You are on page 1of 27

TAKDANG ARALIN sa

FILIPINO
Ipinasa ni: ERICA MARIAH M. JIMENEZ Grade VI

Ipinasa kay: G. ROMNICK VICTORIA

ANG ALAMAT NG SAGING


Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran. Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao. Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran. Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging. "Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP


Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mgahayop daw ay hindi. Ito ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap aygumagamit din ng apoy. Alam mo ba kun g bakit gumagamit ng apoyang mga alitaptap? Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit nakulisap lamang. Ang mg a kulisap na iyon ay walang daladalang apoy.Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayongALITAPTA P. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap? Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noongunang panahon ay ga bi lamang kung lumipad. Naguni't ayaw na ayawnila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanagang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut natakot. Bakit k aya? Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mgakulisap na iyon. Na kakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilansa kanila ay nagkubli sa nga bukong b ulaklak nito. Mayroon namangnagkubli sa mga talulot. "Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago?Bakit ba kayo takot n a takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?" "Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap. "At saan?" ang tanong ng sampaguita. "Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap. "Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?" "Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay." "Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita. "Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti."

"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo." "Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap. "Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng sampaguita. "Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng isang kulisap. "Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap. "Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap. "Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin." "Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ngbawa't kulisap. "Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ngsampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas.Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan." "Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap. "Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap. Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag. Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita. "Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na." Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim anggabi nagdadala si la ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din angtinatawag ngayong "ALITAPTAP."

MANUEL L. QUEZON-TALAMBUHAY

Si MANUEL L. QUEZON y MOLINA ay ang unang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Siya ay maituturing na ikalawang pangulo ng bansa pagkatapos ni Emilio Aguinaldo na ang pamamahal bilang pangulo ay hindi kinilala ng Estados Unidos at ng ibang bansa. Si MANUEL LUIS QUEZON ay ipinanganak noong Agosto 19, 1878 sa Baler, Tayabas (Quezon). Ang kanyang ama ay si Lucio Quezon na taga Paco, Manila at si Maria Dolores Molina. Nag-aral siya ng pagpapadalubhasa sa Batas sa Pamantasan ng Sto. Tomas. Siya ay nakapasa bilang abugado noong 1903. Siya ay naging piskal sa kaniyang lalawigan at di lumaon siya ay nahalal bilang gobernador. Noong 1907, siya ay tumakbo sa bandila ng Partido ng Nacionalista bilang kinatawan sa Asembliya mg Pilipinas . Siya ang naging lider ng mayorya (majority floor )leader dahil sa inani niyang malaking boto. Pinangunahan niya ang unang delegasyon na nakapag-uwi ng TYDINGS-MCDUFFIE INDEPENDENCE LAW noong 1934. Siya ay nahalal na Unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas . Ang kaniyang pagsisikap na makuha ang kalayaan ay nag resulta sa pagsulat ng Konstitusyon noong 1935. Siya ay kasal kay Aurora Aragon at mayroon silang naging apat na anak. Sila ay sina Mara Aurora "Baby" Quezon (1919-1949), Mara Zeneida "Nini" Quezon-Avancena (1921-), Luisa Corazn Paz "Nenita" Quezon (1923-1923) and Manuel L. "Nonong" Quezon, Jr. (19261998). Ang kaniyang apo na si Manuel (Manolo) Quezon III ay isang magaling na manunulat. Namatay si Manuel l. Quezon noong Agosto 1, 1944 sa Saranac Lake.

TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS


Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayo s Balagtas), Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga Orion, Bataan at nagkaroon ng pitong anak. Bata pa si Kikong Balagtas as mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mga dahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyang ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambing niya sa musika.

Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayan ngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyang umibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigay ng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan at katarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may mataas na katuangkulan sa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doon niya

naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang mga kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na Florante at Laura . Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, pag galang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang Hari ng Makatang Pilipino. Si Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862.

