P. 1
Untitled

Untitled

|Views: 1,333|Likes:
Published by joshonyordx123

More info:

Published by: joshonyordx123 on Aug 15, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as TXT, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/06/2013

pdf

text

original

Pagsusulat Kahulugan ng Pagsusulat Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulatin Ito

ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng ka alaman at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinigay na opinion Kahalagahan ng Pagsulat Nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao sa iba’ ibang lugar at sa iba’t ibang panahon Ang ating kultura ay napananatiling buhay Layunin ng Pagsusulat Pansariling pagpapahayg o ekspresiv o pagsulat ng mga bagay na nakikita, naririnig o nababasa o nagpapahayag ng nararamdaman at nasasalobb ng mga tao o kinapapalooban ng sariling karanasan at pala-palagay ng manunulat o hal. Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o diagr am Pagpapahayag na impormasyon o transaksyunal o Pagsulat na nais magpaabot ng mensahe, balita, magpaliwanag, magpayo o m akiusap o May istilong dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target n iyang mambabasa o Hal. Liham, mermorandum, reviewer, riserts, komentaryo, kritiko, ulat, r eport, poster o slogan at sanaysay Malikhain pagsususlat o Sa tulong ng imahinasyon nagagawang ilarawan ng manunulat ang lipunang k anyang ginagalawan o May spat na lakas ang mga salita upang ipadama sa mga mambabasa ang gust ing ipahatid ng manunulat Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin 1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o imporma syon sa paksang sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay maaaring galing sa mg a sangguniang aklat, dyornal at iba pa. 2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit si ya nagsususlat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. K aya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay nang malaki sa la yunin. 3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip ng isa ng manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung minsan, ang manunu lat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsulat siya ng dyornal , pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao. Kailangang linan gin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-unawa at anong uri ng wika ang angkop na gamitin. 4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaari ng gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon. 5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinat angkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat ng adbertisment na k aiba sa pagsulat. 6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtata ngi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang makapangatwiran siya nan g mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad; kailangang mayroon din siyang kak ayahan sa pagbibigay ng sariling pagpapasiya at iba pa. 7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang deta lya. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal na mailalahad ang pag

kasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang magkakaugnay na teksto sa pamamagi tan ng paggamitng mga angkop na pang-uugnay. 8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga – dapat isaalang-alang ang mga pagpapaha lagang pinanananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito . Binibigyang pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod: a. Ano ang mahalaga sa paksa? b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat? c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat? d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin? 9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat a. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin b. Teksto – nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat c. Mambabasa – nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto ng decoder naman k ung tawagin I. Proseso ng Pagsususlat a. Imbensyon o Pag-asinta – paglikha ng iyong paksa i. Brainstorming – paglalahad ng mga ideya sa papel upang maibigay ang posibl eng maging paksa. ii. Paglilista – paglista ng mgaideyang ikaw ay interesadong gawin iii. Klaster – pagmamapa ng mga ideya b. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa i. Pangangalap ng mga ideya ii. Paghahanap at pagsususri ng mga pananaliksik iii. Pagsasagawa ng interbyu iv. Maari ring mabuo rito ang paksa c. Pala-Palagay i. Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang sus ulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat ii. Iisa-isahin ng manunulatang sanhi at bunga ng pangyayari habang nag-iisi p kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili iii. Nakararamdamng pagkabalisa ang manunulatsa yugtong ito dahilpatuloy siya ng naghahanap ng kasagutan sa kaanyang mga tanong at maaaro pang biglang sumulpo t ang iba pang tanong iv. Kadalasan, itoang pinakamahabang bahagi ssa prroseso ng pagsulat a.k.a I ncubation Period d. Pag-oorganisa – paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkas i. Balangkas – maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha itong ma halaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang paksang napili. May dal awang klase ang pagbabalangakas: (1) Pangungusap na Balangkas – nakatuon sa mga ma kadiwang pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng isang sulatin at (2) talatang balangkas – nakapokus sa mgapinag-uugnay-ugnay na mga kaisipan, a yon sa pagkakasunud-sunod. 1. Introduksyon a. Pangganyak b. Paglalahad ng Tesis 2. Katawan a. Paglalahad ng mga Punto b. Paglinang ng mga ideya c. Pantulong sa pangunahing Katwiran 3. Kongklusyon a. Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya ii. Pagsasaayos ng mga Datos 1. Dalawang Uri ng Mapagkukunan ng mga Datos: a. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon sa mga indibidwal na tao , mga akdang pamapanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumen to at iba pang orhinal na talaan. b. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensaykl opidya, tesis, disertasyon, magazine, pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga awtor.

2. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pag-aaral sa pinagkunang ma terial a. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang d irekta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian. Ginagamit ito ng mananaliksik kapa g nais niyang: i. Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argume nt ii. Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtor iii. Bigyang-diin particular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o s ipi iv. Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista b. Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit ng sanggunian gamit ang sariling pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag: i. Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at umiwas sa panggagaya o pa ngongopya ii. Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi iii. Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon c. Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o maraming m anunulat gamit ang sariling pangungusap. Mas maikli ito kaysa sa orihinal at nag lalaman ng kabuuang kaisipan ng pinagkunang material. Gumagawa ng synopsis kapag : i. Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksa ii. Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian t ungkol sa paksa nais na determina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto e. Pagsulat ng Burador • Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin. • Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan. • Iwasan ang distraksyon o abala • Magpahinga • Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya: o Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit, pagsipi. Masusundan dito ang pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detaly tungkol sa paksa kapag magsususlat. o Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak nilang titingn an ang paksa sa iba’t ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinion ang bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin para m arating ang mapagkakasunduang layunin. o Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta lumabas na ideya sa isip ay isinusulat. Huwag munang maging mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawa sto. Pabayaang malayang dumaloy ang isipan nang walang anumang pagkontrol,sa gay on, maging ang mga di-inaasahang nakabaong ideya ay lumitaw. o Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng laksang impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga ito’y pinagsunud-sunod at pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim nito ang pag-unawa sa paksa a t nakapagbibigay ng mga kawili-wiling kaisipang maisususlat. f. Pagrerebisa – muling pagsusuri sa mga ideya i. Ribyu ng Higher-order na tuon: 1. Malinaw na pagpapahayag ng mga ideya 2. Organisasyon ng Sulatin 3. Istraktura ng mga talata 4. Matibay na introduksyon at kongklusyon g. Proofreading o Pagwawastong-Basa - binbasa ulit ito upang Makita ang mga mali sa ispeling, sa gramatikaat paggamit ng salita, pati na rin ang daloy ng p agpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon i. Ribyu ng later-order na tuon: 1. Ispeling 2. Bantas 3. Istraktura ng mga pangungusap 4. Istilo ng Dokumentasyon ii. Wastong Paggamit ng mga Bantas:

1. Tuldok (.) a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at pautos ng mga pangangausap b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Hal. Editor –Ed. P ahina – ph. 2. Tandang Pananong (?) - Ginagamit itong panapos sa mga pangungusap na pat anong 3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!) a. Pangungusap na padamdam b. Ekspresyong padamdam 4. Kuwit o Koma (,) a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan d. Bating panimula ng liham pangkaibigan e. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham pangangalakal f. Paghahanay pahalang ng mga salita g. Magkakasunod na parirala h. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusap i. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan j. Pagkatapos ng ngalang panawag k. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno 5. Tutldok o kolon (:) a. bating panimula ng liham pangangalakal b. pagsulat ng oras c. pagtatala ng iisa-isahing bagay d. pagpapakilala ng tuwirang sipi 6. Kudlit o Apostrofi (‘) – ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa sinusundang s alita 7. Panaklong o Parentesis ( ) – ginagamit na pangkulong sa mgapinamimiliang s alita o parirala 8. Panipi o kotasyon (“ “) a. Diyalogo b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp. c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap 9. Gitling (-) a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o salita kaya pi nag-iisa na lamang na maaaring manatili ang kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatlo c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-ugnay na at d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na inuunlapian ng panlaping nagtatapos sa katinig e. Mga pangngalang pantangi na inunlapian f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero g. Fraksyong isinusulat nang pasalita h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng napangasawa i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya 10. Tuldukuwit (;) – ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na hindi pinangan gatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay 11. Elipsis (…) – pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (….) – sa huli ng pangun gusap o katapusan ng sipi 12. Braket ([]) – binago sa isang tuwirang sipi at dito ito ipinaloloob, gayun din, ang kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa 13. Asteriko (*) – may tinanggal na isa o mhigit pang talata sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang may karagdagang impormasyon nakata lababa o nakfutnowt 14. Salungguhit (__) – gamit sa mga pamagat ng aklat, dula, novella, maikling kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng babasahin (dyaryo, magasin, jornal, polyeto at mga programang panradyo at pantelevisyon); at banyagang salita

