You are on page 1of 8

Pangungusap

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Sa linggwistika, ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.

Mga ayos ng pangungusap


May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Kung panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa dikaraniwan ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.

Karaniwan - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno.

Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Elsie.

Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.

Halimbawa:

Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan.

Uri ng mga pangungusap


Ayon sa pangungusap na walang paksa

Mga pangungusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Halimbawa: Mayroon daw ganito roon. Mga pangungusap na pahanga nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Kayganda ng babaing iyun! Mga sambitlang tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Aray! Mga pangungusap na pamanahon nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Maaga pa. Mga pormularyong panlipunan mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Halimbawa: Magandang umaga po.

Ayon sa kayarian
Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at langkapan. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri. Mga halimbawa:

Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa. Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista. Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan. Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa: Halimbawa:

Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook. Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa. Halimbawa:

Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang. Ang batang putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.

Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa. Halimbawa:

Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay. Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin. Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.

Iba pa
Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o paturol, patanong, pautos at padamdam:


nito.

Pasalaysay o Paturol: Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok(.) Patanong: Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari, at tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan Pautos: Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito.

Padamdam: Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa.

Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.

[baguhin]Mga

Bahagi ng Pangungusap

[baguhin]Simuno o Paksa Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Naglalaro si Crisanto ng ahedres. (gumanap ng kilos) Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda (pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa) Si Melody ay kumakanta sa liwasan ngayon. [baguhin]Panaguri Ang Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno. Ito ay maaaring: panaguring pangngalan panaguring panghalip panaguring pang-uri panaguring pandiwa panaguring pang-abay panaguring pawatas

Halimbawa: Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas. (pangngalan) Sila ang aawit sa misa. (panghalip) Malulusog ang anak niyang kambal. (pang-uri) Naglalabada ang kanyang ina. (pandiwa) Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat. (pang-abay) Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya. (pawatas)

Mga Kayarian ng Pangungusap


Payak

Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa. Halimbawa: Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.

Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap


Payak na Simuno at Payak na Panaguri
Halimbawa: Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.

Tambalang Simuno at Payak na Panaguri


Halimbawa: Si Ding at Dang ay matalino sa matematika.

Payak na Simuno at Tambalang Panaguri


Halimbawa: Si Toto ay matulungin at madasalin.

Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri


Halimbawa: Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.

Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo


Halimbawa: Umuulan! Sunog!

Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;). Halimbawa: Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang karamihan aygumagawa.

Langkapan
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa. Halimbawa: Tayong mga magkakagrupo ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang ating gawain. Dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating magtulungan upang tumatag ang ekonomiya.

Mga Ayos ng Pangungusap


Karaniwang Ayos
Ang panaguri ay nauuna sa simuno. Halimbawa: Mabilis magsampay ng damit si Nena.

Di-karaniwang Ayos
Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap. Halimbawa: Si Nena ay mabilis na nagsampay ng damit.

Paraan ng Pagpapalawak ng Pangungusap


Batayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.

Lagyan ng mga paningit


Kabilang sa mga paningit ay ang mga salitang: daw, Halimbawa: Nag-aral kaya sa math si Engelbert? kaya, ba, sana, at iba pa.

Gumamit ng pang-uri bilang panuring


Halimbawa: Nag-aral ng mabuti sa math ang batang si Engelbert.

Gumamit ng pang-abay bilang panuring


Halimbawa: Nag-aral ng mabuti sa math si Engelbert para sa darating na kompetisyon.

Mga Uri ng Pangungusap


Paturol
Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok (.). Halimbawa: Ang Asya ang pinakamalaking kontinente. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol. Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.

Pautos
Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.) Halimbawa: ]Anyo ng Pautos Dalhan mo ako ng pasalubong.

Pautos na Pananggi
Pinangungunahan ng salitang "huwag". Halimbawa: Huwag kang lalabas ng bahay.

Pautos na Panag-ayon
Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas. Halimbawa: Ipaluto mo si Marissa ng tinola.

Patanong
Ito aynagsasaad ng isang katanungan.

Anyo ng Patanong
Patanong na masasagot ng OO o Hindi
Halimbawa: Kumain ka na ba?

Pangungusap na Patanggi ang Tanong


Halimbawa: Hindi ka ba papasok? Hindi ka ba kakain dito?

Gumagamit ng Panghalip na Pananong


Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: Halimbawa: Ano ang iyong kinain kanina? Alin ang pipiliin mo? ano, alin, sino, saan at iba pa.

Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong


Halimbawa: Siya ba ay pupunta rin? Tayo ba ay aalis na?

Tanong na may Karugtong o Pabuntot


Halimbawa: Kumain ka na, hindi ba? Dumaan ka na dito, hindi ba?

