You are on page 1of 15

ALAMAT NG SAMPAGUITA Magandang babae, maraming katangiang kaibig-ibig at mabuting anak.

Iyan si Aniway, isa sa mga dalagang ipinagmamalaki ng kanilang tribu. Pihikan sa pag-ibig ang dalaga kaya wala pang nobyo. Isa lang ang lagi niyang dinadasal. Na sana ay makatagpo siya ng karapat-dapat na lalaki na magmamay-ari ng kanyang puso. Mula sa malayong tribu ang binatang si Maru. Nang Makita ng binata si Aniwa ay hindi na tinigilan ng panliligaw. Inamin ni Aniway na kaiba sa mga lalaking nanligaw sa kanya, malapit agad ang loob niya kay Maru. Makaraan ang kulang isang taon ay tingggap niya ang pag-ibig ng binata. Maligayang-maligaya si Aniway lalo nang sabihin ni Maru na uuwi ito sa kanilang tribu para sunduin ang mga magulang. Ibig na raw kasi nito na magpakasal sila. Ipinangako ng binata na babalik sa susunod na pagbilog ng buwan. Subalit lumipas na ang dalawang pagsikat at paglubog ng buwan, ni anino ni Maru ay hindi na nakita ni Aniway. Ang masama ay ginamit ng isa sa mga karibal ni Maru ang sitwasyon para siraan ang binata. Ikinalat nito na nag-asawa ng iba si Maru at hindi na babalik kay Aniway. Inakalang totoo ang kumalat na balita, sa labis na sama ng loob at kahihiyan ay nagkasakit ng malubha si Aniway. Bago namatay ay wala siyang nausal kundi Isinusumpa kita!... sumpa kita! Ang mga salitang Isinusumpa kita!... sumpa kita! ang tanging naiwan ni Aniway kay Maru, na dinapuan ng sakit kaya hindi agad nakabalik. Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Maru ang puntod ni Aniway. Hindi matanggap ni Maru na namatay ang dalaga na masama ang loob sa kanya. Ilng lingo makaraan ay may tumubong halaman sa libingan ni Aniway. Nang mamulaklak iyon ay ubod ng bango. Tinawag iyong sumpa kita, ang huling salitang binigkas ni Aniway bago sumakabilang buhay. Ang sumpa kita ay naging sampaguita.

ALAMATNG DAMADE NOCHE Si Bai ay ang tanging anak na babae ni Sultan Ahmad. Mahal na mahal ng sultan ang dalaga. Walang makapanligaw kay Bai dahil sa sobrang pagbabantay ng ama. Ibig ng sultan na siya ang pumili ng mapapangasawa ng anak. Pangarap nito na maharlika rin ang maging asawa ni Bai. Lahat ng binatang nais manligaw sa dalaga ay dumadoan sa mahigpit na pagsubok. Karaniwan din naman ay walang nakakapasa sa mga pagsubok. Lingid sa sultan ay may iniibig na si Bai. Ito, si Muhammad, ang hardinero ng palasyo. Itinago ng dalawa ang kanilang relasyon. Mahilig sa mga bulaklak si Bai kaya hindi nahalata ng sultan na si Muhammad ang dahilan kung kaya madalas siya sa hardin. Sa mga gabi namang madilim ay nakikipagkita siya kay Muhammad at nagkukubli sila sa mga halaman. Ngunit walang lihim na hindi nabunyag. Natuklasan ng sultan ang lihim nila ni Muhanmad. Galit na galitsi Sultan Ahmad. Hindi ito maka-papayag na isang hardinero lamang ang aangkin sa pag-ibig ng anak. Gumawa ng paraan ang lalaki. Ipinadukot nito si Muhammad at ipinatapon sa gubat. Nang matagpuan si Muhammad ay maiamig na itong bangkay. Ang kamatayan ni Muhammad ay isang malaking dagok kay Bai. Mula nang mamatay ang lalaki ay wala na itong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Nang hindi na makayanan ang damdamin ay sumamo si Bai kay Allah na kunin na rin siya. Sumamo rin siyang maging mabangong bulaklak na lang ng gabi upang maalala ng ama na minsan ay sinaktan nito ang kanyang damdamin. Sa kinatatayuan ni Bai ay isang puno ang tumubo. Namulaklak ito ng hugis luha at tanging gabi lang kung humalimuyak. Tinawag itong dama de noche na ang kahulugan ay dalaga ng gabi.