Si Pagong at Si Matsing (Isang Pabula)


Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. Halika Matsing, kainin natin ang pansit nag-aayang sabi ni Pagong Naku baka panis na yansabi ni Matsing Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain nyan para masiguro natin na walang lason ang pagkain dagdag pa nito. Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning sabi ni Pagong Kahit na, ako muna ang kakain pagmamatigas ni Matsing Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong. Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain paliwanag ng tusong matsing. Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan. Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging. Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito masayang sabi ni Pagong Gusto ko rin ng saging na yan Pagong, ibigay mo na lang sa akinsabi ni Matsing Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin. Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha? nakangising sabi ni Matsing Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na partesabi ni Matsing Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik. Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyosabi ni Matsing Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat paliwanag ni Pagong hmp kaya pala nalanta ang aking tanimnanggigil na sambit ni Matsing Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin anyaya nito Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.sabi ni Pagong Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Bastat bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda sabi ni Matsing Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong. Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha! tuwang-tuwang sabi ni Matsing Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan. Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kayat humingi ito ng tulong kay Pagong. Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakaspagmamakaawa ni Matsing Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan. sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!! daing ng tusong matsing Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akinbulong nito sa sarili Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Hoy Pagong humanda ka ngayon! galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong. Anong gagawin mo sa akin? takot na tanong ni Pagong Tatadtarin kita ng pinong pinosabi ni Matsing Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing. Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahahasabi ni Pagong Nag-isip ng malalin si Matsing Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka sabi ni Matsing Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito pagyayabang ni Pagong Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan. Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha! sabi ni Matsing Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan. Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na pagmamakaawa ni Pagong Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilisbilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig. Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan. Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong. Sabi nga: Tuso man ang matsing, naiisahan din.

Ang Pabula ng Daga at ng Leon


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.

EPIKO ng BIAG NI LAM ANG Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan ito naroroon, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga anting-anting na makapagbibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglay ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nangamatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pagibig ni Lam-ang kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na

sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kung ito'y makapagbibigay ng doteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila ni Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan sa Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin sa kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakailangang sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sumunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urin ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang puting tandang at abuhing aso.

IBALON
Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castao, batay sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol. Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong. Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon. Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay. Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto. Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kaunaunahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay. Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut. Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog. Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha. Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

MAIKLING KWENTO
HABANG naglalakad patungong tindahan ni Mang Romy ay napatigil si Toto sa harap ng isang kulungan ng kalapati. Pag-aari ito ng kuya ng kanyang kaibigang si Glen. Sa loob ng kulungan ay naroon ang apat na kalapati, dalawang abuhin ang kulay at dalawang puti. Pinagmasdan ni Toto ang kulungan, at makaraan ng ilang minuto ay nagpatuloy na uli ito sa paglalakad. Magpapabili ako sa nanay ko ng kalapati, sa isip-isip niya. Pabileeeeh sabi ni Toto sa tapat ng tindahan. Walang tao, at hindi gumagana ang buzzer. Habang naghihintay ng taong pagbibilhan siya ng tasty at kape at nakita niyat pinagmasdan ang mga bata sa kabila ng kalsada: mga batang naglalaro ng piko, agawan-base, taguan, at mga batang may hawak na mga kalapati. Pinagmasadan niya ang mga batang may mga kalapati. Ibat iba ang kulay. May abuhin, puti, itim. At sabay-sabay ang mga itong pinakawalan sa himpapawid ng mga batang mga tangan sa kanila, na lubos sa ikinagulat ni Toto. Mga baliw yata itong mga batang ito, pinakawalan lang ang mga kalapati, sa isip-isip niya. Makaraan ng ilang sandali ay nagsipalakpakan ang mga bata na parang nakapanood ng isang pagtatanghal na katatapos pa lang. Maya-mayay unti-unting nagsibalikan ang mga kalapati sa mga batang may hawak sa kanila kanina, na ikinagulat uli ni Toto. Wow, hanep! sa isip-isip ni Toto. Oy, Toto! Anong bibilhin mo? halos pasigaw nang sabi ni Mang Rolly dahil tila lumipad sa kung saan ang isipan ng bata. Um.. ano po um ano nga ba yung pinapabili sa akin Kasi, kung anu-anong iniintindi e Sori naman po antagal niyo kasing lumabas e Abay kasalanan ko pa pala! Haha Ay, ano po pala, um isang tasty at isang pakete ng kape. Ayan, naalala rin At saka ano po pala um kalapati, hehe nagbebenta ba kayo nun? Abay oo! Talaga po? Malamang hindi. Itong batang ito, o punta ka sa palengke, baka doon, may binebentang kalapati. Sige po. Eto nga po pala yung bayad

