot, at lumuluhang isinuliap kay Nena ang mga mata at pagdaka'y binawi. ―Huwag kang umiyak, ang wika at hangang lumalaki ang pagtitiis ng tao, ay lalo namang malakiang kaaliwang hihintin, ipayapa ang loob mo. ―Ay Nena! Ang buntong hiningang isinagot, at di na nakapangusap ng anomam lamang.

―Bakit ka nagkakaganyan? anong damdamin ang nagpapahirap sa loob mo? magsalita ka at ibiling ang aking pag-aliw, magsalita ka.

―Di ako karapat-dapat sa harap mo, ang malumbay na sagot ni Chayong. ―Bakit? paghusayin ang iyong loob at tayo'y magsalitaan. ―Dapat mo akong ipagtanim. ―Nagtataka ako sa iyong mga bigkas, ano't ipagtatanim kita? namamali ka, Chayong, at di mo lamang nahahalata ang malaking habag ko sa iyo. ―Salamat, Nena; ngunit ako'y iyong patawarin. ―Sa ano? may masama ka bang ginawa? ―Ako'y sinusubok mo, Nena, huwag at nakikilala kong dapat kang mapoot sa akin. Ay Nena! Ito ang bunga ng may matuwid mong pagtatanim. At hinawakan ang anak niyang umiingit noon, at ang malumbay na sinabi: ―Ito ang dapat mong ikapoot; ngunit s aanoma'y anak siya ng aking puso, kapilas ng kaluluwa ko at mamahalin magpakailanman. ―Ah, dahilan kay Miguel ang sinasabi mong pagkukulang?

―Tunay Nena, at dapat kang magtanim sa akin. ―Matanim ako! ―Oo. At may matuwid ka, patawarin mo ako! ―Tayo'y magkaibigan ngayon, ang matamis na sagot ni Nena, kasabay ng isang mahigpit na yakap na naging tanda ng pakikipagkasundo. Sa pagkakayapos ng dalawa'y sa papasok si Narciso at inabutan pang pinapahid ni Chayong ang mga luhang bagong nagtagumpay sa dahas ng mga sakit. Ang iilan-ilan taong dumalo sa maliit na piging ng mga bagong kasal, ay di nalao't nagsialis, kaya liban na lamang sa magasawang Nena at mga dating taong bahay ang doo'y nangatirang nag-uusap-usap. Si Nena at si Chayong sa dakong loob, si Pepe at si Deogracias sa dakong labas at si Narciso't si Neneng nama'y nagyayao't ditong maminsan-minsang humahalo at nakikisagot sa kanila, anopa't ang lahat ay may kanikaniyang mga bagay na idinadaos sa gayong pagkakaumpukan. Bagama't di ugali ni Pepe ang magdalahira, at ang karaniwan ng sakit na ito'y sa babayi lamang madalas kumapit, ay di nangayaring ikanlong sa paninibago ni Deogracias ang naiiba

nilang kasuno at ang balang maitutulot ng mabuting pagtatapat, ay ipinahiwatig na di naman sinugatan kahit babahagya ang puring dapat mahalin, at sa boong pagkahabag ay naipakilala ang nakalulunos na buhay ng kulang palad na si Chayong kaya't walang madalas isagot ang kausap kundi ―kaawa-awa naman‖ at dahil sa gayong pagkatalos, ay naaakit siyang makipagkilala at ialay ang matapat na pagkukupkop sa gayong nakahahapis na kinahinatnan. Sa matagal na pagkakawilihan ni Nena at ni Chayong ay napagusapang lahat ang boong nangyari sa palad nito, kaya't sa dakong huling kanilang salitaa'y inaalok ni Neneng sumama sa kanilang pag-uwi, at nang doon na palipasin ang maalab na poot ng kaniyang ama, bagay na pinasalamatan at kinilalang magandang loob na di niya malilimutan magpakailanman. Si Pepe, ay pumasok noong kasama si Deogracias at ipinakilala kay Chayong, lalong-lalo naman si Neneng nagagalak at inihandog ang kaya nilang magasawa sa ano mang kakailanganin; ngunit sukat na kay Chayong ang nagpasalamat sa kanilang magandang ugali.

Si Neneng na maminsan-minsang sumasalamuha sa kanilang mga salitaan, ay agad-agad na nagpayo. ―Siya nga naman Chayong, kung ibig mong sumama sa kanilang mga ilang araw, ay para ka ring narito sa amin. si Nena at ako'y

talastas mo na kung sa pagsasamahan, ang kaniya'y akin at ang akin ay kaniya, aywan ko lamang at may asawa na siya ngayon. ―Wala pong sukat ikabago, ang sabad ni Deogracias, at ang masasabi ko'y kung sasama nga si aling Chayong, ay dapat tumaba sa mabuting singaw sa amin. ―Sumama ka na nga naman ang mapilit na yaya ni Nena, at nang matikman mo ang masarap na buhay sa bukid, makita mo't tataba pati niyang anak mo. ―Sa iba nang araw kung sakali man, ang sagot ni Chayong, ngayon, ay huwag na muna at malalayo akong totoo kay inang. ―Napaparito ba? ―Oo, si tatay lamang ang... Hindi na natapus ang pagsasalita ni Chayong at agad na malisbis ang mapapait na luha sa di na nagbagong kagalitan ng kaniyang ama, ngunit magiliw na inilibing ni Neneng at ang wika: ―Kung ang inang mo lamang ang iyong inaalaala, ay sasabihin kong sumama sa inyo. ―Huwag na Neneng, di mapapag-isa naman sit atay kung magsasabay kaming umalis, huwag na at sa ibang araw na tayo pumaroon kailan ba sila úuwi?

―Mamaya ring hapon, ang sabad ni Nena. ―Anong mamaya, ang nayayamot na sagót ng kaibigan – huwag mo nga akong pagalitin ―Aba ano pa ang ibig mo, ay nakadaos na rin lamang kayo? ―Bakit pa kayo naparito kung aalis din lamang mamaya; maanong magpahinga ka. Sa lingo kayo umuwi. ―Bakit mo kami paaabutin pa ng lingo sasama ba kayo sa amin? ―Oo, ―Baka hindi. ―Sasama kami, hintay ka at sasabihin ko kay Sochong. Lumabas na dalidali at pagkakita sa asawa'y. ―Ano ba ang ginagawa mo sa labas, at di ka humarap sa tao, ibig mo bang sumama tayo kina Nena sa lingo?

―Bakit? ―Mangyari eh uuwi raw sila mamaya, ay sinabi kong sa lingo na at sasama tayo, ibig mo ba, ha, sumama tayo hani, ha? ―Oo, sumama tayo. Magkasabay nang pumasok ang bagong kasal na si Neneng at si Narciso, at nangatutuwang sinabing sasama sila, kaya't

pinagkayariang hindi magsisialis nang hapong yaon dahil sa ganitong ipinangako sa pagpigil.

Kabanata XXXIX: Ang ligalig sa pag irog
Araw ng lingo. Pagkaumaga na'y naggayakan ang mag-asawang Nena at ang bagong kasal na Neneng at silang apat ay magkakasamang nagsipagsimba; at nang maidaos ang ganitong katungkula'y pawang nangagagalak sa pinag-usapang pag-alis nang araw na yaon. Si Chayong na talagang kagayak sa ganitong panaog at napilitan ding pumayag sa mapiling anyaya ni Nena, ay nagmamadaling pagbibihis sa kaniyang sangol na si Narciso, at sa isang maliit na takbang yantok, ay doon naman isinilid ang kanilang mga damit na kasukatang gamitin sa ilang araw na ipagpapalumagak sa kanilang paroroonan noon. Di nalao'y nangapanaog, at si Neneng ang mapilit na maalis agad, ay gayong hindi naman sila mahuhuli sa tren. Isang kiles ang linulanan ng magkaibigang si Nena at si Neneng at doon naangkas si Chayong at ang sangol niya, samantalang si Deogracias at si Narciso nama'y sa isang bulok na karromata na bahagya nang natagpuan, kaya't sa aagoy-agoy na takbo ng kabayong payat, ay malaking lubha ang kanilang pagkaiwan sa parang lumilipad na kiles ng pagtutumulin, kaya't ang nangauna'y nainip ng paghihintay sa kanila sa estacion ng tutuban. Bagama't waring isinisi pa ni Neneng ang katagalan ni Narciso at ni Deogracias sa takot na maiwan sila ng tren, ay maluwatan

bago tumulak ito at di naman niya maipapasiya ang pag-alis, kailanma't wala pa sa talagang oras na taning, danga't napakalaking halaga yata ang pagsusumakit na muling makalasap ng mahinging simoy sa mga bukirin ng bayan ni Nenang kinasasabikang mayapakang muli. Walang malalaking bagay na nangyari sa kanilang paglalakbay, liban sa nangagagalak nilang mga loob na mapadalikung mangyayari ang pagdating sa paroroonan, kaya't para silang nangainip. Sa di kawasa'y sumapit, at paghinto ng tren ay nagdunahan ang dalawang lalakisa paglunsad at inabot ang kabikabiak ng kanilang mga kaluluwa. Pagka't di malayo sa ―estacion‖, ang bahay nila Nena, ay minagaling na ang magsilakad, ngunit dahil doo'y namataan sila ng tila sadyang naghihintay na si Isco, at ang pagkakitang ito'y naging sanhipa ng malaking kaligaligang naghari sa loob. ―Kasal na si Neneng, ang wika sa sarili; datapuwa't hahanap din ako ng daang kami'y magkausap. Ganito ang tinangka ni Isco, bintin natin ang mangyayari, at samantala'y ihatid sa bahay ang mga bagong dating na nagsisilakad. Halos napataka simatandang Anday na ali ni Nena sa di hinihintay na pagkakasamasama nilang magkakaibigan, lalong-laló na kay Chayong na itó pa lamang ang una niyang pagkamasid.

―Bakit ba kayo naluwatan sa Maynila? Pinaninimdim ko na kayong baka kung ano ang nangyayariah, ―Wala pó naman, ang wika ni Neneng, na siyang nagpaunang sumagot – pinigil ko pó sila at ipinangakong sasama nga kami kaya naging ilang araw. ―Ay anó, kumusta ang iyong bagong búhay, makasal na ba kayó? ―C pó, at itó ang aking naging asawa, na itinuró si Narciso, at itó nama'y parang kakilala nang datina nakipag-úsap sa matanda ng kung ano-anóng naúukol sa bagong pakikipagkapuwatao na kinakailangan ng isang may munting pinagkaalaman. Sa sandaling itó pa lamang, ay kinalugdan na ng matanda si Narciso, at di nag-alinlangang kausapin siyang parang anak. ―Kahimanawari, anang matanda'y manatili kayó sa matamis na pagsusunuran, at ang masasabi ko'y iyang iyong naging palad ay isang babaying mabait at marunong makipagkapuwa tao, ulila na sa ama't ina, at kung may kapatid ma'y di mo naman may mga dangal at masasarap makiugali. Ah kung sa ugalipo'y wala na akong sukat idaing sa bayaw ko, at nangingibig pa lamang akó sa kaniyang kapatid, ay pinakapupuriko na ang masarap na asal sa kapuwa. ―Nena! Ang sigaw ng matanda – siya na muna iyang kasasalita mo at maghanda ka ng kakainin, marahil nangagugutom sila sila at tanghali na.

―Hindi pó, ang sagot ni Neneng, at nagsikain kaming mabuti sa Maynila, huwag kayóng mag-alaala. Di pa natatapos halos ang pagsasalitang itó, ay natanawang may nanasok na tao sa terankahan na waring magsasadya roon. ―Pshe! Ang may ingos na bigkas ni Nena, at lihim na kinausap si Neneng. Sapagka't dating kapanhikan nila Deogracias ang dumating na tao at di nga iba kundi ang pusakal na sugarol na nangingibig kay Neneng, ay pinatuloy kahi't waring nag-aalangan; at nang makabatisa tanang naroon, ay nakiumpok na tulad sa isang bagong kakilala sa bahay na kaya lamang magsalita'y kung may kumausap, anopa't nagpapakahinhin sa kilos kahi't ang mata'y kay Neneng na lamang halos inilalaan nang mga oras na yaón. si Neneng na sinasarilini Nena sa kanilang pag-úusap, ay napamalitaan ng boong búhay niIscó; ngunit nang matantó ang tangkang ―kahi't siya mag-asawa'y liligawan din‖, ay napangiting sumagot sa kaibigan:―Ang marami sa masalitang ganyan, ay hangin ang sinasabi; huwag kang mag-alaala, at kung iyón ang talagang gagawin, ay di na ipamamalay pa sa iba.

―Mabuti na, ani Nena, ang mag-ingat, pagka't ipinahihiwatig ko sa iyong iya'y may mag-ingat, pagka't ipinahihiwatig ko sa iyong iya'y may maruming ugali.

―Anóng ingat ang kailangan, ay di naman niya akó makakausap, at anóng mayroón sa akin ng ugaliniyang masama? ―Di mo masasabi iyan. ―Ang alin? ―Na di ka makakausap, pagka't maraming paraang magagawa ang isang lalaki, at kaya ko sinasabisa iyo, at nang magayakan mo kung sakali. ―May katuwiran ka, ang wika ni Neneng, mabutinga ang nakahanda sa lahat ng bagay. Naghiwalay ang dalawang magkaibigan. Si Nena'y napatungo sa kusina sa lahat ng bagay. Naghiwalay ang dalawang magkaibigan. Si Nena'y napatungo sa kusina at si Neneng nama'y pumasok. Si Deogracias na may mga ibang gagawing idinaos sa lupa, at kumuha ng kung anóng kailangan niya, ay sapapanhik at biglang-biglang tumanong sa Isco:―Anó ba ang sadya mo at napaligaw ka na naman dito sa amin? ―Walang malaking bagay; dumadalaw lamang akó sa inyo at nakikipagkilala tuloy sa mga bagongdating. ―Akala ko'y may malaking sanhi, at nararatihan ako sa datimong mga pagparito. At nagwalang bahalang nanaog na muli si Deogracias, at si Iscó nama'y walang maalamang gawin sa ibig simulang pakikipagkilala sa mga taga Maynilang panauhin. Sa atas ng masiging niyang nasa na kahi't paano'y magkaroóng daan ang ipagkakalapit nila ni Neneng ay inialay ang kaniyang bahay kay

Narciso, sa pamamagitan ng mapanghalinang mga pangungusap at noón di'y napaalam sa kanila. Di nagkahalatang oras ang pagalis, ay dumating na nagkakangpuputot ang alila ni Isco sa búko ng niyog na sadyang kinalulugdan ng mga taga Maynila at diumano'y unang paalaala niya sa mga bagongdating.