ALAMAT NG ROSAL Sa isang malayong barangay sa isa sa mga bayan ng Isabela ay may isang magandang dalaga na Rosalia ang pangalan. Mahilig siya sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga halamang namumulaklak. Isa sa mga pinakapaboritong alagaan ni Rosalia ay ang mga rosas. Iba't ibang kulay ng mga rosas ang makikita sa malawak niyang hardin. Kaygandang pagmasdan ng kanyang halamanan. Karaniwang pinapasyalan iyon ng mga kanayon. Maging ang mga ito ay ipinagmamalaki ang mga namumulaklak na halaman ng dalaga. Dinarayo rin iyon ng mga kalapit barangay kapag manghihingi ng mga bulaklak na iaalay sa kanilang altar at gagamitin sa prusisyon. Isang umaga, napansin ni Rosalia ang isang halaman na tumubo sa pagitan ng mga bagong tanim na rosas. Bubunutin sana niya ito pero nagaalalang maapektuhan ang mga bago niyang tanim. Hinayaan niyang lumaki ang mga ito hang-gang magsimula na ring mamulaklak. Nagulat siya dahil mababango at mas malalaki ang mga kulay puting bulaklak na kahawig ng mga rosas. Nagandahan si Rosalia sa mga bulaklak kaya pinarami niya ang mga ito. Nagustuhan naman iyon ng mga tao. Bukod sa mga sampaguita ay ito ang naging paboritong pang-alay sa altar. Dahil walang pangalan ang mga bulaklak, nang mamatay ang dalaga ay tinawag itong rosal ng mga tao dahil na rin sa pagmamahal nila at paggalang kay Rosalia. Ang Rosal ay palayaw ni Rosalia.

ALAMAT NG MAKAHIYA Maliit pang bata ay mahiyain na si Marita. Taliwas sa mga magulang na mahusay makipag-kapwa, karaniwang nagpapaiwan sa bahay si Marita kapag may mga pagtitipon na kailangan nilang puntahan. Ayaw niyang makisalamuha sa mga tao. Lagi siyang nagtatago kapag may mga panauhin ang ama at ina. Kuntento na siyang nasa loob ng sariling silid. Nag-isip ng paraan ang mag-asawa kung paano mawawala o mabawasan man lang ang pagkamahiyain ni Marita. Ngunit kahit ano ang kanilang gawin ay bigo sila. Hindi nila mabago ang ugali ng nag-iisang anak. Nagalala tuloy sila kung paano ito magkakaasawa. Dahil solong anak ay ibig nilang makita na lumagay na sa tahimik si Marita bago sila mamatay. Isang gabi ay nasindak ang buong barangay. Kumalat kasi ang balitang isang grupo ng mga preso ang nakatakas sa kulungan at sa kanilang I'jgar nagtago ang mga ito. Hindi akalain ng mag-asawa na sa rami ng mga bahayan sa bahay nila mismo umakyat ang mga takas. Agad silang itinali ng mga ito at binusalan sa bibig. Takot na takot ang dalawa hindi para sa kanilang sarili kungdi para kay Marita. Natatakot sila sa maaaring mangyari sa anak kapag nakita ito ng mga takas na preso. Nalito naman ang mga preso nang marinig ang sunud-sunod na sirena ng sasakyan ng mga pulls. Sa labis na katarantahan ay agad nagsi-pulas ang mga ito. Nasaklolohan ang mag-asawa bago pa may masamang nangyari sa kanila. Hindi naglipas-oras ay nahuli ang mga preso kaya nakahinga nang maluwag ang lahat. Hinanap ng mag-asawa si Marita. Alam nilang nakapagtago agad ito dahil hindi nakita ng mga preso. Ngunit tila bula itong naglaho. Hindi malaman ng mag-asawa kung saan hahanapin ang dalaga. Isang !inggo makaraan ay natalisod ang dalawa sa isang halamang tumitikom ang mga dahon kapag nasanggi. Kinabahan ang mag-asawa. Naghinala silang ang halamang iyon ang anak na si Maria kaya tinawag iyong makaihiya.