Tabula ng mga Pananda o Pangmarka sa Pagwawastong-Basa

h. Pinal na Papel – pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng nilalaman, maaari na itong ipasa sa guro o sa iba pang susuri nito II. Bahagi ng Pagsulat a. Titulo o Pamagat i. Naglalaman ng titulo o pamagat ng papel, panglan ng sumulat, petsa ng pa gsulat o pagpasa,iba pang impormasyon tutukuyin ng guro b. Panimula o Introduksyon i. Karaniwang isinasaad nito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ngpag sulat ng paksa at pambunga na pagtatalakay sa daloy ng papel. ii. Ito ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan, kung magtatagumpay o m abibigo, ang isang katha. Kailangan sa sulyap palamang ng babasa, ito’y kaakit-aki t na – nakakapukaw, nakakaganyak, nakakahatak na ng kuryusidad – para tuluyang titig an, tunghayan hanggang sa ang malay, kung maari pa nga’y pati buhay, ay matangay n ang buong kasabikan. iii. Mabibisang Panimula: 1. Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan muna an g sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hangg ang sa pinakamahalaga na detalye. Halimbawa: Balita 2. Pagbubuod – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang tinata lakay 3. Pagtatanong –panimulang kalabisan nang ipaliwanag pa 4. Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang nakapanipi sapagkat mul a ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad at maari rin naming karaniwang tao lamang ngunit ang sinabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay na magagamit na lundayan sa pinapaksa. 5. Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng kahalaga hang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtat aglay ng diwa o aral. 6. Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao. Sapa gkat nagbibigay, deskripsyon,mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit. 7. Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimuilakung ang binibigyanglarawan ay pook. 8. Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na karaniwan nang b inubuo ng iisang salita. Masurpresa itong parang suntok kung tumimo sa kuryusida d ng bumabasa. 9. Pagsasalungat – Sa panimulang ito, ang binibigyang diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod dito ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bisa . 10. Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na pagkukuwento. 11. Makatawag-pansing Pangungusap – Ito’y isang mapanggittlang panimula dahil di -karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw ang pamamariralang, ginagamit ditt o. 12. Analohiya – Ito ay nagtutulad o nagwawangis. 13. Anekdota - isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya para pasigl ahin ang babasa o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang kaugnayan sa paksang ta talakayin. 14. Pagsasalitaan – Ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o diyalogo. c. Katawan i. Matatagpuan na dito ang pangunahing pagtalakay sa paksa- ang pangangatwi ran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad. ii. Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin 1. Pakronolohikal - tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula pinak amatagal hanggang sa kasalukuyan 2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.

3. Paespesyal o Pagaagwat – paglalahad mula sa pinakamalapit o ang alam na al am na paksa hanggang sa pinakamalayo o ang hindi na masyadong alam na paksa 4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon ay ang pagkakaiba . Ang pangalawang seksyon ay ang pagkakatulad. Maari rin silang magkapalit. 5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang lalong mahalaga ang b inabanggit bago ang di-gaanong mahalago o vice-versa. 6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaaosa naman ito sa paraang sinasabi muna ang mga particular o definidong detalye bago ang pangkalahatang mga pahayag o vise-vers a. 7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na komplikadokasunod a ng mga bagay na simple o vice-versa. d. Konklusyon o Wakas i. Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang puntos ng papel. Inilala had din ang napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga im pormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik. ii. Dito makikita ang kabuuan ng sulatin. iii. Mabisang Pangwakas: 1. Tuwirang Sinabi 2. Panlahat na Pahayag 3. Pagbubuod 4. Pagpapahiwatig ng Aksyon 5. Mahalagang Insidente 6. Pagtatanong 7. Pagsisipi III. Mga Pamantayang Dapat Sundin sa Pagsusulat a. Kailangan ang kaisahan, kaugnayan, kawilihan at wastong pagbigay-diin sa pahayag. b. Kailangang malinaw, makatwiran at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga k aisipan. c. Kailangan maingat ang susulat sapagkat ang anuman kamalian ay nakikita n g bumabasa. d. Kailangang may sapat na kaalaman sa wika, gramatika at retorika. e. Dapat na may lubos na kabatiran sa mga mekanismo sa pagsusulat gaya ng: pagbabaybay, pagbabantas, paggamit ng malaking titik, paggamit ng italika, pagsu lat ng tambilang at papapaikli ng mga salita at talata. i. Talataan – lipon ng mga pangungusap na paunlad na binubuo at nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ang isang talat o magkakasunod na talata ng isan g akda ay may kaisahan, kaugnayan at kaanyuan. 1. Kaisahan: Upang matawag na talata ang pangkat ng mgga pangungusap, kail angang ito’y umikot sa iisang pangkalahatang ideya. Kailangang may pangungusap na pampaksana siyang nagsisilbing giya o patnubay sa pagbuo ng susuportang mga pang ungusap. 2. Kaugnayan: Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloyng diwa buhat sa simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kailangan nakaayos sa pagkakahanay ang mga pangyayari o ang diwang ipinahayag upang maging maliwan ag ang pagkakaugnay. a. Pamantayan sa Kaugnayan i. Paggamit ng tradisyonal na mga salitao mga pangatnig gaya ng: at, kapag, disin sana, dahil sa, sapagkat, ngunit, bagaman, samantala, ngunit, bagaman, s amantala, anupa’t,kung gayon, samakatuwid, gayon pa man, sa kabila noon at marami pang iba. b. Paggamit ng Panghalip i. Kung pangngalan ang ginamit sa unang pangungusap o sugnay, panghalip ang maaringg gamiting kahilili ng pangalang nabangit. Sa mga sumusunod na pangungus ap. Ginagawa ito upang hindi ulit-ulitin ang atensyon ng bumabasa ay magbalik sa tinutukoy na panghalip. c. Pag-uulit ng Salita upang Magbigay-diin at Mag-ugnay-diwa d. Paralelismo o Paggamit ng Magkakatulad na Balangkas Panggramatika 3. Kaanyuan o Kabuuan: Ang mabuting talata ay naglalaman ng kumpletong kais

