You are on page 1of 15

WIKANG PAMBANSA

Ang wika ay may napaka importante ng ginagampanan sa atin dahil sa wika lahat tau ay nagkakakilanlan at nag kakaintindihan.at ang wika ay ginagamit natin sa pag sasaad n gating damdamin,saloobin at iba pa tunay ngang napaka makapangyarihan at napakaimporatante ng wika satin.
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.[1] Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.[2] Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1]

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

[baguhin] Kategorya ng paggamit ng wika


Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di-pormal. [baguhin] Pormal Ang Pormal' ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito: 1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
Pampanitikan o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining. Ang pambansang wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa. May mahigit sa isang pambansang wika ang ilan sa mga bansa, katulad sa Canada na gumagamit ng Pranses at Ingles. Hindi dapat ipagkamali ang pambansang wika sa namamayaning wika, na sinasalita ng karamihan ng mga tao sa loob ng teritoryo ng isang bansa. Gayumpaman, hindi nag-iisa ang Filipino, bilang opisyal na wika ng Pilipinas, ang saligang batas ng 1987 ay nagtakda ng Ingles, bilang isa rin sa opisyal na wika, kung pahihintulutan ng batas. Ang wikang Filipino[2] ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas ang Inggles ang isa pa ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito.

Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng huling makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang bangka patungong Europa.[2]

Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:[3] 1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan. 2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. 3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo. 4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas. 5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunandalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino. Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag). Tiniyak pa ng isang resolusyon[4] ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag). Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.

[baguhin] Mga naiibang pananaw at panukala


Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing

lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog.

61MALAY ANG KURIKULUM NA FILIPINO Ipinag-utos ng DECS noon na tertiary-leveli n s t i t u t i o n s s h a l l l e a d i n t h e c o n t i n u i n g i n t e l le ct u a l i za t i o n o f Fil i pi n o . T h e p r o g r a m o f intellectualization, however, shall also be pursuedi n b o t h t h e e l e me n t a r y a n d s e c o n d a r y l e ve l s. M a s a s a b i n g m u l a e l e m e n t a r y a h a n g g a n g se ko n d a r ya , h i n a sa t a y o n g ma g i n g b i h a sa sa Filipino at English habang nag-aaral ng mga tiyak na aralin. Tuloy-tuloy ito hanggang sa kolehiyo.Sa paggamit ng Filipino sa lahat ng level ng pag-aaral, hinihikayat na iangat ang wika bilang isangw i k a n g i n t e l e k t u w a l i s a d o , i s a n g m i d y u m s a pagkuha ng mas mataas na karunungan.Ma r a mi n g ko n si d e r a syo n a n g i s i n a al a n g sa p a g ka t u t o a t p a g t u t u r o n g F il i pi n o . Ay o n ka yOtanes (sa Chioco 2007), ano man ang balakin sap a g b u o n g i s a n g k u r i k u l u m p a n g w i k a , kinakailangang bigyan-fokus ang layuning matuton g w i k a a n g m g a e s t u d y a n t e u p a n g s i l a a y makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilangka p wa a t ma ka p a g p a h a l a g a s a ka g a n d a h a n n g buhay. Ayon naman kay Espiritu (sa Chioco),nararapat isaalang-alang ang mga umiiral na teoryasa pagkatuto ng wika sa pagtatangkang bumuo ngisang kurikulum pangwika. Sa pagtuturo ng wikas a se ko n d a r ya , n a r a r a p a t d a w n a ma l i n a n g a n g k o g n i t i b o / a ka d e mi ko n g k a sa n a ya n g p a n g wi ka . Maaaring ipasok, aniya, ang pagsusuri sa istrukturang gramatika ng wika sa level na ito sapagkat sayu g t o n g i t o a y ma y ka ka ya h a n n a n g ma g l i n a w, magsuri, magtasa at magsintesis ng kanilang mganatutunan ang mga mag-aaral.Sa u n i b e r si d a d a t ko l e h i yo , h i ni ka ya t a n g p a g g a m i t n g F i l i p i n o u p a n g m a g i n g intelektuwalisado ito. Ang intelektuwalisasyon aya n g p a g b u o n g r e ji st e r n g wi ka sa i b a t ibangi n t e l e k t u w a l n a d i s i p l i n a a t l a r a n g n g e s p e sya l i sa syo n ( G o n za l e s sa Z a f r a 2 0 0 6 : 3 0 ) . A y o n k a y Z a f r a , s i n a s a b i n g u p a n g m a g i n g intelektuwalisado ang wika, kailangang gamitin itosa n a p a k a h a l a g a n g l a r a n g . I t o a n g d a p a t n a ipaliwanag sa mga kontra-Filipino na nagsasabinghindi na dapat ituro ang wikang pambansa dahilmalaganap na itot nauunawaan ng marami. Dapatl i n a wi n g ma g k a ka i b a a n g g a mi t n g wi ka s a l a r a n g . Sa mg a l i n g g u wi st a , ma y n a t a t a n g i a t s a r i l i n g r e j i s t e r ter mi n ol ohi ya, r etori ka , at k u m b e n s i y o n a n g w i k a n g g i n a g a m i t s a napakalahagang larang tulad ng a k a d e m y a . Binanggit ni Zafra ang paliwanag ni Gonzales sailang proseso sa intelektuwalisasyon ng wika sal a r a n g n g a k a d e m y a : ( 1 ) a n g p r o s e s o n g l i n g g u wi st i ko a t ( 2 ) e kst r a - li n g g u wi st i ko . An g l i n g g u wi st i ko n g p r o se so a y ki n a p a l o l o o b a n n g p a g d e vel o p n g i sa n g e s t a n d a r d i sa d o n g a n yo n g wikang magagamit sa pagdevelop ng akademikongdiskurso, pagdevelop ng korpus o lawas ng tekstosa ib a t i b a n g a ka d e mi ko n g l a r a n g , p a g b u o n g r e ji st e r n g wi ka o a n g t a n g i a t t i ya k n a g a mi t n g wika sa isang larang, ang estratehiya para magamitang mga teknikal na termino mula sa ibang wika:g a n a p n a p a n g h i h i r a m, p a n g h i h i ra m n a n g ma ypagsasalin, at