ALAMATNG ILANG-ILANG Si Hang ay nag-iisang anak ni Sultan Makal. Ayon sa mga sabi-sabi, ang prinsesa ay hiningi ng Sultan sa mga anito kapalit ng isang pangako. Lingid sa lahat na ang pangakong iyon ay hindi payayapakin sa labas ng kaharian ang prinsesa. May kakaibang halimuyak si Prinsesa Hang. Waring nagsasaboy ito ng pabango sa bawat maraanan na kaysarap langhapin. Napakaganda rin nito attunay na kaakit-akit. Mula nang ipanganak si Prinsesa Hang ay hindi pa ito yumapak sa labas ng bakuran ng kaharian. Bagamat may mga paanyaya sa pamilya, minsan man ay hindi isinama ng sultan ang anak sa labas ng kaharian. Ipinagtataka man iyon ng lahat ay inisip na lang nilang dala iyon ng sobrang pagma-mahal ng sultan sa nag-iisang anak. Hanggang may mamuong giyera laban sa kahariang kaalyado ni Sultan Makal. Isang malaking pulong ang tinawag upang makapag-handa ang mga magkakakamping kaharian sa nakaambang labanan. Tatlong araw mawawala ang hari kaya sinamantala iyon ni Prinsesa Hang. Bagamat mahigpit na ipinagbabawal ng ama na yumapak sa labas ng kaharian ay sinuway iyon ng prinsesa. Sabik na sabik kasi siyang malaman kung ano ang makikita sa kabila ng kaharian. Hindi siya napigil ng mga dama nang magpasya siyang lumabas sa hangganan ng sakop ni Sultan Makal. Subalit gayon na lang ang sindak ni Prinsesa Hang nang biglang bumuka ang lupa sa paglapat ng kanyang mga paa. Unti-unti siyang kinain nito hanggang mabaon sa ilalim. Hindi matanggap ni Sultan Makal ang nangyari sa anak. Araw-araw ay pinupuntahan niya ang lugar kung saan kinain ng lupa ang prinsesa. Hang linggo makaraan ay may tumubong halaman doon. Lumaki iyon at namulaklak na ang halimu-yak ay tulad ng samyo ni Prinsesa Hang kapag naglalakad ito. Sa tindi ng pangungulila ni Sultan Makal ay pinangalanan niya ng Hang ang puno at ang mababangong bulaklak. Ang Hang ay naging ilang-ilang sa paglipas ng panahon.

ALAMAT NG CAMIA Si Camila ay isang mabait, madasalin, malambing at kyut na bata. Mapagmahal siya sa mga magulang at mga kapatid. Mahilig sa mga bulaklak si Camila. Madalas ay makikitang may dala siyang pumpon ng mga bulaklak para ialay sa altar ng kanilang kapilya. Lagi siyang may ngiti sa mga labi. Hindi siya mauunahan sa pagbati kaya naman napamahal siya sa mga kababaryo at ibang kakilala. Ang sabi ng mga tao ay napakapalad ng kanyang mga magulang dahil ibang klase siyang bata. Tunay ngang ibang klaseng bata si Camila. Ibig niyang laging makatulong sa mga ito. Siya ang bunso sa kanilang magkakapatid kung kaya mahal na mahal din siya ng kanyang mga ate at mga kuya. Isang hindi inaasahang pagsubok ang duma-ting sa kanilang buhay. Natuklasang may kanser si Camila at may taning na ang buhay. "Kapag namatay ako, ibig kong maging isang puting bulaklak, mabango at maganda, para ialay rin ako sa altar," ang lagi niyang sinasambit. Hindi umabot ng isang taon mulang matuk-lasang may kanser si Camila nang pumanaw ang bata. Nalungkot hindi lamang ang pamilya niya kungdi ang lahatng mga taong naging bahagi ng kanyang buhay. Ano pa at halos buong bayan nila ay nagluksa sa pagkawala ng isang mabait at madasaling bata. Nalimutan na ng mga kapamilya ang hiling noon ni Camila na sana ay maging isang puti at mahalimuyak na bulaklak. Kaya nang makita nilang tumubo kasama ng ibang tanim ni Camila ang isang kakaibang klase ng halaman ay hindi nila pinansin. Ngunit nang mamulaklak iyon at samyuin nila ang bango ay naisip nilang pinag-bigyan ng langit ang hiling ng bata. Tinawag nilang Camila ang bulaklak. Isang utal na bata na hindi mabigkas ang Camila ang laging nanghihingi ng bulaklak na iyon para ialay sa altar. Sa halip na Camila ay camia ang itinatawag nito sa puti at mabangong bulaklak. Kaya mula noon ay camia ang ipinangalan sa bulaklak.