ipan. May pagbigay-katuturan, paliwanag, pangangatwiran, at patotoo. Gumagamit n g ilustrasyon, halimbawa, pagwawangis, pagtuttulad at pag-iiba, pagsususuri, mun gkahi, tagubilin, talinghaga, mahahalagang sipi at iba pang pamamaraan upang mag ing buo o ganap. Ang isang akda ay may panimulang talata, makakapanunod na talat a (Transitory) at may pangwakas na talata. IV. Mga Anyo ng Pagsulat a. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon i. Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa bigyan-panlunas, para Ma kita at mapakilalang mabuti ang particular na bagay na tinatalakay sa pamamagita n ng mgapruweba’t patunay, sa gayon, malinawan at maintindihan nang walang pagpapa subali ang pinagmamatuwirang posisyon o pahayag. ii. Isang pahayag na mapagtatalunan b. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang pinakab asehang magagawa kundi ang paghahanap na kategorya na napagsama-sama ang mga bag ay na maaaring magkakahiwalay at mapagbubuklud-buklod ang mgamagkakaiba. c. Anyong Pagsusuri o Analisis Isang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng gampani n ang kailangan isakatupara: una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng mganaobser bahan. Ang pagsulat sa anyong pagsusuri ay hindi lamang isang pag-uulat ng mga n aobsrebahan kundi isang kasanayan sa pagmamasid. d. Anyong Pasalaysay Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang pangyayari, mga tauhan at may tagpuan. Halimbawa: maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysa yan, kathangisip. e. Anyong Paglalarawan Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, pangya yari o magbigay ng isang biswal na konsepto nga mga bagay-bagay, pook, tao o pan gyayari. f. Anyong Panghihikayat Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat. Halimbawa: adbertisment at sanaysay. g. Anyong Eksposisyon Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion, kabatiran at mga kaisipan. h. Anyong Ekspresyon Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong pagbuhos ng emosyon. i. Anyong Refleksyon Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na masuk at ang sariling pagkatao. Tinutuklas ditto ang kahalagahan ng mga karanasang nag daan at ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan sa buhay. j. Anyong Direksyon o Panuto Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa, gayundin, nai pasusunod niya ang tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa proseso ayon sa mga tuntuning dapat gabayin. V. Mga Uri ng Pagsulat a. Akademik – formal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang seyoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman. Ang pagbuo ng ganitong uri ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga pamanahaunang-p apel, tesis, disertasyon, suring-basa,panunuring pampanitikan, malikhaing pagsul at oanumang sulating may [aksang pag-akademik ay nabibilang sa uring ito. b. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita, edit orial, lathalain at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na pagsulat . c. Teknikal – panglibrong pang-akademiko d. Referensyal – Ang pagtatala ng mga sangguiniang gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa pagpapadali ng gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y mulasa mga aklat, pahayagan,magazine, on-layn sorses, diksyunaryo, jornal, tesis at diserta