paglikha, at ang pagbuo ng rejistera y h i g i t p a s a p a g l i k h a n g t e r m i n o l o h i y a o katawagan. Ang ekstra-lingguwistikong prosesonaman ay tumutukoy sa sosyolohikal na prosesongd a p a t i s a a l a n g - a l a n g p a r a m a i p a l a g a n a p atm a i p a t a n g g a p a n g m g a p r o d u k t o n g i n t e l e kt u wa l i sa syo n . Pi n a ka ma h a l a g a sa mg a so syo l o h i ka l n a p r o s e s o n g i t o a n g p a g ka b u o n g i sa n g g r u p o n g si g n i f i ca n t o t h e r s o c r e a t i v e m i n o r i t y m g a i n t e l e k t u w a l n a d i s i p u l o n a ma g si si mu l a n g g u ma mi t n g mg a t e kn i ka l n a b o k a b u l a r y o a t t e r m i n o l o h i y a a t n g e s t i l o o retorikaat pagpapalaganap nito sa pamamagitann g p a g s u l a t , paglalathala, at pagtuturo.Maisasakatuparan ito s a p a m a m a g i t a n n g p a g bi bi g a y-o p o r t u n i d a d sa mg a e st u d ya n t e n a ma l i n a n g a n g ka sa n a ya n a t ma p a y a b o n g a n g k a a l a m a n s a m g a g a w a i n g n a p a p a l o o b s a kurikulum na Filipino sa tersyarya, mapaloob omapalabas ng klasrum. Ang Basic Education Curriculum An g p a g l i n a n g n g ku r i ku l u m sa F i li p i na s a ynagsimula noong 1970. Ang rasyonale ng paglinangna ito ay ang mithiing ang estudyanteng Filipino samundong mabilis ang pagbabago ay isang mag-a a r a l n a : ( a ) ma y sa p a t n a ka ka ya h a n t u n g o s a p a n g h a b a mb u h a y n a p a g s i si ka p n a ma t u t o , ( b ) isang aktibong tagalikha ng kahulugan, (c) maysa p a t n a ka ka ya h a n g ma t u t o sa a n o ma n g i b i g