ALAMAT NG GUMAMELA Sina Mameng at Mela ay magkaibigang matalik. Nagsimula ang pagkakaibigan nila mula nang magkaisip sila. Sabay kasi silang isinilang at sabay na lumaki sa iisang kapaligiran. Magkaibigan rin ang kanilang mga magulang kung kaya solido ang samahan ng kanilang mga pamilya. Parang magkapatid kung magturingan ang dalawang dalaga. Ano pa at halos iisa ang mga gusto at ayaw nila. Gusto nila ng parehong pagkain pero ayaw ng parehong prutas. Maging sa pagpili ng mga disenyo ng damit ay iisa ang panlasa nila. Dumating ang malaking pagsubok sa pagkakaibigan nila nang kapwa sila umibig sa iisang lalaki. Naging napakahirap para sa kanila ang sitwasyong iyon ngunit pareho rin naman nilang hangad ang ligaya ng bawat isa. Sinabi nila sa isa't isa na sinuman ang piliin ng lalaking itinitibok ng puso ay maluwag na tatanggapin ng isa. Ano pa at ang kaligayahan ng isa ay ikaliligaya rin ng isa pa. Si Mela ang naging mapalad. Siya ang niligawan ng lalaking kapwa nila mahal. Hindi inakala ng magkaibigan na may mas malaki pa silang pagsubok na haharapin. Natuklasan kasi nila na may asawa ang lalaki at nais lang pagla-ruan si Mela. Halos madurog ang puso ni Mela sa labis na sama ng loob. Sa labis na galit ay kinompronta ni Mameng ang lataki. Nang pabalang siyangsagutin nito ay hindi nakapagtimpi ang dalaga. Sinampal niya ang binata. Nabigia ang lalaki. Itinulak nito si Mameng na tumama ang ulo sa matigas na bagay na naging sanhi ng kamatayan nito. Hindi akalain ni Mela na sasapitin iyon ng ka-ibigan dahil sa pagtatanggol sa kanya. Lalo itong nawalan ng ganang mabuhay. Hindi nagtagal ay sumunod na rin ito kay Mameng. Ang huling hiling niya ay ilibing siya sa tabi ng kaibigan. Mula sa kanilang mga puntod aytumubo ang isang klase ng puno na nang mamulaklak ay magkaiba ang kulay pero magkapareho ng anyo at hugis. Tinawag na Mameng at Mela ang mga bulaklak ngunit naging gumamela nang lumaon.

