You are on page 1of 21

Kilala mo ba siya? Ano ang kadalasang ginagawa niya kapag nakikita mo siya sa telebisyon?

Bakit kaya niya binabasa ang mga liham na iyon?

Liham Pangkaibigan
Ang pagsulat at pagpapadala ng liham ay isang paraan ng komunikasyon o pakikipag-usap. Ang liham pangkaibigan ay isinusulat para sa isang kaibigan o kakilala.

Uri ng Liham Pangkaibigan


May ibat ibang uri ng liham pangkaibigan ayon sa gamit nito: Pagbabalita at Pangangamusta Paanyaya Pagbati Paghingi ng Paumanhin Paghingi ng Payo Pakikiramay Pasasalamat

Mga Bahagi ng Liham

Pamuhatan -nagsasaad ng tirahan ng sumulat at ang petsa kung kailan isinulat ang liham -makikita ito sa itaas at kanang bahagi ng papel

Bating Panimula -maikling pagbati o pambungad na pagbati sa sinusulatan -nilalagyan ng bantas na kuwit sa hulihan at nakalagay sa kaliwang bahagi ng papel pagkatapos na pamuhatan

Katawan ng Liham -ang pinakamahalagang bahagi ng liham ng nagsasabi ng dahilan ng pagliham sa anyong talata

Bating Pangwakas -maikli at magalang na pamamaalam -isinusulat pagkatapos ng katawan ng liham na katapat ng pamuhatan at nilalagyan rin ng kuwit sa huli

Lagda -narito ang pangalan o palayaw ng sumulat

Ang Sobre
Ang liham ay kadalasang inilalagay sa loob ng isang sobre. Narito ang wastong paglalagay ng kailangang impormasyon sa sobre:
Mario C. Gomez 52 Mahogany St. New Village, Quezon City Lukas P. Romero 62 Malik Rd., Brgy Zamora Tondo, Manila

selyo

pangalan at tirahan ng sumulat

pangalan at tirahan ng sinulatan

Anong uri ng liham pangkaibigan ang dapat mong isulat kung:


1. Nais mong imbitahan ang iyong mga pinsan sa probinsya sa pagdiriwang ng iyong pagtatapos 2. Gusto mong damayan ang iyong kaibigan sa kanyang kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang lolo 3. Hihingi ka ng tulong sa iyong kuya sa pagsasabi sa inyong mga magulang na hindi ka pumasa sa inyong pagsusulit

Anong uri ng liham pangkaibigan ang dapat mong isulat kung:


4. Nais mong batiin ang iyong dating kamag-aral sa kanyang pagwawagi sa isang patimpalak sa pag-awit 5. Gusto mong malaman ang kalagayan ng iyong mga kamag-anak sa ibang bansa.

Basahin ang mga sumusunod na liham pangkaibigan at tukuyin ang uri ng bawat isa:

31 Africa St. Cembo, Makati 16 Marso 1987 Mahal kong Lola Isang, Matagal-tagal na rin po mula noong huli akong nakatanggap ng liham mula sa inyo. Nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan. Kumusta na po kayo ng Lolo Pilo? Palagi po ba ninyong iniinom ang inyong mga gamot? Kumusta na rin po si Nana Lita? Inaalagaan niya po ba kayong mabuti? Sana po ay makasulat kayo sa akin. Lagi ko pong ipinagdarasal ang inyong kabutihan at kalusugan. Nagmamahal, Julita

#48 Gumamela St. Casa Villas, Cavite 07 Setyembre 1982 Sa aking Tiya Sita, Nababatid kong nagdadalamhati pa rin po kayo sa pagkamatay ng inyong anak. Hindi madaling tanggapin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. Gayunpaman, nais ko pong malaman ninyo na ako, sampu ng aking pamilya ay nakikiramay sa inyo. Lagi po naming isasama ang yumao nyong anak na si Ramil sa aming mga panalangin. Nagmamahal, Linda

Apt. C, Java Rd. Sta. Rosa, Laguna 01 Mayo 1993 Minamahal kong Julian, Magandang araw sa iyo! Natanggap ko ang mga ipinadala mong bulaklak at kard para sa sa akin noong isang linggo. Talaga namang nagustuhan ko ang mga bulaklak at napakaganda ng mensaheng isinulat mo sa kard. Kaya naman nais kong ipahatid sa iyo ang taos-puso kong pasasalamat sapagkat talagang pinaganda ng iyong mga regalo ang aking kaarawan. Maraming salamat. Sumasaiyo, Laura

913 Arlington St. San Jose, Iloilo City 21 Agosto 2002 Mahal kong Myrna, Kumusta na aking kaibigan? Ako naman ay talagang nagagalak na imbitahan ka sa gaganaping Dinagyang Festival dito sa aming bayan. Ito ay gaganapin sa Enero. Tinitiyak kong masisiyahan ka sa makukulay na mga palamuti sa paligid at mga kahanga-hangang pagtatanghal. Talaga namang ipinagmamalaki naming mga taga-Iloilo ang pagdiriwang na ito. Aasahan ko ang iyong pagdating! Ang iyong kaibigan, Helen

Room 816, SF Condominium San Vicente, Cebu City 19 Pebrero 1995 Mahal kong Pablo, Sana ay nasa maganda kang kundisyon sa pagtanggap mo ng aking liham. Sumulat ako sa iyo dahil nais ko sanang hingin ang iyong opinyon hinggil sa aking problema. Nag-aaklas ngayon ang mga manggagawa sa aking pabrika. Humihingi sila ng umento sa sahod na hindi ko naman kayang ibigay sapagkat panahon ngayon ng recession. Bilang dating meyor ng iyong bayan, nais ko sanang humingi ng payo sa iyo kung ano ang maaari kong gawin upang masolusyunan ang suliranin kong ito. Anumang payo mo aking pinasasalamatan Lubos na gumagalang, Danilo

Tukuyin ang bahagi ng liham pangkaibigan na kakikitaan ng mga sumusunod:


1. Selena 2. Sa aking mahal na kaibigan, 3. Nais kitang batiin sa iyong pagtatagumpay sa ginanap na Palarong Pambansa!

Tukuyin ang bahagi ng liham pangkaibigan na kakikitaan ng mga sumusunod:


4. Ang iyong kamag-aral, 5. Blk 25 L 5 Sunshine Homes Brgy. Bato-bato, Antipolo, Rizal 20 Mayo 1987

Tukuyin ang bahagi ng liham pangkaibigan na itinuturo ng bawat bilang:


4 1 2 3 5 Mga Sagot: 1. Bating Panimula 2. Katawan ng Liham 3. Bating Pangwakas 4. Pamuhatan 5. Lagda

You might also like