Kabanata XL: Yuyurakan ko ang matuwid
Sa di makatangiang mag-asawang Neneng sa padala ni Iscóng mga búko ng niyog at nag-aalaalng baka ipalagay na hindi sila marunong makipagkapuwatao, ay tinangap at pinasalamatan na lamang ng marami at umisip naman ng katumbas na dapat makapalit ng ganitóng paalaala, kaya't walang anomang ligamgam na pinagsalusaluhan nila nang umagang yaón. ―Anó ang wika? Ang tanóng niIscó nang magbalik ang inutusan. ―Wala pó naman kundi salamat daw ng maraming marami sa inyó. ―Nakita ba noóng babaying malakiang buhok nang ibigay mo? ―Sino pó bang babayi; ang tanaw ko po'y malalaking lahat ang buhók ng tatlóng mababago roón ah. ―Iyong may nunal sa pisngina mapungay ang mata at balingkinitan ang katawan, ?hindi mo ba nakita roón? ―Ah naroón nga pó, at siya pang katuwang na umabót sa akin. ―Salamat kung gayón. ―Sino pó ba iyon, ang tanóng ng alila,―kay ganda ng pagmumukha ng babaying iyón. ―Ah, oo, iyan ang bagong kasal na kaibigan ni aling Nena at siyang bumabalisa sa aking may ilan nang buwan.

―Sayang! Ang wika ng alila at nag-asawa na pala, Kung dalaga lamang eh, sasabihin kong bagay na bagay sa inyo ah. ―Huwag kang maingay niyan, at baka makarating sa asawa'y mahalata tulóy. ―At nangingibig pó ba kayó sa kaniya? Nagbuntóng hininga na lamang si Iscó at ito'y siyang malinaw na naghiwatig sa alila ng isinasaloob ng kaniyang panginoon, kaya't ang sinabi:―Marami pó naman ang walang asawa'y bakit ba kayó makikialam doón. Kung hindi pó kayó magagalit sa akin, ay sasabihin kong pabayaan na ninyó siya, basag-úlo lamang iyan, tangisa magkakaroon pa kayó ng sagutin sa Panginoon Dios, at sa kapuwa tao. Hindi kumibó si Iscó bagama't pinatototohanan ng kaniyang sariliang may matuwid na payo ng alila, at lalóng nag-alab ang apoy ng pag-ibig na siyang dumadarang sa kaniyang kaluluwa. ―Paroón ka na, ang malubay na sabi sa alila, huwag kang magmamakaingay ng nahalata mo sa akin at ito'y isang lihim na dapat kong pakaingatan. ―Huwag pó kayóng mag-alaala, ang wika, at iniwan ang kaniyang paanginoong tila nalulungkot. Di pa nalalao'y parang uló'l na nagsalita siIscó sa kaniyang pag-iisa. ―Hindi mangyayari; yuyurakan ko ang matuwid, pupuhunanin ko ang aking kaya sukdang ikamatay; ngunit si Neneng ay akin. Dumating ang hapon sa kung ano-anóng mga hinagap ng binatang si

Iscó; nagpakabuting nagbihis ng lalóng hirang na pananamit at masayang-masayang nanaog at tinungo ang bahay na kinalalagyan ng tunay na pangarap ng kaniyang kaluluwa. ―Malayó pa'y natanawang nakapanungaw si Neneng, at sukat na itóng ikamulat ng lalóng nahihimbing na pangdamdam ng binata; tumibók ang pusó at ang mga dugóng nagsisipanalaytay sa kaliitliitang ugat, ay waring nagtutumulin sa pagtakbó at sa mukha niya'y biglang mamanaag. ―Magandang hapon pó, ang nakangiting ibinati pagkalapit. ―Magandang hapon pó, ang tugón ng na sa bahay na kapi'as ng mga bituwin. ―Maitutulot pó ba ninyó ang pagtangap sa akin?

―Kami po'y suro lamang dini, aywan ko pó sa may bahay. ―Wala pó ba sila rian? ―Nagsisitulog pa pó. ―Samantala'y panonoorin ko na lamang kayó rini. ―Aba, at akó pó ba'y ano't panonoorin ninyo. ―Hindi pó ang kaabaan ko ang makapagpapahayag ng inyong kalakilakihang halaga at sukat nang panoórin kayó upang lumuwalhatiang aking palad.

―Salamat pó, ang sagót ni Neneng na pagdaka'y lumapit kay Nena at tinawagan, ngunit parang patay sa mahimbing na pagtulog na di man lamang pinansin ang kaniyang pagtawag. Sa pag-aalaala ni Neneng na baka magising ang kaniyang asawa at makita ang na sa tapat ng bintana ay muling dumungaw at ang sabi:―Masama pong tignan ang lagay ninyo rian, hindi po ba maaring mamaya na kayo bumalik kung sila'y magising? ―Huwag po kayong makiusap; iutos ninyo at akin ang pagsunod; ngunit itulot na makapagsalitang sandali. Hindi pinakingan ng na sa bahay at dalidaling umalis; lumapit sa asawa at di tinugutan hangang sa di nagising. Ang binatang si Isco, na handang-handa sa anomang mangyariay di umaalis at pagdungaw ni Narciso'y doon din siya inabutan. ―Narian kayo, ang tila naaalimpungatang bati.

―Oo po, at ang is'p ko'y nagigising na sila. ―Tulog pa po, manhik kayo at aking gigisingin. ―Huwag po ,at ako'y aalis na ―Manhik kayo, natutulog man po ba sila'y gising na rin naman kamieh; tuloy kayo. Palibhasa'y ito ang mithing na sa lupa, ay di na pinaghirapang anyayahan at kahi't nagsisitulog pa ang ibang tao, ay walang pitagang nagtuloy na dinag-agam-agam sa

ikapipintas, at ganito na nga ang gaya niyang walang munting pinag-aralan sa pakikiugali. Dahil sa kaniya'y nagsipagbangon ng di oras ang nangasabahay, at kung paris niyang walang bait ay nagpahalata disin ng malaking suklam sa asal niyang dapat ikamuhi; datapuwa't walang anomang ipinakita kundi ang kagandahan ng ugaliat nagsipakiharap na parang walang anomang sukat pansinin sa loob. Sa kahabaan ng oras na itinagal ni Isco, ay nakapanahon din sa sandaling pakikipag-usap kay Neneng; ngunit bahagya ma'y walang ikinahalata si Narciso, at nang kinagabihan noo'y saka pa lamang nasabini Neneng na yaon ang lalaking sumulat sa kanya nang sila'y di pa nakakasal. Sa may isang lingong pagkatira kina Nena ng mag-asawang Neneng, ay bihirang araw na di naroon si Isco umaga't hapon, at ang madlang panilo sa pagsasama'y halos nagamit niyang lahat upang magkaroon ng daan ang mahalay na tungo ng kaniyang maruming puso sa ibig tampalasaning katahimikan ng mag-asawa. Naging kapalagayang loob ni Isco si Narciso sa pamamagitan ng marayang hibo at mga balatkayong paggalang sa matuwid na pawang hiniram lamang sa marungis na ugaling kaniya ring sarili. Dumating ang araw ng pag-alis ng mag-asawang panauhin, at nang lalong maipamalas ang pagpapawiling loob ng sukab na ugali, ay kung ano-anong pabaon ang iginayak na dadalhin at kahi't nasasalat ay din agpitagang gumugol upang sa ganito'y lalong maikubliang mga tahi-tahing akala na liban sa kaniya'y walang ibang sukat makasayod. Walang

pagtanging naitutol ang magsisialis sa mapilit na pagbibigay niIsco at hangang sa napilitang pairugan, ay di nagsawang ipamanhik na kanilang tangapin alang-alang sa bagong pagkikilalang dapat pahalagahan. Naghiwalay si Nena't Neneng na kapuwa nalulungkot, at ang mga luha nila'y nagsipagpahayag ng halos di malangap na pagkakalayo; ngunit sa anoma'y pagtitiis na lamang ang dinala ng aalis at nagalak sa maiiwan. Ang binatang si Isco'y di nagpahalata ng ano mang lungkot noon, bagama't ang totoo'y walang pagkasiyahan ang balisa ng loob. Ang dating pinapagsasawang mata sa malugod sa pagtanaw kay Neneng nang naroon pa, ngayo'y pinangingiliran ng luha at lagi nang hinahanap hanap; anopa't ang pagkalayang ito ni Neneng, ay katulad ng lumubog na araw sa kaniya, ng Langit na dating maliwanag ay biglang nag-ulap; ng masayang hapong agad sinaklot ng masungit na gabi: sa madaling pagtuturing, ng isang ligayang pagdaka'y naging pighati. Malikmata ng pag-irog! ―Paano ako, ang nawika isang araw ni Isco, mabubuhay baga ako ng wala sa mata si Neneng? . . . ¡oh!, hindi ako makatatagal sa ganitong buhay, paroroonan ko siya at di mangyayaring di ko ipagkasakit ang pagkalayong ito; datapuwa't saan ako kukuha ng gugugulin tuwi-tuwina ng pagluwas sa Maynila kung ako'y hindi palarin sa mga pakikipaglaro? ano ang mabutikong gawin?

Napahinto rito at napatanga na lamang; datapuwa't nang makaraan ang ilang sandali ay biglang ibinaba ang mga mata at parang ulol na namang sumalisalita. ―Di na ako magsusugal mula ngayon, nakilala ko na ang malaking kasaman ng vicio, magpapakabait ako at ang ilan pang bakurang pinag-aaniha'y aking ipagbibiling lahat, mangangalakal ako sa Maynila at ito ang ipagkikita naming madalas ni Neneng. Sa ganitong mga akala'y nayariang gagawin nang binatang si Isco, at ang pagkahilig niya sa sugal ay pinakapilit na limutin sa loob dahil sa marubdob na pag-ibig ¡sayang at sa isang may asawa!

Ang isang masama'y iniwan at sa masama rin patutungo!

Kabanata XLI: Ito ang aking kamatayan!
Sapagka't wala nang kailangang talastasin pa natin ang mga nangyarisa pag-uwiat pagdating sa Maynila ng mag-asawang Narciso na di naman kalakihang bagay sa ikabubuo ng kasaysayang ito at makapagpapaligoy lamang sa kaniyang pagtawid-tawid, ay minagaling kong lisanin, at nang makaraan ang may ilang buwan mula noon, ay siya nating pagtamanang tunghayan upang malapit sa wakas kung ibig matahô ng mga irog kong bumabasa. Isang gabing matahimik na sa mahimbing na pagtulog ni Neneng ay kasalukuyan namang dinaanan ng masamang gabisi Narciso at sa tuwing maiidlip ay kung ano't waring ginugulat ng masusungit na agam-agam na di niya ikapayapa nang gabing yaon. Sa di kawasa'y nagbangon, pinakayamang kinumutan ang nahihimbing na asawa at nanaog na punongpuno ng makamandag na guniguni.―Ano kayang mga hirap ang darating sa akin? Ang parang itinatanong sa nagngingitngit na dilim ng gabi. Nagyayaot ditong lumakad sa tapat ng kanilang bahay na dinidili-dili ang kailanma'y di pa dumaraan sa kaniyang pagkakaganito, at walang ano-ano'y nagsalita. ―Bakit? anong sukab na panahon ang naghihintay sa akin?―labis kong ikinagalak ang pag-aasawa, at ang palagay ko'y matutuklas ang katiwasayan ng puso sa sinapupunan ng isang tapat na loob, at ngayo'y mapapanglaw na daratnin ang sumusurot sa kaluluwa ko. Maglililo kaya sa aming pagsasama? ¡oh hindi! . . . hindi at si Neneng ay isang babaying may bait na nakilala ko sa di karaniwang hinhin;

hindi magkakagayon at natatarok niyang labis ang mahalagang tungkol ng kaniyang pagkababayi; datapuwa't anong malay ko kung ang aking palad ang isang laang magkasakit sa buhay na ito? at sino ang magkatatahô ng di mahahakang lihim na kararatnan? . . .¡wala! luwal kaya ako sa nakauumid na kapalaran ng isang lalaki? ¡hindi. . minamahal kaya ako ni Neneng? ¡walang katulad! . . ngunit anong mga agam-agam ito? . . .¡mga Langit ako'y liwanagan! At pagdaka'y naupo sa hagdanan nang kanilang bahay. Pinalibot-libot ang mga mata sa mangisangisang bituin sa siwang ng makapal na sapot ng Langit na parang sumasakal sa malulungkot niyang gunita. Mapamayamaya'y nagtindig.―Ito'y malaking tukso, ang wika. At pagdaka'y pumanhik, lumapit sa asawa, minasdan ng boong giliw, at ang nakalulungod na mukha'y naging tunay na ligaya ng kaniyang mga sakit.―Hindi ang mukhang ito, aniya, ang maglililo sa akin, hindi sa kagandahang iyan tutubo ang maruming asal, hindi sa binbing iyan kakapit ang maglihim, hindi, hindi, at ako'y dapat pumayapa. Pagdaka'y ikinintal sa noo ang matamis na pag-irog.―Nasan ang asawa ko! . . .ang bigkas ng natutulog. ―Neneng! ang tawag ni Narciso at nagising sa panaginip. ―Huwag, huwag, ang tugon, at patuloy sa mahimbing na pagtulog. ―Neneng! ang ulit na pukaw ni Narciso, ako ang nasa piling mo, huwag kang matakot. At agad na ibinangon ang nahihimbing na asawa, at dito nagising.