ALAMAT NG DAISY Si Daisy ay masayahing dalaga. Mahilig siya sa makukulay na damit pero ang pinakapaborito talaga niyang kulay ay matingkad na dilaw. Madalas aytinutukso siya ng mga kaibigan dahil hindi na raw kailangang hulaan kung anong kulay ang damit na isusuot niya tuwing dadalo sa pagtitipon. Hindi rin maipaiiwanag ni Daisy kung bakit napakatindi ng pagkakagusto niya sa kulay dilaw. Marahil, katwiran niya, ay ipinanganak siya sa eksaktong alas dose ng tanghali kung kailan napakatindi ng sikat ng haring araw at dilaw na dilaw. Ugali na ni Daisy ang maglaba ng kanilang mga damit sa ilog dikalayuan sa bahay nila. Ang ilog ay may malinaw na tubig at kaaya-aya hindi lamang sa paglalaba kungdi maging sa paliligo. Kaya kadalasan, matapos maglaba ay naliligo ang dalaga sa ilog. Marami rin naman ang nanunuyo kay Daisy. Mabait kasi siya at masipag. Ngunit wala sa isip ng dalaga ang pag-ibig. Ang pangarap niya ay manatiling dalaga para lubusang makapaglingkod sa Diyos at sa mga magulang. Hindi iyon matanggap ng isang binatang binigo niya sa pag-ibig. Minsang maglaba si Daisy sa Hog ay inabangan nitoang dalaga. Nagtaka ang mga magulang nang lampas tanghali na ay wala pa si Daisy. Sinundo nila ito sa ilog na pinaglalabahan. Gayon na lang ang panghihilakbot nila nang malayo pa ay makita na ang matitingkad na kulay dilaw na mga damit sa daraanan patungong ilog. Nakakalat iyon. Hindi na natagpuan pa si Daisy. Walang nakaalam kung ano ang nangyari sa kanya. Mula naman sa mga lugar na kinakitaan ng mga damit ng dalaga ay tumubo ang mga halamang nang mamulaklak ay matitingkad na dilaw ang kulay. Nanatiling buhay ang alaala ni Daisy sa isip ng mga magulang at mga kakilala dahil sa mga bulaklak na iyon. Pinangalanan nilang daisy ang mga bulaklak dahil minsan ay naging bahagi sila ng buhay ng isang masayahing dalaga na mahilig sa matitingkad na kulay dilaw tulad ng bulaklak.

ALAMAT NG LUYA Noong panahon ng mga Kastila ay may isang babaing cantora o mangaawit sa simbahan na ang pangalan ay Meluya. Maganda at matinis ang boses ni Meluya kaya lahat ay humahanga sa kanya. Madalas rin siyang naaanyayahan sa mga pagtitipon upang marinig ang maganda niyang boses. Isa lang ang kapintasan ni Meluya. Mabi-bilog at bukul-bukol ang kanyang mga paa. Pero maganda si Meluya kaya marami rin siyang manliligaw. Iba nga lang ang kanyang pangarap. "Ibig kong makapag-asawa ng isang Kastila," madalas niyang sabihin sa mga kaibigan. Dumating ang Kastilang hinihintay ni Meluya. Isa si Antonio sa naatasang pamahalaan ang bayan nina Meluya. Dahil relihiyoso si Antonio ay madalas marinig ang pag-awit ni Melusa kapag dumadalo ito sa misa. Naakit ang lalaki sa boses ng cantora. Niligawan nito si Meluya. Masayang-masaya si Meluya dahil sa katupa-ran ng pangarap. Nang pakasalan siya ni Antonio ay lalong hindi maipaliwanag ang naging kaligayahan niya. Naging huwaran naman ang pagsasama nina Meluya at Antonio sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang lahi. Pinatunayan nilang sa pag-ibig, pantay-pantay ang lahat. Lalong naging inspirado si Meluya sa pag-awit. Si Antonio naman ay lalong napalapit sa mga tagaroon kung kaya nagkaroon ng mabuting samahan sa pagitan ng mga Kastila at mga Pilipino. Ang mag-asawa ay minahal at iginalang ng mga kababayan ni Meluya sa paglipas ng mahabang panahon. Magkasunod na pumanaw ang mag-asawa dahil na rin sa katandaan. May nakabili sa bakuran nina Meluya. Ipinalinis ng bagong may-ari ang masukal na bakuran nang may mahukay na bunga sa ilalim ng lupa. Parang mga paa ni Meluya ang itsura noon. Natuklasan ng mga tao na nakapagpapaluwag ng lalamunan ang sabaw ng bunga kapag inilaga. Nang lumaon ay natuklasan pa nilang maganda sa boses ang pag-inom sa sabaw ng bunga. Dahil doon aytinawag na Meluya ang bunga para sa alaala ng cantora. Nang lumaon ay naging luya na ang pangalan nito.