syon. VI. Uri ng Sulatin A. Malikhain- angtawag sagenreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito ay may dalwang uri: 1) Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng watong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na lagi nang may tauhan, tagpuan atpaksa. May iba’t ibang uri ito: a. Maikling kwento-isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na kadalasa n nang may suliraning nilulutas ng pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan a t wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nababasa sa sangdaling panahan l amang. i. Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang pagpapahalaga ay ang tungkols a uri ng pamumuhay, kapaligiran, hanapbuhay at pananamit ii. Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga kapana-panabik na pangyayari na na kapagbabago sa katauhan ng tauhan ang binibigyang linaw sa nasabing kuwento iii. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding interes at kawilihan ay nasa balangkas at walasa mga tauhang nagbibigay kulay sa kuwento. iv. Kuwentong Kababalaghan – ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari at ang ka tatakutan ang nilalaman ng kwento. v. Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay sa pangunahing tauhan vi. Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang sumusulat ng kuwentong ito sa kadahilanang may kahirapan ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang higit na kakailanganin ay maipadam sa mga bumabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari. vii. Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang aliw ang mga bumabasa an g tanging layunin ng nasabing kuwento. b. Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may masali muot na mga pangyayari at may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang nahahati sa mga kabanata. i. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay ang pagkakasulat o pa gkakagawa ng nasa pangyayari ng nobela ii. Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang pangunahing tauhan at hangarin n g mga tauhan iii. Nobela ng Romansa- ang binibigyang halaga rito ay ang pag-iibigan iv. Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring pagbabago sa lipunan o pamaha laan na kanyang kinabibilangan ang hangad ng may-akda. v. Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng may-akda ay ang kasaysaya n n gating pinagmulan at ang paglalarawan ng mga bayaning may malaking ambag sa pagtatanggol sa bayan. c. Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay na pinagdaanan ng isang kilalang tao. d. Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga t auhang tumutupad upang itanghal sa dulaan. e. Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli, sub alit nag-iiwan ng aral. f. Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay opangyayaring naranasan ng m ayakda. g. Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat napapana hong usapin sa lipunan.Malawak ang saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa pa gbabagong ekonomika, pulitika, sosyal, kultural at maging personal ay maaaring t alakayin. h. Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang napa panahong isyu sa lipunan. i. Pabula-ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipanng mga bata sa mgapangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali. j. Parabola-mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay nagbibigay aral sa mga mambabasa. 2) Patula – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng tiyak na diwa’t damda min na kaugat sapagkatanaw at pagkaunawa ng makata sa mga karanasan niya sa buha y. Maaaring may sukat o tugma o di kaya’t Malaya.

a. Tulang pasalaysay – nag lalarawan ng makhulugang mga tagpo sa buhay i. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabyanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat n auukol sa nga kababalaghan. ii. Awit at korido – may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamag inoo at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe at prin sesa. Ang awit ay may sukat na 12 pantig at inaawit nangmabagal sa saliw ng gita ra o bandurya samantala, ang korido ay may sukaat na walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa. iii. Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay n ilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ito ay na sa mga tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig. b. Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guniguni ng makata na b atay sa karanasan. Karaniwang maikli, likas at medaling maunawaan. i. Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asao pamimighat i, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. ii. Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral s a mambabasa. iii. Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. iv. Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtattaglay ng kau nting pilosopiya sa buhay. v. Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. vi. Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin, wala ng tiyak na binibilang na pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. c. Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang dulaan o entablado. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula. i. Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layo ng pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas nang Masaya, ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpasiya ng d amdamin ng manonood. ii. Melodrama –Karaniwang para sa musical, kasama na ng opera, ang sangkap ay malungkot, ngunit aksiya-siya ang katapusa para sa pangunahing tauhan ng dula. iii. Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi opagkwasak ng pangunahing t auhan ng dula. iv. Parsa – naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na pangy ayaring nakatatawa. v. Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook. d. Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at tumataka y sa isang paksang pinagtatalunan. i. Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring makapang-asawa ang kasintahang mahirap. Ang makakuhkuha ng singsing ay pakakasalan siya. ii. Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa pagbigkas at panga ngatwiran nang patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain a t sa mgakasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang namatayan. iii. Debate o Balagtasan - isang pagtatagisan ng katuwiran sa anyong pasalita ukol sa isang paksa o usapin pinag-uusapan. Kaiba naman ang balagtasan sa debat e bagamat isa ring pagtatalo ngunit ang mga pangangatwiran ditto ay kailangang m ay sukat at tugma. B. Teknikal – Ito ay genre na may layuning magbigay ng impormasyon sa anyong transaksyunal, prosidyural, pag-uulat, ekspositori at panghihikayat. a. Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa anumang transaksy on o komunikasyong nangangailangan ng pagtugon o tuwirang sagot. Halimbawa: E-Ma il, Liham,Pagbati, imbitasyon, text message at pakikipanayam i. Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o impormasyon sa pamamagitan ng pagsu lat 1. Bahagi ng Liham- pamuhatan, patunguhan ng Sulat, bating panimula o pambu ngad, ang katawan ng liham at Bating Pangwakas.