―Anong napanaginipan mo? ang pagdaka'y itinanong. Hindi makakibo ang naaalimpungatang si Neneng, at waring walang malayatao, ngunit sa mapilit na pag-gising ng asawa'y parang nagulat na sumagot. ―Sochong! . . .¡Ay! . . . bakit gising ka pa? hindi ka ba makatulog? Buntonghininga na lamang ang naitugon ni Narciso, at anomang sabihin ng asawa'y di ibig sagutin, parang nagagapos ang dila at di makapangusap. Muling binasa sa gunita ng mga unang sandaling kaniyang balisa, at ang nawika sa sarili:―Ito ang aking kamatayan, ito ang marawal na tugtog ng masama kong palad sinong tampalasan ang ipinanganganib sa akin? at isang malalim na himutok ang dinaikait ng nangangapos na paghinga. ―Bakit Sochong? ang tila nahahabag na tanong ni Neneng―nalulungkot ka ba? ―Hindi, ang malumbay na sagot:―Ay bakit ka naghihimutok? at hinaplos ng boong giliw ang mukha—matulog ka na; ano ba ang masakit sa iyo? ―Wala.

―Ay bakit matamlay ka, at tila nahihirapan ang loob. ―Hindi, Neneng.

―Mahiga ka na at tila malalim na ang gabi, papaypayang kita, hani? ―Huwag na. At pagdaka'y ilinagmak ang katawan sa paghiga. Si Narciso'y hindi kumikibo sa kaniyang pagkahiga at si Neneng nama'y walang maalamang gawin ng pag-alo sa kanya. Matay nang tanungin ay ayaw magpahayag ng anoman si Narciso, bagay na nagpapasakit sa loob ni Neneng, at nang di makabata'y namalisbis na lamang ang kaniyang mga luha. Halos kandungin si Narciso nang mga oras na yaon kahi't di maalaman ang sanhing malaking pagdaramdam ngunit ang matigas na pusong lalakiay di na bili ang magpahiwatig, bagkus inaliw ang tatangis-tangis na asawa at ang mga luha'y manaka-nakang pinapahid at kinikintalan ng matatamis na pag-giliw. ―Sochong, mamamatay ako sa iyong paglilihim, ipagtapat mo ang iyong loob anong nakita mo sa akin at nagdadalamhati ka? Sabihin mo kung ako'y minamahal sa loob. ―Hindi ako nagdadalamhati, ani Narciso, ng paghihinakit sa iyo, nahahabag ako kung ikaw'y magdilidili. ―Bakit? may nahahanda ka bang pag-apisa akin at kahahabagan mo ako? ―Labis na minamahal kita, at ako ang aapi? hindi Neneng, iya'y pangarap mo lamang. ―Nagkulang baga ako sa iyo?

―Hindi pa, ngunit . . . ―Kung gayo'y magkukulang ako? ―Aywan, ikaw ang makasusukat ng iyong loob. ―Wala akong dapat ipagkulang.―At kung mayroon, di magkukulang ka rin.―Sa kalinisan ng pag-ibig mo, ani Neneng, ay di ako makapagkukulang. ―At kung dumungis ang pag-ibig ko, ito'y isang palagay lamang di may matuwid ka na? ―Sa ano? ―Sa pagkukulang sa akin. ―Hindi mangyayari ang gayon, at kung lumamig man ang loob mo sa pag-ibig, ay papagningasin kong muling tunay na pagmamahal sa iyo. ―Kung mahal mo ako, ay bakit lalamig ang aking loob? ―Hindi katakatakang magkagayon, ang tugon ni Neneng at maramisa pinagpapala ang gumaganting masama.

―Iyan din ang dahilan ng aking pagkahabag sa iyo.

―At gagantihin mo baga ng pahirap ang pag-ibig ko? Dina sumagot si Narciso, at parang pinaiiyanan ang balang isipin ng kaniyang asawa, kaya't ito'y siya pang nagdalamhati, di na ang dalamhati sa unang pag-aalaala sa mga damdaming inuusig matanto, kundi ang pagtuturing na si Narciso'y may masamang loob na tinatangka, anopa't ang paghihinuha ng lalaki sa kaniyang pangarap ay pinaibayuhan ng binalang mali sa pagkakaligawligaw ng kanilang mga pag-uusap nang gabing yaon, ngunit si Narciso'y halos natutuwa sa pagkakaganito at naging taga pagpatibay ng ikinakanlong na pagkatotoo na di ibig pamalayan sa kaniyang asawa, at parang ipinaghihintay ng panahon ang magiging kaugnay ng kabilang panaginip na bumabalisa sa kaniyang sarili. Nahiga si Neneng noon, na naghihinampo kay Narciso at di kumutong minsan mang ito ang may matuwid na maghinala sa kanya. Hindi na nakatulog ang mag-asawa; si Neneng ay sa paghihinalang may tinatangkang masamang gagawin si Narciso ayon sa paglibang nito sa kaniya na pinagsuot-suot ang pagsasalita at nang huwag mapansin ang lihim na panibugho, at si Narciso nama'y sa mapanglaw na gunam-gunam kung sinong tampalasan ang ikinatakot sa kaniya. Ganitong sakit ang nagpapahirap kay Narciso nang gabing yaon? Ang anomang damdamin ng tao'y gumaan kung maihinga sa isang katapatang loob o sa isang minamahal kaya, gaya ng kaibigan, asawa o kapatid na mapagkakatiwalaan ng mahahalagang lihim, ngunit si Narciso noo'y nagpapakatimpi, sinarili ang nakahahapis na gunita, at kanginoma'y di niya dapat ipahayag.

Ano kaya ang magiging wakas ng mag-asawang ito? Sa panahon natin pagmasdan, at samantala'y pagbigyang loob ang walang matuwid na pagbubudhi ni Neneng na pumatnugot sa kaniya hangang sa kinabukasan. Nagmamaktol si Neneng na bumangon madilim-dilim pa, at baga man masukal ang loob, ay inihanda ang kakainin ni Narciso at ang boong kailangang datiniyang ginagawa kung umaga, at pagkatapos ay linapitan sa pagkahiga. Ibig niyang tawagin, ngunit pinipigilan ng pagmamahal sa sarili at pagbibigay halaga sa kaniyang bulag na pagdaramdam. Sa ganito'y naupo na lamang sa tabi ni Narciso at nagkukunwaring walang malay na nagigising ito noon. Bubuntobuntonghininga si Neneng; datapuwa't hindi pinapansin ni Narciso, kaya't napilitang nagsalita ang babay. ―Bangon na't lalamig ang kakanin mo. ―Napakaaga ka namang nagluto ngayon, ang tugon ni Narciso. ―Ito man lamang ay makapag-iba ng masama mong tangka sa akin eh. Napangiti si Narciso at nagbitin sa balikat ng asawa ng pagbangon na tila lalong binubuhay ang maling ipinaghihinala sa kaniya, at magkasamang lumabas na kumain, ngunit ibang iba ang pakikisalo ni Neneng nang umagang ito, dahil sa pagmamaktol na ipinahihiwatig sa asawa.

Kabanata XLII: . . . hindi mangyayari. . .
Makalipas ang ilang araw ay nauli sa dati ang nabaklang loob ni Neneng, naliwanagan sa malabong paghihinala at nauliang matamis na pag-gigiliwan ng mag-asawa; ngunit bahagya ma'y di napahiwatig si Narciso ng di mapuwing-puwing na pangarap na ikinakahulugan sa isang paglililo. Narian ang asawa ko! . . ito ang salitang nakatala sa kaniyang kaluluwa, na sa tuwing babasahin sa loob ay malinaw na nagpapatotoo ng kadustadustang palad na kaniyang daratnin. ―At kung ako'y wala? ay sa aba ng aking katiwalang loob! sa aba ng aking pag-asang na sa kaniya ang marangal na susing aming pagsasama! Dinagamot muntik man ng masasarap na pakitang loob ni Neneng ang gayong duklay-duklay na hinagap na kailanma't madili-dili ay matatalas na subyang ang nag-úunahang umiwà sa kaniyang alaala at madalas na nahihintô sa anomang gagawin. Ang pamumuhay ni Narciso na pagkabatà na'y namulat sa pagpasok sa isang oficina ng pasulatan, at liban dito'y walang ibang ipinagtatawid sa panahon, ay ibig nang lisanin at maglagalag, salamat at naaalalayan ng isang mabait na pagkukurò kayâ di matangay ng walang wastong mga akala. Araw-araw ay nanasok, ngunit kasama na sa tuwing pagpanaog sa bahay ang masasaklap na

gunigunina di magtulot ng katahimikan. Isa sa mga araw na yao'y tumangap si Neneng ng sulat na galing sa correo, na talaga sanang hindi bubuksan at ipaghihintay sa pagdating ng asawa, ay kung ano't nagiyagis din ng malaking tuksong matalastas agad, na di mapanghawakan ang unang tangka ng loob at binasa noon din ang ganitóng mga talata: ―G. Timotea Sulit . . . Larawan ng kúhay: 'di ninyo sukat masayod ang kapaitpaitang mga araw na dumaraan sa akin sa ilan nang buwang pangungulila sa inyong matamis na mukhâ, ngunit sa tulong ng maraming pagtitiis, ay natutuhang langapin taglay ng pag-asang sa gunitâ man lamang ay naalaala ninyo ang mapapalad kong pakikipiling.‖ ―Kababalaghan marahil na ibibilang ang ganitong nangyayari, datapuwa't isang katunayan; at yamang walang katimbang ang inyong halaga sa aking loob, ay di maikanlóng ang tunay na pagdaramdam at maging ligaya na ng aking mga hirap ang sa inyo'y maipahiwatig, huwag ang marungis na paglilihim na ikasasawî ng aking malinis na pakikisama.‖ ―Labis ang pagpipighating aking loob kung dilidilihin ang kakapusang kong palad sa maaga ninyong pag-aasawa, at kung di nagkagayo'y naibilang disin ang nakalulugod kong pangarap na kayo'y sambahin ng isang wagas na pag-asa. Gayon ma'y ipinangako na ng aking sarili na walâng ibang pipintuhuin liban sa inyo, ay sukat na sa akin ang ganitóng nasà, at papagkasiyahin sa pusò ang iisa-isang pag-ibig na kailanma'y ihahandog di man akó maging dapat‖ ―Alinman sa mga araw na hinaharap, ay dadalaw ako sa inyo at kung wala nang mahihintay kundi ang laging manood sa

kagalang-galang ninyong mukhâ, ay itó na lamang ang dangal na ituturing ng kulang palad na aking pag-irog.‖ ―Ang tunay na lingkod na humahalik sa inyong mga bakas―Francisco Marcelo.‖ Natilihang sandali si Neneng nang ito'y mabasa, at di niya makuró kung ano't gayóng kalakiang pagpupumiliit ay talastas nang siya'y may asawa.―Anó kaya ang namasdan sa akin ng lalaking itó?, ang wikà sa sarili, may kilos baga akong sukat ikahalina ng kaniyang loob upang ako'y pakausigin ng ganitó kahigpit? Walâ akong maalaala, at pagpapaubaya na nga aking loob kay Sochong, ay lubos na pinakaingatan ang balang magiging sabíd ng magandang nasang aming hinaharap. ¡Oh hindi mangyayari! Hindi, kailanma'y hindi akó makapagkukulang sa tunay na nag-aaring aking pusò. Ipakikita ko kay Sochong ang sulat na itó, at di siya mapaglilihiman kailanman. Ang malinis na pakikisama ni Neneng sa kaniyang asawa ay sukat na nating matalastas sa tinatangkang pagpapakita ng sulat na katatanggap lamang noón, kaya't ang ginawa'y itinagò at ipinaghihintay ng pagdating ni Naunang upang mabasa ang boóng nalalaman at mahandaan sa panahón ang gàgawing marapat. May mga pangyayari sa búhay na itó, na kung magkatao'y ang di kamalak-malak na isipin, ay nagiging sanhing mararawal na banga at sinong pangahas na dilà ang makapagsasabing may maruming loob ni Neneng kay Narciso? datapuwa't ang babaying ito'y magiging sadlakan ng kalupit-lupit na mga hinagap. Kay Narciso nama'y anó ang ating masasabi? ¡wala! At ang pagmamahal niya kay Neneng ay tunay na uliran ng isang lalaking may asawa.

Buhat sa kanilang pagkakasal ay lalòng dinagdagan ang dating pagsúsumikap, halos ginagawang araw ang gabí sa mapilit na pagkita ng salapiat ang nasà niya'y patungtungin sa palad, kung mangyayari, ang tunay na larawan ng kaniyang búhay, ang paraluman ng kaniyang kaluluwa, ang luwalhating wagas ng pagirog at kataling kaniyang hininga. Kailanma'y pinakaiingatan ang mga bagay na ipag-dadalamhati ni Neneng at hangang sa natantô nating nakababaw sa kaniya ang mabibigat na hirap ng loob, ay di mapangahasang sabihin sa asawa, at sinasarili ang mahahayap na sakit na pinagdaranasan, huwag lamang ungkatin ang magiging sanhing kanilang pagkakaalit; ngunit ito'y isang landas na di namamalaya'y siyang magtataguyod sa kanila sa mga sawing kapalarang iniúumang ng panahon sa pagkakasakil-sakil ng di maiilagang mga pangyayari. Nang araw ring itó ng pagtangap ni Neneng ng sulat, ay dinatnan ng mabigat na sakit si Pepeng kaniyang kapatid, at sa kaguluhan ni Neneng at ng kaniyang hipag, ay di na magkamayaw sa pinarootparito ng paghanap ng mangagamot, pagtawag ng Parì at kung ano-anong mga kailangang gàgawin sa pinag-aagaw na buhay at ng kaluluwang iginagayak sa malinis na kamatayan. Dumatíng ang hapon, at sa gayon ding balisa inabot ni Narciso ng pangagaling sa kaniyang hanap-buhay, at dahil sa bagong ligalig na itó, ay walâ na silang anomang napag-usapang iba na di natutungkol sa ibig maglayag sa kabilang búhay. Iisang-isang kapatid ni Neneng itó, gaya nang natalastas na natin, na siya pang nagpalaki at para rin niyang tunay na

amang kinamulatan sapól pagkabatà, kayâ makukurò na natin kung gaanong hirap ang binabata niya sa mga sandaling yaón. Bukod sa nàmamasdang mabigat na lagay ng kapatid, ay di naman ilinihim ng manggagamot na walâng bisâ ang anomang kagamutang gagawin, at kung ginaganap man ang di malilisang mga painóm, tapal at sarisaring kailangan, ay pananakali na lamang na bakà maligtas; ngunit malamang ang hindi. Palibhasa'y tunay na binyagan si Pepe, at ang pusò niyang may malinis na pangdamdam sa sinusong malinaw na gatas sa ina, at magagandang aral mulâ pa sa musmos, ay di itinulot ng Langit na sa lagay niyang mapanganib noon ay dimatupad ang boóng kailangan ng isang mamamatay, at pagkàraos ng lahat ng ito'y nalagot ang kaniyang hininga. Namatay si Pepe at nag-iisa na si Neneng sa gitnà ng mundó, salamat at may asawa na bago naiwan ng walâng katulad mag-arugàng kapatid. ¡ay ! ngunit bangkay na minàmasdan. Sa ganitong kalumbaya'y di na naalaala man lamang ng abang si Neneng ang sulat na tinangap; ang puso niyang napuputos ng sakit noo'y halos madurog tuwing makikita ang bangkay, datapuwa't sukat ang lumuha, yamang walang gamot kundi ang pakikiayon. Ano pa kayang mga hirap ang naghihintay sa kaniya? ay Hindi ito lamang at may lalong mabibigat na daratnin; ngunit samantala'y damayan siya sa kasalukuyang pagpipighati.

