P. 1
8. Linggwistika - Ponolohiya

8. Linggwistika - Ponolohiya

|Views: 2,077|Likes:

More info:

Published by: Alvin Ringgo C. Reyes on Jul 31, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/02/2013

pdf

text

original

Ponolohiya

Gawin Natin!
Hatiin ang klase sa mas maliliit na pangkat na may 10 kasapi bawat isa. Isagawa ang sumusunod na mga sitwasyon: 1. 2. 3. 4. 5. Tatapusin na ang relasyon sa kasintahan. Nanalo sa lotto. Nakasaksi ng aksidente sa kalsada. Manganganak na. Magtatapat ng pag-ibig

Ponetika
Ang agham ng wika na nag-aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita (pronunciation) at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao. Ang articulatory phonetics ang sangay ng ponetika na tumatalakay sa mga pangunahing sangkap na may kinalaman sa pagsasalita.

Articulatory Phonetics
Tatlong salik ang kailangan ng isang tao upang makapagsalita: 1. Enerhiya o pinanggagalingan ng lakas 2. Artikulador o kumakatal na bagay 3. Resonador o patunugan

Articulatory Phonetics
Tatlong bahagi ng katawang mahalaga sa pagsasalita: 1. Dila at panga 2. Ngipin at labi 3. Matigas na ngalangala (palate) at malambot na ngalangala (velum)

Ponolohiya
Ang pag-aaral sa mga padron ng tunog sa isang wika. Tinatalakay kung paano pinagsasama-sama ang mga tunog upang maunawaan ng mga nakikinig ang sinasabi ng nagsasalita. Ponemang segmental ang tawag sa makabuluhang tunog sa Filipino. Hal., magalang / magulang

Ponolohiya May 21 ponema sa Filipino: 16 na katinig (kabilang na ang impit na tunog o glottal stop) at 5 patinig. (p. 45)

Diptonggo
Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/. Halimbawa: kalabaw saklay reyna kahoy giliw

baduy

Diptonggo
Gayunpaman, hindi maituturing na diptonggo ang magkasunod na patinig at malapatinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may diptonggo ang salitang kakahuyan (uy) o ang salitang biyaya (ay), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /u/ at /y/ sa unang halimbawa (ka-ka-hu-yan) gayundin ang /a/ at /y/ sa ikalawa (bi-ya-ya).

Klaster
Ang klaster naman ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc. Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang Filipino at ginagamit sa arawaraw na pakikipagtalastasan.

Klaster
Halimbawa: pyesa gripo tabla krus trabaho produkto gyera dyamante klase tsansa timpla mwebles

Klaster
Gayunpaman, hindi maituturing na klaster ang magkasunod na katinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may klaster ang salitang parte (rt) o ang salitang piglas (gl), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /r/ at /t/ sa unang halimbawa (par-te) gayundin ang /g/ at /l/ sa ikalawa (pig-las). Hindi rin klaster ang magkasunod na /n/ at /g/ dahil ang tunog ng mga ito y itinuturing lamang na iisa (/ng/).

Gawin Natin!
Kumuha ng ¼ na papel at sumulat ng liham pangkaibigan sa isang mag-aaral na kakilala sa Unang Taon, sa ibang pangkat man o sa sariling seksyon, na ginagamitan ng tiglimang diptonggo at klaster. Salungguhitan ang mga diptonggo at klaster na ginamit.

Mga Ponemang Suprasegmental
Ito ang mga tunog na bibinigkas ng tao na hindi kinakatawan ng titik ngunit maituturing na makabuluhan sapagkat may kakayahang baguhin ang kahulugan ng salita o pangungusap. Ginagawa ng mga itong tiyak ang intensyon ng tao sa kanyang sinasabi, pinalilinaw ang kahulugan ng salitang kanyang binibigkas at dinaragdagan ng buhay ang pagpapahayag upang lalo itong maging kawili-wiling pakinggan.

Mga Ponemang Suprasegmental
Tono Ito ang pagbaba o pagtaas ng himig sa pagsasalita. Karaniwan, pababa ang tono kapag nagsasalaysay o nagpapahayag ng impormasyon. Pataas naman kapag nagtatanong.

Mga Ponemang Suprasegmental
Haba

Ito ang pagpapahaba sa bigkas ng patinig ng pantig ng isang salita. Maipapakilala kung pangngalan o pandiwa ang isang salita batay sa pantig nito na pinahahaba.

Mga Ponemang Suprasegmental
Diin

Ito ang pagpapalakas sa bigkas ng salita upang mabigyan ito ng empasis. Sa isang pangungusap, naipapakilala ang mahahalagang kaisipan sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga ito.

Mga Ponemang Suprasegmental
Antala Ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mapagbukod-bukod ang mga kaisipan o di kaya y lalong mapaigting ang pananabik sa susunod na salitang sasabihin nang magkaroon ito ng higit na dating (impact). Sa pagsasalita, nalalaman kung iba na ang paksang tinatalakay o bago na ang talatang binabasa o magkakaiba ang kaisipang tinutukoy sa pamamagitan ng saglit na paghinto.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->