You are on page 1of 1

Kabanata XIV

Sa Bahay ng mga Mag-aaral


Buod

Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na


ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad
at pag-uugali.

Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa


isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani,
Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang
kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling,
samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may
malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.

May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang
nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng
grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan
sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si
Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na
matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang
manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan.

Mga Tanong at Sagot

1. Sino si Sandoval?

Sagot

Isang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos ang pag-aaral sa


Maynila.

2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez?

Sagot

Isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan.

3. Anong ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon
sa inilarawan sa kwento?

Sagot

Sila ay mapagkumbaba.

You might also like