Kabanata XLIII:Sochong, walang-wala!
Ang di na maipag-aalapaap na kabutihan ng pakikisama ni Narciso sa kaniyang asawa, ay siyang nagiging sanhi ng madalas ng malaking habag kung mamasdan sa ipinagpipighating pagkamatay ng kapatid. Ang kaniyang mga panghihinuha sa pangarap ni Neneng, na di ikatahimik ng nangagdang araw, ay unti-unting napapawisa labis na pagkakalinga at pagsunod sa bala niyang kalooban. Matay nang malasmasin ay walang sukat pagsingitan ng ikabubuo ng gayong mga hinagap; di niya marapatan kahi't bahagyang nagagawisa ikasisira ng kanilang katahimikan at minsanma'y di nalihong maglihim ng loob sa kaniya, bagkos nararagdagan hangang nalalaon ang dating pinakapupuring masarap na ugali. Nagtibay sa sarili ni Narciso ang di pag-aalangang umasa sa malinis na asal ni Neneng at lubos niyang pinagsisihan ang maling paghihinala na pawang gawa lamang ng matutuling hatol, na kailanma'y di dapat ugaliin ng sinomang tao. Mulâ na noo'y lalóng nabuhos ang kaniyang pagmamahal na parang tumbas sa di karapatdapat isipin sa isang may mahalagang pusò. Isang araw na naghuhusay silang mag-asawa ng damit sa sisidlan at pinagbubukodbukod ang mga di kailangang gamitin dahil sa kanilang pagluluksâ noon, ay nahulog sa isa sa mga kasúutan ni Neneng ang isang sulat na pagdaka'y nadampot ni Narciso at ang pagilalas na tanóng:―Anóng sulat itó?

―Ah. . . . iyan ang tinangap ko nang araw na magkasakit ang koyang, at talagà kong ipakikita sa iyo, ay nalimutan sa pagkakagulo namin noón. ―Nalimutan mo? saan galing itó, at kanginong sulat? ―Sa correo galing, at sulat nimang Iscó. Basahin mo. ―Huwag na, ang matamlay na sagót ni Narciso, at iniaabot sa asawa ang sulat. ―Basahin mo at iya'y isang malaking kahibangan ng sumulat, basahin mo at iya'y talagang di ko ilinilihim. Kung mapilit man ang pagpapabasa ni Neneng ng pangambang bakâ siya'y pinagiisipan kayâ di na ibig alamin ang nangatititik sa sulat; datapuwa't sa kagawasan ng kaniyang puso'y muling pinakiusapang basahin, at sa pamamagitan ng di ugaling pagsamo'y di na nakapahindî at nagbigay loob sa kaniyang asawa. Hangang binabasa'y unti-unting nabúbuhay sa loob ng Narciso ang hinagap na isang pagkàkataon ang ganitóng pagtatapat ni Neneng, at di naniwalang bukàl sa loob ang tangkang pagpapakita ng sulat na yaon, anopa't di kasukatang matuwid sa kaniya ang pagkalimot na dinahilan sa pagkakasakit ng kapatid at yao'y kahulugan na lamang ng ibig magamót na paglilihim. Natapus ang pagbasa, kasabay ng pagkayaring matibay sa loob ng isang pagbibintang. ―Anó ang loob mo, ani Neneng, sa sulat na iyon? dapat ba nating sagutin?

―Ikaw ang bahalà, huwag mong sa akin itanong?

―Sino ang tatanungin ko kundî ikaw? ―Tinangap mo iyan, ay ikaw ang makaaalam. ―Bakit naman ganoon, itinitiwalag mo ba akó sa ating pagsasama at pamimitiwanan ng ganitó? ―Hindi, ikaw ang aking pinaiiyanan. ―Walâ akong kaya, Sochong at ipinanganganib ang aking kababayihan sa pagkakamalí. ―Nanganganib ka at bakít, ay magagawà mo ang balang ibigin. ―Sa anó? ―Sa kaniya. ―Ang ibig ko'y maputol, ngunit sà mabuting paraan, turuan mo akó ng mabuting gawín. ―Ngayon pa!

―At bakit, hulí na baga sa panahon? ―Aywan, kung may loob kang laan sa kaniya. ―Sochong, walâng-walâ.

―Walâ? ¡ay Neneng!. . . diyata't sinasarilimo ang pagtatagò ng sulat na iyan kung di mo ibig ikanlóng sa akin. ―Dî ko kinusà ang pagkakàgayon, at sa balisa namin ng pagkakasakit ng koyang kayâ di agad nasabisa iyo. ―At dahil sa pagkakasakit! ilang araw na ngayong patay? Salamat sa pagkakataon! ―Pagkakataóng anó? ―Nang pagkahulog sa damit mo at aking nakita. ―Naku, Sochong!. . . di yata't ako'y . . . Naputol ang salita ni Neneng at dugtong–dugtong na luhà at buntonghininga ang naging kasunod. ―Huwag kang umiyak, magsalita ka at walâng kahulugan ang luha sa akin.

―Di akó naglilihim sa iyo, Sochong, patawarin mo akó. ―Kung di ka naglilihim ay anang ipatatawad ko sa iyo? ―Ang aking pagkalimot. ―Di kita sinisisi, Neneng, hindî. ―Hindî ngâ, ngunit may palagay kang naglilihim akó.

―Ang nangyari ang hinahatulan ko, at di nagpapa-agay na may na may iniisip kang masamà. ―Mga Langit!. . . Sochong, batid mo ang labis kong pagpipighatisa pinag àagawan na búhay ng koyang noon. ―¡Sukat na! at huwag na nating pag uusapan iyan.―Sukat na! . . . at sa anóng pagkatapos akó nalalagay?. . . Sochong, di ko maatim na sayaran ng binala ang kawagasan ng aking pusò sa iyo, hindi. Ikamamatay ko ang ganitó. Liwanagan mo, Sochong, at di dapat hanganan ang salitaang itó ng pagayon lamang ―At anó pa naman ang ibig mo sa akin? ―Ibig kong makita kang payapà.

―Ay Neneng! sa hukay ang kapayapaan ko! ―Dahilaan sa akin? ―Hindi; sa masama kong palad! ―Mapalad ang palad mo, at minamahal kitang mahigit sa aking buhay; pumayapa ka, Sochong, at ang puso ko ang iyong kausap, ang puso kong malinis ng pakikisama sa iyo; pawiin ang maling hinala at katimbang ng kamatayan ko ang gawang maglihim; itinahimik ang loob mo at pagtulungan ta ang paraang mabutisa sulat na iyan.

―Ikaw na lamang ang sumagot.―Ikaw, at pipirmahan ko, ó ikaw na rin kaya ang pumirma kung siyang marapat ―Ako, at kung.... ―Ay! Nagugulomihanan ako sa kalagayang ito at di mapagsiya ang gagawin. ―Bakit? hangang sa mauusig mo siya sa harap ng mga hukuman; ito ang wari ko. ―Tunay; ngunit... ¡Ay!... at kung magkataong ako'y.... ―Magkatiwala ka, Sochong, katulong mo ako, gawin mo ang balang magaling at daramayan kita anomang karatnan. Ako ang nagmamahal sa iyo at kailanma'y sarili mo ang aking loob.

―Pinagtitibay mo? ―Oo, ihanda mo ang gagawin at karamay-ramay ang boo kong kaya sa bagay na iyan. ―Gagawin ko ang sulat at pirmahan mo. ―Oo, ngunit ibig kong maalaman ang tunay mong paglimot sa maling hinagap sa akin. Isang badha ng paggiliw ang itinala sa noo ng asawa na pinakatanda ng kanilang pagkakasundo at ang kaligayahang pinapag-ulap ng mga bintang ay muling nagwagisa dilim ng mga sakit.

Di naliban at ginawa noon din ni Narciso ang kasagutan sa sulat na muntik nang ipaglaho ng matahimik nilang pagsasama, at pagkatapos ay pinirmahan ng buong aya ni Neneng, ngunit kailangang pakatibayin ang kaniyang puso, at sa anomang karatna'y ipakita ang dangal sa pagtatanggol ng di dapat hamaking matuwid ng isang babaying may asawa.

Kabanata XLIV: Ang alila ni Isco
Walang malayang paghinga ang mga alila kundi ang maturang pagkatiwalaan ng kanilang panginoon ng pamamahay at ng ano mang lihim ng loob. Ang alila ni Isco na siya lamang iniwan ng pagluwas sa Maynila, ay waring nagpapakatayog-tayog sa balang makausap, at ang pinanghahawaka'y siya ang hari roon sa loob ng bahay. Isang hapong pinagkukulumutan siya ng maraming kapitbahay na masasamang budhi, at walang tinatangka kundi ang samantalahing wala si Isco at makapanghinging mga bungang kahoy sa bakuran, ay nagkataong siyang pagdating ng karterong maydalang sulat sa kaniyang panginoon. Tinanggap ng boong kayabangan ng alila at sa harap din ng madlang nagmamasid ay binuksan. ―Pangahas na tao pala iyang si Andres ang bulong sa kasiping, ng isang kaharap. Ngunit narinig pala ng alila ang anas na ito kaya nanlisik ang matang humarap sa nagsalita biglang tumanong: ―Bakit ka nagsabing ganyan, anong arimo ang ginalaw ko? ―Sa akin nga'y wala kang pinangangahasan, ngunit lalo namang hindi dapat iyang ginawa mong pagbubukas ng sulat na hindi sa ngalan mo at sa iyong panginoon.

―Anong malay mo ng malaking pagkakatiwala sa akin nimang Isco? Baka hindi mo naaalamang ako ang pinagpapahayagan ng kaniyang mga lihim. Ako ang hari dito, at di kayo makahihingisa akin ng anoman sa bakuran. Ilinapat na dalidali ni Andres ang pinto at kulang na lamang na ipagtabuyan ang mga kaharap at nagkakangdarapa halos na pumanhik. Iyan ang karaniwang sabihin nating mga tagalog ―Ang langaw na dumapo sa sungay ng kalabaw ay malakipa sa kalabaw‖. Mahigit pa mandin sa kaniyang panginoon si Andres nang mga araw na yaon sa kinasbang-kasbang at pagpapakitang gilas sa nagmamasid na mga kapitbahay nila. Naupo sa isang luklukang na sa tabing bintana, pinagpatong ang mga paa; humilig na nagpakabuti at saka binasa ang sulat na ganito ang titik:

G. Francisco Marcelo―Maynila ika 8 ng Oktubre 19.... ―Ginoo: tinangap ko po ang inyong sulat at pawang natanto ang doo'y nalalaman, ngunit sa boong paggalang ko sa dangal ng pagsasama naming mag-asawa na ipinatanto ko na sa inyo nang tayo'y magkausap, ay napilitan akong isanguni sa kaniya ang mapilit ninyong pag-usig sa akin, gayong nababatid na ang di dapat mahamak na aking kalagayan.

Pagkatalastas ng aking asawa ng inyong sulat, ay napilitang magpahiwatig ng di mapupuwing niyang katuwiran upang may pagkaroonan kayo balang araw ng isang maliwanag na hanga. Di ko ilinihim ang bagay na ito, at yamang nabatid na ninyo sa akin nang mga nagdaang araw, na di ako makapagkukulang sa marangal na tungkol sa aming pagsasama, at matigas kong ipinahahayag na ang inyong tinutungo'y walang mararating, at kung magpipilit ay talastasin ninyong sa anomang maging dulo, ay kahabag-habag kayong lalabas sa harap ng madla, pagka't nahahanda kaming magsakdal sa may kapangyarihan laban sa inyong masamang hangad na ikasasawing kapayapaan naming mag-asawa. Hangang dito po at sa pinananagutang karapatan ng aking pagkababayi, ay tumatayo si―Timoteo Sulit. ―Tila kaibang sulat ito, ang wika sa loob ni Andres, mapapanganib man din ang aking panginoon kung magpupumilit sa pangingibig niya, ano kaya ang mabuti kong gawin ay wala pa naman siya rito? Pinahihintulutan akong makabasa ng ano mang sulat na para sa kaniya, tandang malayo ang pinaroonan; ngunit ito'y tila mabigat na bala at kailangang matalastas niya agad, datapuwa't saan ko siya hahanapin ay di ko naman alam kung saan siya napatungo? Kinibit na lamang ang balikat ni Andres, at wala naman siyang ibang magagawa. Itinango ang sulat at hinintay na lamang kung kailan dumating.

