You are on page 1of 5

Pagmamahal sa bayan

ni Rey Bautista

Ang pagmamahal sa bayan, may kanya kanyang antas may kanya kanyang pamaraan kung paano maihahayag. wala itong sukatan ng katayuan sa buhay. maging siyay mayaman o pulubi sa lansangan. ang pagmamahal sa bayan ay nadudungisan lamang nang labis na pag-iimbot sa salapi at kayamanan na siyang tuluyan sumisira sa damdamin nagmamahal sa bayan. Niyuyurakan ang karapatan at pagkakataon nang kapwa na makaangat sa kinatatayuan antas sa lipunan. ang mga magnanakaw ay nagmamahal din sa bayan, katulad nang mga sinungaling na pilit tinatakpan ang mga katotohanan huwag lamang mabunyag pagiging gahaman sa salapi at kayamanan, lalo na at ito ay galing sa kabanbayan. Lahat ng pilipino ay nagmamahal sa kangyang bayan pinagmulan. ito ay damdamin hindi dapat pasubalian, kahit na gaano kataas antas ng pinag-aralan.

Tapunan ng Lingap
ni Andres Bonifacio
Sumandaling dinggin itong karaingan Nagsisipag-inot magbangon ng bayan, Malaong panahon na nahahandusay Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang. Nangasaan ngayon, mga ginigiliw, Ang tapang at dangal na dapat gugulin? Sa isang matuwid na kilala natin Ay huwag ang gawang pagtataksil. At ating lisanin ang dating ugali Na ikinasira ng taas ng uri, Ang bayang Tagalog ay may asa dili Ang puring nilupig ng bakang maputi. Aanhin ang yamat mga kapurihang Tanawin ng tao at wikang mainam King mananatili ina nating Bayan Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan? Kaya nga halina, mga kaibigan, Kami ay tulungang ibangon sa hukay Ang inang nabulid sa kapighatian Nang upang magkamit ng kaligayahan. Mga kapatid koy iwaksi ang sindak Sa mga balita ng Kastilang uslak; Ugali ng isang sa tapang ay salat Na kahit sa bibig tayoy ginugulat. At huwag matakot sa pakikibaka Sa lahing berdugo na lahing Espanya; Nangaririto na para mangga-gaga, Ang ating sarili ibig pang makuha. Sa Diyos manalig at huwag pahimok Sa kaaway natin na may loob hayop, Walang ginagawa kundi ang manakot At viva nang vivay sila rin ang ubos. Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit, Diyos na poon koy huwag ipagkait Sa mga anak mong napatatangkilik Nang huwag lumbagos sa masamang hilig. Kupkupin mo namat ituro ang landas Ng katahimikan at magandang palad; Sa pakikibakay tapunan ng lingap, Kaluluwa naming nang di mapahamak.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop; Dugo, yaman, dunong, katiisat pagod, Buhay may abuting magkalagot-lagot

Kung ang bayang itoy nasasapanganib At siya ay dapat ipagtangkilik Ang anak, asawa, magulang, kapatid Isang tawag niyay tatalikdang pilit Nasaan ang dangal ng mga Tagalog? Nasaan ang dugong dapat na ibuhos? Bayay inaapi, bakit di kumilos At natitilihang itoy mapanood? Kayong mga dukhang walang tanging

Sa kaniyay utang ang unang pagtanggap Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas Sa inis na puso na sisinghap-singhap Sa balong malalim ng siphayot hirap

[palad] Kundi ang mabuhay sa dalitat hirap Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat. Ipaghandog-handog ang buong pag-

Ang nangakarang panahon ng aliw Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin, Liban pa sa bayan saan tatanghalin? .

ibig, Hangang sa may dugoy ubusing itigis, Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid] Itoy kapalaran at tunay na langit

Magaling ang Pinoy


ni Rafael A. Pulmano

Sa galing at sipag, Pilipino'y kampeon Maabilidad na, nuno pa ng dunong Sa sariling bayan at ibayong nasyon Mataas ang tingin sa lahi ng Pinoy! Sa alin mang bansang merong Pilipino Pustahan - meron ding Pinoy na obrero Doktor, nars, accountant, teacher, inhinyero Driver, baby sitter, cook, housemaid, G.R.O. At saka ang Pinoy, saan man mapunta, Hindi lang talino at sipag ang dala Kundi pati na rin sariling kultura At bisyong pangontra sa pangungulila. Anupa't maski na sa bansang Arabo Na maraming bawal, batas ay istrikto, Uso tong-its, madyong, jueteng, sabong, shabu, Ending at jai-a-lai...Pasimuno'y sino?

Efren Peaflorida Ipinakita ang Pagmamahal sa Bayan

Author: The Philippine Star


MANILA, Philippines - Bukod sa adhikain na itaguyod ang edukasyon ng mga batang kalye sa pamamagitan ng kanyang kariton, ginawa na ring panata ng CNN Hero of the Year Efren Peaflorida ang loyalty o katapatan sa bayang sinilangan. Makikita ang bagong panata (solemn vow or pledge) ng bayani sa TV commercial ng LBC na nagpapakita ng pagbigkas niya ng Panatang Makabayan (Philippine Oath of Allegiance). Layunin ng anunsiyo na ipakita ang pagmamahal sa bayan sa pagbibigay ng tapat na serbisyo. Ayon kay Efren, ngayon niya lalong naramdaman na ang pagtulong sa nation-building ay ang pinakamportanteng challenge sa bawat Pinoy. Kaya ang personal niyang panata ay ang huwag sumuko para sa bayan at sa mga kababayan. "Una sa lahat, ang non-negotiable sa panata ko ay ang desisyong hindi ko iiwan ang bansa. I will never give up my country to live in another place. Walang iwanan, pagdating sa bansa natin," sabi ng high school teacher. "Ikalawa, parte ng panata ko na patuloy na tumulong sa paraang alam ko. Hindi ko mareresolba ang lahat ng problema pero dahil ako ay guro, I vow to be the best teacher that I can be. " Kaya hindi titigil ang awardee na street educator sa kaalaman niya. Plano niyang ipagpatuloy sa masteral hanggang doctoral degree ang edukasyon niya. "Whatever I learn, isi-share ko sa iba pang volunteers o kung sino pa man ang gustong matuto para mas marami pang matulungan," sabi ni Efren. Ang pagbibigay ng magandang ehemplo ang mithi ni Efren. Kung kaya niya, kaya rin ng kahit sino dahil, dagdag pa ng bayani, "kaya mo dahil Pilipino ka sa isip, sa salita, at sa gawa.

You might also like