6 2 R . J . M E N D O Z A TOMO XX BLG. 2 ABRIL 2008 niyang tuklasin, at (d) may kaalaman kung paanomatuto. Gaya ng inilalahad sa dokumento ng BEC:We have to educate our Filipino learners to filteri n f o r ma t i o n cr i t i cal l y, s e e k c r e d i b l e so u r ce s o f kn o wl e d g e , a n d u se d a t a a n d f a ct s cr e a t i ve l y s o that they can survive, overcome poverty, raise theirp e r so n a l a n d n a t i o n al sel f e s t e e m, a n d r e a l i ze a g r a ci o u s l i f e i n o u r r i sky n e w wo r l d ( De p Ed Curriculum sa Mendoza 2003). Nilalayon ng BasicEd u ca t i o n Cu r r i cu l u m ( B EC) n a ma i a n g a t n g kalidad ng mga mag-aaral na Filipino at ang mganagtapos na nang may taglay na panghabambuhayna kakayahang matuto.Up a n g ma t u l u n g a n a n g mg a ma g - a a r a l n a maging functionally literate, ang kurikulum aynaformula gamit ang mga area ng pagkatuto o basict o o l s u b j e c t : Filipino, English, Science, atM a t h e m a t i c s . N a g i n g p a n l i ma n g a r e a a n g Ma ka b a ya n . An g Ma ka b a ya n a y b i n u b u o n g : Araling Panlipunan, Edukasyong Pantahanan atMusika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ngK a t a w a n . A n g M a k a b a y a n a n g m a g i g i n g l a b o r a t o r y o f l i f e o p a g s a s a n a y t u n g o s a pangkabuuang pagkatuto upang malinang ang isangmalusog na sarili at pambansang pagkakakilanlan.Ito ay mangangailangan ng sapat na pang-unawasa kasaysayan ng Filipinas, sa sistemang sosyo-politikal ng bansa, sa lokal na kultura, sa sining, samusika at mga laro.Sa Makabayan, hinihikayat ang pamamaraan ngpagtuturong may integrasyon. Dito ang mga mag-a a r a l a y m a y p a g k a k a t a o n g m a k a p r o s e s o , makaunawa at makaayos ng mga life skill. Angi n t e gr a syo n a y ma a a r i r i n g g a mi t i n sa i b a n g a si g n a t u r a .