May katuwirang tumahimik si Andres, pagka't ang pag-iiwan sa kaniya ni Isco nang araw na yaon, ay upang maganap lamang ang nasang makita si Neneng. Tanghalipa noo'y dumating si Isco sa Maynila, ngunit matay nang pakiramdam ay walang maulingigang tao sa bahay ni Neneng. Makailang tangkain ang tumawag, ay kung ano't hindi matuloy at tila sinasanla ng kaniya ring marungis na hangad. Tatayo-tayo sa tapat na anaki'y isang magnanakaw na nakikimatyag at nang matiyakan ang masamang gagawin. Lilingos-lingos na walang iniwan sa usa at waring nanganganib sa makatatanaw. Sa di kawasa'y nakakita ng isang batang lumalakad at pagkalapit sa kaniya ay siyang pinagtatanong hangang sa natalastas na nag-iisa si Neneng na pinakamimithing pakipagkitaan. ―Papanhik ako, ang wika sa sarili, at iluluhog ko ng boong giliw ang aking pag-ibig sa kaniya; datapuwa't ano kaya ang mangyayari sa akin kung di niya pakiayunan? at kung magkataong dumating ang asawa, anong mukha ang aking ipakikiharap, ay ipidoroon sa amin? natangap baga kaya ni Neneng ang sulat kong ipinadal?... marahil... oh! Kung nabasa niya'y sapilitang mababagbag ang loob sa aking pagdaing―Papanhik ako anomang karatnan, ngunit...kung ako'y mahiya oh hindi magkakagayon, at may manaka-nakang matamis na suliap na sa aki'y itinapong may

kahalong ngiti; ah! Yao'y ngiting pag-irog, ngiting nagpapahiwatig ng kaniyang pag amin, ¡papanhik ako!

Di nag-alinlangan sa maling akala at nagtutumuli nga napatungo sa hagdanan, datapuwa't pagtuntong sa unang baitang ay natigil at biglang-bigalang napatao sa pagtawag Natutulog na mahimbing noon ang abang si Neneng, at palibhasa'y dinag-aagam-agam ang malinis niyang loob ng pakikisama sa asawa, ay tila walang anomang ingat sa gayong matahimik na pagkagulaylay at di guniguniang magiging sanhi marahil ng kapait-paitang hanga na naghihintay sa kaniyang palad. Makailang patao ang na sa lupa, ngunit hindi magising, kaya't ibig na sanang magtuloy at lapitan siya. Kaginsaginsa'y namulat, at nang itaas ang mukha'y natamatamaan ng mata ang di hinihintay na panauhin. Laking inulik-ulik ng loob ng abang babayi at walang maalamang gawin sa ganitong mapanganib na lagay. ―Magandang hapon po, ang bating nasa lupa. Halos nanginginig si Neneng na sumagot; ang puso'y binabaka ng di masayod na paninimdim, at sandaling natigilan.

Nagtatalo sa loob ang sarisaring bagay na ginagawa ng kaniyang malaking takot. Ibig niyang patuluyin at nang gayo'y huwag siyang pag-isipan ng masama, ngunit ito rin ang ipinag-aalaalang baka maging sanhing mahalay na iisipin. Hindi siya makapagpahalata ng takot sa mga sandaling yaon, datapuwa't wala namang lakas na magagawa kung sakali. Sa ganitong kalinlangan ng isip, ay walang anoano'y nabigla, at ang sinabi: ―Tuloy kayo.

Datapuwa't nang anyong nananhik si Isco, ay waring nagulumuhanan si Neneng at naalaala ang pagdating ng asawa. Lumulubog na ang araw noon, at ito ang oras na karaniwan sa pag-uwi ni Narciso. Iyan ang mapangambang sandali, iyan ang hapong kapait paitan, iyan ang suliraning mahigpit na maghahatid sa kaniya sa masamang palad. May nagagawi kayang loob si Neneng kay Isco sa mga oras na yaon? wala at sa kaguluhan ng di matumpak niyang akala ay kung ano't namutawi sa bibig ang di tinatangkang pagpapatuloy. Naroon na si Isco, at anomang kalinisan ng loob ni Neneng, ay di na makapagtatakip sa maningning niyang asal, di na maitututol ang walang bahid kaliluhang puso, hindi na Dito sinimulan ng

masamang budhi ang linuhogluhog kay Neneng, ngunit panay na luha ng pakikiusap ang isinasagot na siya'y pakalimutin alang alang sa kaniyang kalagayan; datapuwa't ang sukab na binata'y lalong sumisigla ng sinamo samo. Nang walang pamatasan ang abang si Neneng, ay biglang pumasok sa silid at kukuha ng sandatang maipagtatanggol, ay siyang pagdating ni Narciso. Sa malaking kahihiyan at biglang pagkatakot ng lilo'y tumalon, at di humimpil sa pagtakbo, na di matiyakan kung saan humanga. Lumuluhang sumalubong si Neneng sa asawa, ngunit ang mga luhang ito'y naging katibayan kay Narciso ng isang pagtataksil kahambal hambal na palad!

Kabanata XLV: .....naiinip na sa akin si Sochong.....
Sukat maging sanhing mga maling iisipin kung pagmamasdan lamang sa nangayayari, na ang pagsasama ng mag-asawang si Neneng at si Narciso ay may mga karimarimarim na katotohanan, datapuwa't ang anomang hakang makapupusiaw sa maniningning nilang puso, ay isang maliwanag na pagkahidua sa tunay na kahulugan ng kanilang mga loob. Makapaghihinala si Narciso, at ayon sa nakita niya'y walang matuwid na maitututol, ngunit ang hinalang ito'y sukat namang maging kahulugan kay Neneng ng isang paghamak sa kaniyang pagkababayi. Walang bahid sala ang kaniyang loob at sa gunita ma'y di sumalagimsim ang pagsusukab kay Narciso; datapuwa't mga lasong pagluha ang kumakamandag sa kaniyang buhay. Ang dating tamis, ng pag-asang iniibig siya ni Narciso kaya napakasal, ay naging masaklap na sakit noon. Si Narciso di bumabangit ng anoman tungkol sa nangyari, ngunit nagsisipanungaw sa mukha ang mabangis na paghamak na halos ikatunaw sa kaniyang pakikipiling. Halos magputok sa hirap ng loob ang abang lalaki, datapuwa't di ibig salangin ang maantak na sugat ng kaniyang asawa. Naglilo

sa kaniya, ito ang di mapuwing na hinagap na lumalason sa puso, at maghahatid marahil ng marawa niyang kamatayan. ―Di ko malalangap ang ganito, ang wika sa loob, at ito na lamang ang kasawiang palad ng isang lalaki; patayin ko ang aking asawa at nang makabayad sa masamang ginawa, ngunit sino ang pinatay ko kung ito'y aking gawin? ay.... ang minahal kong mahigit sa buhay magpatiwakal ako at nang matapus na sa ganitong hirap? Hindi namang dapat at masasawi ako sa aking pagkabinyagan, ano ang mabuti? Pagdaka'y nalupaypay sa pagkaupo, na tila, nanglumo at dinakalaban sa pagpipighati. Nagbihis na dali-dali, lumuluhang hinagkan sa noo ang asawa, at nanaog na punong-puno ng kasakitan. ―Saan ka paroroon, ang tanong ni Neneng. ―Mababalitaan mo rin!

At parang palasong lumilipad sa pag-alis na di napigilan ng mga luhang nag-uunahan sa mata ng asawa. ―Sochong!.... ang sigaw na tumatangis; ngunit di siya napansin at patuloy sa matuling paglakad.

Ang haring gabi noo'y di pa nalalaong nagtatagumpay sa tinalikdang hapon, datapuwa't ang masungit niyang dilim, ay tila sinasaksihan ng Langit na malamlam at nakalulungkot. Nakabitin ang dilim noon, at ang manakanakang liwanag ng kidlat na iginuguhit sa himpapawid ay waring nagbabalita ng malapit na pag-ulan. Malamig ang simoy ng hangin, at anaki'y nagpapatutoo ng isang kasindak sindak na panahon. Sa masungit na dilim ay tinalaktak ni Narciso ang kabukiran, samantalang si Neneng ay napatutungo naman sa bahay ng kaniyang hipag na nabubukod na nang mga araw na yaon dahil sa pagkamatay ng asawang si Pepe. Halos humagulgol ng pagtangis sa kinaratnan; datapuwa't may puso pang ipinagbabata. Sa di kawasa'y dumating sa tinutungong paroonan, at sa biglang pagtawag ay namamanghang dinungaw ng hipag at ang mga tanong na humahanga. ―Bakit ka naparito? sino ang kasama mo'y ganitong kadilim? Si Neneng ay di makasagot at ang mga luhang di pa naampat, ay sinundan na naman ng parang agos na pagbubo.

Sa gayo'y nanaog ang hipag at siya'y sinalubong.

―Sino ang kasama mo? Ang ulit na tanong. ―Wala! ―Ay bakit ka sumagasa sa dilim ng gabi? Manhik ka nga, at dine tayo mag-usap. Pagkapanhik sa bahay ng abang si Neneng, ay doon napagmasdan ng hipag ang nagsisipamuktong mata, at tumanong na naman. ―Ano ang nangyari sa iyo at ikaw'y umiiyak? nagkagalit ba kayo ni Narciso? ―Hindi. At sinundan ng isang malalim na buntong hininga; ngunit nang makaraan ang sandali ay siyang tumanong sa hipag. ―Hindi ba nagdaan dito si Sochong? ―Hindi, at saan ba naparoon?

―Aywan. Hangang nalalaon ang pag-uusap ay unti-unting nabubuo ang paghihinuha ng hipag sa palagay na pinagbuhatan ng kamay ni Narciso, at bagaman di nagpapahayag sa kaniya, ay walang ibang maipalagay sa ganitong pagdadalamhati. Sa anomang pag-uusisa'y nauumid magsabi, at sukat nang ipinakiusap na siya'y samahan sa paghanap kay Narciso na di

naman tumangi at sa malaking awa'y magkasabay silang nanaog noon kahi't nagngingitngit ang dilim. Hahanapin ng maghipag si Narciso; ngunit saan nila makikita?... wala... at ang gabing yao'y simula na ng kaniyang paglalagalag. Ang halik na iniwan kay Neneng bago umalis ay kahulihulihang halik ng pag irog, wakas na pag-giliw at paghiwatig ng isang malaong pagkapawakawak. Bawa't kaibigan, bawa't kakilala'y nadulog ni Neneng sa pinaglalamayang paghanap sa asawa; datapuwa't walang sinomang makapagbalitang nakita nang gabing yaon. Nagbalik sa bahay ang maghipag; si Neneng ay hapong hapo at di makakaya sa bigat ng mga damdamin ng loob. Namumutla na sa gutom ay di maalaala man lamang ang kumain at anomang aliw ng hipag ay dimakalibang sa kaniya. Lumalalim ang gabi, ang panaho'y unti-unting humuhusay at lalo namang bumibigat ang kaniyang pagpipighati. Sa di kawasa'y napilit ng hipag na humilig at magparaan ng pagod; ngunit di pa naniniig, sa ganito ay biglang nagbangong umiiyak. Naglulumabas masok sa bahay, dumungaw, maupo, magtindig at anomang gawin ay dimatahimik. Ang hipag niyang nakikipagtiis ng puyat noon ay walang maalamang gawin at gaya rin niyang nababalisa sa malaking habag.

―Uuwina ako, ang wika, at naroon na marahil si Sochong at ako'y hinihintay. Nanaog na parang ulol at lalakad na sanang mag-isa. ―Hintay ka, anang hipag, at ihahatid kita, at noon di'y sinundan sa pagpanaog. ―Magtulin ka, ani Neneng, at naiinip na sa akin si Sochong, tulin ka. Sa pagmamadaling dalawa'y kapuwa nangangalay nang dumating sa bahay, at dito natunayan ang maling guniguning makikita si Narciso. ―Sochong... ang sunod-sunod na tawag na parang nahihibang. ―Wala riyan, anang hipap, halina at doon ka matulog sa bahay. ―Narini, halika. At patuloy na pumanhik kahi't di magkitang surutin. Kinapkap ang fosforo at nagsinding ilaw, datapuwa't nang di makita ang asawa'y nalugmok at dinakalaban sa mabangis na tudla ng mga bagong sakit. Lumuluhang sumaklolo ang hipag, at sa tinangistangis nito'y ginikban ng madlang kalapit sa pook.

Hinimatay ang abang si Neneng na tinanghal ng madla, at sa katagalan ng di pagkakamalay tao'y wala nang pag asang pagsasaulan ng hininga, salamat at na bulaanan ang gayong sapantaha, pagka't walang anoano'y kumilos at nagbuntong hininga.

Mapamayamaya'y lubos na natauhan, ngunit lalong sakit at muli na namang nagising sa look ang makamandag na gunita sa kaniyang kinahinatnan. Magdamag na hindi na katulog, at sukat nang nayarisa isip ang siya ma'y umalis din kung di magbalik sa kinabukasan ang kaniyang asawa. Ito pa lamang muna ngayon ang kasaysayan ng abang mag-asawa at sa huli natin damayan ang kanilang mga pagkaparool.

Kabanata XLVI: ...ipinagbilin ka sa amin ni Sochong
Nakatagal pang tatlong araw ang kulang palad na si Neneng bago minagalang ang pag-alis at hinihintay ring umuwi si Narciso, datapuwa't nang mabuo ang sapantahang silang mag-asawa'y di na magkikitang muli, ay sa hipag na lamang iniwan ang bahay, mga damit at ibapang ariariang sarilinilang mag-asawa, at bago umalis ay nagbilin ng ganito: ―Walang taning ang panahon ng aking pagbalik, at di ko rin naman taho ang magyayarisa akin: sakali't mabalitaan mo ang aking kamatayan, ay wala kang ibang paghahanapan sa bangkay ko kundi ang bahay ng aking kaibigang si Nena, at kung magkataong di mo na abutan, ay kay Nena mo arin matatalastas na lahat ang mga kahuli hulihang kong bilin. Kung si Narciso'y mabiligan pang magbalik.... ay... aywan kung magkagayon... kahimanawari.... pagdaka'y nahinto at binigyang panahon ang di maampat na luhang sunod-sunod na nalaglag, at pagkaraan ng sandali ay ipinatukoy ang pagbibiling halos hinahabol ang paghinga. ―Kung maparito pa siya, ay sabihin mong kina Nena ako naroon, pagka't dito'y ipinanganganib ang aking kalagayan sa masamang iisipin ng iba. Gamitin mo ang aking mga damit kung kailangan, ngunit ang kay Narciso'y tingnan mo lamang palagi, na minsan minsang ibibilad ay baka sirain ng tanga, alagaan mong mabuti at sakaling umuwi rin siya, ay nang kaniyang makitang mahusay.