Pakiusap
Ito ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap. Halimbawa: Maaari po kayong umupo. Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas. Maaari po ba akong lumabas bukas?

Padamdam
Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku! Magnanakaw!

Pangungusap na Walang Paksa


Pandamdam
Nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Ay mali!

Pakiusap
Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap. Halimbawa: Pakiabot nga.

Eksistensyal
Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala. Halimbawa: May tao sa loob.

Temporal
nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan na itong mga adverbial
na nagsasabi ng....... *Oras,araw, petsa

halimbawa:

Umaga na. Bukas ay Sabado. a sais pa lang ng umaga. Ika-8 ng pebrero ngayon.

*Panahon, selebrasyon halimbawa:

Bagong taon na bukas Kaarawan ko sa makalawa. Pasko na sa Lunes. Magbabakasyon lang.

Penomenal
Ito ay nagpapahayag ng pangyayari. Halimbawa: Lumindol sa Africa. Bumabagyo sa Bikol.

Pormulasyong Panlipunan
Ito ay nagpapahayag ng paggalang. Halimbawa: Makikiraan po. Tao po. Salamat po.

Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa. Ang pangungusap ay may dalawang bahagi: Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap. May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari. Panaguri (predicate) ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano tungkol sa simuno. Halimbawa: Simuno Panaguri
Ang mga bata ay tumatakbo.

Ayos ng Pangungusap Karaniwang Ayos ng pangungusap kung ang nauuna ay ang panaguri kaysa sa simuno/paksa. Hindi ginagamitan ng salitang ay. Halimbawa: (panaguri) Bumili ng tinapay ang bata. (simuno)

Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap kung nauuna ay ang simuno kaysa panaguri at ginagamitan ng panandang "ay". Halimbawa Ang bata ay bumili ng tinapay. (simuno) (panaguri) Mga Uri ng Pangungusap Paturol o Pasalaysay ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.). Halimbawa Tumakbo ng mabilis ang aso.

Pautos ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.). Halimbawa Kunin mo ang aking damit sa lalagyan.

Anyo ng Pautos Pautos na Pananggi Pinangungunahan ng salitang "huwag". Halimbawa: Huwag kang lalabas ng bahay.

Pautos na Panag-ayon Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas. Halimbawa: Ipagluto mo si Anna ng adobo.

Patanong ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?). Halimbawa Anyo ng Patanong Patanong na masasagot ng OO o Hindi Halimbawa: Naglinis ka na ba ng bahay? Bakit ka umiiyak?

Pangungusap na Patanggi ang Tanong Halimbawa: Hindi ka ba papasok?

Gumagamit ng Panghalip na Pananong Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: pa. Halimbawa: Ano ang iyong ginagawa kanina? ano, alin, sino, saan at iba

Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong Halimbawa: Tayo ba ay aalis na?

Tanong na may Karugtong o Pabuntot Halimbawa: Dumaan ka na dito, hindi ba?

Padamdam ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku! Halimbawa: Naku, nalulunod ang bata!

Pangungusap -lipon ng mga salitang binubuo ng buong diwa. Bahagi ng Pangungusap Simuno/Paksa - ang pinag-uusapan sa pangungusap Panaguri - nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ha. Itapon mo ang basura ang basura - ang paksa ng pangungusap sa itaas itapon mo - ang panaguri ng pangungusap sa itaas Dalawang ayos ng Pangungusap 1.Karaniwang - ayos - nauuna ang panaguri na sinusundan ng paksa o simuno 2.Kabaligtarang - ayos - nauuna ang paksa o simuno na sinusundan ng panaguri. Apat na Kayarian ng Pangungusap 1.Payak - binubuo ng isang diwa lamang.

hal. Humanga siya sa iyo. 2.Tambalan - binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa. Pinaguugnay ito ng mga pangatnig na sapagkat, at, pati, dahil sa, ngunit, subalit, datapwat, bagamat at o. hal. Napapahalagahan nila ang mga mamamayan sapagkat sinabi ng mga ito ang kanilang karaingan. 3.Hugnayan - Binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa na sinasamahan pa ng isa o mahigit pang katulong na sugnay. Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na kung, kapag, pag, nang, upang, kaya, gayon at habang. hal. Kung di ka makaalis ngayon, sabihin mo lang sa akin. 4.Langkapang Pangungusap - binubuo ito ng dalawa o mahigit pang punong sugnay na kapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na pantulong o sugnay na di makapg-iisa. hal. Pinapahalagahan ngayon ang mga magsasaka dahil sila ang nagbibigay ng pagkain sa buong bansa kaya maypagpupulong ngayon.

You might also like