Pi n a p a y a g a n a n g mg a p a a r a l a n n a bumuo ng sariling plano sa implementasyon ng areana ito.B i n i g y a n - d i i n d i n s a B E C a n g V a l u e s Development o Edukasyong Pagpapahalaga mulaGrade 1 hanggang Grade 6. May sarili itong timea l l o t me n t u p a n g ma b i g ya n n g sa p a t n a o r a s a n g p a g p r o p r o se so n g mg a e s t u d ya n t e sa ka n i l a n g ka r a n a sa n sa l o o b a t l a b a s n g p a a r a l a n . Up a n g mapagtibay pa ito, sinasabing pinakaangkop angp a gl i kh a n g k a r a n a s a n g i n t e r a kt i b o sa kl a sr u m. K a ya a n g B EC a y i n a yo s u p a n g ma g k a r o o n n g l a l o n g i n t e r a ksyo n a n g e st u d ya n t e sa g u r o , sa kapwa magaaral, sa kagamitang pampagtuturo,at sa mga multimedia source . Sa kaso naman ngmga guro, hinihikayat ang collaborative , tandem ,at team- teachi ng .Isang huwarang guro ang kailangan ng BEC.A n g h u w a r a n g g u r o a y mapagkakati wal aangtagapamahala sa pagtuturo. Si ya a ng gur onggumagabay sa mga estudyante par a maginga k t i b o s a m g a gawaing pampagkatuto. Sai n t e r a k s y o n a t k o l a b o r a t i b o n g k a r a n a s a n g nalilikha niya, naiiwasan ang uri ng mga mag-aaralna naghihintay lamang ng isusubong kaalaman oimpormasyon. Taglay niya ang kaalaman sa aralinh a b a n g b u k a s s a i b a p a n g b a g o n g k a a l a m a n s a kanyang area. Nagbabahagi siya ng kaalaman atk a g a m i t a n a t k a r a n a s a n . A n g k i n n i y a a n g k a t a n g i a n g i n t e l e k t u w a l , e m o s y o n a l , s o s y a l , ekonomiko, at pisikal. At dahil ang kurikulum ayinteraktibo, inaasahan siyang maglunsad ng mgag a w a i n g m a g b i b i g a y s a m g a e s t u d y a n t e n g pagkakataong magtagisan ng talino o magpalitanng mga ideya.An g BE C a n g ka sa l u ku ya n g k u r i k u l u m sa elementarya at sekondarya (mula pa noong 2002).Ano man ang mga pagbabago, isang dekada angh i h i n t a y i n ( s a p a g k a t k a d a 1 0 t a o n l a m a n g nagaganap) para sa mga susog at rekonstruksyonN E S C / N S E C 1 9 9 2 ; B E C 2 0 0 2 s a M e n d o z a , 2003). Ang Filipino sa BEC An g F i li p i n o sa BEC a y l u mi l i n a n g sa mg a ka sa n a ya n s a p a ki ki n i g , p a g s a s a l i t a , p a g b a sa , pagsulat, at pag-iisip sa Filipino. Saklaw ng mgakasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilates atma b i sa n g p a n g - u n a wa . Sa p a g sa sa l i t a n a ma n , nahahasa ang wastong pagbigkas, paggamit ng mgapahayag at istrukturang gramatika. Sa kasanayansa pagbasa, nalilinang ang husay sa pagpapalawak ng talasalitaan, pagkilala sa mga salita, pag-unawaat kasanayan sa pag-aaral at riserts. Sa pagsulat,napagaganda ang ayos ng sulat-kamay, naiaangatang kasiglahan sa antas ng pagkatha at kaaya-ayangk a a y u s a n g p a n s u l a t i n . P a r a s a m a b i s a n g pagtuturo, ang mga tiyak na kasanayan ay

63MALAY ANG KURI KUL U M NA F I L I PI NO

malilinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon atibat ibang kagamitan tungo sa lubusang pagkatuto.Isa sa mga nilalaman ng Filipino sa Baitang I-I I I a y a n g k o n s e p t o n g S i b i k a a t K u l t u r a . Napapaloob dito ang mga kaisipan at karanasann g m g a b a t a a y o n s a k a n y a n g kinalakihan.Inaasahang ang mga bata ay may sapat n a kakayahang makaunawa ng babasahin lalo na kungi t o a y b a t a y s a k a n i l a n g k a r a n a s a n . S a pamamagitan nito, inaasahang ang mga batayangkasanayan sa pagbasa at ang paglilinang ng mgakasanayan sa pakikipagtalastasan ay matututuhannang lubusan.Ma y n a ka l a a n g o r a s p a r a sa p a g t u t u r o a t pagkatuto ng Filipino: 80 minuto para sa BaitangI-III at 60 minuto Baitang IV-VI. Katulad ng saEnglish, walang pagdaragdag ng bilang ng minutosa Ba i t a n g I V- VI sa p a g sa sa a l a n g - a l a n g n a a n g batayang kasanayan sa pagaaral ay natutunan nasa unang tatlong baitang, kung kaya inaasahang angmga estudyante ay may sapat nang kasanayan atkaalaman sa pagsusuri sa mga aralin, at kahusayansa p a g p a p a h a ya g n g sa r i l i sa p a g sa sa li ta a t sa pagsulat.I n a a sa h a n g n g F il i pi n o sa BEC n a a n g mg a estudyante ay nakagagamit ng Filipino sa mabisangpagtanggap ng mga impormasyon sa pakikinig atpagbasa; at nakapagpapamalas ng kahusayan sapagpapahayag ng sarili sa pagsasalita at pagsusulatu p a n g ma k a a n g k o p s a p a n g - a r a w- a r a w n a sitwasyon ng p a m u m u h a y a t s a m a b i l i s n a pagbabagong nagaganap sa daigdig. Para matamoang mithiin ng Filipino, may pamantayang ibinigaya n g D e p a r t m e n t o f E d u c a t i o n ( D e p E d ) s a tinatawag na learning competencies. Makikita saunang talahanayan ang mga pamantayang ito Mga Kahalagahan ng Wika

A. Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang naguusap ay may magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang mauunawaan. Ang mahalaga sa komunikasyon ay pagkakaunawaan.

B. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng kaalaman - maraming kaalaman ang naisasalin sa bawat saling-lahi sa pamamagitan ng wika. Kung ang isang tao ay nakatuklas ng isang mahalagang kaalaman, ang kaalamang ito ay sinusulat niya o kaya'y sinasabi sa isang kakilala. Dahil dito ang kaalamang kanyang natuklasan ay hindi kasamang nalilibing kapag ang taong nakatuklas ay namatay na. Kung sakaling matapos matuklasan ni Benjamin Franklin ang kuryente siya ay namatay nang hindi man lang nya ito naisulat o hindi man lamang nasabi sa isang kakilala, Marahil ay wala pa tayong kuryente ngayon. Sa ganitong pagkakataon masasabi nating ang wika ay gumanap ng tungkuling pagiingat sa kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ang kaalaman ay nanatili o napangangalagaan. Wika rin ang ginagamit na midyum upang ang nabanggit na kaalaman ay mapalaganap. Mabisang gamitin ang wika sa pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman sa loob at labas ng paaralan.

C. Nagbubuklod ng Bansa - ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Kung titingnan nating ang mga bansang kalapit natin, mapapansing lahat sila ay nagsisikap na malinang ang kanilang pambansang wika. Ang China na siyang pinakamalaking bansa sa daigdig ay may isang pambansang wika, ang Mandarin. "Ang mga Indonesyan, noong sila ay nakikipaghamok sa mga Olandes upang makamit ang kalayaan ay sumisigaw ng "Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir!" (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inangbayan!). Maagang nakilala ng mga Indonesyan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika upang ang kanilang mga mamayan ay mabuklod. Kaya naman ang unang ginawa nila matapos makamit ang kasaimlan ay bumuo sila ng isang Bahasa Indonesya na ngayon ay kanilang wikang pambansa buhat sa lahat ng wikaing sinasalita sa kanilang bansa." (Relova: 1973)

D. Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip - ayon kay Reynaldo L. Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang matatas at maunlad. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o

nobela, parang nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika at ating imahinasyon. Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto, naituturo sa ating ang paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa. Dahil sa wika maraming mga bagay ang nabubuo, nalilikha o naiimbento. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng idea ng mga tao, nakabubuo sila ng mga bagong konsepto na humahantong sa paglikha o pag-imbento ng mga bagong bagay.
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ang mga tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao. Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo. Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang Filipino pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan. Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba t-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura. Tandaan natin na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.
Ang Pinagmuln ng mga Wik ng Filipinas Sinu-sino ang mga dayuhang nagdal ng ibt ibng wik sa Filipinas? Iyn ang katanungan ng isng panauhin dito sa Sarisari etc. Maraming lah ang nagdal ng kan-kanilng salit sa Filipinas nong unang panahn, ngunit ang mga wikang dinatnn nil sa Filipinas ay tal na Filipino. Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninun ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang ilng ulit o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuly na lup na nalantd dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahn ng kalamigang pandaigdg (Ice Age). Nanggaling daw sil sa Indonesia, Malaysia at ib pang lugr. Libu-libong tan daw ang pagitan ng bawat panahn ng pandarayuhan. Diumany it raw ang sanh kung bakit may mga Ita, Ifugw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayn ay hind na tintanggp ang teoryang it.