Mabilis na umalis ng tapat ng tindahan si Toto. Tumigl uli siya nang sandali sa kulungan ng mga kalapati ng kuya ni Glen. Pinagmasdan niya uli ang mga ito. Bukas, magpapabili rin ako ng kalapati, sa isip-isip niya. Pagdating sa bahay ay tinanong niya agad ang kanyang tiyuhing si Uncle Junior kung saan pwedeng bumili ng kalapati. At saan mo naman ilalagay ang kalapati, aber? tanong ni Uncle Junior. Um dyan sa labas hindi siguradong sagot ni Toto. Saan naman sa labas? Alam mo namang may kakiputan ang daanan diyan sa labas, baka magalit ang mga kapitbahay. E bakit naman dun kina Glen, yung kulungan ng mga kalapti ng kuya niya, sa labas lang din ng bahay nila nakalagay E kasi naman malapit lang sila sa bukana ng pasilyo, walang gaanong gumadaan. E tayo nasa gitna tayo, maraming dumadaan. Tapos parati pang maraming nagpapatahi diyan kila Aling Rose at nagpapa-develop ng litrato kina Mang Fred Gusto ko talaga mag-alaga ng kalapati e Aso nga, hindi mo maalagaan nang maayos e, kalapati pa. E kalapati lang naman yun, ano namang mahirap sa pag-aalaga ng kalapati? E bopols ka pala e. Mas mahirap yun di hamak kesa sa aso! At tama naman si Uncle Junior. Lingid sa kaalaman ni Toto, kailangan ang maingat at wastong pag-aalaga sa mga kalapati. Nariyan na ang paggawa ng kulungan, dapat akma lang ang espasyo para hindi masyadong malaki na sagabal na sa mga naglalaba at mga batang naghahabulan at hindi naman masyadong masikip na hindi na makakahinga ang mga kalapati. Dapat ay tama rin ang mga pakain na ibibgay, gaya ng mga butil ng mais, monggo, at iba pang mga butil, at hindi mga chicheria na tulad ng Chikadees o Chiz Curls. Dapat din malinis parati ang kulungan at pakainan nang hindi ito mamaho na mamaring maging dahilan ng pagkagalit ni ermats, gaya na lamang ng nangyari sa kulungan ng kalapti ng kuya ni Glen na hindi nalinis ng ilang araw kung kayat lubhang nagalit ang kanilang ina. Binuhusan nito ng kumukulong tubig ang mga nanghihina nang mababahong kapati na agad na ikinamatay ng mga ito matapos nagsisigaw at mamuti ang mga nagsibulwakang mga mata. At dapat din palang gupitan ang balahibo sa pakpak at buntot ang mga bagong biling kalapti nang hindi sila makalipad, dahil malamang ay hindi na sila bumalik dahil hindi pa sanay sa bagong lugar nila. Bukas po, ibili niyo ako ng kalapati! Pramis, aalagaan ko po sila nang mabuti. E wala ka namang kulungan, paano yan?