ALAMAT NG AMPALAYA Noong araw ay may isang babaing alipin na ang pangalan ay Ampa. Mabait si Ampa, matiisin atwalang kibo. Malupit ang mga amo ni Ampa. Sa kaunting pagkakamali ay agad siyang pinarurusahan. Dahil namulat si Ampa na isang katulong, inakala niyang iyon ang tadhana ng kanilang angkan. Hindi siya naiinggit kahit nakikita ang mga kaedad niya na malaya, nakapagsasaya at nagagawa ang anumang ibig. Alipin si Ampa ngunit kakatwang makinis at pino ang kanyang kutis. Ito ang ikinainis sa kanya ng anak ng amo na sa kabila ng yaman at mga losyon na ipinapahid sa balat ay nananatiling magaspang ang kutis. Lalong nainis ang anak ng kanyang amo nang magpakita ng interes kay Ampa ang lalaking lihim na hinahangaan. Alam na pansinin ang kutis ni Ampa kaya nag-isip ang babae para pumangit ang balat ng alipin. Isang kasinungalingan ang ginawa nito. Isinumbong nito sa mga magulang na nagnakaw si Ampa ng isa nitong kwintas. Hiniling nito sa ama't ina na ibilad sa araw si Ampa hangga't hindi isinasauli ang kwintas. Dahil wala naman talagang ninakaw kaya walang mailalabas na kwintas si Ampa. Sa gayon ay tiniis niya ang init ng araw na pumaso sa buong katawan. Nangitim at nanguluntoy ang makinis na kutis ni Ampa. Ang balat na sobrang napaso sa araw ay naging napakahapdi. Nagulat ang pamilya nang dumating sa bahay ang pinakamataas na pinuno ng kanilang bayan kasama ang binatang lihim na umiibig sa alipin. Nabalitaan nito ang ginawang parusa kayAmpa at isinuplong iyon sa kinauukulan. Dahil mas prominente ang pamilya ng lalaki ay ito ang pinaboranng pinuno. "Ampa... laya ka na," balita ng lalaki sa dalaga. Ngunit huli na ang lahat. Namatay siAmpa. Nang ilibing ito ay muli't muling sinambit ng lalaki ang mga salitang, Ampa...laya ka na. Ang mga salitang iyon ay nagpasalin-salin sa mga tao. Kaya nang may tumubong halaman sa tabi ng puntod ng dalaga na kulubot ang bunga ay tinawag nila iyong ampalaya.

ALAMAT NG SILI Noong unang panahon ay nagkaroon ng mahabang tag-araw sa Pilipinas. Naawa ang Diyosa ng Kalikasan sa mga tao kung kaya nagsabog ng binhi ng sili sa isang bayan. Hindi pa maanghang ang sili noon pero may taglay na itong kakaibang lasa na maaaring kainin at nagpapasarap sa lutuin. Nang matikman ito ng mga tao ay ginawa itong pamatid ng gutom. Naging popular ang sili kahit nang matapos ang taggutom. Ginawa itong sangkap ng mga pagkaing iniluluto. Nakarating na rin ito sa iba-ibang lugar. Dahil mataba ang lupa at magandang klima ng lalawigan ng Bikol kung kaya mabilis tumubo at lumago ang mga sili sa dakong ito ng kapuluan. Naging pangkaraniwan sa bawat bakuran dito ang tanim na sili. Ang iba nga ay hindi na nagtatanim dahil kusang tumutubo ang halamang ito kahit saan. Maaaring totoo ang kasabihan na anumang labis ay hindi na pinahahalagahan. Sa sobrang dami ng bunga ng mga sili ay binabalewala ito ng mga tao. Ang mga halaman ay hindi inaalagaan at sa halip ay pinababayaang matapakan. May pagkakataon pang binubunot at pinapatay ang mga ito. Ang mga bunga naman dahil labis sa dami ay wala ring pakundangan kung pitasin at natatapon na lang. Sa araw-araw ay maraming sili ang hindi napapakinabangan at nasasayang. Nalungkot ang diyosa nang minsang dalawin ang lugar. Nagdamdam siya dahil hindi pinaha-lagahan ng mga tao ang biyayang ipinagkaloob niya. Nag-isip ang diyosa kung paano mapanga-ngalagaan ang mga sili. Naisip ng diyosa na gawing maanghang ang sili upang hindi maaksaya. Mula noon ay naging maanghang ang sili kaya naging maingat na sa pagpitas sa bunga nito ang mga tao.