Ayon sa mga bagong pananaliksk sa larangan ng wik (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wik ng ib't ibng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kay hind maaring may ilng libong tan ang pagitan ng kan-kanilng pagdatng. Makikita rin sa mga bagong ebidensy sa larangan ng arkeolohiya na tuly-tuly at hind paulit-ulit ang nagng pandarayuhan sa Filipinas. May relasyn sa bawat is ang mga wik sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga wikang it ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga wik mula sa mga pul ng Southeast Asia hanggng sa Easter Island na malapit sa South America. Malamng na ang unang mga taong nagsasalit ng isng wikang Austronesian ay dumatng sa Filipinas mula sa hilag (north) limng libong tan na ang nakalipas. Nagkahiw-hiwaly sil at nagsikalat sa bung kapulun. Dahil sa hab ng panahn na nagkahiwaly sil, unt-untng nagbago ang kanilang pagsasalit. Dumatng ang panahn na ang mga grupong it ay hind na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagng bago na ang mga wik at pagsasalit ng ibt ibng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayn tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ib. Ganit rin ang nangyari sa ibng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simuln nil ang pangangalakal sa mga pul, nadal rin nil ang kanilng mga bagong salit sa Filipinas - pat yang mga salitng natutuhan nil sa ib pang mas malalayong bans tulad ng India. Mula noon hanggng ngayn, ang mga Filipino, tulad ng laht ng lah sa daigdg, ay nanghhirm ng mga salit mul sa maraming dayuhang lah. Masasabi nating patuloy na nagbabago ang mga wik sa mund dahil laht tayo ay patuloy ang panghhirm at paggamit ng mga bagong salit sa ating pangungusap. Bagamt may mga wikang dayuhan na nagkaron ng impluwensiy sa paglag ng mga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga tal na wik bago pa man it npuntahn ng mga dayuhan. Mula naman sa revyuwer sa Filipino ni Criselle ng San Pedro Poveda College: Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa. Bow Wow kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa. Pooh Pooh tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao. Kahariang Ehipto Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language. Charles Darwin Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na On the Origin of Language , sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran. Genesis 11: 1-9 Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible. Wikang Aramean Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga

Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

TEORYANG YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon. TEORYANG MUSIKA. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon. TEORYA NG PAKIKISALAMUHA. ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa. TEORYANG MUESTRA. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay.

Balangkas ng Wika
Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. 1. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat]. 2. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema. Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han Fonema = a *tauhan, maglaba, doktora 3. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa. 4. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga

salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag. Ang Wikang Tagalog,[3] na kilalala rin sa mas simpleng pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan") ngunit hindi de jure ("sa batas") na batayan na siyang pambansang wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino[3]). Sinasalita rin ito sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o "tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba't ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.[3] Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa unlaping tag- na nangangahulugang "katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog, kaya't may ibig sabihing "mga taong naninirahan sa tabi ng ilog." Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi ring masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc and Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o sa silangang Kabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang Pilipinas.[4][5] Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog, na inakdaan noong 1593. Nakasulat ito sa Kastila at dalawang uri sa Tagalog: nakasulat ang una Baybayin habang ang sa mga titik ng Latin naman ang isa. Pinaniniwalaang hinango rin ang Tagalog mula sa salitang taga-irog dahil kilala ang pangkat ng mga kayumangging ito sa pagirog sa sinisintang kabiyak at sa pagiging tapat din sa pakikipag-ugnayan sa pinili niyang makakasama sa buhay. Batay ito sa isang nakaraang kaganapan, noong may higit pang katinuan at takot sa Diyos ang mga tao. May kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang Tagalog na "mahirap mamangka sa dalawang ilog (o irog). Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung gaano katanda ang wikang Tagalog, subalit may dokumento o kasulatang nakalimbag sa tanso na nagpapatunay na ang isang matandang uri ng wikang pinagmulan ng wikang Tagalog ay umiiral at ginagamit na mahigit sa isang libong taon nang nakalipas. Ito ang limbag sa Tanso ng Laguna ng taong 822 A.D., isang bagay na patuloy pang inuusisa at pinag-aaralan ng mga nagdalubhasa sa wika. Ipinapalagay na sangay na kauri ng wikang Tagalog ang iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, at patuloy pa ring ginagamit ang mga ito sa bawat rehiyon at mga lalawigan ng bansa. Nang dumagsa ang mga Kastila sa kapuluan ng bansang ito, nasumpungan nila na may kabihasnan na dito: na may wika, panulat na baybayin, at mga payak na lipunang may pinunong tinatawag na datu ng bawat pangkat o barangay. Sa pagtuturo ng mga dayuhan ng kanilang kaalaman mula sa Europa, nahubog ang kaisipan at kalinangan Pilipino sa kaisipang dayuhan, na nagpatuloy hanggang sa pagdagsa sa bansa ng mga Amerikano at mga Hapones sa paglipas ng