Um may lumang basket na lagayan ng maruming damit si Mama diyan. Pwede siguro doon muna natin ilagay Hoshasha sige. Pero magpaalam ka muna sa Mamat Papa mo para hindi sila magalit. Sige po. At ganun na nga ang ginawa ni Toto, at pumayag naman ang kanyang mga magulang. Ang paaralang pinapasukan ni Toto ay malapit sa palengke, at doon nga, gaya ng sabi ni Mang Romy, ay may nagbebenta ng mga kalapati. Kung kayat pagkatapos ng klase at dumating ang sundo niyang si Uncle Junior ay tumungo muna sila sa palengke upang bumili ng kalapati. Ang napiling kalapati ni Toto ay kulay abuhin na may kaunting kulay na puti, itim, at kape sa may katawan at banding leeg. Kung kaya niya napili ito ay hindi niya alam, ngunit ito lang ang parang nakikipag-usap sa kanya at inaakit si Totong siya na ang bilhin, kahit na marami ring tao ang naroon at gusto ring bumili ng kalapati. Itinuro ni Toto sa tindero ang kanyang napili, inilagay sa kulungang yari sa kahoy na papalibutan ng chicken wire, at iniabot sa kanya. Inabot naman ni Uncle Junior ang bayad sa tindero. Pinagmasdang maigi ni Toto ang kanyang bagong alaga, at tila kinausap ito nang mata sa mata: Hi! Hello! Ako ang bago mong amo! Mula ngayon, ang pangalan mo na ay ay um Kali na lang. Ang kalapti naman ay tila nangungusap din ang mga mata, at tila ito ang sinabi niya: Okey, whatev Masayang umuwi si Toto. Habang nasa likod ng bisikleta ni Uncle Junior ay Masaya nitong itinaas ang kulungan na may lulang kalapati na tila pinapalipad niya ito at tila ramdam niya arin ang paglipad dahil sa hangin na tumatama sa kanyang mukha at nagpapagulo ng kanyang buhok. Pagdating ng bahay ay inilagay ni Toto ang alagang kalapati sa lumang basket ng nanay niya na nilagyan niya ng mga lumang dyaryo ang ilalim. Isinunod niyang ilagay ang lalagyan ng pagkaing mga butil ng masi at monggo at inumin. At maingat na tinakpan ng lumang karton ang na may pampabigat na kahoy. Ang kalapating si Kali ay mukhang balisa at pagod na pagod, ngunit makaraan ng ilang sandali ay tumuka na ito ng ilang butil ng mais at monggo mula sa kanyang bagong pakainan at uminom mula sa kanyang bagong inuminan, at ipinalibot ang mga mata sa kanyang bagong kulungan. Maraming butas ang palibot ng basket kaya hindi naman siya nahirapang huminga. Sa labas ng kulungan ay naroon si Toto, tuwang-tuwang pinagmamasdan ang bagong alaga. Kinagabihan habang nasa hapag-kainan, masayang-masayang ikinuwento ni Toto sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang bagong alaga. Ikinuwento niya rin kung papaanong aalagaan niya si Kali. Sinabi niyang hindi siya papaya na mawalay ito sa kanya at gagawin niya

ang lahat ng kanyang magagawa upang mapanatiling nasa mabuting kalusugan at kalagayan si Kali. Hiniling niya kay Uncle Junior na tulungan siya kinabukasan na magupitan ang balahibo sa pakpak at buntot ni Kali. Pumayag naman ito, kahit hindi bukal sa kanyang kalooban. Pagkatapos kumain ay naghanda na sa pagtulog si Toto: naghilamos, nagsipilyo, at nagsuot ng pajama. Bago humiga sa kanyang higaan ay sinilip niya pa nang huling beses sang bagong alagang kalapating si Kali. Kinausap niya uli ito: Hi ulit. Enjoy ka bas a bagong bahay mo? Bukas, maglalaro tayo, ha? Sana sa lalong medaling panahon ay makalipad ka na tapos kapag pumalakpak ako, babalik ka sa akin. Okey bay un? Hindi ako nararapat dito sagot ni Kali. Bakit mo naman nasabi yan? E kung ikaw kaya ang ikulong ko sa basket, ano ang mararamdaman mo, ha? Haha panandalian lang naman ito e. Igagawa ka ng kulungan ni Uncle Tumahimik ka! Hindi mo ako naiintindihan! Hindi ako nararapat dito. Kung kayat bukas din, palayain mo ako! Nais kong lumaya, lumipad sa malayong-malayong lugar, sa himpapawid! Ayokong manatili dito sa hawlang ito! Okey whatev. Basta, steady ka lang diyan. Napayuko na lang si Kali, puno ng agam-agam ang kalooban. Habang papalayo mula sa kulungan ng bagong alagang si Kali ay bigalng napatigil si Toto at nagtaka sa kung anong nangyari. Ngunit matapos angn ilang segundo ay nagpatuloy rin ito sa paglakad patungo sa kanyang higaan, at mahimbing na natulog. Walang pasok kinabukasan dahil araw iyon ng Sabado. Maagang nagising si Toto. Naalala niya ang bagong alagang kalapating si Kali. Pinuntahan niya ito bago pa man maghilamos ng mukha o magmumog man lang. Palayain mo ako! sabi ni Kali. Ngumiti lang si Toto. Pinuntahan niya si Unlce Junior upang ipaalala sa kanya na kailangan nilang gupitan ang balahibo sa pakpak at buntot si Kali. Hosha, sige. Kunin mo yung malaking gunting ng Mama mo doon sa may lababo, tugon ni Uncle Junior. Madaling tumungo sa may lababo si Toto at kinuha ang gunting. Si Uncle Junior naman inilabas ang hawla ni Kali. Pagbalik ni Toto ay kinuha ni Uncle Junior si Kali mula sa kulungan. Sa