―At makapag iisa ka bang paroon ang ipinatid na tanong ng hipag. ―Oo, lululan ako sa tren, at malapit din naman sa estacion ang bahay ni Nena. ―Sasama ako sa iyo. ―Huwag na at wala kang pag-iiwanan sa mga bata, huwag na, at makaparoroon akong mag-isa. Hindi na nagtagal ang salitaang ito ng maghipag, at pagkatapus hagkan ni Neneng ang dalawang batang naulila sa kaniyang kapatid ay lumakad na di naghantong. Wala nang kailangang sabihin ang nakululumbay nilang paghihiwalay at ang pamumukod ni Neneng sa madlang kalulan sa ―coche‖ nang lumalakad na at sukat nang matalastas ang malaking pamamangha ni Nena sa kaniyang pagdating, lalong-lalo nang mahalata ang malaki niyang pagdadalamhati. ―Bakit ka nabigla ng pagparito?

―Wala, dadalawin ko kayó, ano ba ang inyong buhay-buhay? ―Mabuti, talaga sanang luluwas kami búkas eh, di salamat at naparito ka na? ―Bakit? mamimili ba kayo?

―Hindi; ipinagbilin ka sa amin ni Sochong. ―At naparito ba? ―Oo, at di ba sinabisa iyong daraan dito? ―Hindi. ―Ang sabi sa amin kahapon, ay sunduin ka, at matatagalang totoo ang kaniyang pagbalik ay wala kang kasama sa bahay. ―At saan daw siya paroroon? ―Ayaw namang sabihin at nagkakaalam na raw kayo. Napatanga na lamang si Neneng, di na nakasagot sa kaibigan at napukaw na namang muli ang magaang tulog ng kaniyang mga hirap.

Sa ganito'y napilitang kausapin ng lihim ni Nena, at doon na nga unti-unting ipinagtapat ang nakahahambal na pangyayaring pag-alis ni Narciso. Ang mga lihim ng asawa'y di dapat ipahayag kangino man, at dahil dito'y mahihinuha marahil ng nagsisiba sa na may ipinagkulang si Neneng sa gayong pagtatapat sa kaibigan, ngunit dapat nating kilalanin ang halos mahigit sa magkapatid na kanilang pagsasama, at kung gayon ang lahat ng pag-iibigan, ay mawiwika nating dapat uliranin ang kanilang pagpapalagayang loob upang makaganap sa isang tunay at malinis na pagsasamahan.

Ipinagtapat ni Neneng ang boong nangyari at nang maawas-awasan sa bigat ng mga hirap na daladala sa loob; ngunit ang lihim, na ito'y inaring kaniya ni Nena at kanginoma'y di ipinamalay. Lumalakad ang araw, at madalas napupuna kay Neneng ang untiunting pagkalooy. Ang dating parang binurok niyang mga pisngi, ay nagsipamarak, ang dating sigla'y tumamlay; ang dating malugod na pagsasalita'y naging malulungkot na daing at buntong hininga, anopa't ang pagalis ng asawa'y naging malinaw na mula ng kaniyang pagkakasakit, Hindi iginalang ng pagpipighatini Neneng ang matatamis na pagaliw ni Nena at ang damdaming yao'y siyang umuubos araw-araw ng kaniyang lakas. Sa ganitong nakahahambal na nangyayari kay Neneng ng pagkapanganyaya, na totoong pinagkakaramayan ng malaking pagdadalamhatini Nena, ay madalas mawikang, danga't naging loob ng kaniyang kaibigan ang pagkapakasal kay Narciso, ay dapat niyang pakasisihin, pagka't kung di ito ang naging asawa, disin ay di nangyari ang ilinúluhang pagkakasakit niya ngayon. Tuwi silang mag-uusap na magkaibigan, ay di mangyaring di ipahalata ni Nena ang waring kapootan kay Narciso; ngunit si Neneng na tapat umibig ay walang madalas itugón sa kaibigan, kundi ang pagmamasakit din sa kinabuhusan ng kaniyang pag-irog, at kung nagtitiis ma'y sadyang itinango ng palad ang di

mapupuwing na tadhanang dapat niyang pakiayunan. Kahinahinayang na loob! Ano kaya ang mga biyaya ng Langit ang hinihintay ng ganitong mga babayi? hindi kaya ang malilinis na pusong iyan ang magkakamit pala? At di pa baga naman masasabing kahinahinayang ang ganganiyang mga loob?... oh!... Maysakit si Neneng, at ang sakit na ito'y hindi malayong siyang maghahatid sa kaniya sa hukay; datapuwa't ang madalas na guniguning darating si Narciso, ay siya waring umaaliw sa loob kaya di matuluyang lumubha.

Nakikinikinita ang asawa, nagugunita ang masasarap silang araw na natapus at napapangarap mandin na ang panahong yao'y babalik. Madalas na natatanga, tila nawawalang loob, at kung minsa'y umiiyak na parang sangol kahi't nag-iisa, anopa't ang kaniyang kalagaya'y nag-iipon na lamang ng mga sanhing kung magkapunopuno'y magiging pangpalubha at ikararatay ng katawang untiunting nagigipo. Ang di marunong magpabayang si Nena, at palamang palaman sa puso ang pagdamay sa kaibigan, ay walang maalamang gawin sa ganitong nakikita. Maramina ang natawag na mangagamot ay di masunduan ang igiginhawa, bagkus lumalala at di mahadlangan ang

patuloy nang patuloy na panghihina at pangangayayat ng may sakit, kaya't si Nena ma'y wala nang pag-asang gagaling pa at ito ang laging ikinalulunos kung kaniyang dilidilihin. Ang madalas na kutob ng dibdib ni Nena'y mamamatay si Neneng, mawawalan siya ng tapat na kaibigan at kailanma'y dina mamamasid sa ibang ugaliang masarap na loob na kaniyang nakita, gaanong lungkot kaya ang dapat damdamin ni Nena sa ganitong paggugunamgunam? oh! Malaking bagay sa kanya si Neneng, at ang pagsasama nila'y di matutumbasan ng mapapait na luhang pinadadaloy na ngayon pa ng kaniyang mga sakit, gaano kaya kung mamasdan na niyang bangkay? Ito ang lalong hirap na di natin masaydo kung siyang mangyari.

Kabanata XLVII: Ang panaginip ni Neneng
Mula na sa pag-alis ni Narciso na nagiging dahil ng malaking pagdadalamhatini Neneng at ngayo'y ipinagkasakit na tuloy, ay biglang-biglang nabago ang dating ugaling pagkamawilihing makipag-usap, ngunit kung anong himala at sa boong katamisa'y matagal na nakiumpok kay Nena, at sa di ugaling pananalita buhat sa pagkakasakit ay diningig ng kaibigan ang sari-saring mga tanong. ―Kung ikaw sa lagay ko, ano ang gagawin mo? ―Tungkol saan? Ang sagot na tanóng din ni Nena. ―Sa pag-alis ng aking asawa. ―Pshe, ang asawa mo nama'y nanibugho at sukat ng walang matuwid eh, bakit mo itinanong sa akin iyan? Hindi walang matuwid si Narciso, at kung wala man akong inisip na masama, ay tunay na ako'y nagkulang. ―At bakit? ―Una-una'y nalimutan ko ang pagpapakita ng sulat ni mang Isco, at ang pangalawa'y pinapanhik sa bahay nang wala siya; ikaw man ang maging lalaki ay magbubudhi ka rin sa akin, kaya ang pagkakaganito ko'y dala ng isang masamang palad.

―Siya na nga at kung pagsasalitaan ta ng mahaba iyan, ay maghihinanakit ka lamang sa akin. ―Bakit naman,masama ba ang napapansin ko sa iyo'y malaking totoo ang pagbibigay matuwid mo kay Narciso kahi't ka iniwan.

―Eh kung pati naman ako'y makikigalit sa kaniya ay sino pa ang magmamasakit? ―Di ko naman sinasabing magalit ka, at ako man nama'y hindi nagagalit, dinaramdam ko lamang na pinaratangan ka'y walang katutuhanan. ―Yao'y hindi paratang, at gayon na nga ang kasiyang paniniwala dahil sa mga nangyari, ngunit walarin naman siyang sala, at ang nakita'y siyang sa buhay na ito at ikaw ang mapalad sa pagaasawa. ―Dapat ka ngang magsisi. ―Hindi, Nena, kailan ma'y di ko pinagsisihan ang pag-aasawa kay Narciso: ito ang aking palad, dapat kong pagtiisan. ―Iba na ang pag-uusapan natin ani Nena, at baka ka lalong magdamdam, limutin mo na nga siya. ―Hindi mangyayari, Nena, at dadalhin-dalhin ko siya sa aking loob hangang kamatayan.

Sa pag-iingat ni Nena na baka lalong lumala ang pagdadalamhati ni Neneng sa matagal nilang pag-uusap ng tungkol kay Narciso ay nagdahilang sandali at siya'y iiwan, ngunit di pumayag at muling at pinaupo sa kaniyang piling at kung ano ano na naman ang itinanong; ―Naniniwala ka ba, Nena, sa mga panaginip? ―Bakit ba iyan ang naitanong mo, huwag ka ngang mag-isip niyang kung anoano.

―Ibig ko lamang maalaman kung naniniwala ka sa panaginip, at may sasabihin ako sa iyong makatatawa. ―Oo, naniniwala ko kung minsan at kung minsan ay hindi, pagka't may nagkakatutoo at may hindi naman: bakit ano ba ang napanaginip mo? ―Ikaw raw ay lumuluwas sa Maynila na nag-iisa, eh... ―Hintay ka nga muna, ang ipinatid ni Nena, kailan mo pa ba napanaginipan iayn? kagabi ba? ―Hindi, mag-iisang buwan na ngayon. ―Maluwat na pala, eh ano? ituloy mo. ―Lumuwas ka raw mag-isa sa Maynila at ako'y ipinagsasama mo sa isang malayong bayan, dahil sa nagalit ka sa iyong asawa, ako pa

naman noon ay punong-puno ng putik sa mukha dahil daw sa pagkahulog sa aming pusalian, ay pinipilit mo akong mamaog at sumama noon, din; isinagot ko raw sa iyo na narian na ang asawa ko at ang ibig ko'y sa kaniya ka magsabi kung ako'y papayagan; matuos mo ang ibig mong gawin noon kong di ka isang pilla; pinipilit mo raw akong hagkan ay ilinalayo ko naman ang aking mukha at huwag, huwag ang saway ko sa iyo, ay lalo ka namang napapalapit-lapit at ako'y hinagkan mo rin, kaya pati ikaw ay napuno ng putik nga pusali at saka nang marumhan ang damit mo'y galit na galit ka at ihinulog mo ako sa bintana, ay siya kong pagkamulat, at si Narciso pala ang may hawak sa akin, kaya't hindi na kami nagkatulog tuloy at nagkatampuhan kami na hindi ko maalaman kung bakit, na tila naghinala siya sa akin at gayon din naman ako sa kaniya, ngunit hindi na kami nagkaliwanagan at di na naman naungkat minsan man sa aming pag-uusap. ―Diyata't napanaginipan mong ihuhulog kita sa bintana? ―Oo, at aywan ko ba naman kung bakit ako nanaginip ang ganoon. Ikaw pala'y naniniwala sa panaginip, ay ano ba ang kahulugan ng napanaginipan ko? ―How katakata mo lamang iyan.

―Hindi, Nena totoong napanaginipan ko nga.

―Ay naniniwala ka bang maihuhulog nga kita sa bintana? ―Aywan ba, at ikaw rin ang nagsabing may nagkakatutoo at may hindi ng panaginip eh. Ang hihiling ko lamang ay pakanin mo muna ako bago ihulog sa bintana at nang huwag akong mamatay sa gutom. Napahinto rito at maluwat na nagkatawanan ang magkaibigan sa birong salita ni Neneng, ngunit sa pagpalasang si Isco at may mangagamot na kasama na talagang iaalok, sa pananakaling baka mahiyang sa maysakit. Ang lahat ng dugo ni Nena'y umakyat sa mukha at ang katuwaa'y nahalinhan ng malaking galit sa biglang pagkaalaalang dahil kay Isco'y napapanganig ang buhay ng kaniyang kaibigan, kaya hindi nakatiis at nagsalita. ―Huwag na kayong makatuntong dito sa amin mula ngaun, at hindi namin kailangan, salamat sa inyo. ―Aba si aleng Nena,a ng tugon ni Isco ano ang ikinagalit ninyo sa akin? ―Hindi ako nagagalit sa inyo; ang sinasabi ko'y salamat, at hindi na kayong makatuntong dito sa amon. Sa matilis na voces ni Nena ng pagsasalita, ay di nalihim kay Deogracias at siyang nakialam sa salitaan. ―Iyan namang asawa mo, ani Isco ay tutoong napakatalas. ―Maanong magparaya ka na, ang tugon no Deogracias, talagang ganoon lamang iyon, at saka ang isa pa'y nasasakitan siya sa

pagkaligaw mo sa kaniyang kaibigan, at iyo'y nagkahiwalay tuloy ang mag-asawa.

―Aba, ay anong mayroon sa akin ng pagkakahiwalay nila? ―Ito namang si Isco, wala ka palang katuwiran ah; hindi ma ba natatalos na iya'y may asawa, ano ang ipinagpupimilit mo sa pangingibig? at saka naalaman nang dahil sa iyo kaya nagkahiwalay, ay may mukha ka pang pumarito? ―At ganito na ba naman kayong hindi ko mapanhik. ―Wala roon ang salitaan, kung di nga ba natira rito si Neneng, ay sa dati ka naman naming kapahikan ah. ―At kuing wala nga si Neneng eh, ano ba ang aking iparirito sa inyo? ―Ay hindi mo ba alam na nasa akin ang patuluyin ka at ang hindi ako ba ang makapaghahari sa bahay ko o ikaw umagot ka nga. ― Aba, nagkaayon na kayo ng asawa mo, tila kayo walang kapuwatao ah. ―Hindi iyon; angsagutin mo'y kung ikaw o ako ang dapat makapaghari sa aking bahay. O as hagdan ka daraan o sa bintana manaog ka!

At itinuturo ni Deogracias ang hagdanan na namumula ang mukha sa malaking poot ay siyang pagtindig ng mangangamot na kasam ni Isco at namamagitan kaya napayapa ang galit, ngunit noon pa'y niyayari ni Isco ang masasamang gagawain ng panghihiganti sa mag-asawang Deogracias at Nena. Ang may mga ugaling sadyang marungis, ay di katakatakang magkagayon, sapagka't kung ano ang pagkasanayan ay talagang siyang pinakamagaang gawin.