mga panahon. Sa kabila ng impluwensiyang ito, nakilala ang wikang Tagalog bilang isang pambansang wika na nakalalamang sa ibang mga diyalekto, at naging higit din sa mga wikang Ingles at Kastila.

Panitik ng baybaying Tagalog o ang alibata. Sa kahabaan ng 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, mayroon mga nasulat na mga pambalarila at mga talahuluganan ang Kastilang kaparian katulad ng Vocabulario de la Lengua Tagala ni Pedro de San Buenaventura (Pila, Laguna, 1613), Vocabulario de la lengua tagala (1835) at Arte de la lengua tagala y manual tagalog para la administracin de los Santos Sacramentos (1850). Itinuturing ang makatang si Francisco Baltazar (17881862) bilang pinakamahusay na manunulat na Tagalog. Ang Florante at Laura ang kaniyang pinakabantog na akda, na naisulat noong ika-19 daantaon. Noong 1937, napili ng National Language Institute ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Noong 1939, tinawag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang ang Wikang Pambansa. Noong 1959, muli itong pinangalanang Pilipino ni Jose Romero, ang Sekretaryo ng Edukasyon noon, upang mabigyan ang Tagalog ng isa pambansang tatak at diwa, sa halip na pangpangkat etniko lamang. Subalit hindi nagresulta ang pagpapalit ng pangalan ng Tagalog sa pagtanggap, sa diwang nakadarama, ng mga hindi Tagalog, partikular na ang mga Sebwano, na hindi sumang-ayon sa pagkakapili ng Tagalog bilang wikang pambansa.[6]. Noong 1971, muling binalikan an paksang pangwikang ito, at may isang kinalabasang kasunduan isang "makapandaigdigang" gawi sa pagkakaroon ng wikang pambansa, na tatawaging Filipino, sa halip na Pilipino. Nang ibalangkasa ang bagong konstitusyon ng 1987, tinawag na Filipino ang wikang pambansa.[6] Nilahad ng konstitusyon na habang umuunlad at nagbabago ang wikang Filipino, lalo pa itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa buhay na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o "pangkaraniwang wika" (o "tunay na wika") sa Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa mga paaralan at sa pangkalakalan, pati na rin sa bugkos ng pamahalaan. Isa ang wikang Tagalog sa una at may mataas na uri ng wika sa kapuluang Pilipinas. Isa sa patunay ng kagulangan o katandaan nito ang lathalain Kasulatang Limbag sa Tanso-laguna o LCI (822

A.D.), na bagama't may pagkakaiba ang anyo sa kasalukuyang Tagalog, may patunay na ito nga ang inang wika ng makabagong Tagalog sa Pilipinas. Nagpayabong at nagpayaman sa wikang Tagalog ang lawig ng panahon ng pakikipag-ugnayan ng kabihasnang tagalog sa iba't-ibang lahi ng mga taong nakarating sa kapuluan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ang siyang kinikilalang pangkaraniwang wika, at ang pambansang wika ng Republika ng Pilipinas. Sumusunod rito ang mga wika ng bawat rehiyon ng bansa, katulad ng Hiligaynon, Sebwano, Bikolano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, at iba pa. Ginagamit ang Ingles bilang isang "wikang pangdayuhan" at ginagamit din sa mga kawanihan o tanggapang nakikipag-ugnayan at nakikipagtalastasan hindi lamang sa mga Pilipino, kundi pati na rin sa mga taga-ibang bansa.