pagkuha niya sa kalapati ay nasangga niya ang lalagyan ng inumin sa loob ng kulungan na naging sanhi upang matapon ang tubig. Nabasa ang dyaryo sa ilalim ng kulungan. Ibaba mo nga muna yang gunting. Hawakan mo itong kalapati mo. Papalitan ko yung dyaryo. Nabasa e, utos ni Uncle Junior kay Toto. Sige po! masayang sagot ni Toto. At inabot nga ni Uncle Junior sa pamangkin ang kalapati. Masaya naman itong inabot ni Toto, at hinawakan nang mabuti ang kalapati. Siguraduhin mong hawakan mo yan nang mabuti ha, lilipad yan! At malamang na hindi na yan bumalik kasi hindi pa siya sanay dito! paalala ni Uncle Junior, at pumasok ito sa bahay upang kumuha ng mga lumang dyaryo. Sinunod naman ni Toto ang tiyuhin, at tinignan niya sa mga mata ang kanayang bagong alagang kalapating si Kali. Ito na ang oras, bata. Palayain mo na ako sabi ni Kali. Alaga kita, hindi kita maaaring pakawalan. Matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng alagang katulad mo! tugon ni Toto. Hindi ako nararapat dito. Lilipad ako. Wala kang magagawa para pigilin ang paglipad ko Ows, talaga? E kung higpitan ko pa lalo ang hawak ko sa yo, makalipad ka pa kaya? At hinigpitan nga ni Toto ang hawak kay Kali. Nakita niyang tila nasaktan ang kalapati dahil tila humiyaw ito dahil parang siya ay nasasakal. Naku, okey ka lang ba? Sori ha paumanhin ni Toto kay Kali. Ganyan ba ang turing mo sa mga alaga mo, ang saktan sila? sagot ni Kali, na tila may alam kung papaanong aksidenteng napilayan ni Toto ang kanyang alagang tuta noon dahil pinaikotikot niya ito habang hawak ang dalawang paa. Nabitawan niya ang tuta at humampas ito sa pader na naging dahilan upang mapilayan ito at dumugo ang isang tenga. Sori na nga e Palayain mo na ako hindi ako nararapat dito. Ngunit Akala mo lang na mahal mo ako, na maaalagaan mo ako nang mabuti, pero sa mga darating na linggo, mababale-wala rin ako sa iyo