ALAMAT NG UPO Noong araw ay may isang matangkad na bata na Lupo ang pangalan. Bilugan at mahahaba ang kanyang mga binti at braso. Makinis ang kanyang balat. Maputi rin ang kanyang kutis. Mabait at magalang si Lupo kaya marami ang natutuwa sa kanya. Maganda ang kanyang kalooban kaya sino man ang manghingi ng bunga ng mga tanim niyang prutas at gulay aybinibigyan niya. Lumaking mabuting tao si Lupo kaya kahit nang mamatay ang mga magulang at maulila ay hindi niya naramdaman ang pag-iisa. Maraming mga kababayan ang tuwina ay dumadalaw at nagdadala ng kanyang mga pangangailangan. Sinusuklian niya ang mga ito nang pagbibigay ng mga bunga ng mga tanim. Habang nagbibinata ay lalong pinarami ni Lupo ang pananim sa maluwang na bakuran. Sa gayon, ang lahat ng mga nanghihingi ay nabibigyan niya. Dinapuan ng mabigat na karamdaman siLupo. Dahil nag-iisa lang sa kanyang bahay, walang nakaalam na mayroon siyang sakit. Natagpuan na lang siyang patay ng mga taong nanghihingi ng mga gulay at prutas. Inilibing siya ng mga kababayan sa loob ng kanyang bakuran. Pagkaraan ng ilang buwan ay nakita ng mga tao ang isang malagong halaman sa bakuran ni Lupo. Malalapad ang dahon ang ng halaman, gumagapang at may bungang mahahaba at bilugan tulad ng mga binti ni Lupo. Naalala ng mga tao si Lupo kaya pinangalanan nilang Lupo ang bunga ng halaman. Nang lumaon ay naging upo na ang tawag dito.

ALAMAT NG KANGKONG Matanda na si Ingkong Saro ngunit hindi naging hadlang iyon upang maging aktibo pa rin sa pagtulong sa mga kababayang nais lumaban sa mapanakop na mga Kastila. Palihim man ay sumusuporta siya sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pera at mga pagkain. Natuklasan ng mga Kastila ang ginagawa ng matanda kaya iniutos ang pag-aresto sa kanya. Mabuti na lang at may nakaalam sa gagawing paghuli kaya nasabihan si Ingkong Saro bago pa dumating ang mga gwardiya sibil. Umakyat ng bundok si Ingkong Saro at doon nagtago. Sa isang kweba siya pansamantalang tumigil. Noong una ay hindi naging problema sa matanda ang pagkain dahil may mga prutas na napipitas sa paligid ngunit nang lumaon ay wala na siyang makuha. Paano ay dumami na ang mga taong umakyat ng bundok na nais tumakas sa malulupit na mga dayuhan. Isang umaga sa paghahanap ng pagkain ay nakarating si Ingkong Saro sa isang sapa. Doon ay nakakita siya ng mga halamang kulay berde at parang maaaring kainin. Nanguha siya ng ilang piraso noon at iniluto. Nakatawid ng gutom si Ingkong Saro dahil sa mga halaman. Itinuro niya iyon sa ibang naninirahan din sa bundok. "Salamat, Ingkong!" ang sabi nila. Nang sumunod na mga araw ay kumalat ang balita tungkol sa kulay berdeng halaman na maaaring kainin. "Saan daw mayroon?" usisa ng hindi pa naka-aalam. "Itanong daw natin kay Ingkong,"sagot ng iba. Dahil hindi alam ang pangalan ng halaman ay marami ang nagtanong kung ano ang tawag doon pero walang makapagsabi. Tinawag na lang nila itong halaman ni Ingkong ngunit upang mapaikli ayginawang Ingkong. Ang Ingkong ang pinagmulan ng kangkong.