Nanaog ang Isco at ang kaniyang kasama, na pawang bunga ng marurumi niyang adhika sa ngayo'y napahamak na pagaasawa ng kulang palad na si Neneng.

Kabanata XLVIII: Huling pagsulat ni Neneng
Sa di paghahantong ni Narciso ng linalakad-lakad na itinataguyod ng nakalulumbay niyang napagsapit, ay sa malayong lalawigan umabot, at doon na tinangka ang makipamayan. Ang kamuraan ng gulang niyang dala, ang makisig na anyong pinagkaratihan,a ng kagandahan ng tikas at ang kaamuan ng kaniyang ugali, ay siya waring nangakaakit na siya'y kalugdan at giliwin ng madla, kaya di nalao'y maraming naging kakilala, at naging mula ito at kinaaalang-alangan sa bayang yaon. Ang dati rin niyang kinaugaliang paghahanap ang doo'y ipinagtatawid sa panahon, at ang marangal niyang pamumuhay, ay naging sanhi rin ng ilang gunita ng nangalulugod na binibining naakit pabihag sa kapuripuri niyang pag-uugali. Bihibihira rin namang loob ang gaya ng kay Narciso a sa boong pagkatira niya sa bayang yaon, ay di nabiligan muntikman sa pakikilaguyo at pagbibigay halaga sa dapat sanang samantalahing kabataan, ano pa't parang walang pansin sa anomang pagkakaabalahan ng loob at ang gayong pagtitimpi ay ibig itaguyod hangang sa wakas na sandali ng kaniyang malinis na pamumuhay. Madalas na nagugunita ang asawa, at may mga sandaling pinupukaw nang kaniyang loob na magbalik, ngunit tuwing

aalalahanin ang nakauumid niyang palad, ay parang matitinik na hadlang ang sumasansala na di ikanulos ng nasang umiw at parang naging balata ba sa puso ang magparaan ng ilan man lamang panahon o kung kulanging palad, ay doon na inilagak ang kaniyang mga buto. Sa linakad-lakad ng araw at sa gayon nang gayong mga haka ay nalalaot naman ang kaniyang panagal doon hangang sa dumating ang araw ng malaking pagkawili na kaipala'y pagsisisilian din kung mapanahon na, at samantalang ganito'y ang itinatangis ng asawang kaniyang pagkawala, ay siay nating ipatuloy. Wala nang magiging kagamutan ang sakit ni Neneng kundi ang muling humiligsa sinapupunan ni Narciso, at ang inot-inot niyang paglulubha ay kung di man nagtutumulin ay di naman mahadlangan, sa makatuwid ay patuloy nang patuloy na nalalapit sa kasindakan na hanga. Pinakapipilit ng abang si Neneng ang ikalilibang ng loob, at ang nasa'y tumagal kung mangyayari ang kaniyang buhay, hindi sa hangad na gamitin ang panahon na sa ganang kaniya'y tapos na, kundi sa adhikang muli man lamang tumunghaysa napapangarap na mukha ng asawa, ngunit ang anomang pag-aaliw ay di makapagpagaan sa nakababaw ba pagpipighati bagkus nagpapabigat at lalonng gumigising sa loob ng una't unang mga damdamin sa di na magbabalik na panahong nawawala sa kaniya.

Kung ang puso ni Neneng, ay maibibilang man natin sa tigas ng bakal ay sukat na ring maagnas sa kalawang na nakababalot na siya na lamang mapagtutularan ng bago't bagong hirap ba nagsisikapit. Dinaramdam ng maruruming hinala; may pamamahay siyang sarili ay nawawakawak at nakikisuno; may asawa'y hindi maalaman kung saan naroon at pinaninimdiman ang sakit niyang baka maging sanhi ng di na nila muling pagkikita ay di man lamang maipapahayag ang mga kahulihulihang lihim na sukat ikatahimik ng nabaklang loob.

―Paano ako, Dios ko, ang madalas masabi sa tuwing nananalangin? Paano naman siya kung di na mapapayapa ang loob na naghihirap dahilan sa akin diyata't mamamatay ako'y di na siya muling makakaulayaw. Loobin mo, Dios ko, na siya'y mabiling magbabalik ata ng kamataya'y masarap na sa akin; datapuwa't kung di mona itulot ang magkita kami bago bawiin ang hiram kong buhay, paano si Narciso sa maling pagbubudhi sa akin? Mabubuhay kaya siyang payapa? Marahil ay hindi, at ikamamatay rin niya ang pagpipighati sa kahinatnan ng aming pagsasama ay sayang ang magandang ugali ng aking asawa kung sa di panaho'y mamatay. Sa gayon nang gayo'y minagaling ang sumanguni sa isang saserdote at ang dating kinamulatang pananampalataya'y siyang inasahang magpapatahimik sa maligamgam niyang loob.

Hindi nga namali ang banal na udyok ng kaniyang puso, at parang nabuksan ang Langit nang maganap ang gayong magandang gawa nasunduan ang maganap na pakikaayon sa anomang marating, yamang may dios didimlang isip na laging pinapag-uulap ng nakalulungkot na pagkakahiwalay nilang mag-asawa, ay kusang naliwanagan ng wagas na pananampalataya, ba ang tao'y may kanikaniyang pasanin sa buhay na ito, at yamang gayo'y dapat nating masarapin ang lahat. Parang itinuturo kay Neneng ang mga gagawin sa nakapamamanglaw niyang buhay upang matutuhan ang magaang pagdadala hangang, sa maihatid sa libing ang di na malalaong pakikipamayan sa buhay na ito. Sinamantala ang isang gabing payapa at sinimulang ititik ang kaniyang mga kahulihulihang loob na loob na nangungusap kay Narciso, upang sa ganitong paraa'y maisauli ang nawalang katahimikan ng kaniyang asawa, at sa parang nakikitang kamatayan, ay lubos na iginayak nag boo niyang puso at nang kung dumating ay di siya mapaglihuan. Ang dating malungkot niyang mukha'y naging masaya, palibhasa'y yaring-yari na sa loob ang pagtangap ng kamatayan, kaya't malaki ang pagsasaya ni Nena nang mamasdan ang ganitong mag-aanyo at ang pagasa'y gagaling pa ang kaibigan niyang may sakit, at di kumutob sa dibdib na ito'y maliwanang na balita ng paghihimakas sa di na malalaong kanilang pagsasama.

May ilan lingong tumagal ang ganito, at nang di na makalaban ang katawang pinapanghihina ng mabigat na sakit, ay unti-unting naratay hangang sa di na muling makabangon. Gabi-gabi'y sinisikangan ni Nena ang kaniyang mga mata ng pagaalaga at di naging sabid nito ang siya'y may asawang dapat harapin, pagka't si Deogracias ma'y malaki rin ang pagdadalamhati sa iisa-isang kaibigan ng kaniyang asawa na noo'y nakikitang mamamatay. Sa maminsan mninsang pagkakatulog ng maysakit ay saka naman nila napapag-usapang mag-asawa ang di malimut-limutang pagkapalungi ng kanilang kaibigan, ngunit kailanma'y ipinagmamatuwid ni Neneng, na huwag nilang masamain kailanman ang kaniyang asawa, bagkus pakisamahan ng magaling, kung sakali't maparoon, at patay man siya'y umaasang dahil sa kanila'y may dapat na tumingin alang-alang sa magandang loob na kanilang pinagsasamahan, kaya't ang anomang maisisisi sa ginawa ni Narciso na lubos na inaako ng asawang mamamatay, ay tinitimpitimpi na lamang sa kanilang mga loob, at sukat na ang gumugol ng kanilang makakaya sa masarap na pag-aalaga na di nakaligtaan kamuntiman.

Kabanata XLIX: Sasandaling araw na Nena....
Naghihintay na lamang ng oras ang buhay ni Neneng, at ang maluwat niyang pagkaratay ay maliwanag na naghihiwatig ng di pag-asa ni Nena sa pagkaligtas. Maidaos ang mga banal na tungkol ng kaniyang pagkatunay na binyagan, ay tinawag si Nena ng boong giliw at sa nakalulunos na sandaling yaon ay diningig sa kaibigan ang ganitong mga bilin: ―Sasandaling araw na Nena ang mga hirap mo ng pag-aalaga sa akin, para ko nang nakikita ang kamatayang magbibigay wakas sa ating pagsasama, at sa anomang naging sukal ng loob mo'y inaasahang ko ang patawad. ―Limutin mo ang lahat, ang sagot ni Nena, at dinapigilan ang mga luha. ―Huwag kang malumbay, Nena, ipagpasalamat mo sa Panginoon Dios ang kamatayan ko, pagka't ito'y Kaniyang kalooban, ngunit ang malaking-malaking magagawa mo'y tuparin ang aking mga bilin, at ito ang kahulihulihang kong pakiusap sa iyo. ―Bakit ka makikiusap, sukat na ang sabihin mo at asahan ang aking pagsunod, ano ang ibig mong ipagbilin? ―Ang sulat kong naipapaloob sa sobre na makukuha mo sa ilalim nitong aking unan, ay pakaingatan mong itago at kangino ma'y huwag ipakita, liban kay Narciso, na kung dumating, ay sa kaniya

mo lamang ibigay.―Pagkamatay ko, ay agad mo lamang ipabalita sa aking hipag; at kung maparito na siya, ay sabihin mong pakaalagaang mabuti ang aking mga hayop, at kung dapat nang ipagbiliay gawin niya ang marapat, at ang salaping mapapagbilihan, ay itaan sa dalawang batang aking pamangkin at mga anak niya.―Si Narciso'y muli't muli kong ipinagbibilin sa inyong mag-asawa na huwag ninyong pababayaan, at anomang kailangan niya, na sakaling magkataon at makakaya ninyo, ay huwag pagkabigatan at maalam din siyang gumanting inyong magandang loob―Ang mga damit ko'y sabihin mo kay Narcisong kung hindi niya kailangan ay mangyayaring ipanglimos sa mga salanta, at kung ayaw naman niyang ilimos, ay gawin ang lalong minamarapat.―Ang kaunti kong mga kasangkapang hiyas na kasama ng mga damit kong narito, ay sa iyo ko iniiwang lahat at magagawa mo ang balang ibigin, tangi ang singsing na itong ginamit sa aming pagkakasal na ipinagbibilin kong isama mo ng lihim sa bangkay ko kung ibaon.―Huwag kayong gumugol ng anoman sa aking libing, at ito'y kahulihulihan kong bawal na ibig masunod. Pagkatapos nito'y hinawakang pinakahigpit ang kamay ni Nena at waring ito na ang wakas niyang pagpapaalam. Mapamaya maya'y nakatulog ng boong himbing, at tila binigyang panahon ang pagbubulalas ng kaibigan ng di maampat na luha at malalalim na himutok.

Makaraan ang tatlong araw mula noon, ay may mga ibang lihim pang ipinahayag kay Nena bago sila naghiwalay; ngunit paghihiwalay na nakalulunos, kapanglaw-panglaw at halos ikalagot ng kaniyang hininga. Patay na si Neneng at ang bangkay niyang nahahandusay sa kandungan ni Nena ay walang malay na naliligo sa daloy ng mga luha.

Ang sandaling yaon, na siyang kauna-unahang sandaling pagpasok ni Neneng sa bahay na walang hangan, ay siya rin namang unang sandalikay Nena ng napakasungit na katutuhanan ng kaniyang pagiisa. Ito ang masaklap na sandalina ipinag-aagawang magdulot sa alaala ng makamandag na tinik na itinitimo ng kasalukuyang panahon, upang magunita ang mga panahong kahinahinayang na lumipas sa kanilang pagsasama, niyaong panahon pagdaka'y tinapus ng malupit na kamatayan, at kay Nena'y walang nalagak liban sa masasaklap na lasong nakapanglulumay sa kaniyang kaluluwa; kasakit-sakit na sandali kalunoslunos na araw na linikha ng nakapangingilabot na hanga ng sinomang may buhay! Hindi masiyahan si Nena ng hinimashimas sa bangkay ni Neneng at waring di na ibig iwan, danga't may malaking kailangang dapat idaos na di mangyayaring ipagpabaya sa araw na yaon.

Noon di'y ipinabalita sa hipag ng kaibigan ang kamatayan niya, at kinagabiha'y dumating din naman ng pangagaling sa Maynila. Ang mga iniwang bilin ay nasabing lahat na walang naligtaan, at sa malaking pasasalamat sa ipinamanang pagbibilhan ng mga hayop na alaga, ay di napigilan ng hipag ang ipinamalas na lungkot sa kagandahang ugaling namatay, anopa't ang bahay nina Nena, ay naging tipon ng mga himutok na naghihiwatig ng mataos nilang pagdadalamhati. Kinabukasa'y idinaos ang libing, at kay Nena'y ito ang katapus tapusang araw ng di kakaunting panahong ipinagsama nilang dalawa. Ulila na si Nena sa iisa-isang kaibigang pinakamahal sa loob, tapus na ang matatamis at kahili hiling pagsasama na mula sa kabataa'y kanilang linasap, at ngayo'y di pinakundanganang isadlak sa hukay ng malupit na panahon. Si Neneng ay nakaganap na sa bagay-bagay na tinungkol sa buhay na ito. Ang asal niyang kahinahinayang na ipinakipagkapuwa-bata kay Nena ay tinanghal at kinalugdan ng lahat. Ang malinis na loob ni Neneng ng pakikisama sa asawa'y naitampak sa madla, tangikay Narcisong kaipala'y nagbubudhipa hangang sa mga araw na yaon, ngunit may araw na matatalastas. Nakilala natin si Neneng sa kanilang kalinisan, at kung di sa mahalay na hangad ng isang tampalasang lalaki, ay di sana napagsapit ang nakapamamanglaw na nangyarisa kanilang mag-asawa.