Hindi totoo yan Alam mong iyan ang totoo. At baka hindi mo kayanin kung makita mo na akongmalagutan ng hingina. Kung mamamatay rin lang ako pagkalipas ng ilang araw ay mamarapatin ko nang mamatay sa kung saan, habang malaya. Hindi sa mga kamay ng isang batang katulad mong wala pang alam sa kung paano talagang magmahal at magmalasakit at magkalinga at Iyan ba talaga ang gusto mo? Oo. At ituturing ko itong malaking utang na loob sa iyo. Palayain mo na ako, kaibigan Kaibigan? Magbabalik ka ba? Hindi ko masabi. Malamang hindi. Ngunit tumingin ka lang sa himpapawid, at kung sakaling mapadaan ako ay makita mo akong muli. Sige hindi kita malilimutan, kaibigan Kali. Okey, whatev At biglang nagpumiglas ang bagong alagang kalapati ni Toto na si Kali mula sa kanyang pagkakahawak. Bumalik si Uncle Junior mula sa loob ng bahay. Oy! Sabi ko hawakan mo nang mabuti e! Lilipad yan!!! pasigaw na sabi ni Uncle Junior sa pamangkin nang nakita niyang hindi maayos ang hawak nito sa kalapati. Oras na kaibigan, paalam huling sabi ni Kali. Nagpumiglas pa lalo ang kalapati, at nagsimulang tuka-tukain ang kamay ni Toto. Paalam rin, kaibigan Kali Ayusin mo paghawak! Langya At sa huling pagpupumiglas ng kalapati ay nakawala na rin ito mula sa pagkakahawak ni Toto, at mabilis itong lumipad at nagpakalayo-layo. Um, engot! Ayan! O, anong sabi ko sayo? E di nakawala na nga! asar na sabi ni Uncle junior sa pamangkin na may kasamang konyat sa ulo. Ngunit hindi ito inalintana ni Toto. Tinanaw niya nang huli pang beses si Kali, at kinawayan, habang ito ay lumipad na sa malayo, hindi na magbabalik.

Wala na Bukirin
Sa linggong darating, mauupot mahihimbing, Sa sasakyang may pag-layang oras ay manipulahin. Mayaman, may-kaya, maging ang mga alipin, Nagdidikit, kumakapit, sa hawakang walang sapin. Lunas sa mga taong tanghali na kung magising. Solusyon sa usad-pagong na daang may paninimdim.

Sa linggo nga na paparating, Ngiti koy handat nakahain, sa tapak na aking aakyatin, sa patas na mga alituntunin. Mukha koy mananatiling akin, di na magpapalit-palit at mananatiling birhen.

Pag tumunog na ang busina, pinto ay isasara. Ano mang oras ay handa na, sa aming pag-arangkada. Ang Luneta at mga bubong ng taong may kaya, Maaliwalas sa mata, kublihan ng purit ganda. Yerong kinakalawang, kable na parang pansitan, mga basura sa bubungan ang siya nitong kabaliktaran.

Sa linggong darating, sa sariliy muling mahihiling,

na ang buong pilipinas ay pagkonektahin.. Gawan ng riles hanggang sa mga bukirin, para madali kong marating kaygandang mga tanawin natin.

Hayaang tren na walang usok ang magbitbit sa atin, sa lugar na pinaka-mapayapa, sa bawat tahanan natin. Bawas na sa polusyon, simbilis pa ng hangin. Magaang sa bulsa, abot ang himpapawirin.

Punong Sakdal
Sa bawat punong atin nang naitanim, may inahing ibon ang lihim na nagpasalamat sa atin. May kuliglig at tuko na tuwang-tuwang naglalaro.. Gagamba at antik na galak na nag-iisip, kung anong disenyong bahay ang sa punoy kanilang ititirik. Sa ordinaryong tao, silungan lang tuwing umuulan ang silbi nito. O di kayay pahingahan, at pananggalang sa init ng araw na tagos hanggang buto. Nalilimutan nila na ang papel na kanilang pinagbababato, ginuguhitan ng kung ano-ano, ay nanggaling sa puno na tuluyan ng nagretiro. Sa tapat na serbisyo na ibinibigay nito, katumbas niyay isang enhinyerong tapat at totoo. Silbing para sa nakararami, ibibigay ang sarili, Kaunlaran ng publiko ang laging iniintindi, Kapakanang pansarili ang laging ihinuhuli. Taga-pagligtas sa mga lupang pa-guho, taga-sipsip ng ulan mula sa bahang delubyo, taga-bigay ng sariwang hangin sa mga tao, walang hinihinging bayad kahit gawin silang rebulto.

You might also like