Itinalaga ang Tagalog bilang wikang opisyal sa unang konstitusyon ng Pilipinas, ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato (Artikulo VIII: Opisyal na Wika) ng 1897.[11] Noong 1935, itinalaga ng konstitusyon ng Pilipinas ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika, subalit iniatas ang pagpapaunlad at pagaangkin ng isang karaniwang wikang pambansang batay sa isa sa mga buhay na mga katutubong wika.[12] Pagkaraan ng pag-aaral at talakayan, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa (o National Language Institute sa Ingles; isang komiteng binubuo ng pitong mga kasaping kumakatawan sa iba't ibang mga rehiyon ng Pilipinas) ang Tagalog bilang batayan ng pagpapaunlad at pagaangkin ng isang wikang pambansa ng Pilipinas.[6][13] Noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakapili ng wikang Tagalog bilang gagamiting batayan ng pagpapaunlad at pagaangkin ng isang wikang Pambansa ng Pilipinas.[13] Noong 1939, lumaong tinawag na Pilipino ang minumungkahing wikang pambansa.[6] Itinalaga ng konstitusyon ng 1973 ng Pilipinas ang Pilipinong nakabatay sa Tagalog, kasama ng Ingles, bilang isang wikang opisyal at nag-atas ng pagpapaunlad at pormal na paggamit ng isang karaniwang wikang pambansang tatawaging Filipino.[14] Itinakda ng konstitusyon ng 1987 ng Pilipinas ang Filipino bilang wikang Pambansa, na nag-aatas na sa pagsulong nito, higit pa itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa mga buhay na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.[15] Bilang Filipino, itinuro ang Tagalog sa mga paaralan sa kabuoan ng Pilipinas. Sinsabing ito lamang ang isa mula sa 170 mga wikang Pilipinong opisyal na ginagamit sa mga paaralan at mga negosyo, bagaman isinasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng pang-1987 na Konstitusyon ng Pilipinas, sa isang bahagi, na: Ayon sa probisyon ng batas at kung mamarapatin ng Kongresong kailangan ito, magsasagawa ang Pamahalaan ng mga hakbang upang panimulan at panatilihin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang isang wikang pangpagtuturo sa sistemang edukasyonal.[15][16] Ang mga wikang pangrehiyon ay mga katulong na wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing mga katulong na midya ng pagtuturo doon.

Nahahati ang wika at salitain sa apat na uri. Una, ang balbal, na siyang pinakamababa. Halimbawa: "epal (mapapel), iskapo (takas), elib (bilib), istokwa (layas), haybol (bahay) at bomalabs (malabo)". Ikalawang uri naman ay ang lalawiganin. Kabilang sa antas na ito ang mga salitain ng mga katutubo sa lalawigan. Halimbawa, ang wikang Tagalog, may temang lalawiganin sa kanikanilang dila ang mga Kabiteo, Batangueo, at taga-Quezon. Matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ang pagkakaroon ng punto. Ang ikatlong uri naman ang pambansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing wikang Filipino ang Wikang Pambansa, samantalang Tagalog namang ang sa iba. Kung mauunawaan na maunlad ang Filipino at ang kaniyang alpabeto (simpleng alpabeto), at may mga hiram na titik. Maaaring ituring ang Filipino naman na kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man, o balbal, Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa. Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang pampanitikan. Sa apat na antas ng wika, ito ang may pinakamayamang uri. Madalas itong ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Ginagamit ang idioma, eskima, tayutay at iba't ibang tono, tema at punto sa pampanitikan. May isang bihasa sa wika ang nagsabi na ang panitikan ay "Kapatid na babae ng kasaysayan", dahil ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at may kakayahang tumaliwas sa kasaysayan dahil sa kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o hindi totoo. Malayang magamit sa pagkatha ng dula, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan ay kadalasang nagaganap.

You might also like