P. 1
Mga Elemento Ng Maikling Kwento

Mga Elemento Ng Maikling Kwento

5.0

|Views: 63,113|Likes:

More info:

Published by: Aileen Galleto Maghanoy on Aug 01, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/15/2015

pdf

text

original

Mga Elemento ng Maikling kwento

:

Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Saglit na Kasiglahan- Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema. Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan. Tunggalian- May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Kakalasan- Tulay sa wakas. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. Paksang Diwa- Mensaheng inilalahad ng maikling kwento.

Mga uri ng Maikling kwento

May siyam na uri ng maikling kuwento: Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kailkuilla ng kulisang mambabasa. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysayinjhg hindi kapanipaniwala. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayarijkuil kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirk Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Tema ng Maikling kwento

Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging mga sumusuno ang tema: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa paguugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mga Bahagi ng Maikling kwento

Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang

bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->