ALAMAT NG LABANOS Si Baneng ay isang alipin na nagsisiibi sa mga Kastila. Ang pagsisiibi niya ang ipinambayad ng mga magulang sa pagkakautang sa amo niyang Kastila. Bagama't kayumanggi ang balat ay may pang-akit ang iwing ganda ni Baneng. Ito ang dahilan upang maibigan siya ng anak ng kanyang mga amo. Sa halip matuwa ay natakot si Baneng. Mayroon na kasi siyang kasintahan at nangako siya sa nobyo na matapos mabayaran ang utang ng mga magulang ay pakakasal na siya rito. Isang gabi aydumating ang kinatatakutan ni Baneng. Pinasok siya ng anak ng amo sa silid at pinagsamantalahan. Nang magbunga iyon ay wpinalayas siya sa malaking bahay. Si Bana ang bunga ng katampalasang iyon. Labis na dinamdam ng babae ang nangyari dahil nilayuan ito ng nobyo. Maganda si Bana. Maputing-mapula ang kulay ng kanyang kutis at makinis na makinis. Angat na angat ang kulay niya sa mga bata na tulad niya ay Pilipino rin. Gayunman ay labis na kinamumuhian ng ina si Bana. Tuwi kasing makikita ang anak ay na?.lala ang ama nito. Hindi nakatikim ng pagmamahal mula sa ina si Bana. Ang natikman niya ay ang galit at poot nito na sa ama na sa kanya ibinuhos. Walang pakundangan kung paluin siya ng ina sa munti man niyang mga pagkakamali. "Hindi ba ang sabi ko ay huwag kang lalabas ng bahay? Alam mong ayokong nakikipaglaro ka sa ibang bata pero lagi mo akong sinusuway!" anang babae habang panay ang hampas ng walls tingling kay Bana. "Mula nang dumating ka, nagulo na ang buhay ko. Mabuti pang namatay ka nang nasa tiyan pa kita!" "Mabuti pang hindi ka dumating sa buhay ko! Sana'y mawala ka na lang at hindi ko na makita!" ang madalas sabihin ni Baneng sa anak. Ang mga pangungusap ng ina ay tila matalim na kutsilyong tumatarak sa musmos na puso ni Bana. Walang oras na hindi siya umiiyak dahil sa sama ng loob. Isang umagang nagising ang ina ni Bana ay tinawag ang anak. Hindi na kasi nito nagisnan sa higaan ang bata. Pero hindi na niya ito nakita. Nagsisi rin naman si Baneng at hinanap si Bana ngunit hindi na siya natagpuan. Sa halip, sa likod-bahay nila ay may tumubong halaman na ang

bunga ay nasa ilalim ng lupa na parang nagtatago. Ang bunga ng halaman ay makinis atubod nang-puti. Naalala ng babae si Bana dahil sa halamang iyon kaya tinawag niyang bana ang bunga nito. Tinawag naman ng mga Kastila ang mga halamang iyon na Las Banas. Lumaon ay naging labanos ang tawag sa bunga ng halaman.

ALAMAT NG TALONG Sa isang malayong bayan nangyari ang na-kakabagbag-damdaming kasaysayan ng batang si Taleng. Ulila sa ama at ina ang batang si Taleng kaya naging palaboy ng lansangan. Minsang na-mamalimos ay nakatuwaan siya ng isang lasing. Pilit siyang pinagsasayaw ngunit ayaw ng bata. Nainis ang lasing kaya binugbog si Taleng hang-gang mawalan ng malay. Nang matagpuan si Taleng ay patay na. Inilibing ang bata na ang tanging palatandaan ay krus na ginawa ng mga nagmagandang-loob. Nakalimutan na ng mga tagaroon si Taleng. Na.;ala lang siya nang makita sa kanyang puntod ang isang maliit na puno. Ang bunga noon ay kakulay ng balat niya nang matag-puan siya matapos bugbugin. Mula noon aytinawag na taleng ang bunga ng halaman. Naging talong ang tawag dito nang lumaon. Kulay talong din ang naging tawag sa mga pasa mula sa-pambubugbog. Ang kulay ng talong ay paalala na minsan ay may batang nagbuwis ng buhay dahil sa isang taong walang puso.

You might also like