Ang masasamang gawa na kailanma'y di nagkakaroon ng mabuting hanga, ay magiging saksinatin sa kinahinatnan ng lilong si Isco, at ito'y isang katunayan ng di mapupuwing na kasabihang ―kung ano ang kabuhayan ay siya ring kamatayan‖. Si Isco ay hindi tumigil sa masasama niyang hilig, at bagaman ipinangakong di na magsusugal dahil sa pangingibig kay Neneng, ay di rin nasunod ito at waring inaakay siya ng masamang palad na ikararating sa isang marawal na hanganan.

Siya ang naging sanhi ng kahabag-habag na kinasapitan ni Neneng, ngunit ang Langit na tumutunghay sa lahat at di natutulog kailanman, ay tila palaging handa sa pagbubulusok ng parusa na di mangyayaring tutulan ng sino mang manatiling paglabag sa kaniya. Natutog ding lahat ang mga aring minana ni Isco, naubos na itinapon sa sugal, at nang wala nang magkatiwala sa kanya, ay sumama-sama na lamang sa masasamang loob na nabubuhay sa pinagpaguran ng kapuwa, anopa't ang gayo'y siyang minamagaang gagawin, at dinag-agam-agam na ang kabuhayang ito'y siyang lalong magpapadaling kalaitlait niyang kamatayan. Hindi nalo'y natutop siya ng mga kawal ng puno na nagsisiusig at isang punglo ang sa kaniya'y lumagot. Dito natapus ang kaniyang maruming buhay.

Wala nang nakabalita kung nalibing pa ang bangkay ni Isco, pagka't sa isang ilang na lamang kumalat-kalat at hindi malayong mga gutom na hayop ang nagpasasang sumila. Tinapus din ng kamatayan ang buhay ni Isco; ngunit kamatayang walang dangal, kalaitlait, mahalay at kahiyahiya sa kapuwa. Ang lahat ay matatapus, at ang buhay ng tao na sadyang kataliniyang kasindak sindak na hanga ay di makaiilag sa kamatayan; datapuwa't dapat pakanasain ang kamatayang mapuri na siyang ikapagniningning ng maliwang alaala sa buhay na ito at sa ibang may buhay na ating lilisanin. At yamang di maikakait na ang kamataya'y siyang tunay na larawan ng buhay, ay di natin sukat ipag-alapaap na ang marilag na asal ni Neneng ay siyang ipinahiwatig ng marangal niyang pagpanaw sa mundo.

Kabanata L: Ay Sochong payapa na sa hukay
Tila iniaakma ng mga pagkakataon ang nangyayari kay Narciso sa bayang kinalalagyan niya upang mapiliatan ding umuwi. May ilang lingo ang dumaan sa kaniya na lagi nang matamlay; madalas na tila nanghihina; tuwina'y malungkot at di nalao'y nagkasakit. Hindi siya nangangambang mamatay, pagla't walang sukat ikagulat sa sakit na ito; ngunit maligalig na lubha. Nawala sa kaniya ang katahimikan, at ayon sa tumpak na pagwawari ng mangagamot na nagwawasto ng ikinababalisang lagay niya, ay di makabubuti, di umano, ang, alamig na singaw ng bayang yaon, bagkus magpapalala ng kaniyang sakit kung mapapabayaan. Ang marami niyang kaibigan at kakilala roon, ay di makasiyang ikalibang ng loob at si Neneng din ang laginang nagugunita. Para niyang nakikita ang walang katulad na pagtingin sa kaniya at ang walang kasing tamis na katahimikan ng mga araw na natapus; datapuwa't isang suyak na nagiging balakid ang napanganyayang dangal ng kanilang pagsasama. Kung minsa'y ibig nang ipagpaumanhin ang gayong pagkaapi, ngunit katimbang ng kaniyang kamatayan. May sakit siya, at ang sakit na ito'y mangyayaring lumubha kung di aalis doon; datapuwa't saan siya patutungo?

―Mabuti pa, aniya, ang ako'y dito na mamatay, pabayaan ko nang lumubha ang aking sakit at nang matapus na ang masaklap kong kabuhayan sa mundo; ngunit hindî kaya isang paghamak sa kalooban ng Langit, na magagawa ko namang ilagan ang masamang mangyayari ay tikis na suungin at panghinawaan ang sarilikong buhay? Oh ito'y masamang gawa, at di dapat kong pakamahalin; uuwi ako sa aking bayan, hahanapin ko ang dating pamamayapa sa piling ng aking asawa; datapuwa't. . . ., anong kapayapaan ang aking makikita ay siya na rin ang tunay kong kamatayan. . . ano kaya ang mabuti kong gawin?. . . makakatkat pa kaya ang karumaldumal na dungis ng aming pagsasama? hindi na. . . paano ako? matitiis ko bagang pakisamahan pa ang kaniyang maruming puso? aywan Aywan kung sa labis kong pagtingin, ay matutuhan pang isuko ang aking pagkalalaki, ang aking karapatan at ang purikong hinamak ng kaniyang paglililo; ngunit hindi; hindi ko maatim ang payapang makisama sa isang alibugha, sa isang tampalasan, sa isang hamak at kalait-lait na babay; minamahal ko siya, oo, at kailanma'y mamahalin, datapuwa't di na matamis na pakikisama; uuwi ako at siya'y aking titingnan; ngunit ang loob ko'y magpapakalayolayo sa kaniya. Nayarisa loob ang ganitong gagawin, at pagkatapus makapagpaalam sa mga kakilala, ay di naliba't umalis. Habang napatutungo sa kaniyang bayan ay inuulak sa sariliang mga uugaliing pakikisama sa asawa. At yamang ang pag-asa niya'y

sa bahay nina Nena daratnan si Neneng, ay masayang masayang aanyayahan sa pag-uwisa Maynila, at kung naroon na'y saka niya ipamamasid ang malaking kaibhan sa dating kaniyang loob. Datapuwa't palibhasa'y walang pinag-ibhan sa nasisiraan ng isip, ay parang hindi kinukusa ang madaling pagbabago ng balang maakala at iba naman ang tinangka sa loob na gagawin. ―Si Neneng ay sumama, ang wika sa sarili, at kung minamahal ko siya'y dapat pakanasain ang kaniyang ikapapakagaling; siya'y asawa ko at ang aming pusong pinag-isa ng Dios ay di na mapaghihiwalay ng tao, siya ay dumungis, oo, at ito'y isang bagay na pinatutuhanan ng mga nangyari; ngunit di ko na siya maitatapon, siya ay akin, at yamang gayo'y katungkulan ko ang pagpapala sa kaniya. Pakikisamahan ko siya ng tapat at ito ang paraang ipag-iiba ng kaniyang asal; ang magandang loob ko'y siya ring magiging parusa ng kaniyang ginawang masama sa akin na dapat niyang pagsisihan, oh kung magkagayon laking palad mananaulisa dati ang aming matamis na pagsasama at kailanma'y dina siya maglililo, laking katuwaan

Malinaw na tanging gamot kay Narciso ang gayong mga pagbubulaybulay na kahulihulihang nayari sa loob, at sa boong pagkagalak ng puso'y kulang lamang ang umipad at nang muling tumunghay sa kawiliwiling dilag ng kaniyang asawa.

Hangang siya'y nalalapit ay nararagdagan ang tuwa, at lalo namang lumalaki ang inaasam-asam sa itinuturing na luwalhating kanilang pagkikita. Dumating siya, at pagkamasid na ni Nena'y nagmamadaling tinungo ang isang kabang may susi, kinuha ang sulat ng kaibigang namatay at siyang isinalubong kay Narciso. ―Si Neneng? Ang tanong na di man lamang bumating iba pang salita at waring nagmamadalisa pagkaalam. Si Nena'y hindi nakasagot agad at ang luha niya'y dinapigil sa sandaling ito. Nagising na namang muliang natutulog na damdamin sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan at kasamang napupukaw sa loob ang mga maling bintang ni Narciso, danga't di niya masisidahil sa mga biling iniwan ni Neneng sa kaniya, na si Narciso'y huwag kapootan, bagkus lingapin alang-alang sa kanilang pagsasama; kaya't ang ginawa na lamang ni Nena'y maglibanglibangan at tumanong ng ganito: ―Saan ka baga nangaling at matagal na nawala? ―Malayo, Nena, ang narating ko, at wala na sa nang tangkang magbalik pa. ―Bakit naman, napakalakibagang masama ang ginawa ng kaibigan ko at lubos mong inilagan?

―Nena, dahil nga lamang kay Neneng kaya ako napilitang umuwi, saan ba siya naroon? Sabihin mo sa akin at kung na sa Maynila, ay uuwina ako agad, na sa Maynila ba?

―Oo ―Ako'y aalis na at ibig ko siyang makita agad. ―Huwag kang magmadaliat may pag-uusapan tayo. ―Ano iyon? ―Tungkol din sa kaniya nang narito pa sa bahay. ―At maluwat na bang nalis? ―May anim na buwan na ngayon. ―Nag-iisa bang napasa Maynila? ―Hindi at inihatid naming mag-asawa. ―Ay ano baga ang ating pag-uusapan, sabihin mo na agad at nagmamadaliako. Ano ba iyon?

―Dahil sa kaniyang panaginip. ―Si Nena naman, kung ano ano ang sinasabi mo ah. ―At ayaw ka bang maniwala?

―Mangyari eh panaginip ang sinasabi mo. ―Panaginip nga; ngunit sa wari ko'y mahalaga at kaya lamang hindi ko na maungkat na magaling ay nagkatawanan kami sa huli. Ibig mo bang maalaman kung anong panaginip? ―Oo, sabihin mo na at ako'y nagmamadali. Dito ipinahayag ni Nena ang panaginip ng kaibigan at pagkatalastas ni Narciso'y wala nang anomang nasabi at nangigipuspos sa maling paghihinala sa asawa niyang di inalam at pinagbudhian ng katakot-takot; ngunit ang gayo'y naroon na at walang natira sa loob kundi ang malaking pagsisisina lamang at mulina namang tumanong: ―Si Neneng? saan naroon si Neneng? ―Basahin mo muna ang sulat na iyan―ang wika ni Nena―at tuloy iniabot kay Narciso. ―Bakit? Saan siya naroon? ―Nasa Maynila, ang tila aglahi naman ni Deogracias na kapapasok din nang maalamang dumating si Narciso.

―Nasa Maynila! ―Basahin mo iyan―ang ulit ni Nena. ―Basahin ko at ano? Kangino itong sulat?

―Kay Neneng, at iyan ang iniwan bago umalis. Dali-daling binuksan ni Narciso, ngunit unti-unting kumakaba ang loob, at binasa ang makamamatay na mga pahayag. Ganito ang titik: Sochong: ngayo'y nalalapit na ako sa kahuli hulihang sandaling pagsusulit sa Dios, di mo mahihinagap na dapat kong madala sa kataas taasang Hukuman ang pagsisinungaling, ngayo'y panay nang katutuhanan, at umasa akong mapaniniwalaan mo na ang aking sasabihin. Inibig kita ng boong puso, at ang pag-ibig kong ito'y dadalhindalhin ko magpahangang hukay. Pawang kasawiang palad ang kinalagulaguyo ko sa ating pagsasamang sandaling panahon, pagka't ang namasdan sa iyo'y panay na pag-aalapaap sa mabutikong loob, ngunit pinagtitiisan kong matamis ang pakikiayon at pinakapipilit na masunduan mo ang katahimikan sa pamamagitan ng aking walang sawang pag-irog. Pinag-isipan mo ang kalinisan ng aking puso at nabatang lisanin sa madlang simbuyo, ngunit ngayo'y nabibingit na ako sa labing hukay. Bahid ma'y wala akong paglililo sa iyo at sinasaksiko ngayon ang di na malalaong aking kamatayan. Mamamatay ako, Sochong, ngunit sa iyo'y iniiwan ang kahulihulihan kong ala-ala. Pagpalain ka nawa ng Langit.―Adios, Sochong, hangang sa kabilang buhay―Neneng. ―At saan siya naroon?

―Ay Sochong! payapa na sa hukay, at may anim na buwan nang nalilibing. ―Saan? saan ilinibing? Ituro ninyo, ¡halina! At biglangbiglang nanaog na parang ulol, ngunit sa hagdan pa lamang ay nahandusay na sa malaking pagpipighati.

Nawalang kahulugan ang saklolo ng mag-asawang Nena at Deogracias sa pagpupumilit na maagaw ang buhay, at sa malaking pangigilalas, ay tinanghal nila ang isang maliwanag na katutuhanan patay na si Narciso! Patay na si Narciso, at ang pagkatanto ng kamatayan, ngayo'y nasa harap na siya ng di mapagpapahamakang Hukom, tapos na ang kaniyang paghihinala, tapus na ang mga hirap ng loob, tapus na ang lahat at walang nagwagi kung di kamatayan. Ginanap ni Deogracias at ni Nena ang kahuli hulihang paglilingkod sa asawa ng kaibigan at sa libing din ni Neneng siya isinama. Di sila nagsamang matagal sa buhay na ito, ngunit nagsama sa hukay, diyan sa mapanglaw na libing, diyan sa malumbay na hanganan ng lahat. Isa sa mga araw ng nangamatay na binyagan, ay nakita sa paanan ng isang libing na nababatbat ng pamuti ang isang babaying tigib

ng pagpipighati at sa mataos na pananalangin ay hinaharap ang isang koronang may titik na ganito: Itong maralitang alay ng tapat na kaibigan tangapin at

pagdamutan sa puso kong nalulumbay. Nena.

Endnotes
1 Tinatawag na katapusan ang wakas na araw ng pagdarasal ng siyam na gabi na ipinatutungkol sa kaluluwa ng isang namatay. Kung may munting kaya ang anak nang namatay, ay ipinaghahanda ang katapusang ito nang isang masaganang pananghalian na dinadaluhan ng kanilang mga kasuyo, kakilala at iba pa, at sa gabinaman ay chokolate ang inihahanda, tinapay, sarisaing matamis at iba pang sukat kalugdan ng nagsisidalo, ngunit kung mahirap ay sukat na lamang ang mahinang hapunan o sutanghon kaya. Sa mahirap at may kaya man ay karaniwan nang gawin ang pagkatapos nang kainan ay naglalabas nang larong kung tawagin ay duplo. 2 Hindi ang biyayang binabangit dito ay ang pagtatamo natin ng sarisaring kaaliwan at ng madlang pagkapaunlak, kundi ang mga dakilang bunga ng magagandang kapalaran.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->