2. Istilo ng Pagsulat – istilong blak, istilong semi-blak at istilong nakabit in o baligtad 3. Uri ng Liham a. Liham-pangkaibigan – pangangamusta, pasasalamat, paanyaya, pagbati, paghin gi ng payo, pakikiramay at paumanhin b. Liham Pangangalakal – pagpapakilala, aplikasyon, pamimili, subskripsyon at pagrereklamo b. Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa pagsasagawa n g isang bagay o kilos o Gawain. Halimbawa: recipe, pagsunod sa direksyon at panu to. c. Ulat – teknikal na genre na naglalayong magbigay ng impormasyon batay sa i sinasagawang pananaliksik o pag-aaral, pagmamasid, pagbabasa, pakikinigg sa para ang pasalit o pasulat. Halimbawa: ulat ng media, deskriptiv, imbestigasyoon, reb yu at grap o tsart. i. Pagsusulat ng Ulat 1. Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang sumasagot sa mga tanong n a: sino, ano, bakit, kalian, saan at paano. 2. Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng patnubay kung saan ang mga r eporter ay taal na di sumusunod o lumilihis sa pamatnubay. 3. Ang mahalagang mga impormasyon, kapag nakuha ito, ay isulat kaagad. 4. Ang katumpukan o pagkatotoo sa paraang pagpapahayag ay higit na kailanga n. 5. Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika, maligoy na pa nanalita, sa kadahilanang ang pagdududa ay mananatili sa kanilang isipan. d. Ekspositori – genre naglalayong magbunyag o maglabas ng kinalabasan ng isa ng pag-aaral, maglahad ng nasasaisip, magbabahagi ng natutunan at magbigay ng ka sagutan sa katanungan. Halimbawa: press release, lektyur, talakayan sa klase, sa rbey at artikulo. e. Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong sumuporta o maniw ala sa isang bagay o pagkilos. Nilalayon nitong pumanig ang tao sa mga argument at balakin ng isang tao o grupo. Halimbawa: advertisement, proposal, editorial a t argument. C. Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat, Nilalaman, Pananalita at Layunin Memorandum: karaniwang tinatawag na memo o paabot-ulat, pasulato limbag na nakik ita araw-araw sa opisina na karaniwang may tiyak na mensahe o nagtatanong. Agenda ng Pulong: pag-uusapan o tatalakayin ang isang sulatin na ginagawa ng mga kapisanan o organisasyon sa buwanang pulong batay sa napagkasunduan ng mga pinu no. Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na pinaguusapan sa nakaraang mga pu long batay sa agenda. Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim sapagkat siya ang kumukuha ng mga tinatalakay habang nagpupulong. Ito ay may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago magsimula ang susunod na pulong. Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong. Kung may pagwawasto, ipahahayag ang pagtatama bago pagtibayin. Paanyaya sa isang kapulungan o seminr: mahalaga ang mga kumprehensya sapagkat di to nabibigyan ng kaukulang aksyon o solusyon ang hangarin ng isang proyekto. Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of Condition): ito ay isang sulatin na karaniwang ginagawa ng mga kompanya, katulad ng bangko, kooperatiba, Insurrance Company. Dito isinasaad ang assets, pananagutan o liabilities, gastusin o equity . Huling araw ng Disyembre ginagawa ang ulat. Proposal (Pagbabalak ng Gawain): ang sulating ito ay makatutulong sa pagsasakatu paran ng balak na proyekto na nais magawa. Paraan sa Pagbuo ng Pangungusap Pagbibigay-kahulugan Pagbibigay ng detalye o halimbawa Pagbibigay ng pagkakatulad at pagkakaiba Sanhi at bunga Analohiya proseso

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->